Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 21


EMERSYN SOLACE

“Kumain ka pa ng marami.”

Bagsak balikat na tinignan ko ang inilapag ni Russ na monggo. Halos kainin ko na lahat ng gulay n'yang niluto at ewan ko ba kung bakit n'ya ako pinapakain nito.

“Busog na ako, Russ...” Inilayo ko ang monggo at napahawak sa tiyan ko. Masarap sana 'yong luto n'ya kaso busog na talaga ako. Alangan naman na ipilit ko 'pang isiksik ang gulat sa tiyan.

Kasalukuyan s'yang nagpiprito ng talong na may itlog nang marinig ang reklamo ko. Kaagad n'yang pinatay ang kalan at mabilis na tumungo sa 'kin.

“Sige, mamaya kakainin mo ulit ito, ah?” Ngitian pa n'ya ako at tinakpan ang mga iba 'pang gulay na tinikman ko na.

Ang weird n'ya ngayon at kanina ko pa ito napansin simula nang hawakan n'ya ang aking tiyan. May binulong pa nga ito pero hindi ko narinig. Hayst, nand'yan pa rin kasi ang sakit n'ya.

Pinunasan n'ya ang kan'yang mukha na namamawis dahil kanina pa s'ya nagluluto ng iba't-ibang putahe. Binaklas n'ya ang kan'yang salamin na suot-suot. Pinunasan n'ya ito saka ibinalik.

“May kailangan ka pa ba? Ano gustong inumin?” sunod-sunod n'yang tanong at mabilis na tumungo sa ref na nasa gilid ko lamang.

Napahikab ako sa kawalan. “May gatas ka ba?” tanong ko dahilan para mapatingin ito sa 'kin.

Nagtaka naman ako nang bigla itong tumahimik at napatingin sa kan'yang ilalim. Binalingan ulit ako.

“Yeah, anong gagawin mo sa gatas ko?” Tinuro pa n'ya ang nasa gitnang hita n'ya. P*ste!

Agad umusok ang aking ilong at pinamulahan ng pisngi. “H-Hindi 'yan ang ibig kong sabihin, Russ!” taranta kong singhal at napahilamos sa mukha.

Napabilog naman ang kan'yang bibig at bahagyang tumango. Nahihiyang tinignan ako. “Akala ko 'yong gatas ko.” Napakamot pa ito sa batok. “Linawin mo kasi.

Pinanlakihan ko lang s'ya ng mata. “Ewan ko sa 'yo! Baka epekto 'yan dahil nalilibugan ka sa 'kin!”

Lumapit s'ya sa 'kin at tinabingi ang kan'yang ulo. “Is that so?” Umasta naman itong nag-iisip, inosente talaga. “What should I do? Mukhang malala na ako.”

Gusto kong matawa nang sabihin n'yang malala s'ya. “H'wag mo na akong hahalikan,” sagot ko.

Natigilan naman s'ya at napatunganga.

“H'wag kang titikim sa katawan ko.” Ipinakita ko pa sa kan'ya ang aking buong katawan. “Dapat nga isang buwan tayo hindi magkita para mawala kaagad. What do you think?” Ngumiti akong inosente sa kan'ya.

Agad sumalubong ang kan'yang kilay sa sinabi ko. “Hell no,” seryoso at madiin n'yang sambit. “Hindi ko 'yon kaya, Love. Bahala ka d'yan, ayaw ko ang iniisip mo.”

Tuluyan na nga akong napahalakhak. Nagtaka naman s'ya kung bakit ako tumatawa. Tinuro ko pa ang seryoso nitong mukha, kulang na lang ay sasabog na.

“Hindi mo ako kayang iwan 'no?” Ngisi ko pa. Tumayo ako sa pagkakaupo at niyakap ito. Wala pa ring imik at nakatitig lamang sa 'kin. “Joke lang!” singhal ko at hinampas ang kan'yang dibdib. Masyado kasing sineseryoso.

“Walang nakakatawa, Love.”

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako. Kahit pala naiinis s'ya tinatawag pa rin n'ya akong love.

Pinanlakihan ko s'ya ng mata. “Kaya iwas-iwasan mo ang pagiging adik mo sa 'kin. Nakakasama 'yan.” Humiwalay ako sa pagkakayakap at ako na mismo ang humanap ng gatas sa ref kaso wala kaya sinara ko na lang.

“Hindi kaya,” depensa n'ya. Napaikot na lang ang mata ko sa kan'ya habang nakangiti, hindi ko talaga maiwasang 'di maging masaya.

“Bahala ka.” Hinalungkat ko ang mga cabinet n'ya. “Wala ka 'bang stock na gatas?” tanong ko kahit mukhang wala nga s'yang gano'n.

“Wala, anong gagawin mo sa gatas?”

Lumingon ako sa kan'ya. Napakagat labi akong inilibot ang tingin sa kusina, nagbabaka sakaling may makita akong inumin.

“Gusto ko ng gatas.” Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay maiiyak ako kapag hindi ako nakatikim ng gatas. Gusto kong uminom no'n.

Nataranta naman s'ya nang matauhan. Kaagad n'ya akobg nilapitan at hinawakan ako sa pisngi. “Gusto mo ng gatas? Wait, bibili ako sa labas.” Taranta s'yang tumakbo sa pabalik sa kwarto at iniwan ako rito.

Wala akong nagawa kundi maghintay sa kan'ya. Umupo muna ako sa upuan at hiniga ang aking ulo sa lamesa. Naglalaway na ako sa gatas.

Ilang saglit lang ay biglang sumulpot si Russ na humahangos. May dala itong jacket at nakasuot na rin ito ng short at t-shirt na kulay itim. Lumapit s'ya sa 'kin at hinalikan ako sa tungkian ng aking ilong. Nagtaka naman ako.

“Dito ka lang muna, ah? H'wag ka nang malungkot dahil bibili na ako.”

Magsasalita na sana ako nang bigla s'yang kumaripas ng takbo papuntang labas ng apartment n'ya. Sinilip ko naman s'ya mula rito sa pintuan at nakitang natataranta itong pinaandar ang kan'yang motor.

“Dahan-dahan naman, Russ!” sigaw ko. Nagthumbs-up lang ito at tuluyan na nga'ng pinaharurot ang kan'yang motor papaalis. 'Di ko alam kung saan s'ya bibili gayong gabi na ngayon.

Habang naghihintay sa kan'ya ay napag-isipan ko na lang na matulog muna sa kan'yang kwarto. Hindi ko na alam kung ilang minuto na akong nakatulog. Nagising lamang ako nang maramdaman ang haplos ng mainit na palad sa 'king pisngi.

Dahan-dahan kong inimulat ang aking mata at tumambad sa 'kin ang maaliwalas na mukha ni Russ. Agad n'yang inalis ang kan'yang kamay sa pisngi ko nang makitang gising na ako.

“Binilhan na kita ng gatas pati ang ilang prutas na pwede mo matakam-takam.” Inalalayan n'ya akong bumungon kahit kaya ko naman. Weird.

Ngitian ko s'ya at malambing na niyakap. “Salamat.” Kaagad akong umalis sa pagkakayakap. “Iinom na ako ng gatas!”

“Dahan-dahan naman!” sita n'ya nang tumakbo ako papuntang kusina.

Kaagad kong hinanap ang gatas na binili n'ya sa paper bag. Agad kong binuksan ito nang makuha at ininom kaagad.

Ramdam ko ang kanyang presensiya sa 'king likuran pero 'di ko na lang pinansin at kumuha ulit ng isang boteng gatas. 'Di nga ako nagkamali dahil hinawakan n'ya ako sa beywang.

“'Wag mo naman biglain ang pag-inom,” mahinahon n'yang saway sa 'kin at akmang kukunin sa 'kin ang bote ng gatas nang ilayo ko ito kaagad.

“Kumuha ka ng sa 'yo, Russ.” Tinanggal ko ang kan'yang kamay sa 'king beywang at umupo sa upuan.

Rinig ko naman ang bulong nito na mukhang nagrereklamo. Bahala s'ya d'yan.

“Love,” pangungulit n'ya nang 'di ko s'ya pinansin.

Nagbingi-bingihan lang akong nakaupo sa sofa at nanood ng TV. Wala talaga s'yang Tv kanina pero dahil nagreklamo ako, kumaripas kaagad s'ya ng takbo palabas ng bahay at bumili sa Mall.

“Wala lang sa mood si Love.” Napataas ang kilay ko nang maramdaman ang kan'yang kamay sa 'king tiyan. Hinihimas himas n'ya ito at ewan ko ba kung bakit.

“Nanonood ako, Russ!” singhal kong bulong habang nakatutok pa rin sa pinapanood ko.

Yumakap s'ya mula sa gilid ko at hindi nakinig sa 'kin. “Mahal ako ni Emersyn,” pakanta n'yang sambit at sumandig sa 'king balikat. Nababaliw na.

'Di ko na namalayang napangiti na pala ako. Mabilis ko s'yang hinalikan sa pisngi. Sumandig sa kan'yang dibdib habang nakatutok ulit sa tv.

Ramdam ko naman napangiti s'ya. “Sabi ko nga hindi ako matiis ni Askim.” Mas hinigpitan n'ya ang kan'yang yakap sa 'kin. “Busy lang si Love kaya hindi n'ya ako pinapansin.”



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro