18 : Cope
"Hurry up, Slade!" Sigaw ko habang nasa pintuan na at hinihintay siyang bumaba mula sa kanyang silid. Kalalakeng tao sobrang tagal magbihis. Maglalaro lang naman kami ng Soccer, ba't kailangan niyang matagalan sa pag-aayos?
"You sure you're not coming with us?" Nilingon ko si Silver na nasa sofa at nakaharap sa kanyang laptop. "Andun pa naman ang crush mo," dagdag ko pa.
Silver turned to look at me. With her chin down, she glared at me with silent fury.
"Okay, fine! Di mo na crush!" I laughed triumphantly. Nakakatuwa talagang inisin ang elementong 'to.
Actually, nakakatuwang asarin ang kambal. It's been a month since Slade started living with us. It was fun having him around, not just because he'd always cook for us but because he's easy to get along with too. Bonus din na lagi silang nagbabangayan ni Silver, free entertainment!
"But seriously Sil, it's not too late to change your mind," I teased her while cocking my brows up and down.
"No thanks. Baka mamaya mapatay ko lang yang tropa mo." Silver hissed and faced her laptop again. Palibhasa nadala na siya nang minsang nakasabay naming maghapunan ang mga iyon. Let's just say it ended with Silver promising that she will never treat any of the boys' injuries once she becomes a registered nurse.
"Ready!" Anunsyo ni Slade habang tumatakbo pababa sa hagdan suot ang cargo pants at plain black muscle shirt. Kita tuloy ang compass tattoo sa balikat niya. "Pasensya na, tumawag bigla si Uncle."
"Ano na naman daw?" Iritadong tanong ni Silver nang hindi man lang tinitingnan si Slade.
"Usual. Ayaw na namang magpa-check up," ani Slade at napatingin sa akin.
Ito talaga ang ayaw ko kapag nag-uusap sila tungkol sa Uncle o kahit na sinong relative nila, naa-out of place ako bigla. Yayain ko kaya si Magno na mag overnight rito para i out-of-place din namin 'tong dalawa?
"Seatbelt." Paalala ni Slade nang naupo ako sa front seat.
"Yes Dad." Sarcastic kong tugon sabay irap sa kanya.
"Wala akong anak na demonyo uy!" Bumusangot ang loko.
"At wala akong tatay na demon-" I stopped halfway through my sentence and immediately corrected myself "-I guess I have." I sighed upon remembering how he left without even saying goodbye. Without even waiting for me to be discharge from the Goddamn hospital.
Pinaandar ni Slade ang sasakyan at nagsimulang magmaneho. Pansin ko ang biglang katahimikan sa pagitan naming dalawa kaya naman tumikhim ako. Pero bago pa man ako makapagsalita, inunahan ako ni Slade.
"Uuwi ba ang Mama mo sa pasko?" tanong niya.
Muntik ko nang makalimutan, Disyembre na pala. Malapit na naman ang pasko.
"Yup. She has no choice but to come home every year since aside from Christmas and New Year, birthday ni Lolo sa December 23." I shrugged.
"But December 24th is your birthday too right?" Slade glanced at me and reverted his attention back to the road.
I shrugged again as I snickered. "It's just Christmas Eve."
"Hanep!" Humalakhak si Slade at sumulyap sa akin. "Sinong mag-aakala na magkasunod lang ang birthday ng demonyo at ni Hesus?" Tawang-tawa siya sa kanyang sinabi.
I slowly turned to face him nonchalantly. "You know, I would've stabbed you if you're not driving this car."
"Thank God I'm driving!" Slade chuckled like he's so amused with his own cheesy sense of humor.
God! Why am I even friends with this Guy?!
"Papa mo pala?" Slade asked, making me let out a sarcastic chuckle.
"Ewan ko saan na 'yon nilagay ni Lord." I tried not to sound so bitter, after all it's been like 10 years since the last time I saw him. I can't even remember his face clearly.
"But you miss him right?" he asked.
My chest suddenly tightened as my breathing became shallow. I shook my head and tried putting on a smile. "Why would I?"
"Because he's your Dad?" Slade said sarcastically as he let out a soft laughter.
"For like an 9-year trial period..." bulong ko sa sarili ko at napaharap na lang sa bintana. Napangiwi ako kasabay ng paghapdi ng mga mata ko. Bwisit na mga mata!
"You know... my parents aren't perfect," sambit ni Slade pero hindi ko siya nilingon, nanatili akong nakatingin sa bawat sidewalk na dinadaanan namin.
"You don't want to talk about your parents?" Slade asked pero muli, hindi ako kumibo.
I was hoping he'd get the hint otherwise I'd have to stab him for real. Good thing he understood and kept his mouth shut the entire ride.
***
When we arrived at Filimon Heights' public soccer field, saktong alas tres na ng hapon at naroon na sina Magno, Sawyer, Haji, Cohen, Apollo, at Jethro na naglalaro.
Slade wasn't a stranger to the guys since he's always at the bar with Wave Syndicate, paminsan-minsan ding nagdi-dinner sa bahay ang mga ulol lalo na sina Magno at Sawyer.
Laging sinasabi nina Magno at Sawyer na bumibisita lang sila sa bahay para makikain, pero alam ko ang totoo, they're just checking up on me. Palagay ko'y inutusan sila ni Lolo na gawin ito lalo't may kasama na akong lalake sa bahay na kasali pa sa isang banda.
I have a feeling that Grandpa's afraid that I'd end up like my Mother who got knocked up by a guy in a rock band. Nakakatawa. Kung alam lang ni Lolo sino talaga ang kinababaliwan ko...
"Panget!" Tanguan kami ng mga loko bilang pagbati sa isa't-isa. Sina Slade naman nagsi-fist bump.
Tutal saktong walo kami, nahati kami sa dalawang grupo: Sina Magno, Apollo, Haji, at Slade laban sa grupo namin nina Sawyer, Jethro, at Cohen.
Isang oras din kaming naglaro hanggang sa nakaramdam ko nang matinding uhaw. Napatingin ako sa mga kasamahan ko, tagaktak man ang kanilang mga pawis at humahangos din gaya ko, wala sa kanila ang nagrereklamo ng uhaw. Ayokong mag-anunsyo ng time-out para kumuha ng tubig dahil tiyak gagawin lang akong utusan ng mga ulol.
Bago pa man lumipas ang isang oras, surrender na si Apollo na halos himatayin sa pagod. Napakasipag pagdating sa pagsasabay-sabay ng mga trabaho pero pagdating sa sports, ligwak talaga ang lalakeng 'to. Siguro kung sport lang talaga ang pagbabantay kay Piper, tiyak 'yun ang kaya niyang ipanalo.
"Bigyan niyo ng tubig 'to, mukhang mamamatay na," biro ni Slade nang makitang humiga na si Apollo sa bermuda grass habang hinahabol ang hininga.
Ni isa walang umimik kaya nakunot ang noo ko.
"Wait! You guys are athletes. Wala ba kayong dalang tubig?" Bulalas ko.
"Sinong bibili ng tubig?" Sigaw naman ni Haji na nakasandal na ang magkabilang palad sa tuhod, tagaktak ang pawis habang hinahabol ang hininga.
"I'm not thirsty, I don't need water." Ngunguto-ngutong sambit naman ni Jethro saka naupo. Pa chill-chill ang ulol eh halatang pagod din naman at nauuhaw, mukhang ayaw lang din mautusan.
"Sinong may mabuting kalooban diyan na bibili ng tubig?" tanong ni Cohen habang pinupunasan ang pawis sa noo gamit ang dulo ng kanyang t-shirt.
Nagkatinginan kaming lahat, sa puntong iyon ay ramdam ko nang wala sa amin ang ayaw bumili ng tubig. Lahat gustong mag-utos.
"Sino ba ang nauuhaw?" Pagmamaang-maangan ko.
Nag-angat ng kamay ang humahangos si Apollo. Nakaupo na ito sa damuhan at mukhang ano mang oras ay bibigay na sa pagod.
"Edi ikaw bumili!" Bulyaw ni Haji kaya mabilis na bumaba ang lahat ng daliri ni Apollo at ang middle finger na lang nito ang natira.
"Uy bad yan!" Pang-aasar ni Magno, akala mo sinong inosente.
"Kung sino yung late dumating, sila ang bibili ng tubig!" Sawyer smirked and looked at Slade and I. Babatuhin ko sana siya ng bola lalo't malapit lang ito sa akin pero mabilis siyang natatakbo palayo. Curse his athletic energy!
"May araw ka rin sa akin Sawyer!" Pagbabanta ko pero kumaway lang ito na para bang nagyayabang dahil hindi ko siya mahabol.
"Let's go, demon." Natatawang sambit ni Slade at pabiro akong tinulak patungo sa direksyon ng convenience store na nasa tapat lang ng soccer field.
****
"Buy drinks. Try ko ang bread dito," paalam ko kay Slade sabay turo sa coffee shop na katabi lang ng convenience store. Tumango naman agad si Slade kaya naman naghiwalay na kami ng landas.
Pagpasok ko sa coffee shop. Lumapit agad ako sa hilera ng mga tinapay at cake. Kukunin ko sana ang pansin ng cashier nang mapansing abala ito sa isang customer.
Napatingin ako sa customer at saktong lumingon din ito sa akin. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko nang mapagtantong ang si Riley pala ito.
Matagal na rin mula nang huli ko siyang nakita. Sa totoo lang sinadya kong 'wag siyang makita. Naisip ko rin kasing tama si Slade... na mali iyong pinilit ko ang sarili kay Riley.
Nakakatawang isipin na inalam ko ang schedule niya noon para alam ko kung kailan ko siya pwedeng makita, pero last month ginamit ko ang schedule niya para alam ko kung paano ko siya maiiwasan.
Mabilis siyang umiwas ng tingin sabay bigay ng bayad niya sa cashier.
"Sungit akala mo cute." Kusang lumabas ang mga salita mula sa bibig ko. Nakuha ko ito mula kay Slade lalo't ito ang lagi niyang sinasabi sa tuwing nagmamaldita ako sa kanya.
"I'm not cute. I'm hot." Nilingon ako ni Riley sabay taas ng kanyang kilay.
Hindi ko napigilang matawa. Inisin ko nga lalo?
"Hotdog ang hanap?" Natawa ako sa sarili kong sinabi.
Riley's eyes widened as his contoured jaw tensed up, but I saw how the corner of his lips tremble and rose a little. It looked like he was trying hard not to laugh!
Nakakatuwang isipin na kahit papaano ay napatawa ko siya. Siguro mas mabuti 'to... idadaan ko na lang sa biro ang lahat. Baka sakaling magising ako isang araw at mapagtantong biro lang din pala itong nararamdaman ko para sa kanya.
Sa pagkakataong iyon, siguro hindi na masakit.
END OF 18
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro