16
"Mukbang ba 'to? Ang dami! Kung naging YouTubers tayo, Kalix, kikita na tayo!"
Ang dami pa ring nilalapag ng waiter sa lamesa namin at puro seafood 'yon. Parang hindi na kami nagsasawa sa seafood. Minsan lang naman kasi. Kakatapos lang namin mag parasailing, banana boat, at 'yung iba pang sea sport activities kaninang umaga. Hindi namin nagawa lahat dahil nga gutom na talaga kami ngayon.
"Why? You don't like it?" Tanong niya habang inaayos 'yung utensils.
Umiling ako. Naglalaway na ata ako sa sobrang takam. Ako na ang nangunang manguha ng mga ulam. Parang ilang araw akong hindi kumain sa sobrang gutom ko. Nakakapagod naman kasi 'yung pinag gagagawa namin kanina. Doon sa parasailing, nalaman ko na walang katakot-takot si Kalix sa heights. Sa susunod, isasama ko siya sa mga amusement park dahil alam kong okay lang sa kanya sumakay sa mga rides.
Pagkatapos namin kumain, bumalik kami sa hotel para magpahinga. Dumiretso siya sa balcony para roon sa jacuzzi. Kahapon pa niya gustong mag-chill dyan sa jacuzzi na 'yan at mukhang hindi na siya makapaghintay. Tamang tama at naka-bikini pa rin ako sa loob ng cover-up ko kaya sumunod ako sa kanya roon.
Wala siyang suot pantaas at naka black board shorts lang. Ang dalawa niyang braso ay nakasandal doon sa jacuzzi. Hindi niya ata napansin na sumunod ako dahil nakatingala siya at nakapikit at halatang nagpapahinga.
"Pagod ka?" Tanong ko pagkaupo ko sa tapat niya.
Dumilat siya at tinaasan ako ng kilay. "No." Umiling siya. "It's good. My favorite part is when you fell from the banana boat."
Sumimangot ako at tinalsikan siya ng tubig gamit ang kamay ko. Nahulog kasi ako sa banana boat kanina dahil hinamon ko pa si kuyang nagpapaandar na bilisan niya ang pagpapatakbo para may thrill. Nahulog tuloy ako. Hindi man lang ako sinalba nitong si Kalix at tinawanan lang ako!
Sinasanggi 'yung tubig na hinahampas ko sa kanya pero parang kiliti lahat ng hampas ko at mas lalo lang lumakas ang tawa niya.
"May gusto ka pa bang gawin ngayon?" Tanong ko. Wala na kaming gagawin dahil bukas pa ang snorkeling namin.
He shrugged. "I just want to chill. Take a nap or something."
Tumango ako at lumapit sa kanya. Tumaas ang isang kilay niya nang mapansin na may binabalak ako. I just straddled his hips and fixed his hair on the style that I wanted. Hinayaan niya lang akong gawin 'yon, nakasandal pa rin ang braso.
"Marami ka pa atang gagawin pagbalik mo ng Manila? We can move our flight one day earlier. Wala naman na tayong masyadong gagawin dito," sambit ko.
Kagabi kasi noong nagising ako nang madaling araw, nakita ko siya na may ginagawa sa laptop niyang school paper. Kaya madaling araw niya ginagawa, e dahil ayaw niyang ipakita sa 'kin. Siya kasi ang nagsabing huwag gumawa ng acads stuff habang nasa bakasyon, e. Hindi naman ako magagalit kapag ginawa niya 'yon.
"Really? You won't get mad?" He asked.
Mabilis akong umiling. "Bakit naman ako magagalit? You should study. May gagawin rin naman ako, e."
I gave him a soft kiss before hugging him tightly. Hay, I wished we could just stay like this forever. Ganoon na nga, napasarap ata ang yakap ko sa kanya kaya nauwi na naman kami sa halikan. Hawak na niya 'ko sa bewang at sinusubukan kong sabayan kung paano siya humalik. Masyado nga lang siyang magaling at dominant.
His kisses went down from my lips to my neck. I bit my lower lip to stop myself from making an embarrassing sound when he started licking and sucking softly on my neck. Kinabahan kaagad ako at baka mag-iwan siya ng marka.
"Don't put..." Halos hindi na 'ko makapagsalita. He just laughed before kissing me again.
Simula kagabi, parang naadik na ata ako sa halik niya. Ganito pala ang feeling! Ngayon lang ako nahalikan ng ganito dahil 'yung mga ex ko naman ay hindi ganito. Mga chill lang. Sana pala ay in-inform ako ni Yanna na ganito pala 'yon.
I let out a shaking breath when I felt his hand brushing on the side of my boobs while kissing me. He immediately stopped after that and lightly pushed me away.
"Why?" Napanguso tuloy ako.
Tumawa siya. "Nothing."
"Anong nothing?" Nagtatakang tanong ko. "'Yun na 'yon?"
"Calm down, tigress," he chuckled.
E, 'di huwag! Sabagay, hindi pa rin naman ako ready. Naaappreciate ko na humihinto rin siya at inuunti-unti niya 'ko dahil parang ako 'yung nawawala sa sarili. Kung hindi siguro siya humihinto, oo lang ako nang oo na parang tanga. Baka madisgrasya ako! Chos.
We chilled for a little bit and then nag-shower na 'ko para umidlip. Noong kinagabihan, nag-order lang ulit kami at nanood ng Netflix sa laptop niya. Sa simpleng mga ganoon lang, masaya na 'ko dahil siya ang kasama ko.
"I don't get it, bakit hindi siya nakulong?" Tanong ko kay Kalix.
"They pointed another suspect," pagpapaliwanag niya sa 'kin. "And made it look like he did it."
"Pero nakaligtas 'yung totoong guilty? Tapos alam ng lawyer na guilty pero pinagmukha niyang hindi? Pwede ba 'yun? Hindi ba para sa hustisya dapat?" Ang dami kong tanong sa kanya.
He sighed. "It's their job. It's their duty to protect their clients," he tried to explain again but I just don't get it. Why?
"Pero protecting a criminal will just give him an opportunity to do more crimes, right?" I sounded so innocent. "Would you do that? Would you defend someone guilty of murder?" I asked.
"Alleged," he corrected. "Innocent until proven guilty, Luna."
"But you would know!"
"My opinion won't matter. That's why we have the court."
Sumimangot ako at ngumiti siya sa 'kin sabay ginulo ang buhok ko. He was so invested with criminal cases. Gustong gusto talaga niyang maging abogado. Hindi ko lang alam kung anong magiging ugali niya bilang lawyer. Magiging katulad kaya siya n'on? Tanggap ko naman pero ang hirap kasing isipin na pwede 'yon, na pinapabayaan 'yung ganon.
"They have the right to hire the services of a lawyer, even if you think they're demons. They have the right to be represented in court. Above all, criminal lawyers love a challenge. I understand your sentiment, but let's not talk about this. It's complicated."
Tumahimik na lang ako dahil nagri-right right na siya doon. Baka ma-recite na niya ang Miranda rights sa 'kin. "Would you want to become like that?" Tanong ko. Last na.
"I value my moral principles," iyon lang ang sinagot niya sa 'kin. Hindi siya um-oo, hindi rin siya humindi.
Humiga na lang ako sa sofa at kinuha ang phone ko. Tapos na kasi mapasa ang pictures galing sa camera kaya tinignan ko na ang mga 'yon. Kinilig ako nang makita ang pictures namin na nakatalikod at magkaholding-hands sa beach.
I posted my best bikini pictures on Instagram, then I posted our pictures together. I captioned, 'sabi ng mama ko, follow your dreams. #KaLu #supportLuKal #lixuna #itwontletudown'
Kinabukasan, gaya ng sabi ko, nag-snorkeling kami. First time ko kaya manghang mangha ako sa mga nakikita kong mga isda. Sabi ko ay mag scuba-diving din kami kaso kinakabahan siya para sa 'kin dahil hindi ako marunong.
Sa kasamaang palad ay closed ang scuba nila sa hindi malamang dahilan. Parang nagdiwang naman si Kalix at ako ang bigo. Wala na kaming ibang gagawin kaya naman namili na lang kami ng mga souvenirs at nag-take ulit ng iilang pictures.
"Ano kayang magandang pasalubong kay Sevi?" Tanong ko sa kanya.
"Peace of mind," he answered.
Hinampas ko siya sa walang kwenta niyang sagot. Habang nagtitingin ako ng mga shirt, napalingon ako sa kanya. Nakapatong ang braso niya roon sa rack ng mga damit habang hinihintay ako. Naka-beach polo at shorts siya, tapos shades. Mukhang turista talaga ang ganap niya ngayon, ah.
"Alam mo, hindi na kami nag-uusap ni Sevi. Last na kita ko nga sa kanya noong sa Dapitan na, e. Hindi na siya nagpapakita," nag-aalalang kwento ko sa kanya. "Tinanong ko lang naman kung may gusto siya sa 'kin. 'Yun 'yung huli naming usap."
Tumaas ang isa niyang kilay. "Ahuh, what did he say?"
"Tinawanan niya 'ko tas sabi niya ano raw ang pinagsasasabi ko! Mali ka naman pala, Kalix, e! Wala namang gusto sa 'kin 'yun! Nakakahiya tuloy! Kaya siguro hindi na 'ko kinakausap!"
"Whatever helps you sleep at night, Luna." He laughed at me again! Ano bang nakakatawa roon?! Nakakahiya naman talaga kay Sevi! Sila kasi, pinipilit na may gusto sa 'kin! Sketchy din ng mga sagot ni Kierra!
"Sabi ko naman sa kanya na parang kapatid lang ang turing ko sa kanya! Baka kasi isipin niya umaasa ako na may gusto siya sa 'kin kaya ako nagtanong, e!"
Doon siya mas lalong natawa na parang may ginawa akong mali! Umiling-iling pa siya kaya napairap ako. Ang saya saya niya naman. Mukha tuloy akong tanga. Pakiramdam ko may ginawa akong katangahan!
"Your words hurt, you know?" Sambit niya.
"Anong nakakasakit doon?! Totoo naman!" Pagtatanggol ko sa sarili ko. "Tsaka alam ni Sevi 'yon kaya nga hindi ako magugustuhan no'n kasi alam niyang nakakailang kung mangyayari 'yon. Imposible talaga 'yung mga iniisip n'yo."
"You should start being careful with your words, babe." He shook his head like he was disappointed in me.
Sa huli, binilhan ko na lang ng shirt si Sevi at keychain. Ganoon din kila Kierra pero iba ang design. Siya, walang masyadong binili. Hindi naman daw niya papasalubungan sila Adonis at hindi rin alam ng Mommy niya na nasa Boracay siya kasama ako kaya hindi niya rin mabilhan ng pasalubong.
Kinabukasan ay flight na namin. Maaga 'yon kaya antok na antok ako. Natulog na lang ako sa eroplano pero mabilis lang din ay nakalapag na kami. Hinatid niya 'ko sa condo pero umalis din siya dahil may gagawin pa nga siyang paper.
Pagkarating ko sa unit, wala pa si Kierra at nandoon pa siguro kila Mommy niya. Dumiretso ako pahiga sa sofa at binuksan ang Instagram para mag-chat sana kay Kalix nang makita kong may pinost siya.
10 pictures of me in one post. And it was his first post!
Nanlaki ang mata ko habang sina-swipe ang pictures. Lahat 'yon ay stolen. Ang pinaka-unang picture pa ay 'yung kumakain ako ng lobster at halatang gutom na gutom! Nawala ang poise ko! Hindi ko alam kung kikiligin ako o maiinis.
Puro mga picture ko 'yun na nakangiti, tumatawa, tulog, pero ang pinakamalala ay 'yung pang sampung picture. Iyon 'yung una kong tulog sa condo niya, noong lasing ako. Gulo gulo ang buhok ko at isang sapatos na lang nakasuot sa 'kin habang para akong patay doon.
kalixjm: L.
Iyon lang ang caption. Napaka-showbiz! Naappreciate ko naman na in-edit niya ang pictures, nilagyan ng adjustments or filters kaya nagmukhang maganda. Panira lang talaga 'yung dulo! Nakakainis! Minessage ko tuloy siya.
lunavaleria: alam mo minsan tangina ka ren e noh
Matagal bago siya nakapagreply. Nagdadrive pa kasi siguro pero pagkatapos ng ilang minuto, nag-online na rin siya kaagad.
kalixjm: Alam ko
Mas lalo akong nainis, grabe! Simula noong naging kami, mas madalas na niya 'kong iniinis! Parang nabaliktad na kami ngayon, ah! Pero nakakakilig pa rin naman na ako lang ang laman ng Instagram niya. Love niya 'ko. 'Yon ang mahalaga.
lunavaleria: okay na sana 'yung post kaso bakit naman ganoon 'yung last pic para naman akong susunduin na ni st. thomas
kalixjm: satan*
Natawa ako sa sobrang inis. Grabe! Talagang sinasabi niyang sa impyerno ako mapupunta kasama siya, e, 'no!
lunavaleria: pasmado bibig mo sir
Nakipag-away pa 'ko sa kanya bago siya nagpaalam dahil gagawin na niya ang papers niya. Ako rin ay may gagawin pang plates kaya sinimulan ko na rin 'yon. Pareho lang dapat kaming busy. Nakakatuwa lang dahil kapag may gagawin si Kalix, pakiramdam ko dapat sabayan ko siya kaya naman sinisipag din ako. Nakakahawa pala siya.
It was our routine for the next few weeks. Bibisitahin niya 'ko sa UST kapag may oras siya, at minsan ako sa kanya. Minsan din kapag weekend at walang gagawin, doon ako matutulog sa condo niya. It was all I ever wished for.
Finals week na ngayon kaya naman hindi na nga kami masyadong nakakapagkita ni Kalix. Busy siya at busy din ako pero nag-uusap pa rin naman kami through chat. Hindi namin nakakalimutan kumustahin ang isa't isa at minsan tinatawagan pa niya 'ko. Nakakagana marinig 'yung boses niya.
"Tapos mo na plates mo?" Tanong ni Via sa 'kin pagkapasok ko ng room.
"Hindi pa. Sobrang daming deadline, fuck. Nawawala na ata ako sa sarili ko." Naiistress akong umupo.
"Si Kierra?" Tanong niya sa 'kin.
"Ewan ko, wala na siya noong pagkagising ko, e. Oh, ayun na pala." Tumuro ako kay Kierra na kakapasok lang sa room.
Kumaway siya sa amin pero roon siya umupo sa may likod kahit hindi naman siya umuupo roon. Ni-reserve ko pa naman ang upuan sa tabi ko para sa kaniya. Nagtaka ako dahil nakita kong nakasuot siya ng jacket ngayon at medyo namumutla siya. Napakunot ang noo ko at lumapit sa kanya.
"Umuwi ka ba kagabi?" Nagtatakang tanong ko. Hindi ko naramdamang umuwi siya at pagkagising ko noong umaga ay wala rin siya.
"Oo naman," nakangiting sagot niya sa 'kin.
"Bakit hindi kita naabutan?" Sumingkit ang mga mata ko.
"Tulog ka na ata no'n?"
"Hindi ako natulog, Kierra," seryosong sabi ko.
Napaawang ang labi niya sa sinabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay dahil nahuli ko siyang nagsisinungaling. Kailan pa siya nag-sinungaling sa 'kin? Parang ako na lang ang nakatira sa condo dahil halos hindi na siya umuwi. Hindi ko alam kung ano bang pinag gagagawa niya. Nag-join ba siya ng sorority o ano? May kulto ba siya?
"Mamaya ka sa 'kin," sabi ko at bumalik na sa inuupuan ko dahil dumating na ang prof.
Lumabas ako ng room pagkatapos ng last subject. Gusto kong sumigaw dahil tapos na pero baka pagalitan naman ako ng mga tao sa hallway. Hinintay ko na lang si Kierra sa labas para makapag-usap kami.
Nang palabas siya, dire-diretso lang siya kaya hinatak ko siya sa braso para pigilan. Nagulat ako nang agad siyang ngumiwi at lumayo sa 'kin.
"Anong problema mo?" Inis na tanong ko.
"May bibilhin pa 'ko, Luna, sorry!" She smiled at me and ran away.
Naiwan ako roong nakatayo, nagtataka na sa inaakto niya ngayon. Naiinis ako pero nag-aalala rin ako para sa kaniya. Hindi naman siya madalas ganito. Nagulat at nasaktan din ako nang iniwas niya ang braso sa hawak ko na parang ayaw niya na sa 'kin.
Napabuntong-hininga ako at hindi ko na lang din siya hinabol. Dahil nga last day na ng exam, pwede na kami magkita ni Kalix kaya iyon ang ginawa ko para naman kumalma ako. Naunang matapos ang exams nila kaysa sa 'min. Last week pa ata ay bakasyon na nila at ako na lang ang hinihintay niya.
"Nakakainis, hindi ko alam kung bakit siya ganoon!" Reklamo ko kay Kalix habang nakahiga kami sa kumot na nakalatag sa sahig.
Nandito ulit kami sa resthouse nila sa Tagaytay, nakatingin sa langit. Kakaunti lang ang bituin ngayon pero maganda at maliwanag pa rin naman ang buwan na natatakpan ng kaunting ulap. Full moon pa.
"Maybe she needs space," Kalix tried to calm me down. "If she doesn't want to say it, don't force it out of her."
"But I'm worried! Alam kong may problema, e!" Sabi ko naman.
"I know, love, but don't force her."
Hindi na lang ako nagsalita. Baka nga tama siya. Hindi lang kasi ako sanay na may hindi sinasabi sa 'kin si Kierra. We were best friends and cousins! Sa magkakaibigan, kaming dalawa ang pinakaclose by heart and by blood! Lahat naman ay sinasabi namin sa isa't isa but these days, it just felt like she was so far away from me. Parang may distansya kaming dalawa. I was sure it wasn't about me getting into a relationship.
Or baka nga dahil doon kaya nawawalan ako ng time sa kanya? Kaya napapalayo siya sa 'kin? But I was trying my best to spend time with her! Siya nga itong palaging wala kaya bakit naman siya magagalit sa 'kin?
"Saan ka for Christmas vacation?" Tanong ko sa kanya. I was sure he was going to celebrate with his family.
"U.S.," maikling sagot niya.
"Hanggang January?" Nalungkot tuloy ako.
"Yeah, although my sister can't go. She has duty," sagot niya. "How about you?"
"My parents are planning to go to U.S. too but I'm not sure yet. Business lang naman ang pinupunta nila roon at tsaka 'yung iba naming relatives," pagpapaliwanag ko.
"Sumama ka na." He smiled like he was imagining things. "Let's meet there."
I haven't met his parents yet. Ganoon din siya sa 'kin kaya ang hirap humanap ng paraan kung paano ba kami magkikita roon. Gusto ko siya ipakilala kila Mommy pero wala silang time. Ako nga hindi ko sila nakikita, si Kalix pa kaya?! Baka sa U.S., pwede ko siya ipakilala.
Kinabukasan, bago mag Paskuhan ay nakatambay kami kila Sam. Ngayon na lang kami nagkita-kita ulit dahil nga may mga finals. Hindi kami kompleto ngayon dahil wala pa si Kierra. Papunta pa lang daw. Iyan na naman. Wala na naman siya.
"Bakit ba laging wala 'yung babaeng 'yon? Tropa pa ba 'yon?" Umirap si Yanna habang nakadapa doon sa kama.
"I think she has a boyfriend already kaya ganyan!" Pagsunod naman ni Sam.
"Sino naman? Wala naman kaming nakikitang kasama niya tsaka wala siyang kinekwento. Sa 'yo ba, Luna? May sinabi ba siya?" Tanong ni Via.
Umiling ako at nainis na naman dahil naalala ko. "Wala. Medyo distant na siya sa 'kin, e. Sinisigurado ko naman na may time ako kay Kierra kaso siya ang palaging wala sa condo kaya anong magagawa ko?"
"Nabalitaan mo ba, Luna? Hindi siya nakapagpasa noong plates." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Via. "Pero pinagbigyan siya ni prof. May minus nga lang dahil late."
Umiling ako dahil hindi ko alam na nangyari 'yon. Kailan pa siya na-late magpasa? Natapunan ba? Hindi naman siya clumsy, ah. Baka may dahilan nga. Magsasalita na sana ako nang marinig namin ang katok ni Kierra. Tumayo si Sam para buksan ang pinto.
"Sino 'to?" Rinig ko ang boses ni Sam sa pinto.
Nanlaki ang mata ko nang pumasok si Kierra na may dalang lalaki. What the fuck? Nagkatinginan kaming tatlo nila Yanna, nagtataka. Si Yanna, tinignan mula ulo hanggang paa 'yung lalaki at saka siya umirap, hindi ito nagustuhan.
"Sino 'yan?" Bulong sa 'kin ni Via.
"Miguel," bulong ko pabalik. Siya 'yon, 'di ba? 'Yung anak ng Mayor. "Lagi niya kausap 'yan sa call."
"Sorry, late ako! Uh, girls, si Miguel nga pala," pagpapakilala ni Kierra. "Boyfriend ko." Parang nahiya pa siya sabihin.
Boyfriend? Ano 'to? Biglaan na lang? Walang pasabi na mayroon na siyang boyfriend? Bakit naman wala akong kaalam-alam sa nangyari? Hindi ba normal na i-kwento niya lalo na kapag may magagandang nangyari sa kanila para malabas ang kilig niya? Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko.
"Kailan pa?" Masungit na tanong ko.
"Last two months pa." Napakamot si Kierra sa ulo niya, guilty na ngayon ang itsura.
Hindi na lang ako nagsalita dahil nandito pa 'yung lalaki. May respeto naman ako kahit hindi ko maintindihan ang nangyayari. Mabait na nag-alok si Sam ng kamay at inimbitahan si Miguel papasok. Pinaupo niya 'yon sa sofa sa kwarto kaya lumipat si Via sa kama, sa tabi ni Yanna. Ako, sa sahig ako nakaupo.
"Hello! Wow, sorry, nagulat lang kami! Diba, girls?" Pasimpleng kinurot ni Sam si Yanna para tumigil na kakasama ng tingin.
"Aray!" Sigaw ni Yanna. Nilipat ni Yanna ang tingin kay Miguel. "Oo, nakakagulat nga! Bigla-bigla na lang may magdadala ng lalaki rito!" At tinignan niya si Kierra.
Masama ang aura namin ni Yanna dahil ako, hindi ko maintindihan kung bakit hindi sinabi ni Kierra bago ipakilala sa iba at si Yanna naman, hindi lang talaga gusto 'yung lalaki. Si Via at Sam lang ata ang mabait na nakikipag-usap kay Miguel. Si Kierra, hindi alam kung paano aakto dahil nararamdaman niyang galit kami at naguguluhan sa kanya.
"Diba anak ka noong Mayor?" Tanong ni Via.
Tumango si Miguel na taga-Pol Sci. Nakakaawa na hindi mainit ang pagtanggap namin ni Yanna sa kanya pero nakangiti pa rin siya at mabait na nakikipag-usap kila Sam. Nang lumabas si Yanna ng kwarto para kumuha ng pagkain, sumunod ako sa kanya.
"Kausapin mo cousin-in-law mo roon," pang-aasar niya sa 'kin.
"Boba," umirap ako at uminom ng tubig.
"Saan galing 'yon? Tangina, bigla na lang lilitaw. Ano, tite sa boxers?" Walang prenong sabi niya.
Natahimik kami nang lumabas na sila Sam sa kwarto. Nakakahiya pala at binabackstab namin 'yung lalaki. Nagpapaalam na rin si Miguel kasi may pupuntahan pa raw na mga kaibigan. Dumaan lang daw siya dito para ihatid si Kierra.
"Bye!" Masayang sabi ni Yanna. Nang isara na ni Sam ang pinto, tumingin kaming lahat kay Kierra. Nandito pa kami sa kusina at parang na-hotseat siya bigla. "Ano 'yon?" Nanguna si Yanna magtanong.
"Boyfriend ko?" Medyo sarkastiko ang sagot ni Kierra kaya nagulat ako lalo. Bakit ganito siya?
"Two months na pero ngayon mo lang sinabi? Pati si Luna hindi alam?" Sabi naman ni Via. "Kaya ba lagi kang wala?"
"Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin," sabi ni Kierra. "Tsaka hindi naman tayo masyadong nagkikita."
"Hindi ka man lang nagsabi na magdadala ka ng lalaki rito?" Tumaas ang kilay ni Yanna. "Na boyfriend mo? Hindi ko siya gusto. Masama ang pakiramdam ko sa-"
"Yanna, wala akong sinasabi sa mga lalaki mo," pikon na sabi ni Kierra.
Nakita kong nagalit si Yanna roon at kaunti na lang ay sasabunutan na niya si Kierra kung hindi lang humarang si Via. "Tama na 'yan," sabi niya.
"Sana man lang hindi n'yo pinaramdam sa kanya na ayaw n'yo sa kanya. Kung galit kayo, sa 'kin kayo magalit. Wala namang ginagawa 'yung tao," galit na sabi ni Kierra.
"Hindi namin sinabing ayaw namin sa kanya. Ang sa amin lang naman, sana sinasabi mo, hindi 'yung gugulatin mo na lang kami bigla," mahinahong pagpapaliwanag ni Sam. "Come on, girls. Let's all calm down, please."
"Bakit? Bawal ba 'kong magka-lovelife? Bakit kayo pwede? Bakit kapag ako, parang ayaw n'yo?! Si Kalix hindi n'yo naman trinato nang ganito!"
"Huwag mong dalhin si Kalix dito," seryosong sabi ko.
"Alam n'yo ang ibig kong sabihin!"
"Wala naman kaming sinabing ganon! Ikaw lang 'yung butthurt dyan. Para kang bata." Umirap si Yanna.
"Ano ba kayo!" Pigil ni Via.
Umalis si Yanna at lumabas sa may balcony para magpalamig ng ulo. Sumunod naman si Sam sa kanya para samahan siya at pakalmahin din. Umiling ako kay Kierra. I didn't know what to say to her. I couldn't say that I liked the guy too. Masama rin ang pakiramdam ko sa kaniya tulad ni Yanna. Nabasa ata ni Kierra ang iniisip ko nang tignan ako kaya nag walk out.
Huminga ako nang malalim at naiyak na lang sa inis dahil sa nangyari. Umupo ako sa sofa at napasapo na lang sa noo ko habang minemessage si Kalix tungkol sa nangyari rito. Pagkalipas ng ilang minuto, kumatok na siya at pinagbuksan siya ni Via.
Dumiretso siya sa 'kin at inalo ako. "You okay?" He whispered.
Umiling ako. "Naiinis ako! Bakit ganoon bigla ugali no'n? Na-impluwensyahan na ata ng Miguel na 'yon!"
"Talk when you're calm." Sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya.
"Magpapaskuhan pa ba tayo?" Tanong ni Via na nakasandal doon sa pader, nag-iisip din. Alam ko at nababasa ko sa itsura niyang hindi niya rin gusto si Miguel dahil sa reputasyon no'n bilang anak ng Mayor.
Nagkibit-balikat ako. "Tanong mo sila Sam. Aattend kami ni Kalix."
"Are you sure?" Paninigurado ni Kalix sa 'kin pagkaalis ni Via.
Tumango ako at hindi na nagsalita. Pinunasan ko na lang ang luha ko at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili. Ngayon lang kami nag-away kaya hindi ko alam kung paano ko aayusin. Wala namang mangyayari kahit umiyak ako rito sa sobrang inis.
Bandang huli, um-attend pa rin kami nila Sam ng Paskuhan. Parang walang nangyari at sumasabay-sabay pa kami sa kanta at nagtatawanan. Nag-post ng IG story si Sam at kami lang din ang naka-tag dahil wala naman si Kierra sa video. Baka isipin niya pang bastos kami kapag tinag pa namin siya.
Noong countdown na ng fireworks, sigaw na kami nang sigaw para sabayan ang count. Siyempre, na-delay nang kaunti pero noong nagsimula na, namangha na 'ko. Nakayakap lang sa 'kin patalikod si Kalix habang nanonood kami ng fireworks.
"I love you," sabi ko pagkalingon ko sa kanya.
He kissed my forehead. "I love you."
"Sana all!" Sigaw ni Yanna sa 'min.
Pagkatapos ng paskuhan, wala kami sa mood uminom kaya umuwi na lang ako sa condo. Sinamahan ako ni Kalix at sinabing hihintayin niya hanggang sa makatulog ako. May flight na kasi siya bukas.
"Don't be sad," he tried to cheer me up.
Nakahiga ako sa kama at nakaharap sa kanya. "I'm not sad," tanggi ko.
"You're sad. I know you're sad." He pinched my cheeks. "But your feelings are valid."
"Thank you," I sighed. "I don't know what I would do without you... Am I going to lose you?" I cupped his cheek.
He gave me a small smile and shook his head a bit. "Am I going to lose you?" He asked me the same question.
"No..." Natawa ako. "Unless..?" Pagbibiro ko pa.
"I can never do anything that would result to me losing you."
Tumawa ako. "Corny. Huwag ka ngang mangako para hindi ako nagpapaniwala rito. Alam mo naman na may mga bagay na hindi naman natin mapipigilan mangyari, right? Baka mag-away din tayo. Tulad ngayon, hindi ko naman inexpect kahit kailan na dadating ang araw na mag-aaway away kami nila Kierra. Ngayon lang."
"You're still thinking of that," he pointed out.
"Ang hirap kasi! Huwag tayo mag-aaway, ha! Ayusin kaagad natin! Hindi 'yung ganito. Nakakabaliw mag-isip kung paano aayusin," naiistress na sabi ko.
Kumalma ako dahil sinusuklay niya ang buhok ko habang nakatalikod ako sa kanya. Inaantok tuloy ako. Patulog na sana ako kaso napabalikwas ako sa susunod niyang sinabi.
"My dad wants to meet you," sabi niya na parang kanina pa siya naghihintay na sabihin 'yon.
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro