Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20: Captivity

♤♡◇♧

"I KNEW you were not going to disappoint me," bungad ni Salvador kay Alice pagdating nito sa pier. The air was salty and stuffy and she wasn't a fan of it, especially being around massive trailers and containers. Mas pabor sa kanya kung nasa buhanginan siya habang pinagmamasdan ang dagat.

Alice released a heavy sigh. She did what she was told. She allowed her uncle to control her again. She left Eiffel's home without a word.

It might be pure coincidence that Eiffel left the house earlier giving her time to run away. Iniwan niya ang mga gamit sa bahay ng binata. Her clothes, laptop, paperwork, luggage—almost all of her belongings. Ang bitbit lamang niya sa pag-alis ay ang kanyang sarili, driver's license at passport.

Was she hoping to return to him? Perhaps. It was her silent prayer.

Perhaps she wants to return to him once everything is over... if it will.

"Hello, Uncle," bati ng dalaga matapos tanggalin ang itim na helmet at ipinatong sa kanyang Ducati.

Napansin kaagad ni Alice na may kakaiba—may nagbago.

Halos ilang buwan rin niyang hindi nakita ang lalaki na ipinagpapasalamat niya ngunit sa isang banda ay hindi ayos dahil hindi niya namamanmanan ang bawat kilos nito.

Despite the distance, Salvador kept a watchful eye on her. Unfortunately, she couldn't do the same.

Nagpalingon-lingon si Alice sa paligid. Alam na niya kaagad kung anong nag-iba.

"Where's kuya Rosh? And the others?"

"They're in the base."

Nangunot lalo ang kanyang noo, pilit itinatago ang pagkakakuyom ng mga kamay. "And why would that be? Are they not part of this plan?"

"My decision," tipid na sagit ni Salvador sabay hugot ng sigarilyo bago ito sinindihan. "Did you see the plan today?"

Hindi umiwas ng titig si Alice. It was a self rule she abided with.

Kapag nang-iwas siya, talo siya—it was always the case. Kahit na may namumuo sa kanyang lalamunan, walang atrasan na talaga. She was born in a messy world.

Matapos ang pag-uusap nila ay pinadala ni Salvador ang detalye ng pagsalakay. Ayon sa plano, pupunta sina Ysabelle at Kyle dito upang makipagkita sa may-ari ng pier upang makipag-usap ukol sa negosyo. At dito sila papasok upang mapaghiwalay ang mag-asawa at dadakipin si Ysabelle.

Alam nilang malakas ang kampo ng mga Fuentes kaya't dinala ni Salvador ang kanyang mga tauhan upang mapatumba ang kalaban. It was the plan that took almost forever to commence.

"Yes."

Sinuri ni Alice ang paligid kasama na ang mga tao sa paligid. Lumuhod siya upang ayusin ang itim na combat boots na suot pero sa totoo lamang ay ginawa niya iyon para makapag-isip na walang nakakabasa ng kanyang ekspresyon. Inisip niya ang maaaring gawin.

Naisip niyang tawagan si Ysiquel upang bigyan ng babala qng kanilqng mga magulang ngunit nasisigurado na niyang may jamming device sa paligid. At isa pa, sigurado na rin siya na may nagmamanman sa kanyang cellphone. Nagawa na nga nila na i-hack ito noong nakaraan at ngayon ay hindi imposible na may software na ring nakalagay.

Hindi. Hindi niya pwedeng tawagan si Ysiquel. Kapag ginawa niya iyon, hindi pupunta ang kanilang mga magulang upang masigurado qng kanilang mga kaligtasan. Pero kung hahayaan niya ang plano, magkukrus na ang kanilang mga landas—'yon ang gusto niyang mangyari.

Tumayo siya at pinagpagan ang pantalon na nagkaroon ng kaunting dumi mula sa lupa.

"How many troops do I get?" Tanong ni Alice.

"You get none."

Lalong kumunot ang noo ni Alice sa narinig. Sa dami na nang kanyang naging misyon, ito ang unang beses na wala siyang kasama... o mas mainam na tawaging bantay. She thought it was still the same plan but things have obviously changed.

Sa tanang kanyang buhay, hindi siya hinahayaan ni Salvador na umakto na siya lamang. Habang nagdadalaga, nasasakal siya dahil walang araw na lilipas na walang matang nakasunod sa kanyang bawat kilos. At noong nagka-isip na siya at nalaman ang totoo, it favoured her that they were following her around. Gaya nang paggamit sa kanya ni Salvador, ginagamit niya rin ang bawat tauhan ng matanda.

Gaya sa larong chess, alam biyang itinuturing lamang siya ni Salvador na isang pawn. But she's more than that. Wala man siyang hari, siya ang reyna na kikilos hanggang manalo sa laro ng buhay. Kailangang manalo siya.

"Miss."

Nag-angat ng tingin si Alice at isang lalaki ang nag-abot sa kanya ng kulay pilak na briefcase.

"Show me."

Binuksan nito ang briefcase at bumalandra ang piling mga armas. May baril at patalim na nakalakip sa magkabilang bahagi ng briefcase.

Unang kinuha ni Alice ang earpiece doon at inilagay sa tainga. Inayos rin niya ang pagkakatali ng buhok upang masiguradong hindi ito sasagabal sa kanyaang misyon.

Sunod niyang kinuha ang baril. Isinaksak ni Alice ang mga bala sa baril bago ito ikinasa at sunod na nilagay sa bulsa sa may likuran niya. Isinabit naman niya ang dalawang patalim sa kanyang kaliwang hita. Sinuri niya ang sunod na baril nago itinago ang mga bala at ikinasa.

Nang makuha na ang kailangan sa briefcase, pinaalis na niya ang lalaki.

Sinilip niyang muli ang relos at sa pagpitik ng isang kamay nito ay siya namang pagsabog sa 'di kalayuan...gaya ng nasa plano.

Nagpakawala ng malalim na paghinga si Alice.

The war has begun.

"Everyone, move to your places now," pakinig niyang utos ni Salvador mula sa earpiece.

Pumikit siya habang pinakikinggan ang pagtakbo ng mga tauhan ng kanyang tito sa iisang direksyon. Bawat isa ay may bitbit na armas. Lahat ay tumatakbo para sa iisang bagay lamang—ang madakip si Ysabelle.

Sunod-sunod ang naging palitan ng mga bala. Everyone wanted to win and that included her.

Nang walang anu-anong namatay ang earpiece niyang suot. Even the slightest sound of static had completely disappeared. She was cut off!

Mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamay. She was bracing for that moment. She thought she had prepared herself already but she was wrong. Mukhang kahit anong paghahanda sa oras na iyon ay hindi magiging sapat kapag kaorasan na.

Alice was fuming inside. Her failed action before cost her time. And now, she has to face the consequences of her action.

But if she will risk everything, she might as well risk it now.

Sa halip na pumunta sa lokasyong sinabi ni Salvador sa plano nito, inalala ni Alice ang pinaka-unang planong ginuhut nilang dalawa. She will interfere.

It took her all the courage to take that single step in the same direction that everyone was heading to.

Alice clipped her own wings to break free from him.  Even if he was the same man who showed her the way and pulled her will to fight.

Sa kanyang paglapit sa gitna ng gera ay siya naming paglakas ng tunog ng palitan ng putok at mga sigawan. Hindi lamang sigaw ng pag-atake ngunit sigaw rin ng sakit dahil sa mga sugat na natatamo.

Just like the skies, everything was getting layered with the shades of red.

Alice hid behind the massive orange crates and noticed her uncle staring in one direction. Even with a face mask, she knows there's an evil smirk drawn across his face. Nilipat niya ang tingin sa direksyong tinititigan ni Salvador at tama nga siya ng hinala. Nakapako kay Ysabelle ang tingin nito.

Nakabantay si Ysabelle sa likuran ni Kyle na siya naming kaharap ng maraming tauhan ng kanyang tito. She was holding a sniper as she takes down the other snipers on sight. Hindi nito hahayaang may mangyari sa kanyang asawa.

But unfortunately, someone has taken down the other sniper watching Ysabelle's back... and Alice knew that it was Salvador himself. He was a cunning man. He was a smart tactician.

Alice secretly watched her biological mother grabbing a gun while her eyes were still locked on the eyepiece. Mukhang alam na nitong may papalapit na sa kanyang direksyon. Perhaps another set of eyes were staring at them from afar and spilling the beans from their earpieces.

Tahimik din ang bawat hakbang ni Salvador palapit sa ginang habang nakatututok ang baril. Alam ni Alice na hindi iyon papaputukin ni Salvador dahil sa pakay nito.

Ilang hakbang na lamang ang layo ni Salvador nang pumihit paharap si Ysabelle at mukhang nagsalita sa ere. May kausap nga itong nagbigay ng impormasyon na may nasa likuran niya.

"Drop the gun," ani Salvador.

"What do you take me for?" Matalim na sagot ni Ysabelle.

Sa halip na makinig ay tumayo si Ysabelle ay lalo pang lumapit si Ysabelle sa lalaki. He tried grabbing her gun but she saw his attack. Gagawaran sana ni Salvador ng isang suntok si Ysabelle ngunit nasalag ito ng babae gamit ang sariling braso.

Napalunok si Alice habang pinapanood ang palitan ng mga suntok. Her mother was definitely not a weakling and she was witnessing it first hand. Ibang-iba ang kanyang pagkamangha kay Ysabelle. 

Alice shook her head. Hindi iyon ang oras para humanga sa palitan ng pag-atake. She needed to step up... and change her fate. 

Kinuha niya ang baril mula sa likuran bago inangat ang kamay at itinuro sa iisang direksyon. Ramdam niya ang paghaharumentado ng puso sa bawat hakbang palabas sa kanyang pinagtataguan.

Umaalingasaw ang gulo ngunit buo ang loob ni Alice sa mga oras na iyon. 

"Drop it," anunsyo ni Alice at kapwa napalingon ang dalawang napatigil sa palitan ng mga suntok.

Nanlaki ang mga mata ni Ysabelle at parang huminto ang oras nang magtagpo ang kanilang mga mata.

At the same time, Alice felt like her whole being was going to crash. Naninikip ang kanyang dibdib at hindi lamang iyon gawa ng kanyang suot na leather jacket. Kinakabahan siya. Sobra.

Napatakip ng bibig si Ysabelle nang makita ang pumasok na babae na nakapako ang tingin sa kanya.

Finally.

Finally, after a lifetime, her mother has seen her existence.

"W—who are you?"

Alice gave her an expressionless look. "It doesn't matter," pagsisinungaling niya sa harapan ni Salvador. Hindi siya makakausad sa plano kapag doon siya mahuhuli ng kanyang tito.

Meanwhile, Ysabelle helplessly watched as her attacker tied up her hands. Nakatitig pa rin siya sa dalagang hindi inaalis ang pagkakatutok ng baril sa kanyang direksyon.

"You're coming with us," bulong ni Salvador sa kanya na hindi na niya prinoseso pa.

Parang nawalan ng lakas si Ysabelle habang sinusuri ang estranghera sa kanyang harapan.

She never imagined seeing someone with very identical features—a woman who looks like her more than twenty years ago...

♤♡◇♧

Please support the story by commenting and voting!
Your feedback is greatly appreciated!

PrincessThirteen00 © 12 09 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro