Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

13


"O, hindi ka pumasok?" 


Bungad sa 'kin ni Kierra pagkauwi niya sa condo. Naabutan niya ako sa sofa na kumakain ng chocolates. Kanina pa ako nakarating umaga galing sa Ilocos pero hindi pa rin ako pumasok buong araw para magpahinga. 


Pumasok si Kierra sa kwarto niya para ilapag ang gamit niya habang ako naman ay sinasadyang hindi pansinin ang mga notifications sa phone ko. Kanina pa 'ko minemessage ni Kalix pero hindi ko siya sinasagot. Bakit ko sasagutin?! Manigas siya riyan. Friends lang naman kasi kami, e! 


Pinagkaabalahan ko na lang 'yung pagdedesign ng model ko buong araw at nag-aral ako para sa make-up quiz dahil nga hindi ako pumasok kanina. 


"Kanina pa 'yang phone mo, ah. Hindi mo sasagutin?" Pansin ni Kierra habang kumakain kami. Nakapatong kasi ang phone ko sa lamesa at hindi ko pa rin binubuksan 'yon.


Napabuntong-hininga ako at tinignan 'yung laman ng screen. Parang bumilis pintig ng puso ko sa binabasa ko. Nalungkot ako bigla dahil ang dami pala niyang message sa 'kin. 


kalixjm: Good morning. 


kalixjm: Are you home? 


kalixjm: Luna?


kalixjm: I'm here at your school.


kalixjm: Where are you?


kalixjm: I'll be waiting here. 


kalixjm: Are you okay? 


kalixjm: Hey, I'm getting worried. 


Napasapo ako sa noo ko at nag-type ng irereply. Ang sabi ko lang ay nakauwi na 'ko at okay lang ako. Sabi ko rin na umuwi na siya at pinatay ko na ulit ang phone ko. Nakakainis naman! Gustong gusto ko siya kausapin pero naiinis pa rin ako sa mga pinagsasasabi ni Amethyst. Ito ang mahirap kapag walang label! Hindi mo alam paniniwalaan mo dahil wala ka namang pinanghahawakan. 


Kinabukasan hanggang Friday ay hindi kami nagkita ni Kalix. Kapag sinasabi niyang pupunta siya, ang sasabihin ko may gagawin ako o may pupuntahan ako. Hindi ko na rin alam ang ginagawa ko at gusto ko na lang maiyak dahil miss ko na talaga siya. 


Hindi pa nakatulong 'yung nakikita ko sa IG stories nila Leo na gumagala sila kasama si Amethyst tapos palagi pa silang magkatabi. Ang hirap naman ng ganito! Gusto ko siya pero ayoko naman magpakatanga. Alam ko na 'yung mga ganyang tipo ng lalaki, e! Mga tipong igho-ghost ako kapag nagkamabutihan na sila ulit ng totoong gusto niya, ganoon. 


"May ipapasa pa 'ko next week, Sam!" Reklamo ko nang bumisita sa condo 'tong si Samantha at inaaya kaming lumabas. 


"Come on! It's Friday night!" Hinampas pa niya ang unan. "I want to get drunk!" 


"Mas marami ka pa atang alak kaysa tubig sa katawan," sabi ni Kierra habang naghahanap ng snacks. 


"Come on, Luna! Hindi ka ba broken? I heard you ghosted Kalix!" Tumawa si Sam.


Kumunot ang noo ko at mabilis na tinignan si Kierra na mukhang guilty ngayon sa pagchichika kay Sam tungkol sa amin ni Kalix. I mean, hindi na kami masyadong nag-uusap dahil hindi ako nagrereply pero dahil lang naman 'yun sa nangyari kay Amethyst! Hindi ko siya ghinost! 


"Come on, alam ko kung nasaan sila Kalix ngayon." gumisi si Sam sa 'kin. "Let's go, Luna! Bar lang naman ang pupuntahan natin, hindi nightclub! Chillnuman lang!" 


"Saan ba 'yan?" Tanong ni Kierra. 


"Sa Versus! You guys know that, right? 'Yung inuman na may arcade games? Para pwedeng uminom habang naglalaro ng games?" 


Bandang huli, napilit rin nila ako. Si Via lang ang hindi nakasama dahil may gagawin pa siya. Si Yanna naman, oo kaagad kaya sinundo namin siya sa Morayta. Si Sam ang nagdala ng kotse at nag-drive papuntang BGC. Kinakabahan ako dahil sabi niya naroon daw sila Kalix ngayon. 


Paano ko siya haharapin? Hindi ba awkward? Nagui-guilty ako dahil hindi ko siya pinapansin pero parang wala naman siyang pakialam dahil si Kalix siya. Marami pang babae diyan na may gusto sa kaniya. Mga better pa sa 'kin. Sooner or later, pagsasawaan niya rin mga kalandian ko. Napabuntong-hininga na lang ako sa iniisip. 


Naka-suot lang ako ng high-waisted maong shorts, white sneakers, at fitted off-shoulders na pastel pink. Pagkarating namin doon, tama nga ako. Nandoon nga sila Kalix. Lumipad kaagad ang tingin ko sa kanila dahil naroon sila sa may couch. Itong punyemas na Sam, doon pa pumwesto sa tabi ng couch nila Kalix! Nakakainis! 


Si Sam ang hinayaan namin mag-order pagkaupo. Nag-order siya ng Bacardi, Rose Tequila, Jager, tapos Hennessy. Tig-iisang cocktail na rin kami at magkakaiba pa para raw matikman ni Sam. 


Hindi kami nagpapansinan ni Kalix. Alam kong alam niya na narito ako kasi tinignan niya 'ko kanina pero hindi niya rin ako pinansin. Ngayon, naglalaro na sila ni Leo ng street fighter doon. May kasama pa silang ibang tropa at puro sila lalaki. Walang quartz. 


"Wala kang type dito?" Tanong ni Sam kay Yanna na umiinom ng Bacardi. 


"Pass ako, sismars." Nilagok ni Yanna ang cocktail niya pagkatapos. 


"Oh my god, so totoo na nga?!" Sinabunutan ni Sam si Yanna kaya muntik na niyang madura 'yung iniinom. Nagulat din ako sa usapan nila, ah. Si Yanna? Nag-pass? 


"Tanga ka talaga, Samantha!" Inirapan siya ni Yanna. "Ako?! Magpapatali?! Asa ka!" 


Napailing na lang ako sa kanila. Kami lang tatlo ang naiwan dito dahil si Kierra ay naglalaro doon ng Spiderman. Pagkaubos ng cocktail, naubos na rin 'yung Bacardi. Nag-beer muna ako para makapagpahinga.


Kung kami ni Kierra ang pinaka-close sa grupo, si Sam naman at si Yanna rin. Si Via ang neutral sa aming lima dahil kailangan talaga ng neutral para ma-balance kami, ganoon. May iba naman siyang kaibigan na pinaka-close niya. Mahirap nga lang hagilapin ngayon. 


Pagkaubos ng Tequila, umariba na naman 'yung dalawa. May kausap na si Sam na tropa ni Kalix at si Yanna naman may nilalandi doon na lalaki sa kabilang table. Hawak na siya nito sa bewang at ang isang kamay ay nasa binti na niya. 


Tumayo ako para makipaglaro kay Kierra sa arcade. Medyo tinatamaan ako ng alak kaya tawa kami nang tawa kapag may natatalo. Para lang kaming tanga. 


"Excuse me, I left my phone."


Napalingon kami ni Kierra kay Kalix kaya napatigil kami sa paglalaro. Lumapit siya at kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa machine at tuloy-tuloy lang na umalis. 


Lumabas sila ni Adonis pero nandoon lang sila sa may gilid ng pinto at may pinag-uusapan. Si Adonis nagyoyosi tapos si Kalix, may kagat lang na yosi sa bibig pero hindi nakasindi. Talagang tinigilan na niya, ah.  


"Kausapin mo na kaya?" Suggest ni Kierra. "Parang ako 'yung nahihirapan sa inyong dalawa, e!" 


"Diba kinwento ko naman sa 'yo 'yung sinabi noong Amethyst? Friend lang naman tingin sa 'kin ni Kalix kaya hayaan mo na." Umiling ako.


"E, ano bang gusto mong sabihin niya? Girlfriend? Bakit, pumayag ka na ba?" Tinaasan ako ng kilay ni Kierra. "Ang gulo n'yo kasing dalawa! Ikaw, magulo ka rin! Hindi mo muna iniintindi 'yung tao o kaya kinakausap tungkol doon. Gusto mo sinasarili mo lang tapos maghahanap ka ngayon ng paliwanag, e hindi ka naman nagtatanong. Matuto kang alamin both sides of the story. Huwag kang selfish! May feelings din 'yung tao." 


Lumingon ulit ako kila Kalix na nasa labas. Nag-uusap pa rin sila habang nakasandal doon sa pader. Tumawa si Adonis at tinapik si Kalix sa balikat. Umiling lang siya at napangiti na lang din. 


"Dali na! Kaya tayo tinatawag na ghosters, e!" Tinulak ako ni Kierra. 


Umiling ako at bumalik doon sa couch namin para kuhanin ang bote ko ng beer bago ako lumabas. Awkward kung pupunta lang ako roon bigla kaya ipapalusot kong magpapalamig ako kasama ang beer. Napatingin si Adonis at Kalix sa 'kin nang mapansin akong lumabas. 


"I'll go back." Tinapik ulit ni Adonis ang balikat ni Kalix at ngumiti sa 'kin bago pumasok sa loob.


Umiwas ng tingin si Kalix pagkasandal ko sa pader, sa may tabi niya. Tinanggal niya 'yung yosi niya sa bibig at pinaglaruan na lang 'yon sa daliri habang nakatingin sa malayo, malalim ang iniisip ngayon. 


"Musta?" Panimula ko. 


"Fine," tipid na sagot niya. 


"Marami pa rin ba kayong ginagawa sa school?" 


Tumango lang siya at hindi nagsalita. Pakiramdam ko ay nag back to zero kami dahil sa kagagawan ko. Nagmukha ngang ghinost ko talaga siya. Nakaka-guilty naman. Huminga ako nang malalim bago ako nagsalita.


"Kalix, I'm sorry," mahinang sabi ko pero sapat lang para marinig niya.


"It's okay," he said in a monotone. 


Natahimik ako at uminom na lang ng beer habang pinag-iisipan kung paano ko ba ipapaliwanag 'yung ginawa ko sa kanya. Hindi talaga makatarungan kahit limang araw lang 'yun na hindi ko siya kinakausap nang maayos. 


"What did I do wrong, Luna?" 


I bit my lower lip without looking at him. I really didn't know how to explain myself or where to start. I just knew one thing. I was just sure of one thing. It was my feelings for him. 


"Nothing," I answered. "I just.. It's just me."


"Don't give me the 'It's not you, it's me' bullshit," he hissed. 


Humarap ako sa kanya para makita ko ang itsura niya pero nakaiwas siya ng tingin at nakatingin lang sa harapan. His jaw moved like he was trying to calm this evident anger inside him. Mukhang galit nga siya ngayon. 


"When I went to Ilocos, I saw Amethyst on the same event," I started. Lumingon siya sa 'kin nang marinig ang pangalan ni Amethyst at hinintay akong magpatuloy. Kapag kinekwento ko na, saka ko lang narerealize na ang babaw. "She.. told me things."


"Like what?" He arched a brow. 


"Na kapag tinatanong ka kung kumusta tayo you would always say na we're friends. Ewan ko, parang nasaktan lang ako, ganoon. Kasi parang ang dating sa 'kin, hanggang doon lang tayo," pag-amin ko. 


"What do you want me to say?" He asked, a little frustrated. "I don't even know what we are." 


"Right." Tumango ako. "Friends, then."


Kahit friends lang, okay na rin sa 'kin. Pwede ko naman siyang tigilan. Tatanggapin ko naman kahit anong gusto niya o kahit anong mapag desisyunan niya para sa aming dalawa. 


"Luna, come on." Tumingala siya at bumuntong-hininga, looking so frustrated. 


"Friends tayo. Parang ikaw kay Amethyst. This is how you treat your friends, huh? Ang pagkakaiba lang, siya tinatawagan mo, ako hindi," I said as petty as I could.


Kumunot ang noo niya. "I don't even know your number." 


"Exactly!"


"Okay, then. Next time I'll also call you for our group paper in Theology," he said sarcastically. 


Natahimik tuloy ako! So it was... all because of their group paper? He was calling Amethyst for their group paper?! And the quartz really made it sound like they call on a daily basis?! At naniwala naman ako! God, I wasted 5 days. 


"Was that all?" He asked after a few seconds. Napalunok ako at tumango. "That was it? The fucking reason why you didn't talk to me?" Galit na tanong niya ulit. 


"Yes, it was! Bakit? Tingin mo mababaw?" Pakikipagtalo ko. 


"Honestly, yes!" 


"Sorry naman, Kalix, ha! Wala naman kasi akong pinanghahawakan kaya naniniwala ako kaagad at nagpapadala sa mga iniisip ko! Ang dami ko talagang iniisip sa simpleng ganoon lang dahil wala ka namang nililinaw sa 'kin!"


"I wasn't clear when I told you I like you?!" He looked angry and hurt at the same time. 


"That does not stop there!" 


"I know because I'm already falling in love with you!" 


My body froze when I heard what he said. I tried to open my mouth but no words came out. He sighed heavily, messing his hair using his hand because of frustration. 


We suddenly stopped arguing. Matagal ko lang siyang tinitigan, still trying to process what he just said. Parang nag e-error ang utak ko. Napakurap ako sa kanya nang iiwas niya ang tingin sa 'kin. Binalik niya 'yung yosi sa bibig niya habang bumubulong ng mura. 


Napainom ako sa beer ko habang mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko dahil sa halo-halong emosyon. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Inis, kilig, gulat, hindi ko alam. 


"If it wasn't that obvious, I was already courting you, Luna." 


Hindi pa rin ako makapagsalita. Memories flashed back to me. 'Yung Tagaytay, 'yung halos pabalik-balik siya sa Katipunan to España, 'yung pagbuhat niya ng bag ko, and then our mini dates. I just didn't know those were courting things! Hindi ba dapat sinasabi niya 'yun?! 


Manliligaw ko na pala 'to, hindi ko naman alam! 


"Wait lang." Tinaas ko ang kamay ko para pakalmahin ang sarili ko. "Hindi ko alam ang sasabihin ko." Time's up muna. 


"You don't have to say anything." Umiling siya at tinapon sa malapit na basurahan 'yung yosing hawak niya. Sayang naman 'yon! Hindi ko naman pwede kuhanin dahil hindi naman ako nag-yoyosi. 


"Sigurado ka bang ako lang?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Baka si Amethyst sinabihan mo na rin niyan. I heard you had a thing." 


"What thing?" Kumunot ang noo niya. 


"She said that."


"I was kind of forced to get along with her because of our parents. Uh, and I also played a bit," he said, looking guilty. "It wasn't that serious."  


"Sus." Umirap ako. I wasn't having it. Kung kaya niyang mag-laro, anong pinagkaiba n'on ngayon? Hindi ko inexpect na playboy 'tong lalaking 'to! 


"Ikaw lang, Luna." 


Pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko. Napainom tuloy ako sa beer na hawak ko para lang itago ang ngiti ko. Nawala na kaagad 'yung mga pangamba ko kanina, ah. 'Yung mga iniisip kong masama para sa kaniya. 


"Paano kapag hindi kita sinagot?" Pang-aasar ko.


"You have a choice. I will not deprive you of your liberty," he referenced again. 


Ugh, his law references. Minsan nakukuha ko pero kadalasan ay hindi. Kailangan ko pang i-search minsan para naman maka-keep up ako sa kanya. 


Nagpahangin pa kami saglit at nag-usap sa ibang mga bagay bago kami bumalik sa loob. Naglaro kami ni Kalix ng arcade at parang ito na ata ang pinakamasayang araw ko so far. Lahat na ata ng masasayang araw ko, naka-connect sa kanya. Parang may natanggal na bigat sa dibdib ko nang magbati kami. 


"You lost." Kalix smirked at me. 


Umirap ako at humarap sa kanya. Malakas niyang pinitik ang noo ko dahil 'yun ang napag-usapan naming punishment. "Aray ko!" Hinampas ko siya sa braso. "Bakit ang lakas?! Sa akin mahina lang naman! Napaka unfair mo!" 


"Life is unfair." He chuckled. 


Nakailang laro pa kami bago siya tinawag ng mga tropa niya para sa shot kaya bumalik muna siya roon sa kanila. Ako naman, napasigaw dahil kinurot kaagad ni Kierra ang bewang ko  pagkalapit. 


"Nililigawan na niya ko!" Nilagay ko 'yung buhok ko sa likod ng tenga ko and I made faces. Dumila pa ako para mas nakakaasar ang itsura ko. 


"Totoo?!" Gulat na sabi niya. 


"Duh! Kierra, ano ka ba, ako lang 'to!" I giggled and flipped my hair. 


Pinakyu niya lang ako kaya tumawa ako. Bumalik na rin ako doon sa couch para ubusin 'yung natitirang alak doon dahil si Yanna ay nowhere to be found na. Hindi naman 'yon bago. Si Sam, kababalik lang din sa table. 


"Saan na si Yanna? Humaharot?" Tanong ni Kierra. 


"Wala, umuwi na! May sumundo sa kanya naka Mercedes. Handsome guy! I almost kneeled! Kidding!" Medyo lasing na pagkekwento ni Sam. 


"Huh? Sino?" Nagtatakang tanong ko. 


"She was drunk-calling people and then suddenly, I saw her getting inside a Mercedes." Umiling si Sam at kumuha ng shot. 


"Baka nakidnap na 'yun?! Kilala ba niya 'yun?!" Nag-aalalang tanong ni Kierra. "Tawagan mo nga!"


12 AM magsasara na 'yung barcade kaya 11:30 PM, napagdesisyunan naming umuwi. Si Kierra ang nag-drive para kay Sam at ako naman, siyempre kay Kalix ako sasabay! Pero kasama namin si Adonis at Leo na idadaan daw muna niya sa Katipunan. 


"Lasing ba mga 'yan?" Tanong ko kay Kalix dahil mukhang tulala na dalawa niyang kaibigan sa likod. 


"I think so," Kalix replied while driving. 


Tumingin ako sa likod at nagtama ang tingin namin ni Adonis pagkadilat niya. Agad siyang umayos ng upo at gumawa ng tunog na parang nasusuka. 


"Fuck you, Adonis, if you fucking vomit, I'll not hesitate to throw you out of this car," masungit na sabi ni Kalix. 


"Bobo ka talaga, Adonis!" Nagising si Leo bigla. 


"Hindi, pre! Hindi ako nasusuka, bro!" Lasing na sabi ni Adonis. "At mas bobo ka, Leo! Talo ka naman sa street fighter!" 


Natawa ako sa kanilang dalawa dahil nagtalo pa sila doon sa likod. 


"Ay, Luna! Luna! Kalix, bro, si Luna!" Tinapik ni Adonis balikat ni Kalix at tinuro ako. 


"Shut the fuck up," masungit na sabi ni Kalix. 


"Hala, sungit! Hala!" Napatakip sa bibig niya si Adonis. "Bro, si Luna, oh! Yieeee! Ayieeee!" 


Ang lakas ng tawa ko sa mga pinagsasasabi ni Adonis. Hindi ko alam na ganito pala siya malasing. Madalas ko siyang nakakasama sa inuman tulad doon kila Sam pero ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ang lala ata ng ininom nila. 


"Luna, gagi, bati na kayo?!" Nagising na naman si Leo na kanina lang ay nakapikit na. Tumango ako. "That's good, bro! Kasi bro, alam mo, bro, sobrang sad kasi ni Kalix noong nag-away kayo! Inasar pa nga namin siya sabi namin, bro, ghosted ka, bro. Ahahaha!" 


Dapat ata nilalagyan ko ng count kung ilang beses nang nagsabi si Leo ng 'bro'. 


"Sabi kasi nila ghoster daw kasi 'yung mga tigre! Rawr!" Sabat naman ni Adonis. 


"Hindi naman totoo 'yon," pagtatanggol ko. "Sabi rin naman nila, hindi nagseseryoso ang mga taga-Ateneo." 


"That's not true, bro! I swear to St. Ignatius, bro!" Tinaas pa ni Leo ang kamay niya para mangako. 


"Basta ako, masaya ako, dude, kasi bati na kayo! Alam naman naming lab na lab mo si Luna! Katipunan to España siya lagi, bro, isipin mo 'yon? 'Yung gas niya?! Hoy! Leo! Pucha, dude, blackout ka na?!" Hinampas ni Adonis si Leo para gisingin.


Pinigilan ko ang ngiti ko dahil hindi natutuwa si Kalix sa panlalaglag ng mga kaibigan niya sa kanya. 


"Oo, bro! Mahal ang gas!" Nagising ulit si Leo nang hampasin siya sa ulo. 


Natahimik rin ang sasakyan nang ibaba ni Kalix 'yung dalawa sa tapat ng condo nila. Hinayaan niya na lang 'yung dalawa na umakyat at bumalik na siya sa kotse. 


"Nitong limang araw, anong pinagkakaabalahan mo? Pumupunta ka pa ring UST?" Tumango siya. "Huh?! Totoo?! Kahit sinasabi kong may gagawin ako o may pupuntahan ako?!" 


"I would wait there for around 5 hours, hoping for you to change your mind... but you didn't." He pursed his lips and he looked sad. Na-guilty kaagad ako. Hanggang gabi siya roon? "Next time, communicate with me before you decide things on your own, okay?" 


Tumango ako. "May game tomorrow. Ateneo and UST. Punta tayo! I have tickets!" Aya ko sa kanya. 


At ayun! Kinabukasan, sabay-sabay kami nila Kierra at Via na nagpunta sa Arena para sa game. Bigay na bigay ang Thomasians ngayon dahil finals kaya ang dami talagang pupunta. Naka-tiger shirt kaming tatlo at may mga headbands at banners pa ng Go UST. Ang sabi ni Kalix, doon na lang kami magkikita kasi kasama rin niya sila Leo. 


Pagkadating namin doon, natanaw ko si Kalix sa side ng Ateneo. Kumaway ako sa kanya bago kami umupo nila Kierra. Magkahiwalay muna kami ngayon! Ito ang ipinagbabawal na pag-ibig. Charot. 


"One big fight! Fight fight blue and white, Go go Ateneo sisboombah!"


"Go USTe! Go USTe! Go go go go!"


Naglalaban na 'yung mga nagchecheer. Kabado kami nila Kierra dahil lamang ang Ateneo pero sabi namin Game 1 pa lang naman! May pag-asa pa! 


Nagsigawan ang crowd nang mag-3 points si Sevi, pero hindi pa rin talaga abot sa score ng Ateneo. We continued cheering, nonetheless. The athletes needed the boost! Lalo na at ang laki pa ng crowd namin kaya ang lakas pa ng cheer. 


"It's okay! It's okay!" Pampalubag loob ko kila Kierra nang makitang malungkot sila dahil natalo kami. Naglalakad na kami palabas at ako, hinihintay ko si Kalix. 


"Hey." Napahinto ako sa paglalakad nang may biglang kumalabit sa 'kin. 


Pagkalingon ko, nakita ko si Kalix. Naka-pants siya at blue Ateneo shirt. Sa bandang likuran, medyo malayo, naroon sila Adonis at Leo na hinihintay si Kalix. Hindi na sila lumapit. Kumaway lang sila sa 'kin at ngumiti.  


"Picture tayo!" Aya ko kay Kalix because we looked cute with our shirts. Naka-bandana pa siyang blue sa ulo, tulad nila Adonis. Paano nila napilit 'tong mag-suot ng ganito? Nakakatuwa naman. 


Pinicture-an kami ni Kierra. Marami siyang kinuhanang picture at mayroon doong nakangiti si Kalix at nakapout ako sabay turo sa mga mata ko na parang lumuluha dahil nga talo kami ngayon. 'Yun ang pinost ko sa Instagram pagkatapos ko i-airdrop kay Kalix. 


Nag-boomerang rin kami para sa IG stories ko. Nag-peace sign lang siya sa boomerang at ako naman umirap. Ang caption ko, 'Babawi kami next game!'.


"We're going to Vikings. You guys want to come?" Alok ni Kalix sa amin. 


"Libre ko!" Pangunguna ko. Ito na ang chance para makabawi ako! Hindi na umangal si Kalix doon kahit nagtalo kami slight. 


Pagkatapos namin kumain, hinatid na ako ni Kalix dahil may sariling sasakyan sila Adonis at si Kierra rin. Pagkahinto sa tapat ng condo, tinanggal ko ang seatbelt ko. "Thanks for the ride," sabi ko ulit. 


Naghintay pa ako na may gawin siya pero wala talaga! Nakatingin lang siya sa harapan at parang hinihintay na akong bumaba. 


"Wala pa ring kiss kahit love mo 'ko?" Pang-aasar ko. 


Humarap siya sa 'kin at tinaasan ako ng kilay. "Why are you so thirsty for kisses?"


"Ay, bakit? Gusto mo ba kasal muna bago kiss? Sige na nga! Will you marry me?" 


Bahagyang nanlaki ang mata niya sa biglaan kong pag-propose pero naka-get over rin siya kaagad at umiling. "Stop playing games," napipikon na sabi niya sa 'kin. 


"Dali na, Kalix! Let's kiss!" Ngumisi ako at nilapit pa ang mukha ko sa kanya.


Nagulat ako nang hawakan niya ang baba ko at umambang hahalikan ako sa labi pero umangat siya at hinalikan niya lang ang noo ko. 


"Go up and pack your things," he said softly.


Napakurap ako dahil hindi ako nakaget-over! Ano 'yon?! Akala ko talaga hahalikan na niya 'ko! Nag-expect pa naman ako, pero sige, pwede na rin sa noo. 


"Hoy, nagnakaw ka ng kiss! Ibabalik ko lang!" Ngumuso ako at lumapit sa kanya.


Natawa ako nang nilagay niya ang palad niya sa noo ko para itulak ako palayo. Umayos na ulit ako ng upo, nagbabalak na asarin siya lalo nang maalala bigla ang sinabi niya kanina pagkatapos ako halikan. 


Go up and pack your things? Mukhang nabasa niya ang iniisip ko kaya nagsalita siya ulit. "Tagaytay. There's a meteor shower at midnight." 


"Saan tayo matutulog?!" He was always so spontaneous! 


"We have a rest house." He lightly scratched the tip of his nose. 


Nagmamadali akong kumuha ng damit sa taas at mga kailangan ko. Hindi na ako nakapagpaalam kay Kierra at bumaba na ako kaagad. Wala na naman siya sa condo, e. Mabilis lang din kaming nakarating sa Tagaytay ni Kalix dahil madaling-araw na. Nagkwento lang ako sa kaniya habang nasa byahe kaya hindi siya na-bored. 


Hindi ko alam kung saan kami papunta pero ang taas ng pinupuntahan nitong si Kalix. Huminto lang siya sa tapat ng malaking bahay. Kinuha niya ang susi sa may bag niya at inaya ako papasok sa loob. 


"What the heck? Do you always bring that key with you?" Nagtatakang tanong ko pagkapasok sa loob. 


Kaunti lang ang gamit dahil resthouse lang naman daw. Maganda pa rin naman ang ambiance ng bahay. Nakaka-relax dahil light ang colors. 


"Let's go." Hinawakan niya ang kamay ko at umakyat.


Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa 'kin. Parang doon natoon 'yung atensyon ko, hindi sa bahay. Binitawan niya rin ako nang lumabas kami sa malaking veranda ng second floor. Na-disappoint tuloy ako nang hindi na maramdaman ang kamay niyang nakahawak sa 'kin. 


May bench sa veranda at may telescope sa gitna. "You didn't bring me here last time," sabi ko sa kanya.


"Yeah, I wasn't ready. I didn't bring the key," sabi niya habang inaayos 'yung telescope.


Nang mapansin niyang nilalamig ako, pumasok siya sa loob at inabutan ako ng blanket. 'Yung isa, nilatag niya sa sahig. 


"Come here," tawag niya.


Lumapit ako at sumilip sa telescope. Napaawang ang labi ko sa ganda ng mga nakikita ko. Ginalaw ko pa 'yun sa ibang mga bituin. I could feel him watching me while I was looking at the stars. Ang ganda at ang liwanag nila tignan. 


"I would go here every night," bulong ko.


"I can take you here every night," he replied. 


Pagkatapos kong tumingin sa telescope, humiga kami roon sa may blanket at tumingin ulit sa langit. Ang linaw at liwanag ng buwan mula sa pwesto namin kaya ang gandang tignan. Gustong gusto ko talaga 'yung ganitong tanawin lalo na't nakaakibat sa pangalan ko. 


"Ngayon, kapag nakikita mo 'yung buwan, maaalala mo na 'ko. It's a curse." Ngumisi ako. 


"It's not a curse. It's more like a tattoo on the brain," sabi niya habang nakatingin kami sa buwan. 


"Pag nakikita mo 'yung moon, you would think, oh, it's Luna." 


"It won't be a bad memory though." 


I just wish. 


Nanlaki ang mata ko nang makitang may dumaang shooting star, or that was just how I called it. "Kalix! Ayun! Meron! Make a wish!" Siniko ko siya at tumuro sa langit. 


"I can't see," sabi niya naman at naghanap. 


"Madilim kasi, e, 'no?" Pagbibiro ko.


Nang makakita ulit ako ng isa, I closed my eyes and made a wish. Wala namang mawawala sa 'kin kung hihiling ako. 


"What did you wish for?" He asked. 


"Ikaw muna." 


Mukhang nag-isip pa siya at inalala kung ano ang winish niya pero umiling lang rin siya. "I won't tell," madamot na sabi niya.


"E, 'di hindi ko rin sasabihin." 


I wished for him to be successful one day as a lawyer, without losing his dignity and moral principle. That was all.

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro