CHAPTER 18
EMERSYN SOLACE
Halos 'di ako makatulog kagabi sa huli n'yang sinabi kahit inaantok ako. Paano ako aantukin kung bumabagabag pa rin sa isipan ko ang salitang narinig ko mula sa kan'ya?
Sino si Askim? Dati ba n'yang girlfriend? Gusto kong umiyak ng tudo dahil sa katangahan na ibinigay ko pa sa kan'ya ang aking pagkainosente.
Siguro hindi n'ya talaga ako mahal. Kung mahal n'ya ako, dapat wala na s'yang iniisip na ibang babae pa. Gusto n'ya lang siguro na matikman ako dahil bukod sa birhen ako, walang-wala ako.
Tahimik lamang akong umiiyak dito sa kama habang katabi si Russ na natutulog. Ito siguro ang parusa sa 'kin dahil sa nagtitiwala kaagad ako sa isang tao na hindi ko lubusang kilala. Tama kayang sinunod ko si Asher?
Sino ang mapagkakatiwalaan ko ngayon? Si Asher muntik na n'ya ako gahasain, ngayon na umibig ulit ako, may mahal na palang iba ang nakauna sa 'kin.
Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga sa kama. Ininda ko ang sakit na nagmumula sa ilalim ko. Napatingin ako roon at halos humagulgol na lang ako dahil tuluyan na nga n'yang nakuha ang gusto n'ya.
Dati pinapangarap kong maikasal muna bago ibigay sa lalaki ang sarili kong pagkatao. Dahil sa pag-ibig, dahil sa inuna ko damdamin kaysa sa isip ay ito na ang kahinatnan ng lahat.
Pinahid ko ang luhang patuloy na bumabagsak mula sa mata ko. Kinuha ko ang sleeping dress ko at tahimik na sinuot ito at saka ako napatayo sa pagkakaupo para umalis na ro'n.
Ngayon na nakakatulog na s'ya sa kabila ng kan'yang sakit, siguro naman ay kaya na n'ya ang sarili kahit wala na ako.
Lumabas ako sa apartment n'ya at dumiretso sa apartment ko na katabi lamang sa kan'ya.
Kahit masakit at mahapdi ang sa ilalim ko, naligo ako at nakapagbihis ng simpleng T-shirt at leggings.
Napatingin ako sa orasan ng cellphone ko. 3:00am pa lang ng madaling araw at hanggang ngayon 'di pa rin ako makatulog.
Napagpasyahan ko na lamang na mahiga muna sa kama ko at hintayin na sumapit ang umaga.
“Di'ba boyfriend mo si Asher?”
Umiling ako kay Jerick at ngitian s'ya ng tipid. “Break na kami no'ng nakaraan lamang.”
Napahawak naman s'ya sa kan'yang bibig na tila nagulat sa narinig. “Bakit? Anong nangyari sa inyong dalawa?”
Kinuwento ko naman sa kan'ya ang simula ng pagdududa ko kay Asher hanggang sa nagkahiwalay kami. Pero hindi ko sinabi na pinagsamantalahan ako ni Asher dahil ayaw ko nang balikan ang tapos na at gano'n din kay Russ.
'Di ko alam kung alam ni Russ na nandito ako at kung alam n'ya na iniiwasan ko na s'ya. Wala na s'yang hahanapin pa sa 'kin dahil nakuha na n'ya ang gusto n'ya.
“So? Sino 'yong lalaking humahatid-sundo sa 'yo ngayon? Balita ko ay may boyfriend ka raw ulit,” takang wika ni Jerick habang nakapalumbaba sa lamesa dito sa bench banda sa ilabas ng building.
Inayos ko ang mga gamit at inilagay sa loob ng bag ko bago s'ya sinagot. “Wala naman akong boyfriend ngayon.”
Napataas ang kilay n'ya sa sagot ko. Wala na akong planong ipagsabi na nagging boyfriend ko pa si Russ dahil ngayon pa lamang ay kakalimutan ko na s'ya at break na kami kahit 'di pa n'ya alam.
“Eh, sino ang lalaking nakasalamin na kasama mo? Sabi ng ilang estudyante rito ay boyfriend mo raw.”
Mapait na umiling ako sa kan'ya. “Wala lang s'ya sa 'kin, Jerick. Close friend ko lang 'yon.”
Tumango-tango naman si Jerick at naniwala naman sa 'kin. Inaya n'ya akong pumasok na sa sari-sarili naming classroom kaya tumayo s'ya. Akmang tatayo na ako sa pagkakaupo nang makita si Russ na nakatingin sa 'min 'di kalayuan lamang.
Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako. Ngayon ko lang kasi naisip na isa s'yang psycho kaya delikado pala na mainvolve sa kan'ya.
Malalaking hakbang ang nilakad n'ya papalapit sa 'kin. Halos magngitngit na ang kan'yang ngipin habang nakatingin sa amin ni Jerick.
Kinabahan ako nang huminto s'ya sa harapan namin. Napatayo ako sa gilid ni Jerick at hinawakan ang laylayan ng kan'yang uniform. Napatingin naman doon si Russ at mas lalo lamang sumama ang timpla ng kan'yang mukha.
“Sino s'ya, Emersyn?” seryosong tanong ni Russ na ikinatahimik ko lamang.
Taka naman si Jerick habang palipat-lipat ang kan'yang tingin sa 'ming dalawa. “Ito yata 'yong sinasabi mo sa 'kin na kaibigan, Syn. S'ya di'ba?” tanong n'ya at saka tinuro pa si Russ.
Napapikit na lamang ako ng mariin dahil sa sinabi ni Jerick. Nag-aalangan naman akong nakatingin kay Russ na mukhang gagawa ng gulo.
Kita ko ang pagkayukom ng kamao ni Russ. “Bakit mo s'ya kasama, Emersyn? Kanina pa kita hinahanap,” tanong n'ya sa 'kin.
Buti na lang ay napigilan pa n'ya ang kan'yang sarili na gumawa ng gulo rito. Marami pa namang estudyanteng dito banda.
Balak yata ni Jerick na umalis mag-isa kaya pinigilan ko ito. Nagmamakaawa naman akong nakatingin sa kan'ya at sinenyasan s'ya na samahan ako. Kahit nagtataka s'ya ay sinunod naman n'ya ako.
Nawala na siguro ang pasensya ni Russ kaya n'ya tinulak si Jerick na ikinaatras naman nito. Taka at gulat ang nakapaskil sa mukha ni Jerick. Paanong 'di s'ya magugulat, eh tinulak s'ya na walang kaalam-alam sa nangyayari.
Pasimple ko namang inawat si Russ. Buti na lang wala 'pang nakapansin sa 'min dito.
“T-Tama na, Russ.” Awat ko sa kan'ya nang akmang susugurin pa si Jerick na nakatayo na.
Nagbabagang mata n'yang ibinaling sa 'kin ang tingin. “Sino s'ya? Bakit pakiramdam ko ay iniiwasan mo ako? May balak ka pa yata na 'di ako pansinin.”
'Dahil niloloko mo lang ako.' sagot ko sa isip ko.
Kahit natatakot sa posibilidad na mangyari sa sasabihin ko ay nagawa kong sambitin ang gusto kong sabihin. “B-Break na lang tayo, Russ...”
Taka, takot at galit ang nakikita ko sa kan'yang mga mata habang nakatingin sa 'kin.
“B-Bakit? Anong kasalanan ko, Love? N-Naguguluhan ako.” Napasinghap naman ako nang hawakan n'ya ako sa pisngi. “Bawiin mo ang sinabi mo, Emersyn. Bakit ka nakikipaghiwalay sa 'kin? W-Wag naman ganito.”
Ramdam ko ang pait at sakit sa bawat salitang binigkas n'ya. Gusto kong maawa sa kan'ya at ayusin ang lahat pero huling-huli naman s'ya na may iba s'yang mahal. Hindi ko kakayanin na may ibang babaeng puwang pa sa kan'yang puso.
Napatingin ako kay Jerick sa likuran ko ay sinenyasan s'yang mauna s'ya. Kahit bakas sa kan'yang mukha ang pagtataka ay nagpaalam s'yang mauuna na.
Napabaling ang tingin ko kay Russ nang magsalita ito at maramdamang nakapulot na ang kan'yang braso sa beywang ko dahilan para mailang ako.
Umiba ulit ang mukha ni Russ sa galit na ekspresyon. “Dahil ba sa kan'ya? Gusto mo s'ya?! Hindi ako makakapayag!” galit n'yang sigaw na tila nasisiraan na ng ulo. Sinumpong na naman s'ya..
Ramdam ko ang tinginan ng mga estudyante sa 'min bago pa man ako makapagsalita ay mabilis n'ya akong hinila papaalis doon at nakarating sa abandonadong classroom.
Bigla ko tuloy naalala ang ginawa sa 'kin ni Asher. Gagawin ba n'ya iyon sa 'kin? Napasinghap ako nang malakas na isinarado n'ya ang pinto at pakiramdam ko ay yumanig ang classroom sa lakas ng impact ng pagkasarado n'ya.
Galit at selos ang nakapaskil sa kan'yang mukha habang papalapit sa 'kin. Kinabahan naman ako sa puntong ito habang paatras na paatras ang ginawa kong hakbang hanggang sa maramdaman ko na ang lamig ng pader.
Tanging naisip ko lamang ay baka plano n'ya akong pagsamantalahan tulad ng ginawa ni Asher sa 'kin. Ayaw ko nang mangyari ulit iyon sa 'kin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro