Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45: Family

Last Chapter alert! Make some noooooise!

Enjoy!

♤♡◇♧

MATAPOS ang ilang linggong pagbabakasyon sa probinsya, nasisigurado ni Alice na gusto siya ng mga magulang ni Eiffel. Walang balakid sa pagsasama nila. Ngunit may isang bagay pa siyang kailangang gawin bago ang kanilang kasal.

Kung si Eiffel ay magpakikilala sa kanya kapag kinasal na sila, si Alice naman ay buo na ang loob na makipagkilala sa kanyang mga kapatid.

"Sigurado ka bang kaya mo na?" tanong ni Eiffel habang karga si Liam na sinusubo ang kanyang laruang maracas.

Kasalukuyang nasa isang guest room ang kanilang mag-anak sa mansyon ng mga magulang.

Mapaklang ngumiti si Alice sa mapapangasawa. "Kahit papa'no, kakayanin. Tsaka baka hindi na pagtatampo ang matanggap ko kay Ysiquel kapag hindi ko pa 'to ginawa."

"Alam mo namang maiintindihan ka niya kapag sinabi mong hindi ka pa handa."

Umiling si Alice bago nagpatuloy. "Ayos lang. It's way overdue."

Bago pa sila magpatuloy sa pag-uusap ay inabisuhan sila ng isang kasambahay na nakarating na ang kanyang pamilya.

Alice felt a lump in her throat. It was as if she grew cold feet. Kinakabahan siya kung matatanggap siya ng mga kapatid kaagad gaya nang pagtanggap ni

"I'll go to the next room and change Liam's nappies. Parang puno na."

"Sige." Pumayag kaagad si Alice dahil sa mas nananalantay sa kanyang dibdib ang kaba.

"Sweetheart." Napaangat ang tingin ni Alice sa nobyo.

"Hmm?"

"Breathe. I'm sure they'll love you," aniya sabay halik sa noo niya. Tinungo na ni Eiffel ang kabilang silid, karga ang kanilang anak.

Huminga si Alice nang malalim. Sunod-sunod ang mga yabag at palapit nang palapit sa kanyang kinaroroonan.

Nagbukas ang pintuan at isang kunot-noong Sebastian ang tumuloy sa silid. Titig na titig ang binata kay Alice, sinusuri siya nang maayos mula ulo pero higit lalo sa mukha niya.

"Kuya! Ang bilis mo namang maglakad! Hindi mo na—" Kasunod nitong pumasok ang bunsong kapatid na si Ymannuel. Gaya ni Sebastian ay napatitig din ito kay Alice. Animo'y huminto ang oras dahil sa babaeng nasa harapan nila.

"Mga gago talaga kayo! Alam n'yo—"

Kasunod ni Ymannuel na pumasok si Sander bago ang kanilang mga magulang.

"Woah! Totoo nga, kuya!" Hindi maitago ni Ymannuel ang gulat habang pinagmamasdan si Alice sa kanyang kinatatayuan. "Kamukha nga siya ni mom."

Inakbayan ni Sebastian si Ymannuel at pinisil ang pisngi nito habang nakatitig pa rin sa dalaga. "Shit! Wow! The similarities are uncanny."

"Pa-english-english pa kayong mga bugok," sambit ni Sander nang makalapit sa kanilang kinatatayuan.

Napuno nang pawang katahimikan ang buong lugar at tumikhim si Ysabelle bago nagsalita.

"Kylien, Ysiquel wanted to apologize as something came up today with his wife and children today. Hindi niya lang maipagpaliban ang check-up ng mga bata," ani Ysabelle.

Ngumiti si Alice at tumango. "Okay lang, mom. Sinabihan na rin niya ako kagabi. Tsaka sinabi na rin niya na babantayan nila si Samara." Lumapit si Ysabelle at hinaplos ang buhok ng anak. "Mom?"

"Sana makilala ka na rin ni Samara sa kapag nagising na siya," sambit ni Ysabelle.

"Okay lang, mom. I want her to recover. Malilito lang siya ngayon kung makita niya ako. I'd rather have her focus on recovering."

Napalingon muli si Alice sa kanyang mga kapatid na nanatiling nasa kabilang bahagi ng silid at nakatitig sa kanya. They were giving her creepy looks but she could see the curiosity in them. 

Alice cleared her throat right after, trying to think of how to break the ice that suddenly appeared in the room. Alam niyang hindi magiging madali ang lahat at tama nga ang naisip niya. 

"H-hi?" she greeted with hesitation.

"Mom and dad filled us in with the details already..." nakatitig na sambit ni Sebastian. "Wow, you're a spitting image of mom when she was younger!"

"Totoo nga!" pagsang-ayon ni Sander. "Remember mom and dad's wedding photo sa baba? She's a photocopy!"

"Baka mapagkamalan kang si mom dahil sobrang magkamukha kayo noon!" dagdag ni Ymannuel.

"Syempre naman, maganda kaya ang nanay n'yo!" saad ni Ysabelle sa mga anak. "'Di ba, 'dy?"

"Of course, 'my. Wala naman ang mga batang 'to kung hindi dahil sa 'tin" sagot ni Kyle na may malawak na ngiti sa mukha. His features were more prominent due to his age.

"Dad, that's gross! We don't need to hear those details!" reklamo ni Ymannuel na siyang nagpatawa sa kanilang mga magulang.

Napatikhim si Sebastian at saka humakbang palapit kay Alice. Kakamot-kamot pa ito at hindi kinubli na nahihiya sa babaeng nasa harapan niya. Alam nilang tatlo na kapatid nila si Alice. Bukod sa masinsinang pag-uusap nila kasama ang mga magulang at maging sa nakatatanda nilang kapatid na si Ysiquel, hindi maikakaila na magkamukha talaga sila ni Ysabelle. The evidence was just in front of their faces.

"Hello, ate, nahihiya nitong bati at saka nagdadalawang-isip na niyakap. ang kapatid. "It's nice to meet you."

"Nice to meet you, too, Sebastian."

"Seb na lang, ate," aniya nang humiwalay. "Just call me Seb. 'Yon ang tawag ng pamilya natin sa 'kin."

Pamilya. It had an amazing ring in her mind. She was, indeed, with hrr family.

"Okay, Seb," nakangiting sagot ni Alice.

Sunod na lumapit si Alice kay Sander at binigyan ito nang mahigpit na yakap. Tinapik-tapik ng binata ang likod ng nakatatandang kapatid.

"Welcome home to the family, ate," bulong ni Sander.

"Thank you, Sander." She hugged her younger brother tightly.

Ang dami niyang gustong sabihin kay Sander dahil alam niya ang tinatago nitong sikreto ngunit ayaw rin niyang pangunahan ang binata. They still have time and she'll keep an eye on him using Charm Freed.

Baka sakaling magbago pa ang takbo ng lahat. Malaki ang tiwala niyang maaayos ang hinaharap ng kapatid.

Humiwalay na siya kay Sander at sunod na tiningnan si Ymannuel, ang bunso niyang kapatid.

"Hi..." mahina niyang bati.

"Hi, ate," nakangiting bati ni Ymannuel at binigyan ito ng yakap.

"Bakit hindi mo kasama ang fiancée mo?" pabulong na tanong ni Alice.

Natatawang humiwalay si Ymannuel. "I'm surprised you already know about her. Sinabi ba ni mom?" Tumango si Alice bilang sagot.

"Hindi na siya sumama kasi may exams pa siya. Hindi ko naman alam na reunion pala ang uuwian ko. Kung sinabi nina mom, pinilit ko na siya."

Napangiti si Alice. Her brothers were quite cheeky and she was overjoyed with it.

"Grabe! I can't believe na kuya's twin sister is actually here!"

"I think this is the part where we enter?"

Napalingon ang lahat sa isang direksyon at doon nakatayo si Eiffel karga-karga si Liam na nakatitig din sa kanila.

"Hey," kaswal na bati ni Alice sa nobyo at sinenyasan ito na lumapit sa kanila. "Guys, si Eiffel nga pala, fiancée ko tsaka ang baby namin na si Liam."

"Woah! One bomb after another! You guys kept quite a lot of secrets," biro ni Sebastian sabay lapit sa mag-ama na naglalakad na rin patungo sa kanila. Agad ding lumapit sina Sander at Ymannuel.

"Nice to meet you, kuya. Sebastian nga pala," bati niya sabay ang pakikipagkamay sa binata. Tinanggap agad 'yon ni Eiffel habang palinga-linga ang mga mata ni Liam sa tatlong lalaking nakatayo sa kanilang harapan. Sunod-sunod silang nagpakilala sa isa't isa.

Binigay muna nila si Liam sa magkakapatid na tuwang-tuwa sa pakikipaglaro. Dahil sa nakabase silang tatlo sa ibang bansa, limitado lamang ang oras nila na makasama ang mga anak ng Kuya Ysiquel nila.

"Sweetheart," pagtawag ni Eiffel.

"Bakit?"

"Can we... talk outside for a moment?"

Nagtatakang tumango si Alice at sumunod kay Eiffel sa may balkonahe. Alice gave one last look at her parents, her brothers, and her little son having fun in the middle of the room. Hindi pa man sila kumpleto ay naniniwala siyang mangyayari 'yon sa hinaharap.

Now that she had the taste of freedom and hope, she believes that things will be better soon. Kung hindi man ngayon, mangyayari 'to sa hinaharap.

"How are you feeling?"

"I feel... so full and happy right now," nakangiti niyang saad habang nakatitig pa rin sa kanyang pamilya. Hinarap niya si Eiffel na nakatitig naman sa kanya. "Everything okay?"

"I'm happy to see how happy and contented you are."

"Is it really that obvious?" nagtataka niyang tanong at iniisip kung ganoon nga ba ang pinakikita niya sa kanyang mukha.

"Yes, sweetheart. And I'm proud that you were able to finally face your family already just like you've dreamt of. Natupad na ang pangrap mo." Pinatong ni Eiffel ang mga kamay sa baywang ni Alice. Kinawit naman ni Alice ang mga braso sa leeg ng binata at hindi pinuputol ang titig dito.

"I wouldn't have the courage to be here if it weren't for you... so, thank you," ani Alice.

Eiffel started draeing circles around her waist and kissed the tip of her nose. "You are most welcome, sweetheart. Susuportahan kita ano man ang maging desisyon mo sa buhay."

Pinagdikit nila ang kanilang mga noo. "I'm so lucky to have you, my love," nakapikit na bulong ni Alice habang ninanamnam ang katahimikan.

"No, sweetheart, I'm the lucky one here. Kung hindi ka dumating sa buhay ko, baka hindi ko pa maiisip na bumuo ng sarili kong pamilya," sagot ni Eiffel. Alice could hear and feel the contentment in his voice, just like how she was feeling.

"And with that, I'm ready to marry you, my love," ani Alice sabay halik sa pisngi ni Eiffel. Naghiwalay ang dalawa at may halong gulat at sabik sa mga mata ni Eiffel. "I hope you are, too?"

"I have been ready for a long time, sweetheart," masayang saad ni Eiffel bago nilakipan muli ng halik si Alice. "I promise that you'll be the happiest bride on this planet. And I'll be the best dad to Liam and our future babies."

Napangisi si Alice. "You promise?"

Eiffel kissed her forehead before responding, "I promise with my life."

"I love you," sabay nilang sambit bago pumukit at nagtagpo ang kanilang mga labi.

Saksi ang papalubog na araw at makulay na kalangitan sa kanilang pagmamahalan at pangako sa kanilang mga kinabukasan.

Alice was ready to face tomorrow knowing her lived ones would always be there for here. Hindi lang sina Eiffel at Liam pero maging ang totoo niyang pamilya—ang mga Fuentes.

Always.

♤♡◇♧

Please support the story by commenting and voting! Your feedback is greatly appreciated!

PrincessThirteen00 © 27 03 2021

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro