Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

01


DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story is not affiliated with UST/ADMU/FEU/DLSU/other universities. 


This is the updated version. Oct 7 2020. 

However, I noticed that after editing, there were errors with saving. I apologize for the letter errors and spacing errors. I will edit this once more. Thank you for being patient.

***

"Tapos na plates mo?" 


Umupo si Kierra sa tabi ko at kinalabit ako. Narito ako sa tapat ng Beato building, nakaupo sa may mga benches habang kumakain ng kwek-kwek na binili ko roon sa Dapitan. Ang layo ng pinunta ko pero kinailangan ko rin kasing magpa-print. Mayroon naman sa Noval pero nagutom ako, e. Minsan, masaya ring maglakad-lakad lalo na kapag hindi gaanong maaraw. 


"Mukha bang tapos na 'ko, ha?" Inirapan ko ang pinsan ko. Hindi na ata kami naghihiwalay nito. Simula kinder hanggang college ay magkaklase na kami. Hanggang ngayon, blockmates pa rin kami. 


"Malay ko ba! Mabilis kang gumawa, e!" Pagrarason niya naman sa 'kin. "Ako, tapos na! Pwede na uminom!" Pagpaparinig niya. Napalingon ako sa kanya nang marinig ko ang magic word.

"Saan?" Tanong ko. 


Kaunting touch na lang naman ang gagawin ko sa plates ko at tapos na 'yun kaya pwede naman siguro akong sumama sa kanya. Tutal, Friday ngayon at wala naman kaming klase bukas, pwedeng pwede! 


Charot! Gumagawa lang ako ng rason sa sarili ko pero gusto ko lang talaga mag-relax kahit saglit lang. Sabi nila kaunti pa lang naman 'tong ginagawa namin kasi simula pa lang ng semester kaya may oras pa para mag petiks petiks. 


"Pop Up. Sa Katipunan," sagot niya sa akin, hinihintay ang reaction ko.


"Layo!" Agad nag-iba ang mukha ko. 


Iinom na nga lang, dadayo pa sa malayo! Ang dami dami dyan sa Dapitan, e! 


"Choosy ka pa? Libre ko transpo at ambag mo, G na? Inaya ko sila Via. Pupunta sila! Tsaka manlilibre rin naman daw si Samantha kasi may bago daw siyang crush doon sa Ateneo," pagpupumilit niya sa 'kin.


"Hmm, pag-iisipan ko." Kinuha ko ang phone ko at tinignan lahat ng kailangan kong gawin. Kaunti pa lang naman 'yon. Humarap ako sa kanya at ngumisi. "Sige na nga." 


"Pabebe ka pa, papayag ka rin naman." Inirapan ako ng pinsan ko at hinatak ako patayo. "Tara na, magtatraffic na! Magdadrive ako, susunduin ko pa si Yanna!"


"Jusko ang lapit lapit lang niya kailangan pang sunduin?! Maglakad na lang siya dito. Kapag pogi dinadayo niya dito sa USTe pero kapag kaibigan kailangan pa siya sunduin?" Reklamo ko habang naglalakad kami papunta sa carpark. 


Hindi pinansin ni Kierra ang mga reklamo ko hanggang sa makasakay kami sa kotse niya. Gusto ko pa sanang bumili ng Pasta Boy dahil nagugutom pa ako pero siya naman ang nagreklamong mangangamoy daw sa kotse niya at matatraffic na daw kami kaya sige, oo na lang 'te! Arte! 


Sinundo namin si Yanna sa may Morayta kaya lalo pa kaming na-traffic! Nagreklamo ako sa kanya pero mukhang wala siyang pakialam dahil may tinatype sa cellphone. 


"Hoy, nakikinig ka ba?" Tanong ko sa kanya. 


"O, ano ba 'yon?!" Tinaasan niya ako ng kilay. "Hay nako Louisse Natasha, wala akong panahon pakinggan ang kadaldalan mo at may hangover pa ako!" 


"Wow, may hangover pa tapos iinom ulit ngayon? Malupet ka, sis!" Pang aasar ko sa kanya. "Kumusta na kayo noong landi mo?" 


"Anong landi, tanga, ghinost na nga ako noon!" Mas lalo lang siyang nabadtrip sa 'kin. 


Natawa ako nang malakas. Si Yanna, na-ghost? Hindi ba siya dapat ang nang-iiwan? May nakakatiis pa pala sa babaeng 'to. 


"Tinatawa-tawa mo dyan? Wala ka namang jowa!"


Natigil tuloy ako sa kakatawa. Aray, masakit 'yon, ah! "At least hindi ako ghinost," ganti ko.

"Nye nye, mamaya ka sa Pop Up. Madami pa naman taga Ateneo doon, hahanapan kita kapag lasing ka na para matapang ka. Duduwag duwag ka din kasi, e!" Pambabash niya sa 'kin. Umirap ako kahit nasa harapan ako at hindi niya naman makikita.


"Ayoko ng taga-Ateneo!" Sabi ko.


Binaba ni Yanna ang phone niya para tignan ako. "Bakit naman? Hindi rin naman nagseseryoso mga 'yon! Proven and tested!" 


"Ayoko, mayayaman 'yon! Baka ayaw sa 'kin ng magulang. Palagi ko nakikita 'yon sa mga teleserye pag mayaman, ayaw ng magulang tapos aabutan ng pera. Nako, hassle lang 'yun! Tsaka baka english-englishin ako. Wala akong baon today!" Sunod sunod na sabi ko. 


"Gaga, landi lang pinapahanap ko para ka namang naghahanap na ng mapapang asawa." 


Nagtalo pa kami sa kotse hanggang sa makarating kami sa Pop Up. 'Yung Pop Up, parang isa siyang malaking covered court na may mga food stalls. Nasa Katipunan 'to kung saan ang Ateneo kaya madalas mong makikita 'yung mga estudyante rito lalo na kapag hapon o gabi.


Dalawang beses pa lang akong nakakadayo rito dahil nga madalas lang naman kami sa Dapitan uminom. Kapag nag-aaya lang si Samantha, saka kami pupunta. Hindi namin sure kung pwede ang naka-uniform kaya nagsuot kami ng jacket. Si Yanna , naka-casual attire na kanina pa kaya wala siyang hassle. Kami lang ni Kierra ang nag-jacket. Madalas kaming may dalang jacket kasi malamig sa room. 


Nakita na kaagad namin si Via at Sam sa iisang table. Nauna pa pala 'tong si Via sa amin! Natapos niya na siguro kaagad plates niya kaya ang bilis nakapunta rito. Naka-order na rin ng tatlong bucket 'tong si Sam at mukhang good mood pa.


"Come on! Dalian n'yo maglakad so we can start na! Ang late n'yo na nga, e! May chika pa ako!" Salubong ni Sam.


"Pucha, red horse? Kadiri naman!" Sabi ko pagkaupo namin.


"May San Mig naman," sabi ni Via at tinulak sa harap ko iyong isang bucket. 


Mayroon ding Smirnoff kaya okay na rin. Lasang Sprite lang 'yon o kaya juice. Walang pasabing nagsimula na 'kong uminom habang nakikinig sa kwento nitong si Sam. May crush daw siyang football player doon sa Ateneo na lagi raw niyang nadadaanan sa may field. Hindi pa raw niya nakakausap pero sigurado na raw siyang single dahil inistalk niya na sa Facebook at nakapagtanong na siya sa mga kaibigan niya.


"Tinignan niya ako kahapon noong nagkasalubong kami sa may Gonz!" Patuloy na pagkekwento niya. "I was hoping nga na pupunta sila dito today kasi I heard them talking kanina sa may table sa Zaggy G. Tumabi talaga ako para marinig ko!" 


"What the heck is a Zaggy G?" Nakakunot ang noo ni Via nang magtanong.


"Gonzaga. Basta, cafeteria!" Pagpapaliwanag ni Sam. "Oh my gosh, oh my gosh, wag kayong lilingon pero nakikita ko siya ngayon na naglalakad."


Sabay kaming lumingon ni Kierra sa tinitignan ni Samantha. 


"Stupid! Oh my gosh! Sabi ko huwag lumingon!" Naiistress na sabi ni Samantha at hinatak pa ang buhok ko para pigilan ako. 


Nakita namin ang grupo ng kalalakihan na umupo sa isang table. There are about 8 of them. May kasama silang tatlong babae. Mukhang magkakablock sila na lumabas lang pero hindi talaga sila magkakatropa or something. 


"Sino dyan?" Tanong ni Kierra. 


"The one wearing black," pabulong na sabi ni Sam na parang maririnig ng mga lalaki 'yung sinasabi niya kahit medyo malayo naman sila sa amin. 


"Boba, apat ang naka black!" Binatukan siya ni Yanna. 


"The one wearing a necklace and a cap!" Pag-detail ni Sam.


Pasimple kaming tumingin at nakitang gwapo nga iyong tinutukoy niya pero parang mas nagwapuhan ako sa katabi n'on. Doon napako ang tingin ko habang umiinom ako ng beer. Medyo maputi, matangkad, gwapo, mukhang naglilight workout pa dahil sa braso. Tinignan ko ang suot niyang damit. Grey shirt with a design on the chest part and a pair of black shorts. Simple lang naman. Nang tignan ko ang sapatos niya, saka ako napairap.


Balenciaga.


Nakailang kwentuhan pa kami nila Sam at madalas akong napapatingin sa gawi ng lalaking tinitignan ko kanina pa. Tahimik lang siya at paminsan-minsan ngumingiti kapag may nakakatawa silang pinag-uusapan. Napatigil ako sa pag inom ng beer nang tumayo ang lalaki para bumili pa ng alak. Tumayo 'yung isang babaeng kasama nila para sumunod sa kanya. 


Tsk, may girlfriend ata. Badtrip. 


"Hoy, Luna! Ano? May pogi? Share mo naman! Kanina ka pa nagnanakaw ng tingin dyan sa kabilang table, e!" Pinitik ni Kierra ang noo ko. 


"Wala!" Tanggi ko. 


Saka ko lang napansin na nag order pa ng maraming alak 'tong si Samantha. Naubos na kaagad nila 'yung tatlong bucket. Namumula na si Yanna at pakiramdam ko kaunti na lang ay may lalandiin na naman 'yan. Ganyan 'yang malanding 'yan! 


Mukhang tinatamaan na kami dahil parang nagpapa unlimited drinks 'tong si Sam. Umalis si Yanna saglit para mag C.R pero nakita namin siya kaagad sa kabilang table na may kausap na lalaki! Jusko! Hindi na lang namin siya pinansin at nagpatuloy sa pagkekwentuhan. Normal na eksena na iyon para sa amin. 


"Go na, Sam! Kausapin mo na!" Pagpipilit nila Via sa kaniya. Dahil nga may tama na si Sam, tumayo nga ang gaga at lumapit doon sa may table ng crush niya. Nakakahiya! Nahihiya na kaagad ako kahit wala pang nangyayari!


"Hoy gaga, pigilan mo 'yun!" Takot na sabi ko kay Via.


Nagmamadaling tumayo si Kierra para pigilan si Sam pero nandoon na siya sa tapat ng table ng crush niya. Nakatingin na ang tatlong lalaki doon sa kanya at nagtataka kung bakit siya nakatayo doon sa tapat nila.


Tumayo rin ako para lumapit at marinig ang mga sasabihin ni Sam.


"Hi, I'm Sam!" Tuminis ang boses ng tropa ko. 


Naglahad pa siya ng kamay doon sa crush niya. Awkward na ngumiti 'yung crush niya pero tinanggap naman ang kamay niya.


"Adonis," pagpapakilala ng lalaki out of respect. 


"Can I sit here?" Makapal na mukhang tanong ng kaibigan ko. Napasulyap si Adonis sa isa niyang tropa, lowkey asking for help. Mukhang naiilang siya sa ganito, ah. Mukhang hindi sanay. 


"Adi, nasusuka si Riz." Napaangat kaagad ang tingin ko sa lalaking kanina ko pa tinitignan nang maglakad palapit at tinapik ang balikat ni Adonis. Pinasadahan niya ng tingin ang mga kaibigan ko at walang pakialam na umupo sa dapat uupuan ni Sam kanina. 


"Sige, puntahan ko." Tumayo si Adonis at umalis. 


Sam was left dumb-founded. Nakatulala siya at mukhang hindi tanggap ang pag-reject sa kanya ng crush niya. Nakita ko pang paiyak na siya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa itsura niya, e.

"What do you need?" Supladong tanong ng lalaking tinitignan ko kanina pa. 


Doon na umiling si Sam. Hinatak na siya nila Kierra pabalik sa table namin para hindi na niya ipahiya pa 'yung sarili niya. Umupo na lang din ako at lumingon ulit doon sa lalaki. Umiinom siya ng beer ngayon at nakasandal ang siko sa lamesa. Bakit ba kanina ko pa siya tinitignan? Kung wala lang siyang girlfriend... Hay. Gwapo!


Umiyak na si Sam kaya inuwi na siya ni Via. Wala nang sponsor ng alak kaya umuwi na lang rin kami nila Kierra. Magkasama kami ni Kierra hanggang sa condo. Hindi na talaga kami naghiwalay. 


"Kawawa si Sam. Bagong crush pa lang, olats na." Umiling si Kierra. Natawa tuloy ako. Hindi naman katapusan ng mundo ni Sam. Marami pang nakalistang crush 'yon.


Kinabukasan, kinailangan kong pumuntang UST dahil may shooting sa org. Dumaan din akong UST Hospital para bisitahin si Sevi, 'yung kaibigan kong lalaki na taga-Engineering. Kaibigan ko siya noong highschool. Napilayan kasi sa training nila ng basketball kaya nasa hospital. Tanga lang. 


Kaso tulog siya noong bumisita ako. Ayaw ko naman siyang gisingin kaya lumabas na lang din ako. Babalik na lang ako dahil baka sabihin niya hindi ko siya binibisita. Sinara ko ang pintuan at sumakay ng elevator. Huminto iyon sa 3rd floor at napaawang ang labi ko nang makita kung sino ang papasok. 


'Yung masungit na lalaki kahapon sa Pop Up! Bakit siya narito? Nakapamulsa lang siya at nakatingin sa harapan, mukhang walang pakialam. May pumasok pang naka-wheel chair kaya umatras kaming dalawa palikod. Muntik na kaming magkadikit. Tinignan ko siya at pinagmasdan ang mukha niya nang malapitan. Ang gwapo niya rin talaga e, 'no? Ano kayang skincare niya? Ang bango pa niya.


Naramdaman niya atang nakatingin ako dahil nilingon niya ako. Agad akong umiwas ng tingin at umubo kunwari. Nang makarating sa ground floor, siyempre lumabas na siya at lumabas na rin ako. Napahinto siya nang may makasalubong na doktor. Binagalan ko ang lakad ko.


"Oh, Kalix! What brings you here, anak?" Tanong ng lalaking doktor. Hindi ko na narinig ang usapan nila dahil umalis na rin ako. 


Kalix. 


So that was his name. 


Buong Sunday, wala akong ginawa kundi tapusin ang plates ko. Umalis rin si Kierra kaya walang nanggulo sa akin. Noong Monday, pumasok ako sa klase at noong lunch, binisita namin ni Kierra si Sevi sa hospital. 


"O, ano? Kumusta katangahan natin?" Salubong ni Kierra pagkapasok sa room ni Sevi. Tumawa si Sevi at tinignan ako.


"Binisita kita kahapon pero tulog ka," sabi ko sa kanya.


"Wow, buti naisipan mo akong bisitahin. Pero hindi mo naisip na gisingin ako," parang inis pa siya sa 'kin. 


"Ako na nga hindi nang-istorbo sa tulog mo, galit ka pa?" Nilapag ko ang prutas na dala namin ni Kierra. Umupo ako at nilabas ang cellphone ko para i-text si Mommy pero walang signal kaya lumabas muna ako. 


Kakasara ko pa lang ng pinto nakita ko na naman 'yung lalaki! Si Kalix! May kausap siyang doktor at naglalakad sila sa hallway. Maya-maya, huminto sila sa tapat ng room ni Sevi kaya tumabi ako. Nagpaiwan rin sa labas si Kalix. 


Ah, doktor siguro ni Sevi 'yon. 


Sumandal si Kalix sa pader habang ako, nasa tabi niya at nagkukunwaring nagphophone. Ang awkward! 


I heard him chuckle kaya napalingon ako sa kanya. Hindi naman niya ako tinitignan, anong tinatawanan niya? 


Binalik ko ang tingin ko sa phone ko nang marealize na baliktad iyon at nagkunwari pa akong nagtytype. 


Tinago ko na lang ang phone ko sa bulsa at papasok na sana pero parang gusto ko siyang kausapin. Wala naman akong masabi! Sumandal na lang ako sa may pader, katabi niya. After a while, I started talking.


"Ateneo?" I asked. 


He nodded. Nanahimik ulit kaming dalawa. Tumingin ako sa kisame para pagmasdan iyon.


"UST?" He asked after a few seconds.


Tumingin ako sa uniform ko. Obvious ba? May logo ng Architecture doon at may nakalagay na UST sa I.D lace ko.


"Yes." Sumagot pa rin ako para mapahaba ang usapan.


"Architecture?" He asked again.


'Wag kang tanong nang tanong baka isipin kong interesado ka rin sa 'kin, sige! 


"Yes. You? Engineering?" Hula ko.


He shook his head. "Management."


"Management Engineering?" I heard mayroon noon sa ADMU. 


"Legal," he corrected.


Ay, mag-aabogado. 


"Luna! Anong ginagawa mo riyan?" Nagulantang ako nang biglang lumabas si Kierra. 


Napaayos ako ng tayo. Napatingin din ata si Kalix sa kanya. Tumingin si Kierra sa lalaking katabi ko bago ibalik ang tingin sa 'kin. 


"Uy, hi! Ikaw 'yung sa Pop Up!" Bati ni Kierra. Ayon, mukhang mas makapal ang mukha niya kesa sa 'kin at siya na ang kumausap. 


"Yeah?" Mukhang hindi ma-recall ni Kalix. 


May sasabihin pa sana si Kierra nang lumabas na ang doktor kaya sumunod na rin si Kalix sa kanya. 


"Malanding 'to! Kaya pala ang tagal sa labas!" Agad na pagbibintang sa 'kin ni Kierra.

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro