Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE (2)

EPILOGUE (2)

RUSS CATHAL

“Layuan mo si Emersyn. Wala akong pakialam kung kaibigan ka ni Zyler,” malamig na banda ni Asher sa 'kin.

Nakatalikod ako mula sa kan'yang pwesto habang hawak-hawak ang itak. Nakangisi akong napaharap sa kan'ya at pinanlakihan ng mata.

“Sa tingin mo susundin kita? 'Di mo yata kilala ang kausap mo.” Naglalarong ngisi ang ibinigay ko sa kan'ya at alam kong nag-aalinlangan s'ya sa 'kin dahil alam n'ya kung paano ako magalit.

Gustong-gusto ko na tapasin ang bungo n'ya dahil imbes na makaporma ako kay Emersyn, hinahadlangan n'ya ako sa tuwing balak kong lumapit.

Kita ko ang pagyukom ng kan'yang kamao sa galit. “At sa tingin mo magugustuhan ka ni Emersyn?” Napatawa s'ya ng mahina na bahagyang ikinainis ko. “Isa 'kang baliw na lalaki kaya papaano ka n'ya magugustuhan?”

'Tama s'ya, Russ. Wala ka nang pag-asa kay Emersyn.' Salita ng isip ko dahilan para mawalan na ako ng control.

Inihagis ko ang itak sa gilid n'ya na ikinabigla nito at napatalon sa kinatatayuan n'ya. Nanlaki ang mata n'ya nang tignan n'ya ako.

Mabilis akong lumapit sa kan'ya at kinuwelyuhan bago pa s'ya makatakas. “Sa tingin mo rin ba tatagal sa 'yo si Emersyn?” Nanliliksik ang mata kong tinitigan s'ya sa takot nitong mukha. “Hindi, dahil babaero ka! Hindi kayo nababagay dahil isa 'kang manloloko!” Pabalang na binitawan ko ang kwelyo n'ya.

Kita ko ang pangingig ng kan'yang katawan at paghinga't buga ng hininga. Pinagpag ko ang kamay ko na tila ba nandidiri ako nang hinawakan ko s'ya.

Tumalikod ako sa kan'ya saka mariin na pumikit ng mata. “Umalis ka na bago pa kita mabigwasan.”

Ang duwag, sinunod naman ako. Kung tutuusin mahina lamang s'yang lalaki dahil bukod sa magaling ako sa pakikipag-away, may mga kasabwat ako na tutulong sa 'kin.

Alas-dose na ng gabi at wala pa rin si Emersyn. Nabahala tuloy ako na baka may nangyaring masama sa kan'ya.

Ginulo ko ang buhok ko saka bumaba sa malaking puno. Inaabangan ko kasi s'ya rito kahit na kapit-bahay lamang ang apartment namin.

Balak ko sana na tignan s'ya sa bar na tinatarbahuhan n'ya nang makita ko s'ya kasama si Asher. Gustong-gusto ko na tuloy ihagis s'ya ako at ako ang papalit sa responsibilidad na maging nobyo ni Emersyn.

'Di ko marinig ang pinag-uusapan nila pero may parte sa 'kin na nagpapaalam na sila sa isa't-isa. Kailan kaya magiging gan'yan ni Emersyn? Siguro kung mawawala sa landas si Asher.

Plano ko sana na sundan si Asher at bantaan ulit ito pero mas kailangan ako ngayon ni Emersyn. Mukhang pagod na s'ya sa kan'yang tarbaho.

Naghintay ako ng ilang minuto bago mapagpasyahan na pasukin ang apartment niya.

Nadatnan ko s'ya na mahimbing na ang tulog sa maliit na kama. Panatag ako na tuluyan na s'yang nakatulog dahil malalim na hininga na ang binubuga n'ya.

Inalis ko ang suot-suot kong jacket at salamin sa mata. Inilapag ko muna ito sa maliit na sofa saka s'ya nilapitan para tabihan sa pagtulog.

Dahan-dahan lamang ang bawat galaw ko dahil baka magiging s'ya. Inilapit ko ang katawan n'ya sa 'kin saka ko ito niyakap sa bewang. Ang liit n'ya para daganan ng malaki kong katawan.

Hinalikan ko muna ito sa noo bago napagpasyahan na matulog sa tabi n'ya kahit konting oras lamang. S'ya ang gamot ko, s'ya lang ang tanging makakapagpatulog sa 'kin sa tuwing nahihurapan ako sa pagtulog. Hindi ako makakatulog na hindi s'ya katabi o naaamoy man lang.

Tahimik na binaybay ko ang daan papunta sa madilim na parte ng gubat kung saan si Croy. Hindi ko alam kung anong sadya n'ya sa 'kin.

Nakita ko naman kaagad s'ya sa palagi n'yang pwesto kaya nilapitan ko ito.

“Hey,” agaw kong pansin sa kan'ya dahil abala ito sa pagce-cellphone.

Agad n'yang itinago ang cellphone saka ako tinignan. “Ilang days ka ng absent, may balak ka pa 'bang magtarbaho ngayong linggo?” tila problemado s'ya dahil hindi ako nagtarbaho ng tatlong araw sa Organization.

Napamulsa ako sa harapan n'ya. “Bukas ako papasok, sabihin mo kay Z-tech.”

Naglakad s'ya papalapit sa 'kin. Bigla lamang ito humiyak at napaupo sa lupa na ikinataranta ko. Kaagad akong lumapit sa kan'ya at pinantayan ang kan'yang mukha.

“Anong nangyari?” tanong ko at saka napatingin sa kan'yang paa na nasabit lamang sa mga halaman na nakayambod.

Hinampas ko s'ya sa balikat na ikinatawa n'ya. Napatayo ako sa pagkakadungaw sa kan'ya at napasalubong lamang ang kilay ko.

“Bakit naghukay ka dito? Anong plano mo rito, ah? Lilibing ng patay?” sunod-sunod kong tanong at tinuro ang hinukay n'yang lupa sa gilid namin. Wala namang iba na huhukay rito kundi s'ya, palagi ba naman n'ya itong ginagawa.

Napatawa ulit s'ya saka dahan-dahan na napatayo. Mukhang napuruhan ang kan'yang paa dahil natapilok ito ngayon lamang.

“May tinatago rin ang kabilang organization dito na 'di mo alam.” sambit n'ya saka tinuro ang hinukay niya. “Nand'yan ang mga armas nila nakatago. Wait, babalikan ko muna ang gamit ko.”

Napasunod lamang ang tingin ko sa kan'ya nang tumungo ito sa kan'yang motor 'di kalayuan sa pwesto namin. Pinulot ko ang pala saka tinabunan ang hinukay ni Croy.

Napatigil ako sa ginagawa ko nang maramdaman ko ang presensiya ng ibang tao. Napatayo ako ng matuwid saka napatingin sa malaking puno. Do'n ko nakita si Emersyn na nakatulala lamang sa 'kin.

Biglang kumabog ang dibdib ko dahil nandito s'ya. Delikado pala s'ya rito dahil may may kalaban kami na paparating.

Naglakad ako papalapit sa kan'ya para sana sabihin s'ya na umalis muna nang makita ko na may babaeng tumawag sa kan'ya. Napaliko na lamang ako ng lakad dahil ayaw kong makita nila ako rito.

Ilang oras ang ginugol namin ni Croy sa paghanap ng ibang armas sa gubat na tinatago ng ibang organization. Buti na lang ay naagapan namin na kunin iyon.

Mag-aalas-dose na ng gabi nang mapagpasyahan kong matulog ulit sa tabi ni Emersyn. Sabik na ako na matabi s'ya dahil ilang oras ko na s'yang 'di natitigan man lang. Baliw na kung baliw pero masisiraan yata ako ng ulo kapag hindi ko s'ya nakita.

Halos ibalibag ko ang lahat ng gamit kay Asher nang muntik na n'ya pagsamantalahan si Emersyn. Hindi ko na napigilan na puruhan s'ya, buti na lang ay hindi ko pa s'ya napapatay sa kan'yang kahayupan.

Mabibigat na hininga ang ginawa ko bago s'ya masuntok at mabalian sa kamay. Ayos lang kung sa kamay lang, paano pa kaya sa leeg?

“'Wag ka nang babalik dito! Mapatay lang kita gag* ka!” Nagngitngit ang ngipin ko nang dinuro ko s'ya.

'Di na s'ya halos makagalaw at makapagsalita dahil sa ginawa kong pagbugbog sa kan'ya. Tinulungan s'ya ng ilang kasama kong myembro sa Organization para dalhin sa hospital.

Agad akong bumalik sa kwarto para tignan ang kalagayan ni Emersyn. Halos maiyak na ako nang makitang hubo't hubad na ito habang nakahiga sa sahig.

Mabilis ko s'yang dinaluhan at niyakap ng mahigpit. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago mapagsyahan na bihisin s'ya ng damit.

Hindi ako tumitingin sa kan'yang ibaba at 'di ko pinagtutuunan ng pansin ang dibdib nito kahit pinagpapawisan na ako sa isipang nakahubad s'ya sa harapan ko.

May respeto ako sa kan'ya kaya gano'n na lamang ang galit ko nang muntik na s'yang pagsamantalahan ni Asher. Hindi pa kami tapos.

Sobrang saya ko nang naging malapit kami sa isa't-isa. At sobrang gaan ang loob ko dahil hindi s'ya nandiri sa peklat ko banda sa likuran.

Halos manlaki ang mata ko sa sinabi n'ya sa 'kin. Ilang years pala dapat igugugol ko para mapasagot s'ya. 'Di ba pwedeng ngayon na? Hindi naman kailangan na taon pa ang paghirapan ko.

Napatango-tango lamang ako sa sinabi n'ya. “Then, gagawin ko ang lahat upang mapasagot mo ako.” Tumalikod akosa at saka kinuha ang jacket sa upuan. “Courting for f-fucking years? Damn, I'll make sure that it won't takes too long.”

'Di nagtagal ay sinagot n'ya ako. 'Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa puntong iyon. Ito na siguro ang pinakamasayang pangyayari sa buong buhay ko.

Sinumpong na naman ako ng galit nang makita ang kaaway ng organization namin kaya naghintay ako na pakalmahin ni Emersyn.

“A-Anong Bomba ang sinasabi mo, Russ?” Napakurap pa ito.

“Sasabihin ko sa'yo mamaya. Sa ngayon paalisin mo muna ang galit ko,” seryosong tugon ko sa kan'ya.

“Paano? Sinusumpong ka na naman?” sunod-sunod n'yang tanong.

Tumango ako at mariin s'yang tinitigan. “Konting tiis na lang ay sasabog na ako kaya pakalmahin mo ako.”

Kita ko naman ang pagkataranta n'ya. “P-Paano nga? Anong gagawin ko? Iinom ka ba ng gamot—”

“Lambingin mo ako, Syn. Halikan mo ako, Love...” mabilis kong sambit at bahid na sa 'king boses ang pagkainis. Hahalikan mo lamang ako ay baka nasa ulap na ako, Love.

'Di naman s'ya makapaniwalang nakatingin sa 'kin. “Lambing? Gano'n ba 'yon kapag sinusumpong ka? Hindi ba dapat gamot?”

Frustrated akong huminga ng malalim at bumuga. “Ikaw ang gamot ko, Syn kaya lambingin mo na ako.”

Konting tiis na lang ay sasabog na ang puso ko.

“I-Ito ba?” Niyakap n'ya ako na kaagad kong tinugon.

Napapikit ako at ipinatong ang baba sa balikat n'ya. Ang sarap sa pakiramdam na s'ya mismo ang yumayakap sa 'kin. “I love you, mahal mo rin ba ako?”

“Love you too,” tugon n'ya sa 'kin at niyakap ako ng mahigpit.

'Di ko maiwasang mapangiti at kiligin. “Lambingan mo pa ako, Love,” utos ko pa sa kan'ya.

“Nilalambing na kita, ah.”

Ipinadyak ko ang paa sa inis at parang maiiyak na ako sa isipan na ayaw n'ya sa 'kin. Normal pa ba ito?

“Kulang pa! Lambingin mo pa ako!” reklamo ko sa kan'ya.

Ang mahal ko, tinawanan lamang ako kaya mas lalo akong nagpapadyak sa lupa. Napahinto lamang ako nang halikan n'ya ang pisngi ko.

“Mahal ko si Russ,” malambing na sambit n'ya sa 'kin na bahagyang ikinapula ng buong mukha ko at pati na rin taenga.

Napapikit ako ng mariin at inalis ang aking salamin. “Mahal mo nga ako at wala nang iba pa,” pagsang-ayon ko sa sinabi n'ya. 'Yan nga, Love. Ako lang ang mahal mo at wala ng iba.

Ramdam ko naman na napangiti s'ya kaya halos magcelebrate ang puso ko dahil sa ginawa ko. Napasaya ko s'ya.

Nag-aalinlangan pa ako sa una kung tama ba na may mangyari sa 'min dahil iniisip ko ang desisyon at kapakanan n'ya.  Handa na ba s'ya na gawin ang isang bagay na hindi pa para sa 'min? Masyado pa s'yang bata para kuhanin ko ang kan'yang pinaiingatan.

Pero nawala na lamang ang aking pangamba nang sabihin n'ya na handa s'ya sa 'kin at ako lamang ang natatangi. Gusto kong sumigaw sa tuwa at yakapin s'ya ng mahigpit dahil nakuha ko ang tiwala n'ya. Mahal na mahal ko nga talaga s'ya.

Kumabog ang dibdib ko pagkagising ko sa umaga na wala s'ya sa tabi ko. Baka nagbihis pa o naligo. 'Di ko tuloy maiwasang mapangiti at mapamulahan ng taenga. Patawad dahil hindi ko na napigilan ang sensasyon ko sa 'yo, matagal ko ng panaginip na mahalikan ka sa araw at gabi.

Nagsalubong ang kilay ko nang makitang wala s'ya sa apartment n'ya. Iniwan ba n'ya ako?

'Pinagsisihan n'yang makipagtalik sa 'yo.'

Napasabunot ako sa buhok at taranta na tumungo sa motor saka sumakay rito para makapunta na sa university. Sigurado ako na nando'n na s'ya.

Please, sana hindi mo pinagsisihan. Di'ba sabi mo handa ka na sa 'kin? Bakit pakiramdam ko ay iniwan mo na ako pagkatapos sa nangyari? Hindi ko hahayaang magising ka ng maaga at iwan mo ako pagkatapos ng pagtatalik natin.

Inilibot ko ang paningin ko sa tambayan ng university. Kanina ko pa s'ya hinahanap, kahit sa classroom nila ay wala s'ya.

Napatigil ang tingin ko sa 'di kalayuan sa 'kin. Salubong ang kilay at bigla lamang binalot ng selos at inis ko nang makitang may kasama s'yang lalaki.

Sigurado naman ako na hindi n'ya ako ipagpapalit. Kilala ko s'ya.

Mabibilis ang hakbang kong lumapit sa kanila. Kita ko sa mukha ni Emersyn ang pagkabahala at taranta. Bakit?

Napahinto ako sa tapat nila. “Sino s'ya, Emersyn?” seryoso kong tanong pero hindi s'ya umimik. Napatambol lamang ang dibdib ko dahil sa klase ng kan'yang tingin. Sana hindi ito kagaya sa naisip ko...

“Ito yata 'yong sinasabi mo sa 'kin na kaibigan, Syn. S'ya di'ba?” biglang tanong ng kasama ni Emersyn at tinuro pa ako.

Napayukom ako ng kamay sa galit. Kaibigan? Sino nagsabi na kaibigan lamang kami? Iniinis yata ako ng lalaking 'to.

Pinakalma ko ang sarili at binaliwala s'ya kahit gustong-gusto ko nang pasabugin ang bungo n'ya. “Bakit mo s'ya kasama, Emersyn? Kanina pa kita hinahanap.”

Nawalan na lamang ako ng pasensya nang 'di n'ya ako sinagot at mas pinagtuunan lamang ng pansin ang lalaking ito. Halong-halo na ang nararamdaman ko sa ngayon dahil sa possibleng dahilan kaya n'ya ako ginaganito. Dahil ba sa nangyari sa 'min?

Tinulak ko ang lalaki na ikinaawat ni Emersyn sa 'kin. “T-Tama na, Russ.”

Nagbabagang matang ibinaling ko sa kan'ya ang tingin. “Sino s'ya? Bakit pakiramdam ko ay iniiwasan mo ako? May balak ka pa yata na 'di ako pansinin.”

Gulong-gulo na ako, Emersyn. Sinabi mo sana na ayaw mo pang gawin iyon dahil kaya ko naman na maghintay. Bakit kailan pa humantong sa ganito?

Mas lalo akong nanlumo nang marinig ang sinambit n'ya sa 'kin.

“B-Break na lang tayo, Russ...”

Mukhang mawawala na ako sa katinuan. Ayaw n'ya na ba sa 'kin? Nagsisi ba s'ya?

“B-Bakit? Anong kasalanan ko, Love? N-Naguguluhan ako.” Hinawakan ko ang kan'yang pisngi na ikinasinghap n'ya. “Bawiin mo ang sinabi mo, Emersyn. Bakit ka nakikipaghiwalay sa 'kin? W-Wag naman ganito.” Hindi ko kaya, Love. 'Wag ganito, oh...

Mas lalo lamang ako nagalit dahil hindi n'ya ako sinagot o pinansin, bagkus nakatuon pa rin ang pansin n'ya sa lalaki.

Mabilis na pinulupot ko ang aking mga braso sa kan'yang maliit na bewang. Hindi ako papayag na sasama s'ya sa lalaking iyon.

“Dahil ba sa kan'ya? Gusto mo s'ya?! Hindi ako makakapayag!”  Wala na ako sa katinuan at mukhang susumpungin ulit ako ng sakit. Sh*t!

Dinala ko s'ya sa abandonadong classroom at pagkarating namin doon, nakapaskil na sa kan'yang mukha ang pagkabigla at takot.

Napalambot ang ekspresyon ko sa pagkakaakala n'ya na pagsasamantalahan ko s'ya. Hinding-hindi ko gagawin iyon dahil mahal ko s'ya. Wala akong mapapala kung pagsamantalahan ko s'ya. Hindi birhen n'ya ang gusto kong makuha, kundi ang puso n'ya.

“Di mo ako mahal,” ramdam ko ang pait sa kan'yang boses.

Mabilis ko s'yang pinaharap sa 'kin at takang tinitigan s'ya. “Who said that? Syempre mahal kita, Love. 'Di pa ba sapat ang ilang taon na pagkagusto ko sa 'yo?” May nagsabi ba sa kan'ya na hindi ko s'ya mahal? Si Asher ba? Gusto ko na tuloy magwala sa sinabi n'ya.

Takot at kinabahan ako nang lumayo s'ya sa 'kin. Akmang lalapit na sana ako nang pinigilan n'ya ako. “N-No'ng pagkatapos na may nangyari sa 'tin...”

Gusto kong maiyak. “Anong mayro'ng nangyari sa 'tin? P-Pinagsisihan mo ba?” taranta kong tanong. Ito ba ang bumabagabag sa kan'yang isipan? Sorry, Love kung pabigla-bigla ako...

Hindi ko alam kung mainis o matawa ako sa dahilan n'ya. Akala n'ya siguro na may iba akong babae kaya gusto n'yang makipaghiwalay. S'ya lang naman ang babae ko.

Guminhawa ang puso't isipan ko matapos ang nangyari sa 'min. Mahal n'ya ako at mahal ko s'ya. Binigay n'ya ang kan'yang sarili dahil mahal n'ya ako at wala ng iba pa.

Idinala ko s'ya sa apartment ko para makapagpahinga s'ya. Alam kong pagkatapos nito ay hindi na s'ya makakawala na sa 'kin dahil sa ginawa ko. Sana hindi s'ya magalit.

•~•~•~•~

“You have to pay 500 thousand for transferring files to your earpad. Sulit ang babayarin mo dahil lahat ng essay at mga mahihirap na sagot sa exam ay nandito na.” Kinuha ko ang makapal na libro at saka itinaas para makita ng mga clients. “Plus, we are going to give you this book. Soon to be a Doctor students, all answer keys are already here.”

Halos silang lahat ay interesado kaya marami kaming perang nakuha at naipon. Nagpasalamat sila sa 'min bago matapos ang meeting namin sa hide out 'di kalayuan sa city.

“Umuwi ka na, R-tech. Baka hinahanap ka na ng misis mo,” biglang salita ni Alcides, also know as A-tech.

Inilapag ko ang mga nagkakapalang libro sa table at tumango sa kan'ya. Besides, miss ko na ang Love ko.

Tinapik ko s'ya sa balikat at nagpaalam. “Alright.”

Nagmamadaling pinaharurot ko ang motor ko para makauwi sa bahay. Baka hinihintay pa rin n'ya akong makauwi.

Alam na n'ya ang tungkol sa tarbaho ko. Mas napanatag ang loob ko dahil hindi s'ya nagalit, ang importante raw ay nag-iingat ako at sana makaalis na ako sa tarbaho ko balang araw. Hindi pa sa ngayon dahil may mga kataas-taasang pinuno pa na bumabantay sa amin.

Pinahinto ko ang motor ko nang makarating ako sa harapan ng bahay namin. Inalis ko ang helmet ko saka ito itinungtong sa itaas ng motor.

Hawak ang laptop at bag ko ay pumasok ako sa bahay namin. Hindi pa patay ang ilaw kaya baka hindi pa s'ya tulog.

Dali-dali kong inilapag ang laptop at bag sa sofa saka umakyat sa ikalawang palapag kung nasa'n ang nando'n ang kwarto namin ni Emersyn.

Napangiti na lamang ako nang madatnan ko s'yang natutulog sa kama namin. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang kasal na kami at nandito s'ya natutulog sa kama na tinutulugan ko.

Mabilis akong lumapit sa kan'ya at tumabi. Niyakap ko s'ya mula sa likuran n'ya at siniksik ang katawan ko sa maliit n'yang katawan.

Kahit hindi pa ako nakapagbihis, tinabihan at inamoy-amoy ko pa ang buhok nito. Payapa ang tulog ko dahil nasa tabi ko na s'ya.

Bumaba ang kamay ko sa kan'yang tiyan na maumbok. Seven months na s'yang buntis at halos wala na akong hihilingin pa sa buhay ko dahil natupad na ang lahat ng gusto ko. S'ya ang pangarap ko, s'ya ang anak namin ay hinahangad ko rin.

Wala na akong aalahanin pa dahil unti-unti nang gumagaling ang sakit ko. At lahat ng iyon ay dahil sa mahal ko. Binuo n'ya ang pagkatao ko. S'ya ang gamot ko.

Napatigil ako sa paghalik sa kan'yang pisngi nang biglang magsalita ang earpads ko.

“Code R-Tech, this is code C-Tech. BulletStink Organization wants to give an agreement contract. Please give a response immediately.”


END


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro