Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 13

EMERSYN SOLACE

“Ano ang bibilhin natin?” tanong ko kay Russ habang naglalakad kami sa gilid ng mga gulayan.

Napahinto s'ya sa pwesto ng carrots at saka kinuha n'ya ito sa lalagyan bago sinuri.

“Gulay na naman ang bibilhin natin,” sagot n'ya bago ako nilingon. “Kailangan mong kumain para maging malakas ka at hindi maging malansi ang balat mo.”

Napataas ang dalawa kong kilay. “Malakas naman ako, ah,” depensa ko pa saka napahalukipkip. “Palagi ako binibilhan ni Asher noon ng mga prutas at gulay kaya sa tingin ko naman malakas ako.”

Saglit s'yang napahinto dahil sa sinabi ko. Napakurap-kurap pa ang mga mata n'ya bago ibinaling ulit ang atensiyon sa repulyo.

Do'n ko lamang naisip na nagseselos pala s'ya kay Asher. Ang tanga ko talaga! Bakit ko sinali rito si Asher sa usapan?

Nakasimangot ang mukha n'ya. “Lason naman ang binibigay n'ya sa 'yo, tsk.” Mukhang inis pa ito habang kumukuha ng nga iba't-ibang gulay.

Di ko alam kung matatawa ba ako o humingi rito ng sorry. Mukha kasi s'yang bata na inagawan ng laruan.

Naiintindihan ko na ang personalidad ni Russ. Minsan pala ay sinusumpong s'ya sa pagiging bata, minsan naman ay pagiging seryoso sa isang bagay. Kadalasan naman ay sinasambit n'ya sa 'kin na gusto n'ya ako at mahal n'ya raw ako kaya dapat manatili ako sa tabi nito.

Sa isipan na mahal n'ya ako at ayaw n'ya akong iwan ay napapangiti lamang ako. Ang saya sa pakiramdam na may kasama na ako sa araw-araw na pamumuhay. Sana hindi ito magtagal.

Di ko mapigilang 'di kumurba ang labi ko sa ngiti. “Selos ka na n'yan?” asar ko sa kan'ya na ikinatingin n'ya sa 'kin bigla.

“Oo selos nga ako kaya 'wag mong banggitin ang pangalan ng lalaking iyon,” suplado nitong tugon at hinila ako sa kamay para mapalapit ako sa kan'ya.

Nabigla naman ako sa inakto n'ya nang hawakan n'ya ng mahigpit ang kamay ko habang naglalakad kami sa gitna ng palengke.

'Di ako nakapagsalita kaagad sa sinabi n'ya. Ano naman ang itutugon ko sa sinabi n'yang nagseselos s'ya? Nablangko yata ang utak ko dahil sa direkta s'ya magsalita.

“Hoy! 'Di pa 'yan nabayaran, hijo!”

Kaagad akong napalingon sa pwesto kung nasan kami bumili. Hindi pa ba nakapagbayad si Russ?

Dahil sa huminto ako sa paglalakad ay taka namang napabaling ang tingin sa 'kin ni Russ. “Sino ang tinitignan mo?”

Magsasalita na sana ako nang biglang lumapit sa 'min ang babaeng tindera ng gulayan na may inis sa mukha.

“Ano? Hindi ba kayo magbabayad? Ipapakulong ko talaga kayo sa ginawa niyo!”

Bumitaw muna ako sa pagkakahawak sa kamay ni Russ at hinarap ang babae para pakalmahin ito. “Babayaran na po namin, Manang. Nakalimutan lang siguro ng boyfriend ko na bayaran—”

“Boyfriend, Syn. Boyfriend,” diing sambit ni Russ at mukhang inis na naman dahil sa sinabi kong kaibigan ko ito.

Kahit nanliligaw pa lamang ito ay inaangkin na n'ya ako bilang girlfriend n'ya. Hindi ko naman s'ya mapilit kaya hinayaan ko na lang at saka wala na akong nagawa nang sinagot ko na s'ya.

Napailing lamang ako sa paraan ng panliligaw n'ya. Nagmamadali s'yang sagutin ko kaagad s'ya dahil baka raw ay agawin ako mula sa kan'ya. Wala pa nga'ng isang linggo ang panliligaw nito.

Napailing lamang ako sa pagiging isip-bata nito. “Pasensya na po, Manang. Makalimutin kasi ang boyfriend ko,” paliwanag ko sa kan'ya at lumapit sa taenga ni Manang para bumulong.

Lumayo ako pagkatapos kong masabi ang gusto kong sabihin. Gulat na gulat naman ang mga mata ni Manang at tumango-tango sa 'min.

“Oo, hija alagaan mo nobyo mo. Aba! Delikado pala ang kalagayan n'ya? Dapat kumakain pa s'ya ng maraming gulat n'yan, eh!” problemado n'yang tugon sa 'king binulong.

Dali-dali s'yang bumalik sa kan'yang pwesto at nakita kong may kinuha itong isang basket na puno ng gulay. Gulat naman ako sa rami no'n.

“Anong sinabi mo sa tindera?” takang tanong ni Russ. Sinenyasan ko ito na secret lamang iyon kaya napasimangot ulit s'ya.

Nakalapit na si Manang sa 'min at agad na inilahad sa 'kin ang gulat na tinanggap ko naman.

“Ayan, hija. Pakainin mo ang nobyo mo ng gulay araw-araw para may panlaban s'ya sa sakit,” nag-aalala nitong sambit saka binalingan ng tingin si Russ na ngayon ay halos 'di na maintindihan ang mukha sa narinig.

Natawa tuloy ako sa mukha nito.

“Ikaw, hijo 'wag 'kang mag-inarte sa gulay, ah? Kahit mapait iyan ay masustansiya naman ang bitanima nito.”

Seryoso lamang ang mukha ni Russ na tumango kay Manang. Hindi na kami pinapayad ni Manang sa gulay at dahil iyon sa binulong ko sa kan'ya. Pfft!

“Seriously, Syn? Sinabi mo talaga na may sakit ako?” 'di makapaniwalang tanong n'ya.

Kinagat ko ang pang-iibang labi ko para pigilan ang kumakawalang bungisngis sa bibig ko. Na ikinatingin naman n'ya rito.

“Ayaw mo no'n? Libre tayo sa gulay,” masaya kong dahilan sa kan'ya at lumapit sa t-shirt n'ya na kadalasan kong ginagawa. “Bakit kasi nakalimutan mong magbayad ng gulay roon? Ano na lang sasabihin n'ya sa 'yo?”

Parang may natandaan ito. “Oh right!” Napakamot s'ya bigla sa batok n'ya at binalingan ng tingin ang tindera na kumakaway sa 'min. “Ikaw kasi...”

Gulat naman akong napatingin sa kan'ya. “Bakit ako?” Tinuro ko pa sarili ko. Minsan may pagkalimutin talaga si Russ.

Busangot s'yang bumaba ng tingin. “Palagi mo na lang binabanggit ang pangalan ng lalaki iyon. Sa tingin mo makakapag-isip pa ba ako ng matino kung patuloy 'mong binabanggit ang pangalan n'ya?”

Kinurot ko ang taligiran nito. “Ikaw kaya ang nagsisimula kadalasan ng topic tungkol sa kan'ya. Tinatanong mo ako kung sino ang mas better sa inyo syempre sasabihin ko ang totoo.”

Ito talaga 'di ko maintindihan kay Russ. Minsan kasi tinatanong n'ya sa 'kin kung ano ang masasabi ko sa panliligaw n'ya kaysa kay Asher. Syempre sinabi ko na na-enjoy ako sa panliligaw n'ya at masaya rin ako no'ng niligawan ako ni Asher. Tapos ayon, nagalit s'ya sa 'kin.

Gusto ko na lang tuloy matawa sa kan'ya. Magtatanong tapos magagalit pagkatapos.

“So, I am the better one, right?” nakangisi n'yang tanong sa 'kin. Alam kasi n'ya na s'ya ang mas better. Sino pa 'bang iba?

“Oo na, oo na! College ka na pero 'yong isip mo bata, tsk.” Nagsimula na akong maglakad na ikinasunod n'ya.

Napatingin naman ako sa kamay kong hila-hila na pala ang t-shirt n'ya. Napaangat ako ng tingin para tignan ang reaction n'ya.

Nakangisi pa rin ito at alam kong 'di na naman ito makaget-over sa puri ko sa kan'ya at sa sinabi kong mas better s'ya. Para 'bang ang saya-saya na n'ya na marinig iyon mula sa 'kin.

Kita ko ang bahagyang pagkagat ng kan'yang labi at pamumula ng kan'yang taenga. “Damn, mahal nga kita,” bulalas n'ya sa sarili at hinawakan ako sa bewang na isinawalang bahala ko lamang. Nasanay na rin kasi ako sa pasimpleng galaw n'ya.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro