19
"Please, please, Ma'am, I was sick yesterday, please!"
Hinabol-habol ko ang prof ko habang dala-dala ko ang pinapagawa niyang final project. Late akong magpapasa. Hindi ko alam na kahapon na pala ang deadline kaya minadali ko pero ngayon, ayaw niya nang tanggapin. Malaki ang magiging epekto noon sa grades ko pero inuna ko pa rin ang kay Kierra kesa sa 'kin. Akala ko ay pang mga early-passers lang na gusto ng plus grade ang kahapon kaya sa kanya ang pinasa ko hindi sa 'kin.
"Si Miss Kierra ay nakapagpasa kahit nasa hospital. What's your excuse?"
Kinagat ko ang ibaba ng labi ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na ako ang tumatapos ng mga ginagawa ni Kierra. Sinimulan na ni Ke ang mga 'yon noon at tinuloy ko na lang. May possibility kasi na mag-repeat siya kapag hindi pa siya nagising bago ang pasahan ng grades kaya sinusubukan ko siyang tulungan. Nakalimutan ko na pala ang sa akin.
"Kahit minus 10, Ma'am," pagmamakaawa ko ulit.
"Luna..." Humarap siya sa 'kin. "I'm gonna be frank. I don't know what's happening to you but I'm starting to dislike your recent works. If you don't do well in your finals, you will lose a spot in the Dean's list. You're one of our honor students. Don't lose it."
Kinuha niya ang project ko at sinabing may minus ako. Hindi ko lang alam kung gaano kalaki. Napaiyak na lang ako sa gazeebo habang pinoproblema lahat ng bagay. Ang dami daming nangyayari. Parang hindi ko na kayang pagsabay-sabayin lahat.
Kanina pa tumatawag si Kalix para kumustahin ako pero sabi ko ay may gagawin pa 'ko kaya hindi ulit kami magkikita. Pinunasan ko ang luha ko bago ko binisita si Kierra. Hindi pa rin siya gising. Malala ata ang tinama ng ulo niya sa lamesa.
Isa pa si Miguel. Hindi namin alam kung ano ba talaga ang nangyari kay Kierra dahil hindi rin siya nagsasalita tungkol doon. Kalong kalong siya ng ama niya na parang bata! Paulit-ulit dinedeny ng kampo nila ang nangyari at wala raw kaming ebidensya. Hindi pa ba ebidensya na nasa hospital si Kierra sa dami ng pasa niya? At 'yung ulo niya?
Nakaupo ako sa tabi ni Kierra at hawak ko ang kamay niya habang nakayuko ako at lumuluha. Ang dami kong iniisip. Ang dami pang gagawin pero nandito ako at umiiyak. Parang kahit pag-iyak ay nanghihinayang pa 'ko. Parang sayang sa oras.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas 'yon. Nakita ko si Kalix na sinasara na ulit ang pinto. Napaawang ang labi ko nang makita ko siya dito. Napatingin kaagad ako sa orasan dahil alam kong may klase pa siya.
"Bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong ko.
"Why are you crying?" Tanong niya pabalik at lumapit sa 'kin.
Gusto kong magsalita pero naiyak na lang ulit ako nang yakapin niya 'ko. Umiyak ako sa damit niya habang hinahaplos niya ang buhok ko. Nakaupo ako at nakatayo siya sa gilid ko. Nakayakap ako sa bewang niya habang umiiyak.
"Ang bigat bigat..." Humikbi ako.
"I love you," bulong niya rin. "If there's anything I could do, please tell me."
Umiling ako. "You have your own studies, Kalix. Hindi ko naman pwedeng ipasa ang projects ko sa 'yo. Hindi ka naman mahilig mag-design design."
"I can do that. I can ask someone to do that," pamimilit niya. "So you could rest."
"I want to do my own work, baby. Don't worry about me." Ngumiti ako sa kanya at pinunasan niya ang luha ko.
Nang dumating na si Via, napatingin kami kaagad ni Kalix sa kanya. Humiwalay na rin ako sa kanya dahil mukhang galit si Via sa 'kin at naghihintay na sigawan ako.
"Late kang nagpasa? May plano ka bang ibagsak ang mga major natin, Luna?" Galit na sabi niya. Napakunot ang noo ni Kalix sa narinig.
"Hindi naman. Nakalimutan ko lang ang deadline," kalmadong pagpapaliwanag ko.
"Hindi ka nag-take noong finals last time. Nakalimutan mo rin? Ha?"
Natahimik ako sa sinasabi niya. Naguguluhan na si Kalix sa nangyayari dahil hindi ko naman sinasabi sa kanya ang mga 'to. Ayoko lang na mag-alala siya. Kadalasan nale-late ako magpasa dahil sa sobrang dami kong iniisip ay wala akong mapiga sa creative juices ko. Wala akong makitang inspirasyon. Masyado akong distracted.
"Babawi naman ako, Via-"
"Kaunti na lang ay tanggal ka na raw sa DL!" Parang mas nagagalit pa siya kaysa sa 'kin.
"DL lang 'yun," pagpapaliwanag ko ulit.
"Hindi, e! Luna, hindi matutuwa si Kierra sa ginagawa mo kung gising lang siya ngayon! Unahin mo naman ang sarili mo! Kaya naman ni Ke humabol kung sakali!"
"Paano kung hindi na siya nakahabol?! Maiiwan siya sa 2nd year?!" Pakikipagtalo ko na.
"May summer! Pwede niya i-take 'yun! May paraan naman, Luna! Huwag mo naman 'tong gawin sa sarili mo, oh."
Natahimik ako at sumulyap kay Kalix. Nakatingin lang rin siya sa 'kin at parang gusto niyang magalit pero mas nangingibabaw ang pag-aalala niya sa 'kin. Ngumiti ako sa kanya at tumayo para sa labas kami mag-usap.
Nang makalabas kami ni Kalix, sumandal siya sa pader at nakatingin lang sa 'kin, hindi nagsasalita.
"Alam ko na ang sasabihin mo. Huwag kang mag-alala, babawi naman ako. 2nd year pa lang naman at kayang kaya ko pa grumaduate nang laude. Hindi rin naman ganoon kahalaga sa 'kin ang grades. May iba pang bagay na mas mahalaga-"
"You don't sound like yourself anymore." Natigilan ako sa sinabi niya.
"How do I sound like?" Tumaas ang isang kilay ko.
"I don't know. You're an achiever. You value your works so much and you put so much passion in it but right now you look like you're just.. surviving."
"At least I'm surviving, Kalix."
"Kierra will be fine. I can talk to my parents about her. I can talk to my dad's friends about her. They will take care of her so take care of yourself, too," kalmadong sabi niya sa 'kin.
"Paano ko aalagaan ang sarili ko kung pinabayaan ko nang ganoon ganoon lang si Ke?" Halos maiyak ako sa harapan niya pero pinigilan ko ang luha ko.
"It wasn't your fault, Luna."
"It was! Hindi ko siya kinukumusta, hindi kami masyadong nag-uusap. Palagi akong wala at kahit masama ang kutob ko sa Miguel na 'yon, hinayaan ko lang siya. Hindi ko nagawa ang parte ko, Kalix. Kaya nga bumabawi ako!"
"By doing her plates? By sacrificing yours? You think she would like that?" Tumaas ang kilay niya sa 'kin, parang magulang na pinagsasabihan ako.
"She doesn't deserve this." Tumulo na ang luha ko.
"You, too."
I felt like I was losing my mind. Siguro ito na 'yung matagal ko nang kinikimkim sa loob ko nang ilang araw. The guilt of not checking up on her. Alam kong may mali sa kaniya pero ilang beses ko iyong hindi pinansin at sinabing hihintayin ko na lang na siya ang mag sabi sa 'kin. Maybe she really wanted to talk about it and was just waiting for me to ask if she was okay.
Kung tinanong ko siya at nakinig ako sa mga problema niya, mapapayuhan ko siyang makipaghiwalay at mapipigilan ko pa 'to. Ilang beses siguro niyang inisip na humingi ng tulong sa 'kin pero iba ang inuuna ko at palaging hindi pinapansin. Pakiramdam ko ang sama kong tao. Ang laki ng pagkukulang ko sa kaniya.
Umiyak lang ako nang umiyak. Hinatid ako ni Kalix pauwi at gaya ng dati, tinulungan niya 'ko maglinis habang hinihintay niya 'kong matulog.
"Don't you have exams tomorrow?" Tanong ko habang inaantok.
Umiling siya sa 'kin. "It doesn't matter."
"Hindi ka mag-aaral?" Halos nakapikit na 'ko. Hindi siya sumagot at hinalikan niya lang ako sa noo. Nakatulog na rin ako kaagad.
Nagising ako sa tunog ng alarm ko. 4 AM na. Dali-dali akong tumayo at naghilamos para mag-aral pero laking gulat ko nang makita si Kalix na nakahiga sa sofa at natutulog. Sa isang kamay niya ay hawak niya ang librong binabasa niya tungkol sa law. Ang highlighter ay nasa sahig na.
Malinis na ang condo at ayos na ayos. Mayroon na ring nakahandang take-out breakfast sa lamesa. Hindi ko alam kung kailan siya lumabas para bumili noon.
Kinuha ko ang cellphone niya at ang highlighter na nasa sahig. Nahulog niya ata. Tinignan ko ang phone niya kung may basag ba o wala pero nang mabuksan ang screen ay nakita ko roon ang pangalan ni Amethyst na naka-ilang text na ata sa kanya.
Kumunot ang noo ko. Guilty akong tumingin kay Kalix na tulog. Masyado akong na-curious at binuksan ko ang phone niya gamit ang passcode para tignan ang text ni Amethyst.
From: Amy
Why didn't you take the finals today
From: Amy
Where the fuck are you going Kalix Jace
From: Amy
Your mom won't be so happy about this.
Napaawang ang labi ko at tumingin ulit kay Kalix. He didn't take his finals? Parang ayokong isipin na dahil 'yun sa 'kin, na dahil pinuntahan niya 'ko sa hospital kanina nang maramdaman na hindi ako okay.
Nag-scroll pa 'ko para basahin ang iba kung may malalaman pa 'ko sa mga pinag gagagawa niya sa school.
From: Amy
Are you home na?
From: Amy
I'm sorry I was drunk, KJ.
From: Amy
I thought hindi ka magseseryoso kay Luna?
From: Amy
Did you tell her about us? Answer my call.
From: Amy
I miss you, please. Kiss me again.
From: Amy
I miss us, Kalix.
From: Amy
Baby, I miss this.
Napakunot ang noo ko nang makita ang sinend niyang pictures. Nanginginig ang kamay ko nang binuksan ko 'yon. Sa background pa lang at sa mga taong kasama nila ay napagtanto kong nag-iinuman sila ng blockmates nila.
Halos mabagsak ko ang cellphone nang makita sa picture na magkahalikan sila. Namumula si Kalix at hawak ni Amethyst sa magkabila niyang kamay ang mukha ni Kalix habang nakahalik sa labi.
Pinatay ko ang phone at nilapag ulit sa lamesa, hindi alam ang gagawin. Para akong mababaliw na sa sobrang dami ng iniisip ko. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi magising si Kalix sa mga iyak ko habang ginagawa ko ang plates ko.
Araw-araw na lang ba akong iiyak habang ginagawa 'to? Napapagod na 'ko sa lahat ng nangyayari.
I was doing my plates while trying to wipe my tears with the back of my hand. Natutuluan pa ng luha ko ang illustration board. It was the worst feeling ever. Ang sakit at ang sikip ng dibdib ko.
Hindi pa nagigising si Kalix ay umalis na 'ko para pumasok sa school at magpasa. Alam kong ang pangit ng gawa ko pero wala akong pakialam dahil hanggang doon na lang ang kaya ko. Pagkatapos kong magpasa, umupo na lang ulit ako sa gazeebo at yumuko sa lamesa habang umiiyak.
My works didn't satisfy me anymore. Lahat ng requirements na pinasa ko ngayong finals, ni isa roon ay wala akong nagustuhan. I was an achiever and noticing that my works didn't make me happy anymore was the worst. I felt like the flame inside me was gone already. It was just all darkness and cold. Gusto ko nang makatakas sa kadiliman na 'to.
Noong kinahapunan, bumisita ako sa room ni Kierra. Napakunot ang noo ko nang makitang may mga bodyguard sa tapat ng pintuan niya at pinigilan pa ako noong isang pumasok.
"Bawal po, Ma'am," sambit niya sa 'kin.
"Tangina, pinsan ko 'yung nasa loob, bakit bawal?!" Nag-init kaagad ang ulo ko.
May kinausap sila sa earpiece nila at sumenyas na pwede na 'kong pumasok. Anong karapatan nilang pagbawalan ako? Hindi ko hinihingi ang permiso nila para bisitahin ang pinsan ko. Wala akong pakialam sa kanila!
Napahinto ako nang makitang naroon sa loob si Miguel. Nakaupo si Miguel sa tabi ni Kierra at nakahawak sa kamay nito habang umiiyak. Parang may pumitik na kung ano sa 'kin. Parang nagdilim ang paningin ko at gusto ko na lang siyang saktan.
"Anong ginagawa mo rito?!" Hinatak ko siya sa braso at agad na may dumalong bodyguard sa kanya.
"Luna-"
"Tangina, anong iniiyak-iyak mo?! Anong karapatan mong umiyak?!" Patuloy na pag-sigaw ko habang hawak ako sa dalawang braso ng bodyguards niya.
"Wala akong kasalanan dito-"
"Bullshit!" I spat. "Gago ka! Hayop ka! Paano mo nakakayanang saktan ang pinsan ko at hawakan ang kamay niya rito na parang wala kang ginawang masama?! Napaka-sahol n'yo! Walanghiya kayo!"
"Ma'am-" Hinatak ako ng bodyguard niya.
"Ano?! Kakasuhan n'yo 'ko?! E, 'di kasuhan n'yo 'ko! Tangina mo, Miguel! Hindi habang-buhay kaya kang protektahan ng tatay mo! Sinasabi ko sa 'yo, babagsak ka rin! Hayop ka!"
Wala na 'kong nagawa kundi umiyak nang tuluyan na nila 'kong hatakin palabas. Pinulot ko ang mga gamit ko at dire-diretsong umuwi. Pagod na pagod na 'ko sa araw na 'to, lalo na noong nakita ko si Kalix na naroon pa rin sa sofa at nakapagpalit na ng damit.
Tinapunan ko siya ng tingin bago ko binagsak ang bag ko sa sahig. Dire-diretso akong pumasok sa kwarto ko at isasara na sana ang pinto nang iharang niya ang kamay niya.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya.
Hindi ako sumagot at kumuha lang ng damit sa cabinet. Hinawakan niya ang braso ko para iharap ako sa kanya pero mabilis kong binawi sa kanya 'yun at sinampal siya.
Nagulat siya sa ginawa ko. Napagilid ang mukha niya at parang hindi siya nasaktan dahil mas nangingibabaw ang pagtataka at gulat niya sa pagsampal ko sa kanya. I was so mad. I was so mad at everything. Miguel, Kalix, myself. Hindi ko na alam kung kanino ko ibubunto lahat ng emosyong tinatago ko nang ilang araw.
"Fucking cheater!" Tumulo ang luha ko.
Mas lalong kumunot ang noo niya. "What are you saying?"
"Tangina n'yo talaga! Lahat kayo! Manloloko! Mga mandaraya!" Binato ko sa kanya ang damit na nakuha ko.
Hindi niya pinansin 'yun at sinubukang lumapit sa 'kin pero tinulak ko siya kaagad. Napaluhod na lang ako sa sahig habang umiiyak. I had a breakdown. Hindi niya alam ang gagawin sa 'kin at sinubukan akong akayin patayo pero paulit-ulit kong hinahampas ang kamay niya paalis.
"Fuck you! Fuck you!" Pinaghahampas ko siya. Sobrang bigat. Sobrang sikip sa dibdib. Pakiramdam ko hindi na 'ko makahinga.
"Luna, please, I don't understand," nagmamakaawa na rin siya sa 'kin.
Tumayo ako at pumunta sa living room para kuhanin ang cellphone niya roon. Nanginginig ang mga kamay ko nang ipakita sa kanya ang picture na sinend ni Amethyst. Nanlaki ang mga mata niya na parang hindi niya inaasahan na nalaman ko.
"I don't..." Hindi niya alam ang sasabihin niya.
Kinuha ko ang unan at binato sa kanya. "Napaka walanghiya n'yo!" Umiyak ako ulit nang umiyak. Sobrang sakit. Hindi lang dahil dito, pati sa ibang bagay, nasasaktan ako.
"Luna, baby, I-"
"Hayop ka! Cheater! You fucking cheater! Nandidiri ako s a'yo! Nandidiri ako sa inyo! Napaka-basura n'yo!" Patuloy na pag-sigaw ko. "Miguel, ikaw, pare-pareho lang kayong mga mandaraya!"
"Calm down, please..." His eyes started to water from tears.
Naguguluhan pa rin ang mga mata niya pero mas nakikita ko roon ang sakit na nararamdaman niya sa mga sinasabi ko. Wala akong pakialam. Nasasaktan din ako.
"Calm down?! Paano, Kalix?! Ha?!" Binato ko ulit siya ng unan. "Ang kapal ng mukha mong sabihan ako niyan! Tangina, nakikipaghalikan ka sa iba! Ano bang pagkukulang ko sa 'yo, ha?! Ano?!"
He tried to step towards me but he stopped himself when he saw me breaking down. Napahawak ako sa dibdib ko nang ibagsak ko ang sarili ko sa sofa. Nakayuko lang ako at umiiyak.
"Anong pagkukulang ko?" Nanginginig ang boses ko.
"Baby, I can never do that to you, please hear me out-"
"You already did!" Sigaw ko ulit.
Parang paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko. Gusto kong magwala. Parang ngayon ko lang naiyak lahat ng emosyon na nararamdaman ko these past few weeks. Ang sakit sakit ng lahat. Nakakapagod.
"Luna..." Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang dalawang palapulsuhan ko habang nakayuko ako at hindi na makapagsalita sa kakaiyak.
"Don't touch me!" Sinubukan kong bawiin pero hindi niya 'ko binitawan. "Huwag mo 'kong hawakan, nakakadiri ka!"
Pinilit kong bawiin ulit ang palapulsuhan ko kaya nagasgas 'yon sa singsing na suot niya. Napaawang ang labi niya nang makita ang sugat sa kaliwang palapulsuhan ko. Parang wala akong naramdamang sakit. Pinanood ko na lang ang kaunting dugo doon.
"I'm sorry..." Hindi alam ni Kalix ang gagawin niya. Napaatras siya at dali-daling kinuha ang panyo niya para punasan ang kaunting dugo doon pero tinulak ko siya kaagad.
"Tangina mo, mahal na mahal kita, e..." Napatakip ako sa mukha ko habang umiiyak.
Tinanggal ko ang takip sa mukha ko at nakita ko siyang nakaluhod pa rin sa harapan ko at tinitignan ang sugat ko habang tumutulo ang luha niya. His hands were shaking from wanting so bad to heal my wound.
"Mahal na mahal kita, bakit mo kailangan gawin sa 'kin 'to..." Halos hindi na 'ko makahinga.
"You know I would never do that-"
"You said you never lied to me!" Sigaw ko ulit. Naririndi na 'ko sa lahat ng sinasabi niya. "I trusted you! I trusted you so bad, Kalix... I trusted you..."
"I know, baby, please.." Umiiyak na rin siya.
"It was on Valentine's Day, right?! Nakikipaghalikan ka sa iba habang inuman tapos kikitain mo 'ko sa gabi?! Paano mo nagagawa 'yun?! Wala ka bang konsensya?! Sabi mo mahal mo 'ko! Tangina mo, sabi mo mahal mo 'ko, e." Humina ang boses ko.
"Mahal kita." Pain was so evident in his eyes.
He pursed his lips while letting the tears fall from his eyes down to his cheeks. He looked so in pain, I was almost fooled that he really was hurt. Paano niya ipapaliwanag 'yon? May litrato at kahit kailan, hindi man lang niya naisip na sabihin sa akin.
"Ilang beses kitang tinanong noon... Kung may gusto kang sabihin sa 'kin pero... Ang sabi mo lang ay mahal mo 'ko..." I cried more. I remembered asking him repeatedly that day... That day when they kissed because I saw him being bothered by something else. Was it guilt? "Bakit mo naman ako pinagmukhang tanga, Kalix..."
"I... didn't know what to say..." Umiiyak na rin siya ngayon.
"Leave me alone, please. Lumayas ka na sa harapan ko, parang awa mo na, ayaw kitang makita. Nandidiri ako sa 'yo." Umiwas ako ng tingin sa kanya.
Dahan-dahan siyang tumayo. Lalapit sana siya para halikan ako sa noo pero agad akong lumayo sa kanya. He gave me a sad smile before getting his phone and his keys.
"We'll talk tomorrow. I love you." He even had the audacity to say that.
Hindi ako sumagot. Nang makalabas na siya, agad ulit akong umiyak nang umiyak. Nakatulugan ko na ang pag-iyak ko habang kinekwestyon ang sarili ko kung saan ba 'ko nagkulang sa kanya? Binigay ko naman lahat sa kanya. Hindi pa rin ba 'yun sapat?
Gumising pa rin ako sa alarm ko kahit sobrang sakit ng mata ko kakaiyak kagabi. Mas lalo akong nag-cram. Pumasok ako para mag-exam kahit hindi pa 'ko ganoon ka-handa. Parang mababaliw na 'ko sa dami ng nangyayari sa 'kin.
Pagkatapos ko mag-exam, I saw Kalix in front of our building. He looked so confused, so hurt, and so lost. Nang makita niya 'ko, agad siyang lumapit sa 'kin pero dire-diretso lang akong naglalakad paalis. Hinabol niya 'ko.
"Luna, please, can we talk now?" Tanong niya sa 'kin.
I did bad on my exams. Gusto ko nang umiyak pero ayokong umiyak sa harapan niya. Mas lalong gulong gulo ang isipan ko dahil siguradong bagsak ako sa exam na 'yun.
"Ayokong makipag-usap," malamig na sabi ko at pinagpatuloy ang paglalakad.
Hinabol niya ulit ako at hinarangan ang dinadaanan ko. Matalim ko siyang tinignan.
"Kung hindi ka aalis sa harapan ko, gagawa ako ng eksena rito, Kalix," pananakot ko.
He bit his lower lip, trying so hard to stop himself from shedding tears. He slowly nodded and stepped on the side to give me space to walk. Narinig ko ang buntong-hininga niya habang naglalakad ako paalis.
Nang makalayo, lumingon ako sa kanya. He was still there, standing, nakatulala. Umiling ako at pinagpatuloy ang paglalakad papuntang hospital.
Kinabukasan, ganoon ulit ang nangyari. Nasa labas ulit si Kalix ng building at hinihintay ulit ako. Hinabol niya na naman ako pero nagmamadali ako dahil gising na daw si Kierra.
"Wag ngayon, Kalix," pagtaboy ko.
Tumango ulit siya at hinayaan ulit ako. Umupo siya doon sa gazeebo at doon siya yumuko habang sinisipa ang maliliit na bato doon. Hindi ko siya pinansin at dumiretso na sa hospital.
"Ke!" Halos maiyak ako nang makitang nakaupo na siya ngayon at kakatapos lang siyang i-check ng doktor niya.
"Luna..." Mukhang gulat siya sa itsura ko.
Gusto ko siyang yakapin pero baka masaktan siya kaya umupo na lang ako sa tabi niya. Nakita ko ang pagtitig niya sa 'kin na parang inaalam ang iniisip ko ngayon.
"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya.
"Sinong nasa hospital sa'ting dalawa?" I tried to joke.
"Hindi nga?" Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Okay ka lang ba? May problema ba?"
I bit my lower lip to stop myself from talking. I didn't want to stress her out kaya kinimkim ko na lang sa sarili ko lahat. Walang may alam sa nangyayari sa 'ming dalawa ni Kalix kundi ako lang. Hindi ko rin sinasabi kila Yanna dahil ayoko ng gulo. Gusto ko matahimik.
"Wala naman akong problema," sabi ko sa kanya.
"Kierra! Gising na siya!" Dumating na rin si Sevi at si Via. Umupo ako sa sofa habang pinapanood ko silang mag-usap-usap doon.
Tumayo ako at dahan-dahang umalis para hindi nila mapansin. Gusto kong umuwi at matulog. Laking gulat ko nang mapansing sinundan pala ako ni Sevi.
"Ice cream?" Nakangiting tanong niya sa 'kin.
Sasagot na sana ako ng hindi pero hinatak na niya 'ko palabas. Pumunta kami sa may plaza mayor para bumili ng ice cream. Nang inabot niya sa 'kin, umupo kami sa benches. Nakatingin lang kaming dalawa sa main building. Ang ganda ng langit ngayon.
"Anong problema?" Tanong niya kaagad.
Natahimik ako. Ayokong sabihin sa kanya. Ayokong siraan si Kalix. Mahal ko siya masyado.
"Wala na kami," iyon na lang ang sinabi ko.
Hindi siya nagsalita. Tumikhim lang siya at hindi na siya nagtanong kung bakit. Tahimik lang kami habang kumakain, halatang hinihintay niyang ako ang magsalita kung gusto ko.
"Ang sakit, Sevi," I smiled sadly.
"Kaya mo 'yan, Luna. Ikaw pa ba?" He tried to comfort me.
"Parang hindi nga, e. I think I'm losing my spot in the DL..." Napalingon siya sa 'kin dahil sa sinabi ko. "Huwag mo na lang sasabihin kila Kierra. Pasado naman ako pero baka hindi na raw ako makasama sa DL sabi ng prof ko. Baka kulangin ako ng .02... or more."
"Luna..." Hindi alam ni Sevi ang sasabihin niya.
"Alam ko. Huwag mo na 'kong pagalitan," tumawa ako at kinain ulit ang ice cream dahil tumutulo na 'yun sa kamay ko. Ang tagal ko palang nakatulala kanina.
"At least pasado, diba?" He cheered me up. "Kami sa engineering, tres lang okay na. Kaya mo pa 'yan mabawi. May next school year pa naman. Buti na lang wala kang bagsak."
"Mabait lang talaga mga prof. Alam nilang may problema ako kasi hindi naman ako ganoon gumawa ng plates. Baka inintindi na lang din nila 'ko. Ewan ko." I shrugged.
"Ang mahalaga, pasado!" Tumawa siya.
Kinabukasan, inaasahan ko nang nandoon si Kalix sa tapat ng building namin pero wala siya doon. Umuwi na lang ulit ako at sinubukang magpahinga. 1 AM na pero hindi pa rin ako nakakatulog.
Tumayo ako para uminom ng tubig pero nagulantang ako nang may kumatok. Nilapag ko ang baso sa lamesa at binuksan ang pinto. Natigilan ako nang isandal kaagad ni Kalix ang noo niya sa balikat ko. Naamoy ko kaagad ang alak sa kanya.
"Kalix..." Tinulak ko siya pero masyado siyang mabigat.
Tumigil ako sa pagtulak sa kanya nang marinig ko ang iyak niya sa balikat ko. Parang nag-init ang mga mata ko at nagbadya na rin ang mga luha sa' kin. Ngayon ko lang siya narinig na umiyak nang ganito. He was usually silent. Ngayon, naririnig ko ang hikbi niya.
"I'm sorry, Luna," he whispered on my neck.
Napalunok ako at hindi nagsalita. Kapag nagsalita ako ay tutulo na ang luha ko. Sorry para saan? Sorry dahil... niloko niya ;ko?
"Sorry for bothering you, I just..." Umayos siya ng tayo at tumalikod sa 'kin para punasan ang luha niya. Narinig ko ang sarkastiko niyang tawa at umiling-iling siya.
"I'm sorry, I think I'm breaking a promise..." Kinabahan ako sa sinabi niya.
"Anong nangyari?" Nagtatakang tanong ko.
"I'm losing it, Luna..." He gave me a sad smile.
Hindi ako nakapagsalita. Naguguluhan ako at gusto kong magtanong pero niyakap niya lang ako at binitawan na rin kaagad.
"Have a good night. I love you," he said before walking away.
________________________________________________________________________________
.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro