Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 15

EMERSYN SOLACE

Dinala naman n'ya ako sa public comfort room 'di kalayuan sa pwesto ng kan'yang motor.

Marahan n'ya akong tinulak sa 'pang babaeng CR. “Hintayin na lang kita rito.”

Tumango lamang ako sa kan'ya at dali-daling pumasok sa CR.

'Di nagtagal ay tapos na akong umihi kaya lumabas na ako sa banyo. Tumungo muna ako sa washing area saka hinugasan ang kamay ko.

“Lumayo ka sa kan'ya.”

Gulat akong napalingon sa likuran ko nang may nagsalita. Nataranta tuloy ako nang makitang nakashade ito saka may mask na nakatabon sa kan'yang bibig.

Napamulsa ito bago lumapit pa sa 'kin nang ikinaatras ko. Napahinto lamang ako nang wala na akong maatrasan.

Sino ba ito? 'Di ba n'ya alam na tinatakot na n'ya ako?

“Layuan mo na s'ya habang maaga pa. Illegal ang tarbaho n'ya at hindi kayo nababagay,” seryoso nitong sambit at napatigil sa paghakbang.

Napabuka ng konti ang bibig ko. Anong karapatan n'ya para paghiwalayin kami? Sira na siguro ito.

“Bakit naman kita susundan?” tanong ko saka napahawak ng mahigpit sa damit ko.

Sarkastik s'yang napatawa. “Dahil sinabi ko. Hindi mo magugustuhan ang gagawin—”

“Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa 'yo kapag nilapitan mo ang nobya ko.”

Napahinga ako ng maluwag nang makitang nakapasok si Russ. Bakas na ang seryoso at kadiliman na nakabalot sa kan'ya habang nakatingin sa nakashade na lalaki.

Nabigla tuloy ang lalaki nang makitang nandito si Russ. Doon na ako nakaalis sa kinatatayuan ko at mabilis na tumakbo papalapit kay Russ.

Kaagad akong niyakap ni Russ sa beywang nang makalapit ako sa kan'ya. Mariin na ang titig nito sa lalaki nakatingin sa 'min.

“Layuan mo s'ya, Miss kung ayaw mo masaktan,” salita ng lalaki dahilan para humigpit ang pagkakahawak ko kay Russ sa braso.

Di ko s'ya sinagot at hinila ng bahagya si Russ para makaalis na kami pero hindi man lang s'ya kumurap habang nakatitig sa lalaki.

“Isang salita pa mula sa 'yo ay tatapusin na kita rito mismo," banta ni Russ na ikinatakot ko.

“R-Russ, 'wag... Umalis na tayo, oh.” Pilit kong hinihila s'ya pero ayaw n'ya magpahila.

“Anong laban mo sa armas namin na halos mga baril?” Ramdam ko ang ngisi nito sa likod ng kan'yang maskara.

Kinalibutan tuloy ako sa paraan ng pagtawa ni Russ. Sarkastik ito at alam ko na ang lalaking nakaharap namin ay nangungilabot na rin.

“Baril? Baka ihagis ko sa 'yo ang naglalakihang Bomba namin.”

Napatigil naman ang lalaki sa sinabi ni Russ. Halos hindi na ito makapagsalita dahil sa nalaman at kahit ako rin.

Hindi ba talaga sila nagbibiro? Saan galing ang mga armas nila? College pa lamang si Russ, ah.

Tuluyan na akong hinila ni Russ papaalis doon. Nagpahila naman ako at walang salita ang maririnig sa 'min habang tinatahak namin ang daanan papunta sa pwesto ng kan'yang motor.

Nakatitig lamang s'ya sa 'kin at mukhang may hinihintay na sasabihin ko. Seryoso na ang mood n'ya at alam ko kung bakit na naman.

“A-Anong Bomba ang sinasabi mo, Russ?” pakurap-kurap kong tanong sa kan'ya.

“Sasabihin ko sa'yo mamaya. Sa ngayon paalisin mo muna ang galit ko,” seryosong tugon n'ya na ikinataka ko.

“Paano? Sinusumpong ka na naman?” sunod-sunod kong tanong.

Tumango s'ya. “Konting tiis na lang ay sasabog na ako kaya pakalmahin mo ako.”

Taranta na tuloy ako nang marinig na sinusumpong ulit s'ya.

“P-Paano nga? Anong gagawin ko? Iinom ka ba ng gamot—”

“Lambingin mo ako, Syn. Halikan mo ako, Love...” Ramdam ko na ang inis nito at 'di ko alam kung naiinis ba s'ya dahil hindi ko nakuha ang gusto n'ya o dahil sinusumpong lang s'ya.

Taka naman akong nakatingin sa kan'ya. Seryoso naman ang mukha n'ya at mukha namang hindi nagbibiro. Seryoso? Lambing at halik? Di ko alam kung niloloko ako nito.

“Lambing? Gano'n ba 'yon kapag sinusumpong ka? Hindi ba dapat gamot?”

Frustrated s'yang huminga ng malalim at bumuga. “Ikaw ang gamot ko, Syn kaya lambingin mo na ako.”

Di ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi n'ya pero kasi mukhang seryoso s'ya. Gano'n pala 'yon?

Kahit 'di ko alam na maglambing ay niyakap ko lamang s'ya. Lambing naman siguro ito?

“I-Ito ba?” tanong ko sa kalagitnaan ng pagkayakap ko sa kan'ya.

Agad n'ya akong niyakap pabalik at ipinatong ang kan'yang baba sa balikat ko. Ramdam ko rin ang malalim na paghinga n'ya. “I love you, mahal mo rin ba ako?”

Nakuha ko naman ang sinabi n'ya. “Love you too,” tugon ko at niyakap s'ya ng mahigpit.

Ramdam ko naman na natigilan s'ya. “Lambingan mo pa ako, Love.”

“Nilalambing na kita, ah.”

Ramdam ko ang pagpadyak ng kan'yang paa at mukhang naiinis na naman. “Kulang pa! Lambingin mo pa ako!” parang bata n'yang reklamo.

Napatawa tuloy ako sa akto n'ya. Inis naman n'ya akong ini-swing kaliwa't kanan habang nakayakap sa 'kin, hindi naman s'ya nagagalit sa 'kin.

Hinalikan ko ang pisngi n'ya na ikinahinto na n'ya. Mukhang ayos naman sa kan'ya ang paghalik ko sa pisngi nito.

“Mahal ko si Russ,” pinalambing ko pa ang boses ko saka napatawa ng mahina nang makitang namumula ang kan'yang taenga. Ang cute lang.

Napapikit s'ya ng mariin at inalis ang kan'yang salamin. Kahit may salamin o wala man ay guwapo naman s'ya sa paningin ko.

“Mahal mo nga ako at wala nang iba pa,” pagsasang-ayon n'ya. Hinimas-himas pa n'ya ang buhok ko habang paulit-ulit na sinasambit na mahal ko s'ya at mahal n'ya ako.

Kung sa iba ay maco-cornihan ako pero pagdating sa kan'ya ay parang cute s'yang bata.

Kakalas na sana ako sa pagkakayakap nang makitang maraming nakatingin sa 'min, hinigpitan n'ya ako ng yakap nang akmang kakawala ako.

“Galit pa ako, Love. Lambingin mo pa ako,” reklamo n'yang utos sa 'kin.

“Marami na ang nakatingin sa 'tin, Russ. Do'n na lang sa apartment.”

Wala na s'yang nagawa kundi humiwalay sa yakap. Hinalik-halikan n'ya muna ang pisngi at noo ko bago ako sinuotan ng helmet.

Kiniliti tuloy ang tiyan ko sa bawat galaw at akto n'ya. Ang sweet lang talaga n'ya.

“May utang ka pa sa akin na lambing,” paalala n'ya sa 'kin at inalalayan akong sumakay sa motor.

Napahawak ako sa balikat n'ya nang makasakay na s'ya sa unahan ko. Inilipat n'ya ang aking kamay papunta sa beywang n'ya.

“Kumapit ka ng mabuti.”

Kaagad akong yumakap sa kan'ya ng mahigpit. “Ikaw magluluto?” tanong ko.

“Tayong dalawa ang magluluto. Do'n na lang sa apartment ko,” sagot n'ya na ikinatango ko naman. Hindi ko pa pala nasilip ang loob ng kan'yang apartment dahil sa abala ako sa bahay ko at s'ya mismo ang pumupunta sa apartment ko.







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro