CHAPTER 22
EMERSYN SOLACE
"Inaantok na ako." Napahikab ako sa antok at pagod na nararamdaman ko.
Hindi naman ako napapagod pero ngayon talaga ay ramdam kong mabigat ang akong katawan. Baka masama lang siguro pakiramdam ko.
Agad na gumalaw si Russ mula sa likuran ko nang marinig sinabi ko. "Matutulog ka na? Tara na, bawal ka magpuyat." Inalalayan n'ya akong umupo ng maayos dahil sa nakasandig ako sa kan'yang dibdib.
Kita ko ring pagod at inaantok si Russ basi sa kan'yang mata. Akala ko pa naman hindi ito inaantok. Oo nga pala, may gamot na s'ya para sa kan'yang sakit.
Biglang sumagi sa isip ko ang mga pinag-gagawa ko sa kan'ya ngayong araw. Bigla akong tinablan ng hiya at guilt. Paniguradong napagod s'ya sa kakatakbo at labas ng bahay para lang mabilhan ako ng pangangailangan.
Akmang bubuhatin n'ya ako na kadalasan na n'yang gawin sa 'kin nang pigilan ko ito. Nagtaka naman s'ya.
"Kaya ko na, tara na." Ako na mismo ang humila sa kan'ya papunta sa kwarto n'ya. Madilim na talaga ang gabi at tahimik din ang mga kapit-bahay.
Umupo ako sa kama habang s'ya ay may hinahalungkat sa aparador. Do'n ko nakitang may kinuha itong sando saka short. Tumungo s'ya sa 'kin.
"Magha-half bath lang ako. Matulog ka na." Inalalayan n'ya akong humiga sa kama pero wala talaga akong plano munang matulog, eh.
Mabilis lamang n'ya akong hinalikan sa pisngi bago pumasok sa banyo. Do'n na ako mismo napaupo mula sa pagkakahiga.
Napag-isipan kong hintayin muna s'yang matapos. Gusto ko sabay kaming matulog. Ewan ko ba kung bakit ayaw kong ako ang nauuna matulog gayong wala s'ya sa tabi ko. Masyado ko nang dinidepende ang sarili ko sa kan'ya.
'Di nagtagal ay lumabas s'ya ng banyo na suot ang kinuha n'ya sa aparador. Napatitig tuloy ako sa kan'ya.
Saktong pagkatingin n'ya sa 'kin ay ro'n s'ya nabigla. Nakangiting lumapit s'ya sa 'kin at mabilis na lumundag sa kama.
"Can't sleep without me, huh?" Nakangisi na s'ya ngayon. Umupo rin s'ya sa kama kagaya ko.
'Di ko maiwasang mapangiti rin. "Gusto ko sabay tayo matulog."
Kahit pilit n'yang 'wag ipakitang sobra saya n'ya ay hindi n'ya napigilan. "Ano ba bumabagabag sa isip mo?" tanong n'ya at lumapit sa gilid ko para yakapin ako.
Sumandig ulit ako sa kan'yang dibdib at napatingala sa kan'ya. "Sorry." Hindi ko namalayan na halos utusan ko na s'ya buong araw.
Pinaharap n'ya ako sa kan'ya at taka akong tinignan. "Sorry saan?" Hinawakan n'ya ang dalawa kong kamay. Malamig ito dahil kagagaling lamang sa half-bath.
Napabuga ako ng hininga. "Sigurado akong napagod ka sa pabalik-balik takbo at sakay patungong Mall at palengke," mahina kong sambit sapat na para marinig n'ya.
Ngitian n'ya ulit ako na para 'bang hindi s'ya pagod ngayong araw. "Naiintindihan ko, okay. At saka gusto kong sinusunod kita at inaasikaso. Alam mong lahat ng gusto mo kaya kong ibigay sa 'yo."
Napanguso tuloy ako. "Kaso napagod ka..."
"Sulit naman pagod ko." Hindi ko alam kung bakit may ibang ibig sabihin ang sinabi n'ya. "'Wag 'kang mag-alala. Hindi ako napapagod."
Kinunutan ko s'ya ng noo. "'Di ako naniniwala. Kita ko sa mata mo, oh." Tinuro ko ang kan'yang mata at mukha. "Kailangan mo ng tulog kaysa sa 'kin. Kain at tulog lang yata gawain ko rito. Wala tuloy akong kwenta."
Bahagya n'yang pinisil ang aking kamay. "'Wag mong sabihin iyan. Sige." Umayos s'ya ng upo at buong atensiyon n'ya akong tinitigan. "Para makabawi ka sa 'kin... Kiss mo ako sa pisngi."
Biglang nawala ang busangot kong mukha at napalitan ng mahinang halakhak. Marahan kong pinisil ang kan'yang pisngi.
"Ouch." Drama n'ya at nakangiti pa nga.
"Pansin kong adik ka na sa halik at lambing ko." Ngumisi pa ako. "Masama 'yan."
Napahiyaw ako nang bigla n'ya akong tinulak pahiga at pumaibabaw sa 'kin. Nanggigigil kong pinisil ang kan'yang braso na ikinatawa lamang n'ya.
"Kaya nga 'wag 'kang magpa-cute sa 'kin dahil talagang maaadik ako sa halik mo." Ngumisi s'ya at mabilis akong hinalikan sa labi. "Tulog na tayo, Misis ko."
"Ang dami mo nang tawag sa 'kin." Napanguso ako.
Umalis s'ya sa ibabaw ko at humiga naman sa aking tabi. Hinapit n'ya akong beywang at inilagay ang aking ulo sa kan'yang dibdib.
"Kahit ano ang tawag ko sa 'yo. Mapa Love, Askim o Misis man ay iisa lang naman ang mahal ko."
Ramdam ko tuloy ang kan'yang hininga na tumatama sa 'king buhok. Rinig ko rin ang kan'yang pagtibok ng kan'yang puso nang ilapat ko ang aking taenga sa kan'yang dibdib.
Hindi ko na napigilang 'di antukin. Hinintay ko lang talaga s'yang makatabi ako bago ako matulog.
"Love?" tawag n'ya pero nilamon na ako ng antok. Napapikit na ang aking mga mata.
"Good night. I love you."
Bago pa man ako lamunin ng kadiliman ay naramdaman ko ang kan'yang malambot na labi na tumama sa 'king noo at tungkian ng ilong.
~•~•~•~
Maaga akong nagising dahil gusto kong bumawi kay Russ. All around s'ya kahapon at wala man lang ako naitulong. Gusto ko ako naman ang magsilbi para sa kan'ya.
Hindi muna siguro ako magtatarbaho mamaya. Madami pa pala akong gagawin sa eskwelahan at dagdag pa na pagod ang katawan kong kumilos.
Tulog pa rin si Russ at sinadya ko talaga na ako mauunang magising. Ang sarap pala n'yang titigan habang mahimbing ang kan'yang tulog. Matagal-tagal din kasi s'yang walang magandang tulog simula no'ng high school s'ya.
Naikuwento na n'ya ang buong pangyayari n'ya noon. Hanggang ngayon kontrolado pa rin s'ya ng kan'yang Ama pero hindi na katulad dati na mabibigat na tarbaho ang pinapagawa sa kan'ya.
Napatalon ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ang malaking brasong pumulupot sa 'king tiyan na nagmula sa aking likuran.
"Good morning, love," paos na bati ni Russ at hinalikan pa ako sa pisngi.
Hindi ko s'ya nilingon at pinagpatuloy ang aking pagluluto ng adobo. "Good morning, love." Napangiti tuloy ako nang marinig ang kan'yang bulong.
"Nagluluto ang aking mahal at para iyon sa 'kin," tila nahihibang n'yang bulong.
Napailing na lang ako. Ito pa ang personalidad na nalaman ko sa kan'ya. Hilig n'yang bumulong-bulong sa kawalan. Minsan naririnig ko at minsan hindi. Halos lahat ay tungkol sa 'kin.
Walang tigil n'ya akong hinahalikan sa gilid ng aking noo. Hinampas ko ang kan'yang kamay na nakapulupot pa rin sa 'king tiyan.
"Nagluluto ako, Russ. Do'n ka muna sa lamesa." Tinuro ko pa ang hapag-kainan na nasa likuran lang namin.
Umiling s'ya. "Manonood ako," pangungulit n'ya.
"Hindi ako matatapos dito. Papasok pa tayo sa eskwelahan kaya ro'n ka muna."
Rinig kong bumuga s'ya ng hangin at nagbubulong na naman.
"Sige, maghihintay na lang ako sa lamesa."
Napangiti na lang ako nang makitang nakapalumbaba s'ya sa lamesa habang nakatingin sa 'kin. Seryoso ang kan'yang itsura at mukhang nagtatampo.
Parang babae, eh. Dapat nga ako ang gumaganyan. Tsk. Ibinalik ko ulit ang aking atensiyon sa niluluto ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro