04
"Fina-fucking-lly, for the first time, walang deadlines!"
It had been 4 days since I last saw him. Today was Friday again at based sa sinabi ni Kalix, Friday daw siya babalik sa hospital 'di ba? Minsan, gusto ko na lang magkasakit para ma-admit ako sa hospital at mas madali ko pa siyang mahahagilap! Pero siyempre, hindi naman ako aabot sa ganoon! Ayaw ko pa!
"Nomi?" Tanong ni Via sa amin habang nasa Dapitan kami, sa tapat ng mga nagbebenta ng street food, kumakain ng cheesestick.
"Tama na kaka-inom n'yo, maawa kayo sa mga atay n'yo," payo ko sa kanila.
Napatingin silang dalawa sa akin at sabay pang napahinto sa pag-kain. "'Di ba kakainom mo lang kagabi?" Paninira ni Via.
"Excuse me! Isang beer lang 'yon! Ayaw kasi mag-function ng utak ko. Kailangan ko ng creative ideas para masimulan 'yung plates ko. Hirap kaya ng walang creative juices," pagpapalusot ko pa.
Tumango tango silang dalawa, not really convinced with what I said kahit iyon naman talaga ang totoo! May mga oras talaga na hindi gumagana 'yung utak ko. Ang hirap kayang mag-isip palagi ng bagong ipapakita sa prof. Hindi pwedeng mag-recycle.
"Nauubusan ka ba talaga ng creative juices? Puring puri ka na nga sa mga prof natin, e. Ikaw na ata ang favorite." Umirap si Kierra.
Kaunti na lang, iisipin ko nang may sama sila ng loob sa 'kin! Hindi ko naman kasalanan na napasa ang talento ng magulang ko sa 'kin.
I had high expectations for myself kaya nga hindi ako sanay ng nagca-cram. Nasisira noon lahat ng idea ko. Marami akong naiisip kapag nagrerelax ako kaysa under pressure. Palagi akong nakakakuha ng uno so I did everything to maintain it and keep my grades stable. 'Yung last na crinam ko sa Beato, hindi ako naka-uno. Badtrip nga, e... Pero kinalimutan ko na lang rin. Wala naman akong magagawa roon. Kasalanan ko ring kinalimutan kong tapusin.
"Siraulo 'yung history of Archi, daming ebas." Umirap si Via. "Tinatry ko naman gandahan 'yung gawa ko pero 'pag nagpasa na si Luna, luluhod na lang talaga kami, e. Kasi.. taLUNA kami."
Nag-joke pa nga! Hindi bagay! Ako lang dapat ang nagjo-joke dito!
"Guys, wag n'yo 'kong puriin masyado, baka manlibre ako." Tumawa ako at bumili ng fishball.
"Nasaan na crush mo?" Tanong ni Kierra bigla.
Saka ko nga lang naalala na hinahanap ko nga pala 'yung baby ko na 'yon! Ang sabi kasi sa 'kin sa last DM ay huwag daw akong magulo kaya hindi ko na siya ginulo! Mahaba pa ata ang readings niya. Balita ko kasi mahirap daw ang Taxation. Sinusumpa raw nila 'yon.
"Hoy!" May bumatok sa akin kaya halos mabulunan ako sa kinakain kong fishball.
Masama kong tinignan si Sevi na nakangiti sa harapan namin, nakahawak pa sa strap ng bag niya at naka-uniform. Suot niya rin 'yung glasses niya. Hindi naman talaga malabo ang mata niya! Pakiramdam niya lang daw ay kailangan niyang bumagay sa mga taga-Engineering. Mukhang matatalino raw kasi! Mas siraulo pa siya sa siraulo.
"Punta kayo sa game, ah!" Pag-aaya niya.
"Mananalo ba kayo?" Pang-aasar ko kaagad.
"Pag nanood ka, trust me, mananalo kami." He smirked at me and I immediately rolled my eyes.
"May libre bang tickets? Sino bang kalaban n'yo?" Tanong ni Kierra, interesadong pumunta. Feel na feel ang pagka-Tiger.
"Ako, bibigyan ko kayo tickets. Dali lang kumuha, e. Tamaraws kalaban namin kaya nood kayo," pagpupumilit pa niya.
Tumingin siya sa 'kin habang kumakain ako. "Sige na, Luna, pumunta ka na! Kapag pumunta ka, lilibre kita ng samgyupsal."
"Oo na, leche!" Sabi ko sabay tapon ng baso roon sa may basurahan. Umalis na rin si Sevi dahil may training pa raw siya. Nang maiwan kami nila Via, hindi ko maintindihan ang dalawa. Parang nag-uusap kahit wala namang sinasabi at nagngingisihan pa.
"Anong problema n'yo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Wala. Gwapo ni Sevi, 'no?" Nakangiting sabi ni Via.
"Gwapo? E 'di ligawan mo," walang pakialam na sabi ko habang umiinom ako ng palamig.
Nang matapos kami kumain, sabi ko babalik na ako sa UST dahil may gagawin pa ako at iyon ay ang hanapin si Kalix. Kinuha ko ang phone ko at pinicture-an ang tapat ng UST Hospital. Nilagay ko 'yon sa IG story ko at nilagyan ng 'San ka na' caption.
Umupo muna ako sa lovers lane at sige ang pagtingin ko kung nakita na niya ang IG story ko pero hindi pa rin. Wala naman siyang IG story ngayong araw kaya napag desisyunan kong i-stalk na lang 'yung friends niya. Finofollow naman ako ni Leo at ni Adonis.
Tinignan ko ang IG story ni Leo. May libro.. May libro.. May kaso.. Napatigil ako nang makita ang IG story niya sa loob ng klase. Stolen picture 'yon ni Kalix na nakatayo sa likod niya tapos ang caption:
'Sana all maraming recit'.
Ang hindi ko maintindihan, marami siyang recitation sa klase nila pero kapag nakikipag-usap na siya, daig pa ang fast talk. Isang tanong isang sagot talaga. I wondered if may mga nagkakagusto pa sa kanya kahit ganyan siya.
Duh, meron! Ako!
Tsaka mukha namang marami ngang nagkakagusto sa kanya. Noong nagpunta kami sa Ateneo, ang daming bumabating babae sa kanya, e. Partida, tahimik. Kapag friendly pa 'yan, baka alayan na 'yan ng rosas.
Buti na lang talaga hindi siya friendly.
Tinignan ko naman ang IG story ni Adonis at nakita kong nasa gym sila ngayon! Posted lang 4 minutes ago. Nanlaki ang mata ko nang mahagip sa video si Kalix na nagwowork-out. Naka-navy blue siyang sleeveless shirt at black shorts. Inaayos niya ang gloves niyang itim at medyo pawis ang itsura dahil medyo basa na ang buhok. Nang makita niyang vinivideohan siya, pinakyu niya si Adonis at tinalikuran.
Shet, ako rin pakyuhin mo, please.
4 minutes ago so panigurado naroon pa rin sila. Tumayo na lang ako at pumunta sa España para mag abang ng jeep. Mukhang naghintay lang rin ako sa wala. Dinelete ko na rin kaagad 'yung IG story ko dahil nahiya na ako.
Pagkauwi ko, wala pa si Kierra kaya nagbihis na lang muna ako ng shorts at shirt bago bumaba. Mag-gogrocery na lang muna ako dahil wala na kaming makain! Habang naglalakad ako, nag-text naman si Sevi.
From: Sevi
San ka?
Nagreply kaagad ako.
To: Sevi
Gogrocery sa baba ng condo. Why?
From: Sevi
Otw
Napairap ako at pumasok na sa grocery. Inuna ko muna 'yung mga gulay at prutas na kailangan namin ni Kierra. Madalas kasi kaming magluto. Kapag nauna ako umuwi, ako ang magluluto ng dinner. Kapag siya, e 'di siya naman. Mas gamay ko nga lang ang breakfast kaysa sa kanya. Kape lang kasi breakfast n'on.
Kakalagay ko lang ng prutas sa cart ko, inagaw na ni Sevi ang cart para siya ang magtulak.
"Oh, ba't nandito ka? Kala ko may training?" Tanong ko sa kanya.
"Wala," maikling sagot niya. Napansin ko kaagad na may iniisip siya at mukhang badtrip.
Hindi ako nagsalita at nakasunod lang siya sa akin kapag may ilalagay ako sa cart. Hindi rin siya nagsasalita at naiilang akong hindi siya maingay kaya habang naghahanap ako ng cereal, nagtanong na ako sa kanya.
"Anong problema?"
Umiling siya at bumuntong-hininga. "Nag-away si Arnie tsaka Ian sa kalagitnaan ng training. Parang mga bobo, amputa."
Napalingon kaagad ako sa kanya. "Oh?! Bakit daw? Anong nangyari?"
"Ewan ko ba! Bigla na lang nagsuntukan sa harapan ko. Buti wala pa si coach. Badtrip talaga ako. Sabi ko kung hindi nila kayang iwan sa labas ng court problema nila, huwag na silang lumaban sa Monday." Ginulo niya ang buhok niya sa sobrang inis.
"O, anong sabi?"
"Ayon, pinuntahan ko si coach. Sabi bukas na lang mag-training. Iniwan namin silang dalawa roon. Sabi ko magsuntukan sila roon o magbatuhan ng bola, wala na kako akong pakialam basta huwag silang gaganyan ganyan sa UAAP." Umiling siya, seryoso ang mukha. Halatang badtrip nga.
"Magluluto ako ng dinner, gusto mo?" Alok ko para naman gumaan ang mood niya. Tama nga ako. Nginitian niya ako at tumango na parang bata.
"Gusto ko kare-kare." Nag-request pa ang hayop.
"Gusto ko saktan ka," ganti ko.
"Ouch!" Humawak siya sa dibdib niya at umaktong nasaktan. "Para namang hindi mo 'ko sinasaktan, Luna."
Bumili ako ng pang kare-kare at saka ako bumili ng mga sabon at panlaba na kailangan namin ni Kierra. Pagkatapos, binayaran ko na. Tinulungan naman niya akong magbuhat hanggang sa taas ng condo.
Hindi na bagong narito si Sevi. Parang kapatid na namin 'to ni Kierra kaya laging tumatambay dito. Minsan kahit umalis kami, nandito pa rin at nanonood lang ng Netflix. Akala mo bahay niya 'to, e!
"Wow! Sa 'yo 'to?" Turo ni Sevi sa drinawing ko sa illustration board.
Cinoveran ko na 'yon ng plastic para safe na safe at hindi madumihan hangga't hindi ko pa napapasa. Baka kung ano na ulit ang mangyari at ma-stress na naman ako. Iiyak na talaga ako kapag nangyari 'yon. Dugo at pawis ang nilalaan namin para makagawa ng isang plate.
"Galing mo talaga, 'no? Paano mo naiisip 'to?" Pinagmasdan pa niya ang drinawing kong building.
"Balita ko ginagamit daw ang utak para mag-isip. Minsan kasi, gamitin mo 'yung sa 'yo."
He mocked my words and attempted to take the plastic cover off. Agad akong humarap sa kanya para pigilan siya. Siraulong 'to!
"Huwag mong gagalawin 'yan, Sevi! Kahit hibla lang ng buhok mo ang dumikit diyan, mahahampas kita ng sandok, subukan mo!"
"Astig. Ako kuhanin mong Engineer, ah. Itaga mo sa bato, magto-top ako sa boards. Ngayon pa lang nagreretweet na 'ko ng mga rt for goodluck na 'yan para maipon ang goodluck ko kapag nag-take na 'ko ng boards."
"Uto-uto ka lang talaga kaya puro ka retweet ng mga goodluck goodluck. Para namang totoo." Umirap ako.
Naroon lang siya sa couch at napag-pasyahan na lang na manood ng Netflix. Nang dumating si Kierra, kakatapos ko lang din magluto. Nag-hain na rin ako ng plato at tinulungan ako ni Sevi.
"Saan ka galing?" Tanong ko kay Kierra.
"Wow, mama?" Pang-aasar niya sa 'kin at tinawanan ako. Hindi man lang sinagot ang tanong ko, ah!
Kumain na rin kami at si Kierra ang naghugas ng plato dahil ganoon ang rule. Kung sino ang hindi nagluto, siya ang maghuhugas. Si Sevi, pa-epal lang 'yan dito at palamunin. Siya na ang busog, siya pa ang pa-relax relax na lang.
Humiga ako sa couch at nakitang pinapakialaman ni Sevi ang Instagram ko! Masama ko siyang tinignan nang makitang nag-selfie siya doon at pinost pa sa IG story ko. Umirap na lang ako at inagaw ang cellphone ko.
Uy, may IG story si Kalix!
Agad kong tinignan 'yon pero picture lang 'yon ng manibela at ng traffic sa Manila. 9 minutes ago. Ang location ay sa may España. O, kala ko nasa gym?
Tinignan ko ang maliit na maliit na text doon sa may pinakababa.
'Was here.'
Kumunot ang noo ko. Ano raw? Magrereply sana ako ng ingat pero nagdadrive siya kaya mamaya na lang kapag naalala ko.
Pagkatapos mag-selfie ni Sevi, nagpaalam na rin siyang uuwi na kaya naiwan na lang kami ni Kierra sa condo, as always.
"Ke, hindi ba tayo pupunta kila Sam?" Tanong ko habang naghuhugas siya ng plato.
"Ano na namang binabalak mo?" Inakusahan niya kaagad ako!
"Wala naman. Bonding, ganoon," pagpapalusot ko pa.
"Baka landi, ganoon."
Tumawa ako nang malakas. Magsisinungaling pa ba ako? Miss ko na ang crush ko! Hindi ko alam kung paano ko siya makikita ulit! Hindi naman siya nagpuntang UST Hospital tulad ng sabi niya, e. Okay lang din kasi noong Monday, pumunta naman siya.
"Suportahan mo 'ko sa landi ko, please?" Pagmamakaawa ko sa kaniya. Ang cold, e!
"E 'di i-chat mo si Sam. Nag-aaya pa naman 'yun ng BGC bukas."
Lumiwanag ang pananaw ko sa buhay. Agad kong chinat si Sam at sinabing sasama kami ni Kierra sa BGC tapos sa kanila kami matutulog. Pumayag naman kaagad ang gaga. Natulog na rin ako kaagad dahil excited na ako para bukas.
Pagkagising ko, naghanap muna ako ng gagawin dahil mamaya pang 10 PM ang party sa club. Naglinis na lang muna ako ng condo habang tulog si Kierra. Binato pa ako ng unan dahil sa ingay ng vacuum.
Pagkatapos, nag-practice na lang din ako mag-paint. Naka-bun lang ang buhok ko at medyo marumi na ang kamay ko dahil puno ng paint. Tinuloy ko lang ang pinipinta ko dati. 'Yung main building ng UST. Inayos ko na ang kulay ng langit at nagdagdag ng mga dumadaang tao sa Plaza Mayor.
Pinicture-an ko ang madumi kong kamay na may hawak na paint-brush. Sa background noon ang painting ko. Pinost ko sa IG story at nilagyan ng 'Good morning'. Siyempre, tamang papansin lang ako kay Kalix. Nakita kong viniew niya ang IG story ko kagabi, e.
Ang bilis ng oras. Noong kinagabihan, naligo ako at nagbihis na kaagad ng short black dress na fitted. Pa-V iyon sa neckline kaya medyo exposed ang cleavage ko. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. Naglagay na rin ako ng light nude makeup at nagsuot ng earrings tsaka necklace.
Si Kierra nakasuot lang ng white bralette, maong ripped jeans, tapos heels. Nagsuot na rin ng cropped-top na denim jacket. Brinaid ko ang buhok niya. Maganda si Kierra kaya minsan nagtataka na lang ako kung bakit ba wala pa rin siyang boyfriend. Siya naman ang may ayaw. In a relationship daw siya with her plates.
Nagbaon kami ng extra clothes dahil kila Sam kami uuwi. Sumakay na kami sa kotse ko at sinundo namin si Yanna at Via sa Morayta, tapos si Sam naman sa Katipunan. Nang makompleto, dumiretso na kami sa BGC. Tuwing lalabas at iinom, hindi naman sumasama si Sevi. Hindi siya masyadong umiinom lalo na at athlete. Ang isa pa naming kaibigang lalaki, hindi na rin naman nakakasama gaano. Kami-kami na lang girls.
Naririnig kong nagtatalo si Yanna at Sam kung sino ang mauunang makakahanap ng lalaki. Napairap na lang ako habang nagda-drive. Palagi naman nilang pinag-uusapan 'yon.
"Huwag na kayo magtataka kapag hindi n'yo na 'ko mahanap mamaya, ha," pagpapaalala ni Yanna.
"Aren't you tired already? Inaraw-araw mo na, ata," comment naman ni Sam.
"Sis, shut up. At least may dilig ako."
"Dry season lang. Just wait."
Tumawa si Kierra at Via habang nagtatalo ang dalawang maharot. Nagpa-valet parking na lang ako pagkarating. Matindi ko pang binilin kay Kuya ang BMW ko dahil kakabili lang noon sa 'kin nila Daddy.
Pagkapasok namin sa loob, si Sam na ang kumausap sa counter about sa couch na naka-reserve. Pagkatapos, tinatakan na kami ng invisible ink at pumasok na kami sa loob.
"I didn't get the V.I.P table para accessible tayo sa ibang tao." Sam winked at us. Mas gusto niya talaga iyong magulo. Wala naman akong reklamo. Ngayon na lang ulit ako nakapag-club. Hawak ni Kierra ang palapulsuhan ko habang naglalakad kami papunta sa naka-reserve na couch na para akong nawawalang bata.
Ang daming commercial ni Sam! Ang daming nakakausap na mga kakilala. Halatang madalas na madalas dito, e. Nang bumalik siya sa couch, tumabi siya sa akin at kinurot ako sa bewang.
"Hey, Adonis and his friends are here!" Sigaw niya sa tenga ko dahil maingay.
"Si Kalix?!" Sigaw ko rin sa kanya.
Tumango siya sa akin at tumayo na rin kaagad para mag-order ng alak. Kinabahan naman ako kaagad at luminga-linga para tignan kung nasaan sila. Hindi ko sila makita. Baka nasa kabilang side. Mamaya ko na nga lang hahanapin.
Buti napilit nila si Kalix na sumama? Wala ba siyang readings ngayon?
May Jager, Cuervo, Black Label, Gold Label, at Bacardi sa table. May Red Bull bottles rin at Coke. Hindi tuloy namin alam kung anong uunahin! Si Sam ang nagbukas ng Cuervo para sa tinatawag naming 'warm-up'.
Naubos kaagad ang Cuervo dahil tuloy-tuloy ang shot namin. Ang mahuli kasi, siya ang magchuchug ng Bacardi. Pucha, ayoko pang mamatay kaya nakipagpaligsahan talaga ako. Bandang huli, si Via ang natalo kaya siya ang pinag-chug. Hindi naman umurong. Ayaw magmukhang KJ.
Ako na ang nagsalin ng Jager sa shot glass at kinuha ang Red Bull. Inabutan ko na sila na kakagaling lang doon sa dance floor para makahabol. Maduga, e! Iniwan kami rito! Gusto ko rin pero nahihiya ako umalis dito sa couch dahil alam kong nariyan lang sa paligid sila Kalix!
"Tara na!" Hinahatak ako ni Kierra papunta sa dance floor pero umiiling ako. Hindi pa ako lasing para makisayaw doon! Kailangan ko munang maging tipsy para masaya. Kinuha ko ang Black Label at chinug 'yon. Pagkatapos, nag-tatlong shot ako ng Jager bago tumayo.
Ayun, pucha, hilo ako pagkatayo ko.
Nawala rin kaagad ang hilo ko nang makarating sa dance floor. Nakita ko na si Yanna na may kahalikan doon sa gilid. Hindi na ako nagulat. Si Sam naman kinakausap si Leo, 'yung kaibigan nila Kalix.
Habang sumasayaw kami ni Kierra, may lumapit na lalaki sa 'kin. Ngumiti ako sa kanya.
"Hi!" Bati niya sa 'kin. "My boys wanna know if you're single?" Turo niya roon sa grupo ng kalalakihan na nakatayo sa iisang table.
"What do you think?" I arched a brow and smirked.
He shyly smiled at me and scratched his forehead. "Yeah?"
"Yes!" Ngumiti ako. "Wanna change that?"
Nakita ko ang mini-celebratory fist niya at ang pagliwanag ng mukha. Hindi na siya nawala sa harapan ko. Kinausap niya ako tungkol sa mga bagay-bagay. May tama na ako kaya pinapatulan ko ang mga landi niya.
He leaned on me to whisper. Maingay kasi kaya hindi kami magkarinigan. "Where are you from?" Tanong niya.
Lumapit rin ako para bumulong. "UST! Ikaw ba?"
Tumango-tango siya. "La Salle. Just graduated." Kumuha siya ng baso at inalok sa 'kin. "Shot?"
Sabay kaming nag-shot. Napatigil ako nang makita si Kalix na nakasandal ang dalawang siko sa may railings doon sa bandang taas. May hawak siyang baso sa kabilang kamay at pinagmamasdan ang mga tao sa dance floor. Nagtama ang tingin namin pero agad din siyang umiwas.
Hindi ko na alam kung anong sinasabi ng Lasallian sa harapan ko. Nakatingin lang ako kay Kalix at tumatango-tango sa kausap ko na parang nakikinig ako. Kalix was wearing a black shirt, a thin metal pendant, and then ripped jeans. He had two silver rings in his hand and his hair was fixed to the side. May isa o dalawang hibla ng buhok na makulit dahil medyo nakalaglag sa may noo niya. Overall, he looked hot.
Nabaling lang sa iba ang tingin niya nang may lumapit na babae sa kanya. Napasimangot tuloy ako.
"Excuse me," sabi ko sa Lasallian guy at bumalik na roon sa couch namin.
Hindi ko na pinansin si Yanna na nakikipag harutan doon sa couch namin. Nakakandong pa si gaga. Maya-maya, alam kong mawawala na 'yan. Nagsalin ako ng alak sa baso at sinunod-sunod ang inom noon bago tumayo ulit at naglakad sa kung saan ko nakita si Kalix kanina. May lakas na 'ko para makipag-usap.
May kausap siyang babae ngayon. Ibang babae pa roon sa kanina! Nasa couch na siya at nakaupo, nagsasalin ng alak habang kinakausap siya ng babae. Halata namang hindi siya nakikinig.
Umangat ang tingin niya sa 'kin nang makita ako. He didn't even look surprised when he saw me, like he already knew that I was here.
"Hey, are you listening?" Demand noong babaeng kumakausap sa kanya.
"Excuse me." Tumayo si Kalix at nilapag ang baso sa table bago naglakad paalis at nilagpasan ako.
What the heck? Wala man lang hi? Walang hello? Para namang hindi kami magkakilala!
Nang mawala siya, umalis na rin 'yung babae. Ako naman, sumunod ako sa kung saan papunta si Kalix. Naghintay ako sa labas ng restroom. Sumandal ako sa pader habang hinihintay siya. Nang makalabas siya, napaayos ako ng tayo.
He glanced at me and immediately looked away. Hindi ako pinansin at naglakad kaagad! Siyempre, hinabol ko!
"Hey!" Sinabayan ko ang bilis ng lakad niya. "Ano? Wala man lang hello?"
Hindi siya sumagot at umupo sa couch. Tumabi ako sa kanya pero umurong siya kaagad para lagyan kami ng space. Ano bang problema nito? I laughed by myself even though I could see that he wasn't even a bit amused with my presence.
"Hello? Can you hear me?" Nilakasan ko pa ang boses ko.
Hindi niya ako pinansin at kinuha niya lang ang basong nilapag niya kanina. I could smell it. Black label.
"So bakit narito ka? Wala kang readings?" Tanong ko.
He was unresponsive. He was acting like I didn't exist!
"Akala ko busy ka with Taxation? Kaya nga hindi kita ginugulo, e. But now that you're here, I guess hindi ka na busy?"
He gulped on his drink and reached out to get the bottle. Nagsalin ulit siya sa baso niya, totally ignoring me.
"Hindi ka ba malalasing niyan? Pang-ilan mo na ata 'yan, oh?"
Hindi pa rin siya sumagot. Ano bang problema? Mas gusto ko pang maikli sagot niya sa mga tanong ko kaysa walang sagot, e. Kaunti na lang iisipin ko nang galit siya sa 'kin kaya hindi niya ako pinapansin. O kaya naiirita? Mukha tuloy akong hangin dito.
Hindi ko naman siya ginulo these past few days, ah! Bakit siya maiirita?
"Hey! Nawala ka agad!" Napaangat ang tingin ko kay Lasallian guy nang lumapit siya sa 'kin.
Magsasalita na sana ako nang ilapag ni Kalix ang baso niya sa table at agad umalis.
I was left dumb-founded! Hindi tuloy ako nakasagot kaagad kay Lasallian boy. "U-uh, yeah, may nakita kasi akong kakilala ko, sorry! Excuse me!"
Tumayo rin ako at sinundan si Kalix sa kung saan man siya papunta. Lumabas siya sa may smoking area kaya napatigil ako. Okay, yosi break ata kaya umalis na lang ako. Hindi naman ako nagyo-yosi, e.
Bumalik ako roon sa couch namin at inubos 'yung Gold Label. Nag-order pa si Sam ng tatlong bote kaya uminom pa ako nang uminom habang naiinis dahil hindi ako pinapansin ni Kalix. Kasalanan niya kapag nalasing ako!
Nararamdaman ko na ang hilo ko. Agad akong tumayo at mabilis na naglakad papunta sa C.R. Nakabungguan ko si Kalix pero hindi ko na siya pinansin at dumiretso na sa C.R para sumuka.
Fuck, I felt bad! Dapat hindi na ako uminom nang marami! High tol ako pero masyadong marami nainom ko! Pucha!
Sumuka pa ulit ako bago ko flinush at kumuha ng tissue para punasan ang bibig ko. Nagmumog na rin ako sa sink at nilabas ang mint sa bag ko. Pagkatapos, hilong hilo akong lumabas. Matumba-tumba pa ako.
"Fuck." Napakapit ako sa balikat ni Kalix nang matumba ako pagkalabas ko ng restroom. For some reason, nakasandal kasi siya sa pader. He whispered a curse before holding my waist, trying to provide support for my legs.
"Sorry!" Tumayo ako at lumayo sa kanya. He was staring at me with this dark aura. Naglakad na ako pabalik sa couch kahit patumba-tumba ako.
Napatigil ako sa paglalakad nang humawak siya sa palapulsuhan ko at marahang hinatak ako papunta sa kabilang couch. Doon sa couch nila. Tahimik niya 'kong pinaupo at tinaas ang daliri niya para mag-order ng tubig.
Kami lang dalawa ang narito. Hindi ko alam kung nasaan na ang mga kaibigan niya. Ano ba 'to! Kanina, tinatrato niya 'ko na parang hangin tapos ngayon, hindi na niya maalis ang tingin niya?!
"Damn, you're fucking wasted," he whispered.
I laughed. "I'm sorry, okay?! It's a club! I should be waaaassstedddd." I made a rock-n-roll sign.
"Thank you," sabi niya sa waiter at inayos ang pagkakaupo ko. Binuksan niya ang tubig at pinilit akong inumin 'yon. "Drink this."
Dahil masunurin naman ako, ininom ko na 'yon. Kaso kakapainom niya ng tubig, naramdaman ko ulit na nasusuka ako! Tumakbo ako papuntang C.R at sumunod siya sa akin pero huminto sa may labas dahil hindi makapasok.
Sumuka ako sa toilet bowl. Naka dalawang suka ulit ako bago ako naghugas ng mukha at nagmumog. Isa pang mint ang kinain ko. Medyo umo-okay ang pakiramdam ko kapag nasusuka ko ang alak.
"Where are your friends?" Tanong ni Kalix nang makalabas ako sa C.R.
"I don't know! With guys!" Lasing na sabi ko.
"Where's your guy?" He mocked. "Kasama mo lang kanina, ah."
Naningkit ang mata ko habang naglalakad kami pabalik doon sa couch. Seryoso lang siya at hindi na ulit nagsalita. Parang pinipigilan niya ang sarili niya magsalita.
"What guy? I'm with my guy right now," I bravely said.
He stared at me for a second before shaking his head. Kumuha ulit siya ng tubig at binigay sa 'kin, not saying anything. Wala man lang reaction sa sinabi ko! Uminom na lang ako roon dahil kapag hindi ako uminom ng tubig, malala ang hangover ko bukas.
"Let's get you home." Umiling siya at tumayo.
"What? Kila Sam ako uuwi!"
"Oh yeah? Where's Sam, then?" He sarcastically asked.
Luminga ako sa paligid. Hindi ko na rin makita ang mga kaibigan ko! Hayop na 'yan! Iniwan na ata ako, ah! Luminga ako sa kabilang gilid at nakita si Via. Tumayo ako at naglakad papunta sa kanya kahit nahihilo ako.
"What the hell happened to you?" Nagtatakang tanong niya sa 'kin.
"Via! Uwi na tayo!" Sigaw ko sa kanya.
"What?! Hindi pwede! Ako mag-uuwi kila Kierra! Ako na lang ang sober. Tignan mo nga itsura mo, oh!" Turo niya sa mukha ko.
"Okay, you drive my car! I'll go home na!" Tinalikuran ko siya pagkabigay ko ng susi.
I heard her calling my name but I was too drunk to look back. Bumalik ako sa couch nila Kalix at humiga roon, nagpaplanong matulog na. Nahihilo na 'ko lalo dahil sa mga ilaw.
"No, stay up." Pinilit akong paupuin ni Kalix pero umiikot na ang paningin ko.
Narinig ko ang pagdating ng dalawang kaibigan ni Kalix. Gulat sila nang makitang may nakahiga nang babae sa couch nila.
"Bro, ano 'yan? Wala na 'yan!" Pang-aasar ni Adonis.
"I-uwi mo na kaya 'yan? Kawawa naman, oh. Ganyan na rin si Sam, e. Passed out," rinig kong sabi ni Leo.
Naramdaman ko ang paghatak sa akin ni Kalix sa braso. Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya.
He sighed out of frustration. "Luna, let's go. I'll take you home."
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro