37 : The little sht
Chapter Theme : Contagious - Boys Like Girls
"Reika! Gising na sabi! Breakfast na!"
Pikit-mata akong nagsisipa, umaasang matatamaan ko si Silver pero sa huli tumama lang paa ko sa bakal na haligi ng kama. Napahiyaw ako nang todo dahil sa labis na sakit, nawala rin bigla ang antok ko.
"Yan! Buti nga sa'yo!" At pinagtawanan pa ako ng elemento.
"Anong oras na ba?" Naupo ako at marahas na napakamot sa ulo ko.
"It's almost 9am. Don't you still have classes?" Tanong niya kaya naman humiga ako ulit sa kama at yumakap sa unan ko. "At aabsent ka na naman?" Sarcastic niyang dagdag.
"I have a hangover. Don't tell my Father." Pikit-mata ko ulit na sambit.
"Bumaba ka na lang. At least show your face para 'wag mag-alala si Uncle." Pagpupumilit pa ng elemento.
Gaya ng palaging nangyayari, napilitan na naman akong gawin ang gusto ng elemento. Nakakapagod na rin kasing makipagtalo kaya mas mabuti pang pagbigyan na lang.
I was still groggy so Silver had to guide me down to the stairs and into the dining room. Pag-upo ko, nawala ang lahat ng antok ko nang makita si Slade na nakaupo sa tapat ko. Umiwas agad ito ng tingin nang magtama ang mga mata namin.
Naalala ko ang ginawa ko kagabi lalo na ang naging reaksyon niya kaya muntikan akong matawa nang malakas. Lakas ng loob manakot tapos titiklop naman pala kapag hinalikan nang totohanan. Parang si Lucho lang noon.
"Reika, masama ba ang pakiramdam mo? Tagal mong nagising ah?" tanong ni Daddy na nasa harapan ng stove at naglalagay ng ulam sa bowl.
"I actually don't remember anything from last night." I lied flawlessly, even looking up and pretending like I was trying to remember.
I looked at Slade only to see him sigh in relief. Muntikan na naman akong matawa kaya nagpanggap na lang ako na inuubo.
"Looks like you have a cough too. Pa check-up tayo?" tanong ni Daddy kaya agad nakunot ang noo ko at napalingon sa kanya. Kahit ang kambal nagulat din sa sinabi niya.
"Para ubo lang check-up agad?" Sarcastic at pabalang kong bulalas. I knew Dad was trying to be a parent to me he was just overdoing it.
"Uncle, utak po ang kailangang ipa-check sa kanya." Walang emosyong biro ni Silver. Akala ko gagatong si Slade gaya ng nakagawian kaso tumahimik lang ito.
Umayos ako ulit ng upo at tumingin kay Slade na tahimik lang na umiinom ng kanyang kape habang nakatitig sa mesa. Parang balisa at malalim ng iniisip. Mukhang na-truma ata sa halik ko.
I couldn't help but crack a little laugh.
"Ano problema mo?" Silver looked disturbed while looking at me.
"Wala, may naalala lang akong joke ni Lucho boy." I shrugged as I allowed myself to grin like a fool.
"Sinong Lucho?" Tanong ni Daddy nang maupo siya sa mesa. Tapos na kasi niyang maihain ang lahat ng pagkaing niluto niya. Mukhang sa kanya natuto si Slade.
"Anak ni Juday." Kaswal kong biro.
"Sinong Juday?" Dad asked curiously kaya tuluyan akong natawa. Nakakapagod ding magpigil ng tawa eh. "Baka mamaya boyfriend mo pala 'yang Lucho at di mo lang sinasabi ha?" Biro ni Dad kaya agad naglaho ang ngiti sa mukha ko.
"No. Just no." Umiling agad ako. Lucho's like my not so baby brother from another universe.
Nakakakilabot na ang usapan namin at baka saan pa mapunta kaya napatingin na lang ako kay Slade. Pansin kong tahimik pa rin ito at tinapay na ang kinakain.
"Need help, demonyo?" tanong ko kaya saglit na napatingin sa akin si Slade, umiling at agad na umiwas ng tingin. Kahit ako, umiwas din ng tingin at lihim na natawa. Kawawang Slade, na-trauma nga talaga sa akin.
****
Pagkatapos uminom ng kape at kumain nang kaunti, bumalik ako sa kwarto at dumapa sa kama. Akala ko makakatulog na ako pero sinundan talaga ako ng elemento at naupo sa paanan ko.
"Ano na naman?" I grunted.
"I'm not blind. What's going on between you and Slade? Nag-away kayo?" pabulong niyang tanong kaya natawa ako at naupo na lang. "Reika! Kwento muna bago tawa!" giit niya.
"Shhh!" Hinampas ko agad ang braso niya.
I looked over the door just to make sure that it was close. Tumingin ulit ako sa kanya habang umaangat ang mga balikat ko at napapanguso ako sa sobrang pagpigil ng tawa.
"Reika." Silver glared at me.
"Don't tell anyone, okay?" I chuckled as I whispered. "Do you remember the Lucho incident?"
Silver squinted like she was trying to recall something. "When you both attended a concert and Lucho ended up in the hospital dahil walang sumalo sa kanya nang sinubukan niyang mag crowd-surf?"
Lalo pa akong natawa nang maalala ulit ang pangyayaring iyon. Hayop na Lucho, sabing 'wag mag crowd-surf kaya sa sahig tuloy ang bagsak.
"Nope. 'Yung nangyari sa birthday niya last year." Pagtatama ko. "Whe he warned me that he'll kiss me kung hindi ako kakanta, nainis ako kaya hinalikan ko siya. Trauma tuloy si Masipag." Paalala ko.
"Wait, so you kissed my twin?" Pabulong na bulalas ni Silver. Parang masusuka ata.
Natatawa akong tumango. "Pinag-tripan niya ako kahapon eh. And then when I got home from the party, I got annoyed at him kaya gumanti na talaga ako. In my defense, I was drunk too, alam mo naman nagagawa ko kapag lasing. Hayun, na-trauma ata ang kambal mo sa akin." I shrugged as I whispered. "It was just a simple kiss though, no malice at all."
"Kadiri pa rin kayo!" Todo ngiwi si Silver kaya naman tawang-tawa ako lalo. "Iba talaga takbo ng utak mo no?" Pabalang niyang bulong at dinuro pa ang sentido ko.
"I was drunk okay? Alam mo naman ako, lalong nababaliw 'pag lasing." Natatawa kong katwiran.
"Sana hindi na lang ako nagtanong." Umismid pa ang loka at umarteng parang naduduwal kaya pinalo ko ang likod niya. Gaya ng inaasahan, hindi nagpahuli ang multo at pinagkukurot ako. Para kaming mga tangang tawa nang tawa habang nagsisigawan.
****
Silver had to leave for school while Dad had to run another errand back in Redwood kaya naman naiwan ulit kami ni Slade na kami lang sa bahay. Pero kahit kaming dalawa lang, hindi ko siya nakikita dahil hindi rin naman ako lumalabas sa kwarto dahil masakit pa ang ulo ko.
Nagising ako dahil sa gutom. Out of reflex, kinuha ko ang cellphone ko at nalamang alas-tres na ng hapon. Bukod dito, may message pa ako mula kay Slade.
Villafranca #2:
Masama pa rin pakiramdam mo?
Gutom na ako
Mabilis akong napabangon ngunit nakalimutan kong nasa ibabang parte ako ng bunk bed kaya naman nauntog ako nang malakas. Sa sobrang lakas, naupo ako ulit sabay sapo ng noo ko. Hilo man, bumangon pa rin ako at bumaba sa sala. Naabutan ko siyang nakaupo sa sahig habang nanonood ng TV.
"Pa-deliver tayo?" Tanong ko habang sapo pa rin ang noo ko.
Napalingon siya sa akin at kunot-noo akong tiningnan. "Anong nangyari sa'yo?"
"Nauntog lang. Pizza or Rice Meal? I could order some chicken curry too." Tanong ko pero imbes na sumagot, tumayo si Slade at lumapit sa akin, walang kaemo-emosyon ang mukha.
Sa isang iglap, bigla akong kinabahan at nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa ko kaninang madaling-araw. Sigurado dahil kaming dalawa na lang at wala na kaming ibang kasama.
Nang akmang hahawakan niya ang noo ko, kaswal akong umiwas at patalon na naupo sa sofa. Itinaas ko pa ang paa ko para isipin niyang chill na chill lang ako kahit pa ang totoo ay malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.
"Or do you want Pochero? Diba paborito mo 'yon?" tanong ko pa sabay kuha ng remote at lipat ng channel.
"Kung anong gusto mo." He said, not really answering my question.
Para akong nakahinga nang maluwag nang naglakad si Slade patungo sa kusina. Ibinalik ko sa cartoon network ang channel dahil alam kong nanonood ng cartoons ang demonyo. Nagsimula akong magtipa sa cellphone ko nang muli siyang bumalik at naupo sa tabi ko.
"Ordering now." Kaswal kong sambit.
"Ok." Tipid niyang sambit at nagulat ako bigla na lang niyang idinampi ang isang malamig na bagay sa noo ko.
"Masakit!" Reklamo ko nang mapagtanto kong isa palang ice bag ang hawak niya. Imbes na ilayo ito sa akin, tumawa lang ang demonyo.
"'Wag ka kasing malikot." Aniya at ramdam ko namang magaan lang ang pagpatong niya ng ice bag sa noo ko. Hindi niya ito binibitiwan.
"Ako na!" Reklamo ko lalo't alam kong hindi siya sanay na ginagamit ang kaliwa niyang kamay. Kaso imbes na ibigay niya ito sa akin, tumayo siya at itinaas ito upang mailayo sa akin.
Sa huli, hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin. Nagpatuloy ako sa pagtitipa sa cellphone upang umorder, siya naman naupo ulit sa tabi ko at marahang idinampi sa noo ko ang ice bag.
"Bahala ka kung mangalay ka." I spat out bitterly but he just chuckled.
After ordering, I focused all of my attention on the cartoon show that we were watching, Slade did too. Good thing Magno loves cartoons too kaya naman pamilyar na ako sa The Amazing World of Gumball.
Sa una, tahimik lang kaming dalawa ni Slade sa panonood ngunit kalaunan nagtatawanan na kami. Next thing I know we were already talking and playfully arguing with each other again, gone was the awkward wall between us. I guess nawala na rin ang trauma niya sa ginawa ko at kinalimutan na rin niya. Buti na lang.
Nang dumating ang pagkain na inorder ko, sinubuan ko na ulit si Slade. Lakas loob na ding nagde-demand ang demonyo, nag-uutos ng kung ano-ano.
***
Kinagabihan, pagkatapos naming maghapunan kasama sina Silver at Daddy, balik na ulit kami sa dating gawi. Pagkatapos niyang maligo at magsuot ng pang-ibabang damit, pumasok ako at tinulungan siya sa pagsusuot ng t-shirt niya. May progress din naman siya kahit papaano dahil nakakaya na niyang tanggalin ang plastic cover na inilalagay niya sa kanyang cast sa tuwing naliligo.
"Thanks." Kaswal niyang sambit nang maisuot ang t-shirt niya.
"May bayad 'to uy." Biro ko at tinuro ang dulo ng kama niya. Naupo naman agad siya rito gaya ng nakagawian.
Gaya ng nakasanayan, gumamit ako ng hair dryer para sa kanyang buhok. Paminsan-minsan, sinasadya kong patamaan ng hangin ang leeg niya dahilan para mangisay siya na para bang uod. Panay ang reklamo niya samantalang panay naman ang tawa ko.
"Makakalbo yata ako dahil sa'yo!" Pasigaw niyang biro lalo't hindi rin kami halos magkarinigan.
Slade never ran out of requests. Knowing Slade, I knew he wasn't just enjoying treating me as his slave. He was doing me a favor. I could tell that he was just letting me help him because he wanted me to have a way to ease my guilt from his accident. He never said it but I could always tell.
Nang matapos ako sa buhok niya, inayos ko naman ang kama niya. Kukunin ko na sana ang mga marumi niyang damit nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Gayfriend:
I fucked up! I really fucked up!
"Sa kwarto lang muna ako." Paalam ko agad kay Slade.
****
Nang magising ako, mabilis kong tiningnan ang cellphone ko. Alas-singko na ng umaga pero pakiramdam ko'y wala pa rin akong pahinga, palibhasa halos magdamag akong gising dahil sa pag-aabang ng balita tungkol kay Braylee. Nawala raw kasi ito matapos silang mag-away. Nagawa ko lang makatulog nang sinabi nilang nahanap na ito.
Nakita kong may mensahe pala ako mula kay Riley.
Gayfriend:
Lucho shot himself last night
Attempted suicide
We're still at the hospital
Napatulala ako dahil sa nabasa. Hindi ako makapaniwala sa nabasa pero alam ko namang walang rason si Riley para masinungaling.
Nanginig ang mga kamay ko at nanikip ang dibdib ko dahil sa nalaman. Lucho and I weren't the closest but we always understood each other, so much that we ended up becoming concert buddies.
I always noticed it... the sadness in Lucho's eyes whenever he laughed and cracked a joke but it never occurred to me how deep he was into the abyss.
I was still in shock but still I mustered up the strength to call Grandpa. Alam kong sa puntong iyon, kailangang may gawin ako. He was out of reach, probably because of the different time zones, so I just left him a voice mail.
"G-gramps, my friend Lucho tried to kill himself last night. He's a good kid, he really is. F-filimon Heights isn't that big so maybe you could use your connections to do damage control? I.. I don't know what else to do... I want to help but I don't know how to help."
My mind went haywire. Pagkatapos mag-iwan ng mensahe kay Lolo, dali-dali akong nagbihis. Ni hindi ko na ginising si Silver at sinabihan kahit pa kaibigan niya rin si Lucho. Dali-dali akong bumababa at nagulat ako nang madatnan ko si Slade na sala at nakatitig lang sa hindi umaandar na TV. He didn't even notice me.
The sadness I saw Lucho's eyes... I saw it in Slade too ever since the accident.
"Slade..." My voice came out soft as my eyes felt like they were on the verge of tears.
Napatingin siya sa akin, halata ang gulat sa mukha. "Uy andiyan ka pala... Aalis ka?" tanong niya agad.
"Breakfast with Piper." I lied flawlessly. Baka kasi sumama pa pagsumamang sa ospital ako pupunta. "Why are you here? Hindi ka ba makatulog?" Pilit kong tinatagan ang sarili ko habang nagtatanong.
Ngumiti si Slade at umiling. "Just thinking...." He was smiling but the sadness in his eyes were there... they were always there.
My hands balled into fists as I took a deep breath. I bit my lower lip as I tried to hold my emotions in.
"Reika, are you okay?" Tanong niya habang nakatingala sa akin.
Huminga ako nang malalim at naupo sa kanyang tabi.
As we sat sad by side, our eyes were fixed on each other.
I smiled at him. "For the first time in a long time, I actually felt remotely okay and it's all thanks to you. Thank you for meddling. For trying to help me when I thought I didn't need it. For always trying to climb over the walls I built around myself. Just so you know, I'm always willing to do the same for you and Silver." My lips were trembling as my eyes began to water. "Slade, you don't have put a wall around you. You don't have to wear a mask. What you're going through isn't easy but I promise you, you're not alone in this. You have Uncle. You have Silver. You even have me, after all, I'm the little shit in your life."
"Slade, lagi kitang pinagt-tripan at inaasar pero andito lang naman ako lagi. Kung may gumugulo man diyan sa isip mo, sabihin mo lang sa akin at makikinig ako. Wala man akong matinong maipapayo, pero lagi naman akong makikinig. Magsabi ka lang." I chuckled a little. "I'm not going to let you hide behind that wall. It's either I break it or you break it, or I climb right over it." Panggagaya ko pa sa sinabi niya sa akin noon.
A small smile appeared on Slade's lips as his eyes remained looking at me.
All of a sudden, I felt awkward. Bumalik na naman ang kaba ko kaya tumayo na ako at pabirong ginulo ang buhok niya. Hindi ko na hinintay ang reaksyon niya. Umalis na agad ako at nagtungo sa ospital.
▬ end of 37// thank u ▬
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro