Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11


"Ano, panalo ba?" 


Nakipag-apir ako kay Sevi nang makita ko siya sa may Dapitan, kakatapos lang mag comp shop. Nasa Asturias street lang ako at kumakain na naman ng cheesestick. Isa iyong street sa Dapitan na puro street food kaya naman kahit malayo, rito ako laging tumatambay. Dito ko rin palaging nakikita 'tong si Sevi dahil mahilig tumambay sa mga computer shop. 


"Uy!" Bati niya nang mapansin ako.


Lumingon siya sa mga kaibigan niya at sinenyasang mauna na sila bago siya lumapit sa' kin. Inalok ko sa kanya ang kinakain ko pero umiling siya. Wow, tumanggi sa pagkain, ah. Okay lang! At least mas marami akong makakain dahil walang kaagaw. Itong isang 'to, kapag inaalok, ayaw pero kapag hindi, nang-aagaw ng pagkain. 


"Oo, panalo kami. Ikaw ba? Ngiting nanalo ka rin, e," pang-aasar niya. "Kumusta aral n'yo ng crush mo?"


"Nako, huwag mong ipaalala at may bitchesang dumating! Nag-iinit ang ulo ko! Pero okay lang kasi pagkatapos noon umamin na sa 'kin 'yung crush ko na gusto niya 'ko!" Hinampas ko pa ang braso niya sa sobrang kilig. 


"O, edi kayo na?" Tanong niya habang nakangiti sa 'kin. 


"Hindi pa rin! Wala, e! Gusto lang naman. Hindi pa naman niya 'ko mahal! Wait ka lang. Sa susunod mamahalin na ko no'n!" Tumawa ako at kumagat ng cheesestick, tuwang tuwa sa iniisip. 


"Hihintayin mo pa 'yun? Dami diyang may mahal sa 'yo," pagbibiro niya.


"Ano ka ba, siyempre hihintayin ko 'yun! Gusto ko 'yung tao, e! As in gustong gusto! Hindi ko rin magets pero alam mo 'yun? Iba 'yung feeling ngayon sa mga naging jowa ko dati, e. Parang mas nakakakilig!" Pagkekwento ko pa. 


"Swerte niya naman." Tumawa siya at napailing, iniiwas ang tingin. 


"Diba?! Hindi niya ma-realize 'yun! Sana katulad mo siya mag-isip!" Naiistress na sabi ko. 


"Sana nga." He smiled without showing his teeth. 


Sa huli, sinamahan niya na rin ako kumain sa Santorini nang mag-aya akong kumain. Iniwan kasi ako nila Kierra at pumunta sila ni Via roon sa unli rice. Hindi ako ganoon kagutom kanina pero ngayon, nagugutom na 'ko. Korean restaurant ang pinuntahan namin at maliit lang din, malapit sa UST. Nag-order lang ako ng kimbap at siya naman, ramen. Nakakabusog na kasi 'yung kimbap, e!


Habang nakaupo kami, may ibang nagpapa-picture sa kanya dahil nga ang galing niya mag-basketball. Ako naman, panay tingin sa cellphone ko dahil hinihintay 'yung message ni Kalix. Kainis! Hindi man lang ako inu-update gaya ng sabi niya! Nag-message lang siya kaninang umaga ng 'Just woke up. We're going to the beach today' tapos wala na! 


"Tingin nang tingin sa cellphone, ah. May hinihintay?" Pansin ni Sevi pagkagaling doon sa picture-taking nila noong mga SHS. 'Yan na naman siya sa pinagmamalaki niyang 'fan service'. 


"Hay, hirap ng may lovelife! Ikaw ba? Kailan ka magkakaroon?" Pang aasar ko.


Natawa siya sa sinabi ko at napailing na lang, walang planong sagutin dahil walang masasagot. Sa buong stay niya sa UST, wala pa siyang nagiging girlfriend! Puro kalandian lang pero hindi naman sila tumatagal. Nagsalin na lang siya ng tubig doon sa baso namin at nauna na siyang uminom. 


"Ball is life," sagot niya sa 'kin. Sus, palusot lang 'to, e! 


Napairap ako. "Sabi ko rin plates is life pero tignan mo 'ko ngayon! Nag-iintay ng message sa lalaking 'yun! Tipid tipid mag-message!" 


"Hmm, baka busy kasi," pagtatanggol niya naman. 


Sabagay. Nasa beach siya, e. Baka hindi niya dinala ang phone niya. Kinuha ko na lang ang tubig at uminom doon. Muntik ko nang mabuga 'yon sa mukha ni Sevi nang biglang nag pop-up 'yung pangalan ni Kalix sa notifications ko. Dali dali ko 'yong binuksan sa sobrang excitement. Hanggang ngayon, nakakakaba pa rin kapag nagme-message siya. 


kalixjm: Did you eat? 


Napangiti ako at nagtype ulit. Nakaiwas lang ng tingin si Sevi, probably giving me my privacy. He was looking around the place like it was his first time. Hindi na niya alam kung saan siya titingin. 


lunavaleria: eating right now hehehe


kalixjm: With? 


lunavaleria: my friend hahaha wish you were here tho :(


Matagal bago siya nakapagreply. Kinilig siguro, amp! 


kalixjm: Really? 


lunavaleria: oo 2 days na tayong hindi nagkikita tapos ang tipid tipid mo pa mag message wala ka bang data ha mahina ba wifi dyan 


kalixjm: Someone's clingy hmm 


lunavaleria: LUH FEELING 


Napatigil ako sa pagtytype nang ilapag na ang pagkain. Ayaw ni Sevi ng nagphophone habang kumakain kaya nilapag ko muna at nakipagkwentuhan sa kanya. Next game daw nila sa Friday at sabi ko manonood ako. Isasama ko na lang si Kalix kung papayag siya. 


Makakalaban din nila ang Ateneo. Doon ko na lang kaya isama si Kalix para magkalaban kami? Nakadilaw ako at nakablue siya. Maganda ata 'yon! Lalo na sa picture! Maganda 'yon! 


Napatingin ulit ako kay Sevi, nagtataka ulit kung bakit wala pa rin siyang nagiging girlfriend hanggang ngayon. Ayokong sabihin nang malakas sa kaniya dahil baka mag-yabang pero pogi naman siya, matangkad, mabait, matalino sa Math, may pangarap sa buhay. Lahat na! Bakit kaya wala pa ring nahuhulog dito? 


Sinuggest ko tuloy na gumamit siya ng dating applications. Baka sakaling makatulong. "Sabik na sabik ka atang hanapan ako ng jowa, ah." Umiling siya at kumain ng ramen niya. 


"Hindi naman! Feeling ko lang kaya ako palagi sinasamahan mo kumain o gumala, ganyan, kasi wala kang jowa na mapagtutuunan mo ng oras." Tumawa ako. 


"Hindi naman nasasayang oras ko sa 'yo, ah." 


Nagpahalumbaba ako habang ngumunguya ng kimbap. "Hindi ko naman sinabing nasasayang. Ang ibig ko lang sabihin, parang ang dull mo these past few days. Parang ang lungkot mo, ganoon." 


"Jowa ba sagot doon?" Pakikipagtalo niya pa. 


E, 'di hindi na! Ang sungit naman nito ngayon! Akala mo others! Pinagpatuloy ko na lang ang pag-kain ko. 


Ang sarap talaga ng kimbap tapos mas masarap pa 'yung sauce. Nakakainis si Sevi ninakawan pa ko ng tatlong pieces! Hindi na nahiya at nahuli ko pang dudukot ng pang-apat! Inagaw ko tuloy ang ramen niya kaya muntik pang matapon. Magkakalat na kami rito kung mag-talo pa kami. 


Nang pabalik na kami sa loob ng USTe, naisipan ko nang tignan ang reply ni Kalix sa phone ko. Nakalimutan ko kanina at hindi ko na nabasa. Baka kasi magalit si Sevirous kapag nag-phone ako nang nag-phone, e! 


kalixjm: How badly do you want to see me


Luh, ang kapal! 


lunavaleria: 4


kalixjm: What's the highest number


lunavaleria: 3 :(


kalixjm: Lol okay


Kumunot ang noo ko sa reply niya. Sineen ko na lang tuloy dahil minsan, hindi ko talaga maintindihan 'tong si Kalix. Lalo na kapag mayroon siyang mga law references! Hindi ko naman alam 'yon! Ang humor pa niya ay related sa law kaya tumatawa na lang ako kahit hindi ko talaga maintindihan. Kainis! 


I was desperately trying to keep up. Napapavisit ako sa mga memes page ng law students sa Facebook tsaka Twitter. Sana ganoon din siya ka-effort sa 'kin! 


Nagpaalam na si Sevi dahil may training pa raw sila kaya sumakay na ako ng jeep pauwi sa condo. Pagkapasok ko ng unit, paalis naman 'tong si Kierra na kanina pa pala nakauwi. Hindi man lang ako sinabihan! 


"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ko. Lagi na 'tong wala sa condo, ah! Iisipin ko nang may ginagawa 'tong kakaibang hindi masabi sa 'kin. Nakakapagtampo 'yon, ah! 


"May bibilhin lang," sagot niya naman pero naka-ayos. 


"Masyado kang ma-effort para bumili, ah. Saan ka bibili? Singapore?" Turo ko sa suot niyang pang-get out. 


Humalik lang siya sa pisngi ko bago umalis, hindi na nagpapigil. Naligo na lang ako at nag-gawa na ng plates. Mga 1 AM ko nang natapos gawin 'yung mga 'yon. Ang kalat na sa sahig at hindi ko naisipang ligpitin muna 'yon bago mag-skincare. Naglagay ako ng facemask at humiga sa may sofa habang nagiiscroll sa phone ko, nagtitingin kung may post si Kalix. 


Nakita kong may IG story siya. Picture lang ng beach. 'Yun na 'yon! Wala pa rin siyang kapost-post sa Instagram! Napaka-private. Artistahin. Ang showbiz ni Kuya mo! 


Gulat akong napatayo nang makarinig ako ng katok sa pinto. Dali-dali kong tinignan 'yung peephole pero wala namang tao! 


"Gago, minumulto ba 'ko?" Tanong ko sa sarili ko. 


Napatalon ako sa kinatatayuan ko nang may kumatok na naman. Matagal kong pinag-isipan kung bubuksan ko o hindi. In the end, dahan-dahan ko ring binuksan ang pinto at sumilip. Baka si Kierra na 'yon, pinagtitripan lang ako. 


"Chinese takeout?" 


"Ay, puke!"


Napahawak ako sa dibdib ko nang lumitaw si Kalix sa harapan ko, may dala-dalang takeout ng chinese food or whatever that was! Gulat na gulat ako pero mas nagulat din ata siya sa itsura ko. 


Ngayon ko lang naalalang naka-facemask pa rin ako, naka-messy bun ang buhok ko at nakaheadband, tapos nakapajama ako at barbie shirt. 


"Wow," he said after staring at my face for a few seconds. 


Hindi na ako nagsalita at tumakbo na kaagad ako sa C.R. Narinig kong pumasok na siya ng unit at sinara ang pinto dahil iniwan ko naman 'yong nakabukas. Tinanggal ko ang facemask ko at inayos ang buhok ko para naman mag mukha akong presentable! Ginawa ko na lang ponytail at tinanggal ang headband. 'Yung shirt ko at pajama, wala na 'kong magagawa roon kaya hinayaan ko na lang 'yon. 


Pagkalabas ko ng C.R., nilalapag na niya 'yung mga pagkain sa dining table. May yang chaw rice, shanghai, chicken, siomai, dimsum. Hindi na ako nagpakipot pa at umupo na kaagad sa dining. Nagugutom na 'ko! 


"You didn't eat dinner," sabi niya pagkaupo niya sa harap ko. 


"How did you know?" Tinaasan ko siya ng kilay. 


"Your IG story said, 'I'm so hungry. I'm craving for chinese food!'" He rolled his eyes and got us chopsticks. 


Kinagat ko ang dulo ng chopsticks ko para pigilan ang ngiti ko. "You're really paying attention to my stories, huh?" Kinikilig na tanong ko.


Akala ko kasi ay mabilis lang niyang pinipindot mga story ko para ma-skip, ganoon, dahil wala  naman siyang pakialam sa mga bagay na 'yon. Ngayon ko lang nalaman na talagang binabasa niya pala mga nilalagay ko roon! Interested na ba siya?! 


Sa susunod, ilalagay ko 'Craving for a boyfriend pls hmu'. 


Natawa ako sa sarili ko at kumuha na lang ng maraming pagkain dahil sa gutom. Nakakagutom kaya ang ginagawa ko kanina!  Nakaka-drain siya at hindi siya madali kahit ilang beses ko na 'yon ginagawa. Siyempre dapat iba-iba ang design para ma-challenge ko ang sarili ko. 


"Wait, akala ko bukas pa uwi n'yo?" Nagtatakang tanong ko. Sabi niya until Tuesday siya! 


"Nauna na 'ko," he simply said like it wasn't a big deal. 


"Why?" Nagtatakang tanong ko.


He glanced at me before turning his gaze on his food. 


"You said you wanted to see me." 


My heart really bursted! Pakiramdam ko lalabas na sa ribcage ko 'yung puso ko. Kinagat ko na lang ang loob ng pisngi ko para pigilan ang ngiti ko kung hindi mapupunit labi ko. Hindi na tuloy ako maka-kain sa kilig ko tapos hindi ko pa alam ang sasabihin ko kaya nanahimik na lang ako. 


Ang alam ko lang ay crush na crush niya ako! Gosh! Nakakaawa naman siya dahil hindi ko naman siya crush! Hay, paano ko kaya siya irereject? Char. 


Tumayo na rin ako para ligpitin 'yung mga pinagkainan namin at nilagay yon sa paperbag. Pagkatapos, nag-toothbrush na 'ko at umupo sa sofa. Tumabi na rin siya sa 'kin pagkatapos niya ring mag-toothbrush. Lagi atang may baon 'tong isang 'to. Hygienic! Gusto ko 'yun, ah. Tinanong niya kung nasaan si Kierra pero sabi ko umalis kaya kami lang ang naiwan. 


O, ano nang gagawin namin ngayon? 


"I'll go home after you sleep." Sabi niya. 


"Or you can sleep here?" I tried. 


"No, I don't have clothes."


Ano ba 'yan! Nakakainis naman! Hindi naman kasi kailangan ng damit! 


..na bago. Naka sweatshorts naman kasi siya at shirt kaya okay lang na matulog siyang ganyan. Wala akong iniisip na kakaiba! Gusto ko lang siya makatabi sa kama pero wholesome naman. Hindi pa ako ready sa mature roles. Siya ata ang nag-iisip ng kung ano ano dyan. Ano ba, conservative kaya ako! Chos.


"You can sleep," sabi niya nang humikab na 'ko. Inantok na 'ko bigla sa sobrang tahimik. 


Umiling ako dahil liligpitin ko pa pala 'yung kinalat ko. Tumayo ako at sinubukang ligpitin 'yung mga ginamit ko roon sa sahig. Tumigil lang ako kakapulot nang magsalita siya.


"Ako na magliligpit. Matulog ka na," he insisted. 


Nag-isip ako for 5 seconds bago ako nagkibit-balikat at pumasok na lang sa kwarto ko. I left the door open as an invitation for him to come inside. Hindi pwedeng siya ang mag ligpit! Sayang sa oras! Humiga na lang ako sa kama ko at tinawag siya. Sumunod naman siya kaagad. Parang pet lang.


Umupo siya sa gilid ng kama ko at umusog ako para bigyan siya ng maraming space. Nililibot niya ang tingin sa maliit na kwarto kahit wala namang masyadong design doon. Wala masyadong makikita, e. May shelves lang at naroon 'yung iba kong designs. 'Yun 'yung pinagmamasdan niya. 


"Ano? Sabi ng Amethyst mo wala ka daw interest sa design design kaya huwag kang tumingin tingin dyan," pagsusungit ko. 


Lumingon siya sa 'kin at tinaasan ako ng kilay. O, ano? Kaibigan niya naman ang nag sabi n'on! Mali ba 'yon? 


"I may not be that interested with designing but I know a good work when I see one. Yours are the best," he said so smoothly. 


"Hoy, grabe ka, pinapakilig mo ako! Baka i-kiss kita, sige!" Pang-aasar ko. Inirapan lang ako ng kumag at binalik na ang tingin doon sa mga shelves. "Ang duga. Si Amethyst na-kiss mo na tapos ako hindi pa." 


"That's different," he hissed. 


I made a face and mocked his words. That's different ka pa dyan! Ang sabihin mo, hindi mo lang talaga ako gusto! Char, ang arte. Siyempre hindi ko sinabi 'yun, 'no! Baka iwan ako bigla nito rito, e. I didn't want to push his buttons. 


"What's the difference?" I asked.


"I like you and I don't like her."


Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko at gulat na tumingin sa kanya, hindi inaasahan ang biglaan niyang banat. He glanced at me before looking away awkwardly like he also didn't expect himself to say that. I saw his Adam's apple move from swallowing too hard. 


Humawak ako sa dibdib ko. "Binabaliw mo talaga ako, Kalix. Easy ka lang, baka ma-inlove ako." 


"Luna, you honestly look like someone who would hurt me so don't be scared." He rolled his eyes. Hala, judger naman nito. Ako pa ang mananakit, e siya nga 'tong palagi akong sinusungitan. 


"How can I hurt you, huh?! Hindi ako na-inform na mukha akong walking heartbreak sa paningin mo." I rolled my eyes. Sa katotohanan nga, siya ang mukang mananakit sa aming dalawa kung magkatuluyan man kami. Kung lang. 


"I just know," he said softly. 


Natahimik ako. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya at nasabi niya 'yon pero sa tingin ko kailangan niya lang ng assurance. Hindi pa ba halata na gusto ko siya, ha? 


"Higa ka," alok ko sa kanya habang kinukuha ang earphones ko. 


Nakita kong nagdalawang-isip pa siya bago siya humiga sa tabi ko. Inayos ko ang earphones ko at sinuot sa tenga ko pero kinuha niya 'yung isa at sinuot sa kanya. I just played a song while we were both staring at the ceiling. 


Sa ceiling ko ay may glow-in-the-dark moon and stars. Inabot ko ang switch para patayin ang ilaw at makita namin nang maayos 'yung nasa kisame. 


"Ganda, 'no? Dito ako nagii-stargazing gabi-gabi!" Tumawa ako. 


Hindi siya nagsalita kaya napatingin ako sa kanya. His lips were in a grim line while he was staring at the moon. He even looked prettier under the dim light. Posible pa palang mas gumwapo siya sa paningin ko. 


"What's your dream house?" Tanong ko para may mapag-usapan kami. "Ang tagal naman sumagot. Sasabihin mo lang naman 'Kung anong gusto mo, Luna'!" Inunahan ko na siya.


"Ah, ganon," he sarcastically said. 


Nasayang ata 'yung effort niya sa pag-iisip dahil 'yun lang pala ang gusto kong marinig. Tumawa ako pagkakita ng reaksyon niya. Mukhang hindi niya rin maipaliwanag kung ano ang gusto niya. Basta simple daw. Sige, okay na 'yon. Ako na bahala sa gusto niya. 


"Malalaman ko rin naman 'yan kapag hinire mo na ko sa future para mag design ng bahay mo," seryosong sabi ko. 


"I want the one you sketched in my house." 


Napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo. "Akin 'yon, e! Mag-isip ka ng sa 'yo!" 


"I don't care. I want that, too." 


"Sige, tumira na lang tayo sa iisang bahay para hindi sayang ang pera." 


He smiled and chuckled with what I said. Napatitig ako sa kanya dahil ngumiti siya. I was admiring him for too long. Having him beside me felt too surreal. Sinalba ko ba ang mundo sa past life ko para mabiyayaan ako ng ganito kagandang tanawin? 


At nakahiga sa kama ko 'yung tanawin! "I like your playlist," he said after the long silence.


"I like you, too," I smiled. 


"I know that." 


Ang yabang! Ngayon ko nga lang sinabi ng harapan na gusto ko siya tapos I know that ang reply! Itong lalaking 'to! Kaya tuloy nakakagulat kapag siya ang bumabanat dahil hindi naman siya ganoon. He was so full of surprises. Surprise niya na sana ako bukas na kami na.


Gumilid ako ng higa para nakaharap na ako sa kanya. He consciously looked at me from the side before avoiding my gaze. Ang mahiyain naman. 


"Sleep, Luna."


I gave him a small smile before scooting over a little so I can make his arms my pillow. Inangat niya 'yon para makahiga ako nang maayos at makasandal ako sa braso niya. Ang isang braso niya naman ay pinagpapatungan ng ulo niya. 


Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Basta pagkagising ko, yakap ko na ang unan at nakakumot na 'ko. Tumayo ako para maghilamos at pagbalik ko sa kwarto, nakita kong may dinikit na note si Kalix sa headboard. 


'I have class.' 


Ngumiti ako at tumingin sa orasan. Mabuti na lang at hindi pa ako late pero kailangan ko pa ring magmadali. "Hoy! Hindi mo 'ko ginising!" Singhal ko kay Kierra pagkapasok ko ng room. Nauna na rito ang gaga!


"Paano kita gigisingin, eh ang sarap ng tulog n'yo ni Kalix! Baka mas magalit ka pa sa 'kin na ginising kita kesa sa pagka-late mo!" Sagot niya naman. 


Napaawang ang labi ko. "He slept there?!" Ulit ko. Ang sabi niya uuwi siya pagkatulog ko, ah! Baka nakatulog din dahil galing pa siya sa outing nila. 


It was a normal day at school. Nakinig lang ulit ako sa klase at noong uwian na, nag-view lang ako ng IG stories nila Adonis. Napakagat ako sa labi ko nang makita ko ang video ni Kalix na kakapasok lang ng pinto ng room nila. 


'SINONG LATE?'


'Yon ang nakalagay. Hindi ko alam kung kikiligin ako o maaawa sa kanya dahil na-late siya sa klase niya dahil nakatulog siya sa condo ko. Sana lang ay hindi law class ang naabsentan niya dahil sayang sa attendance at recit. Minessage ko tuloy siya kaagad. 


lunavaleria: huy na-late ka. law class ba? 


Nag-online siya kaagad.


kalixjm: Yeah, but it's fine. 


Na-guilty tuloy ako lalo kahit wala naman akong kasalanan! Siya naman ang natulog doon sa condo ko! Sabi niya uuwi siya tapos hindi naman umuwi! 


lunavaleria: sure ka? wag mo nang uulitin 'yon ha baka bumagsak ka dyan


kalixjm: Luna, it's my first cut. No big deal. I won't fail. 


lunavaleria: okayy san ka na? 


kalixjm: Likod mo


Napalingon kaagad ako habang naglalakad sa Beato. Nakita ko siyang nakaupo roon sa may gazeebo, sa tapat ng building ko at mukhang kanina pa siya naroon, naghihintay. Pinapanood niya kung paano liparin ng hangin 'yung dahon sa sahig. Napangiti kaagad ako at mabilis na naglakad palapit sa kanya. 


"Kanina ka pa?" Tanong ko kaagad pagkalapit. 


"No but I saw you walking out the building like a zombie."


Tumayo siya at kinuha ang dala-dala kong backpack. Nagulat ako pero binigay ko rin naman at naglakad kami sa may mga gazeebo papunta sa carpark. 


"How's school? You look tired," sabi niya habang naglalakad. "Let's take a rest." Binuksan niya ang pinto ng kotse niya pagkadating namin ng carpark. 


Hindi ko alam kung saan kami papunta pero hindi na lang ako nagsalita sa byahe. Nag-stop siya sa convenience store para bumili ng mga pagkain. Hindi ko maintindihan kung bakit pero hindi ko na lang kinwestyon ang mga desisyon niya sa buhay. 


Napatingin ako sa bintana dahil iba ang daan namin. Ayokong magtanong dahil gusto ko rin ma-surprise kung saan ba talaga kami papunta. Nanlaki ang mata ko nang ma-realize kung saan ang daan na 'to. 


"We're going to Tagaytay?!" Gulat na tanong ko. 


He just nodded like it wasn't a big deal! Napatingin ulit ako sa harapan at pinanood ang bilis ng mga sasakyan. Hindi pa rin ako makapaniwala dahil hindi naman ako prepared para dito! 


Nakakatakot si Kalix baka pakasalan na ko next week. Char. 


"If you don't want to, I can go back," sabi niya nang mapansin ang itsura ko.


"No! Go lang!" Gusto ko rin naman mag-relax at sayang 'yung mga binili niyang pagkain. 


In a few hours, nakarating na nga kami. Hindi ko alam kung saan niya 'ko dinala pero isa siyang viewdeck where we can see Taal Volcano. May mga benches din kung saan pwede kaming tumambay dahil bakante ngayon. May kinausap siyang staff doon habang ako ay nakatingin sa view. Sumandal ako sa railings at tumingala sa langit. 


The stars were shining so bright. Ang ganda pa ng buwan. 


Habang pinagmamasdan ko ang langit, naramdaman kong sumandal rin si Kalix sa railings, sa tabi ko. Naramdaman kong tinitignan niya 'ko at tinatantya ang reaction ko. Baka mahulog siya sa 'kin niyan kakatingin niya, ah. 


"We can sit down and eat," he said softly. 


Lumingon ako sa tinuturo niya. May nilatag siyang mat doon sa wooden floor at naroon 'yung mga pagkaing binili niya. Umupo ako roon at niyakap ang binti ko. Siya naman nakatungkod ang dalawang kamay sa likod at nakataas ang isang tuhod habang nakatingin sa langit.


"Bakit mo ko dinala rito?" Curious na tanong ko.


"It just reminded me of your ceiling," he smiled a little. 


I tilted my head to the side while staring at him. This man just never failed to amaze me. I was always used to him being cold so kapag may ginagawa siyang mga ganito, pakiramdam ko mahuhulog na talaga ako. Sana naman hindi niya galingan masyado. 


A small smile was plastered on his face while he was looking at the view. Humiga ako sa mat para hindi ako mangawit kakatingala. Siya naman, umiinom ng root beer in can. 


"You really know how to make women fall in love with you, e 'no?" Sambit ko. 


Napatingin lang siya sa 'kin. "I don't know." I made a face, mocking him. "Why? Are you falling in love with me?" 


Natahimik tuloy ako at pinagmasdan na lang 'yung langit. Kumabog 'yung dibdib ko sa tanong niya! Parang tinatraydor ako ng puso ko! Bakit hindi ko masagot? Ang simple lang, ah. Yes or no lang pero parang ayaw bumuka ng bibig ko. 


"Are you?" I asked back after a few seconds. 


He chuckled and casually drank on his root beer. "What do you think?" He arched a brow. 


I bit the insides of my cheek to stop myself from smiling. 


"I think you are," I teased. 


"Well..." He faced me. 


"Well what?" 


"I invoke my right against self-incrimination." He smirked and got another drink. 

________________________________________________________________________________

:) 


Invoking right against self incrimination, in basic terms, means you are using your right to not expose yourself or say anything/give information that may harm you or involve you in a criminal prosecution hahaha (often used during hearings. Ex: Napoles)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro