38 : Welcome to the Black Parade
Chapter Theme - Welcome to the black parade - MCR (emo kings foreva)
3:04 PM
The Cream Team
Reika:
Ano na?
Tuloy ba tayo?
Sawyer:
tinapos ko pa exam ko
otw to magno's
Magno:
Haji:
Daanan mo rin ako
Jethro:
Maya na ako
Reika:
Jethro, you chose the wrong time to come out of the closet
Jethro:
MAMAYA
Magno:
wala nang bawian hahahaha
Sawyer:
Wala na ba iba sasabay sa atin?
Reika:
Sasabay si Slade.
AND PLEASE WAG NATING PAG-USAPAN ANG WAVE SYNDICATE
O KAHIT NA ANONG BAND INSTRUMENT
ISANG BANGGIT AT MANANAPAK AKO
Sawyer:
Someone's being caring hahaha
Magno:
Sumbong kay Lolo hahahaha
Reika:
i'm serious
Sawyer:
Noted
Magno:
Copy
Haji:
Captured
Jethro:
What the hell haji?
Haji:
What? It makes sense
Reika:
Good
Magno:
Papunta na kami diyan Rei
Haji:
Hoy paano ako????
Magno:
Dumaan na kami sa inyo
Haji:
OH COME ON!!!
Magno:
Sabi mo daanan ka eh
Gusto mo banggain ka namin?
Reika:
RUN HAJI RUN HAHAHAHAHA
Jethro:
Ang kambal pala ni Slade?
Magno:
At nagpanggap pa siyang di alam ang pangalan ni Elemento
Reika:
HEYYYY!!
Magno:
Di ka boto kay Jethro?
Paano sa akin? Boto ka?
Haji:
Walang nagmamahal sa'yo uy
Reika:
Ako lang ang pwedeng tumawag sa kanya ng elemento!
shut up haji, di ka love ni braylee
Haji:
Magno :
Jethro:
Si Apollo?
Reika:
Andun, di nahihiwalay sa grupo nila. On duty
Haji:
Dapat andun din ako kasama ni bray
Reika:
Gago mabasa to ni hawthorn lagot ka hahaha
Haji:
WALA AKONG PAKIALAM!
LINTIK KA DENVER!
Tawa ako nang tawa dahil kay Haji. Magre-reply pa sana ako nang bigla akong nakatanggap ng tawag mula kay Lolo kaya naman mabilis ko itong sinagot.
"Apo, may nauna na sa aking magbigay ng burial at housing assistance sa mga Emanuel. I had someone to do a background check and it turned out to be a man named Robert Valverde, a former Governor of Vienna. He's been helping out the family for the last two years, even paid for Braylee's tuition fee until Graduation," sabi ni Lolo mula sa kabilang linya kaya naman napatango agad ako. It made sense.
"I guess that's Piper's Dad." Hula ko. "Piper is Braylee's best friend, the mommy-kind-of-friend I told you about." Tumayo ako at humarap sa salamin. Pinagmasdan ko ang sarili habang suot ang long-sleeved black dress na hanggang tuhod. Pinaibabawan ko naman ito ng extra kong black denim jacket.
"Looks like hindi lang ikaw ang gustong makatulong sa mga Emanuel. You have nothing to worry about, Reika. Next week naman, uuwi ako diyan at ako mismo ang kakausap sa school boards na ikansela ang suspension para kay Lucho. Your buddy will get the help he needs." Grandpa assured me kaya naman napangiti ako.
"Thank you Gramps... Thank you for always helping them."
Grandpa chuckled from the other line. "You deserve the credit too. I wouldn't even know these kids if it wasn't for you. I'm proud of you, child. Keep on following that heart of yours."
Mariin akong napapikit. I felt guilty all of a sudden. Guilty over the fact that Grandpa does everything for me but there I was, keeping a secret from him.
"Love you Gramps. See you next week." And with that I ended the call with a heavy heart. It felt like I was betraying the only parent who never left my side since day one.
Bigla akong nakarinig ng katok sa pinto at nang buksan ko ito, nakita ko si Slade na umiinom ng chocolate drink niya sa pamamagitan ng straw. Mukhang handa na siyang umalis dahil nakasuot na ito ng ripped jeans at over-sized black shirt.
"You okay?" Tanong niya kaya bumusangot ako at umiling.
Pumasok si Slade sa silid at isinara ang pinto. "Talk."
Huminga ako nang malalim at bumuntong-hininga. "I hate this. Keeping everything a secret from Gramps. It feels like i'm betraying him and it's killing me. Kahit si Magno dinamay ko. Gustong-gusto kong sabihin sa kanya na civil na ulit kami ni Papa kaso... ugh!" Marahas akong napakamot ako sa ulo ko dahil sa inis.
"Attorney Magno seems like a reasonable man and besides, he loves you. He'll understand." Slade assured me pero mabilis akong umiling.
"You don't get it. Grandpa hates—no— he abhors my Dad. Grandpa never blatantly talked crap about Dad but I always felt it from the way he talked about Dad and his job, or lack thereof. The only thing he likes about my Dad is Me. Other than that, he always viewed Dad as a lazy asshole who knocked his daughter up and abandoned his dying grandchild at the hospital." Pabulong kong sambit dahil baka marinig pa kami ni Daddy.
"But music has always been Uncle's passion? What happened to your Grandpa's follow your heart mantra?" Kunot-noong tanong ni Slade.
"Dad had Mom and I already. In Grandpa's eyes, we should've been the top priority." I shrugged as I sat on the edge of my bed.
"Ingat, baka mauntog ka na naman." Paalala ni Slade kaya agad akong napatingala sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"I'm not my Bubbles." Umingos ako pero nabuntong-hininga na lang nang maalala ang sitwasyon ni Braylee. "Bahala na nga! Next time ko na 'to po-problemahin. Si Bubbles muna dapat ngayon."
It was an onslaught of heartbreak for Braylee. Warren was just diagnosed with Huntington's Disease, Lucho attempted suicide, and then her brother just died. We never even had any idea that she had a sick brother.
"Sure kang sasama ka?" tanong ko.
"Oo naman." Kunot-noo niyang sambit at muling sumipsip mula sa kanyang straw.
"Where's your jacket?" Tanong ko.
Lumunok siya bago muling sumagot. "Kailangan ba talaga?"
"Yes." I answered flatly. Tutal malapit lang naman sa akin ang cabinet ko, binuksan ko ito at kinuha ang brown denim jacket ko na may hoodie pa sa ibabaw. It was over-sized at panlalake naman ang cut kaya pwedeng-pwede sa kanya. Mabilis ko itong isinilid sa backpack ko.
Bago pa man ako ulit makapagsalita, biglang umalingawngaw ang malakas na busina ng sasakyan mula sa labas. I knew right then who it was. Ang bilis talagang magpatakbo ng ulol.
"They're here. Let's go." I grabbed my black hoodie and backpack right away. Palabas na ako ng kwarto nang maalala ko siya kaya agad
Pagbaba namin ni Slade, nadatnan namin si Daddy na mula sa kusina dala ang isang paper bag.
"Ano 'to?" tanong ko.
"Pagkain sa byahe para huwag kayong mainip. Mag-iingat kayo lagi. Sino ba ang driver ninyo?" tanong pa ni Daddy. It felt so weird to have someone acting like a strict Dad aside from Gramps and Magno. Sanay kasi akong ang mga ito ang umi-interrogate sa akin kapag may mga lakad akong malayo-layo.
"Si Sawyer. Okay 'yon mag-drive." Paniniguro ko.
"Eh si Silver? Hindi ba sasama sa inyo?" Tanong pa ni Daddy.
"Sa iba po ata siya sasabay. Mamayang 6pm pa po kasi ang out niya, hindi rin naman siya pwedeng umabsent." Si Slade naman ang sumagot.
"Hindi n'yo ba talaga gustong ipagpabukas ang pakikiramay sa kaibigan ninyong namatayan? Alas-tres na ng hapon oh? Baka madaling-araw pa kayo makauwi rito?" Tanong muli ni Daddy, halatang gusto kaming pigilan na umalis. Napairap ako at nang akmang magsasalita, biglang tinakpan ni Slade ang bibig ko.
"Okay lang 'yan Uncle, wala kang dapat ipag-alala." Nakangiting paniniguro ni Slade sabay bitiw sa akin.
Tumawa si Daddy at tiningnan kaming dalawa. "Para talaga kayong magkapatid."
"Hindi ah!" Sabay naming bulalas ni Slade kaya mas lalo pang natawa si Daddy.
Wala nang patutunguhan ang usapan kaya lumabas na ako at nagsuot ng sapatos. Nawala ang upuan sa tabi ng shoe rack kaya pilit kong ibinalanse ang sarili habang nagsusuot ng sapatos, buti na lang at sumulpot si Slade sa tabi ko kaya naman mabilis akong napahawak sa likuran niya.
"Ingat." Paalala niya at kinuha ang kamay ko, hinawakan ako sa pulsuhan. Pakiramdam ko'y hindi ito sapat kaya humawak na ako sa mismong kamay niya. Humawak naman siya pabalik sa akin, mas mahigpit.
Nang matapos, hawak pa rin ni Slade ang kamay ko. Bigla akong kinabahan kaya mabilis kong inagaw ang kamay ko at lumabas na ng gate. Saktong nakita ko agad si Haji na lumabas mula sa nakaparadang van. Gaya namin naka-itim din ito.
"Diyos ko!" Sumigaw ako sabay sign of the cross.
"Nakakasakit ka na ha!" Bulyaw ni Haji kaya naman agad akong natawa.
"Ilakad kita kay Braylee?" Biro ko at lumiwanag naman bigla ang mukha ni Haji.
"Maasahan ka talaga!" At niyakap pa ako ng bumbay. Dahil mas matangkad, naangat pa ako nito sa ere. Nakonsensya tuloy ako bigla. Naniwala ba naman sa biro ko.
Pilit akong nagpumiglas kaya naman binitiwan ako nito. Muntikan pa akong mabuwal sa kinatatayuan pero mabuti na lang at sumulpot na naman si Slade sa tabi ko at hinawakan ang likod ko bilang alalay.
"Pagamit muna ng CR! Hindi ako nakaihi sa sobrang pagmamadali!" Paalam ni Haji kaya natawa na lang ako nang nagtatakbo ito papasok ng bahay na parang kiti-kiti.
Naupo ako sa backseat at tumabi naman sa akin si Slade. Slade was already cool with them kaya nagfist-bump pa ang mga ito bilang pagbati sa isa't-isa. Hindi rin naman ako nagpahuli, bilang pagbati, isiniksik ko talaga ang sarili ko sa gitna ng mga upuan nina Magno at Sawyer at isa-isa silang hinalikan sa pisngi.
"Kadiri!" Gaya ng inaasahan, nagsigawan ang dalawa at marahas na nagpunas ng mga pisngi dahil sa sobrang pandidiri.
"Reika ayoko ng virus mo!" Kulang na lang magmura si Sawyer habang nagpupunas ng pisngi.
"Ampucha sinong may alcohol?!" Iyak naman ni Magno.
"Arte ninyo uy!" I laughed as I sat back. It was the reaction that I expected from them, annoying each other has been our way of bonding ever since we were kids.
Napatingin ako kay Slade at nakunot ang noo ko nang mapansing masama ang tingin nito sa akin.
"What?" Pabulong kong sambit at tinaasan siya ng kilay.
Hindi siya kumibo at umiwas ng tingin. Naalala siguro ang trauma niya mula sa akin.
Ibinalik ko ang tingin kay Magno at naalala ko ang injury niya.
"Magno, you can't be sitting there with an injury like that." I called him out right away.
"Mas gusto ko rito. Pakihawakan nga lang ang saklay ko hehe." Inosente itong humalakhak at inabot pa sa akin ang saklay niya.
Magsasalita pa sana ako nang biglang dumating si Haji, pangiti-ngiti na parang timang. Tawang-tawa kami dahil hindi talaga siya pinapasok ni Sawyer hangga't sa hindi ito nakakapag-alcohol. Nang pagbuksan siya ng pinto, mas pinili niyang pumwesto sa upuang nasa likuran namin, palibhasa ang sasakyang dala ni Sawyer ay ang 7-seater Hyundai Santa Fe ng Daddy niya.
Nang pinaandar ni Sawyer ang makina, bigla kong napansin ang suot naming lahat. "At talagang naka-black tayong lahat... Saan tayo sasayaw?" Biro ko kahit na alam kong may rason naman kung bakit kami nakaitim lahat.
"To Join the black parade!" Pakantang sagot ni Magno.
"I'm so proud of you." Biro ko kay Magno at pumalakpak pa. But hey, lagi naman talaga akong proud sa kanya.
"Akin Rei? Di ka proud?" tanong ni Haji at inilapit pa ang mukha sa tenga ko kaya mabilis kong tinulak palayo ang mukha niya.
"Guys!" Sigaw ni Magno at nang mapatingin kami sa kanya, nakita naming nakataas na ang cellphone niya upang kumuha ng litrato namin.
"Say Welcome to the black parade!" Sigaw ni Haji at inakbayan kaming dalawa ni Slade at isiniksik ang mukha niya sa pagitan namin.
"Welcome to the black parade!" We yelled and Laughed as Magno took photos.
▬ end of 38// thank u ▬
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro