CHAPTER 20
EMERSYN SOLACE
'Di na namin namalayang nakahiga na kami sa sahig habang patuloy pa rin n'ya akong hinahalikan na tila sabik na sabik.
Lahat ng inis, galit at pagkaselos ko ay nawala. Hindi lang dahil sa paliwanag n'ya kundi dahil sa nakakalasing na halik na binibigay n'ya sa 'kin.
Napasinghap ako ng mahawakan na n'ya ang sensitibong parte sa ilalim ng katawan ko. Gusto kong sabihin na baka may makakita sa 'min pero imbes na suwayin s'ya ay ungol ang lumabas mula sa bibig ko.
“O-Ohhh...”
Dahil sa narinig n'ya ang ungol ko ay mas lalo pa n'yang pinag-igihan ang paggalaw ng kan'yang labi sa 'kin.
'Di ako masyado makapag-isip dahil sa sarap at halinghing lamang ang nararamdaman at lumalabas sa 'kin. Naisigaw ko ang kan'yang pangalan nang bumaba ang kan'yang halik mula sa leeg hanggang sa ilalim ko.
Wala sa sariling napasabunot ako sa kan'yang malambot na buhok at do'n kumuha ng pwersa dahil sa nakakabaliw na sensasyon na ngayon ko sa kan'ya ko lamang naramdaman.
Ramdam ko ang paglabas-masok ng kan'yang dila sa kweba ko habang ako naman ay pawis na pawis dahil sa panggigigil ko sa kan'ya. 'Di ko makontrol ang sarili ko dahil mismo ang katawan ko ay may gusto nito.
Mahabang ungol ang inilabas ko nang maramdaman ko ang paglabas ng katas sa ilalim ko. Bagsak ang likod ko sa sahig at napahabol ng hininga. Pakiramdam ko ay pagod na ako sa ginawa n'ya.
Rinig ko ang tunog ng kan'yang paghubad ng sinturon at zipper dahilan para mapamulat ako.
Akmang tatayo na sana ako para pigilan s'ya na baka may makakita sa 'min nang tinulak n'ya ako ng mahina at dinaganan ako sa itaas.
“M-Mamaya na, Russ baka may makakita sa 'tin—”
Natahimik ako nang sinungaban n'ya ako ng mabilis na halik at napalayo rin ng konti at tinitigan ako sa mata na may bahid na ng pagnanasa.
“Akong bahala, Love. Walang makakita sa 'tin dito. Please, miss na miss na kita...” Akmang hahalikan na n'ya ako nang umiwas ako.
Napatawa ako ng mahina at pinilit s'yang tumayo na pero ayaw n'ya talaga. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kakabahan sa malungkot n'yang mata pero nahahalata ko naman na hindi na n'ya mapigilan ang sarili n'ya.
“Ilang oras lang naman tayo naghiwalay, ah,” 'di makapaniwala kong saad sa kan'ya.
Nagreklamo naman ito bago siniksik ang kan'yang mukha sa leeg ko at sininghot ito na ikinataas ng balahibo ko. Medyo may kiliti pa naman ako sa leeg minsan.
“Kahit na! Miss na kita, Love... Please, mamamatay yata ako sa isipang ayaw mo na sa 'kin.”
Hinampas ko s'ya ng mahina sa braso at napatawa rito. Agad nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang bagay na tumutusok sa ilalim ko.
Alam kong sa ano iyon dahil hindi naman ako masyadong inosente sa bagay at saka ramdam ko iyon.
Ibinaling ko ang tingin sa kan'yang nakakaawang mukha. Sinisinghot n'ya lamang ang aking leeg at hinahalik-halikan ito. Alam kong tinitigasan na s'ya at higit pa rito ang gusto n'yang mangyari. Naawa naman tuloy ako.
Napatingin ako sa bawat sulok ng lumang classroom na pinasukan namin at pinakiramdaman kong may tao ba na papalapit o ano. Nagpapasalamat naman ako na wala namang bakas na tao sa paligid at tanging kami lamang nandito.
Napabuga ako ng hininga at tinapik ang kan'yang pisngi. “I-Isa lang, ah? Alis na tayo pagkatapos— a-ahh!”
'Di n'ya ako pinatapos sa pagsasalita nang binigla ako sa pagpasok ng kan'ya sa 'king loob. Medyo masakit pa rin kahit pangalawang beses na mangyari ito sa pagitan namin.
Hinampas ko s'ya sa braso at napapikit dahil sa sakit at sarap na naramdaman ko. “B-Bakit mo binigla?”
Ang loko, tumawa lamang at masuyo akong hinahalik-halikan sa labi at bumubulong na mahal n'ya raw ako at sa kan'ya lamang ako.
“Mahal kita, mahal mo rin ba ako, Love?” malambing na tanong n'ya sa 'kin habang 'di pa s'ya gumagalaw sa itaas ko.
Alam kong pinapakiramdaman n'ya kung nasasaktan pa rin ako kaya hindi pa s'ya gumagalaw sa itaas.
“Mahal kita. G-Gumalaw ka na, Russ,” tugon ko.
Nagreklamo ulit ito. “Tawagin mo akong love muna at sabihin sa 'kin na mahal mo ako,” utos n'ya sa 'kin at niyakap ako saka siniksik ang kan'yang mukha sa leeg ko.
Ramdam ko tuloy na lumalaki ang kan'ya sa 'king loob dahilan para mapaungol ako at ako na mismo ang gumalaw mula sa ilalim n'ya.
Nagulat naman s'ya nang ginawa ko iyon at ramdam kong nagustuhan naman n'ya. “L-Love, itigil mo muna...”
Hindi ako sumunod sa kan'ya at napahalinghing lamang habang ginagalaw ko ang aking balakang sa ilalim n'ya. “M-Mahal kita, Love... P-Please— ah!”
Napakapit ako ng mahigpit sa kan'yang likuran nang mabilis s'yang gumalaw sa itaas ko na parang konting suyo at lambing ko pa sa kan'ya ay tuluyan na s'yang maging agresibo at 'di na makapagtimpi.
Rinig ko ang paglabas-masok ng kan'ya sa 'kin. Ang tanging maririnig lamang dito sa loob ay halinghing at ungol naming dalawa.
Napahigpit ang kan'yang paghawak sa 'king balakang. “K-Kasalanan mo ito, L-Love... Sh*t, bakit kasi nakakabaliw ka,” nahihirapang sambit n'ya at saka mas binaon pa ang kan'ya sa loob ko dahilan para mapakagat ako sa sariling labi.
Ilang bayo ang ginawa n'ya matapos n'yang labasan sa loob ko dahilan para maramdaman ko ang init ng kan'yang likido.
'Di ko na inabala pa ang ibang bagay dahil sa halong-halo na pagod at nararamdaman kong sensasyon sa kan'ya. Bago pa man ako pumikit ng mata nang bumulong s'ya at inangkin ulit ako.
Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang sigawan sa labas. Nagsalubong ang kilay ko bago dahan-dahang inimulat ang mata ko.
“What the fuck did you do to her?! Sabi ko nga ba hindi ka mapagkakatiwalaan talaga!”
“Girlfriend ko s'ya at boyfriend n'ya ako. Wala kang pakialam kung anong gawin namin!”
“Sinungaling! Sabi ni Emersyn kaibigan ka lang n'ya kaya 'wag mo kong maloko!”
Nanlaki naman ang mata ko nang marinig ulit ang bangayan sa labas at mukhang si Russ at Jerick ang nagtatalunan.
Napatingin muna ako sa damit na suot ko. Napasapok lamang ako sa noo nang makitang malaking t-shirt iyon ni Russ at panigurado na iba na ang iisipin ni Jerick.
Kahit hindi ako komportable sa suot ko ay lumabas ako sa kwarto ni Russ. Di'ba sa school pa kami? Napailing lamang ako, baka dinala kaagad n'ya ako rito matapos ang nangyari sa 'min.
Kita ko si Jerick sa labas ng apartment ni Russ habang namimilit itong pumasok sa loob. Agad akong naglakad papalapit sa kanila at inawat.
“Anong sinisigaw-sigaw n'yo? Baka maingayan ang kapit-bahay,” diin kong sermon sa kanila at pinameywangan sila.
Napatingin naman silang dalawa sa 'kin. Nakita ko pa ang pagtingin ni Jerick sa suot ko bago ako hinila ni Russ para yakapin at iharang ang likuran n'ya paharap kay Jerick.
“Shit! Bakit lumabas ka?!” singhal ni Russ at mas lalo akong niyakap na akala mo ay aagawin ako kay Jerick.
“Anong ginawa n'ya sa 'yo, Syn?! Pinagsamantalahan ka ba ng lalaking ito?!” mabilis at gulat na gulat na tanong ni Jerick sa likurang bahagi ni Russ na hindi ko man lang nakita.
Mabilis na lumingon si Russ kay Jerick at kita ko ang pagdilat ng kan'yang mata. “'Wag 'kang papasok! D'yan ka muna!” mabilis na sigaw n'ya at dinala ako sa kwarto na tinutulugan ko kanina.
Hindi pa ako nakapagsalita nang saraduhin n'ya ang pintuan ng kwarto saka ako hinarap na may bahid na taranta at pagkainis. “Bakit ka lumabas na gan'yan ang suot mo?! Paano na lang kung nakita n'ya ang hita mo?” sunod-sunod n'yang singhal sa 'kin.
Minsan may pagka-oa rin si Russ, eh. Kaya naman pala hinarang n'ya ang kan'yang katawan sa 'kin para 'di ako makita ni Jerick na nasa ganitong pananamit.
Napakamot ako sa nakabuhaghag ko 'pang buhok. “Wala akong damit dito. At saka... Kasalanan mo rin naman.”
Kung sana hindi n'ya pinunit ang uniform ko kanina, eh 'di sana may susuotin akong damit ko.
Napahinto naman s'ya matapos marinig ang sinabi ko. Bumaba ang tingin n'ya sa ilalim ko dahilan para taka akong mapatingin doon.
Hanggang tuhod ang suot kong t-shirt na pagmamay-ari n'ya. Napataas ang dalawa kong kilay at inangat ang tingin sa kan'ya.
Medyo nawe-weirduhan ako sa kilos n'ya ngayon. Oo nga pala, may disorder pala s'ya.
Mula sa inis nitong mukha kanina ay napalitan ng ngisi. Tumaas ang balahibo ko nang tuluyan na s'yang nakalapit sa 'kin at masuyong hinapit papalapit sa katawan n'ya.
Ngayon ko lang napansin na nakatopless pala s'ya. Kaya naman pala iba na ang tono kanina ni Jerick sa pananalita dahil bukod sa nandito ako, nakahubad pa ito ng pang-itaas na damit.
“Paanong naging kasalanan ko? Hmm... Explain mo nga,” mapaglarong sambit n'ya.
Pinamulahan naman ako ng pisngi nang pumasok sa isip ko ang nangyaring kababalaghan sa 'min kanina. Paano na lang kaya kung may nakakita sa 'min?!
Inikutan ko s'ya ng mata. “Ewan ko sa 'yo. Baliw ka nga talaga, paano na lang kaya kung nasilip tayo ng estudyante kanina? Edi nakita na nila ang katawan ko.”
Tila 'di n'ya nagustuhan ang panghuling sinabi ko kaya napataas ang kilay n'ya at saka naging seryoso ang mukha. “Edi dukutin ko ang kanilang mata at wasakin ang utak para maalis ang nakita nila sa 'tin.”
Hinampas ko s'ya sa dibdib na ikinatawa n'ya. Halos maniwala na ako sa sinabi n'ya, sana nga ay nagbibiro lamang s'ya.
“Akala ko totoo! Hmp! Baka mamaya n'yan ay may napatay ka na palang tao.” Napacross-arm ako sa harapan n'ya.
Gano'n din ang ginawa n'ya at nakangisi akong tinignan. “Sa tingin mo ba kaya kong pumatay?”
Napaisip naman ako. Wala naman sa mukha n'ya ang pumatay at wala naman akong naramdaman na may ginawa s'yang kasalanan.
“Maniniwala ako kung makita ko sa dalawang mata na may pinatay ka ay do'n na ako maniniwala.”
Sa pangalawang beses ulit ay niyakap ulit n'ya ako ng mahigpit at kung ano-ano na ang pinupuri sa 'kin nito na kadalasan n'yang sabihin sa 'kin.
“Mahal mo nga talaga ako. Mahal mo rin ba ako? Hmm... Dito ka ulit matulog para makatulog ako, ah?”
Tumawa lamang ako ng mahina sa kan'ya at sinabihan na mahal ko rin s'ya dahilan upang maging isip-bata ulit ito.
Kung ang gamot n'ya ay ang manatili ako sa tabi niya, hindi-hindi na ako lalayo sa kan'ya kahit gumaling na s'ya. Napatunayan na n'ya sa 'kin na hindi n'ya magagawang pagsamantalahan at lokohin dahil sa estado pa lang n'ya ngayon ay mukhang nahulog na sa 'kin ng tuluyan.
'Di na ako magdadalawang isip sa pagkatao n'ya dahil kahit may makita akong mali sa kan'ya. Kahit na may problema s'ya sa pagkatao, babalik at babalik pa rin ako sa piling n'ya. Walang makakatakas sa isang baliw na katulad n'ya.
“Hindi kayo aalis sa tabi ko,” mahina n'yang sambit sa taenga ko at saka naramdaman ko ang mainit n'yang kamay sa tiyan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro