Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14: Pandora's Box

Sinong miss na si Ysiquel? Kaway-kaway! 😊

This chapter is dedicated to ladyblueaddict!! Hope you enjoy my works! Thank you!

♤♡◇♧

DUMATING ANG araw na napagkasunduan nina Alice at Ysiquel na magtagpo at magkakilala. Sa Le Procepe sa Pransya ay naghihintay na si Ysiquel sa dalagang kamukhang-kamukha ng kanyang ina at kapatid na babae.

Sinilip niyang muli ang litraro ni Alice mula sa files na ibinigay ni Jie— ang kanyang tagapagsaliksik ng impormasyon. The similarities were uncanny. Mula sa hugis ng mukha, sa bilugan nitong mga almond na mata, sa matangos nitong ilong, at mala-rosas ma balat— kamukha ni Alice si Ysabelle at Samara.

Isang matinding lihim ang kanyang pagpunta sa France. He recently got married and yet, he's in another country searching for the truth to put his mind at peace. It wasn't just for himself though. It was for the entire Fuentes household.

Kailangan niyang mapatunay ang kanyang hinala tungkol kay Alice. At kung totoo iyon, kinakailangan niyang maplano na kaagad ang mga susunod na hakbang.

"Sir, your guest has arrived," sambit ng waiter na kumuha ng kanyang atensyon bago tuluyang buksan ang pintuan.

"Thank you," aniya sabay tago ng litrato ng makikilala. Tumayo si Ysiquel upang salubungin ang paparating.

Kahit na may mabining musika ay pakinig ni Ysiquel ang bawat taktak ng takong ng padating na estranghera. Nang pumasok ito ay lalong napatitig si Ysiquel sa hitsura na kaniya ay sa litrato lamang niya tinititigan.

Ysiquel's mind froze for a second before returning to reality.

Tama ang sabi ni Eiffel sa kanya na nagpakulay nga ito ng buhok upang maitago ang pagkakapareha sa kanyang pamilya. Ngunit kahit na iba ang kulay ng buhok nito ay parang nakatingin siya sa larawan ng kanyang ina noong dalaga pa ito. More like, his mother's younger version with ash-toned platinum blonde hair.

"Miss Brixton," inilahad ni Ysiquel ang kanyang kamay sa dalaga na naka-suot ng asul na bistida at itim na stilleto. It complemented long locks.

Samantala, hindi na mabilang ni Alice kung ilang paglunok na ang kanyang nagawa mula pa sa bahay. Wala na talagang atrasan iyon lalo na at kaharap na niya si Ysiquel. Talagang ito pa ang lumipad patungo sa Pransya upang makilala siya ng personal.

Nakataas-kilay na nakapag-kamay si Alice kay Ysiquel.

"Mr. Fuentes," bati niya. Kahit na kabadong-kabado siya ay ramdam n'ya ang magaspang na palad ng lalaki.

Totoo nga ang mga alam n'ya tungkol dito. He wasn't just a rich spoiled kid. He worked his way to the top. Hindi na nakakapagtaka kung bakit bapakasikat at prominente na ng kinalalagyan ng lalaki.

"Is Mr. Hatcham going to join us?" Tanong ni Ysiquel nang mapansin na wala itong kasunod.

Umiling siya. "No. I asked him to wait in the car."

"I can't believe that you made a driver out of him," naka-ngising saad ni Ysiquel.

Pabor iyon kay Ysiquel upang mas maka-usap niya ng maayos ang dalaga. Eiffel is a good mate of his but he isn't involved with any business part of the underground world that both the Fuentes and the Brixton are a part of.

"What do you mean?" Nagusot ang mukhang tanong ng dalaga.

"The guy isn't a fan of driving but he dislikes having company when he drives by himself. You must be special," aniya.

Nabigla si Alice sa nalaman. Hindi niya alam iyon. And Eiffel disliking company? It sounds weird. It doesn't seem to be the Eiffel she has been staying with.

"Have a seat. Thank you for meeting up with me on such short notice," saad ni Ysiquel at pinaghila ito ng upuan. Nang maka-upo si Alice ay saka naman si Ysiquel naupo kaharap ng dalaga.

"The pleasure is all mine, Mr. Fuentes. Now, tell me, why would a famous man such as yourself call me out here on such short notice? I doubt it's just to enjoy French coffee? I hope your wife is aware of this."

Ngumisi si Ysiquel. Lihim ang kanyang kasal sa publiko ngunit alam na kaagad iyon ni Alice. Paniguradong may mga koneksyon ito ngunit hindi pa iyon ang kanyang prayoridad. Kailangan munang masagot ang tanong na bumabagabag sa kanya.

"Alam kong alam mo kung bakit," tipid nitong sagot sa Tagalog. Alam nitong nakakapagsalita ng Tagalog ang dalaga.

Kinuha ni Ysiquel ang envelope sa bulsa ng kanyang coat at inilapag sa mesa.

Mariing tinitigan muna ito ni Alice. Nag-angat s'ya ng tingin kay Ysiquel at itinuro nito ang envelope. Nagdadalawang-isip si Alice bago iyon kinuha. Binuksan n'ya ito at napakunot ang noo. Mga litrato nina Ysabelle at Samara ang laman niyon.

Nakaramdam si Alice ng paninikip ng dibdib ngunit hindi niya iyon dapat ipahalata. She can't blow her cover.

Not now.

"Ano namang mayroon sa mga pictures ng nanay at kapatid mo?" She forced an innocent question out her lips.

"Let's get straight to the point, Miss Brixton. Bakit kamukha mo ang pamilya ko?"

Ngumisi si Alice. "What are you saying? I have no idea what you are talking about."

"Hindi mo alam? Talaga? Hindi mo alam?"

"It's just a complete coincidence, Mr. Fuentes. I look like my parents. Ganoon lang talaga siguro ang magaganda ang lahi," biro niya.

"Why am I finding that hard to believe?" Nagkrus ang mga braso ni Ysiquel. His musculine arms showing on the sleeves of his clothes.

"It's your call, not mine," pagkikibit balikat niya.

"Talaga ba?" Matalim ang tingin ni Ysiquel sa kanya. "Mind introducing me your parents, then? I am interested in meeting them."

And that was the last straw. Hindi na siya puwede pang magtagal doon.

"This is a pointless conversation. Aalis na ako."

Tumayo si Alice at tumalikod na. Masyadong mabigat na ang kanyang dibdib. Kinutuban na s'ya pero heto at  pumunta pa rin siya.

Isang malaking pagkakamali. Bakit nga ba nakinig siya kay Eiffel. This meeting was a mistake to begin with— a big one.

'Hindi pa pwede, Ysiquel. Not now.'

Hawak na n'ya ang pintuan ng VIP room pero nanigas s'ya sa kanyang kinatatayuan sa itinawag ni Ysiquel sa kanya.

"Kylien."

Bigla siyang napatigil dahil doon. Iyon ang unang beses na narinig n'ya ang pangalan na iyon mula sa bibig ng isang Fuentes.

"Ikaw ang kakambal kong si Kylien. That's the only explanation I can think of."

"Stop it, Mr. Fuentes. Don't bring up the dead. Hindi nakakatawa," seryosong sagot ni Alice.

"How did you know my sister's dead?"

'Fuck, Alice! You are making things more complicated as it is!' She thought.

Alice hated that she was opening a can of worms. Worse, she was handing the key to Pandora's box to him— even if she had hesitations and knowing that it wasn't the right move.

"Tama na, puwede ba? You're wrong!"

"Then prove me wrong. Magpa-DNA test tayo bago mo sabihin sa akin na hindi ikaw ang kakambal ko."

"Hindi ako si Kylien," giit ng dalaga.

"Talaga? Our age matches and so does our features. Mataas ang tsansa na fraternal twins tayo. Kung hindi ka si Kylien, anong ikinakatakot mo sa isang DNA testing?"

"I'm not afraid of anything!" Sigaw nito kay Ysiquel.

"Then why are you crying?"

Lalong nanlamig ang buong katawan ni Alice. Nanginginig n'yang kinapa ang kanyang mukha at hindi nga nagkakamali si Ysiquel. There were tears on her cheeks. Nilalaglag na s'ya na sariling sistema.

Is this how much she craved for her real family to know her existence? That she's alive?

"Please tell me the truth..." Lumapit si Ysiquel at hinawakan ang braso ng babae. "Ikaw ba si Kylien?"

Parang umurong ang lahat ng lakas ni Alice. Tama nga s'ya na mali ang makipagtagpo s'ya kay Ysiquel. He is the brains of the Fuentes Group. 

Marahan s'yang tumango at napakagat sa labi. "Payag na ako sa DNA testing. You, at least, deserve to know this since you've already decipher this much about me."

"Salamat, Kylien. I know someone who can check this immediately." May saya sa dibdib ni Ysiquel.

Finally, after almost twenty-five years, nalaman n'ya ang totoo na buhay ang kanyang kakambal. She never died from her mother's miscarriage but she's well and have grown up normally like him. Hindi s'ya makapaniwala na totoong nangyayari iyon. Marahil kahit walang DNA testing ay walang problema. He can feel it. She is his twin sister.

"Matutuwa silang lahat, lalo na si mom kapag nalaman n'yang buhay ka," nakangiting saad ni Ysiquel.

Nanlaki ang mata ni Alice. Dahil sa matinding emusyon ay nakalimutan n'ya ang mahalagang bagay na iyon.

"No! Hindi mo pwedeng sabihin sa kahit kanino ang totoo, Ysiquel," she dropped the formalities. "Please."

It wasn't a question but a favour to him.

"Bakit?"

"If you want me to live, you will keep this a secret."

"Are you being threatened? Kaya ba hindi ka nagpapakita sa amin kahit alam mo ang totoo na isa kang Fuentes?"

Umiling si Alice. "Hindi ko pa pwedeng sabihin sa 'yo ang totoo. Pero nagmamakaawa ako. Walang dapat makaalam sa totoo kong pagkatao... lalo na ang mga magulang mo."

"Magulang natin," pagtatama niya. "Isa kang Fuentes at hindi mababago 'yun."

"Kahit pa. Basta hindi pwede."

"Then tell me, why are you 'Alice Brixton'? Why are you stalking us, your own family?"

Napalunok si Alice. "Can I tell you after the DNA testing?"

Tumango si Ysiquel. His twin sister was not ready to spill the beans to him yet. Naiintindihan niya na overwhelming pa ang lahat ng mga oras na iyon... He was feeling the same.

"Shall we do this in complete secrecy?"

"Yes."

"Okay. I'll get samples from mom and dad, too."

"Para saan?"

"Magtiwala ka lang sa 'kin, Kylien. If we want them to be prepared, I need to get these things sorted. Mabuti na habang maaga ay mayroon tayong dokumento."

"Anong sinasabi mo? Why would we need documents. Hindi ba sapat na mag-match tayo?"

"You may be my twin sister but that doesn't mean I can protect you under my wing. You bear the Brixton's name na kalaban ng Fuentes. It won't be a clean fight."

"I see. But you actually think that those papers can save me?"

"It could... lalo na kasi ako ang mag-aasikaso ng lahat."

Napangisi si Alice. "Basically, if it's not me who will do it, hindi magmumukhang dinoktor, ganoon ba?"

"Precisely."

Huminga ng malalim si Alice. "Fine. Payag na ako. I'll let you do it. And also..."

"Hm?"

"It's 'ate' for you, Ysiquel. I was born first," nakangising sambit ni Alice sa kakambal niya.

Ngumisi si Ysiquel sa pagsang-ayon. Kahit na iyon ang unang beses nilang magkaharap, pakiramdam niya ay magkakasundo nga sila agad ng kapatid.

Le Procepe was their witness. In the oldest café in Paris, Ysiquel has finally met his twin sister— the eldest Fuentes heiress.

"That I won't disagree, ate."

♧♡◇♧

Please support the story by commenting and voting!

PrincessThirteen00 © 20 06 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro