Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

27


"Napakalandi mo!"  


Inis kong hinampas ulit ng bag si Kalix. Mabuti na lang ay walang nahulog muli mula sa bag ko. Inis na inis akong tinitignan ang mukha niya ngayon! Ang kapal ng mukha niyang sabihin 'yon habang may girlfriend siya.


"Hindi ka na nagbago! Manloloko ka pa rin," matalim na sabi ko at nilagpasan siya. 


Hindi pa 'ko nakakalayo ay hinawakan niya na ulit ang braso ko at pilit hinarap sa kanya. Seryoso siya at may halong galit ang mga mata. "Where are you going?" Pero kahit ganoon ay kalmado pa rin siyang nagtanong. 


"Uuwi! Bitawan mo nga 'ko! Ang landi mo!" Inagaw ko ulit ang braso ko.


Hindi pa rin talaga niya 'ko tinigilan at talagang humarang pa siya sa dinadaanan ko. Hilong hilo na 'ko kaya huminto na 'ko sa paglalakad at humawak sa ulo ko. Gusto kong hampas-hampasin si Kalix pero parang nawawalan na 'ko ng gana makipagtalo. 


"Please lang, Kalix, wala akong balak maging kabit!" 


Napaawang ang labi niya sa sinabi ko at saglit na natigilan. Nang makaget-over, tumikhim siya at nilabas ang susi ng kotse ko mula sa bulsa niya. 


"I'll take you home and we'll talk when you're sober," seryosong sabi niya.


Hindi na 'ko nakipagtalo dahil gustong gusto ko nang umuwi. Hindi niya binitawan ang susi ng kotse ko hanggang sa makasakay na 'ko sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung kailan niya balak ibalik sa 'kin 'yun pero nawawalan na 'ko ng pakialam. Mas may pakialam pa 'ko sa ulo kong tumitibok na sa sakit. 


"Water." Kinuha niya ang tumbler sa backseat at inabot sa 'kin. 


Uminom naman ako roon, umaasang mawala ang pagkahilo ko. Hindi talaga nakakatuwang uminom nang sobra. Bukod sa masakit na nga sa ulo, kung ano-ano pa ang lumalabas sa bibig ko. Parang hindi ko mapigilan. Ayoko na lang mag salita! 


"Tapos ihahatid mo pa 'ko. Ang landi mo talaga..." Bumubulong-bulong na 'ko pero alam kong naririnig niya. Dapat ay sa utak ko lang 'yon! Bakit ko sinabi?! 


Hindi niya pinapansin lahat ng binubulong ko. Hindi man lang dinedeny ang mga sinasabi ko. Mukhang aminado siya sa sarili niyang malandi siya, ha. 


"Baka nakakalimutan mo si quartz. Hello? Iniwan mo siya roon pagkatapos mong makipagbulong-bulong-bulungan!" Ang haba ng sinabi ko. 


"Quartz?" Kumunot ang noo niya habang nagda-drive.


"E, 'di 'yung girlfriend mo. Remember? 'Yung pinalit mo sa 'kin?!" Matalim ko ulit siyang tinignan.


Suminghap siya at mukhang sinusubukan panatiliin ang maikling pasensya para sa 'kin. Hindi niya 'ko tinignan pero humigpit ang hawak niya sa manibela. 


"I never replaced you," seryosong sabi niya.


"Ano lang?! Napakasinungaling mo! Kitang-kita ng dalawang mata ko 'yung paglalandian n'yo roon sa couch! May bulong-bulungan pa, patawa-tawa, at may paghawak sa binti!" 


I sounded like a fucking child! Ayoko na! Please, huwag na sanang bumuka bibig ko kahit kailan. Sinisi ko lahat ng 'to sa alak. Why was I saying everything on my mind out loud?! 


"The music was loud so I needed to whisper. We were talking about Adonis, the reason why I was laughing." Pagpapaliwanag niya. 


"At 'yung kamay sa binti?!" I asked. 


"She does that to everyone," he said like it should console me. 


Nakasimangot pa rin ako at pinag-krus pa ang braso ko sa dibdib. Hindi ko gusto 'to. Ngayon lang ulit ako nalasing at parang pinapahiya ko ang sarili ko. Bakit nga ba parang ina-antagonize ko siya sa tono ko? Why was I affected? 


"Drink a lot of water. We'll talk about this tomorrow, okay?" He said softly.


Umirap ako at uminom na lang ulit ng tubig. Marami pa kong gustong sabihin pero kinakagat ko ang dila ko para pigilan ang sarili ko. Kung hindi, baka lahat ng hinanakit ko sa nakaraan ay masabi ko. Ayokong umiyak dito sa harapan niya. 


Akala ko ay tapos na. Akala ko moved on na 'ko kaya bakit apektado pa rin ako? Sa loob ng ilang taon, alam ko sa sarili ko na wala na 'kong pakialam pero simula noong dumating siya at magkita kami ulit, parang bumalik sa 'kin lahat kahit hindi naman dapat. 


Lahat ng sakit, galit, at pagsisisi. Lahat 'yun, parang unti-unting nag-iipon ulit sa puso ko. Bumibigat na naman tuloy ang pakiramdam ko. I went out with other people too and tried to ignite the flame of love inside me but it was all half-hearted. Mas gusto kong tinutuon ang atensyon ko sa trabaho. Bakit ba kasi kailangan pa niyang bumalik? 


Hindi pa nakakatulong na nakikita ko silang magkasama noong babaeng dahilan kung bakit kami nag-away. Paano niya nagagawa 'yun? Siguro, para sa kanya, tapos na. Ako na lang ata ang naiwan dito sa nakaraan. 


"Gusto na kitang kalimutan," mahinang sabi ko. 


"I was also constantly praying for that back then, Luna," he said with so much pain.


Umiling ako at tumingin sa labas para pakalmahin ang sarili ko. Ayokong umiyak. Pigil na pigil ang luha ko habang bumabalik sa 'kin lahat ng pangyayari. Siya lang ang minahal ko nang ganoon at sobrang sakit para sa 'kin na kailangan naming mag-hiwalay. 


"Tangina, bakit ka pa kasi bumalik..." My voice broke. 


Hindi siya nagsalita. Natahimik kami sa loob ng kotse habang binabagabag ako ng napakaraming emosyong pilit kong tinatago. Pinunasan ko ang tumulong luha gamit ang kamay ko. 


"I'm sorry," he whispered. 


Umiling ako at hindi na nagsalita. Parang iniiyak ko na lang lahat ng alak na ininom ko. Naghanap ako ng panyo sa bag ko at mas lalo lang nainis dahil wala akong dala. Natigilan ako nang tahimik na inabot sa 'kin ni Kalix ang panyo niya.


He swallowed hard without looking at me. Parang ayaw niya talaga akong tignan at makitang umiiyak dito. Mabuti na nga lang dahil ayaw ko ring makita niyang mahina ako. 


Kinuha ko ang panyo at pinunas sa luha ko. Ngayon ko na lang ulit iniyak lahat ng nararamdaman ko. Hindi talaga healthy para sa 'kin ang makasama si Kalix. Masyadong masakit at mabigat sa pakiramdam ang makita siya... Makita siyang may iba. 


Hindi niya alam kung ilang gabi akong umiiyak, kinekwestyon ang sarili ko kung saan ba 'ko nagkulang. Kung bakit o paano niya nagawa sa 'kin 'yun. Hindi ba 'ko sapat? Saan ako nagkamali? 


Dumating ako sa puntong gustong gusto ko na siyang puntahan at magmakaawa sa kanyang kami na lang ulit. Kahit lokohin niya 'ko nang paulit-ulit, ayos lang, kasi sa kanya ako masaya. Ganoon ako ka-handang magpakatanga sa kanya. 


Pero kahit anong gawin ko, kinailangan naman talaga naming mag-hiwalay. Hindi na kami maganda para sa isa't isa noon. Ang dami naming problema. We needed to part ways to grow individually... Pero hindi pa rin mawawala sa akin ang sakit at pagsisisi. Kung hindi ba kami naghiwalay noon, kung pinatawad ko ba siya, kung hindi ko ba siya sinigawan at sinaktan, masaya pa rin kaya kami hanggang ngayon? 


For me, relationships can't last long. Lahat ng kaibigan ko, nasaktan na sa mga lalaking mahal nila at nag-hiwalay na rin kahit kita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa... Siguro sooner or later, kung hindi kami nag-hiwalay ni Kalix noong araw na 'yon, eventually mare-realize din namin na hindi kami healthy para sa isa't isa. Either makakahanap siya ng iba o magsasawa rin siya sa 'kin. 


"Hindi mo dapat ginagawa 'to. Don't make the same mistake again, Kalix. Ayokong maranasan ni Amethyst kung ano ang naranasan ko noon. Mahirap." I faked a smile. 


Hindi siya nagsalita. Hinayaan niya lang ako sa mga sinasabi ko. Tingin niya siguro ay lasing na lasing ako at hindi ko maiintindihan kung ano man ang sinasabi niya ngayon. Gusto ko siyang magsalita pero kung ayaw niya, hindi ko naman 'yun mapipilit. 


"We're not together," he said after a long silence. 


Napalingon ako sa kanya, hindi alam kung maniniwala ba sa mga sinasabi niya ngayon. 


"I don't know where you got that from but Amethyst and I are not together," seryosong paliwanag niya. 


"Maniniwala ba 'ko?" Nahihirapang sabi 'ko. Sa dami ng taong nagsasabi na sila, pati kapatid niya, hindi ko na alam kung maniniwala pa 'ko. Nagawa niyang magsinungaling noon kaya anong pinagkaiba ngayon? 


"Kailan ka ba naniwala sa 'kin?" 


Napatingin ako sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang hinanakit at sakit sa boses niya. He bit his lower lip and tried his best to focus on the road, kahit kitang-kita kong nahihirapan siya. 


"Naniwala ako sa 'yo noon," sambit ko pabalik. 


"How can you when you didn't even give me time to explain?" His voice trembled a bit. 


Ngayon, napagtanto ko nang hindi lang ako ang naapektuhan pa rin sa nangyari noon. Gusto ko mang pag-usapan, pakiramdam ko ay hindi tamang ngayon na ganito ako. Na may alak sa sistema ko. Gusto ko kapag nag-usap kami ay maayos ang kalagayan ko. 


"Right, lawyers are the greatest liars," Kalix smiled bitterly. 


Hindi ako nagsalita at kinagat ang labi ko para pigilan ang sarili kong umiyak muli. Mabuti na lang ay nakarating na kami kaagad sa tapat ng lobby ng condo ko. Tinanggal ko ang seatbelt ko at huminga nang malalim. 


"Thank you," sambit ko. 


"I'll bring your car tonight," maikling sabi niya.


Tumango ako at bumaba na ng sasakyan niya. Umakyat na kaagad ako at naglinis ng katawan bago matulog. Uminom na rin ako ng maraming tubig para hindi sumakit ang ulo ko pagkagising ko bukas. 


Maaga ako sa site kinabukasan para makausap si Sevi tungkol sa bahay ni Kalix. Buong linggo, iyon lang ang ginawa ko. Tinapos ko lahat ng 'yun at tinulungan ako ni Sevi sa floor plan. Hindi kami gaanong nagkita ni Kalix dahil ine-email ko lang sa kanya ang design for approval. 


Saka lang ulit kami nagkita noong sinimulan na ang paggawa ng bahay niya pagkatapos ng dalawang linggo. Pagkarating ko roon, may kausap si Sevi na construction worker at may tinuturo siya sa blueprint. 


"Engineer!" Bati ko pagkalapit. 


Ngumiti siya at tinapik sa balikat ang kausap niya. Pagkaalis no'n, niyakap ako ni Sevi saglit bago niya hinawakan ang baba ko para matignan ang itsura ko. 


"Okay ka na?" Tanong niya sa 'kin, nag-aalala. 


Ngumiti ako sa kanya at hinampas ang kamay niya. Malungkot kasi ako habang tinatapos namin ang blueprint kaya ganito kung ituring niya 'ko. Inagaw ko 'yon sa kanya at pumasok sa loob ng bahay. Naglalagay na sila ng foundation ngayon para roon sa extension ng bahay. Noong isang linggo kasi ay inayos na nila ang lupa para mabilis ang construction. 


Noong hapon lang bumisita si Kalix. Hindi ako nakapaghanda sa presensya niya kaya nagulat pa 'ko nang lumabas ako at nakita kong kausap niya si Sevi. May tinatanong siya tungkol sa blueprint. 


Bakit hindi ako ang tanungin niya? Iniiwasan ba niya 'ko dahil sa mga sinabi ko noong lasing ako? 


Bumalik na naman 'yun sa 'kin! Gusto kong i-untog ang sarili ko sa kahihiyan. Bakit ko ba sinabi ang mga 'yon?! Paulit-ulit ko pang sinasabi sa kanyang malandi siya. Nakakahiya. 


Umiwas ako ng tingin nang bumaling si Kalix sa direksyon ko. Nagmamadali akong pumasok ulit sa bahay at nagkunwaring may tinitignan sa pader. Mas kinabahan ako nang maramdaman kong pumasok si Kalix sa bahay. 


"Hi," he greeted me. 


Tinignan niya rin ang tinitignan ko pero na-realize niya rin kaagad na wala naman talaga akong pinagmamasdan! Akala mo'y nakatingin sa painting pero plain wall lang naman ang tinitignan ko! 


"What's up?" I tried to be casual. Nakangiti pa 'ko, umaasang hindi niya maaalala ang mga pinagsasasabi ko noong nalasing ako. 


"I've been so busy," sagot niya naman.


"Haha, ako rin," sagot ko at agad siyang iniwan doon. 


Minumura ko ang sarili ko nang maglakad ako palabas sa backyard. May iba roong nagmemeryenda na. Mukhang dinalhan nga sila ng pagkain ni Kalix at naglagay rin siya ng mga upuan para pahingahan. 


"I brought food," sambit ni Kalix na sumunod sa 'kin.


"Hindi ako gutom. Salamat na lang," sabi ko habang naglalakad pa rin. Sunod naman nang sunod 'tong lalaking 'to. Hindi ba siya makaramdam na iniiwasan ko siya, ha? 


"Architect! Nakakuha ka na ba ng pagkain?!" Sigaw ni Sevi sa hindi kalayuan. Napatigil ako. "Kanina ka pa nagrereklamo sa 'king gutom ka na, ah!" 


Parang gusto ko siyang sakalin! Lumingon ako kay Kalix na nakataas na ang isang kilay sa 'kin, alam na ngayong nagsinungaling ako. Nilaglag na 'ko ng kaibigan ko kaya wala akong choice kung hindi bumalik na sa loob. Nagugutom na talaga ako. 


Wala pang gumagalaw sa kusina kaya roon na lang ako naupo. Doon nilapag ni Kalix ang pagkaing binili niya para sa 'kin. 


"Next time, text me if you want to request a specific type of food." Sumandal si Kalix sa breakfast table. 


"I don't have your number." Umirap ako. 


Kalix licked on his lower lip and tried to stifle a smile. "I still have my old number for personal use." 


"Yeah, I deleted it," malamig na sabi ko. 


"Oh..." He slowly nodded and got his phone out of his pocket. 


He dialed a number and I immediately heard my phone ringing. Hindi na 'ko nagtaka kung paano niya nalaman ang number ko dahil hindi naman ako nagpalit ng number. Mayroon lang akong isa pang number for business. Hindi ko lang maintindihan kung bakit naka-save pa 'yun sa kanya. Pahirapan pa kaming nag e-email-an. 


Kinuha ko ang phone ko at sinave ang contact niya as 'Atty. Martinez'. Pagkatapos, tinago ko na rin. Tahimik akong kumain. Siya naman, may sinagot na tawag. Lumayo siya nang kaunti sa 'kin habang nakikipag-usap doon. 


"No, I won't do that," rinig kong sabi niya sa kausap niya. "Adonis, shut the fuck up. I won't do that." Mukhang napipikon na siya. 


Nakipag-away pa siya roon habang kumakain ako kaya sobrang halata ng kuryosidad sa mukha ko nang maglakad na siya pabalik. Sumandal ulit siya sa breakfast table at bumuntong-hininga. 


"Adonis wants to invite you over dinner." Parang napilitan siyang sabihin 'yun. 


Kumunot ang noo ko. "Para saan?" 


"It's his birthday," sabi ni Kalix na parang natalo siya. 


Pinagmasdan ko pa ang itsura niya. Nandoon kaya si quartz? Parang nakakatakot pumunta kapag naroon siya. Baka sabunutan na lang niya 'ko bigla. May gusto pa rin kaya siya kay Kalix hanggang ngayon? Nakakahiya rin dahil ang dami kong pinagsasasabi sa likod niya. 


"Amy won't be there," agap ni Kalix nang makita ang reaksyon ko. 


Nag-isip ulit ako. Kawawa naman si Adonis. Pagbibigyan ko na nga dahil birthday niya. "Sige," pagpayag ko.


Hindi ko alam kung masaya si Kalix dahil pumayag ako. Hindi ko rin alam kung bakit parang may tinatago siya. Basta, excited akong malaman 'yon. Noong sumapit ang 6 PM, bumaba na kami ni Kalix gamit ang sariling kotse. Bale, sumunod na lang ako sa kanya papunta sa venue. 


Bandang huli, doon lang pala sa condo ni Adonis. Pagkapasok namin, I was expecting many visitors but it was just Leo sitting in the couch. Tumingin ako sa paligid, umaasang mayroon pa pero 'yun lang talaga. 


"Architect! Buti nakadalo ka!" Salubong sa 'kin ni Adonis na naglalabas ng wine. 


"Birthday mo ba talaga?" Nagtatakang tanong ko. Bakit walang tao? Bakit kami lang ang narito? Akala ko naman birthday party! 


"Oo, bukas!" Natatawang sabi niya sa 'kin. 


May pinag-usapan pa sila ni Kalix sa pinto habang ako, binaba ang bag ko roon sa may couch at umupo malapit kay Leo. Nahihiya akong bumati sa kanya nang maalala ang mga pinagsasasabi ko noong nalasing ako. 


Nagulat ako nang umupo si Kalix sa gitna namin ni Leo. Sa dami ng space, sa gitna pa talaga namin? Pinagsiksikan ang sarili. Agad namang tumayo si Leo at lumipat sa kabilang couch habang nerbyos na nakangiti sa 'kin. Narinig ko ang malakas na tawa ni Adonis.


"Ang saya n'yo talaga panoorin!" Sabi niya. 


"Anong gagawin dito?" Nagtatakang tanong ko.


"Nagluto ako para sa inyo! Ngayon ko ice-celebrate ang birthday ko kasama ang aking best buddies!" Nag-finger heart si Adonis.


"Ulol," bulong ni Leo. 


"Dumbass," bulong din ni Kalix. 


Tinawanan lang sila ni Adonis at bumalik na doon sa kusina. Naka-apron pa siya habang nagluluto roon. Sana lang ay masarap ang pagkain para hindi ko pagsisihang dumalo ako rito. Akala ko talaga ay birthday celebration! Dinner lang pala! 


Tumayo ako saglit para silipin ang ginagawa ni Adonis doon sa kusina. Mukhang maayos naman. "O, Architect! Bakit ka nandito?!" Gulat siya nang lumitaw ako sa gilid niya.


"Bawal ba?" Tanong ko. Lumingon siya roon sa living room kung nasaan si Kalix at Leo.


"Bawal! Baka may magsuntukan doon sa couch! Kaya nga kita inimbita dito, e! Bumalik ka doon, bilis!" Mahina niya kong tinulak pabalik.


Kumunot ang noo ko at nakitang hindi kinakausap ni Kalix si Leo. Ano bang mayroon? Magkaaway ba ang dalawa? Mukha namang si Leo lang ang natatakot kausapin si Kalix na walang pakialam. Nagphophone lang siya. 


"Sungit ni Attorney Martinez." Umiling-iling si Adonis. "Mas malupit 'yan kapag nasa korte. Sana napanood mo noon. Mas nakakatakot siya, e. Sayang nga hindi na siya nag-take ng criminal cases ulit, e," bulong ni Adonis na parang ayaw niyang may makarinig.


"Nag-resign siya, 'di ba?" Tanong ko. "Sa dati n'yong firm?"


"Oo, wala naman siyang choice, e." Ngumiti sa 'kin si Adonis. Napataas ang kilay ko, nagtataka. Bakit naman walang choice? Napansin ata ni Adonis kaya dinugtungan ang sinabi. "Ang sabi sa kanya ng boss namin, either he will resign or he will take that case. Wala pang isang araw, naglapag na siya ng resignation letter." 


"Anong case?" Tanong ko para masigurado.


"'Yung sa anak ng Mayor." 


Natigilan ako at hindi nakapagsalita. Kaya ba siya nawalan ng trabaho, dahil tinanggihan niya ang case na 'yon? He was a starting lawyer. Kung napanalo niya 'yon, ang galing niya na sana. Matunog ang pangalan niya pero that case could've been his biggest break. 


"He took cases worse than that pero doon lang siya tumanggi. Hindi ko rin gets," Adonis shrugged. "Kayang kaya niya naman ipanalo 'yun. Ang laki rin ng offer." 


"Kinuha 'yun ni Amethyst, diba?" Nahihirapan akong magsalita. 


"Kalix asked her to take it," sambit ni Adonis.


Tumalikod siya sa 'kin para mag-hain ng plato. Nang sulyapan ko si Kalix sa couch, nakikipag-usap na siya ngayon kay Leo. Hindi naman pala sila magkaaway. 


"Bakit daw?" Nagtatakang tanong ko. 


"Ewan ko. 'Yun din ang unang talo ni Amy." Tumawa si Adonis. 


Mas naguguluhan na 'ko sa nangyari. Hindi 'yun basta-basta kinuha ni Amethyst. Si Kalix mismo ang nagsabi sa kanyang kuhanin 'yun at natalo siya kahit hindi naman siya natatalo. May pinag-usapan ba sila? 


"Basta ako, back-up ako lagi ni Attorney! Kita mo, noong nagtayo ng firm, join agad ako! Naiwan 'tong si Leo at Amy kasi malaki na sahod nila roon. Traydor," pagbibiro ni Adonis. 


Tulala lang ako sa hapag nang tawagin na sila ni Adonis para kumain. May pinag-uusapan silang kaso habang ako ay paunti-unti lang ang kain habang nag-iisip. I knew Kalix had deeper reasons. Somehow, nacucurious ako kung bakit nagka-ganoon. 


"Cheers!" Tinaas ni Adonis ang wine glass niya.


Sumali ako doon at uminom ng wine. Pagkalapag ko, naramdaman ko ang tingin ni Kalix sa 'kin kaya bumaling rin ako sa kanya. Nag-aalala siya sa itsura ko kaya ngumiti ako sa kanya para sabihing okay lang ako. Masyado yata akong nag-iisip. 


"Do you want to get some fresh air?" Tanong ni Kalix sa 'kin.


Tumango ako. Nagpaalam kami saglit kila Adonis at hindi naman kami pinigilan. Tuwang-tuwa pa nga siya nang umalis kami ni Kalix. Lumabas kami roon sa sliding door sa may living room at lumabas sa balcony. 


Napabuntong-hininga ako habang hawak ang wine glass at nakatingin sa mga ilaw galing sa iba't ibang building. Sumandal din si Kalix sa tabi ko at pinagmasdan din ang mga ilaw. Gabing-gabi na at ramdam ko na rin ang lamig sa hangin sa balat ko. 


"I heard you resigned because of Miguel's case," panimula ko. Natahimik siya at nilipat ang tingin sa basong hawak niya. "Bakit? Ang sabi ni Adonis, kaya mo naman ipanalo 'yon but you chose not to. Why?" 


Ngumiti siya nang tipid habang nag-iisip ng sasabihin. Parang may mga alaalang bumabalik sa kanya na hindi niya masabi. 


"I don't want to defend an abuser," sambit niya. 


I chuckled. "Alleged. Remember? You said innocent until proven guilty." 


"You're learning something." He drank on his wine, hiding a smile underneath the glass. He looked proud of me. 


"You said your opinion won't matter in court. Guilty or not, hindi ikaw ang magdedesisyon kundi ang korte. So why did you reject the case?" 


He sighed heavily and looked up, his Adam's apple showing. Sinundan ko ang tingin niya sa buwan. It was beautiful. Full moon pa ngayon. 


"It was important to you," sambit niya. 


Napabalik ang tingin ko sa kanya. My heart jumped. I already expected him to answer that but it felt different hearing it from him in person. 


"I knew how important it was to you and to your cousin. I didn't want to disappoint you." He smiled shyly. 


"But I was already gone when it happened."


"You were never gone." 


I bit my lower lip and stared at him with hopeful eyes. Bakit kailangan niyang sabihin 'yun? Pakiramdam ko ay umaasa na naman ako na baka pwede pa kami kahit ang sakit ng pinagdaanan naming dalawa. 


"You didn't have to sacrifice your job for it," nahihirapang sabi ko. 


He chuckled sarcastically. 


"I told you, I would give up anything for you."


It sounded too good... Too good that I feared for myself. Gusto ko ulit maiyak sa harapan niya dahil kahit ganito ang sinasabi niya, parang nasasaktan pa rin ako. It was part of the reason why we broke up. Because he was so willing to give up anything for me. It wasn't healthy. 


"You shouldn't," I sighed.


He looked at me. "If I took that case, would I still have a chance to talk to you again?" 


Hindi ako nagsalita. Pakiramdam ko, kung napanalo niya 'yon at nanatiling nasa labas ng kulungan si Miguel, hindi ko makakayang kausapin siya. Alam kong matagal na kaming wala at wala na dapat kaming pakialam sa isa't isa pero masyadong importante ang kaso na 'yun sa 'kin dahil doon ako nahulog sa kadiliman. Noong panahon na 'yon na naghihirap si Kierra, it was total darkness for me. 


My works were affected. I didn't feel happy about doing my plates anymore. Nothing could ever satisfy me that time. Parang lahat ng ginagawa ko, mali. Pagod na pagod ako, dala-dala ang problema ni Kierra sa likod ko dahil sa guilt. It was the guilt of not checking up on her. Iyon ang dahilan kung bakit gusto kong gumawa ng paraan para makabawi sa kanya pero kasabay noon ay ang pagkawala ko sa sarili... At hindi ko napansin na habang nawawala ako, pinipilit akong hanapin ni Kalix. 


"Are you happy?" He asked me when I refused to talk. 


Tumingin ako sa buwan at ngumiti nang tipid. "Of course," sagot ko. 


Kung susubukan siguro niyang makipagbalikan sa 'kin ngayon, hindi ako papayag. Marami pang tanong na hindi nasasagot at marami rin akong kailangang ipaliwanag sa kaniya. I did him wrong too. Hindi magandang makipagbalikan sa kanya. Pakiramdam ko naman ay alam niya 'yon kaya niya 'ko inuunti-unti. 


O baka ako lang talaga ang naga-assume na may balak siyang subukan ako ulit. 


"Bumalik na tayo sa loob," aya ko sa kanya. 


Tumango siya at sumunod sa 'kin pabalik. Naabutan pa namin si Adonis na inaasar si Leo sa kung ano. Sa lakas niyang mang-asar, kitang kita kay Leo na pikon na siya. 


"Isusumbong kita! Mag-file ako ng disbarment complaint. Gross immorality!" Tumatawang sabi ni Adonis. 


"What's that?" Curious na tanong ko kay Kalix. 


"A lawyer is expected at all times to uphold the integrity and dignity of the legal profession. In Layman's term, lawyers need to behave or they will lose their license. That's disbarment," pagpapaliwanag niya sa 'kin. 


"So if you want a good husband, Luna, marry a lawyer. Kapag nambabae, pwede mong i-reklamo. Boom, tanggal lisensya." Tumawa si Adonis. 


"That's not always the case," pakikipagtalo naman ni Leo. 


Napailing si Kalix at kinuha ang bote ng wine para magsalin doon sa baso niya. Nanatili naman akong nakatayo sa pasukan ng dining habang pinapanood ko ang dalawang abogadong magtalo roon. 


"May kilala akong lawyer, Luna! Reto ko sa 'yo." Tumingin si Adonis kay Kalix habang nakangisi. 


"Wala pa 'kong plano mag-pakasal, Adi." Tumawa ako at umupo doon sa dining. 


"Bakit naman? Swear, mabait siya. Kaya ka niyang ipaglaban, hindi lang sa pag-ibig, kundi pati sa korte, ahaha!" Pangungulit ni Adonis. Nahahawa ako sa tawa niya. Bakit ganoon siya tumawa? 


Hindi ko alam kung lasing na 'to o ano. Mukhang wala namang pinagkaiba kapag lasing siya o hindi, e. Ganoon pa rin naman siya kakulit. 


"Saka na 'ko magpapakasal kapag nakapagpatayo na 'ko ng bahay," sagot ko naman. 


"Nako, madali na 'yan!" Hindi nakatakas sa 'kin ang pagsiko ni Adonis kay Kalix. "May bahay naman na ang irereto ko sa 'yo, ginagawa pa nga lang noong babaeng balak niyang-" 


"That's enough wine for you." Kinuha ni Kalix ang basong hawak ni Adonis.


"How about you, bro? When are you going to marry?" Tanong ni Leo kay Kalix. Hinintay ko rin ang sagot niya pero nagkibit-balikat lang siya. 


"Kapag nakahanap na raw ng papakasalan, pre," singit ni Adonis.


"Ikaw ba si Kalix?" Pambabara ni Leo. 


"Hindi! Spokesperson niya 'ko, bakit?" 


Napailing na lang ako sa dalawang mukhang magtatalo na naman. Sumimsim si Kalix sa wine glass niya habang nakasandal doon sa counter. Nilabas niya ang cellphone niya at may tinype doon. 


Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa kaya tinignan ko kaagad 'yon. 


From: Atty. Martinez

Gusto mo na bang umuwi? 


Sinulyapan ko si Kalix na nakatingin lang din sa 'kin bago ako nag-type.


To: Atty. Martinez

Ikaw ba? 


From: Atty. Martinez

Tara na. 


Tumango ako at tinago ang cellphone ko. Halos sabay pa kami ni Kalix na umayos ng tayo kaya halatang nag-usap kami! Napangisi tuloy ang dalawa nang makita ang gulat at hiya sa mukha ko. 


"We need to go," pagpaalam ni Kalix. 


"Thank you, Adi! Advance happy birthday!" I gave him a friendly hug. 


Halatang ayaw niya pa kaming pakawalan pero nang makitang sabay kami ni Kalix na aalis, kulang na lang ay itulak niya kami palabas. Habang nasa elevator, tahimik lang kami at hindi nagsasalita. Nang makarating sa parking, dumiretso na kaagad ako sa sasakyan ko. 


I was about to open the door when he talked. 


"Architect Valeria," he called. 


Napalingon ako sa kanya, hinihintay ang sasabihin niya. Naroon siya sa tapat ng sasakyan niya at hindi pa pumapasok. 


"Take care," sambit niya.


Ngumiti ako at tumango. "You, too." 


Sumakay na 'ko sa sasakyan ko at nag-drive paalis. Matagal bago ako nakarating sa condo ko dahil traffic. Nang makapag-shower na, humiga ako sa kama at kinuha ang phone ko. I checked my social media accounts.


I was scrolling through my Instagram feed when something caught my eye. Napatigil ako nang makitang nagpost si Kalix doon. It was his only post now that he deleted my pictures back then.


It was a picture of the full moon we saw tonight. Maliwanag 'yon at natatakpan ng kaunting maninipis na ulap. 


kalixjm: Luna.

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro