EPILOGUE (1)
EPILOGUE
RUSS CATHAL
“Sino nagsabi sa 'yo na umalis ng bahay?! Sumagot ka!”
Napahiyaw ako sa sakit 'nang hampasin ako ng latigo ng sarili kong Ama sa likuran ko. Nanginginig na humihikbi ako habang nakadapa sa malamig na sahig dito sa sala namin.
Habol ko na ang hangin dahil sa pagod at iyak na binuhos ko. 'Di ko alam kung papaano ko s'ya mapatigil sa kan'yang ginagawa.
“Maawa ka naman sa anak mo, Berto! Sarili mong anak ay ginaganyan mo?!” rinig kong hiyaw ni Mama habang 'di na maintindihan ang kan'yang gagawin.
Wala akong laban sa aking Ama dahil bukod sa Tatay ko s'ya, isa lamang akong labing anim na taong-gulang. Ang bata ko pa para maranasan ang ganitong pagtrato at ang nakakalungkot lang ay sariling Ama ko mismo ang gumagawa nito.
Napapikit ako ng mata at naghintay sa susunod na paghampas ng latigo sa 'kin pero ilang segundo lamang ay wala akong naramdamang pagtama sa likuran ko.
“Pumunta ka sa Tech. Organization ngayon din. 'Wag mo akong hintayin na magbago pa ang isip ko,” mariing wika ni Ama at kasabay no'n pagyakap sa 'kin ng aking Ina.
“J-Jusko, anak?”
Napaubo ako nang paupuin n'ya ako sa sahig. Sobrang sakit na ng likuran ko at mukhang may panibagong pasa at peklat na naman ako. Wala yatang araw na 'di ako sinasaktan ni Ama.
Hinang-hina akong napaangat ng tingin kay Mama at ngumiti ng tipid sa kan'ya kahit halos bumagsak ang panga ko sa sobrang pagod ko.
Kita ko ang paglandas ng luha sa kan'yang mata at niyakap ako ng mahigpit na ikinapikit ko. S'ya lang talaga ang tanging kakampi ko sa panahong sinasaktan ako ni Papa.
“S-Sorry, anak kung wala akong magawa upang patigilan s'ya sa pananakit sa 'yo. Pangako gagawa ako ng paraan para makaalis na tayo rito,” saad n'ya sa kalagitnaan ng pagkayakap sa 'kin.
Agad akong umiling sa kan'ya kahit 'di n'ya ako nakikita. “D-Dito na lang tayo kay P-Papa,” pakiusap kong sambit sa kan'ya bago s'ya humiwalay sa pagkakayakap sa 'kin saka ako tinignan.
Lumungkot ang kan'yang matang nakatingin sa 'kin. “Sinasaktan ka n'ya, anak. Kung 'di tayo aalis, sasaktan ka n'ya araw-araw.”
Umiling ako ng ilang beses. “'W-Wag muna sa ngayon, Ma. A-Aray!” Nadaing ako nang mahawakan ni Mama ang sugat sa likuran ko.
Mabilis na inalis naman ni Mama ang kan'yang kamay. “Pasensya na anak. Halikana at magamutan na natin ang sugat mo.”
Inalalayan n'ya akong tumayo sa pagkakaupo at niyakap ang beywang ko nang magsimula na kaming maglakad patingung kusina.
Ito na lang palagi ang ginagawa ni Mama. Alalayan ako at gagamutin matapos akong saktan ni Papa. Hindi ko alam kung bakit n'ya ako sinasaktan gayong ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko.
Madalang lang si Mama na umuwi rito at alam kong abala s'ya sa kan'yang tarbaho sa pagiging artista. Masaya na ako na suportado s'ya ni Papa. Ayos lang sa 'kin na saktan ako ni Papa basta 'wag lang si Mama.
“D, A, B, B, C,” salita ko sa earpad. “Anions, H-bonding, cations, hydration.”
Nang matapos ko na ang pagset-up ng mga sagot sa exam sa ear pad ko ay binaklas ko na ito sa aking taenga saka inilagay sa square na box na puno ng ear pads para sa mga client namin na estudyante.
“Are you done, R-tech?” tanong ng kaibigan ko na si Croy at nilapitan ako.
Napatayo ako sa pagkakaupo at inayos ang pagkakalagay ng bawat box na naglalaman ng answer keys. “Malapit na,” sagot ko saka s'ya inakbayan. “Punta muna tayo sa eskwelahan, baka mahalata tayo na palaging wala sa klase.”
Mas ginugugol ko ang oras dito sa Organization namin kaysa sa pag-aaral. Hindi ko na kailangan na mag-effort pa para pataasin ang grado ko dahil madali lamang sa 'kin.
Sumang-ayon naman s'ya bago s'ya hinatak papalabas ng building na tinatarbahuhan namin.
Pagkarating namin sa labas ay kaagad na tumambad sa 'min ang nagdadamihang motor na galing sa ibang myembro pa namin. 'Di naman kami nagkakalituhan dahil saulado naman namin ang pwesto kung saan.
Nagkanya-kanya kaming nagtungo sa aming motor at sumakay rito. Napatingin ako kay Croy nang mapahiyaw ito.
Nataranta naman ako sa kinauupuan ko at sumigaw sa kan'ya na 'di kalayuan lamang sa 'kin. “Ayos ka lang ba d'yan?!”
Kita ko ang paghawak n'ya sa kan'yang malaking pwet at paghimas nito. “A-Ayos lang ako! Nahulog lang!” Kumaway s'ya sa 'kin para 'bang kaya n'ya ang kan'yang sarili.
Napailing lamang ako sa kawalan. Malaki na ang katawan n'ya at halos hindi na s'ya magkasya sa upuan ng motor. 'Yan kasi hindi nakikinig sa 'kin na magdiet na s'ya.
Sabay naming sinuot ang helmet at pinaandar ang makina ng motor bago ito pinaharurot patungo sa university.
Napatigil kami sa gilid ng parking lot. Inalis ko ang helmet na suot ko at saka sinuot ang salamin na nasa kwelyo lamang ng uniform ko.
Pagkaalis ko pa lamang sa pagkakaupo sa motor nang mabilis na lumapit sa 'kin si Croy.
“Una muna ako, Russ. Hindi ko na mapigilan ang tawag ng kalikasan ko,” mabilis n'yang paalam bago kumaripas ng takbo papaalis dito parking lot bago pa man ako nakapagsalita.
Nagkibat-balikat lamang ako at dumiretso ng lakad papunta sa Senior High Building namin. Liliko na sana ako papunta sa Baitang 12 nang maramdaman ko ang kakaiba sa 'kin. Agad akong lumiko ng daan papunta sa public comfort room.
Mabilis akong pumasok sa CR at isinara ito ng mabuti. Pinakiramdaman ko muna kung may tao pa ba bago ko inuha ang gamot ko sa bag. Tinitigan ko muna ito ng mabuti at nagdadalawang isip na inumin.
Halos isuka ko ang gamot na ito dahil sa araw-araw kong pag-inom. 'Di ko pwedeng tapunin ito dahil kinakailangan kong mapakalma ang sarili ko.
Sa ilang taon na sinasaktan ako ni Papa, ito na ang kinalabasan ko. Nagkaroon ako ng disorder na kung paiikliin ay may problema ako sa utak. Sabi ng doktor, magtake na lang daw ako ng gamot at iwasan ang mga bagay na magbibigay sa 'kin ng pahamak.
At 'yong bagay na makakapagpahamak sa 'kin ay 'yong Papa ko. Kung kailan pa ako nagkasakit, do'n pa s'ya nagbago. Huli na ang lahat, Papa, gusto kong kamuhian ka pero hindi ko magawa dahil mahal kita.
Napabuntong hininga ako at ininom ang gamot ko. Napahinga muna ako ng ilang beses bago lumabas ng CR.
Babalik na sana ako sa building nang mahagip ko ng paningin ang babaeng umagaw ng pansin ko.
Napatigil ako sa paglalakad at napatitig sa kan'ya na wari 'bang sinusuri ang buong pagkatao n'ya.
Parang may kung ano akong naramdaman sa kan'ya nang mapatingin s'ya sa 'kin habang naglalakad papunta sa sa kinatatayuan ko. Ano itong nararamdaman ko? Sinusumpong ba ulit ako ng sakit?
Halos namawis na ang noo ko at hindi ko na maigalaw ang paa. Hindi ko maiwasang 'di mapatingin sa kan'yang mukha na malambot.
Bagsak balikat at nadismaya ako nang lagpasan n'ya ako at diret-diretsong lumakad sa kinaroroonan ng lalaki na nakasandig sa pader banda sa likuran ko.
Gulat ang mga mata at bigla lamang napiga ang dibdib ko sa 'di malamang dahilan nang masaksihan sila. May nobyo na pala ang babae? Bakit parang may namumuong inis at lungkot sa 'king damdamin?
Napasunod lamang ang tingin ko sa likuran nila habang naglalakad papalayo sa 'kin. Mukhang masaya silang dalawa pero alam kong maghihiwalay rin sila.
Simula nang makilala ko s'ya, inalam ko ang buong pagkatao nito. Emersyn Solace Dela Vego pala ang pangalan n'ya, 'di ko maiwasang mapangiti sa isipan na ipakilala ko ang aking sarili.
Tuluyan na akong nabaliw sa 'yo, halos lahat ng tungkol sa pagkatao mo ay alam ko. Mapa hilig mo man o gusto. Sinusubaybayan kita palagi at kadalasan ay tinatabihan ka palagi sa pagtulog.
Gan'yan ako baliw sa kan'ya at pakiramdam ko ay ibang sakit na ang meron ako.
'Di naging madali ang paglapit ko sa kan'ya dahil bukod sa may kausap s'yang kaibigan, bantay rin s'ya ng kan'yang nobyo na si Asher, kakambal ng kaibigan ko.
Habang papaakyat ng hagdan papunta sa private room, nagnakaw tingin muna ako kay Emersyn habang kausap nito ang customer. Napangiti na lamang ako sa naisip kong plano.
Kaba, saya at pagkataranta ang nararamdaman ko nang malamang pupunta s'ya sa room na pinasukan ko. Malaking pera ang babayarin ko sa babaeng inutos ko. Napangisi lamang ako.
“Nandito na po ang wine, Sir.”
Bumungad kaagad sa 'kin ang maamo n'yang mukha nang buksan ko ang pinto. 'Di ko maiwasang mamangha sa simple nitong kagandahan.
Kita ko ang pagdaan sa kan'yang mata ang pagkabahala kaya naman sinenyasan ko s'yang pumasok na.
Inilagag n'ya ang wine na pinapakuha ko bago pumaharap sa 'kin at saka napayuko bilang paggalang.
“M-Mauuna na po ako, Sir.” Akmang aalis na s'ya nang magsalita kaagad ako.
“Dito ka muna,” utos ko. Gusto ko munang makausap ka ng ganito, Emersyn...
“B-Bakit po? May tarbaho pa po ako, Sir...” bahid sa boses n'ya ang pagtataka.
Umupo muna ako sa upuan at sinenyasan s'yang umupo sa harapan ko. Lihim na lamang akong napangiti nang sinunod n'ya ako.
“Anong pangalan mo?” tanong ko kahit alam ko ang pangalan n'ya. Gusto ko lang makasama s'ya ng matagal.
Napatikhim s'ya. “Bakit po?”
“Dahil gusto kong tanungin. Anong pangalan mo?” ulit kong tanong. Kausapin mo pa ako, Emersyn.
“Emersyn,” sagot n'ya na ikinatango ko. Sobrang saya ko ngayon.
“Emersyn... Kay gandang pangalan sa magandang babae na katulad mo,” 'di ko maiwasang puriin s'ya.
Alam kong naiilang s'ya sa 'kin pero gagawin ko ang lahat para lang makausap n'ya ako ng matuwid.
Napatingin ako sa hawak-hawak kong box na cookies saka ito inalahad sa kan'ya. Sana naman tanggapin n'ya.
“Paborito mo ito di'ba?” tanong ko na ikinalaki ng mata n'ya sa pagkataka.
“Di mo kakainin?”
Umiling s'ya. “Mamaya na po, Sir. Ano ba ang kailangan niyo sa 'kin?” tanong n'ya ulit sa 'kin.
Bigla na lamang ako ginapangan ng kaba at pagkabalisa. “G-Gusto ko lang matitigan ka sa malapitan...”
Palagi ka lamang tulog sa tuwing lumalapit ako sa 'yo. Iba pala sa pakiramdam na kausap s'ya ng ganito.
“Bakit mo naman gusto akong matitigan, Sir?”
Sumalin muna ako ng wine sa wine glass at ininom. Mariin ang titig ang pinukol ko sa kan'ya kahit ang puso ko ay gulong-gulo na.
“Di ko alam,” sagot ko na ikinangiwi n'ya. Bakit, Emersyn?
Humigit isang oras akong nakatitig sa kan'ya. Hindi ko na alam ang sasabihin ko dahil hindi naman ako palasalita. 'Di ko alam kung saan ako magsisimula.
Nataranta ako nang tumayo s'ya sa kan'yang kinauupuan. Saan s'ya pupunta?
Mabilis na humarang ako sa daanan sa isipan na aalis na s'ya.
“May kailangan ka po ba, Sir?” tanong n'ya bago napatigil.
“U-Uuwi ka na?” 'Di ko alam kung bakit iniisip ko na iniiwasan n'ya ako. Please, 'wag 'kang matakot sa 'kin.
“Mamaya po, Sir. Kukuha lamang ako ng maiinom sa kusina,” sagot n'ya na ikinaluwag ng ginahawa ko. Tumabi naman ako sa daanan para makadaan s'ya.
Binanggit pa n'ya ang pangalan ni Asher kaya umiba ang timpla ng mukha ng mukha ko at kasabay no'n ang pagkalat ng pait sa buong sistema ko.
“Di ako magagalit kung ikaw 'yan, Asher. Palagi ka 'bang nandito? Akala ko ba wala tayong—”
“Wag mo nang banggitin ang putanginang Asher na 'yan!” 'di ko na pigilang mapasigaw sa kan'ya.
Biglang lumambot at nagsisi ako sa pagsigaw ko sa kan'ya nang makitang humihikbi s'ya. Bakit ko ba kasi s'ya sinigawan?!
“H-Hey...” utal kong sambit. “I-I'm sorry, baby. Please, 'di ko sinasadyang sigawan ka.” Aalisin ko sana ang kan'yang kamay sa mukha n'ya nang lumayo s'ya sa 'kin.
Ang sakit na makitang iniiwasan n'ya ako at bukod pa do'n ay umiiyak s'ya ng dahil sa 'kin.
Hinihagis n'ya sa 'kin ang unan nang akmang lalapit ako na ikinasalag ko ng braso. Halos nagsusumamo na ang tingin ko sa kan'ya.
“T-Tinatanong lang naman kita, a-ah! Napakasama mo talaga!” singhal n'ya sa 'kin at ramdam ko ang sakit at inis sa kan'yang boses bago umalis sa pwesto n'ya.
“E-Emersyn! Teka lang!”
Sinubukan ko s'yang pigilan pero nanaig ang kan'yang galit sa 'kin.
“Ayaw ko sa 'yo! Si Asher ka man o hindi, ayaw ko sa 'yo!” buong lakas na sigaw n'ya sa 'kin bago lumabas ng room na tinutuluyan ko.
Gusto kong maiyak dahil sa sinabi n'ya. Ayaw n'ya sa 'kin... Ayaw n'ya raw sa 'kin.
Ramdam ko na sinusumpong ulit ako ng sakit ko. Please, 'wag muna sa ngayon...
Mabibigat na hininga ang ginawa ko bago hinahanap s'ya sa bawat sulok ng room. Nasa'n na s'ya? Tuluyan na ba n'ya akong iniwan?
'Isa 'kang baliw kaya iniiwasan ka n'ya' biglang salita ng isip ko na ikinasalubong ng kilay ko.
“Hindi totoo 'yan! Sinungaling! Layuan mo ako!” sunod-sunod kong sigaw habang sinasabunutan ang buhok ko na tila nasisiraan na ng ulo.
Napabuga ako ng malakas na hangin saka mabilis na kinuha ang pampakalma ko sa bulsa at ininom.
Nanliliksik na ang mga mata ko at alam ko sa puntong ito ay sinusumpungan ulit ako ng sakit ko.
Continuation...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro