30 : Bridging
11:34 PM
Villafranca #1:
Kailan ka babalik dito?
Reika:
You're a disgusting roommate
Villafranca #1:
Ayaw mo bang makita si Slade?
Reika:
Kung ayaw kong makita si Slade, tinakpan ko na ng sako mukha mo.
Villafranca #1:
Hindi kami magkamukha ni Slade
Reika:
And Magno's name isn't weird
Villafranca #1:
Okay magkahawig kami nang konti ni Slade
Mas cute lang ako
Reika:
Multo ka, demonyo siya
Villafranca #1:
Sige naaaaaaaa
balik ka na dito ulit
Reika:
Di ako sanay sayo. Umayos ka at mauupakan kita
Villafranca #1:
Di ako sanay matulog mag-isa sa kwarto huhuhu
Reika:
Kadiri ka!!! Nasapian ka na ba talaga???
Kinikilabutan ako sa huhuhu mo, multo talaga naiimagine ko
Villafranca #1:
WAG KA MANAKOT!!!
Reika:
Hala ka, may sisitsit sayo mula sa aparador
Villafranca #1:
REIKA!! NATATAKOT NA AKO HUHUHU
Reika:
Wow ha, nahiya ang multo sayo
Villafranca #1:
Wala akong kasama dito sa kwarto kaya samahan mo na ako
Reika:
Meron kang kasama diyan :)
nasa ilalim ng kama, lalabas siya kapag tulog ka na
Villafranca #1:
BWISIT KA LAMOYON?
Reika:
Papuntahin ko diyan si Haji?
Villafranca #1:
YUCK
Reika:
Si Sawyer?
Villafranca #1:
YUCK DIN
Reika:
Si Magno?
Villafranca #1:
Weird
Reika:
WOW NAMAN SILVERIANNE
Si Apollo?
Villafranca #1:
May Piper na yon
Reika:
Si Cohen?
Villafranca #1:
KADIRI
Reika:
SI Jethro?
Villafranca #1:
Isa pa 'yon. Parang bato.
Reika:
Ikaw hindi?
Villafranca #1:
Balik ka na kasi dito
Reika:
Bahala ka
Goodnight sa inyo ng multo sa ilalim ng kama mo
Villafranca #1:
reika naman eh!!!
Tawang-tawa ako kay Silver. Hindi naman talaga siya malamig at walang emosyon sa lahat ng panahon, marunong din naman kasi siyang malambing at magbiro lalo na kung may kailangan... o kapag gusto niya akong patawanin.
I deeply regret all of the hurtful things I told Silver. I wanted to apologize for calling her a bitch but just thinking about it makes me feel so ashamed. Silver and I aren't the type to talk and pour our feelings out as well. So instead of words, I've decided to apologize through changed behavior. From then on, I promised to be better friend to her. Come to think of it, Silver wasn't just a friend, she was like my sister already.
Reika:
sleepover lang
****
Dahil gabing-gabi na at wala pa akong motor, nagpahatid ako sa isa sa mga helper ni Lolo patungo sa bahay nina Silver. Wala na akong pakialam pa kahit nasa bahay din si Slade, bahala siya sa buhay niya.
"Babalik ka na dito?" Lumiwanag ang mukha ni Silver kaya naman agad akong ngumiwi.
"Sabing Sleepover lang. And besides, Kukunin ko lang ang motor ko na naiwan dito," biro ko at patalon na naupo sa sofa.
Naglaho ang ngiti sa mukha ni Silver. "Rei, tungkol pala sa motor mo... si Uncle pala ang--"
"He bought it for me." Tumango ako at ngumiti.
"Okay na ba kayo?" Naupo siya sa tabi ko.
Napaangat ako sa magkabilang balikat at pabirong ngumuso. "Siguro? Ewan. Bahala na."
Tutal wala naman palang pasok si Silver kinabukasan, nag-kampo na kami sa kwarto at nanonood ng kung ano-anong palabas. Alas dose na nang makaramdam ako ng uhaw kaya nagpaalam ako na kukuha ako ng tubig.
Pagdating ko sa kusina, naabutan ko si Slade na nagluluto. Binalewala ko ang presensya niya at binuksan ang ref. Tumambad agad sa akin ang mga chocolate drink na nasa loob. Gusto ko sanang kumuha ng isa pero naalala kong si Slade nga pala ang laging bumibili nito.
Tubig na lang sana ang kukunin ko nang bigla na lang lumapit si Slade at kumuha ng isang chocolate drink at inabot ito sa akin nang walang sinasabing kahit na ano. Tinanggap ko naman ito nang hindi siya tinitingnan o kinikibo.
Pagbalik ko sa kwarto, kunot-noo akong tiningna ni Silver. "Did you kill my twin brother?"
I shrugged. "I'm not a demon slayer."
"Looks like he's trying to make peace with you though." Ngumiti ang elemento at itinuro ang chocolate drink na hawak ko.
"Don't smile at me like that, baka ikaw ang mapatay ko." I rolled my eyes and climbed up the top bunk with her.
"By the way, I got a text from Uncle." I was surprised when Silver handed me her phone. "Ayokong mag-away ulit tayo." She shrugged before I could even ask. I felt something weird in my chest, I wanted to hug her all of a sudden. Gross.
Tiningnan ko na lang ang cellphone ni Silver.
Uncle:
Sabi ni Slade bati na kayo ng anak ko
Pasensya ka na pero gusto ko lang talagang malaman kung kumusta na siya
"Anong ire-reply ko?" Tanong pa ni Silver nang ibalik ko sa kanya ang cellphone niya.
"Malay ko." I was clueless so i just shrugged.
"Doing good?" Silver asked as if she was asking for permission kaya tumango ako.
As Silver replied to Dad, I couldn't help but think about all of the conversations we've had. Lahat ba ng mga nangyayari sa amin, kini-kwento nila lahat kay Daddy? Did they tell him about the Riley thing too?
"What the heck are you thinking about now?" Silver said like she was whining so I jokingly glared at her.
"Hoy elemento, lahat ba ng nangyayari sa buhay ko nire-report ninyo kay Daddy?" I interrogated without batting an eye. Silver quickly shook her head, serious all of a sudden.
"I swear to God I never told him anything. Just the basics like you're okay or you're busy. Tingnan mo pa ang conversation history namin." Silver quickly explained in defense. I couldn't just take Silver's word for it kaya naman kinuha ko muli ang cellphone niya at binasa ang lahat ng mga message nila.
Slade was telling the truth, Dad found out late about Silver and I being roommates. Before that, Dad was just sending Silver the usual "happy birthday" and "merry christmas" texts, also some messages concerning Slade which is none of my business. But when he knew that we were living in the same house, all of Dad's messages turned into questions concerning me... asking if how I'm doing or how i'm feeling, even suggesting what to cook for me. On the other hand, Silver's replies to him were short but straight to the point.
"Whatever happens, I'm on your side. Ikaw ang kaibigan ko, hindi si Uncle." Silver spoke casually as she faced her laptop. "But of course, even if i'm on your side, I will still call you out when you're being an asshole." Dagdag niya pa kaya natawa tuloy ako.
"Am I being an asshole to my Dad right now?" I asked nonchalantly, feeling free to talk about the situation all of a sudden.
"I've never been abandoned by my folks before. Who am I to call you an asshole." Silver's shoulders went up to a shrug. "But you want to know what I know?"
"Oh please, don't talk about your ghostly friends." I jokingly rolled my eyes.
Lumingon siya sa akin at sinapak ang balikat ko kaya napa-aray ako nang wala sa oras. Brutal na multo.
"Your Dad left you but he didn't really abandon you because--"
"Because he loves me and all that shit." I sighed, finishing up her sentence. "I know that know, pero iba pa rin kasi eh... biglang bumabalik sa isip ko ang nangyari. Kagabi maayos kaming nag-usap, pinagtawanan pa namin si Megatron, pero bigla na lang bumalik ang galit ko bigla."
"Well you know what they say.. It's easy to forgive but pretty hard to forget." Silver sighed as well. "Don't rush yourself. You'll get there eventually. For now let's just please watch more What Would You Do videos because i'm dying to see more kind people in action!" Segue pa ng multo kaya pabiro ko namang hinila ang buhok niya dahilan para mapa-aray siya.
Alas-sais na ng umaga nang magising ako. Gaya ng dati, si Silver na naman ang naunang magising. Matapos makapaghilamos at sipilyo, bumaba kami ni Silver sa sala at nanood ng TV. Mula sa sala, naririnig ko ang ingay mula sa kusina. Siguradong si Slade na naman at nagluluto ng agahan. Ano pa nga bang bago.
"Wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ko kay Silver.
"Mamayang hapon pa. Diba may pasok ka ngayong umaga?" Tanong naman niya.
"Meron pala?" Natawa ako. She laughed with a low voice kaya naman pabiro ko ulit na hinila ang tungki ng buhok niya.
Makaraan ang ilang sandali, nagyaya si Silver na mag-agahan kaya tumungo na kami sa kusina. Wala na akong pakialam pa kahit makita ko si Slade.
Tahimik kaming tatlo sa mesa habang kumakain. Kahit si Silver hindi rin kinikibo si Slade. It was awkward and at the same time, peaceful. I'd rather have it peaceful because I might sucker punch Slade, patuloy pa rin kasing nagre-report kay Daddy.
"Silver, paabot ng Juice," sambit ni Slade na parang kung sinong maamong tupa. Tamad na tupa, to be specific.
"Pinagkalooban ka ng Diyos ng mga kamay kaya kunin mo." Umingos si Silver. Muntikan akong natawa pero mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko.
Bigla na lang tumunog ang cellphone ko at nang silipin ko ito, agad nakunot ang noo ko nang makitang galing ito sa isang unknown number pero kung pagbabasehan ang previous messages, alam kong si Slade ito.
Unknown:
paabot ng juice hehe
technically, this is texting not talking hehe
At nang mag-angat ako ng tingin sa kanya, nakita kong ngumiti siya na parang nahihiya at nagtaas pa ng dalawang daliri bilang peace sign.
Malapit lang sa akin ang juice kaya naman kinuha ko ito pero imbes na iabot ito kay Slade, inabot ko ito kay Silver. Sa huli, mula sa gilid ng mga mata ko, nakita kong tumayo si Slade at siya na mismo ang kumuha ng juice.
Sa aming tatlo, ako ang unang natapos kaya naman dala ang pinagkainan ko lumapit ako sa lababo pero nagulat ako nang bigla akong inunahan ni Slade at kinuha mula sa mga kamay ko ang pinggan at kubyertos. Wala mang sinasabi, alam kong nag-prisenta siyang siya na ang maghuhugas kaya pinabayaan ko na.
Umakyat na agad ako sa kwarto para kunin ang mga gamit ko.
"Uuwi ka na?" tanong ni Silver nang maabutan niya akong palabas ng kwarto.
"Yeah. Gotta get ready for class. See you at school." Sabi ko na lang at bumaba na sa sala. Habang nag-aayos ako ng sapatos ko, muli na namang tumunog ang cellphone ko. May pakiramdam akong si Slade ito kaya hindi ko na binabasa.
Paglabas ko ng bahay, nakita kong nakatayo na si Slade katabi ng sasakyang si Brownie. Nakabukas ang pinto ng passenger seat na para bang pinapasakay niya ako rito.
I rolled my eyes. Over his dead body.
"Where are my damn keys?" I laid out my palm and raised an eyebrow.
Slade fetched his phone and started tapping. My phone beeped so I checked it out as well.
Unknown:
Naiwan ko sa bahay ni tito
"Bullshit!" Napasigaw ako sa kanya nang wala sa oras. Magsisinungaling pa eh siguradong nasa kanya naman ang susi.
Akala ko magsasalita siya pero muli siyang nagtipa ng mensahe.
Unknown:
I'm really sorry
ihahatid na lang kita
kunin ko lang mamaya ang susi
I was about to give him a piece of my mind when Silver came out of the house frantically.
"What's wrong? Why are you yelling?" Alala niyang bulalas.
"Itong kakambal mo eh!" Dinuro ko si Slade. "Tinatago pa ang susi ng motor ko!"
"Slade just give her the keys!" Silver took my side right away.
Napabuntong-hininga si Slade nang humarap kay Silver. "I left her keys back at Uncle's house. Nawala sa isip ko. Pati ang wallet ko naiwan ko doon."
All of a sudden, silence echoed among the three of us. Silver just stood there looking at Slade as if she was examining whether he was lying or not.
Moments later, Silver faced me with her usual nonchalant expression. "Come on, ihahatid ka na lang namin sa inyo."
"Your twin better get my keys back before this day ends." Nagngingitngit kong bulalas.
▬ end of 30// thank u ▬
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro