Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

26


"Hindi ba dahil umalis ka, nabawasan sila ng isang taong may prinsipyo?" 


Umiling siya. "I knew I wasn't strong enough to resist." 


"Wala kang tiwala sa sarili mo?" 


Hindi niya 'ko sinagot at nagpirma-pirma lang siya roon. Hindi ko alam kung ano ba ang pinipirmahan niya. Ako naman, nilabas ko ang sketchpad ko at nilapag sa mesa niya ang draft. Tinigil niya muna ang ginagawa para tignan 'yon. 


"Wala ba talagang floor plan ang bahay na 'yon?" Tanong ko sa kanya. 


"Already asked my parents about it. They don't know where it is," sambit niya habang tinitignan ang drinaft ko. 


Sabagay, alam kong luma na nga ang bahay na 'yon. Baka namatay na nga ang architect noon. Chos. Kailangan na talagang palitan ang ibang mga materyal na ginamit doon. Mahihirapan nga lang kami pero ito naman ang trabaho namin, e. Magbabayad naman siya kahit magkano, ayon sa kanya. Hindi ko na kailangan ng double kahit alam kong marami naman siyang pera. 


"I like it." Iyon lang ang sinabi niya pagkabalik sa 'kin ng sketchpad. 


Wala man lang important input! Hinahayaan niya lang talaga ako, e, 'no? 


"Kailangan pa naming bumalik doon. Balak namin i-maximize 'yung space na natitira sa paligid noon para walang sayang. Malaki-laki pa 'yon. Pwede pa nga ang pool sa likod," sabi ko. 


Tumango lang siya sa 'kin at wala na rin naman kaming mapag-usapan kaya nagpaalam na rin ako sa kanya. Pagbalik sa company, umakyat na 'ko roon sa office ko at naghanda para sa meeting with my team. Updates lang naman ang hinihingi ko tungkol sa projects na in-assign ko. 


Pagkatapos ng meeting, pumunta akong UST dahil inimbitahan nila akong magbigay ng talk para sa mga Archi students. I graduated as the summa cum laude. I remembered it was too good to be true back then. All those cries, wasted efforts, heartbreaks, and pain. Those were all worth it. Kahit nawala ako sa landas, nahanap ko naman ang daan ko pabalik nang maghiwalay kami. Siguro maganda nga talaga ang dulot no'n para sa aming dalawa. 


Hindi ko maiwasan isipin na kung hindi ba kami naghiwalay ni Kalix, mararating pa rin kaya namin ang lugar kung nasaan kami ngayon? Pakiramdam ko ay hindi. Pakiramdam ko at some point, we will realize that in order to grow individually, we'll need to grow apart. I somehow hoped, though, that we can grow together. That we will take care of each other. 


Pero tapos na lahat ng 'yon kaya wala na ring saysay ang pag-iisip ng 'what if's. Wala naman na 'kong magagawa para mabago ang nakaraan kaya sinisigurado ko na lang na gagawin ko lahat ng makakaya ko para hindi na maulit 'yung mga kamalian ko noon. 


It was a great talk. Nag-enjoy naman ako. Parang dati lang, ako ang tumatakas sa mga talk na ganito pero ngayon ako na ang nagsasalita sa harapan. Nakakatawang isipin na siguro ganoon din ang nararamdaman ng mga studyante sa harapan ko... Mga gusto nang umalis, kaya ginawa ko talagang entertaining ang talk ko para naman walang matulog. 


Pagkatapos noon, dumiretso ako sa carpark para bumili ng pagkain. May inalok naman silang pagkain pero pagkatapos pa ng event. Nagugutom na 'ko kaya umalis na rin ako. Nang makita ko ang hospital, parang bumalik lahat ng alaala sa 'kin. Umiling na lang ako, umaasang maaalis lahat ng memorya roon. 


Natigil ako sa pagre-reminisce nang may madapa sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko at agad kong binaba sa gilid ko ang pagkain para tulungan ang lalaki tumayo. He was wearing a JHS uniform. 


"I will catch you! Dumbass!" Sigaw niya sabay turo sa kaibigan na tumatawa. 


"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko nang hawakan ko ang braso niya at tinulungan siyang tumayo. 


"Yeah, I'm fine." Pinagpagan niya ang pantalon niya. "Thank you, Miss-" 


Natigilan siya nang makita ako. Napakurap rin ako nang mapagmasdan ang pamilyar niyang mukha. Sumingkit ang mga mata niya at lumapit sa 'kin para titigan ako nang maayos, nakalimutan na atang hinahabol niya ang kaibigan niya. 


"I think I know you." Tinuro niya ang mukha ko, nagtataka. 


Natawa ako sa pagturo niya sa 'kin. Hinawakan ko ang daliri niya para ibaba 'yon, unti-unti na siyang nakikilala. Ang laki na niya! Mas lalo lang niya naging kamukha ang kapatid niya kahit sa batang edad. 


"Kio," I greeted. 


He dramatically covered his mouth when he realized who I was. I doubted that he remembered me from his childhood. Siguro may iba pang bagay kaya naaalala niya 'ko. Masyado pa siyang bata noon para makilala ako kaagad sa isang tingin lag. 


"Ate Luna! Right? Am I right?" He seemed excited. 


The way he talked to me earlier reminded me of his brother pero ngayon, sa pagiging energetic niya, naisip kong may pagkakaiba nga talaga sila ni Kalix. Matangkad si Kio kahit siguro 14 or 15 pa lang siya. Naka-gel ang buhok niya at may kaunting bangs na nalalaglag sa noo. He resembled his brother, but more baby-faced. Medyo namumula pa ang pisngi dahil pawis sa pakikipaghabulan. 


I just knew he will become a walking heartbreak soon.


"Ang laki mo na." I chuckled when I realized how 'Tita' it sounded. 


"Aha, I knew it. What? Are you also gonna ask me if I have a girlfriend?" He laughed, fixing his hair a bit and wiping the sweat on his forehead with the back of his hand. "Well, I don't." 


"How can you remember me? You were 4!" Nagtataka pa rin talaga ako. Halos wala na nga akong maalala noong 4 years old ako. 


"And you were my brother's ex so I knew you from pictures." The side of his lips rose up, forming a playful smirk. 


Pasmado ata ang bibig nitong kapatid ni Kalix. Hindi ko pinahalata na naapektuhan ako sa sinabi niya. Nanatili lang ang ngiti sa labi ko dahil natutuwa akong nakita ko siya ulit dito. Sa UST JHS pala siya nag-aaral. 


"Kio," a familiar voice called him.


Napatingin kami kay Kalix na mukhang kakagaling lang din sa trabaho. Naka puting long sleeves siya at hindi na suot ang necktie. Nakatupi na rin ang sleeves hanggang siko at mukhang pagod na siya sa buong araw na pagtatrabaho. 


"Kuya." Parang nag-iba ang boses ni Kio. He seemed more manly and serious. I could tell the presence of his brother affected him. 


"I need to get you home now." Sumulyap sa 'kin si Kalix at nagulat pa nang mapagtantong ako ang kausap ng kapatid niya. 


"Wait, I'm still talking to your ex." 


Gusto kong takpan ang bibig ni Kio sa mga pinagsasasabi niya. Sabagay ay bata pa kaya hindi pa maintindihan ang awkwardness naming dalawa ng Kuya niya. Napailing si Kalix sa kanya at hindi alam ang sasabihin. 


"And I'm hungry," reklamo ni Kio sa kanya. 


Bumuntong-hininga si Kalix at nilabas ang wallet para bigyan ng pera ang kapatid pambili ng pagkain. Tuwang-tuwang umalis si Kio para maghanap ng kakainan kaya naiwan kaming dalawa ni Kalix. He walked towards me and sat beside while waiting. 


"What did he say?" Iyon agad ang tanong niya. 


"Wala naman. Nakilala niya raw ako sa pictures," ulit ko sa sinabi ng kapatid niya. "Anong mga pictures 'yon?" 


"He visited my Instagram not too long ago." Napailing siya. 


"E, diba wala nang post doon?" Bigla ko na lang nasabi.


Kumunot ang noo niya at lumingon sa 'kin. Agad akong umiwas! Dapat hindi ko na sinabi 'yon! Nakakahiya! Alam niya tuloy na chineck ko ang profile niya! Itong bibig ko minsan, hindi ko talaga napipigilan, e! 


"Are you stalking me?" Pambibintang niya. 


"Huh?" I acted innocent. 


Para akong nahuli sa isang kasalanang... ginawa ko naman talaga. Hindi ko naman ine-expect na ako ang manlalaglag sa sarili ko! 


"Huh?" He mocked me. 


Mabuti na lang ay naligtas ako ng pagdating ni Kio. Masaya siyang naglakad palapit sa amin at may dala-dala pa siyang bff fries. Inabot niya sa 'kin 'yon at ngumiti. Nakakatuwa ang mukha ng batang 'to. Mukhang masiyahin at mabait. 


"It's for you," sambit niya at sumipsip doon sa coke float niya. 


"Aw, thank you..." It somehow warmed my heart. I didn't even ask him to buy anything for me but he still did. 


"Ang dumi na ng uniform mo." Turo ni Kalix sa polo ng kapatid. 


May mga bahid na nga ng dumi roon kakatakbo-takbo siguro at kakalaro kasama 'yung mga kaibigan niya kanina. Hinatak ni Kalix ang kapatid para pagpagan ang pants na may dumi pa rin habang umiinom si Kio sa straw, medyo hinihingal pa. 


"Kuya, don't treat me like a kid," nahihiyang sabi ni Kio at tumingin pa sa 'kin. 


"You are a kid," ganti naman ni Kalix.


"No, I'm not! I'm a teen now. I told you, just get your own child. You're old." 


Natawa ako sa sinabi ni Kio habang kumakain ako ng fries na binigay niya. Muntik pa tuloy akong mabulunan. Tumikhim si Kalix at hindi pinansin ang pang-iinsulto ng kapatid. 


"But I don't like that woman you're seeing right now..." Napitigil tuloy ako sa pag-nguya dahil sa sinabi ni Kio. So... he was really dating Amethyst, huh? 


Alam ko naman 'yon pero ngayong cinonfirm na ng kapatid niya, nawala na sa isip ko ang tanungin pa si Kalix tungkol doon. Kalix just pursed his lips and glanced back at me, a little nervous. Bakit ganoon ang tingin niya? Ayos lang naman sa akin. Matagal na kaming wala. I also dated other people so hindi naman big deal. 


Kio rolled his eyes. "She's too high-pitched, it's annoying as fu-"


"Word," Kalix scolded him.


"I meant 'frick'," Kio tried to correct himself. 


Wala siyang sinasabing pangalan kung sino ang tinutukoy niya pero halata namang si Amethyst 'yon. Iyon lang naman ang kilala kong malapit kay Kalix na babae ngayon. Isa pa, close ang pamilya nila sa isa't isa kaya siguro siya kilala ni Kio. 


"Ate Kelsey feels the same," pamimilit ni Kio.


I think he was pertaining to their eldest. 'Yung Ate ni Kalix na never ko pa ring nakita o na-meet man lang. Hindi ko nga alam kung ano ang itsura. Sa palagay ko ay doktor na 'yun ngayon. Ilang taon na ang lumipas, e. Kahit sa pictures pala ay hindi ko pa nakikita ang Ate niya. Pamilya ata sila ng mga private people na walang information man lang sa Facebook. 


"I don't understand why mom likes her." Nakasimangot si Kio at tumingin sa 'kin. "Ate Luna, are you single?" 


Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Kalix. Nakatingin lang din siya sa 'kin at hinihintay ang isasagot ko. 


"Uh, siguro," I panicked. 


"See? Everyone's single! You should be single, too." Turo niya sa Kuya niya. "Break up with the hyena."


"Kio, your words." Pinagalitan na naman siya ni Kalix. "Don't say that to other people." 


Sinubukan kong itago ang tawa ko roon sa sinabi ni Kio kaya ginilid ko ang mukha ko. Ang sama ng ugali ng batang 'to! That was harsh... Pero mas masama ako dahil natawa pa 'ko roon. Kumain na lang ako ng fries para matapalan ang tawa ko when he called her 'hyena' because of her voice. 


"Mauna na 'ko." Kinuha ko ang bag ko at tumayo nang maubos ko na ang fries na binigay sa akin. Wala naman na 'kong gagawin dito kaya kailangan ko nang umuwi para makapagpahinga. 


"Bye, Ate Luna!" Kio winked at me. 


Kinabukasan, maaga akong bumalik doon sa Tagaytay. Nagpadala na kaagad si Sevi ng mga tauhan niya roon para alisin ang mga matatayog na damo. Naka-suot lang ako ng mom jeans at racerback na puti. Inipit ko rin ang buhok ko at nagsuot ng shades dahil nga ang taas ng sinag ng araw. 


I already asked someone from my team to handle some paperworks like getting a permit for this, if needed, para masimulan na kaagad. I also e-mailed Kalix last night about the furniture. Kung pwede ay ilipat na kaagad 'yung mahahalagang gamit.


"Nasukat n'yo na?" Tanong ko sa mga tauhan ni Sevi roon. 


"Opo, Architect."


Kinuha ko ang notebook ko para i-jot down 'yon. Matagal kong tinignan ang lupa habang nag-iisip kung ano ang gagawin ko. Masyado pa ngang maraming space sa likod kaya balak kong lagyan ng pool tapos i-extend ang laki noong bahay. Bale, kailangan namin gibain 'yung pader. A lot of work. Pakiramdam ko ay mas mahirap pang mag-remodel kaysa magpagawa ng bagong bahay. 


Habang naroon ako at nagsusukat din sa lupa para ilagay kung hanggang saan ang kayang i-extend, may dumating nang truck at mga taong maghahakot ng gamit sa loob. Kasunod noon ang sasakyan ni Kalix. Napahinto ako sa ginagawa nang maglakad siya palapit. 


Naka-shades pa siya at hindi pormal ang suot ngayon. Naka-shirt lang siya na puti at maong pants. Mukhang walang trabaho, ah. 


"Anong gagawin mo sa mga gamit?" Tanong ko sa kanya pagkalapit niya.


"Sell it or donate it." He shrugged. "Let's see what we can keep after you finish the design..." He stared at the house. 


I also hired someone from my team for the interior design. Dala ko ang folder ng mga palette at balak ko talagang papiliin si Kalix ng kulay para maisipan ko na rin ng theme 'tong bahay na 'to. 


"What do you suggest?" Ako na naman ang tinanong niya. 


"If we're going modern, I suggest this one. White-brown-black, pero we need to be specific sa shades para mag-match." Tinuro ko ang sample.


"You decide." Wala siyang pakialam na uminom ng tubig. 


"Oo nga pala, idedevelop ko 'yung garden ng bahay mo tapos 'yung pool, ilalagay natin dito..." Tumuro ako sa likod ng bahay.


Tumango lang siya at tila wala naman talagang interes kung ano ang gawin ko sa bahay niya. E, kung gibain ko kaya buong bahay niya, saka lang ba siya magkakaroon ng pakialam? 


"Para kang groupmate na pabuhat sa project," bulong ko habang inaayos ang floor plan. "'Yung groupmate mong mayaman na mago-offer na bayaran na lang niya lahat ng kailangan pero hindi magpaparticipate sa gawa." 


"I don't know anything about designing. I wasn't the one who studied Architecture here," pakikipagtalo niya sa 'kin. 


I made a face. "Kahit na." 


"Next time I bring you to court, I expect you to participate, too."


I mocked his words before walking towards the backyard, leaving him there in front. Habang nakatingin ako sa bahay, hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi ng kapatid niya kahapon. So he was really dating, huh. I can't believe I was designing their future house all along. Hindi ko alam ang mararamdaman ko roon. Ang awkward lang. 


However, it's my job and I should not let my personal feelings affect my work so I still tried my greatest to give my client the best. He was just another client for me. I shouldn't treat him differently from other people. 


Noong sumapit ang tanghali, may dumating na delivery ng pagkain para sa mga tauhan ni Sevi. Kalix helped in distributing the paper bags. Pumasok ako sa kusina para kumuha ng tubig at naabutan ako ni Kalix doon. 


Nilapag niya ang isang paper bag sa breakfast table at tumingin sa 'kin.  "Eat first," sambit niya. 


"You really like eating, huh," pansin ko.


Palagi niya kasi akong tinatanong kung kumain na 'ko! Makokompleto na niya nga, e. Breakfast, lunch, dinner. Kulang na lang ay tanungin niya 'ko kung nag midnight snack na ko. 


"Skipping meals is not good," sabi niya lang. 


"Please stop acting like you care." I rolled my eyes.


I placed the glass on the top of the breakfast table before sitting in front of him. Kinuha ko ang paper bag at nilabas ang pagkain doon. Dalawa 'yon kaya inabot ko sa kanya ang isa, assuming that it was for him. 


"I care," he seriously answered.


Nahugot ko ang hininga ko at natigilan. Muntik na 'kong maniwalang may pakialam nga siya. I smiled bitterly. Kalix and his lies. 


"You care because I am the architect of your house," sambit ko. 


Hindi siya sumagot at mukhang wala nang balak dugtungan ang sinabi. Hindi na rin naman dapat niya sinabi 'yun dahil may girlfriend siya. Ano na lang ang iisipin ni quartz kapag nalaman 'to? 


Binilisan ko ang kain ko para makaalis na 'ko kaagad. Sa office ko na tatapusin 'to, kasama si Sevi para may ma-consult ako. Nagpaalam ako kay Kalix na aalis na 'ko at hindi ko na rin naman hinintay ang sagot niya. Kahit naman anong sabihin niya, hindi na niya 'ko mapipigilan umalis. May tatrabahuhin pa 'ko. 


I spent half of my day finishing the design. Next week siguro ay mayroon na 'kong mapepresent na final design, kung ia-approve. Sana nga ay masimulan na kaagad para mabilis na ring matapos 'tong deal na 'to at kapag natapos, wala na ulit akong koneksyon kay Kalix. Mas gusto ko 'yon. 


"Knock knock!" Sigaw ni Kierra sa labas ng office ko. Hindi pa 'ko sumasagot ay pumasok na siya, tila wala namang pakialam kung busy ako o hindi. 


"What?" Masungit na bungad ko. 


"Let's go! Nag-aaya si Sam sa club niya! May special guest siya roon, e. International artist." Hinatak ako ni Kierra.


Gaya ng sabi ko, alam kong hindi ako pwedeng tumanggi kay Ke. I just found myself dressing up for the night-out. Nakasuot lang ako ng red fitted dress na may pa-cross sa dibdib at nakabalot sa leeg. Wala naman akong balak uminom nang malala dahil madali na 'kong malasing. Pupunta lang ako para naman may buhay ako. Hindi 'yung puro trabaho lang inaatupag ko. I needed fresh air. 


"Girls!" Kumaway si Sam nang makita kami sa entrance. 


May hawak pa siyang cocktail glass sa kabilang kamay at nagmamadaling lumapit sa 'min. Mukhang lasing na ang gaga kahit maaga pa lang. Ang dami kasing kakilala, e. Kapag pumupunta ang mga kaibigan niya sa club niya, pati siya ay inaaya uminom. Knowing Samantha, hindi naman nakakatanggi 'yon. 


Umupo kami roon sa V.I.P. couch na nilaan niya para sa amin. Ang laki na talaga ng club ni Sam. Panalo sa buhay 'to, e. Nakatulong sa business niya ang pagiging 'Samantha Vera'. Kilalang kilala kasi siya. 


"Sorry, late!" Dumating din si Yanna na inaayos ang buhok. Napailing ako nang makitang pinupunasan niya ng tissue ang lumagpas na lipstick. 


"Naka totnak na naman!" Pang-aasar ni Kierra. "Award!" 


"Ako pa ba?" Yanna flipped her hair, laughing. Umupo siya sa couch at agad nag-salin ng shot para sa sarili niya. Inaayos pa niya ang palda niya, ha. Napailing ako. Ang saya rin nitong si Yanna, e. Ang saya ng mag-bestfriend na 'to. 


"Ikaw, Luna? Wala pa rin? Ang tagal ng dry season natin, ah..." Tumawa si Sam at inabutan ako ng baso. O, e 'di kayo nang lahat ang masaya! 


"Jusko naman! Tag-tuyot ka pa rin? Wala pa ring progress sa inyo ng ex mo?" Gulat na tanong ni Yanna. 


"Truly, I thought they will immediately make out sa office or something. Ang tagal pala." Samantha shrugged.


"E, may girlfriend, mga sis," singit ni Kierra. 


Sabay na napatingin si Sam at Yanna sa 'kin dahil sa gulat. Wala pa si Via at sinabing susunod pa lang. Na-stuck kasi sa traffic kaya kami na namang apat ang nagkakagulo rito. Walang nag-aawat.


"Sinong girlfriend? Si Amy pa rin? Ang tagal na nila, ha? Baka magpapakasal na 'yun!" 


Hindi ko alam kung bakit ako nawawala sa mood sa mga pinagsasasabi ni Sam. Napaisip din ako kung ganoon na sila katagal, bakit hindi pa sila magpakasal? Naalala ko, ang sabi ni Kalix, may balak siyang magpakasal kapag nasa late twenties na siya. 


"Sure ba? E, mukha namang hindi bet 'yung Amy," pang-iinsulto ni Yanna. 


"Huwag kang maingay, Yanna, nasa malapit na table lang sila, okay?" Saway ni Sam. "Don't say that!" 


Kumunot ang noo ko at lumingon sa paligid. Sa couch, hind kalayuan sa amin, nakita kong naroon si Adonis, Amethyst, Leo, at iba pang mga abogado siguro. Wala si Kalix doon pero pakiramdam ko ay susunod siya. Bakit ba tuwing narito kami ay nariyan din sila? Hindi ko alam kung coincidence o madalas lang talaga silang mag-inuman dito. 


Nagtama ang tingin namin ni Adonis kaya lumiwanag ang mukha niya at agad-agad tumayo. May sinabi siya kay Leo at doon sa babaeng inaakbayan niya, girlfriend niya siguro. Pamilyar sa akin ang babae, ha... Parang nakikita ko somewhere. Napaiwas ako ng tingin at napasapo sa noo nang makitang naglalakad na si Adonis palapit sa table namin. 


"Architect!" Umalingawngaw na nga sa utak ko ang boses niya. 


"Hi Attorney," bati ko pabalik, nakangiti na ngayon. Wala na 'kong magagawa at narito na siya sa harapan ko! Bumeso siya kay Sam at kumaway kila Kierra bago binalik ang tingin sa' kin, nakangisi. Tumingin ulit ako sa table nila, kinakabahan na baka nga may sumunod na. 


Adonis blocked my view immediately. "May hinahanap ka ba, Architect?" Nakangising tanong niya. 


Umiling ako kaagad at umiwas ng tingin. Bakit ko ba hinahanap 'yon? Pakiramdam ko kasi kung nasaan si Amethyst ay naroon din siya. 


"Nariyan si Attorney Martinez. Nag-CR lang saglit, Architect Valeria!" Tumawa si Adonis kahit wala namang nakakatawa sa sinabi niya. 


Sabay kaming lumingon kay Kalix na natanaw kong lumabas na nga ng C.R. Nahugot ko ang hininga ko habang pinapanood siyang maglakad pabalik sa couch nila. Umupo siya sa tabi ni Amethyst at may binulong dito. 


Amethyst smiled and put her hand on Kalix's leg. Nakangiti na si Kalix ngayon habang nakikipag-usap. He was leaning on Amethyst to whisper on her ear and the lady would always giggle. 


"Architect!" Adonis blocked my view again. "Kumusta ka naman?!" 


Napainom na lang ako sa cocktail na kanina pa naghihintay sa lamesa. Pakiramdam ko ay pinagtatakpan nitong si Adonis ang kaibigan niya. Ano naman kung makita kong naglalampungan ang dalawa niyang tropa roon? 


"Love..." May lumapit na babae at hinawakan siya sa braso. 


Napalingon si Adonis sa babae at nakipag-usap dito saglit. Kumaway pa ang babae kay Sam at nakipag-beso bago niya hatakin si Adonis paalis, mukhang nagseselos sa amin. Jusko naman. Hindi naman nila kailangan magselos sa 'kin. Wala naman akong balak jowain mga boyfriend nila. 


Binalik ko ang tingin sa gawi nila Kalix. Nagkakatuwaan na sila roon. Kalix looked genuinely happy. He was laughing and smiling. It was rare for me to see him like that. He was always so serious but now he seemed carefree. 


Memories of him drinking with his friends, kissing other women and completely forgetting about me, flashed on my mind. Siguro ganito siya noon, kaya kinaya niyang makipaghalikan sa iba. Sa sobrang saya niya ay nakalimutan niyang may girlfriend siya at ako 'yon noon. 


Bumalik ang kirot sa dibdib ko. Hindi ko na sila kinayang tignan kaya uminom na lang ako roon nang uminom. Sabi ko pa naman ay hindi ako iinom masyado! Napatigil lang ako nang hinatak ako ni Yanna paalis para sumayaw sa gitna. Kung sino-sino pa ang nirereto sa 'kin ng gaga. 


"This is my friend!" Tinulak ako ni Yanna sa lalaki. Nabunggo tuloy ako sa dibdib no'n! Nakakagulat naman 'tong babaeng 'to! 


"Hey!" The man cutely smiled at me. Gwapo siya, oo. Kakaiba 'tong si Yanna, ah. Ang daming nahahanap agad. 


"Don't worry, Luna, I know him! He's a pilot!" Parang lasing na sabi ni Yanna at tinuro-turo pa ang lalaki sa harapan ko. 


Nakipag-usap ako saglit sa lalaki. Hindi kami masyadong nagkakarinigan kaya sumisigaw ako sa tenga niya. Nang mapagod ang lalamunan kakasigaw, inaya ko siyang maupo sa couch namin sa loob ng V.I.P. area dahil doon mas muffled ang tunog. 


I didn't know what got into me but I just found myself making out with the guy. Ang kamay niya ay nasa bewang ko na, pulling me closer to him. Ang kamay ko naman ay nasa leeg niya habang nakikipaghalikan. I can almost taste the alcohol in me. 


"Oh my god!" Napasabunot sa sarili niya si Via na kakarating lang. 


Napatigil tuloy ako at lumingon sa kanya, gulat dahil narito na siya. Napatingin din ang lalaking kasama ko, wiping the side of his lips a little using his thumb. He was a good kisser and he tasted like cherries! 


"Via!" Masayang bati ko at tumayo para yakapin siya. I missed her! 


"You're so drunk!" Pinagalitan niya 'ko kaagad. 


Binagsak ko ang sarili ko sa couch at napahawak sa ulo ko dahil sa biglaang hilo. Narinig kong nakikipag-usap si Via sa lalaki kaya ito umalis. Gusto kong awayin si Via dahil pinaalis niya ang lalaki ko pero masyado akong hilo para roon. 


"Nakakainis ka, 'yun na sana, e. May sex life na sana ako!" Sumimangot ako sa kanya. Kaya dry season ko, e! Itong mga 'to, pinipigilan ako lagi! Buti pa si Yanna, maraming nirereto! 


"God, nasaan na ba sila Kierra?" Napasapo sa noo niya si Via habang inaayos ang upo ko. 


Everything was spinning. Hinawakan ko pa ang ulo ko, umaasang titigil 'yon kapag steady lang. Hindi rin. Mas nakakahilo pa ang tunog sa labas. Mga taong nag-eenjoy! Pati ang ilaw, nakakahilo! 


"Is she okay?" Dumilat ako at nakita si Leo na napadaan lang sa table namin. 


"Yeah, lasing lang," sagot ni Via.


Nag-aalalang tumingin sa 'kin si Leo nang makita ang itsura ko. Umayos tuloy ako ng upo at tumingin sa kanya. Dahil lasing ako, parang gusto ko siyang biro-biruin.


"Attorney Perez!" Bati ko. "Upo ka, dali!" 


Nanlaki ang mga mata niya at tumingin sa paligid bago siya umupo sa tabi ko. Nakita kong nag-aalala nga siya sa kalagayan ko ngayon pero tinawanan ko lang ang itsura niya.


"Single ka ba, Attorney?" I asked. 


"Huh?!" Nagulat siya sa tanong ko. I giggled and got another drink. "Dude, she's so wasted," sabi niya kay Via.


"Single ka ba?" Ulit ko. "Why are you not answering? You can answer in court but you can't answer me?!"


"Single, why?" Nagtatakang tanong niya. 


"Let's kiss!" Masayang sabi ko.


"Luna!" Agad na suway ni Via. 


"Luna, I don't want to die yet," takot na sabi ni Leo. 


I pouted and drank the remaining alcohol in my glass. Nilapag ko 'yon sa table at umayos ulit ng upo. Nawawala ang hilo ko kapag maayos ang upo ko kaya 'yon ang ginawa ko. 


"Nakakamatay bang halikan ako?" Reklamo ko. 


Nakita kong napadaan din si Adonis sa table namin, may dala-dalang bote ng Black Label. Napahinto siya at nagsalubong ang kilay nang makita si Leo sa tabi ko. 


"Bro..." Leo was already defensive. 


"Ano 'yan, ha?! Isusumbong kita!" He dramatically pointed at Leo. 


"Adi, ayaw niya 'kong halikan." I rolled my eyes.


"Ha?!" 


Gulat si Adonis nang ipabalik-balik ang tinging may halong pag-aakusa sa 'kin at kay Leo. Muntik pa niyang mabitawan ang hawak na Black Label. His face screamed betrayal.


"Lasing lang siya, bro..." Umiling si Leo para itanggi, mukhang takot na takot na. 


"ATTORNEY!" Sigaw ni Adonis at umalis. 


Tumayo naman si Leo at agad hinabol ang kaibigan. Hinayaan ko na lang sila roon na mag-laro ng habul-habulan. Parang mga bata. Ang tatanda na naglalaro pa sa club! Hinanap ko si Via pero nawala na rin siya sa table. Siguro ay hinanap sila Kierra. 


"Iniwan ba naman ako!" Reklamo ko sa sarili ko. 


Kinuha ko ang Hennessy para mag-lagay ulit sa baso ko nang may pumigil na kamay doon. 


"That's enough." Kalix sounded mad. 


Inis kong inagaw ang bote sa kamay niya pero hindi niya binigay sa 'kin 'yun. Ano ba 'yan! Ano bang problema nito? Binitawan ko na lang at umusog ako ng upo para malayo sa kanya. Bakit ba siya nandito? 


"You're drunk." Umiling si Kalix at nilapag ang bote doon sa table. Well, duh! Para namang hindi ko alam 'yon! 


Umusog ako ulit nang umupo siya sa tabi ko. Humalukipkip ako habang nakatingin lang sa harapan, pinapanood mula sa glass door ang nagsasayawan sa labas. 


"Paki mo," bulong ko. 


"I told you, I care," kalmadong sabi niya. 


"When you shouldn't!" I hissed. 


He let out a heavy sigh before talking. "Nasaan ang mga kaibigan mo?" 


"Hindi ko alam. Nagsasaya siguro. Uuwi na 'ko!" 


Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Dahil sa biglaan kong pagtayo, muntik pa 'kong matumba kung hindi lang hinawakan ni Kalix ang braso ko. Agad kong binawi sa kanya 'yon at naglakad paalis. 


Abala ako sa paghahanap ng susi ng kotse ko sa bag ko nang maramdaman kong sinusundan ako ni Kalix hanggang sa parking lot. 


"You shouldn't drive," sambit niya sa likod ko. 


Huminto tuloy ako sa paglalakad para humarap sa kanya. Nagsilaglagan na ang laman ng bag ko dahil sa biglaang paglingon ko sa gawi niya. Napabuntong-hininga ulit siya at niluhod ang isang tuhod para pulutin ang mga nahulog na gamit. 


"And you shouldn't have followed me here, you stalker!" Paratang ko kaagad.


Tumayo siya at kinuha ang bag ko para ibalik ang mga nalaglag doon. May make-up, susi, cellphone, at wallet. Inayos niya pa ang pagbabalik para hindi gulo-gulo. Napasinghal ako nang kuhanin niya ang susi ng kotse ko at binulsa.


"Hey! Magnanakaw!" Sigaw ko kaagad. Lumapit ako para bawiin sa kanya 'yon pero kinuha niya ulit at tinaas para hindi ko maabot. "Ang mature mo, ha!" Inis na sabi ko. 


"You can't drive." Iyon lang ang sinabi niya. 


"Excuse me, I can drive! I took driving lessons so I can drive!" Kung ano-ano na lang ata ang sinasabi ko. 


He chuckled because of what I said na para bang nagbibiro ako! Totoo namang marunong akong mag-drive kaya bakit niya sasabihing I can't?! Umatras pa siya nang humakbang ako palapit para kuhanin ulit ang susi. Inis ko siyang hinampas ng bag ko nang hindi ko maabot. 


"Nahihilo na nga ako, pinapaglaruan mo pa 'ko!" Naiiyak na 'ko sa inis. "Tangina, lagi na lang akong pinaglalaruan!"


His face changed when a single tear fell from my eyes because of irritation. Unti-unti niyang binaba ang kamay niya at lumapit sa 'kin para hatakin ako.


"Let's go. I'll get you home." Hinawakan niya ang braso ko. 


Agad ko ring binawi sa kanya 'yun. He pursed his lips and looked at me with anger and confusion. 


"Ano bang problema mo, ha?! Nilalandi mo ba 'ko?!" Diretsang tanong ko.


Hindi nakatakas sa 'kin ang dumaang gulat sa mga mata niya dahil sa tanong ko. Inirapan ko siya nang makita ang reaksyon niya. Masyado namang halata ang itsura niya.


"What?" Nag-salubong ang kilay niya.


"Ang sabi ko, nilalandi mo ba 'ko?" Ulit ko.


Gustong gusto kong pigilan ang sarili ko sa pagsasalita pero dahil sa alak ay nawala na 'ko sa sarili. Akala ko ay hindi niya 'ko sasagutin dahil ilang segundo na ang nakalipas ay tahimik pa rin siya. Lalagpasan ko na sana siya para umuwi nang magsalita siya.


"If yes, so what?" He asked back.

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro