Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5: Escape

♤♡◇♧

TAHIMIK na nakamasid si Alice sa labas ng hotel. Humigop s'ya ng kape habang nakapako ang mata sa balkonahe na kanyang tinawaid kanina. May bente minutos na lamang at sasabog na ang ilang silid doon.

Nakita rin n'ya ang pagdating ng mga magulang—ng mag-asawang Fuentes limang minuto ang nakakalipas.

Everything is running according to plan. Matutulog na ang mag-asawa at hindi na magigising pa kahit kailan.

Madali lang naman iyon. Kailangang maisakatuparan ang kanhang plano para sa kanyang layunin.

"Momma, here." Napalingon si Alice sa pinagmulan ng boses. May isang batang babae na isinusubo ang maliit na piraso ng cake sa bibig ng katabing ina. Kaharap naman nila ang isang lalaki na marahil ay ang tatay ng bata. Mukhang mga turista ito.

"Thank you, sweetie." Nakangiting sagot ng babae sabay subo ng cake. Agad na kumuha ulit ang bata ng cake at kinain naman ito. Kita n'ya ang marahang paghaplos ng ina sa anak.

Napalunok s'ya. She's envious of those scenes since she never got to experience them.

Mula pagkabata ay sa pag-aaral at pag-eensayo umikot ang mundo n'ya. Kung hindi lamang sa mga Pilipinong nag-aruga sa kanya ay baka hindi rin n'ya maiipagdiwang ang kanyang kaarawan. Maybe her sad childhood memories would be that bad.

She didn't grow up with a mother-figure beside her. Lumaki s'ya sa isang mansyon na pulos mga kalalakihan ang laman at bilang ang mga babaeng katiwala. Kailanman ay wala s'yang naging kalapit na babae o kahit bata na kaedad n'ya. She grew up in a mansion filled with father-figures, guns, and a single mission.

Umiling si Alice. Hindi iyon ang panahon para mag-isip s'ya ng ganoon. Not now. Not ever.

Narito lamang s'ya sa France para sa isang misyon at babalik na s'ya sa Amerika pagkatapos. At kapag nangyari iyon, maiisakatuparan na talaga n'ya ang plano.

Sinilip n'ya ang relos at malapit na ang nakatakgdang oras.

Napatingala si Alice at bumalik ang mata sa mag-asawang lumabas ng building. Humahangos ang mga ito bago sumakay ng sasakyan. Nakita pa n'ya ang paglingon ni Kyle sa paligid habang pumapasok ang kabiyak sa sasakyan.

"No..."

Hindi napigilan ni Alice na mapatayo at mapayukom ang mga kamao. She could feel the cold sweat on her body.

Sinilip n'ya ang cellphone at dalawang tracker nga ang magkasama sa sasakyan. Una, iyong orihinal na inilagay n'ya sa sasakyan at ikalawa, iyong iniwan n'ya sa maleta kung sakaling pumalya ang plano.

At tama nga s'ya. Hindi parte ng plano na lalabas sila kaagad pagkadating sa hotel. Something must've happened. Hindi iyon ang routine ng mag-asawa.

Tama. May nangyari para humangos sila ng ganoon.

Maya-maya pa'y narinig na n'ya ang pagsabog mula sa itaas ng building. Maraming hiyawaan kaagad siyang narinig at mga sasakyan na pulos nag-alarm sa paligid. Tumingala s'ya at nakita kung paano lamunin ng apoy ang palapag ng tanyag na hotel. May ilang bahagi rin ng estabilishimento na nagpapatakan at sunod-sunod ang paglabas ng mga tao.

Paniguradong dudumugin na ito ng bumbero, mga awtoridad, at media. S'ya ang huling tao na dapat makita roon.

Isinuot n'ya ang helmet at agad lumabas ng café. Walang makakakilala sa kanya sa nagkakagulong lugar. Sumakay s'ya sa nakaparada n'yang motor at umalis habang nagkakagulo pa ang mga tao sa paligid.

She failed but her uncle didn't need to know.

NAPA-ANGAT ng tingin si Ysiquel nang ilapag ni Trent ang mga hiningi n'yang mga papeles. Ilang dokumento na nakabalot sa kayumangging mga envelope.

Kakatapos lamang ng maagang meeting ni Ysiquel na kinailangan s'yang naroroon. Hindi s'ya makatanggi sa schedule ng kabilang partido dahil s'ya ang may kailangan sa kanila upang makapasok sa European market. Nadamay lamang si Trent dahil ito ang pinagkakatiwalaang secretary niya.

"Salamat."

"Ayos lang. May kailangan ka pa?"

"Wala na." Tipid na sagot ni Ysiquel.

"Okay. Mag-aalmusal muna ako. Bwisit naman kasi 'yang meetings mo. Nananadya bang wala pang ala-sais ang schedule."

"Hayaan mo na. Umalis ka na lang ng maaga mamaya."

"Salamat, sir." Tudyo nito sa kaibigan.

Matagal nang secretary ni Ysiquel ang kaibigan. Ayaw kasi nito na babae ang secretary n'ya at kilala na rin n'ya ang binata mula pa noong nagkolehiyo sila sa Estados Unidos.

Ysiquel snickers at the remark. Gusto sana nito ng isang tasa ng kape ngunit nakaka-tatlo na siya magmula nang magmulat ng mga mata. Pulos caffeine na ang kanyang sistema.

Sumandal muna si Ysiquel upang ipahinga ang mga mata. Kulang na kulang rin s'ya sa tulog. Kung ibang meetings siguro ito ay nai-reschedule na n'ya kaagad. S'ya ang boss at madali n'yang mapapsunod ang iba. Ngunit may iba pa s'yang dahilan.

Nahihirapan rin kasi s'yang matulog na katabi ang kanyang buntis na asawa. Bagong kasal pa lamang sila pero hindi nito mahal ang babae. Nabuntis n'ya ito at pinaninindigan n'ya ang kanyang nagawa. Pero hindi ibig sabihin noon ay magugustuhan n'ya si Rainne... kahit na ubod ito ng ganda at napakainosente.

Alam n'yang hindi pera ang habol nito sa panilya n'ya dahil sa mula rin ito sa isang mayamang pamilya at tagapagmana sa sariling korporasyon. Ngunit hindi ibig sabihin niyon ay itatrato na n'ya itong espesyal.

Natutulog sila sa iisang kama ngunit maaga s'yang nadating at madalas ay late na rin nauwi nang sa gayon ay tulog n'ya itong iiwan at dadatnan. Gusto nito na babad s'ya sa trabaho at pansamantala lamang iniisip ang mga problema— kasama na ang mga pagbabago sa kanyang buhay. Kasama ang kanyang asawa.

Nawala s'ya sa kanyang iniisip nanag tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha n'ya iyon at napansin na isa sa tauhan ng pamilya n'ya iyon.

"Boss."

"Anong nangyari?" Panimula n'ya. Hindi s'ya tatawagan ng kahit na sino sa gang nang ganoong oras kung walang mabigat na dahilan. Madalas ay mag-memessage lamang ang mga ito ng codes ng grupo nila at doon nakabase ang kanyang gagawin. Ngunit sa tawag, paniguradong importante iyon.

"Boss, may naging pagsabog sa hotel na tinigilan ng mga magulang mo."

Biglang napatayo si Ysiquel sa narinig. "Ano?! Kumusta sila?"

Fear immediately rose on his chest. Kaagad nanalangin na wala sanang masamang nangyari sa kanyang mga magulang. Nasa France ang nga ito para sa isang conference at ilang auction para sa charity organisations na sinusuportahan nila.

Napatingin s'ya sa family picture ma nasa mesa n'ya. Pulos ngiti ang nakalakip sa mukha ng pamilya n'ya, lalo na sa kanyang ina at ama. Alam n'ya kung gaano kahalaga at kamahal nina Kyle at Ysabelle ang pamilya nila. Saksi siya rito mula pa pagkabata.

Alam ni Ysiquel kung gaano kadelikado ang paligid ng pamilya n'ya. Hindi rin maiitanggi na parati silang nanganganib. Pero parati s'yang nag-aalala sa mga ito.

"Ayos lang sila. Swerteng nakalabas na sila bago pa ang pagsabog..."

Nakahinga ng maluwag si Ysiquel. Nagpapasalamat s'ya sa loob n'ya na maayos sila.

"...pero sabi ni sir Kyle, napansin n'ya na may gumalaw ng gamit nila pero wala namang kinuha," dagdag ng lalaki.

"Hotel staff?"

"Pinaiimbestigahan pa daw nila, boss. Posible daw. Buti na lang daw at cleared 'yung nakapalibot na mga kwarto kung hindi, maraming magiging casualties... Parang planado daw talaga."

"Sige. Tatawagan ko si dad. Salamat." Agad ibinaba ni Ysiquel ang tawag sa tauhan at dinial ang numero ng kanyang ama. Something was felt off and he needs to get to the bottom of it.

♤♡◇♧

Please support the story by commenting and voting

PrincessThirteen00 © 02 03 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro