Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

02


"Makakalabas na raw ako."


Para namang nakulong 'tong lalaking 'to! 'Yon ang salubong ni Sevi sa akin pagkapasok ko sa hospital room niya, dala-dala ang pinabili niyang KFC doon sa carpark. Ang bilin pa naman sa 'kin ay huwag ko raw bilhan ng fastfood dahil malala ang training nila ngayon. UAAP season na kasi.


Naabutan ko siyang nakaupo na at mukhang hindi naaksidente dahil nakakagalaw na nang maayos 'yung kamay. Minor injury lang naman daw kasi kaya pwede na raw siyang bumalik sa pagbabasketball. UAAP season na nga kasi! Hindi pwedeng mabulok dito sa hospital ang captain ng basketball team. Bobo naman kasi nitong si Sevi, kung ano ano ang ginagawa! 


Umupo ako sa may sofa at nilabas 'yung assignment ko. Dito ko na lang gagawin habang dumadaldal 'tong si Sevi. Sa totoo lang, kaya lagi ako bumibisita dito e nagbabaka-sakali lang naman na makikita ko ulit si Kalix. 


Wow, close kami? First-name basis. 


Malay ko ba kung anong apelyido niya. Basta si Atenean guy! 


"Ano 'yan?" Curious na sumilip si Sevi sa dinadrawing ko kaya agad kong nilayo sa kanya para asarin siya. Ngumuso siya at inirapan ako saka umayos na lang ng upo doon sa hospital bed, kunwari nagtatampo. 


"Isip-bata," bulong ko pero sapat lang para marinig niya.


"Anong isip-bata? Ikaw nga naglayo dyan sa papel mo, kala mo naman aagawin ko. Sa 'yo na 'yan, uy!" Pakikipagtalo niya sa 'kin. 


"Nagda-drawing ako. Baka kasi Architecture ang kinuha ko, 'di ba?" Pilosopong sabi ko.


"Nye nye nye architecture kinuha ko diba?" Pang-gagaya niya sa 'kin na parang bata. 


Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Nanahimik siya habang naglilipat ng channel sa TV. Napaangat ang tingin ko nang may kumatok. Napatigil tuloy ako sa pagdadrawing nang pumasok ang doktor ni Sevi. Tumingin ako sa likod niya pero wala si Kalix. 


Hays, sayang. Saan ko ba makikita 'yon? Puntahan ko kaya si Sam kunwari sa Ateneo? Baka naman mahalata niya na may crush ako roon! Madaldal pa naman 'yon! 


Nang matapos kausapin ng doktor si Sevi, tumayo na rin ako dahil kailangan ko na ring umuwi. Nakita ko ang gustong pagpigil ni Sevi na umalis ako dahil wala pa ang parent niya at maiiwan siya sa kwarto mag-isa pero nararamdaman ko kasing uulan kaya nagmadali na akong umalis. Kawawa naman siya. 


Doon ako sa España mag-aabang ng jeep kaya doon ako lumabas at naghintay saglit sa waiting shed na tumigil 'yung ulan kasi wala akong payong. Malamang pagbaba ko ng jeep eh mauulanan ako dahil may tatawiran pa akong overpass. 


Umupo muna ako sa waiting shed habang nakatingin sa harapan, pinapanood ang mga sasakyan. Naalis lang ang tingin ko doon nang may makita akong pababa ng overpass. Napaawang ang labi ko nang makita ko si Kalix na may hawak na shake sa kamay at padaan na sa harapan ko. 


Nakatitig ako sa kanya sa gulat, lalo na noong huminto siya sa paglalakad dahil tumunog ang phone. Naupo siya sa tabi ko pero may space sa pagitan naming dalawa. Mukhang hindi pa niya ako napapansin. 


"Oh?" Sagot niya sa phone niya. 


Napalingon ako sa kanya. Nakatagilid siya sa akin. Napansin ko tuloy ang tangos ng ilong niya at ang jawline niya. Ang ganda naman ng side profile niya.


"Yeah, I haven't read the cases yet." Sinandal niya ang siko sa tuhod. 


Napatingin ako sa digital watch niya. Wew, naka Apple watch. 


"Taxation? Wala ata, bro," sagot niya ulit. Agad akong napaiwas ng tingin nang lumingon siya sa 'kin. Napansin niya sigurong may nakatingin sa kaniya! Nag-kunwari akong pinapanood ang ulan sa harapan ko. "I'll ask Attorney Herma." At saka niya binaba ang phone nang hindi inaalis ang tingin sa 'kin.


Ako naman ngayon ang naawkwardan! Ganito pala feeling ng may nakatingin sa 'yo! Ginagantihan ata ako. 


Tapos na siyang makipag-usap sa phone pero nanatili pa rin siyang nasa tabi ko. Hindi naman sa assumera ako pero baka gusto niya 'kong kausapin. Charot, assumera lang talaga ako. 


"Ang tagal naman tumila..." Kunwaring sabi ko kahit wala naman akong kausap. "Wala pa naman akong payong..." Dugtong ko pa. 


Narinig kong medyo natawa siya sa ginagawa ko dahil kinakausap ko ang sarili ko. Lumingon ako sa kanya pero nakatingin lang rin siya sa harapan at nakasandal. 


"Sorry, I don't have an umbrella."


Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya 'yon. Mukha ba akong nagpaparinig na pahiramin niya ako ng payong?! Hindi naman 'yon ang intensyon ko! Naawkwardan lang ako! Siyempre, hindi naman ako makapagpaliwanag. 


"Ako ba kausap mo?" Kunwari pa 'kong walang alam. 


He just shrugged. Hindi man lang sumagot! Nako, buti pa 'ko, sasagutin kita. Char. 


"Nako, hindi ko naman kailangan ng payong." I tried to save myself but he didn't respond.


Mukha tuloy akong tangang nagpapaliwanag sa hangin. Tumayo na lang ako at umakyat na sa overpass para tumawid sa kabila. Sinilip ko siya at nakitang nakaupo pa rin siya doon at pinapanood ang mga sasakyan. Umismid na lang ako at naghintay na ng masasakyan.


Pagkauwi ko, parang sinagot ni Lord ang dasal ko dahil binalita ni Kierra na nag-aaya si Sam na bisitahin daw namin siya condo niya roon sa Katipunan. Nalulungkot daw siya dahil mag-isa lang siya. Papakainin at papainumin naman daw niya kami. 


"Ano, pupunta tayo?"


"Oo!" Mabilis na sagot ko.


Kumunot ang noo ni Kierra at binaba ang phone para tignan ako. Ngumiti lang ako sa kanya kahit paniguradong nahahalata niya na ang hidden agenda ko. 


"Dati kapag naririnig mo ang Katipunan, unang reaksyon mo 'Layo!'" Ginaya pa niya ako. "Ngayon oo agad? Walang pagpapapilit? Magpakipot ka naman, oy! Malanding 'to, may crush doon sa lalaki sa Pop Up!"


At tama nga ako. Halata niya nga. Mabilis kasi makapansin 'tong si Kierra. Napaka observant. Wala na rin talaga akong pakialam kung sasabihin niya kila Yanna. Baka sakaling matulungan pa nila ako. 


Dumating ang Friday at iyon ang araw na napagdesisyunan naming mag-sleepover nila Kierra sa Katipunan. 12 PM pa lang wala na kaming klase kaya nauna na kami ni Kierra papuntang Katipunan. Siya ang nag-drive dahil tinatamad ako.


"Pasok tayo sa loob!" Pilit ko kay Kierra.


"Malandi ka talaga!" Inirapan niya ako pero pumayag din naman dahil nagpapasundo nga si Sam sa may Xavier Hall. Nagpark saglit si Kierra dahil masyado kaming maaga. 1:30 PM pa raw tapos ng meeting ni Sam kaya bumaba muna kami para mag ikot-ikot... Pero sa totoo lang, daig ang daga ng kalikutan ng mga mata ko. 


"Sis, nasan na tayo?" Tanong ko kay Kierra. 


"Tanga, nasa America na tayo. Tignan mo, Englishero mga tao."


Ang laki naman pala nitong Ateneo! Ligaw na ligaw kami ni Kierra! Akala ko malaki na 'yung UST tuwing nagpapabalik-balik ako sa Noval papuntang Dapitan pero mas malaki pa pala 'to! Paikot-ikot na ata kami ni Kierra dahil naliligaw. 


Bandang huli, umupo na lang kami ni Kierra sa may parang hallway. May mga bench kasi roon. 


"Nakakaloka, ang daming pogi." Kinurot ako ni Kierra sa tagiliran. Halos mahampas ko ang batok niya. "Sis, ayon naka puti tapos 'yung katabi niya, sarap sa eyes," bulong niya pa sa 'kin. 


"Huwag kang magulo, may hinahanap ako." Tinulak ko ang mukha niya palayo sa 'kin. 


"Aray ko, ha!" Reklamo niya. "Ang laki laki nito, tingin mo makikita mo 'yon? Huwag ka nang umasa!" 


Hindi ko na narinig ang mga pinagsasasabi ni Kierra dahil nang marinig namin ang bell, nagdagsaan na mga studyante sa hallway. Sige ang tingala ko para lang makita kung dumadaan siya rito. 


"Shit, ayun siya!" Kinurot ko si Kierra na napasigaw naman sa sakit. 


Nakita ko si Kalix na naglalakad kasabay ng dalawang lalaki. Siya ang nasa gitna habang nagkukulitan 'yung dalawa niyang kasama. Isa roon 'yung crush ni Sam na football player. Halatang naiirita si Kalix dahil seryoso siyang nagbabasa noong hawak niyang makapal na papel. Higit 50 pages ata 'yon. 


He was wearing a simple dark green shirt and a pair of black shorts partnered with his black Balenciaga shoes. Simpleng black backpack lang ang suot niya. I wondered if he was the serious type pagdating sa acads? Nakikita ko kasi siyang seryoso habang nagbabasa. 


"Hi KJ!" Bati noong isang babae na nakasalubong nila. Napasimangot ako. Tinanguan lang siya ni Kalix at binalik na ang pagbabasa. 


"Hoy Luna, tara na, nandyan na daw si Sam!" Napalingon ako kay Kierra. 


Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Aalis na sana kami nang marinig namin ang boses ni Samantha na sumigaw sa may hallway. "GIRLSSSS!" Malakas na sigaw niya habang tumatakbo pa papunta sa amin. 


Napatingin tuloy ang ibang tao! Napahinto rin sa paglalakad sila Kalix dahil sa sigaw niya. Napaiwas tuloy ako ng tingin.


"Sup, Adi!" Bati ni Sam doon sa crush niya. Wow, friends na sila? "Hey, I'll serve food and drinks tonight sa condo ko if you guys want to come. You can bring other friends too!"


Napaawang ang labi ko nang marinig 'yon. Pucha! Akala ko ba kami lang girls?! Bakit nag-aaya ng iba 'tong maharot na 'to?! Ano 'to, blind date?! Partner partner? Wala akong reklamo kung sasama si Kalix pero nakakahiya! Baka hindi ako makagalaw mamaya!


"G!" Masayang sabi ng isang kaibigan nila. "Tara na, bro." Tinapik nito ang dibdib ni Adonis. 


"Okay lang ako. Aayain ko na rin sila Jake. Ikaw ba, KJ?" Pati ako, napatingin at naghintay ng sagot niya.


"Pass," walang pakialam na sabi ni Kalix habang may binabasa pa rin.


Nalungkot tuloy ako! Nakakainis naman! Pagbalik tuloy namin sa kotse e parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Parang pasan pasan ko lahat ng problema sa mundo. 


"What, you like Kalix?!" Sigaw ni Sam sa akin pagkarating namin sa condo niya. 


Ang laki masyado ng condo niya para sa kaniya lang. Spoiled na spoiled talaga 'to sa magulang niya palibhasa dalawa lang silang magkapatid. Halatang bagong gawa nga 'yung condo dahil kaunti ang gamit. Malinis. Pastel pa ang kulay. May dalawang kwarto doon at may terrace pa. Sa common area, living room at TV tapos kitchen.


"Crush lang," sagot ko kay Sam habang naglilibot sa condo niya.


"Well, hindi ko na crush si Adonis! May bago na akong crush!" 


Ang bilis naman makahanap ng bago nito. 


"May listahan ka ba ng mga crush mo, ha? Kapag nireject ka ng isa, cross out sa list tapos 'yung pangalawa naman, ganon?" Sabi ni Kierra. 


"9 lang kaya ang crush ko!" 


"9?!" 


"Kung 10 'yon, e 'di maharot na 'ko! Pero 9 lang!"


Maya maya, dumating na rin sila Via at Yanna, kasabay noong inorder na pagkain ni Sam. May alak na raw siya sa ref na nakahanda. Itong kaibigan ko, masyadong gastador. Minsan, gusto ko na lang siyang suwayin pero nagbebenefit rin naman kami sa mga libre niya. 


"Nag LRT kayo?" Tanong ni Kierra pagdating ni Via at Yanna. 


"Oo. Hassle," reklamo ni Yanna. "Hoy Sam, siguraduhin mong may poging dadating ha! Iyon ang pinunta ko dito!" 


"Oo nga, nag-invite nga ako! Kaso malungkot 'tong isa at hindi pupunta si crush." Tinuro pa ako ni Sam. Sinamaan ko siya ng tingin.


"Sinong crush?" Nagtatakang tanong ni Via. 


"'Yung taga Ateneo, remember? 'Yung masungit sa Pop Up. His name is Kalix!" Sagot ni Sam habang inaayos ang mga pagkain doon sa may lamesa. 


"What the fuck?! Akala ko ba ayaw mo sa taga Ateneo?! Malanding 'to! Marupok sa pogi!" Sinabunutan ako ni Yanna. "Anyare doon sa sinasabi mong baka english-englishin ka? Tanga!"


"Kaya nga nagpapractice na siya kagabi with Siri," sabi naman ni Kierra. Sinungaling! 


Napatingin kami sa pinto nang may mag-doorbell. "'Yan na ba 'yung pagkain?" Tanong ni Yanna. 


Sumilip si Sam sa may peephole ng pinto. "Stupid, 'yan na 'yung guys!" 


Umirap si Yanna. "E 'di pagkain nga! Boba!" 


Wala akong pakialam at kumakain na lang ako ng pizza dahil wala naman ang crush ko. Narinig kong winelcome na sila ni Sam. Ito namang si Yanna, parang naging mahinhin bigla. Umupo roon sa sofa at naglagay ng unan sa binti saka pinatong ang kamay doon. Napaka-mapagpanggap.


"Upo kayo, may pizza dyan tapos may mga pasta rin, may chicken. You guys can eat since we already started na," rinig kong sabi ni Sam. Nanonood lang ako ng TV nang pasimple akong sinipa ni Sam. 


"Ano ba?!" Iritang tanong ko nang sipain niya ako ulit dahil hindi ko siya pinansin.


Pinanlakihan niya ako ng mata kaya napalingon ako sa mga lalaki. Halos madura ko ang kinakain ko nang makitang kasama si Kalix. Para akong naging si Yanna at umupo rin ako sa sofa at kumuha ng unan! 


Sinamaan ako ng tingin ni Yanna nang makitang nakadikit ako sa kanya. 


"Boba, umurong ka. Kaya nga ako nandito para may tumabi sa akin! Epal na 'to," bulong niya.


Umirap ako at lumipat sa kabilang sofa. Anim atang lalaki ang dala ni Adonis. Nagsimula nang kumuha ng pagkain ang mga 'yon. Kumuha lang ng isang slice si Kalix at naupo na doon sa kabilang sofa, sa may tabi ni Yanna! 


Halos patayin ko si Yanna sa tingin. Tinaasan naman niya ako ng kilay at sinenyasan na magpalit kami pero inismiran ko siya. 


"Hay nako," pagpaparinig ni Via nang makitang nag aaway pa kami ni Yanna sa tingin. 


Nilabas na ni Sam ang mga alak at nilapag doon sa lamesa. Nanguna-nguna naman 'tong si Kierra na nagbukas at naglagay sa mga baso. Isa-isa niya 'yong inabot sa amin. Umiling si Kalix.


"Sige na, bro! Ngayon lang!" Pagpilit ng friend niya.


"May cases pa, Leo," seryosong sabi ni Kalix.


"May Saturday at Sunday pa naman! Chill!" Sabi ni Adonis. "Advance na advance mag-aral 'tong tropa ko. Pahinga ka naman nang kaunti, oh!" 


"Kung ayaw, wag pilitin!" Sumingit na si Sam. "Stop peer-pressuring him nga. O, inumin n'yo na 'to." 


Tinanggap ko ang basong inabot ni Kierra sa akin at inistraight 'yon. Sinalinan ko na lang ulit ng panibago. Naka-limang baso na 'ko pero si Kalix nakaka dalawang slice pa lang ng pizza. Busy siyang nagbabasa noong kanina pa niya binabasa. Naghihighlight pa siya.


"Hahaha, I told you not to force him to go. Look at him! He's still studying!" Natatawang sabi ng kaibigan nila. 


"Let him be. Mapapagod rin mata niyan," sabi noong Leo. 


And he was right. Noong kumuha ako ng pasta, nakatago na sa bag ni Kalix 'yung binabasa niya at may hawak na rin siyang baso ng alak. Wow, iinom siya. Mataas ang alcohol tolerance ko kaya hanggang ngayon ay hindi pa ako nalalasing. Nagpahinga na lang muna ako sa kakainom at kumain na lang. 


Nang mapansin kong madilim na sa labas, doon na ako napatingin kay Yanna. Nakakandong na ang gaga roon sa isa pang poging tropa nila Kalix. Hindi na kami nagulat. Umiwas na lang ako ng tingin. Naglalaro na ng beer pong sila Sam at Via. Si Kierra naman ay may kausap ding lalaki. Busy silang lahat maliban sa amin ni Kalix. Nakatingin lang ako sa kawalan habang umiinom. Pang-11 na baso ko na ata 'to kaya tinatamaan na 'ko.


Tumayo si Kalix para magligpit. Pinanood ko siyang kuhanin ang mga empty bottles at 'yung mga ibang disposable paper plates. Nilagay niya iyon sa trashbag. I smiled a little. Bakit siya nagliligpit, hindi naman niya condo 'to? I was guessing na bothered siya sa kalat at walang magawa.


Tumayo na rin ako para tulungan siya. Tinapon ko na rin 'yung mga basong walang laman. Pagkatapos, iniwan niya muna sa isang tabi 'yung garbage bag. Ako naman, pumasok sa kwarto para lumabas doon sa terrace. Ang ingay kasi sa loob.


Nagulat ako nang sumunod siya sa 'kin. Sinandal niya ang dalawang siko sa terrace at tumingin lang sa mga ilaw galing sa iba't ibang building. 


"Hi! Bakit ka nandito?" Tanong ko. 


"Maingay," maikling sagot niya.


Tumango ako at nag isip pa ng itatanong. "Anong year mo na?" 


"3rd."


Tumango ulit ako.


"Mag-aabogado ka pala?" 


"Yes."


Bakit ang ikli niyang sumagot? Parang wala siyang interes kausapin ako kaya nanahimik na lang din ako. Mapapahiya lang ako rito, e! Sumandal ako sa terrace at paunti-unting ininom ang nasa baso ko. 


"You?" 


Napatingin ako sa kanya nang magtanong siya. 


"Hindi ako mag-aabogado," sagot ko.


He laughed at my answer a little. Napatingin tuloy ako sa kanya. "What year are you in?"


"2nd. Oo nga pala, bakit lagi kang nasa UST? Lagi kitang nakikita roon." 


"My parents are both doctors," sagot niya. 


Ano 'to, Q&A? Fast talk? Ganiyan lang talaga ang sagutan dito? Kaya today? 


"Family of doctors. Buti pinayagan ka mag abogado?"


He did not answer. He just looked away. 


I think I hit the wrong spot. Natahimik tuloy ako. My gosh! Ang chismosa kasi! Ayan tuloy, na-off ata siya! 


"What's your name?" He asked after a long silence. 


Oh my, hindi pala niya alam pangalan ko! Bakit niya tinatanong? Baka isusulat niya ako sa diary niya or something. Crush na ata ako.


"Bakit mo tinatanong?" Tinaasan ko siya ng isang kilay, kunwari hindi ako kinikilig. 


"I can't?" Balik niya. 


"Aadd mo ko sa Facebook?"


"I don't use Facebook." 


"But you have one?"


"I have one," he simply answered. 


I laughed a little. "Louisse Natasha Valeria," pagpapakilala ko. 


"Too long," he replied.


"Okay. Just call me love." 


Tumaas ang isa niyang kilay at inismiran ako. Sungit! Tumawa ako at inubos na lang ang iniinom ko. 


"How shall I call you?" 


"Simple. Just ask for my number." I smirked.


I saw him roll his eyes but he smiled a little, too. Yie, napangiti! Uminom siya roon sa hawak niyang baso. Gosh, kahit paglunok at pag-galaw ng Adam's apple, naattract ako.


"Luna. Just call me Luna," bawi ko. 


Tumango siya at tinalikuran na ako para bumalik sa loob. 


Nang pumasok siya sa loob, pumasok na rin ako at nakitang nakapaikot na lang sila roon, mga lasing, at nagpapadamihan na ng inom. Mga nagpapalakasan. Napansin ko rin na nawala na si Yanna at 'yung nilalandi niyang lalaki. Hindi na bago 'yon kaya umupo na lang rin ako at nakisali sa kanila. 


"Anong oras ka uuwi, KJ?" Tanong noong isa. Nagtaka pa ako kung sino ang kausap niya. Sino si KJ? Killjoy? Kanina ko pa naririnig 'yon, e. 


"Kung anong oras kayo uuwi," sagot ni Kalix. 


"Mamaya pa kami, bro. Go out muna for a smoke or something," sabi ni Adonis. 


Hindi siya pinansin ni Kalix. Kumunot ang noo ko. He smokes? 


"Uy, kulang pa 'yung drinks and food! Bili kayo, Luna!" Sabi ni Via. Pinanlakihan ko siya ng mata. Halos lahat sila ay basag na kaya walang choice kung hindi kami lang dalawa ni Kalix ang mautusan. 


Inabutan ako ng pera at gulat rin ako nang pumayag si Kalix. Nagsuot lang siya ng hoodie niya at sumunod sa akin pababa ng condo. Naglalakad kami ngayon papunta sa malapit na convenience store. Madaling araw na pala. 


"You smoke?" I asked.


"I already stopped." maikling sagot niya na naman. 


"Ang hirap mo kausapin, 'no? Ang ikli ikli ng mga sagot mo palagi!" Sabi ko habang naglalakad kami. "Kung ano itanong sa 'yo, 'yun lang rin isasagot mo. Kung essay 'to, kalahati lang ang score mo."


Hindi siya sumagot. O, 'di ba?! Kakasabi ko lang! Ngayon zero na siya sa essay!


"Last year," sabi niya bigla. Napalingon ako sa kanya. Bumagal ang paglalakad namin. 


"What?" 


"I already stopped last year," dugtong niya. Kumunot ang noo ko. He lightly scratched the tip of his nose. "Uh, smoking." 


Ah! Tumango tango ako. 


"Completely. It was a process," he added. 


"Congrats." Wala na akong masabi! Pwede bang sabihin ko na lang na crush kita para maintindihan mo kung bakit nage-effort akong kausapin ka kahit ganito ka?


"Thanks." 


At wala na ulit kaming mapag-usapan! Kung hindi ko lang talaga 'to crush, hindi na 'ko nagpapakahirap mag isip ngayon kung ano pang itatanong ko. Kahit walang kakwenta-kwentang tanong siguro, pwede na rin. 


"Kailan ka ulit babalik sa UST?" Tanong ko.


"Why? You want to see me?" 


Huh?! 


"Anong sinasabi mo riyan?! Asa ka naman 'no! Phew! Bakit kita gustong makita?!" I blurted out, halatang defensive.


He stopped walking when a car passed by the road. Napatigil din tuloy ako. Lumipat siya ng pwesto sa kabila ko para siya ang nasa gilid ng daan. I smiled a little. What a gentleman. 


"Next Friday, I guess."


Hay, isang linggong hindi ko siya makikita! Miss ko na siya. Char. 


Nakabili na kami ng pagkain at inumin kaya bumalik na rin kami sa condo. Hindi na kami nag-usap pagkatapos noon. Nang umuwi sila, hindi rin siya nagpaalam sa 'kin. Hindi ko rin naman ineexpect na magpaalam siya sa 'kin. Sino ba naman ako?! Future girlfriend niya lang naman. Hindi nga lang niya alam. 


Noong Monday, nagmamadali akong bumili ng lunch sa carpark dahil nga hindi ko pa tapos plates ko. Badtrip, nakalimutan ko! Sa KFC na lang ako bumili ng pagkain. Nagmamadali akong lumabas, dala-dala pa 'yung dalawang malaking papel na nakabilog. 


"Shit! Shit!" Halos maiyak ako nang mahulog ako sa maliit na hagdan at natapon ang drinks ko sa mismong papel ko. Para akong mababaliw na. Pinigilan ko na lang ang sumigaw. Wala na akong panahon magbreakdown kaya tumakbo na lang ako sa Noval para bumili ng bagong papel at tumakbo sa may mga gazeebo para madaliin ang pagdadrawing ng bago. 


Laglag na siguro ang buhok ko galing sa bun habang stressed na stressed akong nagdadrawing at siyempre kung kailan ako mukhang tanga, roon pa 'ko makikita ng crush ko, 'di ba?!


Inangat ko ang tingin ko sa kanya nang makitang naglalakad siya sa may Beato. Akala ko ba Friday pa?! Bakit nandito na siya kaagad?! Wala ba siyang pasok?! Ano ba 'yan, namiss ata ako kaagad. Chos. 


Kumaway ako sa kanya nang magtama ang tingin namin. May gana pa talaga akong kumaway pero hindi pa 'ko tapos dito! Mamaya na 'to ipapasa!


Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang ginagawa ko. 


"You okay?" 


My gosh! Muntik ko nang mabali ang lapis na hawak ko nang maramdamang tumabi siya sa 'kin! Guard, pwede ba 'to?! Huwag naman sana ako madistract ngayon kung kailan may kailangan akong gawin! 


"Oo," maikli lang sagot ko dahil stressed na stressed ako. Napasapo ako sa noo ko, malapit nang tanggapin ang kapalaran ko. 


Nakatingin lang siya sa 'kin at inalok ang tubig na hawak niya. "Water?" 


I smiled at him a little. "Thank you pero may ginagawa ako. Mamaya mo na 'ko landiin," mabilis na sabi ko.


Napatigil ako nang ma-realize ang sinabi ko. 


"Kausapin! Mamaya mo na 'ko kausapin!" 


The side of his lips rose up, trying to stifle a smile. Napapikit ako nang mariin at hindi na ako nakapagsalita habang nagdadrawing. 


"Okay. Mamaya na lang," tumayo siya at iniwan ako. 

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro