Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

24


"Is Atty. Martinez here?" 


Bumisita ulit ako sa legal department kinabukasan, umagang-umaga. Hindi ako makapaghintay na tanungin si Kalix tungkol doon sa kaso ni Miguel, kahit alam kong galit pa rin siya dahil doon sa kapeng natapon. 


"Papasok pa lang po si Atty. Martinez, Architect," sagot noong junior. 


Sumulyap ako sa I.D. niya para tignan ang pangalan niya. Philip. Siya lagi ang kabadong kabado kapag narito ako. Hindi ko alam kung ilang taon na siya pero nasisigurado kong mas bata siya sa amin. 


"Excuse me." Dumaan sa gitna namin ni Philip si Kalix at tuloy-tuloy na pumasok sa office niya. Napakabastos naman! 


Tumingin ako kay Philip at ngumiti sa kanya bago ako pumasok sa office ni Kalix. Nakita ko siyang nakatayo at nakatalikod sa 'kin, sinasabit ang hinubad na coat doon sa coat rack niyang kahoy. 


Sumulyap lang siya sa 'kin para i-acknowledge ang presensya ko at umupo na siya sa swivel chair niya, hinihintay akong magsalita. Hindi ko alam kung nakikinig siya kaya hindi ako makapagsimula. Binuksan niya kasi ang laptop niya at nagtytype na doon. 


"Are you here to stare at me?" He asked after the silence. 


Dahan-dahan akong naglakad palapit. Hindi ako umupo sa tapat niya at nanatili lang akong nakatayo malapit sa desk niya habang pinagmamasdan ko ang masungit niyang mukha na parang hindi maganda ang gising niya. 


"Can you forgive me now?" I asked.


"About?" Binuksan niya ang drawer niya at namili ng ballpen. 


"About the documents. I'm willing to do anything. That's how much I feel sorry," I offered.


Natigilan siya roon saglit at tumingin sa 'kin, nag-iisip. He shifted on his seat slowly while watching me. Hindi ko mabasa ang iniisip niya pero paniguradong mayroon dahil pinapaglaruan niya ang ballpen sa daliri at nagtagal ang tingin sa 'kin. 


"Anything?" He asked again. 


Natakot na tuloy ako sa offer ko dahil baka kung ano pala ang ipagawa niya sa 'kin! Gusto kong bawiin 'yon. 


"Anything legal," dugtong ko. 


Natawa siya saglit sa sinabi ko at sinandal ang siko sa desk. Nagpahalumbaba siya at hindi inaalis ang tingin sa 'kin. I felt so conscious! Nailang ako at umiwas ng tingin. Bakit ba siya nakatitig? Pwede bang sa ibang bagay siya tumingin habang nag-iisip?!


"I'll think about it." Inalis na niya ang tingin sa 'kin at umayos ng upo. 


Nakahinga ako nang maluwag. Nacurious tuloy ako kung ano ang magiging sagot niya. Sana naman ay 'yung kaya kong gawin at hindi labag sa loob ko! 


"I want to ask something," sabi ko kaagad.


Napaangat ang tingin niya sa 'kin dahil seryoso ang pagkakasabi ko. He was sensitive enough to close his laptop for a minute when he noticed that it wasn't a light topic. He leaned over the desk, ready to listen. 


"First, did you eat breakfast?" Singit niya. 


Napataas ang isang kilay ko. Bakit ba tanong siya nang tanong kung kumain na 'ko? Dadaan ba ulit siyang drive-thru? 


"I asked someone from the team to get breakfast. Do you want something?" He added.


"I already had coffee," sagot ko, atat nang pag-usapan ang kaso ni Miguel. 


"That's not a proper meal," he argued.


"Proper meal or not, why would you care?" Pinangsingkitan ko siya ng mata. 


"I don't," mabilis na sagot niya. 


Umupo ako sa upuan katapat ng lamesa niya dahil pakiramdam ko ay mangangawit ako rito kakatayo. Sinundan niya 'ko ng tingin, talagang pinagmamasdan bawat galaw ko. Nakaka-conscious naman siya. 


"I heard you took Miguel's case," panimula ko pagkaupo. 


Nang marinig niya ang sinabi ko, napasandal siya sa inuupuan niya at sinimulan ulit laruin ang ballpen sa daliri. He raised his brows, urging me to continue. 


"Pero iba ang nabasa ko noong sinearch ko. Ano ang totoo? Bakit naging si Amethyst?" Tanong ko sa kanya. He started swinging his chair sidewards, still staring at me. Na-conscious ako lalo sa sarili ko. Parang hinuhusgahan niya 'ko. 


"Who said I took it?" He tilted his head a bit to the side. 


"Some rumors," I admitted. 


"I didn't, so Amy took it. That's it," maikling pagpapaliwanag niya. 


I was kind of relieved knowing Miguel was already behind bars. Hindi man natuloy at naging successful ang sinampang kaso ni Kierra sa kanya dati for physical abuse, mabuti na lang at sa bago niyang biktima, may nangyaring hustisya. 


"But you were asked to take it?" Maingat na tanong ko.


"Yes, by my boss," maikling sagot niya. 


He was careful not to give too much information. Nararamdaman ko 'yon. Parang may ayaw siyang ipaalam sa 'kin. Maybe it was really that confidential. I wondered if they were allowed to reject cases in his old firm. 


"Pwede kang tumanggi sa inassign sa 'yong case?" Patuloy na pag-usisa ko.


He swallowed hard and avoided my gaze. "No." 


Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. I could tell that he was tense. Kanina pa siya sumusulyap sa pinto at parang hinihintay na lang na may pumutol sa usapan naming dalawa. 


"Bakit hindi mo kinu-" 


May kumatok bigla kaya natigilan ako sa sinasabi ko. Parang lumiwanag ang mga mata niya nang pumasok na ang isa sa legal team. Lalaki 'yon. Sinenyasan siya ni Kalix na iwanan na lang ang pagkain sa coffee table kaya roon nga nilagay.


Magsasalita na sana ako nang tumayo si Kalix at may sinagot na tawag. Mukhang busy na siya ngayon kaya tumayo na 'ko at kinuha ang gamit ko. Sumulyap siya sa 'kin nang makitang paalis na 'ko. 


Binaba niya saglit ang phone para kausapin ako. "We'll talk next time," sambit niya sa 'kin. 


I gave him a small smile before walking straight towards the door. Pagkarating ko sa office, napabuntong-hininga ako. I judged him so bad because I thought he went against his moral principles and helped the guy who ruined my cousin's life but he didn't. Alam ko nga lang na may hindi siya sinasabi sa 'kin batay sa inaakto niya. 


Noong kinahapunan, nagpatawag na naman ng meeting tungkol sa project sa Rizal kaya umakyat ako sa board room. Pagkarating ko, naroon na halos lahat. Umupo ako sa tabi ni Sevi, dala-dala ang iPad ko. 


"May games ka?" Pagbibiro ni Sevi sa 'kin. 


"Ang mature," bulong ko sa kanya pabalik. 


Bumukas ang pinto at pumasok doon si Kalix. Nakita kong napaayos ng upo ang finance head at dalawa pang babae sa loob. Pasulyap-sulyap sila kay Kalix na hindi na nakasuot ng coat. Pagkaupo niya, niluwagan niya ang necktie niya at tumingin sa harapan. 


"Baka maglaway ka, ah," bulong ni Sevi at siniko pa 'ko para mang-pikon. Bwisit na 'to! Kaya ayokong katabi sa meeting 'to, e! Hindi ako nakakapag-focus! 


Nalipat tuloy ang tingin ko sa kanya dahil sa pambibwisit niya sa 'kin. Pero mabuti na nga lang din at nagsalita siya kung hindi mahuhuli na 'ko ni Kalix na pinapanood ko ang galaw niya. 


"Sinong maglalaway dyan? Baka wrong send ka. Doon mo dapat sinasabi 'yan sa finance head," bulong ko sa kanya pabalik.


Tumawa si Sevi sa sinabi ko kaya napasulyap si Kalix sa 'ming dalawa. Natahimik ako at umayos ng upo nang mapansing pinapanood niya na naman kami. Si Sevi rin ay napalitan ng ubo ang tawa dahil kinabahan sa tingin ni Kalix sa kanya kahit seryoso lang naman 'yon at walang halong pananakot. 


"Nagseselos ka naman." Hindi ako tinigilan ni Sevi. 


Hindi ako nagsalita at tinignan ko ang finance head na nakikipag-usap na kay Kalix ngayon. Pakunwari pa siyang may tinatanong-tanong tungkol sa documents na hawak ni Kalix. Sumasagot naman sa kanya at nagngingitian pa sila roon. 


"Huwag ka nang magselos, mahal." Ngumisi sa 'kin si Sevi at inakbay ang braso sa likod ng inuupuan ko. 


Nanlaki ang mga mata ko at kinurot ang binti niya sa ilalim ng lamesa para tigilan niya ang ginagawa niya ngayon! Napatingin ako kay Kalix na seryoso lang na binalik ang tingin sa harapan. Hindi na siya ngayon nakikipag-usap kay finance head. 


"Alisin mo nga akbay mo," inis na sabi ko kay Sevi dahil nahahatak 'yung upuan ko. 


"Sige." 


Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko na nasa taas ng table. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko at agad kong binawi 'yon. I was pretty sure Kalix saw that because I caught him staring at my hand. Iniwas niya rin naman kaagad ang tingin niya at binalik ang tingin sa binabasa. 


Binaba ko sa ilalim ng table ang kamay ko at mas malakas na kinurot si Sevi sa tabi ko na nakangiti, pinipigilan ang tawa. Gagong 'to! Sinasadya talaga! Ang tapang niya ata ngayon, ha?! Kung wala lang ibang tao, makakatikim 'to ng suntok sa 'kin! 


"Crush mo siguro ako," bulong ko sa kanya. 


Tinawanan niya 'ko. "May iba na 'kong crush." 


Hindi ko na siya nasagot dahil pumasok na si Mommy at Daddy sa room. Tumayo kaming lahat at umupo lang nang makaupo sila. Nagtanong-tanong lang tungkol sa updates at prinesent na rin ang mga pinasa kong design proposals. Pinagbotohan na rin nila 'yon at criniticize for changes and improvement. 


"What do you think, Atty. Martinez?" Tanong ni Mommy.


Nagulat ako nang sabihin 'yun ni Mommy. Nagulat din si Kalix dahil hindi naman niya inaasahang pati siya ay tatanungin tungkol sa designs. 


"I like it as it is," maikling sagot niya habang nakasandal sa inuupuan niya. 


Mabuti na lang at hindi nagtagal sa kanya. Hindi rin napansin ng iba ang hidden meaning ng pagtatanong ni Mommy. Papagalitan ko nga siya mamaya! 


Nang matapos ang meeting, nagsitayuan na ang lahat. Pinagbuksan ako ni Sevi ng pinto at sumunod sa 'kin palabas at hanggang sa loob ng office ko para bwisitin ako. Tawa pa siya nang tawa kapag nakikitang naiinis ako. 


"May itatanong ako sa 'yo." Umupo siya sa sofa ng office ko. Tumaas ang kilay ko sa kaniya, hinihintay ang sasabihin. "Ano bang magandang i-regalo sa babae?" Curious na tanong niya.


Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Si Sevi, nagtatanong tungkol sa babae! Napaisip ako sa sinabi niya. May bago na siya? 


"Anong klaseng regalo? Birthday ba?" Tanong ko at tumango siya. "Kung special siya sa 'yo, jewelry siguro. Kung hindi, pwedeng bag or shoes." I shrugged. 


"Sige, salamat." Tumayo na siya at umalis ng office ko. 


Masaya akong umuwi dahil day-off ko bukas. I planned so many things inside my head kaya maaga akong gumising para pumunta sa gym with Kierra. Nakasuot lang ako ng leggings at Nike sports bra na black. Inipit ko rin ang buhok ko sa ponytail. 


Nagte-treadmill ako nang biglang lumapit sa 'kin si Kierra. "Nandiyan siya!" Nakatingin siya roon sa pinto. 


Napatingin din tuloy ako at nakita si Kalix, Adonis, at Leo na kakarating lang. Naka black sleeveless shirt si Kalix at black shorts. Nag-uusap usap sila habang inaayos ang gamit. Hindi ko alam ang mararamdaman ko! Ang daming gym sa lugar kaya bakit dito pa?! 


Tinuon ko na ang tingin ko sa harapan dahil baka maaksidente ako rito sa treadmill. Umakto akong walang pakialam kahit naramdaman kong papunta na sa gawi ko si Kalix. Nakakainis si Kierra at iniwan kaagad ako nang makitang pumwesto si Kalix sa treadmill na katabi noong akin. 


Ngayon, pinagsisisihan ko nang nagbago ako ng gym na pinupuntahan. Dapat pala roon na lang sa condo. Ang arte kasi nitong si Kierra at malayo raw sa kanya. 


"Morning," he greeted.


"Morning," balik ko habang tumatakbo pa rin. 


Hindi ko man lang siya nilingon pero narinig kong nagsisimula na rin siya. Tumabi sa kanya si Adonis at sa tabi ni Adonis ay si Leo. May pinag-uusapan ang dalawa at mukhang hindi pa kami napapansin.


Tinigil ko ang pagtetreadmill ko at uminom saglit ng tubig bago ako nagsimulang mag-workout. I did my usual ab workout. Katabi ko na sa mat ay si Kierra doing the same thing. Napatigil ako saglit nang matapos na si Kalix. He started doing some strength training to tone his biceps. Umupo siya roon at nagsuot ng gloves bago mag-buhat ng weights. 


"Nakakahiya ka, huwag mong tignan." Siniko ako ni Kierra. Napabalik ang tingin ko sa kanya. Ni hindi ko nga napansin na nakatingin ako kay Kalix! "Mukha kang naglulust over him. Wala ka kasing dilig for how many years na." Tumawa pa siya. 


"Bunganga mo." Umirap ako.


"It's okay, Luna! I won't judge. Kung ganyan din naman ang ex ko, same feeling din. Huwag mo lang ipahalata masyado na gusto mo siyang makasama sa kama dahil baka-"


Tinakpan ko na ang bibig ni Kierra dahil baka may makarinig pa sa kanya at isiping ganoon akong tao! Minsan, ang sarap niya talagang sipain kahit pinsan ko siya. 


"When in New York." Hindi pa talaga tapos si Kierra. 


I focused on my workout. Nang mapagod, pumunta na 'ko sa locker at kinuha ang gamit ko para magpalit. Napalingon ako sa gilid ko nang buksan din ni Kalix ang locker niya at kinuha ang cellphone niya roon. 


"Architect, what's up!" Pumasok din 'tong si Adonis. 


"Hi," maikling bati ko at sinara ang locker ko. 


"Sayang pa rin talaga 'yung ipapagawang bahay ng Daddy ko!" Ngumisi sa 'kin si Adonis. "Sayang talaga, diba 'no, bro?" Siniko niya si Leo. 


"Gago," bulong ni Leo.


"Breakfast tayo pagkatapos nito, Architect! Libre ko!" Aya niya sa 'kin. "Sama kayo sa 'min noong friend mo!" 


"Shut up, Adi. May girlfriend ka na, ah," singit ni Leo na nakaupo sa gilid. 


"What the heck, hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin! Bawal ba mag-aya ng breakfast? Palibhasa ikaw, siguro lahat ng kliyente mo, kapag inaaya mo ng breakfast iba ang ibig sabihin," ganti ni Adonis. 


"Hindi ako pumapatol sa clients, bro," sambit ni Leo. 


"May pupuntahan pa 'ko, eh," tanggi ko at dumiretso na ng shower room. 


Nag-shower ako at nagpalit ng damit. Nagsuot lang ako ng high-waisted pants at manipis na grey shirt. Naka-tuck in 'yon at nagsuot na rin ako ng belt bago inaya si Kierra paalis. Baka maabutan ko pa si Kalix, e. 


Pagkatapos mag-gym, nagpahinga lang ulit ako sa condo at nanood ng movies. Hindi ko muna inisip ang trabaho ko. Kinabukasan, wala ulit akong pasok kaya naman napagdesisyunan kong mag-shopping na lang ng panibagong damit. It was therapeutic for me to shop alone. 


Nagtitingin ako ng damit sa isang designer brand nang makita kong pumasok si Amethyst doon na may dalang paper bags. 


Nagulat ako at napaatras ako lalo na noong nagtama ang tingin naming dalawa. Napaawang ang labi niya at agad umiwas ng tingin sa 'kin, ignoring my presence. Dumiretso siya sa kabilang side at nakikita kong palihim siyang sumusulyap sa 'kin. She looked tense with my presence. 


Aalis na sana ako nang makita kong may pumasok ding pamilyar na lalaki at dumiretso sa kanya. Napatitig ako sa kanila when I realized who it was. 


"What's taking you so long?" Rinig kong tanong ni Kalix. 


"Nothing. I don't like it here. Doon tayo sa Gucci." Mabilis siyang hinatak ni Amethyst paalis. 


Hindi ako nakaligtas sa tingin ni Kalix. Napahinto siya nang makitang naroon din ako. Agad niyang binawi ang palapulsuhan galing sa pagkahawak ni Amethyst sa kanya kaya napaawang ang labi ni Amethyst. 


"You can go first," sabi ni Kalix na hindi inaalis ang tingin sa 'kin. 


Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring may hinahanap kaya tinalikuran ko siya. I felt him beside me immediately. 


"You don't have work today, Architect?" He casually asked. 


"I wouldn't be here if I have," masungit na sagot ko.


Lumabas na 'ko sa store but he still stalked behind me. Pumasok ako sa panibagong clothing store at hindi na makapag-focus sa hinahanap. Parang kung ano-ano na lang ang tinitignan ko para lang makaiwas sa kanya. 


"Why the hell are you following me?" Inis na tanong ko habang hindi nakatingin sa kanya. Kanina pa siya sunod nang sunod. 


"I know now what you can do for me," he replied.


Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. Ang tagal niya ring pinag-isipan 'yon, ah? Ilang araw na.  Pinagdasal ko na rin na sana ay madali lang para sa 'kin ang ipapagawa niya. Kasalanan ko 'to dahil nangako ako nang ganoon. 


"Ganoon ba ka-importante at iniwan mo 'yung kasama mo?" Tumaas ang isang kilay ko. 


"We're with the guys." He shrugged. "Leo and Adonis." 


"I didn't ask you to explain." 


"I'm not explaining. I'm stating facts." 


Well, I don't give a fact!


Gusto ko sanang sabihin pero magmumukha akong immature. Iniwan ko siya roon at sinundan niya na naman ako na parang langaw. Nang lumiko na 'ko, hindi na siya sumunod sa 'kin. Napagod na ata. Nawala na lang siya bigla kaya umuwi na lang ako. 


Kinabukasan, late na 'kong nakapasok sa trabaho dahil dumaan ako ng site. Pagkapasok na pagkapasok ko sa office ko, napahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang makita si Kalix na nakaupo roon sa sofa at umiinom ng kape. 


Napatingin ako sa secretary ko na hinayaan lang makapasok ang lalaking 'to dito! Nagamitan siguro ng charms or something. 


"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya. I surveyed his look. White button-down like the basic. Nakaayos ang buhok niya at maluwag ang necktie. Casually pa siyang umiinom ng kape doon na parang office niya 'to. 


"The suit was dropped," pagbabalita niya. 


Hindi ko kaagad nakuha ang sinasabi niya pero na-realize ko rin na tungkol 'yon sa Cavite incident. Napangiti kaagad ako sa tuwa dahil maayos na 'yon! Sabi na nga ba't may mali sa reklamo. Hindi naman ganoon-ganoon lang ay magigiba ang bahay na 'yon. 


"Is that all?" Tanong ko at umupo sa swiveling chair ko. Tumango siya at tumayo na, dala-dala ang cup of coffee na wala nang laman. "Just leave it there," sabi ko. Ipapaligpit ko na lang 'yon. 


Paalis na sana siya nang maalala ko ang sinabi niya kahapon. Hawak niya pa lang ang doorknob ay nagsalita na 'ko. 


"Ano 'yung ipapagawa mo sa 'kin?" Tanong ko sa kanya. 


"Do you have work?" Tanong niya pabalik at sumulyap sa desk ko para tignan kung marami akong gagawin. 


"I always have work. Ask if I have a deadline."


"Do you?" His brow shot up. Today? Wala naman masyado kaya umiling ako. Tumango siya at tinaas ang susi ng kotse niya. "Let's go." 


Kumunot ang noo ko habang tinitignan 'yon. Iyon ba ang ipapagawa niya sa 'kin? Ano bang ibig sabihin noon? Nevertheless, I still stood up and brought my handbag with me. Sinundan ko siya palabas hanggang sa elevator. Malas lang na naroon din si Kierra at naabutan pa kami. 


"Saan punta, Architect?" Chismosang tanong niya sa 'kin habang nasa likod ko si Kalix. 


"Somewhere none of your business." Pinanlakihan ko siya ng mata para tigilan niya ang pang-aasar. 


"Tumatakas sa work, ha? Gusto ko 'yan." Kierra winked at me. "Sana all." 


Palihim ko siyang kinurot sa bewang para matahimik siya. Nararamdaman kong nakatingin sa amin si Kalix kaya umayos na 'ko ng tayo. Mabuti na lang at bumaba na rin si Kierra. Kami naman ni Kalix ay dumiretso sa SUV niya. 


"Saan tayo pupunta?" Tanong ko pagkasuot ng seatbelt. 


Hindi siya nagsalita at nag-drive na lang paalis. Napatingin ako sa bintana at binalik ulit ang tingin sa kanya. Bakit ayaw niyang sabihin?


"Is this a kidnap?!" singhal ko sa kanya. "Anong gagawin mo sa 'kin, ha? Ipapakulong kita, subukan mo lang."


Natawa siya sa sinabi ko at umiling. "You don't have proof beyond a reasonable doubt to prove that I am guilty," he replied.


Natahimik ako sa sinabi niya. Gusto ko siyang suntukin pero pinigilan ko na lang ang sarili ko at tumingin sa bintana. Hindi na nga ako magtatanong at baka kung ano ano na naman ang sabihin niya sa 'kin! 


Napabalik ang tingin ko sa kanya nang ma-realize na kung saan kami papunta. "Why are we going to Tagaytay?" Nakakunot ang noo ko. 


Hindi niya 'ko sinagot. Basta nag-drive lang siya nang nag-drive. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nag-chat sa group chat ng girls.


Luna: Kapag nawala ako for 24 hours, si Kalix ang may kasalanan. 


Nagreply naman sila kaagad.


Sam: Are you saying you're going to have good sex? 


Naitago ko kaagad ang cellphone ko dahil baka mabasa ni Kalix! Namula ang pisngi ko at binabaan ang brightness ng phone. Hindi ko naman sinasabing 'yon ang dahilan ng pagkawala ko! Bakit ba ganoon sila mag-isip?!


Sinilip ko ulit. This time, patago na. 


Yanna: Ang lala naman ng 24 hours totnakan. Sana all. 'Di n'yo kaya 'yon. 


Via: HUH SILA NA ULIT? GAANO AKO KATAGAL NAWALA 


Kierra: Puro ka sana all, Yanna, kapag ikaw tinotnak sa eroplano ewan ko na lang 


Yanna: Sure ka hindi pa? 


Sam: MA'AM THIS IS FLY ASIA AIRLINES- 


Napasapo ako sa noo ko at hindi na nireplyan ang mga 'yon. Puro kabastusan ang iniisip! Ako na lang ata ang naiiba sa kanila! Si Via ay nahahawa na rin. 


Hininto ni Kalix ang sasakyan sa tapat ng resthouse nila at bumaba. Tinanggal ko rin ang seatbelt ko at sumunod sa kanya. Tinitignan ko pa lang ang bahay ay marami na 'kong naaalala. Bakit ba dinala niya pa 'ko rito? Tumingala ako sa bahay para pagmasdan. Ganoon pa rin at walang pagbabago. 


"This is my favor." 


Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Sumandal siya sa sasakyan niya at pinagkrus ang braso sa dibdib habang nakatingin sa bahay.


"I'm hiring you to remodel the house."


Napaawang ang labi ko at hindi kaagad pumasok sa utak ko ang sinabi niya. Pinabalik-balik ko ang tingin ko sa kanya at sa bahay. 


"You... Want me to what?" Napakurap ako, gulat sa sinabi niya. 


"It was you who offered that, remember?" Tinignan niya 'ko. 


"But that was years ago!" 


Naalala kong sinabi ko ngang papagandahin namin ang bahay na 'to at i-hire niya 'ko kung sakali, pero hindi ko naman naisip na tototohanin niya. I actually wanted to buy this house, pero mukhang wala siyang balak ipagbili. Okay na siguro sa 'kin na mahawakan ko lang 'to saglit. 


"You said you'd do anything." He used that card now! 


Napasinghap ako at pinagmasdan ulit ang tahimik na bahay. Malakas ang hangin at inayos ko ang buhok ko para hindi matangay. Binalik ko ang tingin sa kanya at nahuli siyang nakatingin rin sa 'kin. 


"I know you're busy, the reason why you rejected Adi's offer but I can pay you double. Just take it," he added. 


The reason wasn't because I was busy, but because I didn't want to get any closer to him. 


I bit my lower lip while staring at the house, thinking if I should really do this. It meant that I would get closer to him. It will defeat the purpose of rejecting Adi's project. Can I really do it? 


"No need to pay double," I said. 


"What?" 


I gave him a small smile. "I'll do it." 

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro