26 : The mask we wear
#TheRebelsRival
Pagod na pagod akong bumagsak sa kama nang makauwi sa bahay ni Lolo. Sa wakas, nahubad ko na ang maskarang pilit kong isinuot maikubli lang ang sobrang sakit na nararamdaman ko. My pain is my own burden and I would never let anyone carry it, especially the ones who matter to me.
My phone lit up. It was a message from Magno. Time to fake it again.
8:23 AM
Bro#1:
Bahay ka na?
Reika:
Yuh
hinatid ako ni hawthorn sa bahay
Bro#1:
Damn third wheelin again hahaha
Reika:
Your fault for sending him that selfie
Bro#1:
at least tumulong din siya kaya mas madali natapos projects natin
ba't kasi umalis agad si slade? edi sana di ka nag third wheel
Reika:
Payag ka maging fifth wheel? hahaha
Bro#1:
hanapan mo kasi ako ng kalandian
si silver kaya? mabait ba? haha di ka inaaway? haha
Reika:
para mo namang di kilala ang multong yon haha
Bro#1:
let's have dinner with the twins tonight? hahaha
Reika:
Nah they're busy hahaha
Bro#1:
busy o iniiwasan mo sila? hahaha
Reika:
busy ako gago hahaha and anong iiwasan? kaka facetime lang namin ni multo
Bro #1:
mamatay man? hahaha
Reika:
matagal na akong patay hahahaha
Bro#1:
uso magkwento rei hahaha
Reika:
i promised apollo i wont tell anyone that he made out with drunk piper hahahaha
Bro#1:
PIPER THE VIPER???? THE SMOKING HOT CHEERLEADER???
U gotta be kidding me
gago rei wag ka mag change topic
Reika:
You missed a lot in braylee's birthday party
daming nangyari, kung alam mo lang
do u want the tea? hahaha
Bro#1:
hindi ako chismoso!!!
Reika:
says the guy who kept the groupchat updated on what hawthorn and braylee were doing
Bro#1:
come on, what did slade do to upset you?
di ako tanga rei, napansin ko
well okay, tanga ako pero slight lang
galit ka rin ba kay silver?
Reika:
thanks magno
Bro#1:
baliin ko ba ang kamay nang di na makatugtog???
Reika:
gago hahaha di kami nag-away promise mamatay man si sawyer
Bro#1:
Kung ayaw mong sabihin, tatanungin ko na lang sila
Reika:
gago wag na
magno asan ka???
Ilang sandali akong naghintay ng reply mula kay Magno. Kinabahan ako.
When I was in grade school, just a year after Dad left, I was being bullied by a group of boys and it wasn't long until Magno found out. Akala ko sasabihin niya kay Lolo pero nagulat ako nang sumugod siya sa classroom at nakipagsuntukan. Kahit sina Cohen at Sawyer ay nasapak din noon ni Magno, hindi ko nga lang maalala bakit dahil sa sobrang tagal na. And in high school, even if I already moved to Wilkinson City, Magno went all the way from Filimon Heights just to destroy my teacher's car after she told me that I had an attitude problem. For awhile I enjoyed it, having my own punisher, but when Grandpa told me I can't let Magno fight my battles for me, I stopped telling him about my pain.
I didn't even tell Magno everything about Riley because I'm scared that he'll beat him up.
Magno didn't answer my texts and calls. Images of what he's capable of flashed before my eyes. I could already imagine him beating Slade up, rendering him unable play his instrument.
I panicked and ran straight to the garage where I kept my motorcycle.
****
"Oh shit!"
Nakumpirma ang kinakatakutan ko nang makarating ako sa subdivision at matanaw ang lumang sasakyan na pagmamay-ari ni Sawyer. Saktong kararating lang din nito at kaka-park sa tapat ng bahay.
Mas binilisan ko ang pagmamaneho nang makitang lumabas si Magno mula sa passenger seat habang suot pa ang saklay. Lumabas din si Slade mula sa gate ng bahay. Nag-usap sila ngunit hindi ko ito marinig.
Nang maihinto ko ang motorsiklo, nakita kong bigla na lang sumugod si Magno kay Slade at kinwelyohan ito.
"Magno!" I screamed at the top of my lungs and ran towards them. Sawyer got out of the car as well.
Umigkas ang kamao ni Magno patungo kay Slade dahilan para bumagsak ito sa sahig. Akmang tatadyakan ni Magno si Slade pero mabuti na lang at nahila siya agad ni Sawyer palayo.
"Slade!" Mabilis naman akong lumapit sa kanya at tinulungan siyang makatayo.
Ngunit sa isang iglap, narinig kong bumukas muli ang gate na nasa aming likuran. "Anong nangya--"
Parang napunit ang puso ko nang narinig ulit ang boses niya nang personal. Nanigas ako sa kinatatayuan at hindi halos nakahinga.
"Tito?!" Bulalas ni Magno habang nakatingin sa aking likuran. Nanlaki ang mga mata ni Magno sa gulat, ganun din si Sawyer.
"Reika, anak..." Dalawang salita lang mula kay Papa at hindi ko na nagawang maisuot ang maskarang lagi kong ginagamit. Dalawang salita lang mula sa kanya at nag-unahan ang mga luha ko.
Naramdaman kong humawak siya sa aking balikat kaya mabilis ko itong winakli. Kahit si Slade binitiwan ko rin. Hindi ko nagawang lumingon sa kanya. Hindi ko siya kayang tingnan.
"Let's get the hell out of here!" I choked on my tears as I ran towards Sawyer's car, not even looking back at Dad. I couldn't even glance at him.
"Reika!" I heard Dad call out my name. His voice was full of longing but I couldn't risk my heart to look back at him.
"Tara na!" Iyak kong muli kaya nagmadaling pinaandar ni Sawyer ang sasakyan.
****
Tahimik lang kaming lahat habang nasa loob ng sasakyan. Kahit si Magno, hindi kumikibo kahit isang salita. Pero nararamdaman kong paulit-ulit silang sumusulyap ni Sawyer sa akin.
"Don't look at me please." Pikit-mata kong sambit, pilit na pinipigilan ang mga luha ko sa pagbuhos.
Nang makarating sa bahay ni Lolo, mabilis akong pumasok sa kwarto ko ngunit nakasunod sa akin si Magno.
"Magno, iwan mo muna ako please!" Pakiusap ko sa pagitan ng bawat mga hikbi. Naupo ako sa dulo ng kama dahil sa mga tuhod kong kanina pa nanghihina.
Umiling si Magno at naupo sa aking tabi. Inakbayan niya ako kaya naihilig ko ang ulo sa kanyang balikat.
"Just let it out." Aniya habang hinihimas ang ulo ko. "Let it all out so you can be Reika again later."
Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, natagpuan ko ang sarili kong mahigpit ang yakap sa kanya habang humahagulgol.
▬ end of 26// thank u ▬
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro