2 : The Rebel's First Heartbreak
"How was school today, sweetie?" Mom asked as she ate from her plate.
"Same old, same old," I smiled.
"Got into trouble lately?" tanong niya kaya umiling ako pero tiningnan niya lang ako na para bang hindi siya naniniwala sa akin.
"Mom, I'm serious. I haven't been in trouble. I'm even graduating next week," sabi ko nalang.
"You're graduating next week?!" she sounded so shocked. "Oh God... sweetie, I am so sorry I can't attend your graduation. Hindi ko..." it was as if Mom choked on her own words. May gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. Pero parang may ideya na ako kung ano ang naglalaro sa isip niya.
"You thought I wasn't going to graduate high school this year." Ngumiti nalang ako ng tipid at tumango-tango. I Can't blame her for thinking that. I've been in so much trouble for years. So much trouble just for being myself. So much trouble for fighting for what I believe in. But to me, all the trouble was worth it. I'd rather get in trouble than to conform to this shitty society.
I wasn't born to please anyone, wasn't born to fit anyone's damn mold either. I am my own self. The world won't stop me from being my damn self.
I looked away and began eating the instant noodles I prepared as my dinner.
"Are you eating instant noodles again for dinner?!" She suddenly blurted out so I looked up, the end of the noodle strands dangling out my lips.
Umiling ako at hinigop ang noodles papasok sa bibig ko sabay ngiti na para bang isa akong napakainosenteng nilalang.
"Reika!" Mom yelled, clearly unhappy about my dinner choices. As if I was ever happy with their life choices as well.
I thought she will rant the Monosodium glutamate out of me, but instead, she looked at her watch like she's got somewhere to be. Just when I thought I'll get to have dinner with her again.
"Mom, you can go." I tried to smile off my disappointment. What's new anyway.
"But sweetie--"
"I know you're running late for a meeting... damn time zones right? It's okay, I like eating alone anyway. Bye." And with that I closed my laptop down, destroying my illusion of a normal family dinner as I found myself sitting all alone in the dining table.
For a fleeting moment, I actually felt that Mom was having dinner with me, I actually felt that I wasn't alone again. But who cares anyway? Sanay naman akong hindi siya kasama. Sanay naman akong mga yaya at si Lolo ang laging kasama. Siguro naninibago lang ako kasi mag-isa nalang ako sa bahay. Siguro yun nga.
Gaya ng lagi kong ginagawa, kinuha ko ang malaki kong bluetooth speaker na kasing laki at hugis ng isang parisukat na radyo. I grabbed my phone and kicked start my playlist randomly. Punk songs serving as my companion once again as I eat dinner all alone.
"I'm just a kid and life is a nightmare! I'm just a kid, I know that it's not fair! Nobody cares 'cause I'm alone And the world is having more fun--" I stopped scream-singing when all of a sudden my phone beeped. Probably a message from the idiots of Filimon Heights.
Agad akong napangiti nang makitang mali pala ako. It wasn't from my idiot cousin nor my frenemy Sawyer, it was from Riley the poging paminta!
Riley <3 :
Asan ka?
You:
Hell este earth pala
Riley <3:
Asan ka nga?
You:
Bahay.
Uy na miss mo ako? hahaha
Yak!
Riley <3:
Sabay nalang tayo. Nasa labas na ako ng bahay niyo
Halos liparin ko ang distansya ng gate mula sa kusina dahil sa bilis ko sa pagtakbo, pero nang mapadaan ako sa salamin na nasa sala, agad akong napako sa kinatatayuan. Medyo magulo ang buhok ko at nawala na ang black lipstick dahil sa noodles na kinain ko pero wala akong pakialam.
Paminta itong crush ko. Kahit mag-ayos ako, mukhang hindi naman niya ako magugustuhan. Baka talong ang kailangananin ko bago niya ako magustuhan. And besides, I am never going to change myself just for someone to like me.
***
Pagbukas ko ng gate, agad naglaho ang ngiti sa mukha ko nang makitang may pasa si Riley sa gilid ng mata niya at may kaunti pang bahid ng dugo sa kwelyo ng baby blue polo shirt niya.
"Who did that to you?!" Napabulyaw ako. Pakiramdam ko umakyat bigla ang dugo sa ulo ko at gusto ko agad sapakin ang kung sino mang nanakit sa kanya. Ang lamya kaya ni Riley! Siguro kung trashtalk mananalo si Riley pero kung upakan?! Aba ako nalang ang lalaban para sa kanya!
"Nauntog lang ako, baliw." Humalakhak siya at itinaas ang dala niyang paper bag. Wala na akong nagawa pa nang bigla niya akong nilagpasan saka pumasok ng bahay kahit di man lang iniimbita.
Sabagay, lagi naman talagang nagpupunta rito si Riley na may dalang pagkain. Noong una nagpupunta lang siya rito dahil sa assignments at projects pero ngayon kahit na anong oras bigla nalang siyang dumarating para tumambay. Kilala na rin niya ang pamilya ko dahil sa mga litratong nagkalat sa paligid. Kahit mga kaibigan ko sa Filimon Heights kilala narin niya dahil sa mga litrato.
"Noodles again?" tanong niya sabay patay ng speaker.
"Subukan mong mabuhay nang mag-isa, aasa ka rin sa instant food," biro ko.
"Subukan mong matutong magluto," pataray naman niyang ganti.
"Kuha lang muna ako ng first aid kit, baka mamaya madagdagan ko yang sugat sa mukha mo," biro ko nalang saka nagtungo sa kwarto ko.
Nang makabalik ako sa kusina, naabutan kong handa na ang mga makakain namin. Nagsisimula narin siyang kumain kahit wala ako. Madugang paminta.
"Gusto mo resbakan natin nanakit sa'yo?" bulalas ko agad nang maupo.
"Nag video chat kayo ng mom mo?" tanong niya sabay turo sa laptop kong nasa mesa kaya nagkibit balikat agad ako.
"She's busy with her work in Spain," sabi ko nalang.
"Anong trabaho niya?" usisa niya.
"She's taking care of Lolo's business. She's also busy with Unicef, helping to make the world a better place, I don't know."
"Eh ang Dad mo?" usisa pa niya.
"Who knows." Natawa nalang ako. Puchang buhay 'to. One-night stand baby pa more!
"Kung ayaw mong mag-isa, dun ka nalang sa lolo mo. Diba may kaibigan ka rin naman dun sa Filimon Heights." suhestyon niya bigla kaya napangiwi nalang ako. Ayoko run!
"Saan ka pala magka-college?" tanong niya kaya napasinghal ako't nagkibit-balikat.
"Gaga ka! Graduation na next week! Ano ba talagang plano mo sa buhay?!" paala niya kaya natawa ako. I can't believe someone as manly looking as Riley just called me Gaga. Ang cute!
"Probably skip town and do some soul searching? Or probably sell my soul to satan and form a rock band, something like that." I raised my fingers to gesture the rock and roll sign whist sticking my tongue out.
Bigla akong binato ni Riley ng green peas kaya agad akong napadungo sabay titig sa kanya nang masama. Bastos na paminta!
"And would you please hold your utensils properly! Kung makahawak ka sa kutsara't tinidor, para kang nakahawak lang sa manibela ng bike. Also, get your feet off the chair! Ass only!" Gaya ng dati, pinagalitan niya muli ako tungkol dito. Lagi nalang talaga.
"Yes Ms. Minchin." Napabuntong-hininga ako at ginawa nalang ang gusto niya.
"Good! Anyway, kung magpunta ka nalang kaya sa Filimon Heights? Diba doon naman talaga kayo nakatira noon? Pati lolo at pinsan mo andun," aniya, nakataas pa ang pinky finger habang hawak ang kubyertos niya. Nahiya ako na mahigpit ang kuyom ng palad sa hawakan ng kutsara
"Nah, I have pretty bad memories there." I shrugged. Naalala kong hindi ko pa nga pala ginagamot ang sugat sa mukha niya kaya naman tumayo ako at lumipat sa upuang nasa tabi niya.
"Sayang pala Reika, doon pa naman ako magka-college. Dad wants me to--"
"Titira ka sa Filimon heights?!" Gulat kong bulalas. Sa gulat ko, ni hindi ko man lang nabuksan ang first aid kit.
Tumango siya. "Oo, kukuha ako ng Business."
"Business?! Akala ko ba design yung gusto mo?" I cut him off. From the two months we've known each other, I learned that Riley has a very strict Dad, military general ba naman. Pakiramdam ko nga ito rin ang rason kung bakit hindi siya makapag ladlad.
"I can't disappoint him." Riley shrugged as a pained smile crossed his face.
"Eh paano naman yung sarili mo?!" Hindi ko mapigilang bumulalas. "He's your father! He's supposed to support your individuality! For God's sake, Riley Bognacia! Just be yourself and follow your damn heart!"
"Sana ganun lang kadali." Tumawa siya nang marahan.
"Stop thinking about what anyone will say! Grandpa always told me to just be true to myself because at the end of the day, it will always be my life and not anyone else's. At the end of the day, my happiness rests on my hands." giit ko.
"I don't want to disappoint my Dad!" giit niya.
"Your Dad who keeps on beating you up!" Hindi ko na napigilang bumulalas. "Hindi mo sinasabi pero alam ko... Hindi ko sinabi pero nakita kong sinuntok ka niya last month sa labas ng bahay niyo... Hindi ko sinasabi pero pansin ko yung bawat pasa at sugat mo."
All of a sudden I saw tears come out of Riley's eyes. He tried to wipe it off right away but his tears kept coming. I hate seeing him cry like this but it's better to let it all out now rather than keep his tears to himself.
"Riley, Riley look at me," giit ko kaya napatingin sa akin ang mga mata niyang lumuluha.
"You don't deserve that kind of treatment. You deserve the world. You are one of the kindest and most talented people I know and you cannot be contained in a box! And for the love of God, don't you ever get scared of being your self! There is nothing wrong with being homosexual!"
Nanlaki ang mga mata ni Riley at agad siyang napanganga. "A-alam mo?"
Hindi ko napigilang matawa nang bahagya. "Halata namang bakla ka."
All of a sudden, Riley broke down crying. He was no longer holding it in, he was no longer wiping his tears. He just cried and cried as if he took off the mask he's been wearing for a long time. It feels so different seeing him like this... raw and unreserved.
"Ang hirap... ang hirap-hirap..." umiiyak na hinampas ni Riley ang dibdib niya. "Sana andito ngayon si Mommy... miss na miss ko na siya. Siya lang yung kakampi ko sa mundong 'to." Iyak niya.
"Riley... Riley kakampi mo ako." Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya at tiningnan siya sa mga mata. "Andito pa ako, may kakampi ka pa."
Tumango-tango si Riley kasabay ng patuloy niyang pagluha.
"Ang daling sabihin na magpakatotoo pero ang hirap gawin... sa'yo nga lang ako komportableng kumilos kasi alam kong wala kang pakialam.. Alam mo ba bakit komportableng-komportable ako sa'yo?" tanong niya.
"Bakit?" tanong ko naman.
"Kasi nakikita kong kayang-kaya mong magpakatotoo sa sarili mo... At dahil dun pakiramdam ko, pwedeng-pwede rin akong magpakatotoo sa'yo," aniya.
"I honestly don't care whether you're gay or not... pero kasi nakikita ko yung struggle mo. Riley, hindi sa pinangunahan kita. Coming out will always be up to you... but please, please don't hesitate to be yourself. And please don't ever think that there's anything wrong with you, because there is nothing wrong with you!" Hinawakan ko nang mahigpit ang isang kamay niyang sobrang lamig at nanginginig. "Don't listen to your Dad. You are never a disappointment."
Tumango-tango si Riley. Nakikita ko mang pumapatak ang luha niya, kumurba naman ang isang ngiti sa labi niya.
"You deserve to be happy... so don't be afraid to be happy. To hell be with what anyone says! You are awesome and you're not hurting anyone! You are gay, both noun and adjective." Paalala kong muli.
"Thank you," aniya at yumakap sa akin bigla.
My heart felt like it suddenly skipped a beat, and when it continued, it became rapid. So rapid that I felt like my tummy was turning upside down. Hugging him like this feels so good that I couldn't help but hug him back.
****
"My grandchild is all grown up." Grandpa smiled as I went down the stairs dressed in my black shirt, black skirt, black fishnet stockings, and black smokey make-up paired with my pitch black lipstick. In my arms hang my white toga.
"All grown up? Gramps! Mukha siyang satanista!" Bulalas ng balahura kong pinsang si Magno na isinama pa talaga ni Lolo, fresh from Filimon Heights.
"Hindi! Mukhang asawa na talaga ni Satanas!" Hindi nakuntento, isinama pa nila ang adik na si Sawyer. Kung hindi dahil sa Grand Theft Auto, hindi ko magiging kaibigan ang malantod na'to.
"Hindi! Mukha na talagang demonyo!" Humalakhak si Magno sabay turo sa mukha ko kaya hindi na ako nakapagpigil at binato na talaga sa kanya ang graduation cap ko. Unfortunately, imbes na tumama, nasalo lang ito ng leche kong pinsan. Sinuot pa niya ito na para bang siya ang ga-graduate.
"Muntanga ka Magno," natatawang sambit ni Sawyer sabay siko sa pinsan ko.
Tumikhim bigla si Lolo at pinanlisikan ng mata si Sawyer. "Hijo, Ayus-ayusin mo, Magno rin ako."
Nakita kong mabilis na napalunok si Sawyer at umiling-iling. Ang hayop kong pinsan naman, pinagtawanan agad si Sawyer.
"Gramps, hayaan mo na, kahit ako Magno rin naman ang tawag ko sa pinsan kong 'yan. Pagbigyan nalang natin, ang weird din naman kasi ng pangalan niya." Panlalambing ko kay Lolo sabay kapit sa braso niya. "Gramps, ba't mo pala sinama ang dalawang kupal na 'to?" pagtataray ko sabay irap sa dalawang asungot.
"Rei-rei, we're just here for support," Magno said but I could sense the sarcasm especially by the way he smirked.
"Oo nga, at gusto naming makilala sino yung inspirasyon mo. Balita namin 2 months kang di napatawag sa principal's office," panunukso naman ng hayop na si Sawyer sabay akbay kay Magno.
"Yan! Sinasabi na nga ba!" Napasinghal ako at napangiwi. Kung wala lang si lolo, pinagsasampal ko na 'tong dalawang 'to.
***
"Riley!" I couldn't help but scream as I ran up to him when the Graduation Ceremony ended. Sobrang saya ko lalo't nakikita ko siyang masaya kasama ang lolo at lola niya sa mother side. Akala ko talaga papa niya ang kasama niya, buti nalang at hindi.
Kung ako lang ang masusunod, sinumbong ko na ang Dad ni Riley sa pulis pero hindi ko pwedeng gawin iyon. That is Riley's choice and not mine. It's his decision to make. All I have to do is be there for him.
Lalo pang tumindi ang saya ko nang makitang ang rainbow eyeshadow ni RIley. It's even glittering! Everyone is looking at Riley but he's only looking at me, running towards me.
Agad kaming napayakap sa isa't-isa, tumatalon-talon at sumisigaw sa tuwa. Hindi alintana ang mga tao sa paligid namin.
"I came out to my grandparents and they accept me for who I am." Sambit ni Riley at bakas ang labis na tuwa sa boses at mukha niya.
Kumalas ako mula sa yakap namin at pinagmasdan ang mukha ni Riley. He was taller than me but I had to look up. I smiled and bit my lower lip upon seeing the tears brimming just below his eyes. Before it could even stream down his cheek, I immediately wiped it with my own thumbs.
"I'm so happy for you." I smiled, happiness in my heart knowing things are a little better for him. This is only the beginning.
"Thank you." Riley said whilst looking at my eyes with a smile in his face.
"Hey, I've decided to come out as well." I took a deep breath as I gathered up every bit of courage I could get.
"You're a lesbian?" Namilog ang mga mata ni Riley at umangat ang magkabilang dulo ng kanyang labi sa sobrang tuwa.
Umiling ako at hindi ko napigilang matawa. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at sa isang iglap, sariling tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Oo nga at napakaraming tao sa paligid namin na nagce-celebrate din gaya namin pero pakiramdam ko'y kaming dalawa lang ni Riley ang nandito. Sa kanya lang nakatuon ang buong atensyon ko.
"No... but I am in love with you," pag-amin ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.
Bigla nalang naglaho ang ngiti sa mukha ni Riley. Bumuka ang kanyang bibig. Akala ko may sasabihin siya pero nagulat ako nang bigla nalang siyang sumuka sa mismong harapan ko.
END OF CHAPTER 2!
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro