Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

34


"It wasn't your fault."


Naguguluhan pa rin ako pero alam kong kailangan ko munang ipamukha kay Kalix na hindi naman niya kasalanan 'yon. He looked so down, blaming himself. I just remembered myself years ago after what happened with Kierra. Sinisi ko rin ang sarili ko noon dahil pakiramdam ko nag-kulang ako. Because of that, I lost myself and walked myself into darkness. I didn't want Kalix to go through the same thing. 


"But how could she do that? Hindi ba against 'yon sa oath n'yo? Sa duties n'yo? You could get her... Ano ulit ang sinabi ni Adonis? Disbarred?" Sunod-sunod na tanong ko. 


"Luna..." Umayos siya ng upo at napangiti sa tanong ko. "Amy fought for it, okay? She did not twist anything. She just... didn't do well on purpose. It would take a great lawyer to win and twist that case."


"Was she great?" Curious na tanong ko. 


"Well..." Tumango siya, mukhang kalmado na ang pag-iisip ngayon. "My ex-boss already offered her the case after I rejected it, then I urged her to take it, used the 'I'll do anything' card. At least Miguel was represented by someone I trusted." 


"And how did you make her do it?" Napakurap ako. 


"Miguel's family was already planning to pin the crime on someone else just to win the case, and they wanted Amy in it. Amethyst was offended. She never played dirty and never planned to. She's also... competitive." 


Of course, she was Amethyst. She was a strong woman in my eyes. Matapang niya nga 'kong kinausap noon at matapang din niyang pinamukha sa harapan ko na ayaw niya sa' kin. She had a strong personality. Bagay sa kanya ang mag abogado. 


"I just said, if she wants to put dirt in her hands, slap it against the right person." He sighed. 


What she did might be against her own morals as a lawyer, but she had no choice. Kung pinanalo niya 'yon, marumi pa rin ang proseso. Pwede pa siyang makasuhan kung lumaro siya kasama ni Miguel. Mas mabuti na siguro 'to. At the very least, they couldn't prove if she did her best or not. She still did her job. 


"Kaya siya pinapadalhan ng death threats? Kasi hindi siya sumunod sa plano?" Tanong ko ulit at tumango siya. "How was that your fault?" 


"Because if I didn't urge her to take it, she wouldn't." Napailing si Kalix. "She was planning to resign too so she could join me in my firm but she stayed there to take the case." 


"Kung ni-reject niya ba 'yon, sigurado ka bang mapapanalo ng susunod na kukuha ng kaso?" I asked again. 


"We have a lot of great lawyers in the firm. You don't know how many of them are willing to win that case and turn against their morals. It could've been their biggest break. Their names and faces will be everywhere. The dream..." He laughed sarcastically. 


That might be one of the reasons why he left. Hindi niya gusto ang mga kasamahan niya roon dahil pakiramdam niya madumi na. Well, hindi na siguro maiiwasan. 


"I didn't trust the first prosecutor assigned either." He shook his head. "I already had enough encounters with him to conclude that he doesn't really care about justice. He just cares about money and power."


"That's scary..." Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa 'kin. 


"Well, he was fired." He chuckled. First prosecutor... So may iba pang sumalo nang matanggal sa trabaho ang isa. I had a hunch who it was. 


Sabay kaming napatingin sa cellphone niya nang mag-ring 'yon. Sinagot niya kaagad ang tawag ni Adonis. Ako naman ay inabot ang water bottle para mainom doon, pinoproseso pa ang mga nangyari at mangyayari sa susunod. 


"Alright," sambit ni Kalix sa kausap at binaba ang tawag.


 Pinanood ko siyang kuhanin ang coat niyang nakasabit doon sa swiveling chair niya. Kinuha niya rin 'yung susi ng sasakyan at ilang dokumento sa desk bago naglakad papuntang pinto. 


"Do you want to come with me?" Nag-aalanganin pa siyang nagtanong. 


"Saan?" Tumayo ako at kinuha ang bag ko kahit hindi ko pa alam kung saan kami papunta. 


"Amy's conscious now." He gave me a small but nervous smile. "Do you want to see her?" 


I actually wanted to talk to her kaya tumango ako at sumunod sa kanya papunta sa parking. Tahimik lang ako sa sasakyan at ganoon din siya, maliban na lamang kapag may kausap sa phone. Naririnig kong konektado 'yon sa kasong isasampa nila roon sa pamilya ni Miguel. Napangisi ako nang ma-realize na kung sakaling mapanalo nila ang kaso na 'yon, family goals silang nasa kulungan. 


Mabilis ang lakad ni Kalix papunta sa hospital room ni Amethyst, nagmamadali. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko alam kung paano sasalubungin ni Amethyst ang presensya ko, knowing that Kalix's decision was actually affected by his promise to me. Pakiramdam ko ay may kasalanan din ako. 


Nasa hallway pa lang kami ay naririnig ko na ang boses ni Adonis. Nagmadaling maglakad si Kalix para tignan kung ano ang sinisigaw ni Adonis doon. 


"Hindi, give me a fucking evidence!" 


Napakunot ang noo ko nang makitang kausap niya ngayon sa labas ng room ang Daddy ni Miguel na may kasamang tatlong bodyguards. Mukhang galit na galit si Adonis. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Natakot tuloy ako. 


"You and your stupid goons shot her because of mere assumptions, tapos magpapakita ka rito?" Nanginginig sa galit si Adonis. 


"Adi." Mabilis na humarang si Kalix sa gitna nilang dalawa nang umamba ang bodyguard. 


Hinarang ni Kalix ang kamay sa dibdib ni Adonis para pigilan ito at pakalmahin. Adonis was really fuming mad so it made me fear him too. Adi stepped aside, still glaring at the governor. Mahigpit ang hawak niya sa dokumento ngayon at pakiramdam ko malulukot niya na 'yon. 


"Akala ko abogado ka. You shouldn't conclude that I was the one behind that shooting incident," nakangising sambit ng Governor. 


Nakita kong nag-init ang ulo ni Kalix doon pero nanatili pa ring kalmado. Kalix was better at controlling his emotions in the first place. Actually, it was rare for him to display one. 


"E, bakit ka nandito? Tanga ka ba?!" Galit na sigaw ulit ni Adonis. 


"Hindi dapat ganyan umasta ang isang abogado. Pagsabihan mo 'tong kasamahan mo, Attorney Martinez. Mauuna pa ata siyang matanggalan ng lisensya bago ako makatapak sa korte." Tumawa ang governor at naglakad paalis. 


Napatigil lang siya nang magsalita si Kalix. 


"I wish you luck in court, then." 


That sounded like a threat instead of wishing luck. I saw the fear in the governor's eyes before he shook his head and walked away, looking bothered. Umiling si Kalix at pumasok na lang sa loob. Sumunod naman kami ni Adonis sa loob ng hospital room ni Amethyst. Nakita ko siyang nakaupo doon at naka-swero, naguguluhan din sa nangyari sa labas.


"What the hell was that? Kakagising ko lang tapos makikipag-sigawan ka sa labas, Adi?" Nakasimangot si Amethyst. 


Pinagmasdan ko siya nang maayos. She looked... more mature. Maikli na ang buhok niya ngayon. Hanggang balikat na lang kaya mas nagmukha siyang mataray. I couldn't tell if her attitude was still the same as the last time I saw her. 


"How are you? Are you okay?" Lumapit si Kalix para tignan ang itsura ni Amethyst. 


"I'm fine." Tumingin si Amethyst sa kanya bago binaling ang tingin sa 'kin. 


Napaawang ang labi niya nang makita ako sa loob ng hospital room niya, pero agad din siyang umiwas. Huling kita ko sa kanya ay halatang iniiwasan niya rin ako, hindi ko alam kung bakit. 


"I told you to tighten your security but you ignored my advice!" Kalix yelled at her. 


"Kalix, what the hell! I am a criminal lawyer for so many fucking years na! I was already used to getting death threats! I wasn't expecting them to REALLY shoot me this time?" Pakikipagtalo ni Amethyst. 


"He's a damn crazy politician! You should have known better!" 


Napangiwi ako. I felt bad for Amethyst. Kakagising niya lang ay pinapagalitan na siya ni Kalix!  


"Oh, so it's my fault now?!" Amethyst held her chest in disbelief. 


"Why the hell are you guys shouting?" Reklamo ni Leo na kakabukas lang ng pinto. 


Masamang tinignan ni Amethyst si Kalix bago binaling ang tingin kay Leo, at sunod sa 'kin. Nawala ang galit sa mga mata niya nang tignan ako, ngunit gaya kanina, mabilis din siyang umiwas. What was her problem? May ginawa ba 'ko sa kanya? She looked scared of me. 


"Pag-usapan muna natin. Amy, tuloy ang kaso sa hayop na 'yon, diba?" Sumingit na si Adonis.


"Duh? I almost died!" Umirap si Amethyst. 


"Dude, you were shot in the back. You won't die that easily. Besides, masamang damo ka." Napailing si Leo. 


"What did you say, dumbass?!" Sigaw ni Amy. 


"Umayos nga kayo!" Pag-saway ni Adonis. 


Wow, I didn't know they talk like this. Ganito pala nila paki-samahan ang isa't isa. Nagulat pa akong si Adonis ang nag-babawal at hindi si Kalix. That made him look like a father figure. I tried to hide a laugh.


"The shooter was arrested earlier, by the way, kaya late ako," sambit ni Leo. "Now that we have him, the case can move forward." 


Leo and Adonis started arguing if what happened was frustrated or attempted murder. Amethyst covered her ears, getting irritated with the two. Lumapit si Kalix sa 'kin para kumustahin ako kung okay pa ba 'ko ritong nakatayo at nanonood kung paano sila mag-talo. 


"Can you guys step out for a minute and buy food?" Amy talked which made Leo and Adonis stop from arguing. 


"Let's go." Tumango si Kalix at inakbayan ako para ayain ako palabas.


"Kalix, leave Architect Valeria inside," pormal na sabi ni Amy. 


Napatigil si Kalix at napalingon din si Adonis at Leo na palabas na sana ng pinto. Nagkatinginan si Amy at si Kalix bago tumango si Kalix at tinanggal ang akbay sa 'kin. 


"I'll be back." He kissed my forehead before leaving. 


Napabalik ang tingin ko kay Amethyst. Ngumiti siya sa 'kin at sinenyasan akong umupo roon sa maliit na upuan sa tabi ng hospital bed niya. Nakita kong kinakabahan siyang umayos ng upo. 


"How are you?" Tanong ko pagkaupo sa gilid niya. 


She looked pale but she still looked pretty. Nakatakip ng kumot ang katawan niya hanggang bewang at nakasuot ng hospital gown. Ngumiwi pa siya nang sumandal dahil siguro sa sugat niya sa likod. 


"Still alive, I guess." She laughed. "How are you?" 


"Okay lang din," maikling sagot ko. 


It was our first casual conversation ever, kahit simula pa dati. Hindi niya 'ko ganitong kinakausap. A lot really changed. Sa kanya rin. Pansin kong ang laki ng pinagbago niya. 


"I'll be straightforward now." She gave me a nervous smile. "I want to say sorry for what I did to your boyfriend years ago. I ruined your relationship with him and I know how much it affected you. I'm sorry my apology was almost 10 years late but well, I guess I was scared to talk to you, you know? Kalix was pretty rude." 


"Yeah, he told me..." Tumango ako, alam kung ano ang tinutukoy niya. "Alam mo, aaminin ko sa 'yo, may sama ako ng loob. I questioned my whole existence because of what you did. I thought he cheated on me when I saw the picture you sent him." 


"I was drunk." She sighed. "Of course that alone won't justify my actions. I harassed him. I kissed him without his consent while I was drunk. I already apologized to him, begged him for his forgiveness so now I want to beg for yours." 


"You don't have to beg for mine." I gave her a small smile. I guess I already forgave her. Ang mahalaga, nag-bago na siya. Kalix gave her a chance to change and she did for the better. 


"Phew, akala ko naman may ipapa-take ka rin na kaso sa 'kin. I mean, no worries, I think after getting shot for the first time, I could take another bullet." She laughed elegantly. 


Bulletproof siya, girl. 


"Kalix was blaming himself, 'no?" Alanganin siyang ngumiti sa 'kin. "I mean, yeah, I took that because I said I would do anything for him to forgive me. We spent law school years together. We were okay, but I just really wanted to do something for him after niya mag-go through so much because of what I did, right?" 


"Do you still..." I couldn't say it. 


"Love him?" She finished my sentence. "Hell, no. I took that case because I was guilty, not because I love him for heaven's sake. I'm not a dumb bitch." 


Nakahinga ako nang maluwag. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng malaking tinik. I was jealous of Amethyst not because she was pretty but because she had the vote of Kalix's mother. Isa pa, nagkaroon sila ng 'thing' noon. 


"Hindi ba naging kayo?" I asked to confirm. 


Tumingin siya sa taas, nag-iisip ng isasagot sa 'kin. Kinabahan na naman ako nang makitang parang nag-aalanganin pa siya. Then, she chuckled. 


"No, geez, that man's heart was like a rock." She rolled her eyes. "Nag-kunwari na lang kaming nagkakamabutihan para maiwasan 'yung beef between our families, you know? We didn't want our mothers to fight." 


Sabay kaming napatingin sa pintuan nang may pumasok na dalawang doktor. My eyes widened and immediately stood up when I saw Kalix's mother, together with his sister. My heart started racing faster. 


"Tita..." Nagulat din si Amethyst at umayos ng upo. 


Hindi ako sinulyapan ng Mommy ni Kalix at dire-diretso lang na chineck 'yung swero ni Amethyst. Pagkatapos, tinanong-tanong niya si quartz tungkol sa kondisyon niya. Natahimik ako sa gilid. 


Nagtama ang tingin namin ng Ate ni Kalix at mukhang nagulat siya nang makitang pamilyar ako. Iniwas niya rin ang tingin niya at nagsulat sa maliit niyang note pad. I blinked twice after realizing that it was my first time seeing Kalix's sister. She looked so gorgeous. Naka-ipit ang mahabang buhok at mukhang hindi nadadapuan ng kahit ano ang balat. Mas maliit nga lang siya kaysa sa 'kin, o mukha siyang maliit sa puting coat niya. 


"Nanggaling na ba rito si Kalix?" Napabalik ang tingin ko nang itanong 'yon ng Mommy ni Kalix. 


"Yes, Tita. Umalis lang po to buy food." Ngumiti si Amethyst sa kanya at sumulyap sa 'kin, kinakabahan. "His girlfriend's here, Tita." Tumuro siya sa 'kin. 


Nanlaki ang mga mata ko at napaatras sa gulat nang lumingon silang lahat sa 'kin. Umayos ako ng tayo at humigpit ang hawak ko sa handbag ko habang nakatingin pabalik sa Mommy ni Kalix. She was actually surprised by my presence. Mukhang hindi niya napansin na narito ako kanina. 


"Tita, this is Architect Valeria," pagpapakilala ni Amethyst. 


Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung paano ko siya babatiin! Our last encounter wasn't that good. Hindi ko alam kung may pinagbago ba sa ngayon. 


"Architect," ulit ng Mom ni Kalix at naglakad palapit sa 'kin, mukhang inaalam ang pagkatao ko. 


"Good afternoon, Doktora Martinez," kinakabahang sabi ko. 


She gave me an amused smile before offering her hand. Tinanggap ko 'yon at pinigilan ang panginginig ng kamay ko. Sana ay hindi niya naramdaman 'yon dahil nakakahiya. 


"Long time no see, Architect." She was still smiling. 


Hindi ko alam ang ibig sabihin ng ngiti niya. Hindi ko siya mabasa. Nang binawi niya na ang kamay niya, napatingin naman ako sa Ate ni Kalix na pinagmamasdan ako at walang reaksyon sa mukha. Nang makita niyang nakatingin ako, she gave me a small smile. God, she was like her brother. 


"I see, you and my son are back together," she slowly repeated. 


Actually hindi pa, pero hindi ko na tinanggi 'yon dahil ang hirap mag-paliwanag. Hinayaan ko na lang na ganoon ang isipin niya. Siguro nga, doon din naman papunta 'yon. 


"After... everything that happened," she said meaningfully, like she knew everything. 


Hindi ulit ako nagsalita, tinatantya kung iniinsulto niya ba 'ko o sincere siya sa sinasabi niya. Matanda na si Kalix at alam kong hindi naman na maapektuhan ng pamilya niya ang mga desisyon niya sa buhay pero iba pa rin kapag tanggap ako ng magulang niya kahit papaano. 


"You're a brave woman, huh. I'll see you around, then, Architect Valeria." She gave me one last amused smile before turning her back on me. 


Kalix's sister gave me a smile and waved her hand a little before leaving the room. Napahinto pa siya saglit nang makasalubong si Kalix palabas. They talked for a bit before Kalix looked back at me. 


"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Kalix nang makalapit sa 'kin. 


Tumango ako, naiilang pa rin sa nangyari kanina. Naguguluhan ako sa pakikitungo ng Mommy niya sa 'kin. Hindi ko talaga siya mabasa. 


"What did you do to her?" He accused Amethyst immediately. 


"Bro, what?" Agad na depensa naman ni Amy. 


Pumasok si Leo at Adi na may dalang pagkain. Pinilit ako ni Kalix na kumain kaya iyon nga ang ginawa ko bago niya 'ko hinatid pabalik sa kumpanya. 


"Alam ng Mommy mo na... girlfriend mo 'ko," sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt ko. 


"You are?" Gulat na tanong niya.


I gave him a nervous smile. "I did not deny it. I mean, Kalix, I want to take this slow but then, we both know that... I'm still in love with you, right?" Seryosong tanong ko. 


"You are?" Mas gulat na sabi niya ulit. 


Kinuha ko ang bag ko at hinampas sa kanya. Mas nahihiya tuloy ako! Pinigilan niya ang susunod na pag-hampas ko at agad akong hinalikan sa labi para matigilan ako. 


"Say it," he whispered after kissing me. 


"I love you." My lips trembled, wanting more of him. 


His lips slowly formed a smile and kissed me again, pushing his tongue inside my mouth. He cupped my face to kiss me deeper. We almost made out inside the car. Mabuti na lang at may sasakyan pa sa likod namin kaya bumitaw din kami kaagad sa isa't isa. 


"How about marriage?" He tried again. 


Tumawa ako at umiling. "Huwag kang abusado. I'll see you tomorrow." 


"No. I'll see you tonight." He kissed my forehead before letting me go. 


Naging abala kaming dalawa sa trabaho. Ako, abala ako sa pag-momonitor ng on-going construction sa Rizal, Makati, at sa Tagaytay. Si Kalix, abala sa paniniguradong umaandar ang kaso laban sa Daddy ni Miguel. Paminsan-minsan ay bumibisita siya sa condo ko o kaya nagkikita kami sa kumpanya. Kapag hindi kami magkasama, nag-uusap naman kami sa text. 


"Ang init," reklamo ko pagkalabas ko sa ginagawang building sa Makati. May korte na siya at mukhang malapit nang matapos. 


"O, senyorita, naiinitan ka, e." Nag-bukas ng payong si Sevi at pinayungan ako. "Nakakahiya naman at buong araw akong bilad dito!" 


"Ang O.A. ng buong araw! Akala mo wala kang opisina rito!" Inis na sabi ko habang pinapaypayan ang sarili ko. Nakakahilo ang init ngayon. 


"Ayoko sa opisina ko! May nanggugulo roon." Ngumisi siya sa 'kin at tumawa. 


Noong kinahapunan, sabay kaming nagpunta sa Tagaytay para tignan 'yung bahay. Tapos na silang maglagay ng bricks at tiles last last month pa. Pinabago ko rin 'yung sa taas at pinapinturahan ng ibang kulay. Malapit nang matapos 'to. Inaayos na rin nila ang backyard. Parang ako ang nae-excite sa pool kahit hindi naman ako ang gagamit noon. 


"Gumaganda na!" Sabi ni Sevi habang nakapamewang at nakatingala sa bahay. "Bilis namin gumawa, 'no? Malaki-laki ang bayad dapat, ah!" 


"Huwag mo sa 'kin sabihin. Hindi naman ako ang magbabayad." Umirap ako.


"Ah, hindi ba? Akala ko bahay n'yo 'to, e!" Ngumisi siya. 


"Bahay niya 'to, okay? Ipapatayo ko ang bahay ko sa Quezon City. Ikaw ulit ang kukunin kong engineer, ayos ba?" Tinaas-baba ko ang kilay ko sa kanya.


Mukha siyang pinagbagsakan ng langit at lupa nang marinig ang sinabi ko. Nilista na niya sa isipan niya lahat ng projects na ginagawa niya ngayon bago sinabi sa 'kin nang malakas para ipakita kung paano siya ka-busy. 


"Ako na naman?! Ako, naiistress na 'ko sa inyong mag-asawa, ha!" Singhal niya sa 'kin. 


"Mag-asawa?!" Hinampas ko ang braso niya. "Hindi kami mag-asawa! Masyado pang maaga para roon!" 


"Anak ng, bakit ba kasi dala-dalawang bahay ang gusto n'yo?! Hindi na lang makuntento sa isa, e! Ako ang pinapahirapan n'yo. Lord, bakit ba lagi akong nadadamay?" Tumingala pa siya para magreklamo sa langit.


Napaka O.A. ni Sevi! Magbabayad naman ako, ah! Hmp. As if naman hindi ako 'yung nag-design ng bahay niya. Ang sarap sapakin ng ulo! Alam ko naman na hindi niya rin ako matatanggihan kaya confident naman ako. 


"Kumain ka muna." Inabutan ako ni Sevi ng tupperware pagkatapos mamigay doon sa mga workers niya. "Luto ko 'to! Masarap 'yan!" 


"Ano 'to?" Kumunot ang noo ko at tinanggal ang takip. 


"Carbonara. Hindi ba obvious?" Inirapan niya 'ko. 


Tinitignan ko pa lang ay parang bumabaliktad ang sikmura ko. Lalo na nang maamoy ko at malamang bagong-luto pa. Agad kong binalik sa kanya 'yon at napatakip sa ilong ko. Ang baho! Ano 'yon? Bakit ganoon? Panis ba 'to?!


"Ayoko niyan!" Agad na sabi ko. 


"Huh? Bakit? Masarap naman 'to! Luto ko 'to! Nakaka-offend ka minsan, ah," nakasimangot na sabi ni Sevi.


"Ang baho, Sevi!" Hinampas ko ang braso niya. 


Nilapit ni Sevi ang tupperware sa mukha niya para amuyin 'yon. "Hindi naman panis, ah! Bagong luto nga, e! Anong problema mo?" 


Napailing-iling ako. Nang tignan ko ulit ay bumaliktad na nga ang sikmura ko. Nagmamadali akong tumakbo papunta sa loob ng bahay at dumiretso sa may C.R. Lumuhod ako para dumuwal sa bowl. 


"Luna? Okay ka lang?!" Nag-aalalang tanong ni Sevi. "Pucha, natae ka kaagad, tinitignan mo lang luto ko?! Ang ewan ng trip mo, ah!" 


May luhang namuo sa mga mata ko dahil sa pag-suka ko kaya tumayo ako at naghilamos pagkatapos i-flush 'yon. Kumuha ako ng tissue para punasan ang bibig ko at ang mukha ko pagkatapos mag-hilamos. 


Napahawak ako sa dibdib ko at tinignan ang sarili sa salamin, naguguluhan sa inaakto ko. May pumasok sa isip ko pero agad ko ring tinaboy ang ideyang 'yon. Hindi kaya...


"Hindi naman siguro?" Sambit ko sa sarili ko. "Imposible."


Masama lang siguro ang nakain ko kaninang lunch. Nag-retouch ako saglit bago lumabas. Nakita kong naghihintay si Sevi sa may tabi ng C.R. 


"Anong nangyari sa 'yo?" Nagtatakang tanong niya. 


Umiling ako. "Wala, masama pakiramdam ko. Uuwi muna 'ko." 


Hinabol niya 'ko pero nagmamadali akong sumakay sa sasakyan ko. Gulong-gulo ang isipan ko nang mag-drive pabalik sa condo ko. Tinawagan ko rin si Kierra pagkatapos kong dumaan sa pharmacy para may dadamay sa 'kin. May pakiramdam na ako kung ano 'to... Pero hindi ko alam kung anong magiging reaskyon ko. 


"Anong emergency sinasabi mo? Nagmamadali ako nagpunta rito! Iniwan ko trabaho ko kaya siguraduhin mong worth it 'yan, Louisse Natasha, sinasabi ko sa 'yo!" Ingay kaagad ni Ke ang narinig ko nang makapasok siya sa condo ko. 


Uminom ako ng tubig at hindi nagsalita. Sumalampak naman siya roon sa sofa ko. Kinuha ko ang maliit na paper bag galing sa pharmacy at binato sa kanya, hindi alam ang sasabihin. 


"O, ano 'to?" Nagtatakang sabi niya at nilabas ang naroon. "Oh my god, fuck shit!" 


Muntik na niyang mabato 'yon. Nanlalaki ang mga mata niya nang tumingin pabalik sa 'kin na parang na-estatwa dahil hindi na makagalaw ngayon. 


"Ano 'to?! Gaga ka?!" Mabilis siyang naglakad palapit s a'kin at pabagsak na nilapag sa counter top ang pregnancy test na binili ko. Hindi ko pa tinetake. Kinakabahan ako at ang bilis ng tibok ng puso ko. 


Huminga ako nang malalim. "Natatakot ako i-take." 


"Hala, dalian mo na! Umihi ka na roon! Jusko, pakiramdam ko ako 'yung jontis dito!" Napasabunot siya sa ulo niya. "Nagkaroon ka ba last month?" 


Napa-kagat ako sa daliri ko nang maalala. 


"H-hindi pero kasi nag-pills ako kaya... hindi naman ako kinabahan... Baka delayed lang o ano." Hindi ako makapagsalita nang maayos. "Ngayong month, hindi ko pa period kaya..." 


"Kailan last n'yo?" Pagi-interview niya sa 'kin. 


"Noong Boracay pa. Busy kami para... ano..." 


Huminga siya nang malalim at siya na ang nagtanggal ng pregnancy test mula sa pack. Pagkatapos, binigay niya sa 'kin. 


"Balikan mo kung anong date ka nag-take ng pills. Gaga ka, hindi mo ba alam kung kailan ovulation mo? Kung nag-ovulate ka na bago ka mag-take ng pills, malamang hindi gagana 'yon! Boba!" Parang siya ang mas naiistress sa 'ming dalawa. 


Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Huminga ako nang malalim at kinuha ang pregnancy test mula sa kamay niya. Walang pasabi ay dumiretso na 'ko ng C.R. Kabadong-kabado akong tinake 'yon. Paano ba 'to? Tinignan ko ang instructions kahit nanginginig ang kamay ko. 


Tumayo ako pagkatapos, hindi pa rin tinitignan ang resulta. Kinakabahan ako kaya si Kierra ang patitignan ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita siyang nag-aabang doon, ninenerbyos din para sa 'kin. 


"Ano?" Hindi ko alam kung kinakabahan siya o excited siya. 


"Ikaw ang mag-tingin." 


Binigay ko ang test sa kanya at dire-diretso akong sumalampak sa couch, nakatakip sa mukha. Hindi ko alam kung anong resulta ang gusto kong marinig. Mas nangingibabaw ang kaba sa 'kin at parang gusto kong maluha. 


Tinanggal ko ang takip sa mukha ko para tignan si Kierra. Mabigat ang paghinga niya at pinapabalik-balik ang tingin sa test at doon sa instructions para siguraduhin ang ibig sabihin ng linya-linya. 


"Anong nakalagay?" Nanginginig ako. 


Matagal siyang nakatitig sa 'kin kaya mas lalo akong kinabahan. Kinuha ko ang unan at binato sa kanya para mag-salita na siya. Mas nakakatakot ang katahimikan niya! Bakit hindi na lang niya sabihin?! 


"It's positive," sambit niya. 


Napakurap ako nang ilang beses. Parang nabingi ako saglit. Humigpit ang hawak ko sa unan at nanatiling nakatitig lang sa pinsan ko, hindi alam ang sasabihin. Natuyo bigla ang lalamunan ko at hindi makapagsallita. 


"Luna, oh my god, you're pregnant! Ah! I'm gonna be a Tita!" Tuwang tuwa siyang nagtata-talon doon. 


Hindi pa rin nagpo-proseso sa 'kin. Kinuha ko ang pregnancy test mula sa kanya at tinignan ulit ang instructions para siguraduhing positive nga ang nakalagay. Napasapo ako sa noo ko at naluha na lang nang masigurado. 


"Hey! Why are you crying?!" Agad akong dinaluhan ni Kierra. 


Umiling ako at pinunasan ang luha mula sa mga mata ko. Hindi ko rin alam bakit ba 'ko umiiyak. Nag-hahalo na lahat ng emosyon ko. Masaya, gulat, naguguluhan, ninenerbyos. 


"I'm just... so happy, Ke." Uumiyak ako ulit. "Pero hindi ko alam kung magugustuhan ba 'to ni Kalix." 

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro