Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35: Chances

♤♡◇♧

"SIGURADO ka bang gusto mo 'tong ituloy?" nag-aalalang tanong ni Ysabelle sa panganay na anak habang hawak ang kanyang tasa. Kasalukuyang nasa may alfreso ng mansyon sina Ysabelle, Kyle, at Alice nag-uusap.

"Mom, I can't wait any longer. Gusto kong malaman na ang kasagutan sa lahat ng nangyari noon. It's been a year and we're still living in a world full of uncertainty... and never-ending questions. Puro jigsaw puzzle pieces lang ang mayroon tayo but they won't fit each other. Pabalik-balik lang ako sa simula. Gusto kong matanggal na ang chip sa ulo ko."

"Kylien, no..." sumamo ni Ysabelle sabay lapag ng tasa sa mesa. She felt like she has lost her appetite since her eldest daughter started speaking of her desire.

"Mom, please." Lumipat si Alice ng upuan. Kung kanina ay magkaharap sila ng mga magulang, ngayon ay jayabi na niya ang ina at hinawakan ang kamay nito. "Sana maintindihan n'yo rin ang pinagmumulan ng pakiusap kong 'to."

"Pero, anak..."

"Mom... please.. " She squeezed her mother's hand to try and persuade her. Matagal niya iyong gustong gawin ngunit pinagpaliban niya ng ilang beses dahil sa naging sitwasyon niya. Ngunit ngayon, buong-buo na ang kanyang loob na gawin ang operasyon.

"Anak..." Hinawakan ni Kyle ang kamay ni Alice na siyang nakahawak din kay Ysabelle.

"Dad, I just want to know the answers... Bakit ako? Bakit kinailangan niya akong kuhanin sa inyo? Bakit ang laki ng galit niya? All my life, I've wondered but I never got any answers. Laging blangko na lang."

"Naiintindihan ko," kalmadong sagot ni Kyle. "And if that's what you want to do, we'll support you."

"Dhie! No!" tutol muli ni Ysabelle sa asawa. "It's too dangerous!"

"Mhie..."

"No! Hindi, dhie. Ayoko!" matigas niyang saad sa asawa.

"Mhie, our daughter has decided already."

"Nakalilimutan mo na ba ang sinabi ng mga doktor? There's a thirty percent chance that she could die on the table. Do you really want to risk it?"

"Mom, kaya ko 'to. I will survive the surgery and wake up."

"Kylien..." Napakagat ng labi si Ysabelle habang pinagmamasdan ang anak. "I'm still making up for all the lost time and you want to put your life at stake again?"

"Mom, I promise you, I will wake up after the surgery."

Lalong nanikip ang dibdib ni Ysabelle sa narinig sa anak. Alice made her very first promise to her and she value promises deeply.

It has been a year since the incident where Salvador died by Eiffel Hatcham's hands. And it's been a year since Eiffel left without any communication with them.

At sa loob ng isang taon na iyon, ginawa nila ang lahat upang ihanda ang operasyon ni Alice para tanggalin ang chip na nasa ulo niya. Hindi nila masuri ito na nasa katawan ng dalaga dahil agad sumasakit ang kanyang ulo. Removing it was risky but it was the only way left for them—and a permanent solution.

Kung matatanggal ang chip doon, mababawasan ang sakit sa ulo na kanyang nararamdaman at maaaring makuha na rin nila ang mga hinahanap na kasagutan.

"Hindi mo ba mahihintay si Eiffel bago mo gawin ang operasyon?"

Alice caught what her mother was thinking in a snap. Her mother was stalling for time to stop her from doing th surgery. Kung hihintayin niya si Eiffel, parang pinagpapaliban na niya ang operasyon dahil wala naman silang ideya kung kailan babalik o kung babalik pa ba ang binata.

"Mom, you and I both know that we're unsure when he's coming back. At naiintindihan ko kung bakit hindi pa siya makabalik... So, no. I won't wait for him."

Napabuntong-hinga si Ysabelle.

"Hindi ko na ba talaga mababago ang isip mo?" nag-aalalang tanong ni Ysabelle sa anak. She was laying down all her cards to stop or at least delay her daughter's desire to get operated. Gusto rin naman niyang matanggal na ang chip sa ulo nito ngunit hindi pa sa ngayon na malaki pa ang tsansa na may mangyaring hindi kanais-nais.

Umiling si Alice at hinagkan ang pisngi ng ina. "It'll be okay, mom. I promise," aniya.

Nakuha ang atensyon nila sa biglang pag-iyak ng isang sanggol sa 'di kalayuan. Tumayo si Alice at lumapit sa crib na katabi ng mesa.

"Bakit umiiyak ang baby?" she asked in a babyish tone.

"Baka nagpapakarga lang siya ulit. Alam mo naman si Liam," nakangiting saad ni Ysabelle sa anak habang matamis na pinagmamasdan ang nasa kanyang harapan.

"Totoo ba 'yon, baby? Miss mo na agad si mommy?" Binuhat niya ito mula sa crib. Inayos ni Alice ang pagkarga sa kanyang anak na si Liam Axeton. Apat na buwan pa lamang ang nakalilipas noong isilang niya ang sanggol.

Isang taon na ang nakalilipas magmula noong nalaman niyang buntis siya. Hindi na siya nagulat pa dahil ilang beses nang may nangyari sa pagitan nila ni Eiffel at hindi sila gumamit ng kahit anong proteksyon. They spent several days and nights ravishing each other. She knew it was bound to happen.

At kahit mahirap na wala si Eiffel sa tabi niya, lalo na sa mga panahong emosyonal siya at hindi napapanatag, nanatili ang pamilya niya sa kanyang tabi.

Rather than living in the city, she stayed at her parent's beach side residence during her pregnancy. Gusto niyang malayo sa stress at kapahamakan.

Kaya't kahit gusto nina Kyle na ipakilala si Alice sa iba niyang mga kapatid, sapagkat si Ysiquel lamang ang nakakikilala sa kanya, ay hindi siya pumayag.

Thirty percent is not that high for possible death, though that's what she instilled in her mind ngunit thirty percent pa rin 'yon. It's still worth something that she doesn't have control over. The moment they cut her open her on the table, there was a scary chance of failure. She could still die.

Kaya't hindi pa niya magawang magpakilala sa ibang mga kapatid. Nasa coma pa rin si Samara samantalang nasa Singapore pa rin sina Sebastian at Sander, at nasa U.S. si Ymannuel.

Kung hindi siya magsu-survive sa operasyon, hindi masasaktan ang mga kapatid niya. They won't get hurt about something that they don't know.

Alam din niyang hindi pababayaan ng kanyang mga magulang ang kanyang anak kapag umabot sa puntong 'yon.

But she doesn't want that to happen. Wala man siyang ideya kung kailan babalik si Eiffel o kung may plano pa itong bumalik, naniniwala siyang babalik ito at magkakasama sila ng kanilang anak.

Eiffel won't even need to question who the child's father is. Kamukhang-kamukha ng lalaki ang sanggol. Mula sa berde nitong mga mata at korte ng kilay, hanggang sa matangos na ilong, he was no doubt a Hatcham. Liam got Alice's fair skin and lips. Talagang magkahalo ang kanilang mga hitsura. Liam was is the living proof that Eiffel was real and not just a dream.

Bukod pa rito, kahit matagal bago niya nagawa, Eiffel's name was on Liam's birth certificate. Akala niya ay magiging imposible para ibigay ang apelyido ni Eiffel sa kanyang anak ngunit nagawan nila ng paraan and she couldn't be happier.

"Anak."

Napatingin si Alice sa ina na katatayo pa lamang mula sa upuan. Nanatiling nakaupo si Kyle at nakasunod ang tingin sa kanyang asawa.

"Mom?"

Ngumiti si Ysabelle at saka inilandas ang daliri sa mabintog na pisngi ng apo. "Day by day, always wondered how I could get closer to you... how I could make up for all the lost time. I always dreamt of having our family complete and together but I really can't blame anyone for the decisions each one of you focus on. Naiintindahan ko na gusto mo ng mga kasagutan at gusto kitang samahan sa bawat magiging pagsubok na darating pa sa buhay mo..."

"Mom, you don't have to feel guilty about anything. Just knowing that you and dad are there for Liam and me is more than enough," nakangiti niyang saad. "It's more than enough and I'm more than thankful."

"It seems like I was completely blinded by my ideology that I want to spend everyday with you to make up for the past na nakalimutan ko na isa ka ring fighter. In my eyes, lahat kayong mga anak ko ay mga babies ko. I keep forgetting that you're no longer children as you are parents yourselves."

"Mom, you know we'll always be your babies. May bonus lang kami ni Ysiquel ngayon." She chuckled.

Napatawa na rin si Ysabelle sa sinabi ng anak at kapwa nagulat nang biglang umungot si Liam mula sa bisig ng ina. The baby snuggled on his mother chest, putting his arms together and scrunching his body, just like a cocoon.

"Payag na ako." Napa-angat ang tingin ni Alice nang magsalita si Ysabelle.

"Mom?"

"Payag na akong gawin mo ang operasyon... basta kailangan mong tuparin ang pangako mo sa 'min."

Nanlaki ang mga mata ni Alice at mabilis na niyakap ang ina gamit ang isang braso habang karga ang anak.

"Thank you, mom!" she exclaimed.

Hinaplos ni Ysabelle ang buhok ng anak at saka hinalikan ang noo nito. "Just keep your promise, sweetie."

"Yes, mom. I promise," tumatango-tangong turan ni Alice bago humiwalay sa ina. Kapwa pinahid ng mag-ina ang kanilang mga luha at napangiti. Walang patianod na umirit si Liam kaya't lalo silang natawa.

"Akin na muna si Liam." Nabigla sila na nakatayo na sa likuran ni Ysabelle si Kyle. Kusa namang sumama ang sanggol sa lolo nito. "Ang drama-drama ng mommy at lola mo, 'di ba, Liam?" aniya.

Lumapit si Ysabelle at kinurot ang asawa. "Anong lola ka r'yan? Lala nga ako, 'di ba?"

"Gano'n din naman 'yon, mhie. Lola, lala, grandma... it's still the same. Right, champ?"

"Ayeeee!" impit na irit ni Liam kaya't lalong natawa ang mag-asawa.

"Fine. Talo na ko sa pisngi pa lang ni Liam! I'll let this pass today," ani Ysabelle sabay ang marahang pagpisil sa malambot at medyo matambok na pisngi ni Liam.

"Here that, champ? We won against your lola again!" Napatawa na rin si Alice nang makitang kumendeng ang kanyang anak at ama. While Eiffel is away, her parents were helping her build that family figure in Liam and she was ecstatic about it.

Kahit na may mga apo na rin sila sa kanyang kakambal, hindi sila isinantabi. They were treated the same.

But today was more special. Alice felt a leap of joy on her chest hearing her family's approval. Maaari naman niyang ituloy na walang pahintulot ng kanyang mga magulang ang operasyon pero hindi naman siya patatahimikin ng kanyang konsensya kung ginawa niya iyon. It was best that her parents knew and agreed with it so she will have peace in her mind that she wasn't that terrible of a daughter. And if the worst outcome arrives and she breaks her promise, Liam will be protected by the Fuentes and Hatcham's names.

♤♡◇♧

Please support the story by commenting and voting! Your feedback is greatly appreciated!

PrincessThirteen00 © 06 02 2021

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro