Chapter 12: Disgrace
This chapter is dedicated to aeraceles. Thank you for your support ❤
This is currently my longest chapter for this story. 2k+ words! Enjoy~~
♤♡◇♧
"WHY ARE we going to such a faraway bank?" Nakataas ang isang kilay na tanong Eiffel sa dalaga habang nakahawak sa manibela.
Hindi pa rin ito makapaniwala na pag-anyaya nitong lumabas ay para pumunta sa bangko na may kalayuan sa kanyang bahay.
"Because I'm trying to be untraceable right now," may halong sarkasmo ang pagsagot ni Alice sa binata na napangisi lamang.
"So you're still not going to tell me what or who you are running away from?" Hindi na niya mabibilang sa mga daliri sa kamay kung ilang beses na niyang pilit inaalam ang bagay na iyon.⁶
Ngayon ay si Alice naman ang ngumisi. "Believe me, I don't know about what's happening myself. And even if I did, my lips are sealed." Hindi napigilan ni Alice ang pagkagat sa kanyang ibabang labi habang pilit ipinapako ang
"That's not very reassuring."
"Oh, believe me. You're better not knowing about it."
"If you say so, sweetheart." Tinapos na ni Eiffel ang paksa ngunit hindi ibig sabihin niyon na hindi na niya aalamin pa ang nangyayari.
Alam niyang may panganib na nakakapit sa pagsama niya kay Alice pero hindi naman niya magagawang lubayan ang dalaga. There was something about her that's pulling him.
Halos trenta minutos din silang nagbyahe sa maluwag na kalsada ng Pransya upang makarating sa bangko sa siyudad kung nasaan ang malaking kumpulan ng mga tao.
Tumuloy mag-isa si Alice sa bangko habang sinusubaybayan ang paligid. Hiniling niya kay Eiffel na manatili ito sa sasakyan upang bawas atensyon.
She may be in disguise but he wasn't. Paniguradong maraming titingin sa direksyon nila kung kasama niya si Eiffel.
Aminado naman si Alice na may hitsura ang binata. He stood tall at six feet with his alluring emerald eyes, pointed nose, and kissable li— napailing si Alice sa mfa naiisip. The guy has been stealing kisses from her and she wanted to hate the fact that she was enjoying it.
Nang pumila siya ay patuloy niyang sinubaybayan ang paligid hanggang siya ang tawagin.
"Good afternoon, Ma'am. How may I help you?"
"Good afternoon," aniya sabay ipinakita ang brooch na may crest ng pamilya Brixton— isang pilak na balahibo kung nasaan ang identification numbers niya sa bawat dulo ng balahibo.
Inabot ito ng clerk at tinipa ang keyboard bago ngumiti at binalil sa kanya ang brooch.
"Please have a seat, Ms. Brixton. Someone will be with you shortly." Tumango na lamang si Alice at tinungo ang mga upuan.
Alice scanned the bank again. Marami-rami rin ang tao roon na may kanya-kanyang mundo. It was the perfect place to hide but not the safest. Hiding amongst the public was good not unless whoever is after her is willing to endanger everyone— including innocent lives.
"Ms. Brixton," tawag ng isang matandang babae na pinaka-pormal ang suot kumpara sa ibang mga nasa bangko. Ito marahil ang namamahala ng lugar.
"Yes?"
"Good afternoon, Ma'am. Would you like to come with me so we can process your request in private," ani ng matandang babae sa kanya.
"Thank you."
Sumunod na si Alice sa babae.
EIFFEL COULD not help but stare at the beauty walking towards him. Mahigpit ang hawak ni Alice sa kanyang bag. Maingat itong tumawid ng kalsada at binantayan niya ito habang nakasandal sa sasakyan niya.
Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na balita mula kay Ysiquel tungkol kay Alice. Hanggang ngayon ay isa pa ring misteryo ang pagkatao ng dalaga.
"Hey, sorry it took a while," agad nitong sambit nang makalapit sa kanyang kinatatayuan. Inayos pa ni Alice ang suot na salamin at maging ang bangs ng wig nito. Hindi talaga halatang naka-wig ang dalaga.
"It's okay, sweetheart," kumindat ito sa dalaga na napatawa lang. Nagsisimula na siyang enoyin ang pagtawag ng ganoong endearment sa dalaga na kahit naiinis 'yan hinahayaan na lang siya.
Agad siyang sumakay sa driver's seat upang hindi paghintayin ang kasama. At sa kanang pagsakay ay isang matalim na titig ang nakapako sa kanyang direksyon.
"What?" Tanong niya na may pag-aalala.
"Hindi mo ba talaga titigilan ang pagtawag sa 'kin ng sweetheart? You do know my name is Alice, right?" Taas-kilay na tanong ni Alice sa binata.
"Oh, I know," he answered with a smug smile on his handsome face. "But I prefer calling you sweetheart. It suits you." Kumindat pa itong muli kay Alice at umani lamang ito ng pagrolyo ng mata. Alice tried so hard to suppress her emotions but she ends up showing her annoyance with the man.
"Shut up and just drive," nagkrus ang mga braso ni Alice habang yakap ang kanyang handbag.
"May kailangan ka pa bang puntahan?"
Umiling si Alice. "Wala na. Salamat sa pagsama. I'm sorry you had to do this."
"Don't be sorry. It's okay."
"It's not just this. I mean... sa lahat. Sa pagligtas mo sa 'kin, sa pagsakay mo sa pagpapanggap, sa pagpapatira sa 'kin sa bahay mo."
Lumapad ang ngiti sa labi ni Eiffel. "Ano ka ba? Ayos nga lang."
"Huwag kang mag-alala. I'll pay you... I'll pay all the expenses of me staying in your place and all the troubles ai've caused you."
Biglang inihinto ni Eiffel ang pagmamaneho. "Kailan ba kita siningil? You're offending me right now, Ms. Brixton." Humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela. Naiinis s'ya sa naririnig.
"Sorry you feel that way but I don't want to be indebted to anyone in my short stay here in France."
"So... when do you plan on leaving me?" Nakangising tanong ni Eiffel. He chose to continue showing her his playful side. Pero sa loob niya ay may lumgkot siyang naramdaman. He was enjoying her company.
"Kung pwede ngayon nagawa ko na," she chuckled as they passed by several buildings.
Biglang tumunog ang cellphone ni Alice at kinuha niya ito sa bag. Nanalaki ang mata niya nang lumabas ang pangalan ng tito Salvador niya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. The safety and happiness she felt momentarily has disappeared instantly.
Lumingon siya kay Eiffel na napalingon rin sa kanya.
"Go ahead," aniya.
Naiilang na tumango si Alice bago inilagay sa tainga ang cellphone.
"Tito..." There was a lump in her throat. Pakiramdam niya'y umurong ang lahat ng lakas ng loob niya at nalunbok ng buong-buo.
"What the fuck are you doing?"
"How can you track my phone?"
"Do you think your petty program can hide away from me?" Batid ni Alice ang galit sa boses ng lalaki. "Have you forgotten who taught you these?"
"I..."
"Stop it with your nonsense, Alice. Don't even think of coming back here while the Fuentes' are still there and breathing!"
Napalunok si Alice. Gaya ng kanyang inaasahan ay nakarating na kay Salvador ang tungkol sa pagpalpak ng kanyang unang plano. Her life was hanging on a thread now. Natabunan ng isang pagkakamali ang lahat ng paghihirap at pagpupursigi niya.
"I understand."
"You're a fucking disgrace," huling saad ni Salvador bago pinatay ang tawag.
Napapikit si Alice bago marahang ibinaba ang telepono at isinandal ang ulo sa headrest. Ninamnam niya ang mga salitang binitawan ng lalaki. She was a fucking disgrace— she already knows about it. Her very existence is regrettable.
"Are you okay?" Napamulat siya sa direksyon ni Eiffel at nakatitig ito sa kanya. Hindi man lamang niya naramdaman na tumigil ang sasakyan sa tabi ng kalsada.
Tumango siya bago huminga ng malalim. "Yeah. I'm fine."
"Are you really?"
She felt a tug on her chest. It's not every day someone asks her if she was okay.
Alice gave him a small smile with a heavy heart. "Oo. Okay lang ako."
"Hmm..." He wasn't convinced at all.
"Come on—" napatingin si Alice sa rearview mirror at napansin ang dalawang itim na sasakyan sa 'di kalayuan. "Shit."
"Ano?"
"Nasundan tayo. Start driving," anunsyo ni Alice na agad nakuha ni Eiffel.
"I'm calling the cops," kinuha ni Eiffel ang kanyang cellphone ngunit agad itong inagaw ni Alice.
"You are not calling anyone, Eiffel." Seryoso niyang sambit. "Just drive."
Itinago ni Alice ang cellphone nilang dalawa sa kanyang bag at hinugot ang isang baril. Nagulat si Eiffel na may bitbit na baril si Alice. Sinilip nito ang mga bala bago ikinasa.
"Do you know the place well?" Tanong ni Alice sabay tanggal ng kanyang suot na wig at salamin at ihinagis sa upuan sa likod.
"Oo."
"Can you drive to a forest?"
"We're about ten minutes away from one."
"That's more than enough time."
Mas mainam sana kung ang Ducati niya ang kanyang dala ngunit hindi maaari sa kanyang kasalukuyang sitwasyon. Maging ang paggamit ng kanyang cellphone ay hindi n'ya gustong gawin maliban kung iyon na lamang ang natitirang bagay na kanyang magagawa para sa impormasyon.
Nangunot ang mukha ni Eiffel habang nakapokus sa pagmamaneho. "Are you planning on killing them?"
She could sense the wary on his voice. Marahil maraming bagay ang tumatakbo sa isipan ni Eiffel. Baka iniisip nitong mapapahamak silang dalawa.
'You're a fucking disgrace!' Muling dumalaw ang mga salitang iyon ni Salvador sa kanyang isipan. Mariin siyang pumikit upang isantabi iyon bago muling hinarap ang binata. Hindi iyon ang panahon para sa kanyang sariling problema.
"Do I look like a murderer to you?" Tanong naman ni Alice habang nakatingin sa bumubuntot sa kanilang mga sasakyan.
"I don't know."
"Let's leave it at that. Basta bilisan mo na lang ang pagdi-drive. I might not be the best person to trust right now but please do. Leave this with me and just drive." Matigas na saad ni Alice.
Panandaliang nagtama ang kanilang mga mata at batid ni Eiffel kung gaano kaseryoso ang dalaga. There was no hesitation or even fear. She was assuring him that it will be okay.
Nagpakawala ng maalim na buntong hininga si Eiffel. "I trust you," sagot niya bago pinaharurot ang sasakyan.
Nang makarating sila sa daang tinutukoy ni Eiffel, pansin kaagad kung gaano katahimik ang kalsada at tatlo na lamang ang naroroon— sila at ang dalawang sasakyan na sumusunod sa kanila.
"Just drive straight, okay?" Ani Alice matapos itali ang buhok sa isang ponytail.
Binuksan ni Alice ang bintana at saka dumungaw sa labas habang mahigpit ang hawak sa baril. Hindi man lamang nito inalintana na nakasuot siya ng palda at nakaharap ang pang-upo sa binata. Hindi na inisip ng dalaga ang pagpayid ng palda niya sa loob dahil mahaba naman ito at nakita na naman ni Eiffel ang kanyang mga hita sa ibang naisuot na mga damit. Keeping up appearances were last on her list.
"Alice!" Hindi napigilan ni Eiffel ang tawagin ng pasigaw ang dalaga ngunit mukhang hindi na iyon narinig.
Her eyes were fixated on the cars following them.
At mula sa gubat na napapalibutan ng pagharurot ng mga sasakyan ay umalingawngaw ang putok ng mga baril.
Sunod-sunod ang barilan sa likod at alam ni Eiffel na may ilang bala na tumama na sa kanyang sasakyan.
He didn't care about the damages anymore but he worry about their safety— lalo na kay Alice. They were in imminent danger. Akmang lilingon pa siya upang makita ang sitwasyon ngunit naalala niya ang sabi ni Alice, "just drive straight, okay?"
And so he did.
Laking pasasalamat na rin niya na hindi lubak-lubak ang kalsadang kanilang nilalakaran o 'di kaya naman ay hindi pa pinupuntirya ang gulong ng kaniyang sasakyan. Kung hindi, baka tumaob na sila ng mga oras na iyon. He may have made an excellent choice of using his bullet-proof car as well.
Nakarinig siya ng malakas na pagbangga ng isang sasakyan at mula sa munting salamin ay kita niya na totoo nga— isang sasakyan ang bumangga sa puno at may mga lalaking lumabas doon na nagmamadali dahil nagsisimula na itong mag-apoy.
Pumasok si Alice na malalim ang paghinga. "One more to go," aniya sabay taas ng palda at bunot ng isa pang baril na naka-strap doon.
Hindi makapaniwala si Eiffel sa nakikita. Heck, he didn't even know she had a gun under her skirt!
Napailing si Eiffel sa mga ideyang bumisita sa isipan. Nasa panganib sila, 'yon ang dapat niyang iniisip.
"You have five minutes before we're out."
"Five minutes is more than enough," ngisi ni Alice bago muling dumungaw sa labas ng sasakyan at nakipagpalitan ng mga bala sa kalaban.
♤♡◇♧
Please don't forget to support the story by commenting and voting!
Love you, Royalties!
PrincessThirteen00 © 12 06 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro