Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36: A Year Ago

♤♡◇♧

ALICE has always dreamt of having a wonderful life. Not a perfect one, but an amazing one. Alam niyang walang buhay ang perpekto. Kahit saan tingnan, laging may makaaangat pero hindi pa rin nawawalan ng kapintasan.

"Thank you, mom," ani Alice nang makuha ang tupper ware ng pasta mula sa ina.

Kasalukuyan silang nasa ospital kung saan naka-confine si Samara.

"No worries, sweetie. You should eat more. Namamayat ka," paalala ng ina.

"Yes, mom," magalang niyang sagot.

Napangiti si Alice. Her mother has been nagging her to eat more despite her loss in appetite and she loves it. Iyon ang nagpapaalala sa kanya na totoo talaga ang nangyayari— that it was her present life—with her family.

"By the way, kumusta naman daw po sina Kuya Rosh?" tanong niya habang inaayos ang mga kubyertos.

"They're okay na. Kasama na nila ang mga pamilya nila at ayos naman daw ang trabaho nila."

"Mabuti naman..."

Alice wanted to repay the kindness of the people who actually treated her like family in that crazy household. Kung hindi dahil sa kanila, baka nabaliw na siya. Baka hindi siya humihinga sa mga oras na 'yon.

If it weren't for them, her plans would have been completely compromised and she might be dead before getting to know her family.

Walang babalang nakaramdam ng pamamaliktad ng sikmura si Alice dahil sa mga nabuksang tupper ware. Hindi lang ang tiyan niya pero maging ang ulo niya ay nahihilo.

"Anak?"

Hindi na niya nagawa pang sagutin ang ina. Dali-dali siyang tumayo at tumakbo sa banyo.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Ysabelle habang hinahaplos ang likod ni Alice na nakayuko sa may lababo at nasusuka.

"A-ayos lang po. May nakain lang siguro akong kung ano..." saad niya matapos punasan ang mukha.

"Sigurado ka ba? Hindi ba pareho tayo ng kinain kanina?"

"Ahm, medyo nabahuan din po ako sa pasta," pag-amin niya. "Hindi kaya panis po ang binigay nila?"

Nangunot ang noo ni Ysabelle. There was no way they would get served spoiled food unless...

"Anak..."

"Yes, mom?"

"Are you... pregnant?"

Agad nag-angat ng tingin si Alice sa ina.

"W-what?"

"You've been quite unwell and have no appetite at all," nag-aalalalang saad ni Ysabelle sa anak.

"Mom..."

"It would just make sense na buntis ka. I know those symptoms very well."

Napalunok si Alice. Tama si Ysabelle. She had always had the symptoms but she shoved it away. Pilit niyang isinasantabi ang posibilidad na buntis na nga siya.

Noong unang may nangyari sa kanila, wala silang ginamit na proteksyon at hindi naman nagbunga. Kaya't medyo naging kampante siya nang maulit ito noong magkita sila. Maybe She trusted her body too much thst she won't get pregnant at all.

Marahang tumaas ang kanyang kamay at pinatong sa kanyang maliit pang tiyan. Dumalaw sa kanyang isipan si Eiffel at ang ilang beses nilang pagsasalo sa kama.

"I can see you're thinking deeply about it," natatawang usal ni Ysabelle sa anak.

"Hindi kayo galit?" kagat-labing tanong ni Alice.

Nangunot ang noo ni Ysabelle. "Bakit naman ako magagalit?"

"Well, it's likely that I'm pregnant pero wala si Eiffel dito para panagutan ang baby namin."

"Anak, hindi ako magagalit. Besides, you're old enough to make your own decisions. At kung magagalit ako sa 'yo, what would I benefit from that? Besides, that would mean na I should get mad with Ysiquel din for having twins already, right?"

"Really? Hindi n'yo ba 'yan sinasabi lang dahil wala si Eiffel dito ngayon?"

Umiling si Ysabelle. "No, anak. I know the Hatchams."

"You do?"

"Well, sort of," natatawang sambit niya. "What I'm trying to say is that you shouldn't feel bad or troubled. A baby is a blessing and they're very welcome to our family."

Naiiyak si Alice na yumakap sa ina.

That day, they found out that she was indeed pregnant.

*****

"Totoo ba?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ysiquel sa kanyang kakambal habang nasa pribado silid sa HQ. Kasalukuyang magkatabi sina Ysabelle at Alice. Nasa kabilang upuan naman si Kyle at kaharap si Ysiquel.

"Oo, tatlong linggo na raw," mahinahong sagot ni Alice. Naramdaman ni Alice ang kamay ng ina na hinaplos ang kamay niya. She gave her mother a sweet smile and received the same.

"Anong plano mo? Magpapakilala ka na rin ba sa mga kapatid natin?" Sunod na tanong ni Ysiquel.

"I am keeping it pero no, hindi pa ako magpapakilala sa kanila. I'll reside sa beach house muna nina mom during my pregnancy."

Nangunot ang noo ni Ysiquel sa narinig. "You want to be in hiding? Bakit? Hanggang kailan mo planong magtago sa mga kapatid natin?"

"Quel..." pagtawag ni Kyle kaya't napalingon silang tatlo sa ama.

"Dad?"

"Your sister has decided and we'll support it."

"Dad, hindi ba gusto n'yong mabuo ang pamilya natin? Lalo ka na, mom. So, why?"

"Quel..." malungkot ang ekspresyon ni Ysabelle. "I would love to but it's not the right time."

"When is the right time, mom?"

"When your sister is ready."

"Ate, hindi ba deserve ng mga kapatid natin ang katotohanan?" Alice could feel so much persuasion in his voice. He was determined to unveil the truth.

"Ysiquel..." Napalunok si Alice bago bumaba ang tingin sa kamay nila ni Ysabelle na magkahawak. "They do..."

"Then why? Bakit hindi ka pa magpakilala?"

Ramdam ni Alice ang pamumuo ng mga luha sa mata. Magbabadyang tumulo ang mainit-init niyang mga luha.

"Tama na, Ysiquel."

"Pero, dad?"

"Kailangang makapagpahinga ng kakambal mo. At isa pa, hinahanap pa natin ang may sala sa sitwasyon ni Samara. Kailangan mo ring masigurado ang kaligtasan ng asawa at mga anak mo. Hindi tayo maaaring magpadalos-dalos. And if Kylien thinks she's not ready, we'll respect it."

Huminga nang malalim si Ysiquel at sumandal sa couch. Alam at naiintindihan niya na may punto ang pamilya. Their family's safety remains to be the top priority.

Sa dami na ring nangyari sa kanyang asawa, hindi niya maatim na mauulit pa ang mga 'yon. Gusto lamang niya talagang maipakilala si Alice sa kanyang mga kapatid dahil importanteng miyembro ito ng pamilya nila.

Alice hasn't shared any memory with them and he feels terrible for it. Matagal na siyang tinago at para sa kanya ay oras na para makilala ng mundo ang kanyang kakambal.

Tumayo si Alice at tumabi kay Ysiquel. She held her twin brother's hand and gave it a squeeze.

"We'll get there, Ysiquel. Makikilala rin nila ako," kalamado niyang sambit.

Huminga si Ysiquel nang malalim at pinatong ang kabilang kamay sa kamay ni Alice. His hands sandwiched hers.

"Naiintindihan ko. Ngayong buntis ka na, doble ingat ka dapat. Basta narito lang kami nina mom at dad, okay?" Maluha-luhang tumango si Alice. Umayos nang upo si Ysiquel at inakbayan ang kanyang kakambal. "Should I find that dumb Hatcham for you?"

Natawa si Alice sa turan ng kapatid. "No need. Kusa siyang umalis. Magkusa rin siyang bumalik," aniya.

"That's good to know. That brute need to suffer," biro ni Ysiquel sa kapatid na lalong nagpuno ng tawa ng kambal na Fuentes.

"Quel!" Nagkrus ang mga braso ni Ysabelle habang nakikinig sa kanyang mga anak. "My God, ang batang 'to talaga!"

"Hayaan mo na, mhie. Parurusahan ko rin ang lalaking 'yon kapag bumalik siya!" Tumabi si Kyle sa kanyang asawa na may munting ngiti rin sa labi.

"Dad!" tawag ni Alice. Lumapit at sumiksik si Alice sa tabi ng kanyang mga magulang na nanunulis ang nguso.

"The guy needs a few good beating, Kylien," nakangising sambit ni Kyle sa anak. "Kami ng kapatid mo ang bahala. Subukan lang niyang hindi bumalik para sa inyo ng apo ko, makatitikim siya ng sakit sa katawan."

Niyakap ni Alice ang kanyang ama na sinuklian din ang kanyang pagyakap. Alice was scared of facing her pregnancy alone but it was wrong. Kasama niya ang kanyang totoong pamilya na lagi siyang sasamahan at aalagaan kahit ano man ang mangyari.

Napatawa na rin si Ysabelle sa nangyayaring biruan. It was heart-warming to see her family having such an amazing time together. Slowly and surely, her family will be complete.

Matapos ang pag-uusap na 'yon ay dumeretso na sila sa kani-kanilang mga paroroonan. Dumeretso sa ospital sina Ysabelle at Kyle, at umuwi si Ysiquel sa pamilya niya. Hinatid na si Alice sa bago niyong titigilan—sa isang pribadong property ng mga Fuentes sa may dalanpasigan—malayo sa ingay at gulo ng siyudad.

Ilang oras din ang naging biyahe at may mga kasambahay ring pinadala ang kanyang mga magulang. Alam ni Alice na matindi pa rin ang pag-aalala ng mga ito tungkol sa kanya.

Nang nilukob na ng kadiliman ang kalangitan ay napagpasyahan na ng dalaga na magpahinga. Humiga siya sa kama at katahimikan ang naging kasama niya.

At dahil sa katahimikang 'yon, iba't ibang mga bahay ang bumagabag sa kanyang pagod na isipan. Nangunguna na roon ang pagka-miss niya kay Eiffel lalo na ngayong nagdadalang tao na siya.

Lumandas ang kamay ni Alice pababa sa kanyang maliit pang tiyan at naramdaman ang pamumuo ng mga luha. Buntis na nga siya. May buhay sa loob niya ngunit mag-isa pa rin siya.

"Eiffel... umuwi ka na..." she sobbed to her sleep.

Natatakot siyang maging mag-isa. Now that she has a baby inside her, she knows it will be trickier.

♤♡◇♧

Please support the story by commenting and voting! Your feedback is greatly appreciated!

PrincessThirteen00 © 13 02 2021

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro