Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22: Savior

♤♡◇♧

"SAVE YOU?" Balot ng pagtataka si Ysabelle. "Anong ibig mong sabihin, anak?"

"Please listen," hinawakan ni Alice ang magkabilang kamay ng ina na nagpatigil sa kanyang pagkilos. Ysabelle could feel how caloused her daughter's hands were. Halos kagaya nang sa kanya. "Patatakasin kita dito but I want you to turn the tables on us."

"Ano?" Lalo siyang naguluhan.

"Palabasin mong kinidnap mo ako or pinagtangkaan na papatayin," seryoso ngunit balisa niyang saad.

"Hindi kita maintindihan."

Alice bit her lower lip. She needed to think of a way to get her mother to quickly understand the situation so they could escape. But she lacked time. Nauubusan na siya ng oras pero hindi ibig sabihin ay susuko na siya.

Kaagad na kinuha ni Alice ang cellphone mula sa kanyang bulsa at may tinawagan. She called the person who was the strongest link between her and her biologicalmother.

"'Te Kylien?"

Nanlaki ang mga mata ni Ysabelle nang marinig ang boses mula sa kabilang linya. Hindi siya maaaring magkamali sa boses na iyon. She knows the boice very well.

Si Ysiquel iyon!

At mas nakakabigla na tinawag ni Ysiquel si Alice na 'Ate.' Ibig sabihin ba nito ay nagkita na sila? Alam ni Ysiquel? Hindi iyon mapigilang isipin ni Ysabelle.

"Ysiquel, nandito si Mom," kalamadong saad ni Alice sa kakambal.

"Ano? Sinimulan mo na?"

"I had no choice. Dinala na siya dito ni Uncle. The plan had already commenced and I couldn't stop it. It was out of my hands."

Gusot na gusot pa rin ang mukha ni Ysabelle at pilit iniintindi ang nangyayari. Ysiquel was casually talking to the woman who she thinks is her daughter and Ysiquel's dead twin sister.

"Fuck. Okay. I'll meet you sa Casa. Remember the place?"

"Yes. But, I think you should speak to Mom about this quickly," lumingon si Alice sa direksyon ng ina na nakatitig lamang sa kanya at sa cellphone na hawak. "I'm not sure if she believes a word I'm saying right now," dagdag pa niya.

"Okay. Pass her the phone." Agad inabot ni Alice ang cellphone sa ina.

Kaagad rin itong kinuha ni Ysabelle at inilagay sa tainga. Hindi pa rin pinuputol ang titig sa dalaga. Umaapaw ang kalituhan at kyuryosidad sa kanyang sistema.

"Anong ibig sabihin nito, Ysiquel? You have a lot of explaining to do."

"Mom, pagbalik mo dito ko ipapaliwanag ang nangyari. Alam kong masaya kayo na okay si Kylien at baka galit kayo na itinago ko sa inyo ito... pero ipapaliwanag ko lahat sa inyo pagligtas na kayong dalawa."

"Siguraduhin mo!"

"Yes, Mom."

"Mangako ka, Ysiquel," seryosong saad ng ina.

"Yes, Mom. I promise."

Lihim na napangiti si Alice habang nakikinig sa pag-uusap nang mag-ina. She could feel the closeness between them. It was something she missed out in her life. She never became close to anyone because as her uncle said, the moment she allows someone to be part of her life permanently, they will become her weakness and reason for herr downfall.

Bumuntong-hinga si Ysabelle at kumalma ang sistema kahit papaano. "Alam ba 'to ng Daddy mo?"

"No, Mom. I will tell him today as well kapag okay na kayo. Basta sa ngayon, palabasin n'yong kikidnapin n'yo si Ate Kylien at hihintayin ko kayo sa Casa Florencia."

"My goodness, what have you two been talking about?! This is not the reunion I would have pictured," asik niya sa mga anak.

"I know, Mom. Believe me, I know. Pero right now na alam n'yo na buhay si Kylien, hindi lang kayo ang manganganib. Target na rin siya ngayon. Kung hindi kayo mapapatumba ni Brixton ng direkta, idadaan niya sa pagpapatumba kay Kylien."

Huminga ng malalim si Ysabelle. She was slowly grasping what her children had in mind. "I understand. Please tell your Dad that I will be with him soon. Paniguradong matindi na ang pag-aalala niya."

"Yes, Mom. Please, mag-ingat kayong dalawa."

"Will do," sagot ni Alice sa kakambal. "H'wag mong tatawagan ang number na 'to. Kung kailangan mo ng direct contact—"

"I know about that already, Ate Kylien. Naka-standby na rin siya sa go-signal. Ako na ang bahala dito. Basta umalis na kayo d'yan."

"Sige. Salamat. See you soon." At pinatay na ni Alice ang tawag. Tumingin ito kay Ysabelle na maraming malalim na paghinga ang ginagawa. "Okay lang po ba kayo?"

Tumango ang ginang. "Yes. Kinukondisyon ko ang sarili ko. Hindi ito magiging madali."

Nag-scroll si Alice sa kanyang cellphone at saka ipinakita ang isang blueprint sa ina. Lahat ng detalye sa hideout ay naroroon.

"This is the blueprint of the building. Kaya n'yo bang matandaan ito agad?"

Ngumisi si Ysabelle. "Kayang-kaya, anak. I wasn't the leader of Skull Rose for nothing." Hinaplos nito ang pisngi ng anak bago kinuha ang inabot na cellphone.

Narinig nila ang muling pagkatakot sa pintuan. "Miss Alice, are you okay?"

"Oo, Kuya."

Narinig nito ang pagbukas ng lock sa pintuan sabay dungaw ng isang matandang lalaki.

"Miss Alice."

Mukhang nataranta si Ysabelle sa pagbubukas ng pintuan. "Relax, Mom. He's on my side." Tumango si Belle sa sinabi ng anak. "Nand'yan pa po ba si Tito?"

Sinalubong niya si Rosh sa isang mabilis na yakap. He was her guardian and he proved his loyalty to her. Not to the Brixton's name but to her.

"Wala na. Umalis na siya pero pinapa-check ka sa amin." Tumingin ito kay Ysabelle bago muli sa dalaga. "Tapos na ba ang briefing?"

"Malapit na po, Kuya Rosh. I just need ten more minutes at sisimulan na natin. Kakaunti na lamang naman ang natitirang hindi natin kakampi, 'di po ba?"

"Oo. Kupunan na lamang nina Smith ang natitira. Ako na ang bahala sa kanila," ani Rosh.

"Salamat, Kuya. Salamat." Tumayo si Alice at binigyan ng isang yakap ang matanda. "Hindi ko na makakausap ang iba pero pakisabi sa kanila na maraming salamat."

"Oo naman, Miss Alice. Mag-iingat ka. Tapusin mo ang sinimulan mo. This is the start of the freedom you've been dreaming about."

"Salamat, Kuya."

"O s'ya, sampung minuto mula ngayon, simulan n'yo na ang plano. Inaabala na ng iba sina Smith pero paniguradong may hindi tayo kasamahan sa labas. Doon ko sila pipigilan." May kinuha si Rosh mula sa kanyang bulsa. "Ito ang susi ng sasakyan sa labas."

Ngumiti si Alice. Abot langit ang kanyang pasasalamat na may kakampi siya mula pa noon. "Salamat."

"Galingan mo, ha?"

"Oo naman, kuya. Alaga niyo kaya ako!" pagmamalaki ni Alice at umapir sa lalaki.

Isinara nn niya muli ang pintuan ngunit hindi na ito ni-lock. Tiningnan ni Alice ang ina na seryosong nakatingin sa blueprint na kanyang ibinigay. Alam n'yang hindi iyon magiging madali. Ilang hallway rin ang kanilang lalampasan bago makatakas.

Sa lahat ng kanyang naging misyon, dito siya hindi maaaring pumalya.

Narinig niya ang pagpindot ni Ysabelle sa kanya g cellphone. Nakapikit ito ng ilang segundo bago tumingin sa kanya ng deretso.

"Okay na. Alam ko na ang pasikot-sikot."

Tiningnan ni Alice ang kanyang relos. "Seryoso? It hasn't even been four minutes."

Ngumiti si Ysabelle. "Sanay lang ako, anak." She was enjoying the feeling of calling Alice her child. It was giving her the warm feeling inside.

"Nice," napangisi si Alice. "Here," inabot n'ya ang baril na itinutok kanina sa ina.

Tinanggap agad iyon ni Ysabelle. To make the plan work, she needs to look and act like the bad guy. Para sa anak niya, she was willing to take on the challenge.

Sa paghawak ng baril, she felt complete nostalgia. It has been a long time indeed.

Binuksan ni Alice ang isang bintana na nakakonekta sa isang silid. Kailangang tumawid sila roon para makarating sa pasilyo na magdadala sa kanila sa labasan kung nasaan qng sasakyan.

"Ready?" tanong ni Alice sa sariling ina. Akmang aakyat na siya sa binata nang biglang hawakan ni Ysabelle qng kanyang kamay.

"Sandali."

"Bakit po?"

Sa halip na sumagot ay binalot ni Ysabelle sa isang mahigpit at mainit na yakap ang anak. "Let me just hold you for a second longer, Anak."

Napangiti si Alice. "We have more time to catch up with life once we get of here, Mom." And with a final nod, they set the action on the stage.

♤♡◇♧

Please support the story by commenting and voting! Your feedback is greatly appreciated!

PrincessThirteen00 © 01 10 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro