Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38: Waiting

Salamat po sa lahat ng inspiring words ninyo last chapter. Kayo ang dahilan kung bakit ipagpapatuloy ko 'to kahit ang hirap. Reading your comments really inspire me to move forward!

Yung less than 5 minutes n'yong binabasa, minsan hindi lang isang linggo ang inaabot ko para maitawid ang eksena. Kaya please, hindi lang po sa akin pero maging sa ibang writers, let's be understanding, nice, and supportive.

Thank you! 🥺

♤♡◇♧

ISANG BUWAN na ang nakalilipas magmula noong lumabas si Alice sa ospital. Sa halip na manatili sa Pilipinas, hiniling niyang sa Paris na magpahinga at maayos na magpagaling. Hindi siya hinayaan ng kakambal na gumawa ng kahit ano tungkol sa imbestigasyon at magpokus lamang sa pagpapagaling... and so she did.

Kasama si Liam at ang kaibigang si Gi, pansamantala silang nakatigil sa bagong biling condo ng kanyang kakambal sa Paris.

Una na silang inimbitahan na manatili sa hotel ng mga Perez ngunit tumanggi si Alice. Bukod sa walang kasiguraduhan kung hanggang kailan siya mananatili sa Paris, ayaw na niyang magdala pa ng kapahamakan sa ibang tao.

Bukod pa ro'n, kahit pa asawa ng kapatid niyang si Samara si Blake, at kahit matalik itong kaibigan ng kakambal na si Ysiquel, hindi nangangahulugang magiging malapit na rin siya rito.

"Aren't you tired of hiding and waiting?" tanong ni Gi sa kaibigan habang naglalakad sila sa mataong kalsada ng Paris. Napalilibutan sila ng mga turista mula sa iba't ibang kontinente na nais masaksihan ang ganda ng Paris, partikular na ang Eiffel Tower.

Nangunot ang noo ni Alice at hinarap si Gi. "Anong sinasabi mo? I'm not hiding," pagtanggi nito sa kaibigang matingkad ang kolorete sa pisngi.

"Uh... Are you sure? Because the last time I checked, your younger brothers and sister don't even know you exist. The world doesn't even know about your real identity being the eldest daughter of the Fuentes' household. Tagong-tago ka kaya."

"The world doesn't need to know about me. It's for my safety and for my son. It's for them, too. I'd rather hi—"

Hindi na natapos ni Alice ang sinasabi nang mapagtanto ang kamuntikan na niyang sabihin. Lumawak ang ngisi sa labi ni Gi. Parang sumang-ayon na siya na nagtatago nga siya.

"And you were saying?" mapang-asar na tanong ni Gi. "Ako pa ang tinaguan mo, e, alam ko nga."

Alice rolled her eyes at her friend. "Fine, I'm hiding. But it's also for the safety of my siblings. And most of all, it's for my son. Liam doesn't need to see the ugly side of the world," aniya sabay ang mahigpit na yakap sa anak na nilalaro ang mahaba na niyang buhok.

"It's not like he can run away from it. Regardless of what happens, he's the biological child of a Hatcham and a Fuentes," aniya. "Speaking of— aren't you going to change your surname into a Fuentes? It's been more than a year yet you're keeping it as a Brixton."

"Well, I would love to change it but we're still transferring all the paperwork under the Brixton's to my name."

"Ahh... I see. But then again, if you're going to be a Hatcham in the future, would you really need to change it?"

Agad napahawak si Alice sa kwintas niyang naglalaman ng singsing na binigay ni Eiffel sa kanya mahigit isang taon na ang nakalilipas.

"I... I don't think it'll happen."

"Oh? I thought it's a matter of waiting?"

Naging malungkot ang mukha ni Alice nang maalala ang nakaraan. Nangako siyang hihintayin si Eiffel ngunit hindi niya alam kung hanggang kailan. Ni hindi nga niya alam kung nasaan ito o kung buhay pa ba.

The day he left for his "mission", all communications were ceased. Kahit si Ysiquel at Blake ay hindi rin ma-contact ang binata. No one knew his whereabouts. They only know that it has something to do with his biological family.

"It is but Liam is growing up already. I don't even know what to tell him in the future once he starts asking about his father."

"Oh, you're looking so far ahead." Sumimsim si Gi sa kanyang tsaa. "What about dating someone else?"

"I'm not interested though, that's the issue." Huminga nang malalim si Alice at tinitigan ang kaibigan. "What about you, Gi?"

"What about me?" taas-kilay nitong tanong at akmang hihigop muli ng tsaa.

"Would you be okay in dating a single mother like me?"

Halos masamid si Gi sa sinabi ni Alice na ngayo'y humahalakhak na. "Oh, dear me! Don't say something absurd! You're not my type!"

Halos maiyak pa si Alice sa kanyang narinig. "I know! Who knows, we might actually have the same preference!" asik nito na siyang naging sanhi upang mainis lalo si Gi sa kanya. Siya man ang babae sa kanilang dalawa, mapagkakamalang babae si Gi kapag inayusan dahil sa lambot ng pagkilos at pananalita nito.

Napahawak siya sa may dibdib kung saan nakatali ang kwintas na siyang sinasabitan ng singsing mula kay Eiffel. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nito nasusubukang mapasuot sa kanyang palasingsingan.

At hindi niya alam kung darating pa ang araw na iyon na maisusuot niya at maihaharap siya ni Eiffel sa altar. Sa kasalukuyan, malabong mangyari na iyon.

***

ALICE walked at the busy streets of Paris as she carried Liam in her arms. The baby was coddled and snuggled up for her warm hug.

Snow had just started falling onto the land and it was the perfect time to do sightseeing... just before snow covets the land. Gusto talaga ni Alice na madala roon si Liam bago magpasko.

Pakiramdam niya ay 'yon na lang ang maiiwang koneksyon ni Eiffel sa kanya at gusto rin niyang kasama ang kanyang pamilya sa pasko na siya ring kaarawan ng ina.

"Look, baby! It's the Eiffel tower. Kapangalan ng daddy mo," bulong niya sa anak na mulat na mulat at pilit inaabot ang matayog na istraktura. Animo'y mga langgam sila sa kanilang kinatatayuan.

Kapansin-pansin ang berdeng mata ng kanyang anak. Kuhang-kuha talaga mula sa ama nito. Liam's features were a prominent and constant reminder of his biological father. Magkamukhang-magkamuha talaga kahit na bata pa lamang ito.

"Let me take a photo of you two," ani Gi mula sa likuran. Mabilis na inabot ni Alice ang kanyang cellphone sa kaibigan.

"Thanks, Gi!"

"Oh, it's nothing."

Matagal silang nagkuhanan ng litrato malapit sa Eiffel tower. Naaalala ni Alice ang masayang dinner date na pinagsaluhan nila ni Eiffel noon. Kahit sa ganitong paraan ay gusto niyang magkalapit ang kanyang mag-ama.

Her memories with him were indeed priceless and she wouldn't trade it for anything. Walang kahit anong materyal na bagay ang hihigit sa mga araw na magkasama sila ni Eiffel. At si Liam ang patunay na totoo ang lahat ng araw npinagsamahan nila.

"Want to go clubbing tonight?" Napataas ang kilay ni Alice sa tanong ni Gi.

"Baka nakalilimutan mo na I'm a breastfeeding mother, Gi," tipid nitong sagot. "Unless you just want me to drive and watch you get wasted?"

Napahalakhak si Gi sa kanya. "Not at all, darling. I just remembered what you told me before..." Ngumisi si Gi bago nagpatuloy "...that you met your daddy's baby at a bar while doing your mission."

Alice rolled her eyes at him. "It's all in past," malungkot niyang sambit.

Matapos ang paglalaro at pamamasyal ag bumalik na silang tatlo sa condo. Umalis kaagad si Gi dahil gusto nitong magsaya muna sa club. Samantala, nanatili si Alice sa condo upang patulugin ang anak ay magpahinga nang maaga.

Nang makatulog na si Liam sa crib nito, nahiga na rin si Alice at pinikit na ang mga mata. Walang babalang nakatulog na siya.

Dahil sa sobrang pagal ng kanyang buong katawan, hindi niya napansin ang bultong tumuloy sa kanyang silid.

Una itong lumapit sa tinutulugan ni Liam at marahang hinaplos ang bilugan nitong mga pisngi. Napakislot ang bata pero nanatiling tulog.

Kahit na malamlam ang ilaw sa silid ay sapat iyon upang matitigan niya ang bata.

Sunod nitong tinungo ang kama kung saan mahimbing na natutulog si Alice. Nilapag ng lalaki ang kanyang gamit malapit sa paanan ng natutulog na dalaga. Muli siyang lumapit at nilagay ang kamay sa magkabilang puwesto ng kanyang mukha.

Kinuha niya ang cellphone at nagtipa bago pinadala sa isa sa kontak nito.

"Checkmate."

♤♡◇♧

Please support the story by commenting and voting! Your feedback is greatly appreciated!

PrincessThirteen00 © 04 03 2021

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro