Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 25


EMERSYN SOLACE


“Sabihin mo na ang problema natin, Love.”

Akala ko pa naman makatakas ako sa usapan namin, mukhang 'di pa rin s'ya maka-get over sa nangyari kanina. Gusto ko na sana matulog dahil bigla lamang sumakit ang sikmura at inaantok na rin ako.

“Hindi tayo matutulog hangga't hindi mo sinasabi sa 'kin ang gumugulo sa iyong isipan.” Marahan n'ya akong pinaupo na ikinareklamo ko naman. Balak ko pa naman magpanggap na lang.

“P-Pwede bukas na lang, Love? Antok na antok na talaga ako.” Totoo naman talagang antok ako, 'di ko alam kung bakit parang hinihila na ako ng kama na matulog.

Umiling s'ya at pinaharap sa kan'ya. “'Di pwede, konting usap lang naman ang kailangan natin at saka na tayo matutulog kapag tapos na.” Mukhang 'di tinablan sa lambing ko.

Wala na akong nagawa kundi sabihin na rito ang gumugulo sa isipan ko. “Nagkausap kami ni Curtny kanina sa canteen.”

'Di s'ya nagsalita at mukhang nakikinig naman sa susunod kung sasabihin. Mas inilapit pa n'ya ako sa kan'ya. Mukhang nagnanantying lang sa 'kin, abala sa kakahimas sa 'king likuran at buhok na para 'bang pinapatahan ako.

Napabuga ako ng hininga. Kailangan kong sabihin sa kan'ya para malaman ko na rin kung sino ba ang tinutukoy ni Curtny.

“Na-comatose sila Sabrina at Polace, tandaan mo pa 'yong nang-bubully sa 'kin?”

Tumango naman s'ya at wala man lang akong nakikitang kakaiba sa kan'yang mata. Naguguluhan pa rin nga ito.

Pinaglaruan ko ang aking daliri habang nakayuko. “Nasabi sa 'kin ni Curtny na 'yong kinakasama ko ang may gawa no'n.” Huminga ako ng hangin. Ang bigat sa dibdib ng nararamdaman ko. “I-Ikaw ba iyon?”

Napahinto ang kan'yang paghimas sa 'king buhok at do'n pa lamang ay kinakabahan ako sa maaari n'yang isagot.

“Hanggang ngayon ba ay iniisip mo pa rin na baka makasakit ako ng ibang tao?” Ramdam ko ang pait sa boses n'ya.

Akala ko aalis s'ya sa pagkayakap sa 'king tagiliran, 'yon pala ay pinaharap n'ya ulit ako sa kan'ya. Ito na naman ang nakakaawa n'yang mukha.

“Hindi naman da gano'n.” Hinawakan ko ang kan'yang kamay at bahagyang pinisil. “Gusto ko lang malaman dahil alam kong sa susunod na araw ay baka may gawing masama sa 'kin si Curtny. Gusto kong sabihin sa kan'ya na wala 'kang kinalaman, kaya nga tinatanong kita para maklaro ko ang lahat.”

Hinihingal tuloy ako dahil sa sunod-sunod kong paliwanag. Ayaw ko naman isipin n'ya na wala akong tiwala. May tiwala naman ako kaso hindi naman sa lahat ng oras ay magsti-stick to one lang ako sa isang tao, dapat malaman ko ang dalawang panig.

“Kung sasabihin ko 'bang hindi ako, maniniwala ka?” tanong n'ya, bakas din ang pagkabalisa sa kan'yang mata.

Tumango naman ako. “'Yon lang naman ang gusto kong marinig sa 'yo. Maniniwala ako sa 'yo kapag sinabi mong wala 'kang kinalaman.”

Tila na nabunutan s'ya ng tinik. “I'm sorry.”

“Sorry saan?”

Hindi s'ya makatingin sa 'kin. “Sorry dahil ganito ako. Hindi mo na tuloy ako maintindihan sa sitwasyon ko.” Ngumiti s'ya ng tipid sa 'kin bago marahan na niyakap ang tagiliran ko. “Salamat at naniniwala ka sa 'kin. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawalan ka na ng tiwala sa 'kin.”

Parang hinaplos naman ang puso ko at napiga ng konti sa narinig. Wala s'yang pamilya na mauuwian ngayon at ako lang ang tanging nand'yan sa kan'yang tabi tapos iisipin pa n'yang wala akong tiwala. Ang sama ko na ba?

Gaya n'ya ay niyakap ko rin s'ya ng mahigpit at binaon ang aking mukha sa kan'yang leeg. “Sorry, kulang lang yata tayo sa pagkilala.” Natawa ako ng mahina nang maisip ang sitwasyon ngayon. “Ikaw kasi, eh. Hindi ka man lang nanligaw.”

Nawala na ang kan'yang lungkot at napalitan ng mahinang tawa banda sa batok ko. Nagsitaasan tuloy ang balahibo ko nang tumama ang kan'yang hininga sa 'king balat.

“Ako pa sinisisi mo, ah. Don't worry, liligawan naman kita araw-araw kahit tayo na.” Mas humigpit ang kan'yang yakap at nabigla nang lumapat ang kan'yang kamay sa 'king tiyan. “Tama ka, hindi pa natin lubusan kilala ang isa't-isa pero pwede naman natin kilalanin ang bawat isa.”

Magsasalita na sana ako pero bigla akong nakaramdam ng pagkaduwal. Mabilis akong kumalas sa kan'yang yakap at pinakiramdaman ang sarili.

Mukhang nataranta naman si Russ. “A-Anong nangyari?”

Hindi ako nakasagot nang kumaripas ako ng takbo papuntang banyo. Hawak-hawak ang aking bibig papuntang basin ay napaluhod ako rito saka do'n sinuka ang kanina ko pa pinipigilan.

Medyo nahihilo ako, hindi ko tuloy napigilang 'di mapaiyak dahil sa niluwa kong suka. May sakit ba ako?

Naramdaman ko na lang na hinawakan ako ni Russ sa balikat at nag-aalalang tinignan ang aking itsura.

“Sumuka ka?” tanong n'ya saka pinahid ang gilid ng labi ko na may basa na galing pa sa sinuka ko.

Nahihiyang pinigilan ko s'ya at hindi na maawat ang aking luha. “A-Ang baho ng suka ko, Russ. Linisan mo 'yan.”

Seryoso ang kan'yang mukhang umiling at hindi nakinig. Nahiya tuloy ako sa kalagayan ko, mukha ng sabog ang aking mukha pati ang buhok ko.

Inayos n'ya ang buhok ko at nalinisan na rin n'ya ang mukha ko. “Kahit mag-amoy tae ka hindi kita hahayaang maging ganito.” Inalalayan n'ya akong tumayo.

Napasubsob tuloy ako sa kan'yang dibdib at do'n umiyak ulit.

“May masakit ba?” tanong n'ya at hinimas-himas ang aking buhok sa likuran.

Umiling ako. “M-May sakit yata ako. Magpapa-check up na lang siguro ako bukas, hindi na naging maganda ang kalagayan ko.”

Natigilan s'ya sandali bago tumungo nang umangat ako ng ulo. “Sa tingin ko ay...”

“Ang alin?” taka kong tanong at hinila na s'ya umalis sa banyo.

Napahila naman s'ya. “Sa tingin ko buntis ka, Love.”

Agad akong napalingon sa kan'ya. Nanlalaki ang mata habang umiiling. Akala ko pa naman biro lang n'ya pero pagkakita ko pa lamang sa kan'yang mukha ay alam kong seryoso s'ya.

“A-Ang bata ko pa, Russ.” Napahagulgol na naman ako sa kan'yang harapan. Seryoso? May parte sa 'kin na baka nga buntis ako, walang proteksiyon na ginamit si Russ nang magtalik kami.

Mabilis n'ya akong hinila para yakapin. Binaon n'ya ang kan'yang mukha sa 'king leeg. “Sorry, Love. Sorry. Pananagutan naman kita.” Alo pa n'ya.

Umiling-iling ako sa kan'ya at kumalas sa yakap. “P-Paano ang pag-aaral ko? Hindi ko na alam ang gagawin ko.”

Kahit wala akong paki sa taong nakapaligid ay magiging kahihiyan ako sa eskwelahan. Mahirap lang ako at dapat matapos ako sa pag-aaral. Kailangan ko ring mahanap ang aking pamilya.

Kinuha n'ya ang kamay ko at paulit-ulit na hinahalikan ang likod ng aking palad. “Please, Love. Trust me, kakayanin natin 'to. Makakapagtapos ka kahit buntis ka.” Ito na naman ang kan'yang boses na tila natatakot sa maaari kong gawin.

Ayaw kong ma-stress kaya pinahinga ko muna ang sarili ko bago tumango kay Russ. Alam kong gagawa s'ya ng paraan dito. Hindi ko kayang magalit sa kan'ya dahil sa naging bunga, ginusto namin ito kaya dapat panindigan. Hindi rin solusyon ang pagpalaglag, ayaw ko no'n.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro