Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2: Independence

♤♡◇♧

INAYOS ni Alice ang kanyang mga damit para sa kanyang misyon. Lilipad s'ya patungo sa Versailles, France kagaya ng utos ng tito Salvador n'ya para simulan na ang mga bagay na matagal na nilang pinagpaplanuhan. Mula sa kanyang pagkabata ay namulat na s'ya sa isang misyon- ang pabagsakin ang mga Fuentes.

Alice was home-schooled. Ayon sa tito Salvador niya, hindi n'ya kailangang parating lumalabas ng mansyon nila dahil marami ang masasamang loob na sasaktan lamang s'ya.

Kasabay ng kanyang pag-aaral ay unti-unti ring pagbibigay ng kanyang tito ng mas matitinding pag-aaral at pag-eensayo. She was learning how to fight for 'self-defense'.

But as she learned of reality, it wasn't for self-defence at all.

Isinara ni Alice ang kanyang maleta. Hindi n'ya alam kung magtatagal s'ya sa France. Wala namang problema kung magtagal s'ya dahil bukod sa pagpapatakbo ng ilang business ng kanyang tito mula sa likod ng eksena ay s'ya rin ang ipinapadala ng kanyang tito sa mga misyon. At sa unang pagkakataon ay sisimulan na nila ang direktang pag-atake sa mga Fuentes.

Pupunta doon sina Kyle at Ysabelle Fuentes at kinakailangang maisagawa n'ya ang pakay. She needs to put her plans into action.

She wasn't training for a long time for decorations. She was preparing herself. And now is the perfect time for it.

At kung masisimulan n'ya ito na walang aberya, ito ang opisyal na panahon na magku-krus ang mga landas nila.

Bumaling s'ya sa vanity mirror upang masigurado na dala na n'ya ang lahat ng gamit. At sa kanyang pag-angat ng tingin ay mas lalo n'yang nakita ang kanyang mukha at ang mukha sa mga litrato na kita n'ya mula sa salamin.

The Fuentes photos all had smiles on their faces samantalang s'ya ay nagtatago. S'ya na sa kadiliman naninirahan, at sila na nasa nakakasilaw na liwanag. Hindi rin naman nakatakas sa kanyang pag-iisip kung ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nakita s'ya?

Would they think that she looks familiar? Would they ponder about her identity?

Umiling si Alice. As far as they know, patay na s'ya. Pinatay s'ya ng sarili n'yang pamilya. Gusto n'yang matawa sa sariling isip. Bakit n'ya tinatawag na 'pamilya' ang mga taong hindi naman s'ya kilala. Hindi s'ya kailangan at hindi s'ya kilala ng mga ito. It's better that way. No emotional attachments involved.

Hinampas ni Alice ang salamin sa kanyang harapan. "Stop with your imaginations, Alice. You are Alice Vale Brixton. Hindi ka isang Fuentes. Ikaw si Alice."

Bumuntong hinga s'ya bago kinuha na ang maleta at ang maliit na handbag na naglalaman ng lahat ng kanyang kailangan. Paglabas n'ya ng kwarto ay pakinig n'ya ang mga usapan sa baba ng mga tauhan ng kanyang tito.

Napatingin ang apat na lalaki nang marinig nila ang takong ng sapatos ni Alice na bumababa ng hagdanan. "Miss Alice, aalis ka na?" Tanong ng matandang naka-itim na suit.

"Yes, kuya Rosh. Naka-alis na po ba si tito?"

Tumango ito at tumayo silang lahat. "Kanina pang madaling araw. Ipinaalala n'ya nga sa amin na ngayon ang lipad mo. Sigurado ka ba na ayaw mong samahan ka nitong mga 'to?" Turo ni Rosh sa mga tauhan.

"Oo nga, miss Alice. Hindi ba mas mapapadali kung may kasama ka sa plano?" Tanong naman ng isa pang matanda.

"Hindi na po, kuya Bong. Ayos lang. Hindi ko rin naman planong magtagal dun. Babalik agad ako dito," usal ng dalaga.

"Akin na 'to at isasakay ko na sa sasakyan mo." Kinuha naman ng isang lalaki na halos ka-edad ng kanyang tito Salvador ang kanyang gamit. Naka-suklay ang lahat ng buhok nito palikod.

"Salamat po, kuya Loid."

"Ikaw pa. Alaga ka kaya namin," naka-ngiting sagot ng matanda.

Napangiti rin si Alice. Sa lahat ng drama ng kanyang kabataan, kasama n'ya ang mga tauhan ng kanyang tito. Si Rosh na nasa early fifties nito ang kanang kamay ng kanyang tito Salvador. Sina Bong, Loid, at Mark naman and iba pang pinagkakatiwalaan sa grupo.

Hindi sila malilinis na tao. Marumi ang kanilang mga nakaraan at kasalukuyan ngunit iba sila kay Alice. Itinuring nila itong parang anak kahit na may sari-sarili rin silang pamilya na malayo sa kanilang mga piling.

Sila rin ang nagtuturo dito kung paano magtagalog. At sa mga panahong nabibigo si Alice sa pag-eensayo, si Rosh ang nag-aalo dito at kumakausap kay Salvador upang hindi nito pagbuhatan ng kamay ang bata.

"Kaya hindi ko kayo matiis. Anyway, tatawagan na lang kita kuya Rosh kung may mangyari. Mas priority nilang sagutin ang tawag mo kaysa sa 'kin." Natatawang ani Alice.

"Oo naman, miss Alice. Just give me a call at aasikasuhin ko agad 'yan."

Pwede naman s'yang maging priority dahil isa s'yang Brixton. Pero dahil sa kagustuhan ng kanyang tito na manatili s'yang isang lihim, kailangan n'yang ipaalam lahat ng kilos kay Rosh.

"Thank you, kuya. Bweno, aalis na po ako."

"Mag-iingat ka, miss. Make sure na tatawagan mo kami, ha?"

"Opo, mga kuya." Ngumiti ang dalaga sa mga kasama bago sumakay na sa kanyang oto at umalis na ng mansyon.

Phase 1 of her plan will commence.

Hinayaan s'yang maka-alis mag-isa para sa kanyang plano.

Kinuha n'ya ang kanyang earpiece bago tinipa ang screen sa kanyang sasakyan upang gumawa ng tawag. Nang mag-ring ay binalik n'ya ang pokus sa daan.

"Yes?"

"Have you engaged with them, Miss Freed?" Direktang tanong ni Alice sa linya.

Hindi nakatakas sa kanya ang boses na nakangisi mula sa kausap. "My boss is right, you are an impatient one."

"I need an answer, Miss Freed." Alice clicked her tongue.

"Then it's a yes. I have engaged with your brother Sebastian," sagot ni Charm sa dalaga. Si Charm Freed and tauhan na inilagay ni Gi sa misyon.

Kumunot ang noo ni Alice at humigpit ang hawak sa manibela. "And who said that he's my brother?"

"I did. I make sure I check my clients first because I know you will also do a thorough search on me."

"And what makes you so sure that he is actually my brother? You don't know me."

"I don't need to know you to know it, Miss Brixton. Facts. That's what I have."

A smirk formed on Alice's lips. "Well, if it's facts that you want to talk about then I have them too." Matapos nilang mag-usap ng kanyang kaibigan ay nag-background check din s'ya patungkol kay 'Charm Freed' at hindi s'ya nahirapan sa pagkuha ng impormasyon dahil sa mga koneksyon na mayroon na s'ya. Nabigla s'yang malaman na matagal nang minamanmanan ni Charm si Sander sa malayo. She was basically stalking him but that was it. Sander saved her from almost drowning when she was a kid. But she doubts Sander even recalls her. Her name is different back then. And because Charm has those feelings for Sander, she can use her in her plans. Hindi n'ya gagalawin ang mga Fuentes ng walang utos n'ya.

"I don't know what you're talking about." Her voice shook.

"I know you fancy Sander Fuentes after he helped you when you were eleven. I know that Charm Freed is not your real name but--"

"Okay! Stop! I get it! You did your homework," may halong pang-aasar sa boses ng dalaga.

"You got one thing right about me, Miss Freed. I do make a thorough research on people before I get them to side with me."

"And what makes you think that I will side with you?"

Patuloy lamang sa pagmamaneho si Alice. Base sa tono ni Charm, alam ni Alice na nakukuha na n'ya ang panig ng dalaga. "Oh, sweetie. I know you will. Especially with Sander's deteriorating health, I know you are attempting to get close to him now... and I can make it possible."

"Do you think I will actually believe you? You can't even take the throne from them."

"Oh, believe me. I can if I want to." Malapad ang ngisi sa labi ni Alice. "So, Miss Freed, follow my plans and you might get your chance to actually speak with my brother. Side with me and you might even get me to side with you on your one-sided affair."

"Fine then. I'll let you know if there are any progress. I have just met Sebastian like planned."

"Perfect. I'll be in France for several days but I expect results, Miss Freed." Aniya bago pinatay ang tawag.

Nagpatuloy na si Alice sa pagmamaneho hanggang sa marating ang airport kung saan may private plane na naghihintay na sa kanya.

Bumaba s'ya at may tauhan kaagad na lumapit sa kanyang sasakyan upang kuhanin ang kanyang gamit. Isang pribadong airport ito ng kanyang tito Salvador kaya wala s'yang problema sa mga taong lalapit at kakausap sa kanya dito. Dito lagi s'ya nanggagaling kapag may misyon s'yang kailangang gawin. Dahil sa kanyang pagkatao, hindi s'ya sumasakay ng pampublikong eroplano dahil utos rin ito ng kanyang tito.

"Miss Brixton, this way please," magalang na ani ng stewardess.

Tipid s'yang ngumiti bago sumunod sa babae. And piloto ay naroroon na rin sa eroplano at bumati sa kanya. Umupo na si Alice at naramdaman n'ya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone. Kinuha ang kanyang cellphone mula sa bulsa at nakita ang mensahe ng kanyang tito Salvador.

'You cannot fail.'

Napayukom ang kanyang mga palad. It wasn't a question or a request. It was a statement directed at her. Hindi s'ya pwedeng mabigo.

'I know,' she thought as she turned off her phone.

♤♡◇♧

HAPPY NEW YEAR!

Please don't forget to support the story by commenting and voting!

PrincessThirteen00 © 01 01 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro