20
"Tapos na, magpahinga ka na, Luna."
Ngumiti ako kay Via habang inaayos ang gamit ko. Tapos na ang finals. At sa buong linggo na 'to, nasanay na 'kong hinihintay ako ni Kalix sa labas ng building namin. Kadalasan ay hindi ko siya pinapansin. Hindi pa 'ko handang kausapin siya. Masyado pang fresh sa 'kin lahat at masyado pa 'kong pagod sa nangyayari.
I was mourning over my grades, losing my achievements, and losing myself overall. Pakiramdam ko hindi ko na kaya ang isa pang problema.
Lumabas ako ng building at gaya ng inaasahan ko, lumapit sa 'kin si Kalix. Yesterday, he tried to give me a bouquet but I refused. This time, he was holding another one. Bumuntong-hininga ako at hindi ko siya pinansin. Sinundan niya 'ko hanggang sa makarating kami sa waiting shed sa may España. It was raining.
"Luna, let's just talk, please," pagmamakaawa niya.
Huminto ako sa paglalakad at pinagmasdan siya. Namumugto ang mata niya at mukhang kakagaling lang sa iyak. Mukha ring pagod na pagod na siya at hindi natutulog.
"Bakit ba nandito ka na naman? Wala ka bang klase?!" I snapped at him.
He pursed his lips and avoided my gaze. It looked like he wanted to say something but he was keeping it all in. Natatakot ako na baka nga tama ako sa hinala ko doon sa sinabi niya noong isang gabi na may nawawala na sa kanya.
"Finals week mo, 'di ba?" Pinagsingkitan ko siya ng mga mata.
"It's done," seryosong sabi niya sa 'kin.
"Kung tapos na, magpahinga ka na. Tapos na rin naman tayo, Kalix." Nilagpasan ko ulit siya.
Akala ko ay hahayaan na niya 'ko tulad ng dati pero hinawakan niya 'ko sa braso at hinarap sa kanya. Pagkaharap ko ay nakita ko nang tumutulo ang luha niya. I could tell how tired he was from all of this but he was still trying to persuade me.
"What do you mean we're done?" He bit his lower lip, not wanting to hear me repeat it.
"You're a cheater. You cheated on me with the girl you told me not to fucking worry about! Ano pang gusto mong eksplanasyon doon?! Hindi pa ba sapat 'yon, ha? Hindi ba 'yun totoo?"
"Yes," walang hiyang sagot niya at pinunasan ang luha niya.
"Malamang! Walang manlolokong aamin sa katarantaduhan niya kung hindi pa nahuli! Nakakapagod ka intindihin, Kalix!"
"You're not even trying to understand me..."
"Ano pang gusto mo?! Magpakatanga ako sa 'yo? Oo, mahal kita. Mahal pa rin kita pero ayokong magmukha akong tanga kakamahal sa lalaking niloko ako. Ako, mahal kita. Kahit kailan hindi ko naisipang lokohin ka kaya paano mo nagawa 'yun sa 'kin?" Napalunok ako para pigilan ang luha ko.
"I never cheated on you, Luna, please," he begged.
Umiling ako at sinubukang punasan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko pero paulit-ulit lang silang bumabagsak. Kalix looked so in pain. He looked like he was barely living.
"Please, Luna, don't leave me, please," he cried again.
Napaawang ang labi ko nang lumuhod siya sa harapan ko. Napatingin ako sa paligid dahil gumagawa siya ng eksena. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakayuko lang si Kalix at nakahawak ang isang kamay sa kamay ko.
"Tumayo ka riyan, Kalix," pamimilit ko. I felt really bad that he can resort to this. Bakit ganito na siya? Anong nangyayari sa kaniya?
Nang hindi siya tumayo, lumuhod na rin ako para magkatapat na kami. Hinawakan ko ang pisngi niya habang umiiyak ako sa harapan niya.
"Bukas tayo mag-uusap. Magpahinga ka muna," sambit ko.
Tumayo siya roon at tumango. I convinced him to go home first and take a rest. It was raining. Naglakad ako palayo sa kanya habang umuulan. Nang lingunin ko siya, nakatingin lang din siya sa 'kin at mukhang gusto akong habulin. Mukhang hindi na siya nakakatulog. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Nakahiga na ako sa kama at gabi na sa labas nang magtingin ako ng IG stories ng mga kaibigan ni Kalix. Nakita kong nasa bar sila ngayon at nag-iinuman. Kalix was there, too. Nakadukmo na lang siya sa lamesa at maraming bote ang nasa harapan niya. Ang isang kamay niya ay nakahawak pa sa isang bote ng beer.
Narinig ko sa video ang sinasabi nila Adonis.
"Tigilan mo na 'yan, pre..." Kinuha ni Adonis ang bote. Si Leo ang nagvivideo. "Tangina, tumayo ka nga dyan. Gabi-gabing ganito amputa, kami 'yung nalalasing din, e!"
"That's right, bro. Hindi na healthy," sabi ni Leo sa likod ng camera.
Hanggang doon lang 'yung video at wala nang iba. Napaupo ako sa kama nang mag-ring ang phone ko at naroon ang pangalan ni Kalix. Kadalasan ay hindi ko sinasagot pero ngayon, parang naramdaman kong kailangan ko na ngang sagutin.
"Hello?" Sagot ko.
[Luna, Adonis 'to. Kanina ka pa tinatawag ni Kalix dito, hindi raw siya uuwi hangga't wala ka. I mean, kaya naman namin siyang i-uwi. Kung gusto mo lang naman pumunta, Dapitan lang kami. Kung ayaw mo, okay lang din. May gusto lang akong sabihin sa 'yo.]
Napatingin ako sa suot ko. Nakapambahay na 'ko at handang handa na 'kong matulog. "I-uwi n'yo na lang siya," sabi ko.
[Sige, Luna. Salamat.]
Binaba ko na ang tawag at sinubukang matulog pero hindi ako hinahayaan ng isip ko. Parang hindi ako mapakali. Inis kong tinanggal ang kumot at dali-daling nagbihis habang tinatawagan si Adonis. Sakto ay hindi pa raw sila nakakaalis kaya humabol ako doon.
Pagkarating ko, nakita ko kaagad 'yung tatlo dahil sila na lang ang tao doon. Maraming bote ng alak sa lamesa nila at si Kalix, nakadukmo pa rin sa lamesa at parang wala nang malay.
"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko pagkalapit.
"He passed out..." Umiling si Leo. "Maraming nainom, e."
"Upo ka muna, Luna." Tinuro ni Adonis ang space sa tabi ni Kalix para magkatapat kami.
Umupo ako sa tabi ni Kalix. Seryoso silang dalawa at nagtitinginan na parang may pinag-uusapan silang hindi ko alam. Umirap si Adonis at lumagok sa beer niya. Pagkalapag niya ng bote sa lamesa ay bumuntong-hininga siya.
"Sinabi niya ba sa 'yo?" Tanong ni Adonis sa 'kin.
Umiling ako. "Anong sinabi?"
"She doesn't know?" Nagtatakang tanong ni Leo kay Adonis.
Pinabalik-balik ko ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila at mukhang ayaw nilang sabihin sa 'kin pero napilitan rin si Adonis.
"Ano 'yun?" Tanong ko ulit.
Bumuntong-hininga ulit si Adonis at tumingin sa 'kin.
"Kalix failed the sem."
Para akong sinampal sa narinig ko. Umawang ang labi ko at parang gusto kong magsalita pero wala akong masabi. Natulala ako sa lamesa habang sinusubukang i-saksak sa isipan ko ang sinabi ni Adonis. Hindi ko tanggap.
"Failed?" Nanginginig ang boses ko. "He won't... proceed to 4th year?"
Leo shrugged. "It's not your fault. It's his fault so don't assume we're guilt-tripping you."
But it was my fault. Kahit anong sabihin nila, pakiramdam ko ay kasalanan ko. Mas lalo akong namroblema. Pagkatapos ni Kierra, si Kalix naman? Sino pa ba ang malulubog sa kadiliman dahil sa 'kin?
"Gusto lang namin sabihin sa 'yo para alam mo. Ayaw atang ipasabi ni Kalix. Kaya siya ganiyan araw-araw..." Tinuro ni Adonis si Kalix na wala nang malay.
"May paraan pa naman, 'di ba?" I tried to find hope.
"Yeah, if only he would stop doing dumb shit like not taking our final exams to go and beg for you to come back to him." Leo shook his head.
Napatulala ako. Alam kaya nila ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Kalix? Mukhang wala silang alam at hindi rin sila nagtatanong. Pakiramdam ko ay hindi rin nag-oopen up sa kanila si Kalix tungkol sa amin katulad ko kila Sam.
"Salamat. Paki-uwi na lang siya sa kanila."
Hindi na naman ako nakatulog. Wala akong makausap tungkol dito dahil nasa hospital pa si Kierra at hindi naman alam nila Sam ang nangyayari sa 'kin. Bandang huli, tinawagan ko si Sevi at siya ang dumalo sa 'kin.
"Anong gagawin ko?" Iyak ako nang iyak sa kanya. Halos hindi na 'ko naka-kain ng dala niyang ice cream.
"Ano ba sa tingin mo ang tama?" Tanong pabalik ni Sevi sa 'kin.
"Gulong-gulo na 'ko..." Napasabunot ako sa buhok ko habang umiiyak. "Naguguluhan na 'ko. Napapagod na 'ko." Tinakpan ko ang mukha ko at umiyak ulit.
Hindi makatingin sa 'kin si Sevi habang umiiyak ako. Napapalunok na lang siya habang nakatingin sa malayo, mukhang pinipigilan ang sarili. Mukhang nasasaktan siya kapag naririnig akong umiiyak.
"Magpahinga ka muna kung napapagod ka," sambit ni Sevi. "Magpahinga muna kayo. Mukhang hindi na healthy 'to para sa inyong dalawa."
"Hindi niya 'ko titigilan." Pinunasan ko ang luha ko.
Tumikhim si Sevi at inabot sa 'kin ang ice cream, pinipilit na kumain ako pero masyadong masakit ang dibdib ko para kumain pa. Sobrang sakit ng nararamdaman ko para kay Kalix.
It wasn't about him cheating anymore... It was even more than that. It was him, doing the same as I did. Naisip ko ang nararamdaman ko noong panahong ako naman ang nawawala sa sarili. Hindi ko makita ang sarili kong pinagpapatuloy ang relasyon kung ganito si Kalix. He was also being not himself anymore. I wasn't healthy for him anymore. It had to stop or else we would end up ruining each other.
Natulog ako hanggang tanghali. Gumising lang ako para mag-kape habang hinihintay si Kalix dahil ang usapan namin ay magkikita kami ngayon dito.
Nang dumating siya, agad akong napatingin sa mukha niya. Namumula ang isa niyang pisngi at may sugat sa gilid ng labi, but he still gave me a small smile. Ngumiwi rin siya pagkatapos.
"Anong nangyari sa 'yo?" Tanong ko at tinuro ang pisngi niya.
"It's nothing..." Umiling siya at pumasok na sa unit ko.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa mukha niya. It was probably his family. Siguro ay nalaman na ang nangyayari sa kanya sa school kaya ganoon. Mas lalong sumakit ang dibdib ko. Parang hindi ko na kaya.
"I want to break up," diretsong sabi ko.
Napalingon kaagad siya sa 'kin at hindi na tinuloy ang balak na umupo sa sofa.
"I don't," pagmamatigas niya.
"I'm not asking for your permission," malamig na sabi ko. Bakit ba hindi na lang siya pumayag? Hindi ba niya nakikita ang sarili niya ngayon?
"Our relationship works with us two. You can't just decide on your own!" He looked so mad, frustrated, and in pain.
"Our relationship ended when you started kissing other women, asshole!"
Hindi ko na napigilang sigawan siya. Tuwing naaalala ko ang kababuyang ginawa niya, parang gusto ko siyang saktan paulit-ulit gamit ang mga salita ko. Idagdag mo pa ang paraan niya kung paano ako kuhanin pabalik. Hindi niya kailangan magmakaawa. He already forgot about self-respect.
"Ang kapal kapal ng mukha mo," I spat. "Hindi ko kailangan ng permiso mo para matigil ang relasyon natin. Kung gusto kitang hiwalayan, hihiwalayan kita!" I said everything that could hurt him so he can finally let me go but he was being stubborn about it.
He looked at me and shook his head. He avoided my gaze and he smiled sarcastically, like I said something ridiculous.
"You're always so harsh, Luna..." His eyes glinted with tears.
"At manloloko ka pa rin talaga, Kalix," I hissed. My chest was hurting so bad already. How I wished that he would just leave... Hindi ko na kayang saktan siya kahit siya ang unang nanakit sa akin.
Hindi siya nagsalita. His jaw moved aggressively like he was containing something inside him that he couldn't let out. Galit ang mga mata niya pero nahaluan iyon ng sakit. Hindi siya nagsalita at hinayaan lang ang mga luha na tumulo. Pinunasan niya 'yon pero hindi sila tumitigil.
"I thought you trust me," he whispered.
"Hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng kapal ng mukha, Kalix, para pag-usapan ang tiwala natin sa isa't isa." Nagagalit ako sa mga sinasabi niya. Hindi dapat sa kanya nanggagaling lahat ng 'yon. "We need to break up. It's not healthy anymore..." Sinubukan kong pigilan ang luha ko pero parang trinaydor ako ng sarili ko.
"No..." Umiling ulit siya.
"Kalix, please!" I broke down. Hindi ko na kaya. I felt so frustrated because he just couldn't let it go. What happened to his pride? Kaya niya ba talagang ibaba ang sarili niya para rito? He wasn't the Kalix that I knew anymore.
Napatakip ako sa mga mata ko para punasan ang mga luhang tuloy-tuloy lang sa pagtulo. Nakatingin pa rin siya sa malayo at hindi ako tinitignan habang lumuluha rin siya.
"I said no, Luna," pagmamatigas niya pa rin.
"Ako, gusto ko! Hindi mo 'ko pwedeng pilitin sa relasyong 'to. Ayoko na, Kalix, please..." Pagmamakaawa ko sa kanya. Umiling siya at yumuko habang nakaupo sa sofa. Nakita ko ang pagbagsak ng mga luha niya sa sahig.
"Bakit ang dali naman sa 'yo, Luna?"
Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Kahit kailan, hindi naging madali sa 'king pakawalan siya. Sobrang nasasaktan ako at nagpapatong-patong na lahat ng problema ko. Kailangan ko siyang pakawalan para bumalik siya sa sarili niya.
"Don't leave me, please..."
Umiling ako. "It's not healthy anymore."
"Bakit?" He was so confused.
"You failed your sem!" Pag-amin ko sa kanya tungkol sa nalaman ko.
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya dahil hindi niya inaasahang alam ko 'yung tungkol doon. Umawang ang labi niya at napalunok siya sabay iwas ng tingin.
"It's just a sem." I cried harder from what I heard from him.
"It's not just a sem! 'Yung pangarap mo, Kalix! 'Yung pangarap mo para sa sarili mo. Hindi ba sabi kong huwag mong hahayaan 'yun para sa 'kin?! Ano ba 'tong ginagawa mo?! Bakit ganoon? Ikaw na nga ang nanloko sa 'kin, bakit pakiramdam ko kasalanan ko pa ring napapariwara ka ngayon when you did this to yourself!"
"Hindi kita niloko-"
"E, ano?! Ano 'yun?! Huwag mong sasabihing hindi totoo 'yun dahil hindi na 'ko naniniwala sa 'yo. Ayoko na, Kalix."
"Don't leave me yet. I need someone right now."
Natahimik ako sa sinabi niya. Natahimik din siya habang umiiyak siya roon nang tahimik. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa problema niya pero ayokong mapahaba pa ang usapan naming dalawa.
"I told you don't lose your dream for me," I whispered.
"You are the dream, Luna.."
Napapagod na 'kong umiyak. Hindi dapat ako. Hindi dapat ganito. Nasasaktan ako lalo kapag nakikita ko siyang ganito. Kayang kaya niyang iwan lahat para sa 'kin pero paano niya 'ko nagawang lokohin? Paano niya nagagawa 'yun? Paano niya 'ko napapaniwalang mahal na mahal niya 'ko at kaya niyang gawin lahat para sa 'kin?
"Please, pakawalan mo na 'ko," I begged more.
"I can't-"
"May bago na 'ko. Hindi na kita mahal." I used my last card.
Doon napaangat ang tingin niya sa 'kin. Puno na ng sakit ang mga mata niya habang nakakunot ang noo niya, hindi naniniwala sa sinabi ko.
Parang saktong lumabas si Sevi mula sa kwarto ni Kierra na kakagising lang. Napabalik-balik ang tingin ni Kalix sa 'kin at kay Sevi. Hindi alam ni Sevi kung ano ang gagawin niya nang makita ang ayos namin.
"Luna, don't do this to me, please..." Kalix cried again.
Tumayo ako at lumapit kay Sevi. Hinawakan ko ang kamay niya at pinakita kay Kalix.
"Masaya na 'ko. Ayaw mo ba 'kong makitang masaya?" Para akong tinutusok sa dibdib sa bawat salitang binibitawan ko.
Niloko ka niya, Luna, kaya okay lang ang ganito. Puro kasinungalingan ang lumalabas sa bibig niya at pinaparamdam niya sa 'yong kasalanan mo kung bakit siya bumagsak. Lahat na iniisip ko para lang hindi ko bawiin lahat ng sinabi ko ngayon.
"Fuck." Kalix shook his head again, mukhang hindi kayang maniwala sa 'kin pero wala siyang choice. Nandito si Sevi sa condo ko.
Napalunok ako nang tumayo si Kalix. Akala ko ay susugurin niya si Sevi nang lumapit siya pero niyakap niya lang ako. Nagulat ako at hindi ko na siya niyakap pabalik.
"I love you so damn much. I can never cheat on you," he whispered before letting me go.
Nalipat ang tingin niya kay Sevi. Tinapik niya ito sa balikat at binigyan ito ng malungkot na ngiti bago siya naglakad paalis.
Nang makaalis si Kalix, napaluhod ako kaagad sa sahig at pinakawalan ko ang malakas na iyak na kanina ko pa pinipigilan. Halos hindi na 'ko makahinga at nakahawak na lang sa dibdib ko habang humihikbi.
It was a painful night, followed by his last message for me. Nang mabasa ko 'yon, mas lalo akong naiyak. Gabi-gabi na lang siguro akong masasaktan. After his last message, I convinced myself that I can move on from him, or that we can move on from each other because we were like a ticking bomb. It was only a matter of time before we could destroy each other.
kalixjm: Be happy. Take yourself to the moon. I will love you until then.
________________________________________________________________________________
.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro