Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31: Inside

♤♡◇♧

YSIQUEL entered the HQ and gave his dirty vest to one of their men. Halos kalahating oras na ang nakalilipas magmula noong huli niyang nakausap ang ina, at tungkol 'yon sa pagsasabi na on the wag na ang isang walang malay na Alice at may kasamang mapagkakatiwalaan.

"Where's mom?" tanong niya sa tauhan.

"Nasa kuwarto na po ni Miss Kylien."

"And the guy with her?" Pagtukoy niya kay Eiffel.

"Kasama rin po ni Boss Belle." Tinanguan niya ang kasama nang magpaalam na ito.

Tumuloy na si Ysiquel sa medical bay. Paniguradong doon lamang niya matatagpuan ang mga hinahanap. Sumakay na siya sa elevator at tinungo na ang lugar.

Hindi nagtagal ay narating niya ang pasilidad at nandoon nga ang kakambal na nasa ICU at nasa labas ang ina at si Eiffel. Magkakrus ang mga braso ng mga nagbabatay habang nakatitig sa iisang direksyon.

"Mom," pagtawag niya sa ina. Napalingon si Ysabelle at nilakipan siya ng halik sa piangi. Nagtanguan naman sina Ysiquel at Eiffel sa isa't isa.

"Kumusta? Any injuries?" tanong ni Ysabelle sa anak.

Umiling si Ysiquel. "Minor injuries and no casualties. Dad's on his way, too."

"That's good. Patapos na rin sa south sabi ni Fionne," ani Ysabelle.

"Kumusta siya?" Dumungaw si Ysiquel sa bubog na bintana at pinagmasdan ang kakambal na may mga aparatong nakakabit sa katawan. Sakto namang lumabas sa ICU ang doktor na sumusuri sa kanya at naiwan ang dalawang nars sa loob.

"Doc Max, kumusta na ang anak ko?" tanong nito sa kaibigan.

"Inaalis pa rin namin ang lason sa katawan niya mula sa bala na naitanim sa binti niya pero wala na sa peligro ang buhay niya. Mabuti at nabigyan siya ng paunang lunas. May ilang mga pasa at galos pero wala namang nabali."

"Kailan siya magigising?" tanong ni Eiffel.

"I'm sorry, you are—?"

"It's okay, Doc. He's my daughter's boyfriend," pagpakikilala ni Ysabelle kay Eiffel.

Alam nitong hindi dapat agad sabihin ni Eiffel ang kanyang pangalan dahil baka makilala ito na isang assassin. Kagaya na lamang ng kanyang pamilya, kilala sila bilang mga businessman pero hindi alam ng publiko ang tungkol sa iba pa nilang ginagawa.

"Oh, I see." Mabilis itong tumango at hindi na nag-usisa pa. "She's in a heavy dose of anaesthesia right now so it could take a week or so. After removing the poison, we'll continue checking her system to make sure that there are no remnants of the poison."

"Which poison was used?"

"Delta 0ZCD."

Nangunot ang mga noo nila sa narinig. Hindi rin napigilan ni Eiffel ang mapakuyon ng mga kamao. They were all fuming.

"Hindi ba 'yon ang nilalabas ngayon sa merkado pero wala pang definite na description? It's an illegal substance," sambit ni Ysabelle.

"Yes. And thankfully, it was not that strong of a dosage. Marami pero hindi gano'ng kalakas sa sistema..."

"I sense a but in there..." biglang saad ni Ysiquel.

Napakamot ng batok si Max. Wala talaga siyang maitatago sa mga ito. "But I think the poison is the least of your worries right now. There's something else we discovered in her body..."

"What is it?"

Binuksan ni Max and iPad na hawak at pinakita ang scan ni Alice, partikular ang ulo nito.

"Inside her head is a foreign object—a chip," aniya.

Mula sa mga larawan ay kapansin-pansin nga ang isang bagay na nakapaloob sa may batok ni Alice.

"We tried scanning it pero may codes na kailangang i-encrypt. It seems very important and confidential to go through these lengths."

"Hindi mo ba matatanggal 'yan?" tanong ni Ysabelle sa doktor.

"Well, like how it was inserted, iy can get removed. But I'm afraid it's not going to be easy. We need specialists and really experienced surgeons... at kahit makakuha rin tayo ng mga espesyalista, risky pa rin 'to dahil sa pagkakalagay ng chip. May tsansa na may nerve na matamaan at may mangyari sa kanya."

"Like?"

"Infections, paralysis—iba't iba. But worse scenario, she could die in the process."

Binalot ng katahimikan ang lugar hanggang sa magpaalam na ang doktor na aalis na muna upang makapag-usap-usap sila nang pribado.

Hindi nakatakas kay Ysiquel ang pagkuyom ng mga kamay ni Eiffel. His fingernails were digging on his skin.

"What is it? May alam ka ba?" tanong nito sa kaibigan.

"Narinig ko ang target na pinagbabantaan si Alice tungkol sa bagay na 'yan. He was saying he needs it but that was all I could get."

"Wala bang nabanggit si Alice sa 'yo noon tungkol dito?" pagtatanong naman ni Ysabelle na magkalingkis ang sariling mga braso.

Umiling si Eiffel. "Wala, boss. Unang beses ko lang din 'to nalaman. Wala naman siyang kakaibang kinikilos maliban sa pagtatago sa target."

Napaisip si Ysabelle bago nilingon ang anak. "Quel, please get someone we can trust to see if they can pull this surgery."

Kapwa natigilan ang dalawang lalaki sa harap ng ginang. Kapwa hindi inaasahan ang narinig na 'yon.

"Mom!"

"Boss!"

Nakatinginan sina Ysiquel at Eiffel. Hinayaan ni Eiffel na mauna si Ysiquel sa pagsasalita.

"Mom, gagawin n'yo na agad na hindi siya hinihintay na magising? The doctor just said this is risky."

"I know that!" sagot ni Ysabelle. "It's a precautionary move. Kapag nagising na siya at gusto niyang tanggalin ang chip, handa na tayo. Gaya nang sabi ni Max, hindi 'to magiging madali kahit sa mga bihasa at kailangang alam na natin lahat ng maaaring gawin. Pero kung sabihin nila na sobrang delikado at huwag nang ituloy, then we won't."

"I see. At kung delikado naman ang chip sa puwesto nito, then hahanap pa rin ng paraan para walang mangyari sa kanya at subukang tanggalin."

"Oo, anak. We'll get us much opinions as possible... but discreetly."

"Agreed. Hindi pa tapos ang laban," ani Eiffel at tinanguan siya ng ginang. Parang kumalma roon si Eiffel sa narinig. The final decision would still rely upon Alice. No one else.

Kaya kung hindi pumayag si Alice, hindi siya mapangungunahan.

"I'll get my men to look for the person who did the surgery," pagboboluntaryo ni Eiffel at sumang-ayon ang mga kasama.

Lumingon muli si Alice sa may bubog at tinitigan ang anak. Maging ang dalawang lalaki ay nakaharap na rin kay Alice.

Nadudurog pa rin ang puso ni Ysabelle sa sitwasyon. Mahigit dalawang dekada naitago ang pagkatao ni Alice at mula noon ay lumalaban na siya.

Ysabelle was going to give her daughter the freedom she deserves... away from the shackles the devil tied her with. There were still a lot of unanswered questions in her mind but she will do everything in her power to get the answers they deserve. Lalo na kay Alice na matagal niyang hindi nakasama.

Eiffel may have killed the mastermind himself but remnants of the man would remain and like a puzzle, they would need to get all the pieces and put it together to end it all.

Ysabelle clasped her hands on her chest like a prayer. Naniniwala siyang magiging maayos din ang lahat. Gagawin niyang posible iyon para sa kanyang panilya. 

"One last battle, sweetie. I promise..."

***

EIFFEL relaxed his body and closed his eyes to rest on the couch. Pinatong niya ang kanang braso sa ibabaw ng kanyang mga nakapitkit na mga mata. Halos dalawang linggo na siyang subsob sa walang tigil na mga trabaho at misyon at umaapaw ang pagod sa katawan.

Malaki ang pasasalamat niya na pinagbigyan siya nina Ysabelle na manatili sa HQ ng Skull Rose para mabantayan si Alice hanggang sa magising ito. Now that he's beside her again, he won't let her run away again.

Wala sa kanyang plano ang bumalik sa Pilipinas. Ngunit dahil sa impormasyong galing kay Ysiquel tungkol sa sitwasyon ni Alice at sa personal niyang mga isyu, pinilit na niya ang sarili na tumapak muli sa Pilipinas.

Marahil kung hindi niya nakilala si Alice ay hindi niya gagamitin ang personal na dahilan para bumalik. Marahil ay pipiliin niyang takbuhan ang mga 'yon at mamuhay nang maayos at pribado sa Pransya.

Napabuntong-hinga siya at nagmulat ng mga mata. Humiga siya nang patagilid at lumingon siya kay Alice na balot pa rin ng benda at may I.V. drip sa braso.

His heart was bleeding as he stared at his woman's condition. Kung nahuli pa siya ay baka hindi na niya naabutan pa si Alice na humihinga. Hindi niya maaatim kung may nangyari sa dalaga.

Sa unang pagkakataon, natagpuan na niya ang babaeng mamahalin niya nang buong-buo. Hindi niya alam kung paano at kung kailan niya nagustuhan si Alice pero alam niyang gusto niya ang babae.

It might have been a whirlwind romance between them but the connection as definitely in there. At pakiramdam niya ay magagawa namang tanggapin ni Alice ang kanyang pagkatao kapag pinakilala na niya ang sarili nang buong-buo.

Pinanghahawakan niya ang pakiramdam na iyon. Pinagkatitiwalaan niya na matatanggap siya ni Alice. Just like how she trusted him to keep her safe in his fortress, he strongly believes that she would do the same now.

And that thought made him calm. Slowly, he drifted to sleep.

But his hope to sleep failed as he saw a sea of blood down his feet and his arms covered with more blood. Everything was covered in red. It was a horrible painting on sight.

Napabalikwas siya sa pagbangon dahil sa mga alaalang dumadalaw sa kanyang isipan. Malalim ang kanyang paghinga at hindi maikaiilang hinahabol niya ang sarili. Basang-basa siya ng pawis.

Napatingin siya sa kinahihigaan ni Alice at mahimbing pa rin ang tulog nito. 

Umupo nang maayos si Eiffel at napahilamos sa sariling mga kamay. The memories of his very first mission were still haunting him. The mission that turned him into the monster that he fears himself. The monster who deserves death.

♤♡◇♧

Please support the story by commenting and voting! Your feedback is greatly appreciated!

PrincessThirteen00 © 16 01 2021

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro