05
"Please don't vomit."
Nakapikit ang mga mata ko pero parang umiikot pa rin ang paningin ko. May nilagay na plastic si Kalix sa mukha ko, nakasabit sa magkabilang tenga ko para kapag sumuka ako ay diretso roon. Gusto kong tumawa pero hindi ko magawa dahil sa hilo ko.
"Please, please, just don't vomit. We're almost there," pagmamakaawa niya.
Tumango ako. Fine! I won't vomit! Halatang mahal ang kotse, e! Gusto ko 'yun sabihin pero nakatanga lang ako ngayon sa bintana, pinapanood kung gaano kabilis ang pagpapatakbo niya. Halatang nagmamadali. Parang may emergency?!
Huminto kami sa may parking lot ng building nila Sam. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan ako pababa. I sniffed on his chest to smell his manly perfume. Ang bango talaga. Ano kayang brand para bibili rin ako?
"Hmm, you smell good," I commented.
He whispered a curse before carrying me, bridal style. Gusto kong sumigaw pero masyado akong nahihilo para gawin 'yon. Sa loob-loob ko, kilig na kilig ako.
Hindi ko alam kung dahil ba sa alak kaya ang bilis ng tibok ng puso ko o dahil sa kanya. Kumapit na lang ako sa leeg niya habang naghihintay kami ng elevator. Mabuti na lang at walang tao.
"You have Sam's keys?" He asked.
"Huh? Kiss?" Gulat na tanong ko.
"Keys. Susi, Luna. Susi," he clarified, almost losing the thin string of his patience.
I giggled before shaking my head. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at muntik na akong bitawan. Nawala rin 'yun kaagad.
"You don't have keys? How the fuck are you going home, then?"
He was scared to ask because he knew exactly what to do. I can almost hear him thinking. Binaba niya ako saglit para pindutin ang pinakamataas na floor, kasunod ng roofdeck siyempre. Para akong na-sober bigla nang marealize kung saan kami papunta.
"I'll take you home," he said softly.
I nodded. "Okay!" I even sounded enthusiastic!
Umiling siya at binuhat ulit ako nang huminto na ang elevator. He was trying to get his keys while carrying me. Medyo nahirapan siya but he managed to open the door. He kicked it a little so it would open wider before walking inside.
I was too drunk to even look around. I just knew that his condo was really big because he moved around a lot. Nakapikit na lang ako at nakahawak sa ulo ko dahil umiikot ang paningin ko. In just a few seconds, I felt the soft foam on my back, followed by the manly smell of his bedsheet.
I opened my eyes a bit and saw him standing in front of me, looking at me while trying to figure out what to do next. He ruffled his hair and turned his back at me. Nilagay niya iyong isang kamay sa dingding habang ang isa ay nakahawak sa ulo. I heard him grunt. Kulang na lang ay i-untog niya ang ulo sa dingding.
I tried to sit down pero agad akong nahilo kaya bumalik na lang ako sa pagkakahiga. Naramdaman kong lumapit siya sa akin para tanggalin ang heels ko.
"You're a mess," he whispered.
"I'm your mess." I let out a flirty laugh.
Kahit lasing, lumalandi pa rin talaga! Bilib na ako sa sarili ko!
"I can't change your clothes, sorry. You would have to sleep in those."
Nakita ko siyang tumayo at pinatay ang ilaw. Pagkatapos, sinara na niya ang pinto. Hindi na ako nag-abala pang isipin kung saan siya pupunta kaya natulog na lang ako nang tuluyan.
"Punyeta."
Napahawak ako sa ulo ko pagkagising ko. Nang tuluyan ko nang madilat ang mga mata ko, agad akong napalingon sa paligid.
Pucha, nasaan ako?
Dahan-dahan akong tumayo at tinignan ang suot ko. Mabuti na lang at iyon pa rin! Tumingin ulit ako sa paligid ko. Black, grey, and white lang ang kulay ng mga gamit sa kwarto. Pamilyar din ang amoy sa 'kin.
Ang bilis ng tibok ng puso ko! Lumandi ba ako? May nag-uwi ba sa 'king hindi ko kilala?!
Umupo ulit ako sa kama at napahawak sa ulo ko para alalahanin kung ano ba ang nangyari. Napatingin ako sa may side table at kinuha ang picture frame doon. Kumunot ang noo ko nang makita ang batang kamukha ni Kalix.
Oh shit!
Oo nga pala!
Kinuha ko rin ang tubig na nakalapag doon sa side table at ininuman 'yon bago ako dahan-dahang tumayo. Inayos ko ang bedsheet habang mangha pa rin sa laki ng kwarto niya. Hinanap ko ang gamit ko at nakita ang bag ko sa may sofa kaya agad kong kinuha ang cellphone ko.
Shit, ang daming text at tawag! Nangunguna si Kierra!
From: Via
Wtf Luna! Anong sabi mong uuwi ka na? Paano ka uuwi wala ka namang susi?!
From: Sam
Huy ssn ks na eaw
From: Sam
whwre r u
From: Yanna
punyeta kang babae ka nasaan ka bakit may lalaki ka raw kasama palabas ng club
From: Yanna
galingan mo!
From: Kierra
NASAAN KA?
From: Kierra
HINDI KA SASAGOT, LOUISSE NATASHA?
From: Kierra
Sagutin mo tawag ko.
From: Kierra
Putangina pag hindi mo sinagot tawag ko
From: Kierra
Ipapa-pulis kitang hayop ka kaunti na lang
Natakot kaagad ako sa mga text ni Kierra! Baka sinumbong na ako kay Mommy! Agad akong nag-chat sa GC namin para malaman nilang okay lang ako.
Luna: hey guys wassup i'm fine inuwi ako ni kalix mamaya na kayo magalit
Para akong hindi makabasag-pinggan nang dahan-dahan ko ring binuksan ang pinto at sumilip sa labas... pero hallway lang ang nakita ko. May tatlo pang pinto sa hallway. Wala na akong balak buksan 'yon dahil hindi ko naman condo 'to!
Balak kong takasan si Kalix pero halos tumakbo ako pabalik nang makita ko siyang nakaupo doon sa mataas na upuan sa may breakfast table, drinking orange juice. He's wearing a black shirt at medyo basa pa ang buhok, halatang kakaligo lang.
"Morning," he greeted.
Unti-unti akong umatras bago tumakbo pabalik doon sa kwarto. Pumasok ako sa C.R at naghilamos ng mukha, nagmumog pa ko ng mouthwash at inayos ang buhok ko bago ako lumabas ulit doon sa common area.
"Good morning," walanghiyang bati ko at naglakad palapit. Tinulak niya sa may table ang isang plato na naglalaman ng dalawang toasted bread, urging me to eat. "U-uh..." Ngayon nahiya na ako.
"What? You can't even eat?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"I just... Kailangan ko nang-"
"Umalis?" He scoffed. "At least do yourself a favor and eat. You almost puked your whole intestine last night."
Umiling siya at bumaba roon sa may upuan para maglakad papunta sa ref. Wala akong nagawa kung hindi umupo na lang din sa mataas na upuan at kumuha ng bacon and egg para ipalaman sa tinapay.
So he knew how to cook. That was nice. Nag-abala pa siya, ah.
Naglapag siya ng baso ng tubig sa harapan ko tsaka gamot. Gusto kong kiligin pero mas nangingibabaw ang kahihiyan ko ngayon. Wala akong karapatan kiligin!
"How are you feeling?"
Wow, he talked to me!
"I'm fine. Medyo masakit lang ulo ko," nakayukong sabi ko habang kumakain ng tinapay. I felt the need to apologize. "Sorry... kagabi... Hindi ko naman ineexpect na malalasing ako nang ganoon-"
"Same," he cut me off.
"Sorry talaga! And thank you for bringing me home. Babawi ako, promise! I can... I can buy you dinner or something to eat! Kahit ano! I'm really sorry!" Hiyang hiya ako sa sarili ko. May nasabi kaya ako kagabi? O may ginawa ako sa kaniya?
"It's fine," seryosong sabi niya.
"May... nangyari ba kagabi? Wala naman, diba?" I asked just to make sure.
He looked disappointed in me for asking. What?! Disappointed ba siya dahil hindi ko maalala o may ginawa talaga ako?!
"I didn't touch you, if that's what you're worried about."
Hala, hindi naman 'yon ang sinasabi ko! Sa aming dalawa, mas nag-alala pa 'ko sa sarili ko dahil baka ako ang may kahihiyang ginawa. Niligpit niya na 'yung pinagkainan niya at nilagay sa sink. Pagkatapos, sumandal siya roon at nagkrus ng braso habang nakatingin sa 'kin.
"No! I mean, I know that you won't touch me! Tinatanong ko lang kung may nangyari ba sa akin! Sa akin, kung may ginawa ako o sinabi akong mali! Sorry!" Agad na depensa ko dahil parang na-offend siya sa sinabi ko.
Umiling siya sa 'kin. "I know how important consent is, Luna."
"I know! Wala naman akong sinabi!" Nagpapanic na ako but I heard him laugh so I relaxed a bit. Mukha namang hindi pala siya galit. Binilisan ko ang pag-kain ko at ako na ang nagligpit para hindi na siya maabala. "Ako na maghuhugas."
"Just leave it there." He pointed at the sink.
"Ako na," I insisted.
"No, I can wash the dishes. This is my place."
"I already caused you too much trouble. Hayaan mo nang gawin ko 'to, please?" I asked again.
In the end, pumayag na rin siya. Umupo siya sa sofa habang naghuhugas ako ng plato, suot pa rin 'tong bwisit na dress na 'to! Pakiramdam ko ang rumi-rumi ko at narumihan ko ang bedsheet niya.
"Uhm..." I started talking while washing the dishes. "Wala ka sa UST noong Friday. Sabi mo pupunta ka?" I tried to casually ask.
Napalingon siya sa akin galing doon sa sofa. He let his arm drape over the couch and looked away from me, looking a little embarrassed. About what?
He licked his lower lip before talking. "I.. was there."
"Huh?" Naguguluhang tanong ko.
"I was there.. You weren't."
This was the first time I saw him bothered. Usually, seryoso lang siya. Ngayon, hindi siya makatingin sa 'kin. Oh my gosh, mukha siyang nahihiya. How cute!
"I went home because I saw your friend's IG story. Nasa gym ka, e, so umuwi na lang ako."
"You went home?" He asked like I was lying. "No, you were with that guy."
Kumunot ang noo ko at pinihit ang gripo dahil tapos na akong maghugas. Nagpunas ako ng kamay doon sa nakita kong maliit na towel sa tabi habang iniisip kung sino ang tinutukoy niya. Ano bang nangyari noong araw na 'yon?
"Sinong guy?" Nagtatakang tanong ko.
"How would I know?" He shot back like I did something wrong!
Then, I remembered. "Ah! That's Sevi. He's like my brother."
Why was I even explaining myself?!
Ayoko lang na isipin niyang may boyfriend ako. Panira 'yon sa mga moves ko! Baka isipin niya nilalandi ko siya kahit may boyfriend ako. E 'di ang sama ng image ko, 'di ba?
"The next time kasi na pupunta ka, message me. Hindi naman ako na-inform na gusto mo akong makita," I teased.
I saw him roll his eyes so I laughed. Hindi man lang dineny, ah! Baka umasa ako niyan, Kalix.
"I need to go now," pagpapaalam ko. He didn't even respond. Dumiretso na lang ako sa pinto at nag-bye sa kanya bago ko sinara.
Pagkarating ko sa condo ni Sam, halos sabunutan na nila akong lahat! Galit na galit talaga si Kierra sa akin dahil hindi naman siya sanay na nawawala na lang ako bigla, hindi katulad ni Yanna.
"So, ano? May nangyari ba?" Iyon kaagad ang tanong sa 'kin ni Yanna. Himala na narito siya, ah.
"Wala! Pwede ba mag-shower muna ako? Feeling ko ang dumi at baho ko, e!" Kinuha ko ang towel ko pero humaharang si Yanna sa dinadaanan ko.
"Bakit wala?!" Reklamo niya.
"Hindi naman ako katulad mo na magaling, sis! Tabi nga diyan!" Hinawi ko siya sa daan bago ako pumasok ng C.R.
Ang tagal ko ring naligo. Gusto ko lang matanggal 'yung germs sa club. Kung sino-sino pa naman ang nadidikitan ko ng balat sa dance floor dahil medyo masikip at maraming tao. Saturday kasi, e. Mahirap talagang lumabas kapag Saturday.
Pagkabihis ko, umuwi na rin kami ni Kierra. Hindi pa rin niya ako pinapansin kahit nang makarating na sa condo. Galit talaga ang pinsan ko!
"Huy, sorry na! Hindi ko kasi kayo mahanap kagabi!" Sabi ko nang makapasok sa unit. Padabog niyang nilapag ang bag niya. "Ke, sorry na, please? Hindi ko na uulitin!"
"Talagang hindi mo na uulitin!" Galit na sabi niya sa 'kin. "Alam mo bang muntik na talaga kita ipahanap sa pulis, ha?! Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kila Tita kapag may nangyari sa 'yo!"
Tumungo ako na parang tutang pinapagalitan. Hala, galit talaga siya, ah. Hinanda ko na ang sarili ko sa sermon niya. Sa aming dalawa, mas responsable siya.
"Hay nako, Louisse Natasha!" Stressed na sabi niya sa 'kin. "Kung lalandi ka naman, magpaalam ka! Hindi 'yung bigla ka na lang nawawala! Lalo na't ang daming manyak at kupal na lalaki! Kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko! Kapag may nangyari talaga sa 'yo, makakapatay ako!"
I cutely smiled at her. She looked so cute. She valued me a lot! At least I had someone who genuinely cared for me. "Thanks, Ke. Huwag ka nang magalit. Hindi ko na uulitin."
Hindi rin naman niya ako natiis kaya pinatawad niya na rin ako. Nangyari na, e! Bumalik na siya roon sa pinipinta niya at ako naman, binuksan ang Instagram ko para i-chat si Kalix at guluhin.
lunavaleria: nakauwi na 'ko :)
Naghintay ako ng reply niya. Maya-maya, nakita kong online na siya sa Instagram.
kalixjm: typing...
kalixjm: K
Nabulabog si Kierra sa lakas ng tawa ko. Alam kong dapat naiinis ako kasi ang tagal niyang nagtytype tapos 'yun lang pala ang sasabihin pero natawa talaga ako sa reply niya. It was so like him.
lunavaleria: so pwede ka na bang guluhin ngayon?
Nang hindi siya mag-reply, nagchat ulit ako.
lunavaleria: permission to approach the bench, your honor?
kalixjm: Not granted
lunavaleria: sungit naman, atty!
kalixjm: What do you need
lunavaleria: i need you
kalixjm: typing...
lunavaleria: to talk to me hehehehe wyd atty? kumusta readings? marami ba? keri mo naman ba? gusto mo tulungan kita?
kalixjm: As if you would understand
lunavaleria: grabe siya! i can understand words!
kalixjm: They're not just words.
lunavaleria: you really don't wanna talk right now?
kalixjm: sent a photo
I opened the photo and saw him reading something from CDAsia in his laptop. Hindi na ako nag abala pang basahin kung ano ang nakalagay roon dahil alam kong kaso 'yon at hindi ko naman maiintindihan!
lunavaleria: sige na nga! final answer na 'yan?
kalixjm: Yes
lunavaleria: sure?
kalixjm: Res judicata.
Napairap ako. I didn't even know what it meant! Hindi na lang ako nag-reply at nanood na lang ng series sa Netflix dahil tapos ko na ang plates ko at wala na akong magawa. Then I played Mobile Legends with Sevi. Natawa ako nang makitang ako ang MVP dahil sa dami ng kill-steal ko sa kanya.
I posted a screenshot of it on my IG story. 'HAHAHAHA what's up @sevirous trashtalkan tayo. bagal mo kasi e nauunahan ka tuloy HAHAHAHA'.
sevirous replied to your story
sevirous: ouch
Tumawa ako habang nagtytype. Napatigil lang ako nang mag-chat si Kalix. Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko dahil sa sobrang gulat.
kalixjm: ML.
Nanlaki ang mata ko.
lunavaleria: you play?????? ano rank mo????
kalixjm: Mythic
lunavaleria: ok.... ikaw na
lunavaleria: akala ko ba busy ka? huh?
kalixjm: Hindi na.
Tumawa na naman ako. Bakit ba sa lahat ng sinasabi niya, kahit gaano ka-simple, natutuwa ako? Napapangiti pa 'ko na parang tanga. Crush na crush ko ata 'to, e.
lunavaleria: yoko nga makipaglaro sa 'yo. papalakas muna ako boss para magkatapat na tayo.
kalixjm: Tss.
Legend pa lang ako, e! Hindi pa 'ko Mythic! Papabuhat ako kapag hindi ko na kaya!
Kinabukasan, maaga kaming pinaalis ng prof kaya naman dumiretso na kami ni Kierra at Via sa MOA Arena para manood ng laban ni Sevi. Medyo na-late pa kami kaya 2nd quarter na lang kami umabot. So far, lamang naman kami.
"Go Sevi!!!!" Malakas na sigaw ko nang mapunta sa kanya ang bola. Nagsigawan ang mga tao nang ma-shoot niya 'yon. 3 points kaagad!
Kapag may mga ganitong laro, nakakakaba dahil baka may masaktan o ma-injure. Hindi tuloy ako makapanood nang maayos. Hindi rin naman ako masyadong mahilig sa basketball. Alam ko lang ay lamang kami. Nang marinig ko na ang malakas at maingay na tunog, alam kong nanalo na kami at tapos ang laro.
Nagmamadali kaming bumaba. Pumunta sa gilid si Sevi para salubungin kami.
"Congrats!" Niyakap ko siya at ginulo ang buhok niyang pawis. "Yuck!"
"Sabi sa 'yo mananalo kami kapag nanood ka, e." He winked at me playfully.
Inirapan ko na lang siya. Sanay na ako sa mga paminsan-minsang banat niya! Minsan maharot lang talaga siya, e. Ganyan 'yan pati sa ibang babae kaya maraming nagfafangirl sa kanya. Ang tawag niya roon ay fan service. Ang kapal ng mukha.
"Wait for me. Lilibre kita ng samgyup, 'di ba?" Pagpapaalala niya sa 'kin.
"O, paano kami? Anong ganap namin dito?" Reklamo ni Via.
"Sige na nga, sumama na kayo. Wait lang." Umalis si Sevi dahil tinawag siya ng coach nila. Naghintay kami sa labas ng MOA Arena para sa kaniya pero nagtext si Sevi na hintayin na lang siya sa samgyupsalan sa may Dapitan. Ang layo pero hindi pa naman kami gutom masyado kaya okay na rin. Pampagutom ang mahabang byahe.
Pagkadating namin, may pila pa kaya umabot pa rin si Sevi na bagong ligo at nakapagpalit na rin ng damit. I posted a picture of him eating samgyupsal sa IG story ko at nilagyan ng 'Congrats Captain!'.
I also checked other IG stories. Palagi kong chinecheck 'yung kay Kalix at 'yung sa dalawa niyang kaibigan kasi madalas kasama siya roon, e. Sila-sila naman palagi ang magkakasama.
Buti na lang may IG story si Adonis ngayon dahil nakita ko kung anong ganap ni Kalix. Kumunot ang noo ko nang makitang nasa kotse sila. Si Kalix ang nagdadrive at may babaeng nakaupo sa shotgun seat. Buti na lang naka mention ang username kaya tinignan ko ang profile.
Familiar. Siya ata 'yung akala kong girlfriend ni Kalix sa Pop Up.
itsamethyst
542 posts - 6789 followers - 765 following
Napasimangot ako. Ang daming followers! Nag-scroll pa ako ng mga posts niya at napako ang tingin ko sa isang picture. Nakatalikod na picture 'yon pero nakita ko kung sino ang naka-tag. Nakahawak siya sa bewang ni Kalix habang naglalakad sila. Sa magkabilang gilid, sila Adonis at Leo.
Maganda siya. Mukhang sa Ateneo rin siya nag-aaral. Shoulder-length ang buhok, mukhang mas matangkad sa 'kin, medyo maputi at pang-artista ang itsura kaya siguro maraming followers. Umirap ako. Sana all!
"Hoy, kumain ka na." Kinuha ni Sevi ang phone ko. Nang mapansing nakasimangot ako, nag-iba rin ang itsura niya. "Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya.
Tumango ako at kumain na lang. Nilapag ni Sevi ang phone ko sa table. Hindi matanggal ang tingin niya sa 'kin dahil halatang medyo malungkot ako ngayon. Sino ba kasi 'yung babaeng 'yon? Nakakainis naman!
Hindi ko tuloy na-enjoy ang Samgyupsal namin! Libre pa naman!
"Hiramin ko lang si Luna saglit, okay lang?" Paalam ni Sevi kay Kierra nang makapasok na kami sa UST.
Padilim na kaya dapat uuwi na kami pero tumango si Kierra at sinabing hihintayin na lang niya ako sa Rosarium malapit sa building ng AB. Sumama naman ako kay Sevi at naglakad-lakad kami sa may lovers lane.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya sa 'kin.
Bumuntong-hininga ako. "Okay lang nga."
"Ice cream gusto mo?" Tanong niya ulit.
"Busog pa 'ko, e."
"Anong gusto mo?"
Persistent talaga siyang pasayahin ako kaya ngumiti na lang ako sa kanya para ma-convince na siya. He stopped walking to pinch my cheeks.
"Nope. Hindi mo 'ko maloloko!" Umiling siya at binitawan ako.
"Kasi naman, e!" Umupo ako sa may bench at nanatili siyang nakatayo sa harapan ko. "Sige na nga, kekwento ko na sa 'yo."
"Ahuh?" Naghintay siya ng sasabihin ko habang nakangiti.
I sighed again. "So... I have a crush on this guy..."
Nawala ang ngiti sa labi niya kaya napahinto ako. What was with his reaction? Hindi ba siya natuwa na may crush na ako ulit?
"O-oh tapos?" Bawi niya at sinubukang ngumiti ulit sa 'kin. Ah, mukhang nagulat lang pala kanina.
"Hmm, nag-uusap naman kami ganiyan... Ilang beses ko na siyang nakakasama tapos last time inalagaan niya 'ko noong lasing ako. Tapos, wala, nakita ko lang na may kasama siyang babae sa IG story niya tapos mukhang close na close silang dalawa. Selos lang ako slight." I let out an awkward laugh so it wouldn't sound too serious.
Tumango-tango siya at umupo sa tabi ko. "Oh, girlfriend niya raw ba?"
Umiling ako. "Hindi ko naman tinatanong."
"E 'di subukan mong tanungin," sabi niya na parang ang dali! Hindi naman kami ganoon ka-close ni Kalix para tanungin siya kung jowa niya 'yon.
"Eh, sino ba ako? Bakit ko naman tatanungin? Tsaka balita ko naman daw e single siya kaya okay lang na nagkakagusto ako sa kanya," pagdedepensa ko sa sarili.
"Oh, single naman pala, e. Baka naman kasi kaibigan niya lang 'yun. Bakit ikaw? Bakit tayo? Close din naman tayo pero hindi naman tayo."
Oo nga 'no? Tumango ako. "Oo nga. Bakit ba ako nagooverthink? Crush lang naman." Tumayo na ako at hinatak siya patayo.
Crush lang naman. Crush lang, 'di ba?
He smiled at me before standing up. Tahimik siya nang maglakad kami pabalik sa Rosarium kaya naninibago ako pero baka gloomy lang ang panahon kaya nadamay ang mood niya. Nang makauwi kami ni Kierra, humiga ako sa kama at pinag-isipan kung imemessage ko ba si Kalix. Wala lang. Magpapapansin lang ako.
lunavaleria: tamang roadtrip lang.
Kinagat ko ang daliri ko at hinintay kong magreply siya. Kinabahan ako nang makitang nag online siya kaagad.
kalixjm: What do you mean?
lunavaleria: nakita ko ig story ng friends mo hahaha saan kayo papunta?
kalixjm: We're literally just on our way to school.
lunavaleria: ah, kaklase n'yo rin 'yung babae?
kalixjm: Amy? Yes.
lunavaleria: ah, close kayo?
kalixjm: I don't know. Why?
lunavaleria: wala lang. goodnight!! :)
In-exit ko na ang Instagram dahil baka kung ano pa ang masabi ko at mahalata niyang nagseselos ako kahit hindi naman dapat! Dinistract ko na lang ang sarili ko sa pagdadrawing. Habang nagshe-shade ako, nagvibrate naman 'yung phone ko.
Kinuha ko 'yon at tinignan kung sino ang nag message.
kalixjm sent you a message
Kumunot ang noo ko at binuksan.
kalixjm: Ikaw? Saan ka galing?
I bit my lower lip to stop myself from smiling. Bakit siya nagtatanong, ha? Hindi naman ako sanay na nagtatanong siya about sa 'kin. Madalas ay ako ang tanong nang tanong tungkol sa kanya.
lunavaleria: nanood ng game ng friend ko tapos nag samgyup. bakit mo tinatanong?
kalixjm: Bawal?
lunavaleria: hindi naman. you can ask whatever you want and i'll answer hehehe btw kailan ako pwedeng bumawi sa 'yo? i promised you a dinner right? what do you want
kalixjm: Anything but samgyup.
Huh?
lunavaleria: hindi ka nagsasamgyup? wow, healthy living!
kalixjm: Yeah, unlike you.
Kumunot ang noo ko. May galit ba 'to sa 'kin o ano? Bakit ganoon ang tono?! Parang kasalanan ang kumain ng samgyup! Wait, baka naman vegetarian! Pero mukhang hindi naman...
lunavaleria: anong problema mo, atty?
kalixjm: Nothing. Matulog ka na.
I snapped a picture of what I was doing and sent it to him. He just replied a thumbs up. Ang cold, ah!
kalixjm: Goodnight.
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro