Chapter 7: Injured
♤♡◇♧
"SO, how's everything, Alice?" tanong ni Giovanni, mas kilala bilang Gi, sa kanyang maaasahang kaibigan.
"I failed," pag-amin ni Alice ilang araw na ang nakakalipas mula noong gawin n'ya ang pag-pasok sa hotel suite ng mag-asawang Fuentes.
Ilang araw na s'yang palihim na nagmamanman sa mag-asawang Kyle at Ysabelle ngunit laging sa isang secured na event sila nagpupunta. It was near impossible for her to safely infiltrate the place... lalo na at may ilang gang din s'yang nakita na pumapasok sa loob.
Kung magtangka man s'yang pumasok, parang inihayin na n'ya ang sarili bilang pa-en sa kanila. Hindi n'ya rin inalis ang posibilidad na isa itong patibong dahil sa bali-balitang may nagtatangka sa buhay ng mga Fuentes.
Nakaupo ang dalaga sa kanyang motor at tinitingnan ang mga dumaraang tao ng palihim habang suot ang aviator shades niya.
May ilan ring napapatingin sa kanya dahil gamit n'ya ang kanyang pulang Ducati 1098s. It's her prized possession. Matulin at makisig kasi ang dating ng motor kaya n'ya nagustuhan. At sa kanyang puwesto sa labas ng isang café, direktang tumatama ang sinag ng araw sa motor kaya't mas makinis ang hitsura nito.
"What happened?"
Nagpakawala ng mababang paghinga si Alice. "They figured it out."
"What? How?"
"I'm don't know but I did made sure the coast was clear before I moved."
Nangunot ang kilay ni Alice nang mapansin ang tatlong bruskong lalaki na palinga-linga sa kanyang direksyon at nakasandal sa kanilang mga motor.
"Well, they are the invincible couple. I guess I'm not really that surprise that they got the best of you."
Napangisi si Alice. "You're right. Maybe I just assumed I could get ahead of them."
"Maybe not. They just have more experience compared to you. Like, c'mon. They've been ruling since ancient times!"
Napatawa si Alice sa turan ng kanyang pusong-babaeng kaibigan. Alam talaga nito ang kilita n'ya.
Muling sinuri ni Alice ang kilos ng mga lalaki at sigurado na siya na sa kanya sila nakatingin. May isa sa kanila na hawak ang cellphone sa tainga at may kausap.
"I'm going back to my suite now, Gi," aniya.
"What's wrong?"
"I'm being followed."
"Are you okay? Do you need me to call for back up?"
Gustong matawa ni Alice sa sinabi ng kaibigan. "I'll call you back," aniya bago pinatay ang tawag.
Marahang itinago ni Alice ang cellphone sa bulsa. Isinuot na n'ya ang helmet at pinatakbo na ang motor.
Agad n'yang napansin ang pagmamadali ng mga lalaki na sumakay ng sarili nilang mga motor upang sundan s'ya. A smirk formed on her lips under her black helmet.
Pinaharurot n'ya ang motor upang makalayo agad at nagsusuot sa pagitan ng mga saskayan sa highway.
Pakinig n'ya ang pagharurot ng tatlo sa may kalayuan at lalo pa n'yang binilisan ang pagpapatakbo ng kanyang motor. At sa loob ng limang minuto, sa busy na lugar ay nagawa na n'ya silang iligaw.
Lumingon s'ya sa ibang direksyon at nang makumpirma na wala na ngang sumusunod sa kanya ay saka nito normal na pinatakbo ang kanyang motor pabalik sa kanyang hotel na tinitigilan.
Huminto s'ya sa valet at ipinaparada ang kanyang motor. At sa halip na tumuloy na sa kanyang suite, naglakad ito palayo sa hotel.
Alice knew that they would be following close from her. Nasisigurado n'ya na papunta na doon ang mga lalaki. Hindi niya ito mga kilala ngunit hindi maiitanggi na hindi ito basta lang plano na mang-holdap dahil sa hitsura ng mga ito.
If she knew any less, she would have thought they are just on to her Ducati. But she knew better.
Nagtungo si Alice sa isang pasilyo. It didn't take long when she heard the incoming engines approaching her closer and closer. She could feel a horrible presence following here.
Sa halip na matakot ay lalo pa itong nasabik. She needed to hit something after her failed plans. She needed a release.
Nag-inat si Alice ng leeg at balikat bago lumingon. Iyon ngang tatlong lalaki na may tattoo ng kidlat sa kanilang mga leeg at matatalim ang tingin sa kanya. Lahat ay nakababa na ng motor at nakabuntot sa kanya.
"Pourquoi me suivez-vous?" Pagtatanong ni Alice kung bakit s'ya sinusundan ng mga ito.
Ngunit wala s'yang natanggap na kasagutan. Kagaya n'ya, mukhang dayo rin ang mga ito.
"Who sent you?"
She posed her hands in front of her, ready for any attack. Pinalibutan s'ya ng mga ito at matalim ang kanyang mga tingin sa mga bruskong estranghero.
"You need to go with us," ani ng lalaking may suot ng leather jacket na may sira ang laylayan.
"Why should I? Explain yourselves."
Biglang naglabas ng patalim ang ikalawang lalaki.
"Really?" Hindi napigilan ni Alice na irolyo ang mga mata sa mga lalaki.
Patakbong lumapit ang lalaki upang s'ya ay saksakin ngunit nailagan n'ya ito. Sinipat n'ya ang mahabang hairpin sa may tainga niya at siyang itinusok sa balikat ng lalaki bago umikot upang makailag sa sunod na lalaki. Humiyaw ang lalaki sa sakit na natamo.
Tumalon s'ya patungo sa likuran ng lalaki upang maibalot ang madungis na kamay nito sa sariling leeg. Humiyaw ang lalaki dahil sa nahihirapan na itong huminga ngunit hindi pa rin ito binibitawan ni Alice.
Narinig n'ya ang paglapit ng lalaking may patalim at kaagad siyang sumipa palikod. Ginamit naman n'yang panangga ang binti sa paparating na sipa ng ikatlong lalaki. Mukhang baguhan rin ang mga ito batay sa kanilang mga kilos. Alam n'ya kaagad na hindi ito kagaya n'ya na dumaan sa madugong pag-eensayo mula pagkabata.
Ramdam ni Alice ang pagpupumiglas ng lalaki kaya't mabilis n'yang pinilipit ang leeg nito at nawalan ito ng malay.
Pagtalikod n'ya ay nahawakan ng isang lalaki ang kanyang braso. Agad n'yang ipinihit ang braso upang mabaliktad ang puwesto ng mga brasong nagpipihitan.
Before a punch could land to her cheeks, nakailag na s'ya at nasiko ang sikmura ng lalaki bago sabay sipa sa pagitan ng binti. Napangiwi ito sa sakit.
With one guy down, one winging in pain on her grasp, the other man found the opportunity to grab hold of his gun and pointed it on her direction. Hawak naman nito ang balikat na tinusukan ni Alice ng kanyang hairpin.
"Stop," anito na may pagbabanta sa boses.
"Put the gun down or I won't hesitate to take you both down," nakangisi nitong saad.
"No, Brixton. You let him go... NOW or I will shoot."
Gusto ni Alice matawa ngunit pinigilan na lamang n'ya iyon. Ngayong nasa kanya ang upper hand ay biglang marunong nang magsalita ang mga lalaki.
"You've got one thing wrong, fool. You are playing my game. Not the other way."
Napansin ni Alice na akmang hahablutin ng lalaking kanyang ipinipiit ang leeg ang kanyang kabilang braso. Huminga s'ya ng malalim. She snapped his neck for him to lose consciousness before letting him fall on the cold concrete.
"You fucking murderer."
"Really? That's all you can say?"
Kinasa ng lalaki ang baril at akmang ipuputok na ngunit mabilis na nakatakbo si Alice at nasipa ang baril sa ere. Sinalo n'ya ito at itinutok sa lalaki na napatigil sa puwesto.
"Looks like I won. Now, tell me which organization you came from, asshole."
"You don't need to know."
Batid ng dalaga ang pamamawis ng lalaki. Malaki nga ang katawan nito pero masisigurado niya na hindi ito marunong humawak ng baril. The way he held the gun was just for intimidation, not to shoot and kill without hesitation.
"Really? After the stalking and street fighting you guys just did with me? I'm baffled."
Akmang lalapit ang lalaki ngunit itinutok pa lalo ni Alice and baril sa mukha nito.
"One wrong step and your brain will be on this pavement. That is... if you have one," ngisi ni Alice.
"You, bitch!"
Ngunit sa halip na sumagot ay kinalas n'ya ang baril at pinaghiwahiwalay ang mga bahagi. Nakatitig lamang s'ya sa lalaking kulang na lang ay sakmalin s'ya ng buong-buo ngunit hindi s'ya nagpatalo.
Dahan-dahan n'yang ibinagsak ang bawat parte ng baril.
"If you can shoot, you should be able to assemble this piece of shit."
"You!"
Sumugod ang lalaki ngunit kaagad hinablot ni Alice ang kamay nito at inihagis sa ere bago bumagsak sa basurahan at hindi makabangon.
Huminga ng malalim si Alice upang kumalma. Kailangan n'yang malaman kung sino ang may ari ng organisasyong iyon. And tattoo lamang ng kidlat ang alam n'yang marka. Maaaring isang bagong organisasyon ito upang magkaroon lamang ng mga baguhang tao. Ngunit hindi n'ya rin iyon sigurado. She needs to go back to a safe place.
Ngunit sa halip na maging ligtas na ang pakiramdam ay may dumampi sa kanyang braso na matalas na bagay. Dinig rin n'ya ang pagkawasak ng suot ng jacket.
Sa kanyang pagtingin ay nakadampi na ang isang patalim sa kanyang braso mula sa lalaking nauna na n'yang patumbahin.
"You!"
Hinila n'ya ang patalim palabas ng kanyang braso bago hinigas sa ere patungo sa kamay ng kasamahan nito na kukuhanin na sana ang baril sa sahig.
Mahapdi at masakit—she could feel all the pain so bad.
Maingat s'yang tao ngunit hindi n'ya ito inaasahan. She left a blind spot and now she's been injured.
Habang wala pang malay ang dalawang lalaki at pilit bumabangon ng isa pa, kaagad tumakbo si Alice habang mahigpit ang hawak sa kanyang nagdurugong braso. Inaplyan n'ya ng pressure upang masigurado na hindi ito aagos ng walang tigil.
Nagmamadali itong lumusot sa mga bakod at kalye upang makabalik na sa hotel, malayo sa mga lalaking iyon.
Nilampasan na n'ya ang reception sa hotel na wala namang naging isyu. Dali-dali n'yang pinindot ang elevator at sumakay dito.
Kinakailangang makabalik s'ya sa kanyang suite, matakpan nag sugat at makaalis na mula doon. Her location has already been compromised. Hindi na s'ya ligtas doon.
Whoever is after her is serious... and she needs to know who.
♤♡◇♧
Please support the story by commenting and voting
PrincessThirteen00 © 23 04 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro