Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

10


"Hello? Ding dong!" 


Kumatok ako nang kumatok sa unit ni Kalix. 6 AM pa lang nang umaga ay nandito na 'ko at dala-dala ko pa sa paper bag 'yung mga balak kong lutuin dahil baka wala siya nito sa ref niya. Mabuti nang safe! 


"Hello?!" Kumatok ulit ako. 


Muntik ko nang ma-katok 'yung mukha ni Kalix nang bigla niyang binuksan 'yung pinto.  Nagulat ako dahil mukhang tulog pa siya at nagising lang sa katok ko. 


"Christ, what time is it?" 


"Hindi ka sasagutin noon," masayang sabi ko pagkapasok ko sa loob. 


Napakamot siya sa ulo niya. Napatingin ako sa suot niya at halos mahulog ang panga ko dahil wala siyang suot kung hindi boxers lang. Napaiwas tuloy ang tingin ko. 


Alam kong malandi ako pero mahiyain ako! Hindi pa kami nasa ganyang level na nagpapakitaan ng katawan at isa lang ang saplot! Saka na lang. Char. 


Narinig ko ang sarado ng pintuan niya. Siguro matutulog ulit 'yun kaya naman nagpunta na ako sa kusina para magluto. Pinagdasal ko na lang na wala akong masunog dahil hindi ko alam kung paano gamitin 'tong mga lutuan niya. 


Naisipan kong magluto ng sinabi niyang favorite breakfast niya. Fried rice, bacon, eggs. Dinagdagan ko na rin ng hotdog at spam para mas mainlove siya sa 'kin. Ang sabi kasi nila, the way to a man's heart is through his stomach! Naks! Naisipan ko ngang lagyan ng gayuma, e! Chos. 


Habang nagluluto ako, biglang nag-ring ang phone ko kaya agad ko ring sinagot nang makitang si Sevi ang tumatawag. "Oh? Ang aga aga, ha!" Reklamo ko kaagad. 


[Nood ka game namin!] Masiglang sabi niya sa kabilang linya. [Ngayon. May ginagawa ka ba?]


"Ay, oo! Nagluluto ako ngayon!" 


[Oh?! Anong niluluto mo?! Pahingi! Punta 'ko dyan!] Mukhang tuwang tuwa pa siya. Itong palamunin na 'to talaga! Basta pagkain, ang bilis, e! Nagpapantig 'yung tenga. 


Napaubo ako sa sinabi niya. "Wala ako sa condo, shunga!" 


[Saan? Nakila Sam? Nag night out pala kayo kagabi, e!]


"Tanga, nandito ako sa condo ng crush ko!" Kinikilig na sabi ko. 


Hindi siya nagsalita dahil siguro nagulat siya. Nakakagulat naman talaga! Marami pa akong hindi nakekwento sa kanya, e. Sa susunod na magkita kami, saka ko ikekwento lahat, lalo na sa part na sinabi ni Kalix na nagseselos siya para mahingi ko ang opinyon ni Sev! 


[Ba't ka nandiyan?] Tanong niya nang maka-recover. 


"Heto, nilulutuan ko siya ng breakfast!" 


[Sana all!] Tumawa siya. 


Sabi ko sa kaniya mamaya na kami mag-usap dahil hindi ako makapag-focus sa pagluluto. Sabi ko ring hindi ako makakapunta sa game dahil busy ako kay Kalix. Nakakakilig pala lalo kapag sinasabi ko sa ibang tao. 


"Goodluck na lang! Galingan mo!"


[Thanks, Luna.]


Pinagpatuloy ko na ang pagluluto ko pagkatapos kong putulin ang tawag. Pagkalingon ko, halos mabato ko ang spatula nang makitang nakaupo na doon sa breakfast table si Kalix. Nakasuot na siya ng white shirt at mukhang nagpalit ng sweatpants. 


"Kanina ka pa dyan?!" Gulat na tanong ko.


"No, I just woke up," sagot niya at tumayo para magtimpla ng kape. Hinain ko na 'yung mga niluto ko habang nagtitimpla siya doon. "You want coffee?" Tanong niya habang nakatalikod sa 'kin. 


"No, water lang ako. Stay hydrated," tanggi ko. 


Nilapag niya ang kape niya sa table at umupo. Pinagmasdan niya 'yung mga niluto ko na parang ngayon lang siya makakakain noon. 


"You cooked," sambit niya.


"Obvious ba?" Umirap ako at umayos na rin ng upo katapat niya. Ako na ang magsusungit ngayon sa kaniya, 'no! Akala niya, ah! 


Ingat na ingat siya at mukhang binabagalan pa ang pagkuha ng kanin at pagkain. Napansin ko na kaunti siya mag-kanin. O baka hindi siya mahilig mag heavy breakfast. Hindi ko alam. Ang mahalaga kinakain niya 'yung luto ko. Ibig sabihin pinagkakatiwalaan niya 'kong hindi ko siya lalasunin. 


Tahimik lang kaming kumain. Pinagmasdan ko na rin siya habang kumakain siya. Napansin kong medyo basa ang buhok niya kaya baka hindi siya natulog kanina. Naligo siguro siya dahil naaamoy ko ang shampoo at sabon mula sa kaniya. Kahit hindi naman siya maligo, ang pogi niya pa rin, e. 


"What are you thinking?" Tanong niya pagkasimsim sa kape. 


"Pogi mo," I giggled.


Hindi niya pinansin ang sagot ko at nagligpit na lang siya ng pinagkainan niya. "I'll wash the dishes," paalam niya sa 'kin. 


Tumango lang ako at niligpit na rin 'yung akin. Pagkatapos, dumiretso ako roon sa may sofa at nilapag na 'yung mga gagamitin ko para sa plates. Next week pa rin naman 'to due pero para lang masabing may ginagawa ako, gagawin ko na rin. 


Pagkatapos niyang maghugas, umupo na rin siya sa lapag at kinuha 'yung mga readings niya. Mayroon din siyang isang makapal na libro. Nakita ko kung gaano siya ka-organized dahil may mga kulay-kulay siyang maliliit na tape na dinikit doon sa libro niya, sa mga pages. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin noon.


"Graduating ka na next year, 'no?" Sabi ko habang pinaglalaruan ang lapis sa kamay ko. 


"If I will," seryosong sabi niya.


"Hala, ang negative! Siyempre gagraduate ka! Kitang kita ko naman na ang sipag mo mag-aral tapos balita ko marami ka pang recitation. Paano nga pala mga recit n'yo? Mahirap?" Pagdaldal ko.


"Mahirap kung hindi ka magbabasa," sagot niya habang nakatuon ang atensyon sa libro. 


"Nakatayo ka daw buong class kapag hindi mo nasagot?" 


"Kapag pinaupo ka agad, tama ka. If the prof has a lot of follow-up questions, you're doomed." 


Tumango-tango ako. "Eh paano kung-"


"Aren't you gonna do your plates?" 


Napasimangot ako nang binara niya ako. E, 'di huwag! Gusto ko lang naman makipag-usap pero mukhang busy siya kaya... Sige. Inayos ko 'yung mga kailangan ko. Nag-gupit gupit lang ako at nagtupi-tupi dahil hindi ko pa pwedeng idikit ngayon 'to. Uuwi pa 'ko, 'no! Hirap kaya magbuhat! 


Nang wala na akong magawa, nag-sketch na lang ako noong pangarap kong mansyon para ipakita kay Kalix. Mayroon na 'kong drawing nito dati pero gusto kong ulitin at pagandahin. 


Kinagat ko ang lapis ko habang nakatingin kay Kalix, pinag-iisipan kung guguluhin ko ba siya o hindi. Ang bilis magbasa ng mga mata niya! Sinusundan ko pa dahil ang bilis ng galaw! Paano niya naiintindihan 'yon? 


"What?" Tanong niya bigla. Napakunot tuloy ang noo ko. "I feel like you want to say something. What is it?" He turned his gaze to me. 


Tinignan ko ang sketchpad ko kaya napatingin rin siya roon. Gusto kong ipakita sa kaniya pero mukhang busy siya sa binabasa niya, e. Nakakahiya naman. 


"What's that?" Siya na ang nagtanong. 


Pinakita ko sa kanya 'yung drinawing kong bahay. "This is my dream house. Ano sa tingin mo? Maganda ba?"


Simple lang siya. Hindi ganoon kalaki pero hindi ganoon kaliit. Ayoko ng malaking bahay dahil pakiramdam ko malungkot siya. Kapag nagkapamilya ako, gusto ko 'yung maramdaman nila na pamilya kami at close kami sa isa't isa, ganoon. Mayroon siyang garden at swimming pool sa backyard. 'Yung loob, hindi ko pa napaplano. Basta dalawang palapag lang siya. May balcony sa taas at may veranda. Modern din ang design. I was thinking of dirty white and brown as the color palette. May garage din sa gilid. 


"How many people are going to live in there?" Tanong niya. 


"Hmm, asawa ko, ako, then I'm thinking of... about 2 kids? Or 3? Depende na rin sa mapapang-asawa ko and the budget. Ikaw ba? Kailan mo balak magpakasal?" 


"I don't know. After I get a job in a law firm. I'll be on my late twenties, I guess," sagot niya. "How about you?" 


"Hmm..." Nag-isip ako. "When you're already on your late twenties, I guess." 


Napataas ang isa niyang kilay sa sinabi ko. Agad akong tumawa sa reaksyon niya. Bakit gulat na gulat siya?! Ngayon lang ba may bumanat sa kanya nang ganoon?! 


I asked him about traveling this time. Tuluyan niya nang binaba ang libro niya sa table dahil patuloy ko rin siyang ginugulo. Sinandal niya 'yung braso niya doon sa upuan ng sofa at humarap na siya sa 'kin. He already went to Korea, Japan, U.S.A, Europe, lahat na ata ng binanggit ko! 


Ngumuso ako. "Buti ka pa! Ako Singapore and Korea pa lang. My parents are too busy. When they travel, palaging para sa business. Ayoko naman sumama kapag ganoon! Kadalasan, kinabukasan uuwi na agad. Pero may mga VISA naman ako. Hindi lang nagagamit." 


"Where do you want to go?" Tanong niya bigla. 


"My dream destination would be Iceland. Northern lights, grabe! It's the dream!" Nagpahalumbaba ako at inimagine ang sarili ko doon. 


Nagkwento pa ako tungkol sa mga gusto kong puntahan bago ko napagdesisyunang manood na lang ng TV habang nag-aaral siya. Sabi niya okay lang naman daw kaya nanood na lang ako noong pinapanood niyang How To Get Away With Murder. Doon pa lang ako sa pinakasimula dahil ngayon ko pa lang 'to papanoorin. 


Napabalikwas ako nang marinig namin ang doorbell. Napatingin din siya sa pinto na parang hindi niya inaasahang may bibisita. 


"Hala, sino 'yun?!" Nagpapanic na sabi ko. 


"I don't know." Tumayo siya at naglakad papunta sa pinto.


"Bro! Kanina ka pa hindi sumasagot, ah! Sabi ko chillnuman tayo! I brought beer!" Narinig ko kaagad ang boses ni Adonis.


"Hey, wait-"


Muntik nang mabitawan ni Adonis ang hawak niyang isang case ng beer nang makita ako sa may sofa. Napakagat sa labi niya si Kalix at sumandal na lang doon sa pader, umiwas ng tingin. Hala, napatayo rin tuloy ako sa gulat. 


"Gago, sorry! Hindi ko alam-" Lumingon si Adonis kay Kalix.


Mas lalo akong nagulat nang may pumasok pang dalawa. Si Leo tsaka si Amethyst! Bumalik ako sa pagkakaupo ko at umayos. Hindi ko alam ang gagawin ko! 


Hindi naman ako na-inform na may get together pala dito ng Ateneans! Sana ay nag-blue ako! 


"Yoooo! Natanggap mo naman text ko dib- What the fuck!" Napaatras kaagad si Leo nang makita ako, sabay lingon kay Kalix. 


Tinaasan lang siya ng kilay ni Kalix at umiling na parang naiinis sa mga kaibigan niya. 


"Tanga mo Adonis!" Reklamo ni Leo sa kaibigan. "Baho pa ng pangalan mong tarantado ka!" 


"Honestly, who is she?" Hindi man lang hininaan ng Amethyst na 'yun 'yung boses niya nang tinanong si Kalix. 


"Her name is Luna," sagot ni Kalix. 


"Okay, so? Are we going to leave na? You weren't replying to the texts kasi so we didn't know you have company?" Maarteng sabi ni Amethyst. 


"Hindi na! Ako na aalis!" Singit ko at tumayo para ligpitin mga gamit ko.


"No," agap ni Kalix. 


Napatigil kaming lahat nang magsalita siya. He stared at me for a moment like he was trying to communicate with me. 


"No, you'll stay," seryosong sabi niya.


"So paano kami, huh?" Mataray na tinaasan siya ng kilay noong quartz na 'yon. 


"What? You can't breathe the same air?" Kalix shook his head and got the case of beer out of Adonis' hands. 


Nakita kong may nireklamo pa si Amethyst kay Leo pero hindi siya nito masyadong pinapansin. Tinulungan ni Adonis si Kalix na maglagay ng beer doon sa ref habang naglakad naman papalapit sa sofa sila Leo. 


"Hi Luna!" Tumabi sa akin si Leo. "Sorry, hindi namin alam you're here pala." 


"Okay lang. Hindi ko rin alam na dadating pala kayo," nahihiyang sabi ko habang nililigpit ang gamit ko sa coffee table. Ang kalat ko pa naman dahil nag gupit pa ako! 


"Wow! Gawa mo 'yan? Patingin nga! Ang ganda naman!" Tinignan ni Leo 'yung sketchpad ko. 


"Hoy Leo! Tumulong ka raw dito sabi ni Kalix!" Sigaw ni Adonis. 


Tumawa si Leo bago tumayo at pumunta roon sa kusina. Naiwan tuloy kami ni Amethyst. Nakaupo siya roon sa kabilang sofa, malayo sa akin. Pinagpatuloy ko na lang ang pagliligpit ko, hindi pinapansin ang presensya niya.  


Pupulutin ko na sana 'yung last one kaso natapakan niya. 


"Oops, sorry!" She smiled at me sweetly before taking her foot off my paper. Hindi na lang ako nagsalita at tinago 'yung papel kahit nalukot. "So, you're from UST, right?" Tanong niya habang nilalagay ko 'yung mga papel sa folder ko. 


"Oo," maikling sagot ko. 


"Your name is?"


"Luna." 


Parang naging si Kalix ako sa ikli ng mga sagot ko. Nakakairita siya kausap. Ganito ba nararamdaman ni Kalix kapag kausap ako kaya maiikli ang sagot niya? O tahimik lang talaga siya? 


"Oh, luna means moon," she stated.


"Alam ko." 


Umupo na rin ako sa kabilang sofa. Hindi ko alam kung ipapagpatuloy ko pa ang panonood ko. Dahil napatingin ako sa TV, tumingin rin si quartz. 


"You're watching How to Get Away?" Tanong niya sa 'kin. 


Bakit ba ang ingay niya? Nakakairita pa ang boses niya. 


"Omg, Season 1 ka pa lang?" Tinawanan niya 'ko. "Are you planning to be a lawyer too?" 


"Archi," sagot ko naman. 


"Oh, an Architect pala. Why are you watching How to Get Away, then? Does it interest you kahit you're not planning to take law?" 


Ang dami niyang tanong. Bawal ba manood ng mga ganoon kapag hindi mag-aabogado, ha? Siya lang ba may karapatan? Inis na inis ako pero sinubukan ko pa ring maging mabait. 


"Hmm, if you want to take law, tell me na lang! Kalix and I are planning to take the exams together and then hopefully, we'll get into the same law school. We're excited nga, e. We're already reviewing for it na rin. He's so studious, you know?" 


Tumango ako at hindi nagsalita. Masyado niyang pinapamukha sa 'kin na pareho sila ng interests at close sila to the point na sabay silang mage-exam at parehas sila ng school na papasukan. Alam ko naman 'yon. Hindi na niya kailangang sabihin. Para saan pa? 


"What did Kalix say about your designs? He's not really a drawing and design person. He doesn't really care about that, as far as I know," she smiled again. 


Sigurado akong pinapatay na niya ako sa isipan niya kahit nakangiti siya. "Wala naman." Tumingin ako sa kusina dahil ang tagal nilang bumalik! Nakita kong may pinag-uusapan pa sila at mukhang inaasar noong dalawa si Kalix. Napipikon na nga ang mukha, e. 


Kumuha ng dalawang bote ng beer si Kalix at naglakad palapit sa sofa. Nilapag niya 'yung isang bote sa lamesa at umupo sa tabi ko. 


"Thank you!" Kinuha ni Amethyst 'yung bote. 


Napaawang ang labi ni Kalix at binalik ang tingin sa 'kin. Ako naman, nakatingin lang sa harapan. Bahala sila diyan. Ayokong makisali. 


"Are you okay?" Tanong ni Kalix sa 'kin. Tumango lang ako sa kaniya. 


"Oy! Tara na, laro na tayo!" Lumapit si Adonis at naglapag ng baraha. "Marunong ka, Luna? Pusoy?" 


Umiling ako kahit marunong ako. Ayoko lang talagang maglaro dahil baka mag-inarte na naman 'yang si Amethyst. Ramdam na ramdam ko ang pagka-ayaw niya sa presensya ko. Kulang na lang palayasin niya 'ko rito, e! 


Nagsimula silang maglaro at nanood na lang ako. Kapag natalo daw ay may truth or dare silang pa-keme. Noong una, natalo si Leo. May tinanong lang sa kanya tungkol sa isang babae na hindi ko kilala kaya hindi ako naka-relate. Palaging nananalo si Kalix at ang goal ata nila ay matalo siya. 


"Ano ba 'yan! Pangit ng cards!" Reklamo ni Amethyst nang matalo siya. "Dare!" 


"Dare daw," siniko ni Adonis si Leo. 


"Call your crush," sabi ni Leo. 


"Really?" Umirap si Amethyst at kinuha ang cellphone. 


Napatingin ako sa phone ni Kalix na nagvivibrate sa lamesa. Tinignan niya lang 'yon at uminom ng beer sa boteng hawak niya, walang pakialam.


Napaiwas ako ng tingin habang nagkakantyawan sila Adonis at Leo na parang alam naman na nila 'yon at pinagtripan lang din si Kalix. 


"Truth," sagot ni Kalix nang siya ang matalo. Hawak niya pa rin ang bote at mukhang naiinip na. 


"Wala akong maisip." Sinulyapan ako ni Adonis at nginitian ako. 


"Hay nako! I'll ask na nga lang!" Pinangunahan na silang dalawa ni Amethyst. "Hmm, truth. Do you still think of our first night together?" 


Muntik nang madura ni Adonis ang iniinom niya. Walang nagbago sa reaksyon ni Kalix. Seryoso lang siyang nakatingin kay Amethyst. Nahugot ko ata ang hininga ko sa tanong na 'yon. Masyadong bulgar. Hindi ko naman inaasahan na ganito pala ang tanungan. 


"The fuck you mean?" Tinaasan siya ng kilay ni Kalix. 


Napatingin sila sa akin dahil bigla akong tumayo at kinuha ang bag ko. Ayoko nang marinig ang mga susunod kung mayroon man. Pakiramdam ko hindi naman dapat ako narito kaya aalis na lang ako. Nasasaktan ako sa pinag-uusapan nila. 


"Uuwi na 'ko." I smiled at them and walked fast towards the door. Gustong gusto ko nang makaalis dito. 


Bubuksan ko na sana ang pinto nang hinawakan ni Kalix ang braso ko para pigilan ako.


"Luna," he called. 


"Ano? Uuwi na 'ko." Tinanggal ko ang hawak niya sa braso ko at binuksan na ulit ang pinto. Humarang siya sa harapan ko para hindi ako makaalis.


"I don't know why the fuck she said that," pagpapaliwanag niya. 


"I don't care, Kalix. Please, uuwi na 'ko," pagmamakaawa ko na.


He seemed defeated when he stepped aside to give me space. Agad akong naglakad palabas at naghintay ng elevator. Gusto kong maiyak sa inis! Naiinis ako at nagseselos ako! Alam kong sinasadya ni Amethyst kaya mas lalo akong naiinis! 


Pagpasok ko sa elevator, akala ko sasara na pero hinarang ni Kalix ang kamay niya. Naka-hoodie na siya ngayon at dala ang susi ng kotse niya tsaka phone. 


"Bakit ka sumunod?!" Inis na sabi ko pagkasara ng elevator. 


"I'll take you home," maikling sabi niya. 


"Ayoko! Kaya kong umuwi mag isa!" 


"We'll talk, okay?" He said softly. 


"Bakit iniwan mo mga kaibigan mo doon?! Ikaw may ari ng condo tapos iiwan mo sila doon?! That's rude! Bumalik ka na roon!"


"Kahit ano pang sabihin mo, hindi ako babalik! I'll fucking stay with you!" 


Napaawang ang labi ko at hindi nakapagsalita. Nang bumukas sa carpark, pinauna niya ako palabas para masiguradong sasama ako. Huminto kami sa tapat ng kotse niya pero hindi niya binuksan. 


"I don't know why she said that," he explained again. 


"Hindi niya sasabihin 'yun kung wala naman talaga," ganti ko. "I mean, okay lang naman sa 'kin. Wala akong pakialam kung nag-sex kayo o-"


"We didn't have sex!" He said, looking disgusted. 


"E, ano?!" Kung magpapaliwanag siya, sana lahatin na niya para naman matahimik na rin ang utak ko. Ayoko namang maramdaman na palagi akong nakikipag-paligsahan. Kung gusto niya 'yon, tatabi naman ako, e. Hindi naman ako namimilit. 


"We just kissed! You know those shit they plan during night outs? 15 seconds in fucking heaven or whatever they call that. We were thrown inside a room and we just kissed. And I was just 17!" 


I bit my lower lip to stop myself from bursting. I hated the idea of it! Kinwento pa niya nang detailed! Nakakainis! Ngayon hindi na mawala sa utak ko! Ginusto kong malaman pero masakit pala kapag galing na mismo sa bibig niya. 


"Nakakainis ka, tangina mo!" Galit na sabi ko. 


"Luna, please," napamasahe siya sa sentido niya. "Don't be like this." 


"Of course! Why would I act like this? Sino ba 'ko?" Paghahamon ko.


"Stop being jealous-"


"Of course! I don't have the right to be!" I cut him off. "I already know that. Ikaw? Why are you here?! Bakit mo iniwan mga kaibigan mo doon?!" 


"I told you I'll take you home-"


"Why?!" 


"I like you, okay?!" 


My body froze and my brain suddenly stopped functioning. Napakurap ako sa sinabi niya dahil sa gulat. Parang biglang bumagal 'yung paghinga ko. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Parang kakawala na sa dibdib ko! 


"Fucking hell," he whispered before slamming his hand softly on the door of his car. 


Nanatili ang dalawa niyang kamay sa bubong ng sasakyan niya at sinandal niya ang ulo niya roon na parang hindi rin siya makapaniwalang sinabi niya 'yon. Ako rin... Hindi rin ako makapaniwala sa sinabi niya. 


"You.. what?" I tried to ask again so he would repeat it. I wanted to make sure that I heard it right. 


Huminga siya ng malalim bago ako hinarap. "I said I'll take you home." He purposely avoided it. 


"No, not that one. 'Yung isa mong sinabi."


"Please don't act like you didn't hear it." Umiling siya at binuksan ang pintuan ng kotse niya. 


Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan habang nagdadrive siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Para akong nawalan ng dila dahil hindi ako makapagsalita ngayon. Gustuhin ko man, wala akong masabi. 


"Napadami ka ata ng beer," sabi ko pagkatapos ng mahabang katahimikan. 


"I don't think so," he replied in a serious tone.


Nakalikot ko na ata lahat sa harapan ko. 'Yung aircon, 'yung bintana, 'yung mini compartment. Hindi ko na tuloy alam kung paano mababawasan ang awkwardness. 


Gusto niya 'ko... Parang ngayon lang nag sink in sa utak ko ang sinabi niya. Oh my gosh! My heart started beating faster just when I thought that I already calmed down! I bit my lower lip to stop myself from smiling. 


"So..." Panimula ko ulit. "Ipapakilala na ba kita sa mga magulang ko?" 


"What?" Agad kumunot ang noo niya.


Tumawa ako sa reaksyon niya. Napakaseryoso naman! Halatang kinabahan sa sinabi ko, e. Hindi ko naman siya pine-pressure. Hindi naman siya cooker. 


"Ano nga 'yung sinabi mo kanina?" Pangungulit ko pa rin. 


"You heard me," masungit na sabi niya. 


Sumimangot ako sa kanya at pinagkrus ang braso sa dibdib. Sumandal na lang ako at tumingin sa harapan. Walang kwenta kausap! Bawat pilit ko, binabara niya lang ako. Ang hirap talagang magpumilit sa kaniya! 


"Nahiya ka pa. Ako lang 'to, ano ka ba!" Pang-aasar ko ulit. 


"Stop it," pikon na sabi niya. 


"Ako lang 'to, crush mo." I giggled like a happy kid. 


"Stop it, Luna." 


Patuloy ko lang siyang inasar hanggang sa makarating kami sa lobby ng condo. Tinanggal ko ang seatbelt ko at humarap sa kanya. "Busy ka bukas?" I asked. 


"We have a family outing in Batangas." 


Napasimangot ako. "Sige, gagawa na lang ako ng plates bukas. I'll see you on Monday?" 


"The outing is until Tuesday," pahabol niya. 


Mas lalo akong napasimangot! Kainis naman! Inuuna pa pamilya niya! Mahalaga ba 'yun?! Charot! 


"Sige, see you on Wednesday," sabi ko at umaktong bubuksan ang pinto. 


Lumingon ako sa kanya dahil hinihintay niya nga akong bumaba. Tinaasan niya 'ko ng kilay nang mapansing hindi ko pa rin binubuksan ang pintuan. Hindi ba siya makaramdam? May hinihintay ako, oh! 


"Walang kiss?" I teased again. 


He rolled his eyes again. 'Yung isang kamay niya ay tamad na nakapatong sa manibela at 'yung isa, roon sa gear nakahawak. 


"Sumulat ka habang wala ka, ha," sabi ko pa. 


"I'll message you." 


Wow! Level-up! Inu-update na niya 'ko! 


"Wala talagang kiss?" Sabi ko pagkabukas ko ng pinto ng sasakyan. 


"Just go, Luna." Napailing siya sa 'kin, halatang napipikon na. Napipikon o nahihiya? Either way, he looked so cute. 


Tumawa ako at bumaba na ng sasakyan pero bago ako pumasok sa building, kumatok ako sa bintana niya. When he opened it, I gave him a flying kiss before running to the lobby. Naglalakad pa lang ako, nagvibrate na ang phone ko.


kalixjm: You stole a kiss. 


Tumawa ako bago nagreply. 


lunavaleria: just give it back on wednesday

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro