Chapter 25: Blood Ties
To everyone affected by Ulysses, please keep safe. My heart is breaking seeing all the photos and videos on all social media platforms. I am praying for everyone's safety. 🥺🙏
♤♡◇♧
NAGMULAT si Alice ng mga mata dahil sa naramdamang mga nakapatong sa kanyang braso. Inaantok man ay sinilip niya at mga braso ang nakayakap sa kanya.
Napangiti siya kaagad nang mapagtanto kung nasaan siya at kung sino ang mga kasama niya sa kama. It was her parents. Kapwa mahimbing ang tulog sa kanyang malaking kama.
Hindi siya nakatanggi nang makiusap ang dalawa na tabi-tabi sila sa kama. Naiilang at nahihiya man, pumayag na si Alice dahil gusto niya rin iyong maranasan.
Nasa gitna si Ysabelle na nakayakap sa kanya. Nakaunan si Alice sa braso ng ina. Samantala, nasa likod naman ni Ysabelle si Kyle at nakapatong ang kamay sa braso ng asawa. The weight of her parent's arms on her own arm was something she was thankful for.
For the first time in her twenty-five years of existence, kasama niyang natulog ang kanyang mga magulang. It may appear childish for others but for her, it was her long time dream.
Hindi niya pa rin lubos akalain na magagawa niya ang unang bahagi ng kanyang plano kahit na nakompormiso ito ng kanyang tiyuhin.
Mas isiniksik niya ang sarili sa kanyang ina. She could smell her sweet fragrance like hers. Bago natulog ay naligo sila at pare-parehong gamit lamang ang naro'n sa Casa. Ysiquel did prepare the mansion for them.
Casa was a property that Ysiquel purchased recently. Nang magkakilala na sila ni Alice at nabuo ang escape routes, sa Casa ang napagkasunduan nilang hideout hangga't hindi pa nakababalik sa Pilipinas.
Dahil sa pagkilos niya ay parang nagising ang kanyang ina. "Everything okay, sweetie?" inaantok pang tanong ni Ysabelle. Tumango si Alice sa kanya na nagpangiti sa ina.
"Sleep some more, anak," aniya sabay halik sa noo nito.
Alice hugged her mother tighter and closed her eyes again. Hinahaplos naman ni Ysabelle ang likod niya upang bumalik sa pagtulog. Her mother was doing small hums. Parang bata siya sa bisig ng sariling ina at ama. Pakiramdam niya ay para siyang isang bata sa piling nila. Pero ayos lamang 'yon sa kanya.
Her childhood was... not normal. Wala siyang matandaan na alaala noong bata siya na tinabihan siya ng kahit sino para makatulog. She never experienced hearing lullabies or bedtime stories.
Kaya't kakaibang experience sa kanya ang makasama si Eiffel sa iisang bubong... higit lalo, sa iisang kama. Lalo na no'ng may nangyari sa pagitan nila. It changed everything.
In that short span of time, Eiffel showered her with complete care and respect. At bago pa man may mangyari sa pagitan nila, hindi maitatanggi ni Alice na they had strong chemistry with each other. At maging no'ng ibigay niya ang kanyang puri ay unti-unti silang nakakikilala. Alice felt warm and giddy just being with Eiffel. She felt loved.
She felt... home.
Alice mentally shook her thoughts away. Dapat ay simulan na niyang kalimutan si Eiffel. It won't be good to keep him beside her at all.
It was a short relationship but things that have beginnings always meet their endings. And Eiffel and herself were no different. It was bound to happen.
Binalot ng katahimikan ang silid at puro ang kanilang mga paghinga lamang ang mauulinagan doon.
Unti-unti, naging malinaw sa kanyang pandinig ang ritmo ng tibok ng puso ng ina. It was calm and she knew that her mother was already comfortable with her.
It was quiet, but it was perfect.
Hindi na lamang iyon isang panaginip pero totoo na talaga. Unti-unti na niyang naisasakatuparan ang plano na ginawa niya noong bata pa lamang siya.
She snuggled on to her mother's embrace whole her father's hand remained on her mother's arm. It was full of care, love, and respect. And now that they know about her, she won't have any more reservations.
Tatapusin niya ang laban. Tatapusin niya ang kanyang nasimulan... buhay man niya ang maging kapalit.
*****
Namulat si Alice nang may marinig na pag-iyak mula sa 'di kalayuan. Bumalikwas siya ng bangon at napagtantong mag-isa nalamang siya sa kama at nakabalot ang kumot sa kanya. She closed her eyes to try and listen to the cries again but it has disappeared.
Napakamot siya ng ulo at inisip kung kailan bumangon ang mga magulang. She's usually not a heavy sleeper but earlier was different. She let her guard down and just slept with no worries whatsoever.
Bumangon siya at nagtungo sa banyo upang maghilamos at mag-toothbrush. Inayos ko ang aking buhok at saka lumabas ng kuwarto.
May naaamoy siyang pagkain at pagkaluskos ng mga kubyertos. Sinilip niya 'yon at naro'n ang kanyang mga magulang na naghahanda ng kanilang pagkain.
"I still can't believe that it happened," malungkot na sambit ni Ysabelle habang naglalakad ng mga gagamitin nila sa pagkain. Sumandal sa pader si Alice at palihim na nakinig. Alam niyang mali pero ayaw pa niyang lumabas habang sobrang bigat pa ng tensyon sa paligid.
"Don't worry, mhie. Magbabayad siya sa pagkuha sa anak natin. I will make him pay," matigas na ani Kyle sa asawa.
"Pagsabihan mo ring 'yang anak mo! Tinago pa sa 'tin ang tungkol sa kapatid niya. Naiinis ako!" puno ng yamot ang boses ng kanyang ina at napangiti si Alice habang nakikinig.
"I will. But I know he's got a reason for it. Kilala mo naman si Ysiquel, sobrang independent. Gusto niyang masolusyonan na lahat ng bagay na hindi humihingi ng tulong sa iba."
Napahawak si Alice sa dibdib. He was pretty much like her. Pareho ang train of thought nilang magkapatid. Hindi maikakaila na kambal nga sila.
Nagbuga siya ng malalim na paghinga bago kumatok sa may daanan ng kusina. Sabay na lumingon sina Ysabelle at Kyle sa kanya at agad sumibol ang ngiti sa kanilang mga mukha.
"Good morning, anak!" Dali-daling lumapit si Ysabelle at sinalubong siya sa isang mahigpit na yakap.
"Good morning, M-mom..." niyakap niya at sinilip ang ama na naglalakad patungo sa kanyang direksyon.
"Good morning, sweetie. I hope you had a good sleep?" Tumango siya sa tanong ng ina na nilakipan siya ng halik sa noo. "That's great. Let's have breakfast na," at nagpatianod na siya sa paghila ng kanyang ina palapit kay Kyle.
"Good morning, D-dad," Alice greeted her father. Alice loves calling them as her mom and dad already but it was going to take a long time before she could say it without stuttering.
"Good morning, Kylien," he greeted with a wide smile on his face.
Namula ang kanyang mukha. Base nga pala sa pangalan ni Kyle ang totoo niyang pangalan! And to hear it from her father's lips is giving her mixed emotions!
Kapwa pinaghati ang pangalan ng mga magulang upang mabuo ang pangalan nila ni Ysiquel. Kyle Dominique and Princess Ysabelle were mixed and formed Prince Ysiquel and Kylien Cess. They were the eldest children.
Ngunit kung ibabase ito sa panahong inakala na patay na siya no'ng naianak, at sa panahong normal na naipanganak si Ysiquel, siya ang panganay sa magkakapatid na Fuentes.
But the sequence didn't matter to her. Her family is what matters. She was born premature but she survived. She was made to survive to be used against her real family, her own flesh and blood.
"Kain na tayo. I hope fried rice is okay with you?" tanong ni Ysabelle sa anak.
Alice smiled at her. "Opo. I'm not picky with food."
Nagsalo-salo silang tatlo sa agahan. Sa isip ni Alice ay isa-isa nang natutupad ang kanyang panalangin na bumuo ng mga masasayang alaala kasama ang pamilya.
Nang matapos ang almusal ay sunod silang naupo sa salas upang magkuwentuhan at hintayin ang tawag ni Ysiquel.
Bandang alas otso nang mag-ring ang cellphone ni Kyle. It was Ysiquel.
"Pagalitan mo 'yang anak mong 'yan, dhie, ha?" paalala ni Ysabelle sa asawa na napangisi. Nagtatampo pa rin si Ysabelle kay Ysiquel dahil sa ginawa nitong paglilihim tungkol kay Alice.
"That can wait until we got home, mhie. Ang importante ay makauwi muna tayo kasama si Kylien," ani Kyle. Gumuhit ang isang maliit na ngiti sa labi ni Alice. Gustong-gusto ni Kyle na tawagin siyang Kylien sa halip na Alice. Sa totoo lang ay naninibago siya dahil kinalakihan niya ang Alice. But hearing him call her as Kylien was beyond any feelings she could know.
Pinindot na ni Kyle ang answer sa kanyang cellphone. Nilagay niya ito sa loudspeaker upang marinig ng kanyang mag-iina.
"Hello, Ysi—"
"Dad, 0927," bungad ni Ysiquel na mukhang nasa mataong lugar.
Napabalikwas mula sa komportableng pagkakaupo si Kyle at nagkatinginan sila ni Ysabelle. Agad nagtagpo ang kilay ng kanyang ama at hindi naintindihan ni Alice ang ibig sabihin ng mga numero.
"Anong nangyari?"
Hinawakan ni Ysabelle ang kamay ni Alice at ramdam ng anak ang panlalamig nito. "Your sister, Samara, is in danger. That's her code."
Namilog ang mga mata ni Alice. Hindi niya inaasahan 'yon. Binalot kaagad ng pangamba sa dibdib. She placed her other hand there as she listened to the conversation.
"Tinawagan ako ng kaibigan ni Sammy na nasa panganib siya. Someone took her and she was asking for help. I traced her location and she was under the cliff. Someone's after her."
Napatakip ng bibig si Ysabelle gamit ang isa pang kamay. Nakaigting rin ang panga ni Kyle habang nakatitig sa kanyang cellphone. "Is she okay?"
"We're in the hospital right now. She's getting surgery. Nasa scene na sina Fionne."
"Okay. I'll make the arrangements na makauwi na kami r'yan as soon as possible. Keep watch of your sister, please."
"Of course, dad. I've informed our men to keep watch of you naman. Hangga't 'di pa natin alam kung iisang tao ba ang nasa likod nito."
Napakagat ng ibabang labi si Alice. She knows that Ysiquel is thinking it's because of her uncle. Posible. Maaari.
Pero hindi rin niya mapigilang isipin na malayong gamitin ni Salvador si Samara laban sa pamilya. Kung tituusin, si Alice mismo ang trump card ni Salvador.
Kaya sino ang magtatangka sa buhay ni Samara?
Alice excused herself and stood up with her phone and decided to make a call to Gi. Hindi siya mapalagay. Kailangan niyang malaman ang totoo.
Pero kung si Salvador din ang may gawa no'n, she wouldn't stop herself from taking revenge. Not just for what he did to her, but to her family as well.
♤♡◇♧
Please support the story by commenting and voting! Your feedback is greatly appreciated!
PrincessThirteen00 © 15 11 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro