Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

35


"You are almost 7 weeks pregnant, Miss Valeria." 


Iyon pa rin ang laman ng utak ko pagkatapos akong i-ultrasound. Hindi ko mapigilang maluha nang ituro sa screen ng doktor kung nasaan ang baby ko. Hindi pa siya masyadong kita dahil kakasimula ko pa lang pero naluha pa rin ako, iniisip na mayroon na 'kong aalagaan sa tyan ko. 


I asked a few more questions before I left the clinic, holding a copy of the ultrasound. I went here alone because I wanted to make sure of it first before I tell Kalix. Kabadong-kabado ako at hindi makahinga kaya umupo muna ako saglit sa labas ng clinic. 


Pinagmasdan ko ang ibang mga babae na kasama ang mga asawa nila. Malalaki na ang tyan ng iba at masaya silang hinahaplos ang tyan ng babae. My lips formed a sad smile. Hindi ko alam kung magugustuhan ba 'to ni Kalix. Hindi ko alam kung handa na ba siyang magkaroon ng anak. 


Wala pa 'kong pinagsasabihan kung hindi si Kierra. Alam kong kailangan ko ring sabihin sa magulang ko. Siguradong hindi ako pagtatrabahuhin noon kapag nalaman! Sasabihin noon ay magpahinga na lang ako sa bahay buong araw para hindi ako mapagod. Kaya ko naman. Hindi pa naman malaki ang tyan ko. 


"O, Architect! Late ka ata!" Salubong sa 'kin ni Sevi habang naglalakad ako sa hallway papasok sa board room para sa meeting. 


"May dinaanan pa 'ko, e." Alanganin akong ngumiti sa kanya. 


Mabuti na lang at hindi na niya tinanong kung saan ako dumaan. May plano rin naman akong sabihin sa kanya mamaya, e, para lang makita ko kung paano siya magre-react. Baka sakaling ganoon din ang magiging reaksyon ni Kalix. 


Wala sa meeting si Kalix, mabuti na lang. Busy siya ngayon doon sa firm niya at hindi rin naman siya kailangan sa meeting na 'to dahil tungkol lang 'to sa construction sa Rizal. Nanghihingi lang sila ng updates or reports. 


"Male-late po si Mr. Valeria," sambit ng secretary ni Daddy habang namimigay ng snacks. 


I bit my lower lip and looked at the baked cookies, tinatantya ang sikmura ko. Hindi naman siya naka-apekto sa 'kin kaya kinuha ko 'yon nang maka-kain. Alam kong hindi sapat ang dalawa lang dahil dalawa kaming kumakain kaya tumingin ako kay Sevi. 


"O, ano?" Napatigil si Sevi na kakagat na sana sa cookies niya. 


I stared at him and looked at his cookie. 


"Bakit ka nakatingin?" Napaatras siya at binaba ang cookies. Sinundan ko ng tingin 'yon, nagpapahiwatig sa kanya. "Pucha, gusto mo?" 


Tumango ako. Bumuntong-hininga siya at binigay sa 'kin 'yung isa kahit labag sa loob niya. Hinati niya naman 'yung isa at binigay din sa 'kin ang kalahati. Para siyang batang naagawan ng candy ngayon, nakasimangot pa. 


"Ang takaw mo naman," puna niya at umirap. 


"Hindi," tanggi ko. Kailangan ko lang talaga. 


"Pero 'yung carbonara ko hindi mo man lang tinikman." May sama pa rin siya ng loob. 


Tumawa ako pero agad ding natigil nang maramdaman ko na namang bumabaliktad ang sikmura ko, iniisip ko pa lang ang carbonara. Napatakip ako sa bibig ko at pumikit nang mariin, dinadama kung naduduwal ba 'ko o ano. Mabuti na lang at umayos din ang pakiramdam ko. 


Medyo nahihilo ako nang dumating si Daddy. Nagsasalita na ang head ng finance sa harapan nang mapahawak ako sa ulo ko. Siniko ako ni Sevi bigla para mapatingin ako sa kanya. 


"Okay ka lang ba? May sakit ka?" Pabulong na sabi niya para hindi ma-interrupt ang meeting. 


Umiling ako pero hindi siya nakumbinsi. Kumuha siya ng tubig sa gitna ng table at inabot sa 'kin. Napasunod tuloy ang tingin ni Daddy sa aming dalawa. 


Kinuha ko ang tubig at uminom doon para naman kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Nararamdaman ko 'to paminsan-minsan noong mga nakaraang linggo pero hindi ko naman pinapansin. Pakiramdam ko ay pagod lang ako palagi kaya ako nagkakaganoon. Iba na pala! 


Nag-present na rin ako sa harapan. Maayos naman 'yon, buti na lang. Nang matapos ang meeting, nagmamadaling magsi-labasan ang mga nasa board room. Naiwan kami ni Sevi dahil hinihintay niya 'kong ayusin ang gamit ko. 


"Hoy, ang weird mo, ah." Kinalabit niya 'ko habang nakasandal siya sa lamesa niya. 


"Bakit?" Tanong ko pagkatapos uminom ng tubig. 


"Galit ka ba sa 'kin? May ginawa ba 'ko?" He asked nervously.


Natawa ako sa tanong niya at agad umiling. Dahil ba tinanggihan ko ang carbonara niya ay galit na 'ko sa kanya? Sabagay, nakaka-offend nga naman na nasuka ako pagkatapos kong maamoy ang niluto niya. 


"No, I'm pregnant, Sevi," tuloy-tuloy at kaswal na sabi ko para makaligtaan niya. 


"Ah..." Tumango siya at uminom sa tubig niya. 


Ngumiti ako at binuhat na ang gamit ko para makaalis na. Lalagpasan ko na sana siya nang mabuga niya bigla ang iniinom niya. Napatili kaagad ako at umatras, sabay hampas sa braso niya dahil muntik na niyang mabuga sa 'kin! 


"Anong sabi mo?!" Gulat na gulat siya ngayong nakatingin sa 'kin. 


"Mag-punas ka muna." Inabutan ko siya ng tissue. 


Nanlalaki pa rin ang mga mata niya sa gulat habang pinupunasan ang bibig, hindi inaalis ang tingin sa' kin at halos naestatwa na roon sa pagkakasandal niya sa lamesa. 


"Tama ba pagkakarinig ko? O nabingi ba 'ko? Naglinis naman ako ng tenga ko, bakit ganoon?" Hinawakan pa niya ang tenga niya, nagtataka. 


"Ewan ko," pang-aasar ko pa. "Ano bang narinig mo?" 


"B-buntis ka." Nauutal pa siya. Tumango ako muli sa kanya para kumpirmahin. 


Hindi siya nagsalita at napaawang lang ang labi habang nakatitig sa 'kin, naguguluhan pa rin. Napakurap siya at bumaba ang tingin mula sa mukha ko papunta sa tyan ko. Pagkatapos, walang pasabi niya 'yong hinawakan. 


"Gago, wala naman, ah?!" Ayaw niya pa ring maniwala. "Ginogoodtime mo ata ako, e!" 


"Tanga, malamang wala pa! Hindi pa halata." Umirap ako at kinuha ang bag ko para mapakita sa kanya ang picture ng ultrasound. Ang shunga ni Sevi! Palibhasa, wala pa ring nabubuntis! 


Mabilis niyang kinuha ang litrato mula sa kamay ko at napatakip sa bibig niya dahil sa gulat. Pagkatapos, hinawakan niya na naman ang tyan ko na akala mo ay doktor siya at dinadama niya lang para masabing may bata sa tyan ko. Seryoso pa ang mukha. 


"Shit." Napatakip ulit siya sa bibig niya. "Ninong ba 'ko?!" Iyon agad ang tanong niya.


Tumawa ako. "May pamasko ka ba sa anak ko?" 


"Gawan ko 'yan ng bahay, Luna!" Mayabang na sabi niya.


Umiling ako at nilagpasan siya para makabalik na kami sa opisina ko. Agad naman siyang sumunod sa 'kin at kung ano-ano ang tinanong tungkol sa pagbubuntis ko. Kailan daw ako nakipag-sex?! Hindi ko siya sinagot dahil alam kong chismoso lang siya kaya siya nagtatanong! 


Noong pinatawag siya sa site, saka lang siya lumayas sa opisina ko. Bumalik na rin ako sa trabaho ko at tumigil lang nang mag-text si Kalix. Agad akong kinabahan. 


From: Atty. Martinez

Did you eat your lunch? 


Nag-tipa kaagad ako.


To: Atty. Martinez

Yes. Are you going to visit me later? 


From: Atty. Martinez

I'll pick you up. 


Hindi ako nag-reply at binaba kaagad ang phone ko sa mesa, kinakabahan. Ngayon lang ulit kami magkikita kaya ngayon ko lang masasabi sa kanya ang tungkol sa baby. Huminga ako nang malalim at nag-search kung paano sasabihin sa lalaki na buntis 'yung babae. Napakunot ang noo ko dahil may mga pa-regalo regalo pa sila. 


Napaisip tuloy ako at kumuha ng maliit na box. Kumuha ako ng mga pang-design sa department namin. Nagtataka tuloy ang team ko kung anong balak kong gawin. Basta ay nilagay ko ang picture ng ultrasound kahit wala pa namang masyadong makikita roon, para lang magkaroon siya ng idea. Katabi noon ay 'yung pregnancy test na nilagay ko sa clear plastic. Kinakabahan ako habang binabalot 'yon ng ribbon. 


Napa-sandal ako sa swiveling chair ko, nagpa-practice kung paano ko ba sasabihin sa kanya. 


"Congratulations, Kalix, you're a dad!" Sambit ko sa sarili ko. 


Ang pangit ata noon. Masyadong straightforward at nanggugulat. Hindi ko pa nga alam kung magugustuhan niya kaya dapat hindi ako masyadong masaya dahil baka mapahiya ako. 


"Kalix, nabuntis ako..." 


Umiling din ako kaagad. Para namang may ibang nakabuntis sa 'kin kung ganoon ang pagkakasabi ko! 


"Atty. Martinez, may kaso ka. Malalaman mo ang ruling after nine months." I giggled. 


"Dear, sinong kausap mo riyan?" 


Napaayos kaagad ako ng upo at muntik pang bumaliktad sa inuupuan ko nang pumasok si Mommy. Dali-dali kong inayos ang mga naka-kalat sa desk ko at tinago ang maliit na box. 


"W-wala, Mommy. Bakit?" Kabado ako dahil baka narinig niya. 


"Kukumustahin lang kita. Ang sabi ng Daddy mo ay parang masama ang pakiramdam mo kanina, tapos maririnig ko pang kinakausap mo sarili mo. Are you okay?" Lumapit si Mommy sa desk ko. 


Mabilis akong tumango, hindi pa handang sabihin sa kanya. Balak kong sabihin pagkatapos ko kay Kalix. Isa-isa lang! Hindi ko kaya 'to! 


"Ano 'yung tinago mo?" Kumunot ang noo niya at sumilip sa desk ko. "Is that your gift for me?" Nakangising tanong niya at nilagpasan ako para makuha ang box. 


Tumayo ako para pigilan siya. "No, Mommy! Kay Kalix-" 


I stopped when she successfully untied the ribbon. Napakagat ako sa labi ko habang binubuksan niya ang box. Ano ba 'to! Hindi ito ang plinano ko! Pumikit ako nang mariin at tumalikod sa kanya, hindi handang makita ang reaksyon niya. 


Nang wala akong marinig galing sa kanya, humarap ako sa kanya at nakitang nakatitig siya ngayon sa laman ng box na nilapag niya sa desk. Nanginginig ang mga kamay niyang nakatakip sa bibig niya at nakita ko na lang siyang lumuluha. 


"M-mommy!" Nag-alala kaagad ako. "Are you okay?!" 


Umiyak na nga siya nang tuluyan nang hawakan ko ang balikat niya. I panicked! Hindi naman umiiyak si Mommy! Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya sa 'kin! 


"Oh my god..." Pinunasan niya ang luha niya at tinignan ulit ang box. "I'm a grandma!" Para siyang baliw na tumawa. 


Napasapo ako sa noo ko at nakahinga nang maluwag. Pinanood ko siyang tuwang-tuwang hawak 'yung picture ng ultrasound at ingat na ingat. Akala mo naman ay anak ko na mismo ang hawak niya. Umiiyak na siya ngayon sa tuwa. 


"Kailangan malaman ng Daddy mo 'to! Omg, Luna!" Hinampas ako ni Mommy out of excitement. "Simula ngayon, huwag ka nang pumasok sa trabaho. Papalit muna si Kierra sa 'yo for the meantime-"


"Mommy! Kaya ko pa mag trabaho!" Reklamo ko. 


"Tapos maghihire ako ng personal doctor mo. Saglit lang. Kailangan ay palagi siyang naka-standby sa 'yo dahil baka kung ano ang mangyari sa bata! Lagot ka talaga sa akin, Louisse Natasha!" Nagpapanic na siya at nilabas ang phone. 


"Mommy, chill! Kakagaling ko lang sa doctor! The baby's healthy, okay?!" 


Walang nagawa ang reklamo ko nang itaas niya ang daliri niya para matahimik ako habang may kausap siya sa phone. "Doc! Doc! I have news for you!" Tuloy-tuloy siyang naglakad palabas ng opisina ko. 


Napabuntong-hininga ako at umupo na lang sa couch. Napasapo ako sa noo ko. Hindi na naman nasunod ang plano kong bukas na lang sabihin sa kanila! Panigurado, ichichika na niya 'yon kay Daddy. Mukhang si Kalix pa ang huling makakaalam! 


Napabalik ang tingin ko sa phone ko nang makitang nag-text si Kalix. 


From: Atty. Martinez

Baba ka na. I'm already here. I love you. 


Kumabog na naman ang dibdib ko! Dali-dali akong naglakad pabalik sa desk para ayusin ulit ang box dahil binuksan nga ng epal kong ina kaya inayos ko na naman 'yon! Pagkatapos, kinuha ko ang bag ko at nagmamadaling bumaba. Para akong masusuka sa kaba! 


Muntik pa 'kong madapa sa hagdan kaya mas lalong kumabog ang dibdib ko. Dahan-dahan akong naglakad papasok sa sasakyan ni Kalix. Pagkapasok ko pa lang ay hinatak na niya 'ko para mahalikan. 


"I missed you," he whispered. 


Natahimik ako at nagsuot ng seatbelt, hindi nagsasalita. Mahigpit ang hawak ko sa box at nakatingin lang sa harapan habang nagda-drive siya. Paano ko sasabihin sa kanya? I was overthinking it again. 


"What's that?" He eyed on my gift before looking back at the road. Parang sasabog na ang puso ko! 


"A gift," I said in a small voice. 


"For me?" Lumiwanag ang mukha niya at may nakasilay na ngiti sa labi. 


Tumango ako at hindi na ulit nagsalita. Mawawala rin 'yang ngiti mo sa labi kapag nabigay ko na ang regalo ko, siraulo ka! Mas lalo lang akong ninerbyos sa mga iniisip ko. Paano kapag ayaw niya? Anong gagawin ko? Bubuhayin ko ang bata mag-isa? Kung ayaw niya, hindi ko siya papakasalan! Hindi ko rin tatapusin 'yung bahay niya! Mabulok siya roon! 


Nawala ang iniisip ko nang hawakan niya ang kamay ko habang nagda-drive. Huminga ako nang malalim at pinagdasal na sana makarating na kami sa Tagaytay. Doon kasi ang punta namin para i-check ang bahay niya. 


"We're here," sabi niya nang hindi ako gumalaw sa inuupuan ko. 


Napatingin ako sa labas. Ang tagal ko palang natulala! Agad kong tinanggal ang seatbelt ko at bumaba, dala-dala pa rin ang box. Amoy ko ang pintura sa labas kaya tinakpan ko ang ilong ko at dumiretso sa loob. 


"Luna?" Narinig kong hinahanap ako ni Kalix sa baba nang umakyat ako sa may second floor. 


Pumasok ako sa kwarto at lumabas sa may balcony para makaiwas sa amoy ng pintura. Nag-liligpit at naglilinis na ang mga worker ni Sevi sa may baba nang dumungaw ako. Madilim na kasi. Umupo ako sa may bench sa balcony at hinintay si Kalix na mahanap ako rito. 


"Hey," bati kaagad ni Kalix nang buksan ang sliding door. 


Humigpit ang hawak ko sa box nang maupo siya sa tabi ko. Lumipat ang tingin niya mula sa 'kin papunta sa hawak ko.


"Where are you going to give me that?" He seemed excited. 


"Hindi ka ba nagtataka? Hindi mo naman birthday kaya bakit ako may regalo?" I was trembling but I tried to stay casual. 


"No, you're always so full of surprises." Umiling siya. 


Huminga ako nang malalim at inabot sa kanya ang box. He watched me closely before he slowly untied the silver ribbon. Hindi ko alam kung i-iiwas ko ba ang tingin sa kanya o papanoorin ko ang reaksyon niya. Natatakot ako. 


"Oh, what's this?" Tinanggal niya ang takip ng box pati ang mga nakapatong na papel doon. 


I saw how his face changed from being excited to being surprised when he saw what was inside the box. He didn't move. He just stared at it for so long without any reaction. Nagbadya ang luha sa mga mata ko dahil sa sobrang takot. 


"L-luna, I..." He couldn't even form a sentence. 


His hand was trembling when he tried to get the ultrasound picture so he can look at it closely. Pinabalik-balik niya ang tingin doon at sa 'kin, gulat pa rin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa tingin niya. He should say something! Anything! 


"You're..." He looked at me, waiting for me to confirm. 


Kasabay ng pag-tango ko ay ang pag-bagsak ng luha mula sa mga mata ko. "I'm pregnant, Kalix..." 


Pinunasan ko ang luha ko para makita siya nang maayos. Unti-unting dumaloy ang emosyon sa mga mata niya nang tignan niya ulit ang pregnancy test na naroon. 


"Fuck," he whispered, his eyes forming tears. 


Mas lalo lang tumulo ang luha ko. Inis kong kinuha ang panyo ko para punasan 'yon. Naguguluhan ako at natatakot lalo na't wala pa siyang sinasabi tungkol doon. 


"Fuck, yes!" 


Tumayo siya bigla at tinaas ang kamay na may hawak doon sa maliit na litrato. Humawak siya sa railings at tumungo roon habang mabigat ang paghinga. Nakita kong tumulo ang luha niya na agad niya ring pinunasan. 


"Ano?" Naguguluhan pa rin ako at nag-aabang ng sasabihin niya.


He looked back at me, overwhelmed with his emotions. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko para pakalmahin ako. 


"I also have a gift for you," seryosong sabi niya.


Tumigil ako sa pag-iyak nang maglabas siya ng maliit na box. Mas maliit sa binigay ko. Saglit lang tumigil ang luha ko dahil nang buksan niya at makita ko ang kumikinang na singsing doon, umiyak na naman ako. 


"Shush, babe, stop crying." Tumayo siya para yakapin ako. 


"Nakakainis." Hinampas ko ang dibdib niya habang umiiyak. "Akala ko hindi mo magugustuhan."


"I would even throw a fucking party, Luna." He laughed and hugged me tighter. 


I cried harder on his chest. Humigpit lalo ang yakap niya sa 'kin habang hinahaplos ang braso ko, pinapakalma ako. I had to stop crying. Baka masama sa bata kaya sinubukan ko talagang tumigil sa pag-iyak ko. 


Nang maramdaman niyang humihina na ang iyak ko, niluhod niya ulit ang isang tuhod sa harapan ko, hawak na ang singsing sa kamay niya. 


"Still, no pressure, Luna." He made it clear. "I'm just doing this so you wouldn't think that I'm only marrying you because of our baby." 


Tumawa ako. Alam ko namang hindi niya 'ko inaalok ng kasal para sa bata. Noong mga nakaraang linggo pa nga niya sinusubukang mag-propose sa 'kin na palagi kong tinatanggihan. Pakiramdam ko kasi noon ay masyadong mabilis. Ngayon, alam kong doon din naman kami papunta. 


Nilahad ko ang kamay ko sa kanya para isuot niya ang singsing doon. He let out a heavy sigh as he slid the ring on my finger. Parang may natanggal na tinik sa dibdib niya. 


"Fuck, I love you so much." He kissed me. 


"I love you," I whispered back in between the kiss. 


Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko, dinadama ang singsing na naroon. Doon lang siya nakatitig ngayon at parang hindi pa makapaniwala. 


"I could marry you right now," seryosong sabi niya. "I want to marry you so bad." 


Napangiti ako at hinawak ang isang kamay ko sa tiyan ko. Hindi pa rin talaga nagsisink-in sa 'kin na mayroong baby sa loob noon. Kailangan ko nang mag-ingat sa lahat ng gagawin ko ngayon. I was going to become a mom! 


"Let's tell your parents first before we get married," I suggested. 


That night, he asked me a lot of questions regarding my pregnancy. Nagalit pa siya at nagtampo dahil nauna raw sila Kierra na malaman kaysa sa kanya. Dapat daw ay sinabi ko para nasamahan niya 'ko sa clinic. I was so happy I cried again. I just felt so relieved.


Kalix already became extra protective that night! Doon pa siya natulog sa condo ko at sinabing kung ayaw kong lumipat kasama siya sa condo niya, siya ang lilipat sa unit ko. Mas malaki ang unit niya kaya pakiramdam ko mas magandang doon na nga lang para rin maganda ang environment. Nag-lipat kami ng mga gamit at damit ko noong umaga. Mom even hired a personal nurse for me! May pinadala pang dalawang kasambahay para may kasama raw ako sa condo ni Kalix kapag mag-isa lang! Nakakainis! 


Hindi ko naman sila masisisi. They just wanted the best for my baby. Ako rin naman pero hindi pa rin ako pumayag na hindi magtrabaho. Saka na 'ko magleleave kapag 4 or 5 months na ang bata. Kaya ko pa naman ngayon. Nahihilo lang at nagsusuka paminsan-minsan. 


"Oh shit, are you okay? Luna?!" Kinakalabog na ni Kalix ang pintuan ng C.R. 


"I'm fine!" Sigaw ko pagkatapos kong maduwal sa bowl. 


Flinush ko 'yon at naghilamos bago lumabas. I saw him walking back and forth while waiting for me. He stopped when he saw me leave the bathroom. Dali-dali siyang naglakad palapit sa 'kin, mukhang kinakabahan. 


"Are you sure you're okay? How are you feeling? You should eat more. Your stomach can't be empty, baby." He caressed my face. 


I chuckled and went back to fix my things in his bedroom. Kailangan na namin matapos sa pag-aayos dahil may dinner kami mamaya kasama ang family niya at family ko. Kinakabahan ako roon pero panatag ako dahil may singsing na 'ko at wala silang magagawa. 


"If you want, we can already start the construction of our house in Quezon City," he suggested. 


"I'm going to finish the design and then yes, we can start. Sasabihin ko na rin kay Sevi na simulan nang i-clear ang field doon para mabilis," sabi ko habang nagtutupi ng damit ko. 


"It should already be finished before our baby's first birthday," he said, planning things ahead. 


"Chill, babe. Patapos naman na 'yung sa Tagaytay. We can move there during my fifth month. For now, let's just meet your parents and mine and then plan for the wedding habang hindi pa malaki ang tiyan ko. Ayaw kong iba ang itsura ko sa wedding pictures," sambit ko. 


"If you want, we can already get married tomorrow." I didn't know if he was joking or not. 


"My mom wants something grand." I sighed. "But I'll talk to her. I just want a simple beach wedding. We can get married next next week, I guess? Okay na ba 'yon?" 


I didn't know how weddings worked so I assumed that two weeks were enough!


"Whatever you want, Luna," tumango siya. 


I smiled and finished folding my clothes. Nilipat ko na 'yon sa maliit niyang walk-in closet. Nilipat naman niya ang mga damit niya sa kabilang cabinet para mabigyan ako ng space. Ayan tuloy, mas malaki na ang space ko kaysa sa kanya. Tatlong cabinet ata ang sinakop ko. 


Nag-ayos pa 'ko ng iba kong gamit at nang mag-gabi, naligo ako ulit at nagsuot lang ng royal blue fitted tube dress. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at nagmake-up lang nang kaunti. Naka-sky blue polo naman si Kalix para ternuhan ako. Ang arte niya lang. 


Nauna kami roon para hindi awkward sa parents ko at sa parents niya. We reserved a large table for us and ordered food, para mamaya ay iseserve na lang 'yon. We waited for a couple of minutes before I saw his family arriving. Tumayo ako kaagad para i-greet sila. Wala ang ate niya at may duty daw sa hospital. Si Kio lang ang kasama ng parents niya. 


"Good evening po," I greeted. 


His dad smiled at me and leaned to kiss me on my cheek before sitting down. Katabi niya si Kio na nginitian lang din ako. Sa kabila naman ang Mommy ni Kalix. She just gave me a small smile then gestured for us to sit down. 


"Hi," Kio greeted me shyly.


Umupo ako at ngumiti sa kanya bago kami nagkatinginan ni Kalix. Alam na ng magulang ko na buntis ako kaya 'yung parents niya na lang ang balak naming kausapin tungkol doon. Kinuha ko ang wine glass para sumimsim doon ng tubig. Nakita ko pang napatingin ang Mommy ni Kalix sa singsing sa daliri ko pero hindi nagsalita. 


"We have a very important news," seryosong sabi ni Kalix. 


Tumaas ang kilay ng Mommy niya at nag-hintay naman ang Daddy niya sa sasabihin niya. Kio looked at him innocently, too, na parang gustong makisali sa usapan kahit bata pa. 


Kinuha ni Kalix ang box na binigay ko sa kanya at 'yon ang prinisinta sa harapan ng Mommy niya. He pushed it across the table so they could open it. I bit my lip, nervous about their reaction. My heart started beating so fast when his mom slowly untied the ribbon. 


Hindi ko inaalis ang tingin sa lid ng box. Nang i-angat 'yon ng Mommy niya, saka ko lang din tinignan ang mukha ng parents niya. Kabadong kabado ako at parang masusuka na. 


"What-" Inagaw ng Daddy niya ang box para matignan nang maayos. 


Natulala ang Mommy ni Kalix habang ang kamay ay nakataas pa rin na akala mo'y may hawak pa ring box kahit kinuha na 'yon mula sa kanya. Napakurap siya at gulat na tumingin kay Kalix while the latter remained calm and composed. Nakasandal lang ang siko at tinatapik ang daliri sa mesa.


"She's pregnant!" Kalix's dad exclaimed with a big smile on his face. 


Tinitigan pa nito ang litrato ng ultrasound, tuwang-tuwang hindi nag-practice ng safe sex ang anak niya. Kio took a look at the photo too, looking even more curious. 


"Hon, she's pregnant!" Ulit niya sa asawa. 


Kalix's mom let out a heavy breath after hearing that. Napahawak ito sa dibdib niya at parang hindi pa rin nagsisink-in sa kanya ang nabalitaan. Napainom tuloy ako ng tubig.


"Oh my god," his mom muttered. 


Habang tuwang tuwa ang Daddy ni Kalix at pinapakita kay Kalix 'yung picture, ang Mommy niya naman ay hindi ko mabasa ang reaksyon. She was too overwhelmed. Mukhang hindi niya inaasahan 'yon. Kahit ako rin naman ay hindi ko inaasahan. 


"How many weeks?" Tanong ng Mom niya.


"Almost seven weeks po," I answered. 


"Oh my god." Napatakip siya sa bibig niya. "How are you feeling? Are you okay? Is the child healthy? What did the OB say?" 


I gave her a nervous smile. Hindi ko alam pero mukhang tuwang-tuwa siya at nag-aalala kaagad para sa bata. "The child is healthy, doc," I answered politely. 


"Kilala ko ang pinakamagaling na OB dito sa Manila, I will set an appointment-" 


"Mom, her mother already took care of that. She's fine," sabi ni Kalix na akala mo'y hindi siya ganoon ka-paranoid kagabi. 


"You should be extra careful now, hija. Sinabi na ba sa' yo ang mga bawal? Sa pagkain? Sa inumin? Sa environment?" Sunod-sunod na tanong nito. 


Sasagot na sana ako pero biglang tumayo si Kalix kaya napalingon din ako. Dumating na pala sila Mommy. Tumayo rin ako para bumeso kay Mommy tsaka Daddy. Umupo sila sa may tabi ko, minamataan ang magulang ni Kalix dahil ngayon lang nila nakita 'yon. 


"Mom, Dad, this is Dr. Martinez and Dra. Martinez, and Kalix's little brother, Kio," pormal na pagpapakilala ko. 


"Mom, Dad, these are Luna's parents," sambit din ni Kalix. 


Ngumiti ang Mommy ko sa dalawa at tumayo para makipag-beso. Natagalan ang tingin ni Mommy sa Mom ni Kalix dahil may pinag-usapan silang hindi ko alam. Nag-tanungan ata sila ng pangalan batay sa narinig ko at pinakilala ang asawa. Naupo kami ni Kalix nang bumalik na rin sa kinauupuan niya si Mommy. 


"So when's the wedding?" Tanong ng Dad ni Kalix. 


Inaasahan kong magugulat si Daddy pero wala siyang reaksyon. Chinika na siguro ni Mommy sa kanya o kaya baka nagpaalam na si Kalix sa kanila bago pa 'ko inalok ng kasal. Nakangiti lang si Mommy sa 'kin at mukhang excited na. 


"I want a grand wedding!" Nanguna si Mommy. 


"Mom, I just want a simple beach wedding. Close friends and relatives lang," pagtanggi ko naman.


"But how about our colleagues? Our employees?" Tanong ni Daddy. 


"We can just throw a party sa company, Dad. I don't want something grand. I want to spend my special moment with the people who are close to my heart. Kalix can also invite whoever he wants," pagpapaliwanag ko. 


"I agree with Architect Valeria," sambit ng Mommy ni Kalix. 


"Luna na lang po," I smiled at her. 


"Sure, Luna." She smiled back at me. "You can also call me Tita or Mom if you want. Whatever you please." 


Nagulat ako roon at hindi nakapagsalita kaya tumango na lang ako. We started planning for the wedding. Nag-isip na rin kami ng date. Nagawa naman namin gawing two weeks from now. Sana lang ay umabot. Ayaw ko lang magpakasal nang malaki na ang tiyan ko dahil mahihirapan ako sa wedding dress. 


Naisip ko tuloy sila Yanna. Panigurado maghihimutok 'yon na hindi pwede ang inuman sa bachelorette party. Okay na 'yon at hindi naman ito ang unang bachelorette party namin. 


Pagod na 'ko nang makauwi. Kalix unzipped my dress which automatically led us to the shower. Wala na 'kong suot nang ilubog ang sarili ko sa bathtub. Sumunod naman siya sa 'kin minutes later to wash me up. Sumandal ako sa dibdib niya habang nilalaro ang tubig gamit ang kamay ko. 


"I'm so happy." Ngumiti ako pagkasabi ko noon.


I was genuinely so happy. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong klaseng saya. 


"I'm so glad you came back," I added. "Thank you for being patient with me." 


He laughed a little and held my hand to stop me from playing with the water. Pinalupot niya ang braso sa bewang ko para hatakin ako lalo papalapit sa kanya. Lumingon ako saglit sa kanya para halikan ang panga niya at ang leeg niya. 


"Will you still be patient with me during my pregnancy?" I laughed. 


He shook his head and his lips formed a small smile. 


"Even when you're not pregnant, baby, I love you. That's enough." He kissed my forehead. 


I giggled and gave him a kiss on his lips. Inangat niya 'ko para mapaharap sa kanya. I straddled his hips with my legs and put my hands around his neck. Halos magulo na ang bun ko nang halikan niya 'ko ulit, ang isang kamay ay nakahawak sa likod ng ulo ko. 


"Ten years. Still you," I whispered. 


Almost. Almost ten years... And we still went back to each other's arms. Ang sabi niya ay sabihin ko 'yon sa kanya kapag hindi na 'ko lasing. Iba nga ang epekto. Napangiti siya at hinawakan ang pisngi ko. Hinawakan ko naman ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko para damahin 'yon. 


"I can't see myself with anyone else but you." I kissed his forehead. "I love you."

________________________________________________________________________________

:)


last smiley.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro