12
"Go USTe! Go USTe! Go! Go! Go! Go! Go USTe!"
Ang lakas ng sigawan sa Arena nang maka-shoot si Sevi! Nagtayuan kami at halos mapunit na ang banner na hawak namin ni Kierra na may nakalagay na cheer sa UST. Nagsisi-talon na kami dahil nakalamang kami ng score sa UP.
"Grabe, ang sakit ng lalamunan ko!" Sabi ni Via nang makalabas kami ng Arena.
Natapos ang laro at nanalo kami. Sobrang dikit lang ng score kaya naman mas nakaka-thrill para sa crowd. Ngayon lang ako sumigaw nang sumigaw! Ganoon pala ang feeling!
Narito kami sa labas at hinihintay si Sevi. Sabi niya kasi ay magbibihis lang siya saglit at hintayin namin siya rito. Tinext ko naman si Kalix na narito ako sa Arena at sabi niya susunduin niya 'ko pagkatapos ng klase niya.
"Saan tayo kakain?" Tanong ni Kierra. Naka-headband pa siya ng tiger. Lahat kami ay nakasuot ng tiger shirt as support shirt.
"Susunduin ako ni Kalix," sabi ko.
Sabay silang napatingin sa 'kin at parang nag-practice pa dahil sabay rin nila akong pinagsingkitan ng mga mata. Para namang bago sa kanila 'yon! Alam naman nilang naglalandian na kami ni Kalix, ah!
"Kayo na?" Tanong ni Via.
"Hindi pa! Chill ka lang!" Tanggi ko kaagad.
"Bakit may pagsundo?"
"Huwag ka na magtanong, Via. Magkatabi nga silang matulog sa condo noong isang araw," pagkekwento naman nitong si Kierra.
"Ano 'yon?! Fuck buddies?!" Gulat na tanong ni Via sa 'kin.
"Hindi, ah! Natulog lang talaga kami! Tangang 'to!" Nag tunog-defensive pa 'ko roon.
"Uy!" Napalingon kami kay Sevi na tumatakbo na palapit sa 'min. Medyo natagalan pa siya, ha. Marami kasi sigurong nag-interview sa kanya. Nakapagpalit na siya ngayon ng white shirt at mukhang fresh na. "Kain muna tayo bago kayo umuwi!"
Hindi na 'ko nakasagot dahil nag-chat si Kalix na narito na raw siya. Sinabi ko kung saan ang exact location ko at maya-maya, habang nag-uusap sila Sevi kung saan kakain, nakita ko na si Kalix na naglalakad palapit. Naka-jeans siya at naka-navy blue shirt lang. Suot niya na naman 'yung Balenciaga niyang agaw-pansin.
"Here!" Tinaas ko ang kamay ko para makita niya 'ko.
Napalingon din tuloy sila Kierra sa amin nang marinig ang sigaw ko. Nang makalapit si Kalix, may sinabi lang siya tungkol sa parking niya at nilipat na niya ang tingin kila Kierra na nasa likuran ko.
"Sup, Kalix!" Bati ni Kierra at nakipag-apir. Akala mo close sila, e! "Parang noong isang araw lang, tulog ka sa condo namin, ah!"
Napaubo si Kalix sa narinig niya kay Kierra dahil sa sobrang hiya. Hinawakan ko siya sa braso at hinatak papalapit kila Sevi para ipakilala siya. Kilala naman na siya ni Via kaya hindi na bago sa kanila ang magpakilala ulit.
"Ah, Kalix! Si Sevi, friend ko. Sevi, si Kalix," pagpapakilala ko.
Inalok ni Kalix ang kamay niya. Ngumiti sa kanya si Sevi at mahigpit na nakipagkamay kay Kalix. Marahan pa niyang inalog 'yon at tinapik sa balikat si Kalix pagkatapos, nakangiti na ngayon.
"Musta, tol! Dami kong naririnig sa 'yo," sabi ni Sevi pagkabitaw. Ano ba 'tong si Sevi, nilaglag pa 'ko!
"Really?" Tinignan ako ni Kalix at tinaasan ako ng kilay. "Like what?"
"Puro magaganda naman, huwag kang mag-alala. Mahilig lang si Luna magkwento kapag kinikilig siya." Tumawa si Sevi at sinamaan ko siya ng tingin. Sumosobra na siya, ha! Akala ko hanggang doon lang ang paglaglag niya!
"Saan na nga tayo kakain?" Tanong ulit ni Via.
"Samgyup," bulong ni Kalix na ako lang ang nakarinig.
Nilingon ko siya at siningkitan ng mata. Hindi niya 'ko pinansin at tinuon na lang ang pansin kila Kierra na nagdedesisyon pa rin kung saan kakain. Bandang huli, kumain na lang kami sa Botejyu sa Mall of Asia. Ramen restaurant siya at isa 'yon sa mga favorite kong kainan.
Magkatabi kami ni Kalix at katapat namin sila Kierra, Sevi, at Via na nakaupo sa couch. Nagkekwentuhan sila tungkol sa game kanina habang ako, tahimik lang at nag-iisip ng pag-uusapan namin ni Kalix. Tahimik lang kasi siya!
"Mukhang tayo magkakalaban next game, pre," nakangiting sabi ni Sevi.
"Yeah, see you in finals." Kalix also smiled a little before turning his attention to his drink in front of him. Ang hirap kausapin nito! Ang ikli ng mga sagot.
Napatigil kami sa pinag-uusapan nang ilapag na ng waiter 'yung in-order naming ramen. Parehas lang kami ng in-order ni Kalix, 'yung bestseller nila. Siya ang nagbukas ng chopsticks ko at binigay sa 'kin. Nag-order rin siya ng mango shake, habang ako water lang.
Habang kumakain kami, tinignan ko 'yung watermelon shake ni Sevi at kukuhanin ko na sana pero mabilis niya ring nalayo sa 'kin at ngumisi pa. "Kala mo, ha," proud na sabi niya.
Ngumuso ako at umirap. Napatingin ako kay Kalix na tahimik lang na kumakain. Nang tignan niya rin ako, naramdaman niya ata 'yung gusto kong mangyari. Nilapag niya 'yung mango shake niya sa harapan ko at tahimik na ulit na kumain.
Masaya akong sumipsip doon sa shake niya at binelatan si Sevi. Akala niya, ha! Buti pa si Kalix, hindi madamot! Ngumiti lang siya sa 'kin at umiling bago pinagpatuloy ang pag-kain.
"Kailan pala alis mo, Luna?" Tanong bigla ni Sevi. Napalingon si Kalix sa 'kin, nagtataka.
"Hmm, tomorrow," sagot ko at binalik ang tingin ni Kalix. Nakalimutan kong sabihin sa kanya na aalis pala kami nila Mommy dahil may business gathering sila sa Ilocos at may dala raw na kanya-kanyang pamilya 'yung mga aattend kaya isasama na rin nila 'ko.
Hindi nagsalita si Kalix hanggang sa matapos kaming kumain. Hindi ko alam ang iniisip niya dahil palagi naman siyang tahimik. Nang itaas ni Kierra ang kamay niya para sa bill, saka lang siya nagsalita ulit.
"I'll pay," Kalix offered pagkarating ng bill.
"Huh?! Wag na, nakakahiya!" Tanggi kaagad ni Kierra.
"Ako na magbabayad, Kalix," Sevi smiled. "Since celebration naman ng game 'to."
Tumango si Kalix at binigay sa kanya 'yung bill. Nakita ko ang paglaki ng mata ni Sevi habang tinitignan ang presyo. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang tawa ko dahil baka batuhin niya 'ko ng baso.
"Gago, mahal pala nito?" Sabi ni Sevi.
Nangunang tumawa si Kierra. "Sabi ko sa 'yo, mag-ambagan na lang! Pabida kang hayop ka, e!"
Napakamot sa ulo niya si Sevi at pinasa na kay Kierra 'yung bill. Nilapag niya naman sa table habang kumukuha siya ng pera. Hindi pa kami tapos manguha ng pera sa wallet, kinuha na ni Kalix at siya na ang nagbayad. Mabilis niya 'yong inabot sa waiter.
"Let's go." Tumayo na siya kaya tumayo na rin kami, gulat pa dahil binayaran niya lahat.
"Bayaran na lang kita," pakikipagtalo ko nang palabas na kami.
"Oo nga, Kalix! Nakakahiya naman!" Sabi ni Kierra kahit alam kong mahilig 'yan sa libre.
Tahimik lang si Sevi na nakasunod sa 'min, mukhang malalim ang iniisip. Umiling lang si Kalix para sabihing huwag na siyang bayaran pero nakakahiya pa rin na nilibre niya ang mga kaibigan ko. Sa susunod, kung ayaw niyang magpabayad, sila Adonis ang ililibre ko, maliban kay quartz.
"Hatid ko na kayo," Kalix offered again.
Napakagat ako sa kuko ko sa hiya at tumingin kila Kierra na nagulat rin. Ano bang ginagawa niya? Nililigawan ang mga kaibigan ko? Pa-goodshot, ganoon?
"Sis, huwag mo nang pakawalan 'yan, ha," bulong ni Kierra sa 'kin sabay kurot sa bewang.
"Okay ka lang?" Tanong ko kay Sevi habang naglalakad kami papunta sa pinarkingan ni Kalix.
"Oo, nakakahiya lang kay Kalix." Tumawa siya saglit.
"Huwag kang mahiya! Babawi na lang ako doon!" Tinapik ko siya sa balikat bago tumakbo papunta kay Kalix para sabayan siya maglakad. Nauuna kasi siya, e. Siya naman nakakaalam kung saan ang parking spot niya.
'Yung SUV 'yung dala niya kaya nagkasya kami. Habang nagda-drive kami pauwi, maingay sila Kierra sa likod at nagkekwentuhan. Hindi ko masyadong maintindihan kung ano ang topic nila.
"Reto na lang kita, bro? Ano sa tingin mo?" Alok ni Kierra kay Sevi. "Para hindi ka mukhang malungkot!" Pagpilit pa ni Kierra.
"Oo nga, Sevi! Diba? Hindi lang ako 'yung nakapansin, oh! Si Kierra rin tingin niya ang lungkot mo these past few days. Spice it up!" Suggest ko rin habang nakaupo sa harapan.
Napatingin si Kalix sa akin pero mabilis lang rin at binalik na niya ang tingin sa daan. Narinig ko ang tawa ni Kierra at ni Via at siniko-siko pa si Sevi na parang pinipikon. Ang hilig talaga nila pagtripan si Sevi. Hindi naman kasi nagagalit.
"O, retohan ka raw sabi ni Luna! Paano ba 'yan?" Tumawa na naman si Kierra.
"Dadating din 'yan. Hindi ko kailangan pilitin," tanggi pa rin ni Sevi.
"Ano ka ba! Kung hindi mo aabutin, hindi mo makukuha!" Sabi naman ni Via. "Hindi na nilalapag sa plato mo ang lovelife ngayon! Paunahan na 'yan! Kaya ka miserable, e!"
"Paturo ka kay Yanna lumandi, Sevi!" Suggest ko. "Dami kong natutunan doon, e!"
"E, kaso busy 'yun ngayon. Hindi na nga masyadong nagpapakita, e. Paano, mukhang tinamaan doon sa pilotong taga-La Salle. Pucha," pagkekwento ni Ke.
"Huh?!" Napalingon ako. "Anong mayroon?"
"Ewan ko, basta noong isang araw, may sinasabi siya kay Via na may bago daw siyang challenge in life," sagot ni Kierra sa 'kin.
"Oo! E, 'di ba Tourism nga siya sa piyu? Gusto maging goals sila at trip 'yung magpipilotong taga La Salle," dugtong ni Via.
"Sa harot niyang 'yon, 'di niya pa rin makuha?" Tumawa ako. Kaya pala hindi na masyadong nagkekwento ng kalandian sa GC dahil may iba nang pinag gagagawa sa buhay. Ito na kaya 'yung katapat niya o libangan pa rin?
Naunang hinatid ni Kalix sila Sevi at Via doon sa España tapos umikot siya papunta roon sa condo namin. Nauna nang bumaba si Kierra at pumasok sa lobby para bigyan kami ng privacy ni Kalix.
"Thank you sa hatid. Babawi ako," sabi ko. Tumango lang siya at hindi nagsalita. "Hey, galit ka ba?" Hindi naman kasi siya ganito! At mukhang iba nga ang timpla niya ngayon.
"You didn't say you were leaving for Ilocos tomorrow?" He sighed, messing his hair a bit.
"Shucks, nakalimutan ko kasi sabihin sa 'yo." Hindi naman ako sanay na gusto niyang nalalaman ang mga kaganapan ko sa buhay.
"Yeah, but your friend knows?"
Napakagat ako sa labi ko habang nakatingin sa kanya, guilty na. Hindi ko alam kung matutuwa ako na nagseselos siya o matatakot dahil galit nga siya sa 'kin. Hindi ko napigilan ang ngiti ko kaya mas mukha siyang napikon.
"Something amusing?" Masungit na tanong niya habang nakahawak ang isang kamay sa manibela. Hindi pa rin siya nakatingin sa 'kin.
"Selos ka?" Tumawa ako. "He's just my friend!"
"I doubt he thinks the same way, Luna." Kalix shook his head.
"What do you mean?" Kumunot ang noo ko.
"Right, you're dense."
I tilted my head a bit to the side. I was really really confused! Ano raw? Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya tapos tatawagin niya naman akong dense. Manhid, ganoon? Stupid?
"Hindi ko maintindihan anong pinaparating mo."
Humarap siya sa 'kin at tinaasan ako ng kilay. "Look, I don't want to meddle. Just forget what I just said."
"Ano nga 'yun?" Pangungulit ko pa. "Hindi ba friend tingin niya sa 'kin? Ayaw niya ba sa 'kin?" Pinaplastik ba ako ni Sevi?!
Napasapo si Kalix sa noo niya at umiling. Kulang na lang ay i-umpog niya ang ulo sa manibela dahil sa 'kin. "You really can't see it?" Tanong niya.
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. "'Yung ano?" Hindi siya sumagot at parang may umilaw sa utak ko. Napaawang ang labi ko at napatakip ako sa bibig ko. "What? Tingin mo may gusto sa 'kin si Sevi?! Tangek!"
"Asa ka naman! Stop being ridiculous, Kalix!" Natawa ako nang malakas sa kaniya. He just looked at me and raised a brow. Halata sa kaniyang gusto niyang maging sarkastiko. "Sige na, aakyat na 'ko. Ingat ka pauwi, ha."
Pagkarating ko sa elevator, napasandal na lang ako sa gilid at napatulala habang iniisip lahat ng possibilities of Sevi seeing me more than a friend. Napailing rin ako kaagad. That was just impossible. I mean, we were almost best friends! Close lang talaga kami kaya ganoon ang tingin ng mga tao! They didn't know anything about our friendly relationship!
Pagkapasok ko ng unit, nakatulala pa rin ako habang nakaupo sa sofa. "Ano? Tulala ka dyan? Hinalikan ka ba?" Tanong ni Kierra. Umiling ako para maalis sa utak ko lahat ng unnecessary thoughts.
"Wala namang gusto sa 'kin si Sevi, 'no?" I needed a second opinion.
Natahimik si Kierra at mukhang nagulat sa sinabi ko pero tinalikuran niya rin ako at nag-ayos ng gamit. "Wala naman.. ata, sis," sabi niya, hindi makatingin sa 'kin.
Nakahinga ako nang maluwag. Hay! Nago-overthink lang 'yun si Kalix! Nagpadala naman ako! Muntik ko pang ma-sacrifice ang friendship namin ni Sevi!
"Bakit hindi mo siya tanungin?" Sabi ulit ni Kierra.
Huwag na! Sigurado naman ako na wala, e! Kumuha ako ng towel at pumasok na sa banyo. Kinabukasan, maaga akong gumising dahil maaga rin akong susunduin nila Mommy papuntang Ilocos. Malayo pa ang byahe.
"Hi, honey," my mom greeted me as soon as I entered the car.
"Hi Mommy," humalik ako sa pisngi niya, pati sa pisngi ni Daddy bago ko nilapag ang dala kong unan doon sa backseat. Humiga na lang ako roon at sinubukang ipagpatuloy ang tulog ko.
"You seem tired, anak," Dad started.
Nagsuot na lang ako ng earphones at natulog. Pagkagising ko ay nasa Ilocos na kami, sa may parking ng beach resort. My dad got us a suite for two nights. Habang naglilipat sila ng gamit, pumunta muna ako sa beach. Wala masyadong tao sa part na pinuntahan ko, I think I was on the private and exclusive part of the beach.
I took some photos before I went back to the room. Umupo ako sa kama ko at kinuha ang phone ko para mag-update kay Kalix. I sent a picture of the beach.
lunavaleria: good morning! here na @ ilocos
kalixjm: Morning. Kailan balik n'yo?
lunavaleria: monday morning pa i'll cut my morning subjects hahaha
kalixjm: That's bad.
Binaba ko muna ang phone ko para magpalit ng bikini. Aalis sila Mommy kaya wala naman akong gagawin dito. Ayoko namang mabulok sa loob ng room kaya magpipicture na lang ako sa labas. Buti na lang pala nagdala ako ng tripod para makapagpicture ako.
I was just wearing a black two-piece bikini. Naglagay na ako ng sunblock at nagsuot ng shades bago lumabas. I took as many pictures as I could dahil wala namang kumukuha sa 'kin. Tinitignan nga lang ako noong ibang tao pero ano bang paki nila?! Wala naman akong taga-picture!
That gave me an idea. Umupo ako sa may white chair at nagtype sa phone ko.
lunavaleria: I think I might need an Instagram boyfriend.
kalixjm: ??
Tumawa ako bago nagtype ulit.
lunavaleria: walang nagpipicture sa 'kin sa beach pero i managed to take some pics send ko sa 'yo
A grin was plastered on my face when I sent him my best 3 photos in a bikini. Nakita kong na-seen na niya pero hindi pa rin siya nagrereply.Nabaliw tuloy ako kakaisip kung anong reaction niya! Umalis muna ako para bumili saglit ng buko juice bago bumalik sa inuupuan ko kanina.
Pinaglalaruan ko ang straw sa labi ko habang naghihintay ng reply niya. Hindi na nag-reply!
lunavaleria: hoy ano nahimatay ka na ba dyan?
kalixjm: typing...
Tapos nawala bigla! Naghintay pa ako ng 2 minutes bago siya nakapag-reply.
kalixjm: You know I'm inside the library, right?
I giggled. Hindi ko alam kung bakit kinikilig ako kahit wala naman siyang sinasabi. Baka iniisip ng ibang tao na nababaliw na ko dahil tumatawa ako mag-isa. Nakakahiya pero hindi naman nila ako kilala.
Nag-take pa ko ng ilang pictures bago ako bumalik sa room. May mga kumausap sa 'king lalaki doon pero hindi ko gaanong pinansin dahil hindi naman ako interesado. Pagkapasok ko ng suite, naligo na ako at humiga sa kama para mag-review sa quiz sa Monday.
Mag-gagabi na nang lumabas ulit ako para maghanap ng pagkain. Umupo ako doon sa open restaurant sa may buhanginan at nag-order lang ako ng seafood and four seasons shake. Sinend ko 'yung picture kay Kalix.
Dumating na 'yung pagkain ko kaya kumain na lang muna ako habang nagiiscroll sa Twitter. Wala naman masyadong ganap dahil tahimik ngayon si Yanna. Mukhang dry season na nga rin ng gaga, tulad ni Sam. Sino kaya 'yung lalaking tinatarget noon ngayon? Ang lakas niya, ha.
kalixjm: Hey, done eating?
Nagreply kaagad ako nang mag-send siya ng tatlong message na puro 'Hey'.
lunavaleria: someone's clingy hmm miss mo 'ko?
kalixjm: Yeah.
Kung may iniinom lang ako ngayon, nasamid na 'ko! Hindi ko naman ine-expect na sasagutin niya talaga 'yung tanong ko! Mukha tuloy akong tangang nakangiti dito sa table mag-isa.
lunavaleria: i miss you too huhu
kalixjm: Uwi ka na
Baka magdugo na ang labi ko kakakagat ko pero hindi ko talaga mapigilan ang ngiti at kilig ko. Nakakainis naman. Bakit ba siya ganito? Kung ganito lang rin naman siya aakto, jowain niya na 'ko!
lunavaleria: wait lang babe ikaw naman <3 dyan ka muna sa mga tropa n'yo spend time together pero wag mong kalimutan pakainin 'yung mga anak natin habang wala ako ha. si kelly ba nagawa na niya assignment niya? char
kalixjm: Tf
Natawa ako dahil sa paninira niya ng moment ko. Minsan, nagiging sweet siya tapos kapag kinikilig na 'ko, sabay gaganyan! Sisirain ang mood!
Naging mabilis ang gabi. 9 PM nang nakarating sila Mommy. Natulog na rin ako kaagad pagkadating nila. Kinabukasan, nagsuot ako ng dress dahil nga may gathering. It was boring as usual. Wala naman akong maintindihan sa mga pinagsasasabi nila.
Umupo na lang ako sa table at pinakyaw 'yung dessert habang nakikipag-halubilo sila Mommy. Muntik ko nang madura ang kinakain ko nang makita si Amethyst. Bakit siya narito? Napakaliit naman pala ng mundo. Umiwas ako ng tingin pero nakita niya na 'ko kaagad. Malas. Mas malas pa nang makitang mabilis siyang naglalakad palapit sa 'kin.
"Wow! What a coincidence!" Umupo siya sa tabi ko.
She looked beautiful in her red dress. May hawak pa siyang wine at nakakulot ang buhok. Hindi ko naman maipagkakaila na maganda siya, parang pwede na nga siyang lumaban sa Miss Universe. Ang ganda ng katawan niya at matangkad din siya.
"You were invited, too?" She smiled at me sweetly.
"My parents," sagot ko habang kumakain ng buko salad.
"Well, my parents organized this gathering kaya I'm here rin. We actually own the venue. Didn't expect I would see you here! Oo nga pala, how's it going with you and Kalix?"
"Okay lang," sagot ko.
"Really? Kapag siya 'yung tinatanong namin, lagi niya lang sagot na you guys are friends daw. Is it true? I thought kasi na you guys were a thing, you know? That was why I was kind of harsh on you! Sorry for that!" She let out an elegant laugh.
Friends.
We're friends?
"Siguro." Ngumiti na lang ako sa kanya, hindi alam ang sasabihin.
Nakakapagtaka nga naman talaga. Hindi pa namin pinag-uusapan ang tungkol sa relasyon namin at okay naman ako sa pagani-ganito lang pero hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko tuwing may ganitong sitwasyon. Kapag tinatanong kung ano kami, ganoon.
Friends? Friends lang ba talaga kami? Gusto niya ba 'ko bilang kaibigan niya? O baka naman nagustuhan niya lang ako dahil gusto ko siya?
"You know, I just get jealous sometimes! You probably know that I like him, right? And he knows din. We're trying to work it out. Did you know? We were a thing before kasi, but not really official. Our parents are both so close to each other."
Hindi na ako makapagsalita. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Ang alam ko lang ay parang tumatagos lahat ng sinasabi niya sa 'kin. Mas nakakadagdag lang sa mga iniisip ko ang sinasabi niya. Kung pwede lang hindi marinig, gumawa na 'ko ng paraan.
Napatingin ako sa phone niya na nasa taas ng table nang tumunog 'yon. Napaawang ang labi ko nang makita ang pangalan ni Kalix.
"Oh, he's calling na. Excuse me." She smiled at me again before leaving.
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro