
CHAPTER 23
EMERSYN SOLACE
“Kain ka ng marami.” Inilapag ko ang niluto kong adobo sa kan'yang harapan at umupo sa kan'yang tabi.
Mukhang nabuhayan naman s'ya nang malanghap ang amoy ng adobo. Kaagad s'yang kumuha ng ilang piraso at inilagay sa kan'yang plato.
Mukhang masaya s'ya na nilutuan ko, ah. Gusto ko palagi ko s'yang nakikita sa ganito.
Akmang kukuha na sana ako ng kanin nang agad n'yang nilagyan ang plato ko ng kanin at ulam. Ito na naman ako hindi mapigilang 'di mapangiti sa nakita. Masyado s'yang maalaga sa 'kin.
“Damihan mo ang kain, ah?” sabi n'ya habang sinasalinan ako ng tubig. Alam n'yang dapat handa ang tubig ko kapag magsisimula akong kumain.
Tumango ako at sinimulan na nga naming kumain. Naging masaya ang araw namin hanggang sa nakarating kami sa eskwelahan. 'Di naman kami nagtagal sa apartment n'ya at madali lang kaming nakaligo't bihis. Do'n ko pinili maligo sa sarili kong apartment dahil nando'n naman talaga ang damit ko.
Huminto kami sa harapan ng university. Pumaharap muna ako sa kan'ya. “Saan ba talaga ang room mo?” tanong ko. Hindi ko kasi nakita ang kan'yang room.
Hindi muna n'ya ako sinagot at inayos ang buhok kong biglang tinanghay ng hangin. Tumingin s'ya sa aking mata. “Nasa kabilang building n'yo.” Tinuro n'ya pagkatapos ang building na sinasabi n'ya.
“Ibig pala sabihin magkahiwalay ang university natin?”
Tumango s'ya. “Pero iisa lang naman ang may ari kaya magkadugtong na rin.” Hinawakan n'ya ang aking kamay. “Hatid na kita.”
Wala akong nagawa kundi tumango lamang at hayaan sa gusto n'ya. Kahit gusto kong mauna na s'yang tumungo sa kanilang building ay hindi ko magawa. Masyado s'yang masaya sa ginagawa n'ya.
Sabi n'ya susunduin n'ya ako mamaya basta do'n lang ako maghintay sa kan'yang motor. Hindi basta-basta mananakaw ang kan'yang motor dahil sa high tech na gamit n'ya rito. Ang galing nga talaga.
Habang nasa klase ako ay hindi ko maiwasang 'di makaramdam ng pagkagutom. Madami naman akong kinain kanina pero bakit ngayon pakiramdam ko ay nagugustom ulit ako?
Buti na lang tapos na ang klase kaya kaagad akong kumaripas ng takbo papuntang canteen. Madaming estudyante pero wala na akong pakialam dahil sa nagugutom ako.
Bumili ako ng dalawang gatas na bote at saka pancit. May pera pa naman akong hawak kaya nakabili ako ng dalawang gatas kahit mahal.
Dito mismo ako kumain banda sa gitnang bahagi ng canteen. Wala naman silang pakialam sa 'kin kaya panatag akong walang eksena na mangyayari sa 'kin.
Pero mukhang nagkamali ako dahil bigla lamang tumahimik ang paligid at kasabay no'n ay ang paglapit sa 'kin ni Curtny. Isa s'ya sa kaibigan ni Polace at hindi ko alam kung anong sadya n'ya sa 'kin.
Dahan-dahan s'yang umupo mismo sa harapan ko. Bigla naman akong kinutuban na may masamang mangyayari sa 'kin. Balisa kong inilibot ang aking paningin sa paligid at nakitang tahimik lamang sila at may kan'ya-kanya nang ginagawa. Napabuga ako ng hininga at hinarap ito.
“Anong kailangan mo sa 'kin?” tanong ko at tinuloy aking naudlot kong gawain.
Sumandig s'ya sa inuupuan n'ya at tinignan ako ng seryoso pero alam kong nasa panganib nga ako.
“Alam mo ba ang ginawa mo sa kaibigan ko?”
Mabilis naman akong umiling at uminom ng gatas. Parang mabibilaukan yata ako dahil sa nakakatakot nitong tingin.
Inilibot n'ya ang kan'yang paningin sa canteen. “Kahit gusto kong ipahiya rito, hindi ko pwedeng gawin. Pasalamat ka dahil may connection ka.”
Inilapag ako ang aking bote na may laman 'pang gatas saka tinapangan s'ya ng tingin. “Ano ba ang ibig mong sabihin? May ginawa na naman ba akong mali?” Palagi na lang kasi ako 'yong pinupunterya nila.
Mapanuyang tumawa s'ya at matalim akong tinignan. “Talagang manhid ka at walang pakialam sa paligid 'no? 'Di mo ba alam na na-hospital lang naman ang dalawa kong kaibigan.”
Kahit ayaw kong maniwala ay hindi ko maiwasang 'di kabahan. Ano naman ang ibig n'yang ipunto sa 'kin? Baka ako ang idamay rito. Wala akong ginagawang masama at mas lalong wala akong alam sa nangyari sa kan'yang kaibigan.
“A-Ano naman ang kinalaman ko roon?” Pinagpapawisan ang aking kamay dahil sa posibilidad na mangyari sa 'kin.
“Ang kinakasama mo lang naman ang may gawa no'n,” madiin n'yang sabi at alam kong sa puntong ito ay nagtitimpi s'ya sa 'kin.
“Pwede ba diretsuhin mo na ako? Wala akong alam sa nangyari kaya please, kung ano man iyan ay labas na ako.” Tatayo na sana ako nang mabilis n'ya akong pinigilan sa braso.
“Hindi mo ba talaga kilala ang nobyo mo?” Matalim ang kan'yang tingin at ramdam ko na rin ang pagbaon ng kan'yang kuko sa 'king balat.
Napatingin ako sa braso kong hinawakan n'ya. “Nasasaktan ako.”
Nagbabaka sakaling bitawan n'ya ang aking braso pero mukhang hindi s'ya nakikinig. Pakiramdam ko tagos-buto ang pagbaon ng kan'yang kuko.
“Makinig ka sa 'kin.” Marahas n'ya akong hinila papalapit sa kan'ya. “Sa oras na mawala ang mga kaibigan kong naka-comatose ngayon ay hindi ako magdadalawang isip na sirain ang buhay mo.”
Napaatras ako nang pabalang n'yang binitawan ang aking braso. Maluha-luha ko namang hinimas ito habang nakatingin kay Curtny na nagngingitngit pa rin sa galit.
“W-Wala naman akong ginagawang masama...” Isa-isa pumatak ang luha ko at wala man lang nakapansin sa 'kin.
“Ikaw ang nagsimula kaya damay ka sa gulong ito.” Hindi umalis ang kan'yang matang nanliliksik sa 'kin. “Kriminal ang kinakasama mo at kung hindi lang talaga malakas ang kan'yang connection sa organization ay matagal ko na kayong pinakulong sa ginawa n'yong ito!”
Naguguluhan man ang utak ko ay bigla lamang pumasok sa isip ko kung sino ang kan'yang tinutukoy. Wala naman akong ibang kinakasama kundi si Russ. Si Russ ba ang ibig n'yang sabihin? Ayaw kong maniwala pero may parte sa 'kin na baka nga ay totoo ang sinasabi n'ya.
Pabagsak na umupo ako pabalik sa 'king kinauupuan kanina. Napapikit na lamang ng mata dahil sa problema. Imbes na tarbaho at nararamdaman ko ang problema ko ay dumagdag pa 'yong iniwang kataga ni Curtny.
ILANG oras ang nagdaan matapos magsiuwian na ang ilang estudyante. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Curtny at sa puntong iyon halong-halo na ang emosyon ko.
Natatakot ako sa kan'yang banta, alam ko namang gagawin n'ya iyon. At mas lalo akong nag-alala sa kalagayan ni Polace at Sabrina sa hospital, comatose raw sila at ilang linggo na ang nakalipas simula nang makita silang bugbug sa labas ng university.
Walang nakakaalam kung sino ang may gawa. Kahit masakit man isipin ay si Russ ang iniisip kong may pakana ng lahat.
Hindi pa rin nawala sa isipan ko ang mga binitawang salita ni Russ. Alam kong gagawin n'ya ang lahat para lang mailigtas ako at hindi mapahamak, minsan na rin n'yang sinabi na kaya n'yang makasakit ng iba basta 'wag lang akong masaktan.
Sino ang paniniwalaan ko? Si Curtny na alam kong hindi magsisinungaling kapag nasa seryosong sitwasyon o kay Russ na wala namang ginawa kundi pasayahin ako at hindi hinayaang saktan ng iba? May tiwala ako kay Russ.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro