25
"Pakisabi nga kung bakit ko tinanggap 'yun?!"
Kanina pa 'ko nagrereklamo kay Kierra tungkol doon sa project na pinapagawa sa 'kin ni Kalix. Mukha namang walang pakialam ang gaga at busy sa dinadrawing niya sa iPad. Ang daming pinagkakaabalahan.
"Nadistract ka sa kagwapuhan ng ex mo," sagot ni Ke.
Napahilamos ako sa mukha ko. Nakaupo ako dito sa sofa ng office niya. Gusto ko na lang talagang i-untog ang sarili ko sa pader. Bandang huli, wala rin akong nagawa kundi mag-isip ng gagawin sa bahay na 'yun.
Kailangan ko pa tuloy magpabalik-balik doon para magsukat-sukat dahil hindi ko alam kung anong design ang pepwedeng gawin. I made a condition. Ang sabi ko kay Kalix, basta hahayaan niyang ako ang pumili ng engineer sa bahay ay papayag ako! Balak ko na kaagad kuhanin si Sevi. Bawal siyang tumanggi! Hindi niya 'ko pwedeng iwan sa labang 'to mag-isa!
"Hindi naman siya kagwapuhan," sambit ko kay Kierra.
Doon siya napatigil sa ginagawa at tumingin sa 'kin. Napairap ako nang malakas siyang tumawa. Nag-alala pa 'ko kung abot 'yon hanggang labas. Napahawak pa siya sa tiyan niya habang tumatawa. Sayang saya lang?!
"Hindi kagwapuhan!" Ulit ni Kierra at tumawa ulit.
"Bakit ba? Ano bang nakakatawa?" Inis na sabi ko.
"Kaya pala crush na crush mo dati? Nabulag ka na ata simula noong maghiwalay kayo, ha! Hay nako, Luna! Napakabitter!" Tumatawa pa rin siya.
Sa pikon ko ay umalis na lang ako doon at ginawa ang trabaho ko. Kinabukasan, hindi ako dumiretso sa kumpanya. Nag-drive ako papuntang Tagaytay para tignan ang loob ng bahay. Naroon na 'ko nang marealize kong wala akong susi at hindi pala ako makakapasok.
Agad kong kinuha ang phone ko habang nasa loob ng sasakyan at nagsend ng e-mail kay Kalix.
Are you busy? I'm here in Tagaytay to check the interior. I forgot I don't have a key.
Matagal pa bago siya nakapag-reply kaya nag-scroll scroll muna ako sa emails ko. Nang mainip ay binuksan ko ang Instagram at nag-check ako ng stories. Napadaan lang ako sa IG stories ni Leo pero nagtagal ang tingin ko roon nang may makita.
Naglulunch pala sila. Adonis, Leo, Kalix, at Amethyst. Ngayon lang niya pinost at magkatabi si Kalix at Amethyst. Kaya siguro hindi nakakapagreply kaagad.
Nevermind.
Bumaba ako ng sasakyan, dala ang panukat ko at ang labas na lang ang sinukat ko. Nag-pants at shirt lang talaga ako para dito. Hindi ko alam kung hanggang saan ba ang sakop ng lupa nila pero marami pang space sa paligid. May mga matatayog na damo nga lang.
Busy akong nagda-drawing at naglalagay ng sukat sa notebook ko nang marinig ang isang sasakyan na paparating. Napatayo ako sa pagkakaupo ko sa damuhan sa gilid ng bahay at naglakad papuntang gate para tignan kung sino 'yon.
Nakita kong bumaba si Kalix sa sasakyan at sinulyapan ako. Hindi siya nagsalita at dire-diretsong pumunta sa pinto para buksan 'yon.
"Thanks. Sorry sa istorbo," sambit ko pagkapasok sa bahay.
Nagulat ako nang kuhanin niya ang isa kong kamay at naglapag siya ng susi doon. Agad ko ring binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya at binulsa ang susi. Hindi na 'ko makatingin sa kanya ngayon.
"Did you have lunch already?" Tanong niya habang nag-iikot doon sa loob.
Akala ko ay babalik na siya kaagad pero mukhang marami siyang time ngayon. Naramdaman kong balak pa niyang tumambay dito sa bahay na 'to habang nagsusukat ako. Alam kong hindi ko 'to kaya lahat kaya napag-isipan kong tawagin si Sevi. Bakit ba kasi wala na ang floor plan? Hindi na raw niya alam kung nasaan!
"Oo," sagot ko kahit hindi pa.
"Are you sure? I can get us food," he offered.
Pinigilan ko ang pag-irap. "Alam kong nag lunch ka na. Hindi na kailangan."
"How did you know?"
Naroon siya sa kusina at nakaupo sa breakfast table nang maglakad ako papuntang living room, hindi siya sinagot. Nilabas ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Sevi. Sumagot din naman siya kaagad.
[Wala akong pera, Luna.] Pabirong bungad niya sa 'kin.
"Sira!" Sabi ko. "Free ka ba ngayon? Kailangan ko ng tulong sa bago kong project. Ie-explain ko sa 'yo mamaya."
[Ngayon?]
Nakarinig ako ng ingay at yabag ng paa. Unti-unti ring nawala ang ingay. Ibig sabihin ay naglakad siya paalis. Naramdaman kong nasa site siya kaya maingay. Naririnig ko pa kasi ang pagwewelding doon.
[I'm always available for you, baby loves!] Tumawa siya. [Joke, ulol.]
"Hindi nga? Sa Tagaytay 'to." Kinagat ko ang labi ko, umaasang papayag siya.
[Ang layo naman! Anak ng pating! Sagot mo ba gas ko?!]
Pinilit ko pa siya saglit bago ko ibaba ang phone. Tinext ko rin siya na dalhan ako ng pagkain dahil nagugutom na talaga ako sa pagod. Nang lingunin ko si Kalix, nakatingin lang din siya sa 'kin at walang reaksyon.
"I asked a friend to come here and help me, kung okay lang," sabi ko sa kanya.
He just shrugged and avoided my eyes.
"Saan ililipat ang mga gamit kapag sinimulan na namin?" Tanong ko sa kanya habang sinusukat ang bintana.
"I'll take care of that," maikling sagot niya.
Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Umakyat muna si Kalix sa kwarto para siguro magpahinga. Dumating na rin naman si Sevi na may dala-dalang take-out. Yes, sa wakas! Gutom na 'ko, e! Mabuti naman at naisipan niya 'to.
"Maganda naman ang bahay, ah! Makaluma lang," comment niya kaagad pagkapasok.
Nilapag niya ang pagkain sa may dining. Naka-suot siya ng white button-down long sleeves na naka-tuck in sa maong niyang pants. Tinupi niya hanggang siko ang sleeves at tumingin sa paligid.
"Kanino ba 'to?" Nagtatakang tanong niya.
"Kay Kalix," sabi ko habang kumakain.
"Kanino?!"
Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil alam kong ijujudge na niya 'ko. Naramdaman ko siyang naglalakad na palapit sa 'kin, handang asarin ako. Kinuha niya ang isang upuan at hinatak papunta sa harapan ko para roon siya maupo.
"So, hinahire mo 'ko para gawin ang bahay ng ex mo?" He twisted the words a bit.
"Hindi naman sa ganoon pero... ganoon na nga." I gave him a nervous smile.
"Sigurado ka ba diyan? Final answer?" Pangungulit niya.
Hindi ako nakasagot nang marinig ko si Kalix na pababa. Napalingon din si Sevi roon at agad tumayo nang makita si Kalix na naglalakad na papuntang kusina. Nilipat kaagad ni Kalix ang tingin sa pagkaing kinakain ko. Napakagat ako sa labi ko dahil nagsinungaling ako kanina noong sinabi kong kumain na 'ko.
"Good afternoon, Attorney Martinez," pormal na bati ni Sevi.
Dumaan lang si Kalix sa table namin at dumiretso roon sa ref para kumuha ng tubig. Akala ko ay hindi niya papansinin si Sevi pero bumati siya habang nagsasalin ng tubig sa baso.
"Good afternoon, Engineer," seryosong sagot niya.
Mabilis akong kumain at niligpit ang pinagkainan ko. Nanatiling nakaupo sa breakfast table si Kalix. May mga nakalapag siyang mga babasahin doon na papeles at nakabukas ang laptop niya. Doon na siya nagtrabaho habang tanaw kami ni Sevi sa may living room.
"Gusto ko lang naman malaman kung paano ako nasali sa sitwasyong 'to," bulong sa 'kin ni Sevi.
"Huwag ka nang mag-reklamo," masungit na sabi ko.
"Ikaw ang may kasalanan. Kakagising ko lang noon, pinakilala mo na 'ko bilang boyfriend mo." May hinanakit pa rin siya.
"Ayaw mo noon? Crush mo naman ako," pagbibiro ko rin.
"User," inirapan niya 'ko.
Para kaming tangang nagbubulungan dito.
Ang tagal namin sa living room. Pagkatapos doon, pumunta na kami sa kusina, kung nasaan si Kalix. Ako ang naiilang na nandito siya pero wala naman akong magagawa.
Tumungtong ako sa upuan, dala-dala ang meter tape. Hawak-hawak naman ni Sevi ang upuan para hindi gumalaw pero impit akong napasigaw nang muntik na 'kong mahulog. Napalingon din si Kalix sa 'kin dahil sa sigaw ko. Mabuti na lang ay napahawak ako sa balikat ni Sevi!
"Ako na." Kinuha ni Sevi sa 'kin ang meter tape.
Hinawakan ni Sevi ang bewang ko para alalayan ako pababa ng upuan. I bit my lower lip and glanced at Kalix who was already reading something from his laptop. Matalim ang tingin niya sa screen na para bang may ginawang masama 'yon sa kanya.
"3.5," sambit ni Sevi pagkababa ng upuan.
Kinuha ko ang notebook ko para ilagay 'yon. Pawis na 'ko nang matapos kami sa kusina. Habang umiinom ako ng tubig, kinuha ni Sevi ang panyo niya para punasan ang pawis ko sa noo. Nakita kong napasulyap si Kalix sa amin.
Nang tumingin ako sa gawi niya, iniwas niya ang tingin at binalik sa ginagawa. His jaw moved aggressively while he was writing something.
"Pawis ka na. May dala ka bang damit?" Tanong ni Sevi sa 'kin. Umiling ako. "Mayroon ako. Pahiramin kita, gusto mo?"
"Mamaya na 'ko magpapalit. Tapusin na natin." Hinatak ko na si Sevi paalis ng kusina.
Umakyat kami para sukatin ang mga kwarto. Una pa talaga 'yung kwartong tinutulugan namin ni Kalix. Walang pinagbago 'yon. Ganoon pa rin ang itsura niya kaya naman nahirapan akong alisin lahat ng alaalang bumabalik sa utak ko tuwing napapatingin ako sa bawat sulok.
"Alaala mo sa akin ay gumugulo..." Pagkanta ni Sevi.
Agad ko siyang hinampas dahil sa pang-aasar niya. Tumawa siya habang hawak ang dulo ng tape.
"Apektado ka pa rin ata, Architect?" Pagpapatuloy niya.
Napalunok ako at binaba ang notebook sa sahig. Pinindot ko ang meter tape at agad niyang nabitawan 'yon para hayaang bumalik.
"Trabaho lang," sambit ko at pumunta sa kabilang sulok.
"Trabaho nga lang ba? Baka iba ang trabahuhin mo rito." Tumawa si Sevi.
Pagkatapos namin doon, lumabas na kami ni Sevi ng kwarto. Nagulat pa 'ko nang makasalubong si Kalix na papunta sana sa kabilang balcony. Napatigil siya sa paglalakad at sumulyap sa 'kin, at sunod kay Sevi.
"Are you done?" Malamig na tanong niya.
"Hindi pa kami tapos. Sa kabilang kwarto pa," sagot ni Sevi.
It somehow sounded sensual to me! Palihim kong siniko sa dibdib si Sevi nang lagpasan kami ni Kalix, seryoso lang ang mukha. Dumiretso siya sa balcony at sumandal doon, nakatalikod sa paningin ko.
Nang matapos kami sa dalawa pang kwarto, nagpaalam na si Sevi na mauuna na siya dahil pinapatawag siya sa site. Hindi na rin siya nakapagpaalam kay Kalix dahil hindi namin mahanap.
Gabi na at madilim na noong bumaba ako at lumabas sa backdoor. Doon ko nakita si Kalix sa may bench sa garden. Nakasandal siya roon at nakatingala sa langit, malalim ang iniisip. His Adam's apple moved when he swallowed hard.
Lumapit ako at huminto sa harapan niya. Napaayos siya ng upo nang makita ako. "Done?" He asked in a hoarse voice.
"Oo. Umalis na nga pala si Sevi kanina pa. May pupuntahan kasi siya," sabi ko.
Tumango siya at hindi nagsalita. Nagpamulsa ako at nag-iisip ng sasabihin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko may nagawa akong mali? Kahit wala naman?
"Hanggang saan pa 'tong lupa n'yo?" Tanong ko.
Tumayo siya para ipakita ang maliit na harang. Natatabunan 'yon ng mga damo kaya hindi kita. "Bukas, pag-usapan natin kung ano ang gusto mong ipadagdag."
"Kung anong gusto mo," he replied casually.
Tumaas ang isang kilay ko. "Bahay mo 'to kaya ikaw ang mag desisyon."
"And my decision is to let you do what you want with it."
Marami nga akong gustong gawin sa bahay na 'to pero nililimitahan ko ang sarili ko dahil baka may ayaw siya o ano. Gusto kong lagyan ng pool dahil wala, pero hindi ko rin alam kung gusto niya 'yon. Ang hirap noong ako magdedesisyon sa lahat pero hindi naman sa 'kin ang bahay!
"Kailangan pa rin natin pag-usapan 'yung mga bawal galawin o bawal idagdag," pakikipagtalo ko sa kanya.
"Do you want to talk about it over dinner?" Tumingin siya sa relo niya.
Napaiwas ako ng tingin at inalala kung may gagawin pa ba ako ngayong gabi. Wala naman masyado. Kailangan ko na rin mapag-isipan kung ano ang gagawin ko sa bahay na 'to para hindi na tumagal pa.
"Okay," pag-payag ko.
Magkahiwalay kami ng sasakyan. Sinundan ko lang siya papunta sa isang Italian Restaurant sa Manila. Alam ko kaagad na mahal doon pagkakita ko pa lang sa labas. Noong pumasok, namangha na 'ko sa interior. Parang formal masyado ang aura.
Umupo ako sa tapat niya. Siya na ang hinayaan kong mag-order. Tumingin-tingin ako sa paligid dahil baka mamaya ay may kakilala ako rito at mali ang isipin tungkol sa 'ming dalawa ni Kalix. Ayaw ko namang mangyari 'yun. May girlfriend siya kaya hindi dapat.
Oo nga! May girlfriend siya! Ano na lang iisipin noon kapag nakita kami rito?!
"Dapat hindi na pala tayo sa public nagdidinner. Baka kung anong isipin ng makakakita," sabi ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita agad dahil nagsasalin ng wine ang waiter. Nang makaalis, kinuha niya ang wine glass at sumimsim doon habang nakatingin sa 'kin.
"Why? Your boyfriend might get mad?" Tumaas ang isang kilay niya.
Kumunot ang noo ko sa kanya dahil sa sinabi niya. Boyfriend? Sino namang boyfriend ko ngayon? Buti pa siya ay alam dahil ako, hindi! Sana nga may boyfriend ako!
"Seloso ba siya?" Malamig na tanong niya sa 'kin.
"Sino bang sinasabi mo?" Pikon na 'ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Engineer Camero." Binaba niya ang wine glass sa lamesa at matalim akong tinignan.
Muntik ko nang madura ang iniinom kong wine. Kinuha ko ang table cloth para ipunas sa bibig ko dahil sa gulat. I bit my lower lip to stop myself from laughing. Naiimagine ko pa lang kami ni Sevi ay natatawa na 'ko.
"We're just friends," pagpapaliwanag ko.
Bakit nga ba ako nagpapaliwanag?!
"Kung kami man, wala ka nang pakialam doon," bawi ko kaagad.
He didn't talk. His hand remained on the wine glass, playing with it with his thumb habang nakatingin siya sa kawalan. He was thinking deeply about it. Hindi ko mabasa. Ang hirap alamin kung anong tumatakbo sa utak niya. Naisip niya ba 'yon dahil pinakilala ko bilang boyfriend si Sevi noon?
"I didn't say I care," he replied.
Napahiya ako roon! Dapat pala ay hindi ko na dinugtungan dahil mukhang lagi siyang may pambasag sa mga sinasabi ko.
"Attorney Martinez!" Napalingon kami sa magandang babaeng lumapit.
"Clara," agad tumayo si Kalix para batiin ang babae.
The lady was wearing a champagne-colored dress na medyo kumikinang kapag natatapat sa ilaw. Naka-ponytail ang mahabang buhok at naka-ayos. Sinenyasan niya ang kasamang kaibigan na umupo na sa hindi kalayuang table.
Napaawang ang labi ko nang halikan ng babae si Kalix sa pisngi.
"I missed you! Hinahanap kita sa dati mong firm noon pero sabi nila you left already!" Nakangiting sabi ni Clara.
Maganda siya. Alam kong pasado siya sa standards ni Kalix. Umiwas na lang ako ng tingin at napainom sa wine ko.
"Oh, who is this? Girlfriend?" Napabalik ang tingin ko sa kanila nang magtanong ang babae.
Napatingin sa 'kin si Kalix na medyo nagulat rin sa tanong pero agad rin niyang binalik ang tingin sa babae. Mukhang hindi niya alam ang sasabihin niya.
"No, she's not," tanggi niya kaagad.
"Oh, so sino siya? Client?" Curious na tanong ulit noong Clara.
"No, she's..." Kalix looked tense, not knowing what to say.
Ex-girlfriend, you dumbass.
Napairap tuloy ako sa iniisip ko. Bakit niya nga naman sasabihin 'yon? Kahit ako ay hindi ko aaminin sa iba na mag-ex kami ni Kalix, 'no! Baka isipin nila ay proud ako roon.
"She's just someone I know. How about you? Who are you with?" Iyon ang sagot ni Kalix.
Just someone he knew, huh. Nag-usap pa sila roon saglit. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pasimpleng paghaplos-haplos ng babae sa dibdib ni Kalix. Kulang na lang siguro ay luhuran niya si Kalix at ibaba ang pantalon.
"Just visit my condo if you need anything. You know where it is." The woman winked at him before walking away.
Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabulgar ng sinabi niya. I was already judging Kalix when he sat down in front of me, fixing his polo a little. Umiinom pa 'ko sa wine glass habang hinuhusgahan ko siya sa tingin.
"What?" He asked when he saw me looking at him.
Binaba ko ang wine glass ko at nanatili ang tingin sa kanya. "Sino 'yun? Fubu?" Ganoon ang aurang naramdaman ko sa kanilang dalawa, e. The woman was very touchy.
Mukhang hindi niya inaasahan ang pagiging straightforward ko. Tumingin pa siya sa paligid para siguraduhing walang nakarinig ng sinabi ko. He looked at me with intense darkness and amusement mixed together.
"She was my client," kalmadong sabi niya.
Hindi ako nakinig sa kanya at tinignan ang babae. Ano naman ang kaso ng babaeng 'yan? Mukha naman siyang mabait at hindi makabasag-pinggan.
Hindi pa rin talaga nagbabago si Kalix! Ano na lang ang mararamdaman ng girlfriend niya kapag nalamang nakikipag haplos-haplusan siya rito sa restaurant habang may ka-table naman na ibang babae. Grabe.
"Whatever it is that you're thinking, stop it," seryosong sabi niya sa 'kin. "You're always so quick to judge."
Parang iba na 'yon, ah!
Parang may kasamang hinanakit na ang sinabi niya. Hindi ko na pinatulan 'yon dahil baka humaba pa ang pagtatalo naming dalawa. Mabuti na lang ay dumating na ang pagkain kaya 'yun na ang pinagtuonan ko ng pansin.
Habang kumakain, nilabas ko ang sketchpad ko para tanungin siya tungkol sa bahay.
"Can we eat first?" Pagpigil niya sa 'kin.
Ngumuso ako at tinago na 'yun ulit. Ano ba 'yan! Para nga makaalis na 'ko kaagad pagkatapos kumain. Hindi naman sa mage-eat and run ako, pero nadidistract ako dahil pasulyap-sulyap sa aming dalawa 'yung babae. Clara, right?
Sa 'yong sa 'yo na siya, girl. Hindi ko naman inaagaw.
"Kanina pa tumitingin ang babae mo rito," bulong ko habang casual na kumakain.
Napakunot ang noo ni Kalix at lumingon doon sa babae. Pagkatapos, binalik niya ang tingin sa 'kin na may halo nang kaunting inis sa sinasabi ko.
"I told you, she was a client." Mabagal na ang pananalita niya para maintindihan ko.
I shrugged and tried to continue eating but I saw the lady trying to take a picture of Kalix. Napairap ako dahil halatang halata sa kanya ang pagnanasa.
Padabog ko nang binitawan ang kubyertos at sumandal sa inuupuan ko. "Oh god, just go see her in the restroom."
Kalix also stopped eating and looked at me with so much irritation now. Pakiramdam ko ay mauubos na ang pasensya niya sa 'kin. Lumingon ulit siya sa babae at nginitian siya nito. Nang ibalik ni Kalix ang tingin niya sa 'kin, bumuntong-hininga siya.
"Can you please just eat your food?" Kalix tried to calm himself.
"How can I? Nakakadistract ang patingin-tingin niya rito," reklamo ko.
Napamasahe si Kalix sa sentido niya bago tumayo. Sakto ay tumayo rin ang babae at kumaliwa sa may restroom. My mouth formed an 'o' when Kalix followed her on the same corner.
Napainom ulit ako sa wine glass ko at hinintay silang matapos. Hindi ko na ata kayang kumain dahil sa pandidiri ko. Dito pa, huh?
Wala pang dalawang minuto ay nakita ko na si Kalix na naglalakad pabalik sa table. Napataas ang kilay ko sa kanya sa kuryosidad nang maupo siya ulit sa tapat ko. Ang bilis niya, ah. Anong ginawa niya?
"You can eat peacefully now," walang pakialam na sabi niya.
Binalik ko ang tingin sa babaeng kakabalik lang din sa table. Nagmamadali itong kinuha ang bag niya at mabilis na naglakad paalis. Napakunot ang noo ko at binalik ang tingin kay Kalix.
"Anong ginawa mo roon?" Nagtatakang tanong ko.
Hindi niya 'ko sinagot at pinagpatuloy lang ang pag-kain. Dahan-dahan kong iniwas ang tingin ko sa babae para mag-focus sa pagkain sa harapan ko. Nang matapos, kinalimutan ko na lang din 'yon. Nilabas ko na lang ang sketchpad para masimulan na ang dapat naming pag-usapan.
"Okay ka na ba sa dalawang palapag?" Tanong ko sa kanya. "O gusto mo pang dagdagan ng pangatlo?"
"What do you think?" Tanong ni Kalix habang nakakrus ang braso sa dibdib at prenteng nakasandal sa inuupuan.
"Ilan ba ang titira dito? Iba kasi ang tirahan na pang-sa 'yo lang sa tirahan na pang-pamilya. Kung balak mong dito patirahin ang magiging pamilya mo, o 'yung pamilya mo ngayon, sabihin mo na ngayon," sambit ko.
"It would be just me, and my future family," he seriously answered.
Tumango ako. "Okay na ba ang isang master bedroom at dalawang normal bedroom? Or gusto mong gawing tatlo? Malalaki kasi masyado ang mga kwarto roon sa 'yo. Pwede pang hatiin sa dalawa."
"Make it four, then," parang hindi naman siya interesado at sinusunod na lang ang sinasabi ko!
"Ano ba 'to, bahay mo o bahay ko?" Pikon na tanong ko sa kanya.
Muntik na siyang masamid sa sinabi ko.
"Participate ka naman, oh. Sabihin mo kung anong gusto mo, hindi 'yung sunod ka lang nang sunod. Bahay mo 'to, oh," inis na dugtong ko.
"One master bedroom with a bathroom inside and four normal bedrooms," tuloy-tuloy na sabi niya. "The rest, do what you want with it."
"Don't say that or I will fucking put a zoo inside your house." Masama ko siyang tinignan.
"A zoo it is." He sipped on his wine casually.
I groaned out of frustration. Sumandal ako at minasahe ang sentido ko. Mas nakaka-stress 'yung hinahayaan ako sa gagawin kesa dinidikta sa 'kin kung ano ang gusto. Higit sa lahat, mas nakaka-stress na siya ang kliyente ko!
"Let's talk again tomorrow," sambit ko.
Tumango siya at sinenyasan ang waiter para sa bill. Agad kong kinuha ang wallet ko para ako ang magbayad pero hindi pa nalalapag ng waiter, inabot na niya ang card niya.
"Let me pay for it," pakikipagtalo ko.
"No, I was the one who asked you out for dinner," he reasoned out.
May point siya kaya hinayaan ko na lang din. Pagkatapos namin kumain, umuwi na 'ko. Sa condo ko pinag-isipan ang mga idadagdag ko sa bahay niya. Nag-sketch na rin ako para may mapakita akong draft sa kanya bukas. Iyon ang pinagkaabalahan ko hanggang kinabukasan sa office.
Noong bumaba ako sa legal department, wala raw siya doon at nasa firm kaya roon naman ako dumiretso. Hindi na 'ko dumaan sa reception at diretso nang umakyat sa 15th floor. Hindi naman ako pinigilan ng secretary niya na abala sa tinatype nang pumasok ako sa office.
Naabutan ko si Kalix na may hawak na ice pack na nakalagay sa pisngi. Seryoso siyang nagbabasa sa isang dokumento at nahinto lang 'yon nang mapansin ang presensya ko.
"Okay ka lang?" Nagtatakang tanong ko.
Tumango siya at bumuntong-hininga. Nakabukas ang tatlong butones ng suot niyang polo at may gusot pa sa sleeves.
"Anong nangyari sa 'yo?" Dahan-dahan akong umupo sa tapat niya at sinubukang silipin ang pisngi niya.
"A couple fought inside my office. Happens every fucking time." Umiling siya at tinanggal ang ice pack.
Hindi naman ganoon kalaki at kalala. Namumula lang sa may bandang panga niya. Hindi ko alam kung nasapak siya o nasampal. Matatawa ba 'ko o ano? 'Yung itsura niya kasi, e. Halatang naiinis.
"Bakit? Kabit ka?" Pagbibiro ko.
Masama niya 'kong tinignan. "No. The woman wanted to file for an annulment."
My mouth formed an 'o' and slowly nodded. "But this is better than getting death threats noong criminal lawyer ka pa. Why won't you go back?" Kuryosong tanong ko.
Umiling siya. "It's dirty and complicated."
"What do you mean?" He sighed and shook his head, refusing to answer. "Umalis ka, 'di ba? Doon sa firm mo? You were doing so well. Sayang naman... Dapat tinuloy mo."
The side of his lips rose with a hint of amusement when he heard what I said. Natahimik ako at pinanood ko siyang mag-isip. He clicked his tongue against his teeth and stopped reading to look at me.
"If I continued, you would hate me forever, Luna," he stated meaningfully.
Luna.
Napakurap ako at binalik sa kanya ang mga matang nagtatanong. He looked like he was hiding pain behind his words. He swallowed hard without looking at me.
"You won't just call me a cheater in love, but also a cheater in court."
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro