Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15: Valued

♤♡◇♧

"TOTOO BA?" Deretsong tanong ni Eiffel sa kaibigan sa kabilang linya.

Wala pang isang oras ang nakakalipas magmula noong umuwi sila ni Alice at mababanaag na umiyak ito ngunit hindi siya nagtanong. Eiffel chose not to. Ramdam niya na hindi pa kumportable ang dalaga na magkuwento ng tungkol sa bo niyang pagkatao... and he was willing to wait for her to open up.

Because just like her, he has his own fair share of secrets.

"Na ano?" Bumalik si Eiffel sa ulirat nang magsalita si Ysiquel.

"Na si Alice ang kakambal mo?"

Eiffel heard a chuckle from the prominent Fuentes. "Pa'no mo nasabi?"

"I'm not stupid, Fuentes. She cried. You made her cry." Binigyan niya ng diin ang pagsasabi ng 'you' sa kaibigan. Eiffel was pissed that Alice cried — and that he was a coward for not asking.

"Ano naman kung umiyak siya?"

Kumuyom ang mga kamao ni Eiffel. 'Is he mocking me? Is he being a sarcastic ass, right now?' Hindi niya mapigilang isipin.

"I've been living under one roof with her and she's not someone who'll just cry in front of a stranger. She's a strong woman... way stronger than what I can imagine.

"You sound as if you like her, Hatcham." Hindi iyon isang tanong ngunit isang direktang pahayag ng lalaki.

"Oh, shut up. Or maybe I should tell your little innocent wife that you went to France to meet a woman?"

"It won't work. I tell you. It will be just a waste of time."

"Oh? Are you sure, Fuentes?" Mapang-asar na tanong ni Eiffel na may malawak na ngisi sa labi.

Wala naman talaga siyang planong kausapin si Rainne lalo pa't hindi naman sila magkakilala. At kahit bagong kasal lamang sila ng kaibigan, baka mas paniwalaan pa ni Rainne si Ysiquel kaysa sa kanya na isang estranghero. At isa pa, madalas naman lumalabas ng bansa si Ysiquel dahil sa trabaho.

"I'll let you think what you want to think, Hatcham," ani Ysiquel sabay baba ng telepono. Napailing na lamang si Eiffel sa inasal ng kaibigan. 

Pero sa lahat ng kanilang napag-usapan, hindi pa rin makapaniwala si Eiffel na sa lahat ng posibleng lugar at oras, sa dinami-dami ng tao sa mundo, siya pa talaga ang makakatagpo sa kakambal ng kaibigan na inakala ng lahat na hindi nabuhay.

Pag-ikot ni Eiffel sa kayang kinauupuan ay laking gulat niya na nakatayo si Alice sa may pintuan at magkakrus ang mga kamay na prenteng nakatingin sa kanya.

"Alice..." Parang umurong ang dila ni Eiffel. Hindi niya alam ang sasabihin.

"So you do know something?"

Inilapag ni Eiffel ang cellphone sa mesa bago tumayo at pumuwesto sa harap ng kanyang mesa. Pinag-krus rin niya ang mga braso at pinagmamasdan ang dalaga.

"Not really."

"Talaga? Magkausap kayo ni Ysiquel, 'di ba?"

"Oo. Pero wala naman siyang matinong sagot na ibinibigay sa 'kin so... I can only make theories and assumptions."

Tumayo ng maayos si Alice at naglakad palapit sa binata. "Mind telling me your theories and assumptions?"

"I-ko-confirm mo ba?"

"Depende," she shrugged.

Lalong lumakas ang kutob ni Eiffel sa pagkatao ni Alice. She was just like him... very uncanny. He just hopes that she won't be as manipulative and crazy as Ysiquel.

"Okay. Well, you are his supposedly dead twin sister, Kylien Fuentes," walang hesitasyong sambit ni Eiffel.

"Pa'no mo naman nasabi?"

"Kamukhang-kamukha mo si tita Belle at pati si Sam."

"Pwede naman na nagpa-plastic surgery lang ako para maging kamukha sila."

"I doubt it," puno ng kumpyansang sagot ng binata.

"Talaga?" Alice raised a brow at him.

"We made out several times already. Do you think I wouldn't know when I'm kissing a fake face?"

Napangisi si Alice. "So, thinking that I am his twin sister... what are you going to do?"

"Nothing really."

"Bakit naman?"

"There's nothing for me to do, right? I mean, if it's true, that's a family matter I'm not allowed to dip in... unless you guys let me." Halos mapanganga si Alice sa sagot ni Eiffel. "Anyway, enough of this talk for now. Let's have dinner outside."

Tinaasan ni Alice ng kila si Eiffel. "Ano?"

"Sabi ko, tara kumain sa labas."

"Saan naman?"

"Sa Jules Verne."

"Ano?" Nanlaki ang mga mata nito. "'Di ba nasa Eiffel Tower 'yan?"

Tumango si Eiffel na may pigil na ngiti. "Yes."

"Bakit mo naman ako dadalhin do'n?"

Alam ni Alice ang lugar na iyon dahil plano niyang pumunta doon kung maayos niyang naitawid ang plano kina Ysabelle at Kyle. Ngunit dahil nabigo siya at kasalukuyang nagtatago ay hindi na siya nakapunta pa.

"Well, naisip ko na baka nababagot ka na sa ilang linggong pagtigil at pagtatrabaho lang dito sa bahay? I mean, secured naman ang paligid. You deserve a break, right?"

Napatingin si Alice sa laptop niya. Ilang program ang bukas upang makapagtrabaho siya at makapag-imbesitiga. Wala pa muling balita si Alice mula kay Rosh. Samantala, may mumunting paligan ng impormasyon sa pagitan ni Alice at Ysiquel.

Tama si Eiffel. She deserves a break.

"Have you been there before? I can change locations if you don't like to eat there?"

Pinagmasdan ni Alice si Eiffel. He's still as accommodating as ever. kung ano ang pakikitungo nito bago malaman na si Alice at Kylien at iisa ay nanatili. He's still the funny and sarcastic training partner in the residence.

"No, I haven't been there."

"So, is it a yes?"

"Hmm... Okay."

Lumawak ang ngiti ni Eiffel. "Cool. Dress up and we'll leave in thirty... but don't look too pretty, sweetheart. I might end up being a jealous man," nagbigay pa si Eiffel ng kindat sa dalaga.

Napailing na lamang si Alice.

WEARING A black backless halter dress flowing up to her knees and silver pumps, matched with her ash-toned platinum blonde hair, Alice was ready.

Napangiti si Eiffel nang makita ang dalaga. Umaapaw ang ganda nito.

"Hello, sweetheart. You look perfect," aniya sabay kindat.

In his green emerald eyes, her beauty was immeasurable. Kahit siguro basahan ang isuot nito ay hindi pa rin maiitago ang angking kagandahan. For him, she was beyond perfect. At kung may salitang mas hihigit pa doon ay iyon ang sasabihin niya.

"You don't look bad yourself, sweetheart," mapang-asar na ani ng dalaga.

Eiffel was wearing a a grey suit on top of white long sleeves and black slacks. Iba sa normalna nakikita ni Alice na suot nito na puro black and white. And in her almond eyes, he was dazzling.

Pagkarating nila sa Eiffel Tower ay sumakay na sila sa elevator. Pansin na pansin ni Alice ang dami ng tao na may kani-kaniyang mga mundo. Marami ay turista at hindi na nagtataka pa si Alice. Eiffel Tower is a majestic masterpiece alluring people from all walks of life.

Hindi mapigilan ni Alice ang mamangha sa paligid. The restaurant was embellished with crystal chandeliers and soft mellow music.

"Good evening, sir and madamé," bati ng lalaki na nakasuot ng itim na suit. He had a strong French accent whilst speaking in English.

"Good evening. Reservation for E. Hatcham," ani Eiffel habang hinahaplos ang kamay ni Alice na nakahawak sa kanyamg braso.

"This way, Sir." Iginaya sila ng lalaki sa isang mesa na mas pribado kumpara sa ibang mga kumakain doon. Decorated with a variety of roses, carnations, and tulips, it was serene.

Maganda rin ang view mula sa kanilang kinauupuan. Kita ang nagkikislapang mga ilaw mula sa mga building sa labas. At isa pa, nasa Eiffel Tower sila mismo, it was a delight in itself already!

"Qu'aimeriez-vous, ma chérie?" Tanong ni Eiffel matapo ipaghila ng upuan ang dalaga at paupoin ito.

"Whatever you can recommend—as long as it is edible," ngiti ni Alice habang pinagmamasdan pa rin ang lugar.

Tinawag ni Eiffel ang waiter at sinabi dito na ang mga specialty ang kukuhanin nila.

"Seems like you know the place very well? Siguro marami ka nang naisama dito?" May halong pagbibiro sa tono ni Alice.

"I am a regular here but it's the first time I brought someone with me," ani Eiffel.

"Bakit naman?"

"Anong bakit?"

"Bakit wala ka pang nadadala dito? I mean, hindi ka naman gano'n kapangit."

Napatawa si Eiffel sa sinabi ni Alice. He laughed heartily. Ni hindi na rin niya maalala kung kailan siya tumawa ng ganoon.

"Stop laughing!" Nalukot ang mukha ng dalaga dahil nainis sa bigla niyang pagtawa.

"I'm sorry, sweetheart. Nagulat lang ako sa tanong mo." Tumikhim si Eiffel at saka inayos muli ang pagkaka-upo. "I haven't brought anyone with me just because I don't see the need to."

"So why bring me here?"

"Because I want to?" Sagot ni Eiffel na animo'y sinasabi sa kanya na 'hindi ba obvious?'

"Sa 'yo rin ba 'to?"

"I wish but it's not. I know the owners though. I can introduce you if you'd like."

Ngumiti si Alice. "Maybe next time."

Habang hinihintay ang pagkain ay dinalahan na sila waiter ng bote ng red wine—Liber Pater: Vin de France—isa sa pinakamamahaling wine hindi lamang sa Pransya pero maging sa mundo.

The mellow music continued playing and they soon notice some patrons dancing with their partners in soft movements.

"They're having fun," ani Alice habang pinagmamasdan ang mga sumasayaw sa gitna ng restaurant. Iba't iba ang angkin na kagandahan at kakisigan ng mga mananayaw pero lahat ay nakapako ang mga mata sa kanilang kasayawan. Animo'y may sari-sariling mga mundo sa entablado.

Tumayo si Eiffel na ikinagulat ni Alice. Lumapit ang binata sa dalaga at inilahad ang kamay.

"Care for a dance?" Nakangiting tanong ni Eiffel.

"What?" Nang-iwas ng tingin si Alice. "A-ayoko. Hindi ako sumasayaw."

Pero sa halip na bumalik sa upuan ay hinawakan nito ang kamay ni Alice at iginaya patayo. "Come on. There's no harm in dancing with me."

Umalma pa si Alice ngunit natawa na lamang nang mag-puppy eyes sa kaniya ang binata nang makarating sila sa gitna ng mga nagsasayawang magkakapareha.

"You are so crazy," bulong ni Alice na pigil ang tawa.

"Oh, sweetheart, it's just the beginning," kindat ni Eiffel bago pinaglapit ang kanilang mga katawan. Nagulat pa si Alice sa pagdampi ng mainit nitong kamay sa kanyang likod. Halos malimutan ni Alice na backless ang kaniyang suot na damit at sa puwesto nilang iyon ay talagang magkakadikit ang kanilang mga katawan.

"You really sure you wanna do this?" Ipinatong ni Alice ang isang kamay sa may balikat ni Eiffel.

"I have never been so sure until tonight, sweetheart," ani Eiffel bago nagsimulang magsayaw.

Sa hindi niya alam na dahilan, hindi lamang ang pisngi ni Alice ang nag-init. Maging ang kaniyang kaloob-looban. Hindi niya inaasahan ngunit hindi rin niya maiitanggi ang nararamdaman—kinikilig siya.

Eiffel was being so sweet with her and she was struggling on keeping her mind afloat and her heart under control. Pakiwari niya ay nagkakatotoo na ang bagay na ayaw niyang mangyari.

In the world where she was living temporarily, can she be granted to feel all those ecstatic emotions? Is it okay to feel valued?

'Wala naman sigurong masama na maging masaya ako... kahit sa sandaling ito lamang?'

♤♡◇♧

Next chapter: Slightly SPG 

Good night! HAHAHA!

PrincessThirteen00 © 10 07 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro