Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

23


"Kailan mababalik ang sasakyan ko?"


Suplada pa rin ako at hindi man lang tumingin sa kanya nang magtanong ako. Tahimik lang din siyang nagdadrive gamit ang isang kamay at ang isa ay nakahawak sa gear habang nakatingin sa harapan. Traffic kasi kaya mukhang naiinip siya. 


"Tomorrow," maikling sagot niya at sinandal ang siko sa may bintana habang nakahawak sa ulo. 


Tumango ako at nanatiling tahimik. Ang awkward naman! Ngayon ko lang ulit siya nakasama sa iisang sasakyan. Kahit kailan, hindi ko naman inisip na mangyayari 'to. Akala ko nga pagkatapos ng break-up namin ay never na kami mag-uusap o magkikita man lang dahil ang layo ng field namin sa isa't-isa. 


Pero tignan mo kung nasaan ako ngayon. On the same car with him, sharing the same space at the same time! Napasulyap ako sa phone niya nang tumunog 'yon. Kitang kita ko ang caller I.D. kaya napaiwas kaagad ako ng tingin. 


'Atty. Alvarez' 


"Amy," bungad ni Kalix nang sagutin 'yon. 


I shifted uncomfortably on my seat. Ang tagal na pero naapektuhan pa rin ako tuwing naaalala ko ang cheating incident. Ang laki ng impact noon sa 'kin at nasa loob ko pa rin ang naiwang trauma na baka mangyari ulit kapag nagmahal ako ulit. Ang hirap isipin na parang hindi ako magiging enough for someone. Ever.


"Pauwi na," maikling sagot ni Kalix. 


Nakatingin lang ako sa harapan at pinagdasal na sana umusad ang traffic. Hindi naman dapat traffic dahil madaling araw na. Sinabi ko na rin kanina kung saan ako ibababa ni Kalix at hindi naman ganoon kalayo 'yon. Should I still pay for his gas money?


"You can't ask me about your client. You know we're enemies in court." Kalix shook his head a little. 


Magkalaban sila sa korte? Akala ko ay sa firm din nila nagtatrabaho si Amethyst. Well, akala ko nga rin si Adonis hindi roon nagtatrabaho pero tignan mo nga naman. Napagtanto kong wala pala talaga akong alam sa nangyayari sa paligid niya. Naririnig ko lang through news articles at sa mga taong nagkokonekta sa aming dalawa. 


"Good night," he said before ending the call. 


I waited for the 'I love you' but it didn't come. Nahiya siguro siya dahil may ibang kasama. Napairap ako. It was like he was cheating on her! Ano na lang magiging reaction ni Amethyst kapag nalamang kasama ng boyfriend niya ang ex niya sa iisang sasakyan? I would go nuts! 


"You should have told her that you're with me inside the car," I genuinely said. I just didn't want him to commit the same mistake. 


Kumunot ang noo niya at tumingin sa 'kin, nagtataka. Napabalik din kaagad ang mga mata niya sa harapan dahil umusad na nga ang traffic kaya mabilis na siyang nagpatakbo paalis. 


"Why is that?" He asked after a few seconds. 


"That's the problem. You don't understand why you should tell your girlfriend about the things she wants to know like being with your ex inside a car or being kissed by other women." I spoke to my experience. I could still remember what happened that day.


Natahimik siya sa sinabi ko at napakagat din ako sa labi ko para pigilan na ang sarili magsalita. Hindi ko naman inaasahan na lalabas 'yun sa bibig ko but I managed to say it casually, without a hint of bitterness. I was proud because of that. My intention was really pure. I didn't want him to repeat what he did to me. 


Hindi na siya nagsalita. It was like I picked such a sensitive topic for him. For us.


"Adonis wants to talk tomorrow," pagpapaalala niya sa 'kin pagkahinto niya sa lobby ng condo ko. 


"He sent me a text." Tinanggal ang seatbelt ko. "Thanks," maikling sabi ko bago bumaba. 


Pinag-isipan ko lahat bago matulog. Hindi ko alam kung kaya ko pang i-take ang project na pinapagawa ni Adonis. I hadn't signed the contract yet so pwede pa 'kong mag desisyon. I just had too much on my plate. I can refer him to other people. Huwag lang ako dahil alam kong lagi niyang irerequest ang presensya ng abogado ko and I didn't want Kalix and I to be that close again. 


Kinabukasan, naghanda na 'ko kung paano ko ipapaliwanag lahat sa kanya. Maaga pa lang ay nasa office na 'ko dahil sabi ko dito na lang kami mag-usap para madali. 


Surprisingly, maaga din si Adonis na naroon. Kausap niya si Kalix sa labas at parang seryoso ang topic nilang dalawa. Medyo nagtatalo pa dahil napansin kong nakakaasar ang ngiti ni Adonis. Kahit siguro ako ay maiinis. 


"Let's talk inside." Dumaan ako sa gilid nila at dire-diretsong pumasok sa office ko. Sumunod naman sila sa' kin. 


Sinenyasan ko sila na maupo sa harap ng desk ko. Kalix was looking around my office. It was his first time seeing it kaya naninibago siya sa designs and everything. May mga naka-display sa walls na mga miniature designs na gawa ko. Tinignan niya ang mga 'yon bago siya naupo. 


"I'll be straightforward. I can't take this project but I'll refer someone from my team to handle," tuloy-tuloy na sabi ko.


Napaawang ang labi ni Adonis. "Sayang naman! Bakit naman, Architect?" 


I can't say my reason about Kalix kaya nag-isip na lang ako ng iba. "Marami pa 'kong projects as of now. Wala akong time." It was true but not the sole reason. 


"Songs, bro." Siniko ni Adonis si Kalix. "Busy daw siya. Paano 'yun?" 


Kumunot ang noo ko sa kanilang dalawa. Iyon din ang reaksyon ni Kalix nang lingunin ang kaibigan na parang hindi alam ang sinasabi. 


Pinatawag ko ang irerefer ko kay Adonis. Si Kalix pa rin naman ang magiging abogado no'n dahil under pa rin ng kumpanya. Hinayaan ko na silang mag-usap sa labas para matahimik na 'ko rito. Napasapo ako sa noo ko nang mapagtanto ang ginawa ko. Sayang ang project! Saka ko lang din naalala na nag-iipon nga pala 'ko para sa bahay ko. 


Noong kinahapunan, bumaba ako ng office para pumunta sa Rizal. Titignan ko ang lupang plano nilang tayuan ng condominium. Nakatayo lang ako roon at nakasandal sa kotse na hiniram ko muna kay Kierra habang nakatingin sa lupain at nakatulala. 


Gusto kong sa Tagaytay magpagawa ng bahay pero malayo naman sa trabaho ko. Mayroon akong pinaplanong bilhin na lupa sa may Quezon City. Doon na lang siguro. Naisip ko ngang bilhin 'yung resthouse nila Kalix kaso masyadong maraming memories doon na balak ko nang kalimutan at mukhang wala naman siyang plano ibenta 'yon. Mas magkakaroon pa kami ng contact kapag ginawa ko 'yon. 


Hindi na rin ako nagtagal doon at bumalik na sa office para may baguhin sa mga designs na prinopose para akma doon sa lugar. Habang nagda-drawing ako ay may kumatok sa office ko kaya napaangat kaagad ang tingin ko. 


Binitawan ko ang lapis nang pumasok si Kalix doon. He was wearing an ash grey button-down long sleeves without his necktie. Nakabukas din ang tatlong butones at hawak niya ang coat niya sa isang kamay na parang aalis siya. 


"I'm going to Cavite," he informed me as soon as he walked inside. 


Tumaas ang kilay ko. "And so?" 


He smiled sarcastically. Nanatili pa rin akong nagtataka kung bakit kailangan niya 'kong i-inform. 


"Jowa mo ba 'ko at nagpapaalam ka?" I can't help but to blurt it out. 


Napapikit ako nang mariin nang matawa siya saglit sa sinabi ko pero hindi 'yun tawa dahil natatawa talaga siya. More like he was amused by what I just said. Nakakahiya. Bakit ko ba sinabi 'yon? I had this tendency to say everything that comes to my mind when I'm stressed. 


"No," he replied. "But you said you want to be updated with the case. I'm going to the site." 


Nahiya ako lalo nang maalala 'yon. Tinignan ko ang ginagawa ko at binalik ang tingin sa kanya. Ano bang uunahin ko? "Wait there. Tatapusin ko lang 'to," sambit ko.


Tumango naman siya at umupo doon sa sofa. Mali atang pinaghintay ko siya sa loob ng office ko dahil nadidistract ako sa patingin-tingin niya sa paligid. Hindi ko alam kung jinajudge niya 'ko o ano. Ano kayang iniisip niya sa mga display ko roon? 


Napepressure ako na may naghihintay sa 'kin kaya napabuntong-hininga na lang ako at binitawan ang lapis na hawak ko. Tumayo ako at kinuha ang bag ko para maghanda nang umalis. I was wearing a dark red fitted dress ending above my knees. Ang sleeves ay hanggang sa siko ko at may ruffles sa may balikat pababa sa dibdib. 


"Let's go," sabi ko sa kanya.


"Are you done?" Tumingin siya sa desk ko. 


"I said let's go. Huwag ka nang magtanong-tanong," pagsusungit ko rin sa kanya. 


Tumayo siya at kinuha ang coat niya. Dumiretso kami sa parking at balak ko pa sanang dalhin ang sasakyan ko kaso naalala kong nagpasundo lang ako kay Kierra kanina dahil wala pa ang sasakyan ko! 


Wala akong choice kung hindi sumakay sa dala niyang SUV. Iba na naman ang sasakyan niya. Marami naman siyang pera pero rinig ko kay Adonis na hindi pa siya nakakapagpatayo ng bahay. Sabagay, baka wala pa sa plano nila ni Amethyst. 


"Laki siguro ng kinikita mo." I can't help but to point it out pagkasakay ko sa shotgun seat. 


Hindi niya 'ko sinagot at nag-drive lang paalis. Snob. Tumahimik na lang din tuloy ako at hindi na nagsalita dahil baka mag-assume siya na gusto ko siyang kausapin kahit hindi naman. Ang awkward lang na tahimik kami pareho sa sasakyan. Hindi ako sanay nang ganito. 


"Did you eat your lunch?" He suddenly asked after the long silence.


Tumaas ang isang kilay ko at bumaling sa kanya. Anong pakialam niya kung kumakain ako o hindi? 


"Don't feel so full of yourself. Dadaan akong drive-thru. I'm asking if you want anything." He rolled his eyes when he realized the meaning behind my reaction. 


"Kumain na 'ko, thanks. I'll just have a drink." Umirap din ako. Siya ang assuming dito, e! Pasungitan kami, ha! 


Dumaan nga siya ng drive-thru dahil mukhang siya ang hindi pa nakakakain. He ordered a burger and drinks for the both of us. Float ang akin at sa kanya naman ay tubig lang. 


"Can you hold this for a minute?" Inabot niya sa 'kin ang paper bag at 'yung drinks habang may inaayos siya sa cup holder sa gitna ng upuan naming dalawa. 


Nang maayos niya na, nilagay ko na roon ang bottled water niya at nilabas sa paper bag ang burger. Inabot ko na sa kanya 'yon at kinuha niya naman sa isang kamay. Ang isang kamay ay nagdadrive kaya hindi pa niya mabuksan 'yung burger niya. 


Ako ang nahihirapan sa kanya kaya binaba ko muna ang float ko roon sa cup holder at kinuha sa kanya ang burger para ako na ang magbukas. He just let me do that. 


"Oh." Inabot ko na sa kanya ulit. 


"Thanks," maikling sabi niya. 


Tumahimik na kami ulit. Uminom lang ako sa float ko habang nagdadrive siya. Akala ko ay pagbubuksan ko pa siya ng tubig! Mabuti na lang at traffic sa dinaanan namin kaya nakakain siya nang maayos at nabuksan niya ang tubig niya dahil nakahinto. 


Nakarating din kami kaagad sa Cavite. Bumaba ako para tignan 'yung gumibang bahay. Hindi naman siya malaki. Maliit lang at dalawa ang palapag pero kita kong may mga crack. Kita ko mula sa bintana na sira ang kisame ng first floor at may mga bumagsak galing sa second. Napakunot ang noo ko. 


"What do you think?" Kalix was beside me, looking at the house. 


"This is weird." I tilted my head to the right side. "Anong statement nila?" 


"The owner fought with his wife and when they started throwing out things, the house ended up like this. During the last earthquake, they already noticed cracks on the walls and they're claiming a defect in the roof. May tumutulo raw during rainy season." He shrugged. 


"Pero sa ibang bahay wala?!" Inis na reklamo ko sa kanya. "Ikaw? What do you think?" 


"I think they just want money," he crossed his arms over his chest. "Nothing to worry about. We'll take care of it." 


"Nakausap mo na si Engineer Camero?" I asked curiously. 


Tumango siya at nagulat ako. Kailan sila nag-usap? Napansin niya ata ang itsura ko kaya nagsalita siya. "Not me. I asked someone from the team."


"Bakit hindi ikaw?" Curious na tanong ko ulit.


"Bakit ako?" He asked me back. 


Napanguso ako at hindi na nagsalita. Bakit hindi siya ang kumausap kay Sevi? May galit ba siya? Naniwala ba talaga siya na kami ni Sevi noon? I wondered. 


"Bumalik na tayo. May pupuntahan ka pa ba?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad pabalik sa sasakyan. 


"I need to get something from the firm," sabi niya habang nagtetext sa phone.


Hinayaan ko na lang siyang dumaan muna sa firm nila dahil sabi niya saglit lang naman daw 'yon. Sumakay kami sa elevator mula sa parking. Nakasandal lang ako sa pinakalikod at sa tabi ko ay si Kalix, nakatayo malayo sa 'kin at naroon sa kabilang dulo. 


Nagulat ako nang bumukas ang elevator at bumungad doon si Leo. 


"Oh." His mouth formed an 'o' when he saw me inside the elevator.


Nagpatay-malisya siya nang sumakay at gumilid para makita kaming dalawa. Nang tignan siya pabalik ni Kalix ay tumalikod siya sa amin at nagkunwaring abala sa binabasa kahit kita kong nakabaliktad naman 'yon. 


Mas lalo lang gumulo nang bumukas ang elevator at si Adonis naman ang bumungad sa 'min. 


"Hoy, bakit nandito ka?! Kalaban ka, ha!" Tinuro niya kaagad si Leo. 


Hindi niya kami napansin kaagad pero nang makasakay na siya, napalingon kaagad siya sa amin sa likuran habang nakakunot ang noo. Hinatak ni Leo ang sleeves ng coat ni Adonis para mabalik ang tingin sa harapan. 


"Ba't mo 'ko hinahatak, bro?" Mahinang tanong ni Adonis kay Leo. 


Napatingin ako kay Kalix na tahimik lang at nakatingin sa harapan, mukhang walang balak pagtuonan ng pansin ang mga kaibigan. Tumikhim siya nang lumingon ulit sa amin si Adonis kahit pinipigilan siya ni Leo. 


"Hi Architect!" Kumaway sa 'kin si Adonis. 


Napasapo ako sa noo ko dahil napunta sa 'kin ang atensyon. 


"Attorney Perez, huwag kang bastos at mag-hi ka kay Architect. Baka hindi mo na 'yan makita mamaya." Tumawa si Adonis. 


"Hi Architect!" Sumunod naman 'tong si Leo. Ngumiti lang ako sa kanya.


"Why are you here?" Tumaas ang kilay ni Kalix sa kaibigan. Hindi na niya napigilan ang sariling magsalita. 


"Oo nga, kalaban ka!" Ulit ni Adonis. "Doon kayo ni Amy sa dating firm. Noong umalis kami roon, hindi kayo sumunod tapos ngayon tatapak-tapak ka rito!" 


"Stop spitting dumb shit, bro." Umirap si Leo. "I'm here to congratulate you for losing your case." 


"Gago 'to, ah." Inambahan siya ng pabirong suntok ni Adonis. 


"Immature," bulong ni Kalix sa gilid kaya napalingon ang dalawa. 


"Palakpakan sa pagiging mature si Atty. Martinez na pinadala ako para i-check kung-" 


Hindi na natuloy ni Adonis ang sasabihin dahil bumukas na ang elevator at doon na siya bababa. Pati si Leo ay sumunod sa kanya. Tinuro ni Adonis ang mata niya at sunod na tinuro si Kalix bago sila nawala sa paningin ko. 


Pagkarating sa office ni Kalix, pinaupo niya muna ako sa sofa habang may hinahanap siya sa desk niya. Nang hindi niya makita, lumabas muna siya ng office. Pumasok naman ang secretary niya ata para bigyan ako ng kape. 


Ngumiti sa 'kin ang babae pero kitang kita kong pilit lang 'yon. Mabilis din naman siyang nawala sa paningin ko. Anong problema niya? Siguro may gusto rin 'to kay Kalix. 


Kinuha ko ang kape at tumayo para maiging tignan ang office niya. Lumapit ako sa mga naka-frame na certificates sa dingding. Wala man lang siyang ka-picture picture dito. May mga paintings lang pero walang bahid ng sarili niya. 


Tumingin ako sa bookshelf at hinayaang padausdusin ang daliri ko sa makakapal na libro. Namamatay na agad ako, iniisip ko pa lang na basahin ang mga 'to. Parang hindi ko kaya kaya bilib din ako kay Kalix na nakakaya niyang magbasa ng mga ganito. Ang lalalim pa ng words. 


Dahan-dahan akong lumapit sa desk ni Kalix para silipin 'yung ibang papel na nakalapag sa table niya. Black ang desk niya at may glass na cover sa taas. Tinignan ko kung may nakalagay sa ilalim ng glass pero wala ring kahit ano. I was expecting a picture of him, or his family, or Amethyst. 


Nilapit ko ang kape sa labi ko para sumimsim doon nang biglang bumukas ang pinto. Mabilis akong gumalaw kaya may natapon na kape sa kamay ko. Agad kong nabitawan 'yon nang mapaso ako at bumagsak ang mug sa mga papel na nasa table niya.


"Shit!" I panicked!


Kalix immediately walked towards me to check my hand. Hindi ko alam ang uunahin ko! Kung 'yung kamay ko ba, 'yung mga nabasang papeles niya, o 'yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko! 


"Shit, I'm sorry, I'm sorry," paulit-ulit na sabi ko nang sulyapan ang makakapal na documents na nalagyan na ng kape. 


"Are you okay?" He looked concerned. 


Kumuha siya ng tissue para punasan ang kamay ko. Inagaw ko sa kanya 'yon para ako na ang magpunas. Hindi naman ganoon kalala ang burn. Mas nag-aalala pa 'ko sa mga papeles niya! 


"Your papers," parang gusto kong maiyak. Doon lang napabaling ang atensyon niya sa desk niya. 


"Fuck," he whispered.


Suminghap siya at kumuha ng tissue para punasan ang lamesa. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya dahil seryoso lang siyang nakatingin doon at naglilinis. Napakagat ako sa daliri ko nang itaas niya ang folder at tumulo pa roon ang kape galing sa papel. 


He called his secretary to clean the desk. Nagmamadali naman pumasok ang babae. 


"Oh my god!" Nag-panic din ang secretary niya nang makita ang mga nabasang documents. "Anong nangyari, Attorney? These are months of work!" 


"I'll check if there are any other copies. For now, check and see if we could keep anything. Cancel my meetings for tomorrow. I'll visit some offices to request copies of the important documents, if we need it." Kalix looked so frustrated. 


Nagmamadaling niligpit ng babae lahat ng naapektuhan sa desk at lumabas. Hindi ko alam ang gagawin ko. I looked like a puppy waiting to be scolded. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko at hinintay lang siya sa sasabihin niya. 


But he didn't talk. Umupo lang siya sa swivel chair niya at napahawak sa ulo niya. I felt even worse because he was quiet. Mas gusto kong sigawan na lang niya 'ko para mabawasan ang galit na nararamdaman niya. 


"I... I'm sorry," I said in a small voice. I felt so guilty. 


Hindi siya sumagot at inangat ang telephone sa desk niya para may tawagan. I heard him asking for their paralegal. May iba pa siyang mga tinawagan at nagsosorry siya sa mga madedelay na meeting bukas dahil may aasikasuhin daw siya. 


Gusto ko na lang umiyak sa harapan niya dahil alam ko kung gaano nakaka-frustrate ang matapunan ang mahahalagang papeles mo. Ganyan din ang nararamdaman ko tuwing may nangyayari sa blueprint ko o kaya sa mga iniisketch ko sa office. 


"I asked someone to get you home," seryosong sabi niya habang binubuksan ang laptop. 


"It's okay. Magbobook na lang ako." Napakagat ako sa labi ko at kinuha ang bag ko sa sofa. Hindi niya 'ko pinansin at abala siya sa ginagawa niya sa laptop niya. "I'm really sorry," sabi ko bago ako umalis.


Halos hindi ako makatulog! Uminom pa 'ko ng gatas at nagbilang na ng ilang tupa bago pa 'ko nakatulog noong gabing 'yon. Kinabukasan, I just wore a white blouse and a pair of high-waisted skinny jeans. Bumisita muna ako sa site bago pumasok sa trabaho. Pinadala na ni Kalix kagabi ang kotse ko kaya may sasakyan na 'ko.


"Anong itsura 'yan, Luna?" Turo ni Sevi sa mukha ko nang makarating ako sa site. 


"Namomroblema ako. Natapunan ko ng kape mga documents ni Kalix." Napasabunot ako sa buhok ko. 


"Hala!" Napatakip si Sevi sa bibig niya. "Napakasama mo, Luna! Sinadya mo 'yun?!" 


Agad ko siyang hinampas ng blueprint. "Hindi ko sinasadya! Kahit anong galit ko, hindi ko gagawin 'yun, 'no! That's childish!" 


"Kawawa naman pala si Kalix. Siya pa ang nahihirapan. Lagot ka, pagbayaran mo 'yun. Mag-offer ka ng matutulong mo o ano," suggest niya.


Iyon nga ang ginawa ko. Pagdating ko sa building namin, dumiretso kaagad ako sa legal department pero papasok pa lang ako sa office niya ay nagmamadali na siyang umalis. 


"Attorney Martinez-"


"Not now," maikling sabi niya at nilagpasan ako. 


Agad ko siyang hinabol hanggang sa elevator. Habang naghihintay, may mga tinatawagan siya. Hindi ko alam kung paano ako makakasingit. 


"I'm sorry. Tell me how can I help-" 


"You can't," pagputol niya kaagad sa sinabi ko at pumasok sa elevator. 


Sumunod naman ako sa kanya kahit alam kong galit siya sa 'kin. Hindi ko naman talaga sinasadya 'yun pero baka tingin niya ay sinadya ko 'yun dahil sa galit ko. Nakita niya naman siguro na nagulat ako noong pumasok siya. Hindi ko alam. 


"I'm really sorry. Hindi ko sinasadya, promise," I tried to apologize again. He didn't talk. He was just texting. "I want to help. Can I help?" I asked again. 


"Just do your work, Architect Valeria," sambit niya at lumabas na ng elevator. 


Para akong tangang hinabol-habol pa siya palabas ng lobby. Naiinis ako sa sarili ko dahil bakit ba ang kulit ko?! Halata namang ayaw niya 'kong patulungin at galit siya. Naiinis din ako kasi hindi ko naman sinasadya pero naiintindihan ko na sa 'kin niya binabaling ang frustration niya. 


"Stop following me. Don't you have a job?" He raised a brow.


"I have! Pero nakokonsensya ako kaya sabihan mo 'ko kung ano bang pwede kong itulong sa 'yo!" I fired back. 


"You have conscience," he said meaningfully.


"So anong pinaparating mo?" Tumaas ang kilay ko. "Tingin mo ba sinasadya ko 'yun? Tingin mo gusto kong mangyari 'yun? Hey!" 


Naglalakad na siya paalis habang kinakausap ko siya kaya humarang ulit ako sa harapan niya. "Talk to me," I said. 


He stared at me with disbelief. The side of his lips rose and formed a sarcastic smile, like he remembered something. 


"Nagmamadali ako," he simply said and walked away. 


That left me with no choice. Bumalik na lang ako sa office ko at sinubukang tapusin ang designs para doon sa Rizal. I tried to distract myself with other work as well. Tanggap lang ako nang tanggap hanggang sa gumabi na at pumasok si Kierra sa office ko.


"Rise and shine," she joked. 


Napasapo ako sa noo ko dahil gusto ko siyang batuhin ng lapis dahil sa pagkanta niya. Tumingin ako sa bintana at madilim na sa labas. 


"Hindi ka pa uuwi? Tara, let's eat!" Aya niya sa 'kin.


Kapag nag-aaya si Kierra, alam kong hindi ako makakatanggi kaya hindi ko na rin pinahirapan ang sarili ko sa pakikipagtalo sa kanya. Tumayo na 'ko at kinuha ang gamit ko. Inaya na rin namin si Sevi na nakasalubong namin sa parking. 


Kumain kami sa isang Japanese restaurant sa BGC. Nakaupo sa tabi ko si Sevi at nasa tapat namin si Kierra na nagkekwento tungkol sa nakakausap niya. 


"E, 'yung lover boy mo? Ano na nangyari?" Tanong ni Sevi bigla kay Kierra. 


Natahimik si Kierra at masama siyang tinignan. "E, bakit ikaw, kumusta kayo ni Miss Cheerleader?" Tumaas ang kilay ni Kierra bilang balik. 


Muntik ko nang madura ang iniinom kong juice nang matawa ako. Pareho kaming tumawa ni Kierra habang nakatingin kay Sevi na pikon na kaagad. 


"Goals kayo, e, 'no? UAAP pa more." Malakas na tumawa si Kierra para mang-asar pa lalo. 


"Saya ka?" Pikon na ganti ni Sevi. 


Tumatawa lang ako dahil baka ako ang ma-hot seat bigla. Mabuti na lang at dumating na ang pagkain kaya natahimik silang dalawa. Kumakain kami ng ramen nang siniko ko si Sevi dahil may pumasok na matandang lalaking maraming bodyguards. 


Napalingon din si Kierra at agad tumingin sa 'kin sa gulat. 


"It's Miguel's dad," nagpapanic na sabi niya sa 'kin dahil baka nandito rin si Miguel. 


"Wala naman siya rito," sabi ko habang sumisilip.


"It's okay, Ke. Nakakulong naman na si Miguel," singit ni Sevi.


Sabay kaming napatingin sa kanya. Gulat ang mga mata namin dahil kahit kailan, wala kaming balitang nasagap tungkol doon. Ang sabi ko kasi ay iwasan ang mga balita tungkol kay Miguel. 


"Nakulong?" Nagtatakang tanong ko. 


"Ha? Matagal na, ah. Hindi n'yo alam?" Kumunot ang noo ni Sevi sa 'min. 


"Paano siya makukulong?" Nauutal na tanong ni Kierra. "Kalix was his lawyer, right?" 


"Hindi naman 'yun ang nabasa ko sa news," tanggi ni Sevi. 


Nagkatinginan kami ni Kierra. Parang sabay pa kaming kinuha ang phone namin para i-search ang balita doon dati. I searched about Miguel being convicted. Tama nga si Sevi! Nakakulong na siya sa kasong rape and was sentenced reclusion perpetua.


I opened news articles pero walang nakalagay doon kung sino ang lawyers involved in the case. I searched a bit more and dug deeply. I went to other websites as well. 


Napatakip ako sa bibig ko at tumingin kay Kierra nang mabasa ko kung sino nag nag-represent kay Miguel. 


"It was Amethyst," gulat na sabi ko sa kanya. 

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro