Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24: Daughter

♤♡◇♧

"I CAN'T believe you actually lost them," nakangiting sambit ni Ysabelle nang matanggal ang suot na helmet.

"Naka-tsamba lang po. Kung nagkataon na hindi makipot ang daan, baka hanggang ngayon ay nakipaghahabulan pa tayo," sagot naman ni Alice na tinanggal ang tali sa kanilang baywang.

Everything went so fast the moment they left the hangar. Halos anim na sasakyan ang humabol sa kanila sa kalsada. The blanket of darkness was already enveloping the whole city and only lights lit up the place.

Mabilis ang mga pangyayari. Nakapokus lamang ang mga mata ni Alice sa daan upang iligaw ang mga sasakyan. She swerves her Ducati like it was a part of her body especially when fires were getting shot at their direction. Mabilis ding nasanay si Ysabelle sa kanyang pagmamaneho at nakasasabay ito sa kanyang galaw lalo na kapag bumabalik ito sa opensa.

Ysabelle threw shots on the enemies wheels professionally making them stop.

At nang masigurado nilang wala nang sumusunod sa kanila, saka sila pumunta sa Casa, ang lugar na napagkasunduan nina Ysiquel at Alice.

Iyon ang unang beses ni Alice sa Casa at nagandahan siya sa lugar. It was brimming with flowers and trees around. Naalala niya ang bahay ni Eiffel na hindi nalalayo ang hitsura ng kapaligiran.

Alice shook her head with the thought. Hindi niya maaaring isipin si Eiffel lalo na ngayon. Hindi niya gusto na may kirot siyang nararamdaman sa kanyang dibdib dahil sa ginawa niya. Paniguradong hindi siya mapatatawad ni Eiffel sa pagkupkop sa kanya at biglang pag-alis na walang paalam.

"Mhie!"

Napalingon ang mag-ina sa boses na 'yon. It was Kyle rushing to their direction with a worried face.

"Dhie!" Sinalubong ni Ysabelle ang mahigpit na pagyakap ng kanyang asawa.

"Ayos ka lang ba? May ginawa ba sila sa 'yo?" Alice couldn't help but smile as she watched the both of them this close. Sa unang pagkakataon, sobrang lapit niya sa kanyang mga magulang.

Napansin niya kaagad na hawig na hawig nga ng mga kapatid niyang lalaki ang kanilang ama. Lalo na si Ysiquel na masasabing carbon copy ni Kyle.

"I'm okay, dhie. Bakit nga pala mag-isa ka lang dito? Nasa'n sila?"

"Watching the perimeter. Sabi ni Ysiquel na maghintay lang ako rito dahil pauwi ka na."

"Did he say anything else?" Medyo tumaas ang kilay ni Ysabelle sa asawa.

"Wala naman. Is there something else?"

"Hay naku! Kukurutin ko talaga si Ysiquel pagbalik natin!" iritadong sambit ni Ysabelle. Base sa reaksyon ni Ysabelle, alam na ni Alice na hindi sinabi ni Ysiquel sa ama ang tungkol sa kanya. He still kept it a secret.

"Relax, mhie. Ang mahalaga ay ayos ka na," aniya sabay halik sa labi ni Ysabelle. "At sino 'tong naghatid sa 'yo? Did you get to scout someone in there?" may tono ng pagbibiro sa lalaki.

"She's more than that, dhie. She's special," nakangiting sambit ni Ysabelle na nagpagulo sa asawa.

Napalunok si Alice habang nakatingin sa kanila. Nagdadalawang isip kung tatanggalin ba ang kanyang suot na helmet.

Lumapit si Ysabelle sa kanya at hinawakan ang kanyang nanginginig na mga kamay. "Anak, everything will be okay. Nandito lang kami, okay?"

Tumango si Alice.

Unti-unti niyang tinanggal ang helmet  at nakapirmi lamang ang kanyang mga mata sa sahig. Malakas ang kabog sa kanyang dibdib at parang nagbara ang kanyang lalamunan.

Nag-angat siya ng tingin at nakitang malawak ang ngiti ni Ysabelle samantalang purong gulat lamang ang naipinta niya mula sa ama.

"P-papaanong—?"

Lumapit si Ysabelle kay Kyle at hinawakan ang kamay nito. "Kamukhang-kamukha ko siya noon, 'di ba?"

"Anong ibig sabihin nito, mhie? Si—sino siya?" nauutal niyang tanong.

"She's Alice Vale Brixton," pagpapakilala ni Ysabelle sa kanya at hindi pa rin nawala ang titig ni Kyle sa dalaga. Kakaiba ang kalampag sa kanyang dibdib. Animo'y gustong makawala ng kanyang puso. "But her real name is Kylien Cess Fuentes."

Napalingon si Kyle kay Ysabelle. His eyes started to heat up with disbelief and confusion. "T-totoo ba?" Kyle was breathing heavily.

Tumango-tango ang kanyang asawa. "Oo, dhie. Remember no'ng ang daming tests na ginawa sa 'tin sa Red Cross na never nating ginawa before? Ysiquel was the one behind it. He did a DNA test in secret on all of us to prove Kylien's identity for this day."

"And... she's definitely our Kylien?" Tumango muli si Ysabelle bilang sagot sa asawa. Ysabelle raised her hand to invite Alice over her side. Nahihiyang lumapit si Alice sa mga magulang at ipinatong ang kanang kamay sa kamay ng ina na nakalahad pa rin sa kanya.

Matapos ang dalawang dekada, hindi niya lubos akalain na makakasama pa niya ang totoong pamilya na walang pagtatago at pagpapanggap tungkol sa kanyang sarili.

Matagal na pinagmasdan ni Kyle ang babae na katabi ng kanyang pinakamamahal na asawa. Sa mukha pa lamang ay parang nakatingin na siya sa nakaraan... sa mas batang bersyon ng kanyang misis.

"Kylien..." he mumbled and she looked up. Nanginginig niyang hinawakan ang mukha ng ni Alice at tinitigan ang bawat sulok at anggulo nito. "You look exactly like your mother when she was younger," nakangiting saad ni Kyle sa dalaga bago bumaling sa asawa. Hindi nito maikubli na naluluha na siya sa mga oras na 'yon.

"But she's got your eyes and nose, dhie," ani Ysabelle sa mister na napasinghot na rin. She was tearing up.

"T-totoo po ba?"

"Oo. Maliban sa buhok, kamukha mo ang mommy mo," dagdag ni Kyle.

Kinuha ni Kyle ang kanyang pitaka at may kinuha mula sa mga nakaipit na papel. Inabot iyon kay Kylien at tinanggap naman niya.

Hindi rin napigilan ni Kylien na mapangiti. Litrato iyon ng kanyang ina noong mas bata pa ito. Mukhang hindi nagkakalayo sa edad niya ngayon. Mukhang pinakatatago ito ng kanyang ama.

"Ilang taon ka dito, M-Mom?" Hindi niya mapigilang mautal. Nakakapanibago pa rin na tawaging 'Mom' ang kanyang ina.

"She turned twenty-one on that photo. Siguro kung itim ang buhok mo, mapagkakamalan kitang mommy mo," biro ni Kyle at umakbay kay Ysabelle na napatawa rin.

"Kinailangan ko kasi pong itago ang hitsura ko dahil may humahabol sa 'kin. Nakita nila ang totoong kulay ng buhok ko at mukha kaya ito na ang naisip kong paraan."

"Don't worry, anak. It suits you," dagdag ni Ysabelle sabay haplos sa pisngi ng dalaga. "You're so beautiful, anak."

Muling binalik ni Alice ang tingin sa litrato. "Wow, kamukha ko nga kayo," ngumiti siya nang mapait. "Kaya hindi niya ako hinahayaan na magawi sa publiko."

Alam niyang kapag nakita siya ng publiko, hindi imposible na dumugin siya ng media upang malaman kung kaano-ano ba niya ang mga Fuentes. She was her mother's carbon copy. Dati ay litrato lamang mula sa internet ang nakikita niya sa pagkukumpara ngunit ngayon ay nasa harapan na niya mismo.

"Tara na sa loob. Kailangan ko ring makausap si Ysiquel. He has a lot of explaining to do," ani Kyle kaya't napangisi si Ysabelle. Habang naglalakad ay ikinuwento ni Ysabelle sa kanyang asawa ang nangyari noong madakip siya ng kalaban, kung paano nakilala si Alice, kung sino si Salvador Brixton, at kung paano sila tumakas. Kyle was just eagerly listening to her stories. He could see the flare in her eyes as she told her adventures.

Pumasok na sila sa munting cabin ng Casa at pinagigitnaan nina Kyle at Ysabelle si Alice na nahihiya pa rin. Her parents were holding her hands tightly and she felt so warm. That moment was like hot chocolate—hot, soothing, and sweet.

"Anak, if you don't mind me asking, paano ka natutong mag-Tagalog? Hindi ba't nasa ibang bansa ka?"

"Yes. Pero ang mga kasama ko kasi po ro'n ay mga Pilipino. Sila ang mga kinuha ni uncle na tagabantay ko at naging close kami. I was home-schooled kaya I wasn't exposed to the public. And whenever I get sent to missions, I need to hide my identity and I was also getting watched."

"Oh, sweetie." Lumapit si Ysabelle at isinandal ang ulo ng anak sa kanyang balikat. Niyakap niya nang mahigpit ang dalaga. Alice felt secured and warm. Hindi niya lubos akalain na mayayakap niya nang ganito kahigpit ang kanyang ina. And that scares her that this happiness was just temporary.

"God, I can't believe our daughter is actually alive and well... and kicking asses to add to that." Hinaplos ni Kyle ang buhok ng anak habang yakap ng kanyang asawa.

Panandaliang kumalas si Alice at lumingon kay Kyle. Ilang paglunok ang kanyang ginawa bago natawag si Kyle. "D-dad..."

"Yes, anak?"

Umiling si Alice at ramdam ang pag-iinit ng kanyang mga mata. "It just feels surreal. Hindi ko lang lubos akalain na makakasama ko pa kayo. I thought it won't happen in this lifetime anymore. I thought—" Alice stopped when Kyle hugged her and gave her a kiss on her head.

"Hush now, my daughter. You're alive and well and that's all that matters to me right now. Ang ibang bagay ay makapaghihintay pero itong oras na ito... I just want to spend it with you and your mother. God, hindi pa rin ako makapaniwalang totoo ito. All these years that we visited your gravestone... fuck, we should have been celebrating your birthday only. "

"Okay lang po. Things were meant to happen this way," sambit ni Alice.

"Gusto kitang ipakilala sa mga kapatid mo. Alam kong matutuwa sila na malaman ang totoo."

Kinilabutan si Alice sa narinig at dali-daling humiwalay sa ama. "No! Hindi pa po puwede!" umiiling niyang ani.

"Bakit naman?" kunot noong tanong ni Kyle sa anak.

"Kailangan kong makuha ang gang mula kay uncle Salvador."

"Hindi mo na kailangang gawin 'yan, anak. We can deal it with. We will protect you," kalmadong sagot ni Ysabelle.

"No, hindi n'yo naiintindihan, Mom. Ang alam ni uncle ay sapilitang n'yo akong kinuha. At alam kong iisipin niya na nagpapanggap lamang ako sa puder n'yo at kailangan kong ipagpatuloy ito. Kailangang ibigay niya sa akin ang lahat ng pagmamay-ari ng mga Brixton bago ko malayang magamit ang totoo kong pangalan."

"Hindi mo kailangan pa, Kylien. You're a Fuentes and therefore, you will be protected by Skull Rose. You don't need to go through all these lenghts. Kami na ang bahala."

"No, D-dad. Kailangan," she replied with complete determination. "Sila... Sila ang kasama ko paglaki at itinuring akong isang kapamilya. Alam kong mahihirapan akong kuhanin ang loob nila na sumama sa Skull Rose pero it's better to free them from the Brixton's. Ito lang ang kabayarang magagawa ko sa lahat ng kabutihan at pag-aaruga nila sa akin."

"Pero, anak..." biglang hinawakan ni Kyle ang kamay ng asawa.

"My plan wouldn't have worked without them. I wouldn't even know about the real Fuentes and how I was getting brainwashed if it weren't for them," paliwanag ni Alice.

"Pero—"

"Naiintindihan ko, anak," pagputol ni Kyle sa asawa. "We will respect your choice."

"Dhie," nag-aalalang ani Ysabelle.

"But in exchange, we will now be part of your plan."

Nanlaki ang mga mata ni Alice sa narinig mula sa ama. "No, Dad. I don't want to risk it. I don't want to risk anyone's safety. Hayaan n'yong tapusin ko ang plano ko."

"You know we will interfere kung hindi ka papayag, anak."

"Dad..."

"We've wasted twenty-five years away from each other... away from the truth. Hindi ako papayag na ang isang sinungaling na kagaya niya lamang ang magpapabagsak sa pamilya ko, lalo na sa panganay ko na matagal kong hindi nakasama."

"Pagbigyan mo na kami, Kylien." Ramdam ni Alice ang paghigpit ng hawak ni Ysabelle sa kanyang kamay. "This is the least we can do as your parents."

Parents.

Napakagat ng labi si Alice. Nasa isang realidad na nga siya. That was her reality.

Alam niyang mas magiging komplikado na ang lahat ngayong nasa puder na siya ng mga Fuentes pero wala siyang planong takasan ito. It took her this long to complete the first phase of her mission—to be with her family. At hindi si Salvador Brixton ang pipigil sa kanyang plano na mabuo ang kanyang pamilya.

"Okay po."

♤♡◇♧

^ Minsan lang akong gumamit ng pictures ng mga K-drama actors pero sila ang closest na pumasok sa banga.

Please support the story by commenting and voting! Your feedback is greatly appreciated!

PrincessThirteen00 © 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro