Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

22


"May naka-ready na 'kong contract dito, Architect!" 


Bibong nilabas ni Adonis ang isang folder at iaabot na sana sa 'kin nang niliko niya 'yon at kay Kalix inabot. Hindi ako makapagsalita sa gulat dahil hindi pa rin nag sisink-in sa 'kin na ako ang magdedesign ng bahay niya. 


"'Yung tungkol sa payment, nandiyan na rin. Huwag kang mag-alala, hindi kita tatakbuhan kahit representative lang ako rito! Proxy, ganoon. Pero para panatag ka, may kontrata tayo. O, Attorney, review mo 'yan, ah..." Parang nanggagago lang si Adonis. Nakangisi pa.


"May... design ka na bang naiisip?" Tanong ko. 


"Pag-usapan natin sa susunod na meeting natin. Tatanong ko pa si Dad." Nakangiti nang mapang-asar si Adonis buong usapan. Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang seryosohin sa itsura niya. 


"I'll review this one. I'll also give you a copy so you can check," sabi sa 'kin ni Kalix, hindi inaalis ang tingin kay Adonis. Para silang nag-uusap sa itsura nila. 


"Two copies na 'yan, bro," singit ni Adonis. "Ay, Attorney pala!" 


"I'll update you kung sino sa team ko ang ia-assign ko sa project na 'to..." Inayos ko ang gamit ko. "I can't always be present. May iba rin akong projects." 


"Diba, Attorney, magpapatayo ka rin ng bahay? Kailan 'yon?" Tanong bigla ni Adonis. 


Napatingin ako kay Kalix na tahimik lang at mukhang gustong batuhin ang kaibigan sa mukha. Tinaasan niya ng kilay si Adonis at napainom siya sa baso niya, umiiling. Hindi man lang sinagot. 


"Mauuna na 'ko. Mukhang you guys need to catch up." Tumayo ako at kinuha ang handbag ko. Ang sabi niya ay long time no see so I assumed that they didn't get in touch with one another. I will just let them have a conversation.  


"Huh? E, kakakita lang namin kagabi." Malakas na tumawa si Adonis.


What the hell... So para saan ang 'long time no see'? Napangiti na lang ako nang pilit at bago maglakad paalis, nakita kong hinampas ni Kalix ang folder sa ulo ng kaibigan at sumunod sa 'kin paalis. 


Huminto ako nang kuhanin na ng valet ang sasakyan ko. Ganoon din kay Kalix. Nanatili siya sa tabi ko at nakapamulsa. 


"Here." May inabot siyang document sa 'kin. 'Yung contract ata. 


Kinuha ko 'yon at hindi na sumagot. Dire-diretso lang akong sumakay sa kotse ko at nag-drive paalis. Nagpahinga na rin ako kaagad pauwi. Habang nakahiga sa kama, may naisip akong hindi ko alam na gagawin ko. 


I opened my Instagram and checked Kalix's profile. We never unfollowed each other. Nang tignan ko ang profile niya, wala nang posts doon ng kahit ano. Itim lang din ang profile picture niya. Para naman 'tong nagluluksa. Wala rin naman akong napala sa profile niya kaya natulog na lang din ako. Masyado siyang private na tao. 


Kinabukasan, iyon na naman ang naramdaman ko. Bumalik na naman ang stress sa 'kin pagkapasok ng building. Nagpatawag kaagad ako ng meeting ng mga in-assign ko para sa bahay ni Adonis. Dalawa lang 'yon para may proxy ako if ever wala ako. Ang sabi ni Adonis, ako na rin daw ang bahalang kumuha ng engineer na gagawa kaya kinailangan kong kausapin si Sevi. 


"Bakit ako? Marami akong projects ngayon. Ipapasa ko lang 'yan kay Engineer Lavin," reklamo kaagad ni Sevi sa 'kin pagkarating ko sa site. 


"Nakakainis naman, bakit ko ba tinanggap 'to?!" I feel like I added more to my plate. 


"Bakit naman hindi? Ronald, pakilagay 'yan doon sa baba. Nakakalat 'yan dito. Baka may maaksidente pa," utos ni Sevi roon sa napadaan na construction worker. 


"Sige na nga. Ikaw na ang bahala kumausap kay Engineer Lavin. Isesend ko rin sa 'yo 'yung contact ni Adonis tsaka ni Kalix." 


"Kasama si Kalix?" Nagtatakang tanong niya. 


"He needs to be there in every negotiation involving the company. That was what my mom said. Sumusunod lang ako kahit ayoko. Marami naman kasing ibang lawyer dyan, bakit siya pa? Nakakairita!" Pagrarant ko.


"O, puso mo." Umakto pa si Sevi na parang may nalaglag. 


Tinignan ko na ulit ang blueprint para punahin ulit si Sevi sa ginagawa niya. Madalas talaga kaming mag-away kapag bumibisita ako dahil minsan may binabago siya na hindi naman niya sinasabi sa 'kin at naiinis ako dahil doon. Ang sabi nila Architects and Engineers are best friends... Pero palagi kaming nag-aaway nitong si Sev! 


"Gaano kahirap sundin 'to, ha?" Turo ko sa blueprint. 


"Ikaw ang mag-engineer, Luna," pakikipagtalo ni Sevi. "Magkakaroon talaga ng changes kasi nag aadjust tayo." 


"Then inform me!" 


Nag-away pa kami saglit bago ko napagdesisyunang bumalik sa kumpanya dahil hinihingi 'yung design sa condominium sa Rizal. Ni hindi ko pa pala nachecheck 'yun kaya nagmamadali na 'ko nang bumalik. 


"Fuck!" 


Inis na sabi ko nang makabungguan ko pa si Kalix pagkalabas ko ng elevator. Pinulot ko ang blueprint na nabitawan ko sa sahig. Natapakan pa niya 'yon kaya hinampas ko ang sapatos niya para maalis.


"I'm sorry." Agad siyang umatras para mapulot ko ang blueprint na tinatapakan niya. 


"Harang," inis na bulong ko at umayos na ulit ng tayo. Maglalakad na sana ako paalis nang tawagin niya 'ko.


"Architect Valeria?" 


Inis akong lumingon sa kanya, ready to lash out sa kung ano man ang sasabihin niya sa 'kin. Parang inis ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Maybe because of his rudeness. He never treated me like a professional ever since he came to this company so even his mere presence can easily get into my nerves. 


"What?!" Tumingin ako sa relo ko. Late na 'ko. Hindi na 'ko interesado sa mga bagay na sasabihin niya. Pwede naman niyang sabihin mamaya kung hindi ako nagmamadali 'di ba? 


Tinuro niya ang ulo ko kaya napakunot ang noo ko. 


"You're still wearing your hard hat," he pointed out. 


Embarrassed, agad kong kinapa ang suot kong hard hat. Tinanggal ko rin kaagad 'yon at tinalikuran siya habang naglalakad papunta sa office ni Mommy, hiyang hiya. So all this time... naglakad akong may suot na hard hat? Gusto kong sumigaw sa kahihiyan pero huminga na lang ako nang malalim bago pumasok sa pintuan. 


"The designs?" Agad na tanong ni Mommy habang may sinusulat siya. 


Naglapag ako ng tatlong sketches sa kanya para makapili siya kung alin doon. 


"Do you have a digital copy? I'll discuss this with the board," sambit ni Mommy nang hindi pa rin tumitingin sa 'kin. 


"I'll ask my team about that." Binawi ko na ang mga papel na nilapag ko. "Mom, are you sure about our lawyer?" 


"Why? Is there any problem with Atty. Martinez, anak?" Tumaas ang kilay niya sa 'kin. "I don't see any problem with him and the employees like him. Pati ang board." 


"Mayroon! He's too rude! Hindi dapat siya ganoon! Can't you fire him because of his rudeness?!" Para akong tangang nagsusumbong. 


"Honey, he actually just did us a favor by accepting the job. The man is too busy to even accept a big job like this. Mabuti na lang at ex mo siya at may respeto pa rin siya sa 'min bilang magulang mo," mom casually said. 


"Masyado na pala siyang busy. Hahanap na lang ako ng ibang pwedeng mag-asikaso ng negotiation ko with my new client," I tried to get out of it.


My mother just laughed at me. "Funny because a suit just got filed against our company tungkol doon sa gumibang bahay sa Cavite. Kalix sure is too busy now so the least you can do is thank him for giving you a little bit of his time." 


"Gumiba?!" Gulat na sabi ko. 


"Don't worry, no one was hurt. We're still looking into it. Pangit daw ang materials na ginamit natin. Paano magigiba 'yun kung ang ibang bahay naman ay maayos ang kondisyon. Anyway, don't stress yourself too much. You're out of this," my mom said while signing some papers.


"I am in this! I was the architect of that house!" 


"Inaasikaso na ni Attorney Martinez, Architect Valeria. Huwag kang mag-alala. Besides, it's not just you. Pasan din ng engineers so just calm down and it will all be taken care of." 


Napapaisip pa rin tuloy ako nang bumalik ako sa office ko. Bandang huli, kinuha ko ang coat ko at sinuot saka ako bumaba sa legal department. Nagsitayuan na naman ang legal team nang makita ako, takot na takot ulit. Mukha silang mga mas bata sa akin. 


"G-good afternoon, Architect!" Bati noong junior guy last time. 


"Where's Atty. Martinez?" Diretsang tanong ko. 


"U-umalis po si Attorney dahil pinatawag sa law firm nila. Baka po mamaya pa 'yun bumalik o bukas," pagpapaliwanag niya.


"What's the address of the law firm?" Agad niyang binigay sa 'kin ang business card ni Kalix. Napataas ang kilay ko nang basahin 'yon.


Lex & Jace Law Firm. 


Matunog na matunog 'yon sa field nila kaya pamilyar sa 'kin. Medyo malayo mula sa company kaya dinala ko ang sasakyan ko papunta roon. Naghanap ako ng parking dahil mga employees lang nila ang pwede mag-park sa 3rd floor ng building. I found out na sa 2nd floor pala ang parking para sa mga visitors or clients. 


The building wasn't as tall as our company pero hindi rin siya maliit. Nag-elevator ako papunta sa ground floor so I can ask the lobby kung saan ang office ni Kalix. 


"Good day, Ma'am! How may I help you?" Salubong ng babae sa reception desk. 


"Is Atty. Martinez here?" Tanong ko kaagad.


"One moment, Ma'am." Ngumiti siya sa' kin. Sige, bigay ko na sa kanila ang pagiging super friendly and warm ng empleyado nila sa reception. Dapat lang na ganoon. 


Tumingin ako sa paligid. Maganda ang interior design ng lobby nila. Mararamdaman mo ang serious na aura rito pero for some reason, ang welcoming sa mata dahil hinaluan ng warm colors. Marami silang sofa doon at may mga empleyadong pabalik-balik sa labas na may dalang kape at mga papeles. 


How did he become so successful in just a few years? I mean, to be able to build a law firm like this one? It would take other people around 4-5 years. Ganoon ba talaga siya kagaling kumuha ng tiwala ng ibang tao? 


"Thank you for waiting, Ma'am. Atty. Martinez is currently in a meeting. Do you have an appointment? I can notify his office-" 


"Can I just wait here?" Turo ko sa sofa.


Mukhang nagdalawang-isip pa siya pero tumango naman siya. She made a few calls after asking for my name. Naghintay na nga ako sa lobby, umaasang bababa siya or something. I didn't even know how to call him. Through e-mail lang ang alam ko kaya 'yun ang ginamit ko. 


To: [email protected]

I'm in the lobby of your firm. We need to talk. 


I clicked send. I waited for a few minutes before I received a reply. 


From: [email protected]

Go home. I have clients. We'll talk tomorrow. 


Nainis kaagad ako sa tono niya kahit hindi dapat. Pakiramdam ko kasi ay hanggang e-mail, napakalamig ng pakikitungo niya sa 'kin. He could word it better next time, right? Kinalma ko pa rin ang sarili ko at nag-type ng reply. 


To: [email protected]

It's important. I can wait here. 


Hindi na siya nagreply pagkatapos noon. Bumili muna ako ng kape sa labas at bumalik para may magawa ako habang nakaupo sa sofa. Nag-phone na lang ako at nag-check ng emails habang naghihintay. Ilang oras na at nakailang nood na rin ako sa mga empleyadong pumapasok doon sa revolving door when I received another e-mail.


From: [email protected]

Go to the 15th floor. 


Tumayo ako at naglakad papuntang elevator. Gaya ng sabi niya, pinindot ko ang 15. Sa likod ko, may mga empleyadong nag uusap-usap tungkol sa isang criminal case. Hindi ko naman maintindihan 'yon kaya hindi ko pinansin. The terms brought back some memories of Kalix and I, noong mga panahong curious pa 'ko sa mga binabasa niya. 


Nakarating ako sa 15th floor. Mayroon ulit reception desk doon, mga sofa, at tatlong pintuan. Lahat sila ay may nakalagay na pangalan sa pinto. Doon ako napatingin sa pintuan ng office ni Kalix. Sa kanya ang pinakamalaki. 


Atty. Kalix Jace Martinez. 


I can't help but to feel proud of him. Kahit anong nangyari sa aming dalawa, alam ko sa sarili kong masaya ako para sa kanya dahil hindi niya pinabayaan ang pangarap niya. Our break-up put us in the right places. Iyon nga lang... He took a detour in order to reach his destination. 


Umupo ako sa sofa at naghintay doon. Napatingin ako sa pintuan ni Kalix nang bumukas 'yun at may lumabas na babae. Siguro nasa early twenties. A smile was plastered on her face habang inaayos niya ang dress niya. Napataas ang kilay ko sa pagtataka. 


Sumunod sa paglabas niya ay si Kalix. Hinaplos siya ng babae sa braso habang may pinag-uusapan silang nakakatawa o ano. Nang magpaalam ang babae, nalipat ang tingin ni Kalix sa 'kin. The smile on his face suddenly faded. He was now back to his serious and dark aura. Bakit? Ano na naman ba ang ginawa ko sa kaniya? 


Naglakad siya palapit sa 'kin kaya napatayo na rin ako. "What are you doing here?" Masungit na tanong niya. 


"I told you, we need to talk." 


Parang nainis siya sa sinabi ko. His jaw aggressively moved as he stared at me with dark eyes. What was bothering him, really? Why was he treating me like this? Hindi ba dapat siya ang ginaganito ko. Ayaw na ayaw niya sa presensya ko, ha? Maayos naman akong nakikipag-usap sa kanya. 


"You don't have an appointment. If you want to talk to me, you should have scheduled one. Don't feel too high. I won't cancel meetings for you," he replied in a cold voice. 


"Anong oras ba matatapos?" Kinalma ko ang sarili ko dahil ako ang may kailangan dito.


Tumingin siya sa relo niya. "I have another client coming up. I have work until midnight so just go home." 


"I can wait here." Tumingin ulit ako sa sofa. Hindi ako makakapagtrabaho nang maayos dahil sa gumibang bahay sa Cavite. I was so bothered by it knowing that I was the one who designed the house. 


Tumikhim siya at tumingala, obviously frustrated with me. Nagpakawala siya ng mabigat na buntong-hininga bago binalik ang tingin sa 'kin. 


"Go in. Just be quick." Sinenyasan niya 'kong sumunod sa kanya papasok ng office niya. 


Pagkapasok ko, tumingin kaagad ako sa paligid. Malaki nga ang office niya at mayroong malaking bookshelf na puno ng mga law books at folders. Mayroon din siyang small statue roon sa lamesa niya ng isang taong may hawak na justice scale. Marami siyang papeles sa table pero naka organize lahat. It was very much like him. Clean. 


Mayroon din siyang grey na sala set doon sa right side ng office at apat na upuan sa tapat ng lamesa niya. Sinenyasan niya 'kong umupo roon kaya 'yon ang ginawa ko. Umupo rin siya sa swivel chair niya at niluwagan ang necktie niya bago tumingin sa 'kin, naghihintay ng sasabihin ko. 


"Talk. Don't waste my time," supladong sabi niya.


"I heard about the Cavite incident," panimula ko.


His reaction did not change like he was already expecting the question. Tinapunan niya lang ako ng tingin bago niya binalik ang pagbabasa doon sa documents na hawak niya kanina. I didn't know if he was really paying attention or what. I felt so disrespected! 


"How was it? Paano nagiba 'yun? Sa materials ba na ginamit?" Sunod-sunod na tanong ko nang hindi siya magsalita. 


"My team and I are looking into it," maikling sagot niya.


"Can you give me a background about the case?" 


"The client was claiming a defect in the design and materials used. Before they can sue, they will need to provide sufficient evidence that the people involved in the project were negligent. They haven't provided any evidence yet. Their lawyer's already looking into it but don't worry, my team can handle it. I just need to talk to the contractor and the engineer in charge."


"How about me? Hindi ba dapat kasama ako riyan?" Nagtatakang tanong ko.


"You want to involve yourself?" Tumaas ang isang kilay niya. 


Nanahimik ako at hindi na nagsalita. Hindi ba 'ko kasali roon? Nag-alala naman ako kay Sevi dahil siya ang head engineer doon. Ibig sabihin, kailangan niyang harapin si Kalix. 


"Sevi was the engineer in charge," sambit ko sa kanya.


"I know. I didn't ask," he said without looking at me.


Nakausap niya na kaya? Mukhang hindi pa. Kung oo, panigurado akong ikekwento sa 'kin ni Sevi 'yon. Paano kaya sila mag-uusap dalawa? Hindi ko na problema 'yon kaya noong may kumatok sa pinto, tumayo na 'ko. 


"I want to be updated with the case." I was somehow involved in it kaya gusto kong malaman. 


"Attorney, kanina ka pa, hindi ka sumasagot, sino ba kasing kameeting m-" Napatingin kaming dalawa kay Adonis na kakapasok lang at may dalang mga documents. 


Napatigil din siya nang makitang ako ang kasama ni Kalix. Tinaasan siya ng kilay ni Kalix para magtanong kung bakit siya bigla-biglang pumapasok sa office niya. Ako naman, akala ko 'yon na ang kliyente niya. Bakit ba narito 'tong si Adonis?! 


"Sorry! Akala ko wala kang kausap! Hindi naman ako pinigilan ng receptionist mo!" Pagpapaliwanag niya. 


"What do you need?" Sumandal si Kalix na nakakrus ang braso sa dibdib.


"Papatulong lang ako sa kasong hawak ko. Sobrang mind-blowing, pre. Paano ka naka-survive sa crim law?!" Nagmamadaling lumapit si Adonis at naglapag ng documents. 


What the heck? Adonis worked here?! I mean, magka-trabaho sila?! Para talagang binibiro-biro lang nila 'kong dalawa! Noong nagkita kami sa restaurant ay parang matagal silang hindi nagkita tapos ganito pala. 


"Nakakatakot talaga kalaban ang politiko! Masaya nga lang kasi may thrill. Tulad noong sa anak ng Mayor dati, bro," pag-daldal ni Adonis.


Napakunot ang noo ko dahil pamilyar sa 'kin. Si Miguel ba ang pinag-uusapan nilang dalawa? Wala na 'kong balita roon at wala na ring balita si Kierra. Sabi ko kasi ay huwag na kaming makibalita dahil masasaktan lang kaming dalawa. I heard Kalix represented him in court. Nag-init na naman tuloy ang ulo ko. 


"Shut up, Adonis," mukhang napipikong sabi ni Kalix. 


"I'll be going now," paalam ko nang makaalis na. 


"Bye Architect!" Bibong bati ni Adonis. Bakit mas naging energetic siya ngayon? "Meeting tayo bukas, ah! Bring your lawyer! Haha!" 


Hindi ko na sila pinansin at dumiretso sa parking. Magkikita-kita raw kami nila Via. Via worked in Spain as an architect at ngayon lang siya makakauwi kaya naman may girls night out kami ngayon sa club. Sakto rin at walang lipad si Yanna ngayon. 


Umuwi muna ako para magpalit ng damit bago mag-club. I wore a short body-fit black dress at nagmake-up na rin para magmukhang maayos. Inipit ko na rin sa ponytail ang buhok ko para makita ang suot kong hikaw. 


"It's the great Samantha, coming through!" Ingay kaagad ni Sam ang narinig namin habang nakaupo kami sa V.I.P. couch. 


"Ang lakas ng kita ng club mo, ah," comment kaagad ni Via na may hawak na cocktail. 


Nilibot ko rin ang paningin ko. Nagbunga ata ang pagiging party girl ni Sam at may sarili na siyang club ngayon sa BGC. It was successful. Malaki ang club at mayroon pa siyang tatlong branches. Pinagsasabay niya 'yon sa pagiging model. 


"Sorry, late!" Dumating si Yanna na nakasuot ng black leather short skirt at maroon blouse na malalim ang hati sa dibdib. Nilapag niya ang handbag niya at agad kumuha ng baso saka nilagok 'yon. 


"Saan ka ba galing?! Tagal mo!" Reklamo ni Kierra. 


"Galing ako sa langit, bakit?!" Barumbadong sagot ni Yanna. 


Literal nga na galing siya sa langit dahil may lipad siya kanina. Hindi pa 'ko nakakasakay sa plane na siya ang flight attendant kaya pinaplano na namin 'yon nila Sam. Susurpresahin namin siya sa susunod. 


"Grabe, diyan lang kayo sa table? You guys are very Tita! Ikaw, Luna, humanap ka ng guy mo! Ikaw rin, Ke! Tatanda kayong dalaga niyan!" Comment naman nitong si Sam. 


"Ayoko. Hindi ako marunong lumandi," sagot ko at lumagok ng alak. 


"Yanna, pasok!" Tulak ni Via. 


"Hoy, ano ka ba! Pass na 'ko!" Umiling si Yanna at tumanggi. Napangisi si Sam habang nakatingin sa kaibigan niya. 


Nanatili akong nakaupo sa couch, inuubos ang Black Label. Mahina na talaga ako uminom ngayon at dapat pa cocktail-cocktail na lang pero kasi si Sam ay lapag nang lapag ng mga hard drinks. Wala akong choice kung hindi 'yun ang inumin. Hay, nagiging Tita na 'ko, ah. 


"Hey, oo nga pala, Luna! Did you see your ex? I saw him earlier. May celebration sila! May napanalo atang case or something." Hinampas ako ni Sam para makuha ang atensyon ko. 


Automatic na napalingon ako sa paligid. Hindi ko alam kung ginogoyo lang ako ni Sam pero hindi ko sila makita. Ayaw ko naman magmukhang kuryoso sa kung nasaan sila ngayon dahil baka asarin ako ng mga 'to kaya uminom na lang ulit ako at hindi siya pinansin. 


Tumayo ako para mag C.R. Nang mapadaan ako sa smoking area, nakita ko si Kalix na kasama si Adonis at isa pang lalaki habang nagyoyosi. Nagtagal ang tingin ko kay Kalix na may hawak na yosi sa daliri. Hindi pa rin 'yun nakasindi. Nilalaro-laro niya lang sa daliri niya.


Sa tagal kong nakatingin, napalingon si Kalix sa 'kin at nagtama ang tingin namin. He immediately looked away like he didn't care. Why would he care anyway?


The girls were already dancing when I went back so naiwan ako sa table. Umupo na lang ako sa couch at nag-order ng cocktail. Iyon na lang ang iinumin ko kaysa malasing pa 'ko at kung ano ang gawin ko. Hindi pa 'ko nalalasing nang sobra kaya natatakot ako ngayong mahina na 'ko. My alcohol tolerance wasn't the same anymore. 


"Architect! What's up! Long time no see!" 


Napatingin ako kay Adonis na umepal na naman at nakipag-apir pa sa 'kin. 'Yan na naman siya sa long time no see niya kahit kanina lang kami nagkita. 


"Papakilala ko nga pala sa 'yo 'yung friend ko, if okay lang." Ngumiti si Adonis sa 'kin. "Attorney! 'Lika rito!" Tinawag niya si Kalix na napadaan lang at mukhang walang kamalay-malay. 


Kalix raised his middle finger at his friend before walking inside the restroom. Tumawa si Adonis at naiwan ang mapang-asar na ngiti sa mukha. 


Kinuha ko ang bag ko at nagpaalam na lalabas na 'ko. Masyadong maingay sa loob at hindi ko na makita sila Kierra. Naglakad ako papuntang parking at sumandal sa kotse ko habang tinetext sila Sam na uuwi na pala ako. Baka malasing pa 'ko at hindi na makapagdrive pauwi. Tutal, sila lang naman ang nag-eenjoy. 


Habang nakasandal ako, napaangat ang tingin ko kay Kalix na naglalakad na rin papunta sa kotse niya. It was his Corvette. Katabi no'n ang kotse ko!


"Can you drive?" Malamig na tanong niya nang buksan ang pinto ng kotse niya. 


"Pakialam mo?" Parang naapektuhan na ng alak ang sistema ko. 


"Wala," he honestly answered before getting inside his car. 


Napairap ako at sumakay na rin sa kotse ko. Dali-dali kong pinaandar 'yun paalis ng parking dahil ayoko na mag-stay dito. I yelled inside my car when I heard a loud bump. Nanlaki kaagad ang mata ko at napakurap nang makita ang kotse ni Kalix sa harapan ko. 


"What the fuck?!" Sigaw ko nang makababa ako sa kotse ko. 


Galit na galit ako! Paano na 'to ngayon?! Mabuti na lang at hindi gaanong malakas ang pagkakabangga! Naglakad ako papunta sa kotse ni Kalix at malakas na kinatok ang bintana. Binuksan niya ang pinto at bumaba roon.


"Kita mong papaalis ako, aatras ka?!" Sigaw ko sa kanya. 


"I moved my car first," pakikipagtalo niya sa 'kin.


Tumikhim siya at tinignan ang bangga sa likod ng kotse niya at sa harapan ng kotse ko. Napasabunot ako sa sarili ko! Nakakainis naman! May galit ba siya sa 'kin, ha?! Sinasadya niya ba lahat ng 'to? What a way to end my day! Mas lalo lang ako na-stress! 


"Paano na 'yan ngayon, ha?!" I hissed at him.


Tinapunan niya lang ako ng tingin at nilabas ang cellphone niya. May mga tinawagan siyang mga tao para ayusin ang kotse naming dalawa. 


"I'll have our cars fixed. Leave it there," he said in a monotone while he was still calling someone. 


"E, paano ako makakauwi?!" Ayoko naman bumalik sa loob para magpasabay kila Kierra! Hindi ko na nga mahanap mga 'yun! Ang hirap pa naman mag-book ng Grab sa gabi at dito pa sa club! Pahirapan 'yon! 


Hindi niya 'ko sinagot pero umalis siya saglit. Nakita kong kausap niya si Adonis sa hindi kalayuan at inabot ang susi sa kanya. Pagkatapos, naglakad na siya pabalik sa pwesto ng kotse namin. 


"Let's go," masungit na sabi niya sa 'kin at nilagpasan ako.


"No," inis na sabi ko.


Lumingon siya sa 'kin at tinaasan ako ng kilay. Taas-noo kong binalik ang masamang tingin sa kanya, naghahamon na ngayon. Akala niya siya lang ang suplado?! 


"Then walk." 


Walang pakialam siyang pumasok sa sasakyan ni Adonis at inistart ang makina non. Pumikit ako nang mariin para pakalmahin ang sarili ko. Ang dami na niyang perwisyong binibigay sa 'kin simula noong dumating siya sa kumpanya. 


Pinaandar ni Kalix ang sasakyan at tuloy-tuloy na umalis, iniwan ako ritong nakatayo.


I was about to book a grab home when I heard a car approaching. Napaangat ang tingin ko nang makitang bumalik si Kalix at hininto ang sasakyan sa harapan ko. Tinaasan ko siya ng kilay nang buksan niya ang bintana.


"Don't be stubborn and get in," supladong sabi niya. 


"I am not stubborn. It's just against my moral principles," sarkastikong sabi ko. 


Kumunot ang noo niya sa 'kin. "Going home safely is against your moral principle?" 


"How can I be sure it's safe?" Ganti ko. 


"There goes the phrase..." He rolled his eyes and I raised a brow. Anong phrase? "Trust me. I'm a lawyer." 


Gusto kong matawa sa sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka akalain niyang magaan na ang pakikitungo ko sa kanya. Hindi pa rin! Hindi ko makakalimutan 'yung tungkol sa kaso ni Miguel! 


"I don't go against my moral principles, unlike someone," matalim ko siyang tinignan.


He licked his lower lip and tried to stifle a smile when he heard me. Hindi ko alam kung anong nakakatuwa sa sinabi ko! "Well, that someone deserves hell, then." He shrugged. 


"Not just hell. If there's somewhere worse than hell, he should belong there," malamig na sabi ko sa kanya. 


"Good thing I am not that someone you're talking about. Get in, Miss," ulit niya.


"It's Architect Valeria, asshole," padabog akong naglakad papunta sa shotgun seat at sumakay doon. 


A ridiculous smile was plastered on his face because of what I just said. "You call someone an asshole for doing you a favor?" 


"I didn't ask you for a favor. Ikaw ang nag offer." 


Nag-drive na siya paalis habang nakasimangot ako at nakakrus ang braso sa dibdib ko. Nakakaasar! How did I end up here on the same car as him?! 


"How about 'I want to be updated with the case'? That wasn't a favor?" Pakikipagtalo niya. Ano ba? Hindi ba talaga siya nauubusan ng sasabihin? 


"Asshole," I whispered again, napipikon na dahil walang masabi. 


"It's Atty. Martinez, not 'asshole', Architect Valeria."


I fucking hate him. 

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro